Ang madalas na itanong sa amin ng
iba lalo na ng mga nagpapakilalang MGA SAKSI NI JEHOVA, ay kung ano raw
ba ang PANGALAN ng aming kinikilalang Diyos na sinasamba?
Ang aming Sagot:
KUNG ANO ANG PANGALAN NA ITINUTURO NG BIBLIA
Sa Lumang Tipan, lalo na sa mga
sinaunang HEBREONG KASULATAN ay napakaliwanag na mababasa na ang PANGALAN ng
DIYOS ay ang mga ito:
“AKO YAONG
AKO NGA at AKO NGA” [Exodo 3:14]
Exodo 3:14 “At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at
kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa
inyo ni AKO NGA.”
Ang Pangalang “JAH” [Awit 89:8]
Awit 89:8
“Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, sino ang makapangyarihang gaya mo, Oh
JAH? At ang pagtatapat mo'y nasa palibot mo.”
Tinatawag din
siyang “ELOHIM” at higit sa lahat ang HINDI NABIBIGKAS na
TETRAGRAMMATON
na “YHWH” [YOD-HEY-WAW-HEY (יהוה)].
Na ito nga po ay
binibigkas ng iba na "YAHWEH" at ang pinakapopular nga ngayon ay ang "JEHOVA", na
unang itinuro ng SIMBAHANG KATOLIKO na Pangalan ng Diyos.
Wala pong
nakakaalam maski na sa PANAHON natin ngayon, ng PINAKAWASTONG PAGBIGKAS ng
TETRAGRAMMATON, ang lahat ay umasa lamang sa mga pormulasyon na ginawa ng
iba’t-ibang mga tao para makabuo ng inaakala nilang WASTONG PAGBIGKAS ng
PANGALANG ito ng DIYOS.
Kung hindi po
natin natitiyak ang bigkas, kailangan pa po ba nating pangahasan na bigkasin
ito?
Narito ang payo
ng mga APOSTOL:
1 Corinto 9:26 “Ako nga'y tumatakbo sa
ganitong paraan, na hindi gaya ng nagsasapalaran; sa ganito rin AKO'Y
SUMUSUNTOK, NA HINDI GAYA NG SUMUSUNTOK SA HANGIN:”
Aba’y huwag daw
po tayong GAYA NG SUMUSUNTOK lang sa HANGIN, ang ibig sabihin po ng salitang
sumusuntok sa hangin, aba'y kung baga sa isang tao sumusuntok pero wala namang tinatamaan. Aba’y WALANG KATIYAKAN at HINDI SIGURADO yun, at sa pagsasabi
niya na siya’y hindi sumusuntok sa hangin, ay hindi siya umaasa sa mga bagay na
hindi siya sigurado.
At sapagkat
walang nakasisiguro sa TUNAY NA BIGKAS ng TETRAGRAMMATON, iyan po ay hindi
namin binibigkas, kundi ang sinasabi namin ay PANGINOON sapagkat iyon ang mas
tiyak, dahil ang DIYOS ay PANGINOON natin. AYAW NAMING SUMUNTOK SA HANGIN..
Ngayon, eh ano
nga ba ang PANGALAN ng DIYOS sa BAGONG TIPAN o SA PANAHONG CRISTIANO?;
May sinasabi si
Cristong ganito:
Juan
17:26 “AT IPINAKILALA
KO SA KANILA ANG IYONG PANGALAN, at ipakikilala ko; upang ang pagibig na sa
akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako'y sa kanila.”
May sinasabi si Cristo dito na:
“AT
IPINAKILALA KO SA KANILA ANG IYONG PANGALAN”
Pero kahit na
basahin mo ng paulit-ulit ang Bagong Tipan ay wala po tayong mababasa na may
ipinakilala si JESUS na PANGALAN ang DIYOS, ang madalas nating nababasa ang
sinasabi niya ay “AKING AMA, INYONG AMA” [Juan 20:17].
