Showing posts with label Roma 16:16. Show all posts
Showing posts with label Roma 16:16. Show all posts

Sunday, 9 October 2011

Bakit nga ba "Churches of Christ" ang banggit sa Roma 16:16 sa Ingles?


Sabi ni Rholdrae,

“Bro, gusto ko lang sana malaman kung ano ang paliwanag sa Rome 16:16 bakit churches of Christ ito sa english at sa tagalog naman ay "lahat ng mga iglesia ni Cristo" kasi meron akong nabasa na ipinangtutuligsa na ginagamit yung roma 16:16 para malaman ang pangalan ng tunay na iglesia pero pag hango sa wikang ingles ay churches of Christ naman.

---------------------------------------------
  
      BAGAMAT ang Biblia ay bumanggit ng pahayag na “churches of Christ” o “mga iglesia ni Cristo”, tulad ng nasa Roma 16:16:

Romans 16:16  “Salute one another with an holy kiss. The churches of Christ salute you.” [King James Version]

Roma 16:16 “Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo. [Ang Biblia, 1905]

Hindi ito nangangahulugan na mahigit sa isa o marami ang iglesia o ang katawan ni Cristo. Binigyan diin ni Apostol Pablo na iisa lamang ang katawan ni Cristo o iglesia (Efeso 4:4; Colosas 1:18). Kung alin ang marami ay ang mga kaanib o miyembro ng katawan o iglesia na kanyang nilinaw sa kaniyang sulat sa mga taga Roma na ganito ang ating mababasa:

Roma 12:4-5 “Sapagka't kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong MARAMING MGA SANGKAP, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: Ay GAYON DIN TAYO, NA MARAMI, AY IISANG KATAWAN KAY CRISTO, at mga sangkap na samasama sa isa't isa.”

Ano ngayon ang nais ipahiwatig ng katagang “churches of Christ” o “mga iglesia ni Cristo” ?

Anong pangalan ang dapat itawag upang tumukoy sa kabuoan ng katawan ng mga nagsisisampalataya o mga tao ng Diyos? Para maiwasan ang pagiging bias at di isipin ang iisang panig lamang na pagpapaliwanag ating sipiin ang akalat ni G. Don De Welt.

“So that, not only is the expression “churches of Christ” justified, as applied to local congregations of believers; but “church of Christ” as a DESIGNATION OF THE WHOLE BODY OF HIS PEOPLE, lies implicit in its very constitution and history. The idea of it is not only scriptural, it is inseparable from the relation of Christ to the church.” (The Church in the Bible, p. 349)

Sa Filipino:

“Kaya nga hindi lamang ang katagang “mga iglesia ni Cristo” ang nagpapatunay, na ikinapit sa mga lokal na kongregasyon ng mga mananampalataya; Maging ang “iglesia ni Cristo” na ISANG KATAWAGAN NA TUMUTUKOY SA KABUOANG KATAWAN NG MGA TAO NIYA, ito’y maliwanag na nakabatay sa kaniyang pinaka alituntunin at kasayasayan. Ang kaisipang ito ay hindi lamang maka-kasulatan, ito ay hindi maihihiwalay sa kaugnayan ni Cristo sa iglesia.”

Ang katagang “churches of Christ” o “mga iglesia ni Cristo” ay tumutukoy sa mga lokal na kongregasyon, at hindi sa kabuoan ng mga mananampalatayang kabilang sa katawan o iglesia, ang Pangalang  “church of Christ” o “iglesia ni Cristo” ang siyang ginamit para rito. Sa kadahilanang ang pangalang ito ang tumutukoy sa pinaka alituntunin at kasaysayan ng Iglesia, at maliwanag na ipinapakita ang kaugnayan ni Cristo sa Iglesia. Ang mga ganitong pagpapaliwanag ay maka-kasulatan o maka-Biblia. Samakatwid ang pangalang Iglesia Ni Cristo, ay isang katotohanang hango sa Biblia na pinatutunayan ng mga Bible Scholars:

“He conferred authority in the Church; explained the importance of designating the organization by its PROPER NAME--the Church of Christ(The Great Apostasy, p. 12)

Sa Filipino:

“Kaniyang tinaglay ang pamamahala sa Iglesia; ipinaliwanag ang kahalagahan ng pagtawag sa organisasyon sa kaniyang MARAPAT NA PANGALAN—ang  Iglesia ni Cristo.”

Kung paanong ang Iglesia ay ang katawan ni Cristo, marapat lamang na ang opisyal na pangalan nito ay Iglesia ni Cristo. Batay sa mga kasulatan, ito ang marapat na pangalan ng organisasyong ito, gaya ng ipinapaliwanag ng isa pang Bible scholar na si J.C. Choate, na ganito:

“Name of the Church” If the church is to be scriptural, then it must have a scriptural name. As to the church, Christ promised to build it (Matt. 16:18), it is said that he purchased it with his own blood (Acts 20:28), that he was the saviour of it (Eph. 5:23) and the head of it (Col. 1:18). It is only natural that it would wear his name to honour its founder, builder, saviour, and head. So when Paul wrote to the church at Rome, and sent along the greetings of the congregations in his area, he said, the churches of Christ salute you (Rom 16:16). Then in speaking to the church at Corinth, “Now ye are the body of Christ and members in particular” (I Cor. 12:27). But since the body is the church (Eph 1:22, 23), then he was simply talking about the church of Christ.” (The Church of the Bible, pp 27-28)

Sa Filipino:

 “Pangalan ng Iglesia” kung ang iglesia ay dapat maging maka-kasulatan, ito ay dapat may pangalang maka-kasulatan. At sa Iglesia, ipinangako ni Cristo na itatayo niya ito (Mat 16:18), sinasabing ito’y tinubos niya ng kaniyang dugo (Gawa 20:28), at siya ang tagapagligtas nito (Efe. 5:23), at siya ang ulo nito (Col.1:18). Kaya natural lamang na taglayin nito ang pangalan ng nagtatag, nagtayo, tagapagligtas, at ng ulo nito. Kaya nang si Pablo ay sumulat sa Iglesia na nasa