Ang ipinakilala
niya ay AMA, pero tumututol ang iba, saan aniya mababasa na ang PANGALAN ng
DIYOS ay AMA?
Kaya malamang na
hindi nga ito ang PANGALAN na tinutukoy ni JESUS bilang PANGALAN ng AMA?
Eh baka sabihin ng iba, YAHWEH yun, o kaya JEHOVA iyon, eh kung wala namang mababasa sa Bagong Tipan, eh di SUNTOK IYAN SA HANGIN. Kaya kailangan nating sagot ay SIGURADO.
Eh baka sabihin ng iba, YAHWEH yun, o kaya JEHOVA iyon, eh kung wala namang mababasa sa Bagong Tipan, eh di SUNTOK IYAN SA HANGIN. Kaya kailangan nating sagot ay SIGURADO.
Eh alin bang
PANGALAN ang sinasabi niya na IPINAKILALA niya sa mga tao, na ito ay PANGALAN
ng AMA, o PANGALANG pag-aari ng Diyos? Itataas lang natin ang basa sa VERSE 11.
Narito po ang
sagot ni CRISTO:
Juan 17:11 “At ngayon, ako’y
papunta na sa iyo; iiwanan ko na ang sanlibutang ito, ngunit sila ay nasa
sanlibutan pa. Amang banal ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng IYONG
PANGALAN, ANG PANGALANG IBINIGAY MO SA AKIN, upang kung paanong ikaw at ako ay
iisa, gayundin naman sila’y maging isa.” [Magandang Balita, Biblia]
Narito ang
PATOTOO ni JESUS tungkol sa PANGALAN NG DIYOS na kaniyang ipinakilala, ANG
PANGALAN NG DIYOS AY ANG PANGALANG IBINIGAY SA KANIYA…
Ano ibig sabihin
nun, PERSONAL na PANGALAN ng DIYOS, ibinigay kay CRISTO? Saan mababasa sa
BIBLIA na si CRISTO ay binigyan ng PERSONAL o PANSARILING PANGALAN ng Diyos?
Wala sa BIBLIA
niyan, ito ang nasa BIBLIA:
Filipos
2:9-10 “KAYA SIYA NAMAN
AY PINAKADAKILA NG DIOS, AT SIYA'Y BINIGYAN NG PANGALANG LALO SA LAHAT NG
PANGALAN; UPANG SA PANGALAN NI JESUS ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa
langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,”
Maliwanag ang SAGOT sa atin ng BIBLIA, ang
PANGALAN NG DIYOS, ay ang PANGALANG IBINIGAY NIYA KAY JESUS, ang JESUS at CRISTO ay pawang mga PANGALANG ibinigay ng
DIYOS, hindi PERSONAL NA PANGALAN, kundi PANGALANG PAG-AARI ng DIYOS.
SIMPLENG
HALIMBAWA:
Ako ay isang
TATAY, nang ipanganak ang bunso kong lalake, tinanong ako kung ano ang
ipapangalan sa kaniya, nagisip ako ng mga pangalan, pagkatapos sinabi ko ang
ipapangalan ko sa kaniya ay JOSEPH, ako ang may-ari ng PANGALAN na iyon, dahil
ako ang nakaisip, pagkatapos ay ibinigay ko sa aking anak at naging pangalan
niya. Entonses PANGALANG PAGAARI KO NA IBINIGAY KO SA ANAK KO, AKING
PANGALANG BINIGAY KO SA AKING ANAK.
Ang PANGALANG
taglay ni JESUCRISTO ay PANGALAN NG DIYOS o PANGALANG PAG-AARI ng DIYOS o MULA
SA DIYOS.
Paano gagamitin
ngayon ang PANGALAN ni CRISTO kapag tatawag tayo sa DIYOS? Tatawagin ba natin
ang DIYOS na JESUS, ganun ba iyon?
Juan 15:16
“Ako'y hindi ninyo hinirang, nguni't kayo'y hinirang ko, at aking kayong
inihalal, upang kayo'y magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang inyong
bunga: upang ang ANOMANG INYONG HINGIN SA AMA SA AKING PANGALAN, AY MAIBIGAY
NIYA SA INYO.”
Utos ni Cristo
na kailangang gamitin natin ang PANGALAN niya kapag tayo ay TATAWAG sa DIYOS,
sa mdaling salita, kung TATAWAG ka sa DIYOS, kailangan mong GAMITIN ang
PANGALAN ni CRISTO:
Kaya nga kaming
mga INC, kapag ka kami ay tumatawag sa AMA naming DIYOS, bago matapos ang aming PANGALANGIN sinasabi namin ang ganito:
“ANG LAHAT PO AY AMING HINIHILING SA PANGALAN NI JESUS
NA AMIN PONG DAKILANG TAGAPAGLIGTAS”
Iyan na ngayon
ang KAILANGAN mong GAMITIN sa tuwing ikaw ay TATAWAG sa DIYOS…IYAN ANG PANGALAN
NG DIYOS NA IBINIGAY SA KANIYA…
Bakit, ano
dahilan at PANGALAN ni CRISTO kailangang gamitin?
Juan 14:6
“Sinabi sa kaniya ni Jesus, AKO ANG DAAN, AT ANG KATOTOHANAN, AT ANG
BUHAY: SINOMAN AY DI MAKAPAROROON SA AMA, KUNDI SA PAMAMAGITAN KO.”
Si CRISTO ang
DAAN patungo sa DIYOS, hindi ka makakaparoon sa AMA kundi sa PAMAMAGITAN niya,
WALA NA PONG DIRECT LINE NGAYON SA DIYOS mga kaibigan, kung TATAWAG ka, kay
CRISTO ka dadaan, dahil sa siya ay TAGAPAMAGITAN sa atin at sa DIYOS.
1
Juan 2:1 “Mumunti kong mga
anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag
mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay MAY TAGAPAMAGITAN TAYO SA
AMA, SI JESUCRISTO ang matuwid:”
Kaya nga dahil
sa ang PANGALANG ito ay MULA SA DIYOS, PAG-AARI NG DIYOS, PANGALAN NG DIYOS,
ito ang PANGALANG MAKAPAGLILIGTAS SA TAO:
Gawa 4:10-12
“Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, na SA PANGALAN
NI JESUCRISTO ng taga Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios na
maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong
harap na walang sakit. Siya ang bato na itinakuwil ninyong mga nagtayo ng
bahay, na naging pangulo sa panulok. AT SA KANINO MANG IBA AY WALANG
KALIGTASAN: SAPAGKA'T WALANG IBANG PANGALAN SA SILONG NG LANGIT, NA IBINIGAY SA
MGA TAO, NA SUKAT NATING IKALIGTAS.”
Ito ang dahilan
kaya wala tayong mabasa sa BAGONG TIPAN na PERSONAL NA PANGALAN ng DIYOS, ay
sapagkat ang ipinagagamit na ng DIYOS sa tao sa panahong CRISTIANO ay hindi na
ang kaniyang PERSONAL na PANGALAN, kundi ang KANIYANG PANGALAN, PANGALANG
PAG-AARI NG DIYOS, na IBINIGAY niya sa KANIYANG ANAK…ANG PANGALAN NI
JESUCRISTO…
ANG TAWAG NAMIN SA KANIYA AY “AMA” DAHIL KAMI AY MGA ANAK NIYA” AT
KAPAG KAMI AY NANANALANGIN GINAGAMIT NAMIN ANG PANGALAN NI JESUS – PANGALAN NG
DIYOS NA PAG-AARI NIYA NA IBINIGAY NIYA KAY JESUCRISTO.
Iyan ang dahilan
kaya ang PANGALAN ng aming RELIHIYON ay IGLESIA
NI CRISTO,
taglay namin ang PANGALAN na IKALILIGTAS…at DIYAN HINDI KAMI SUMUSUNTOK SA
HANGIN…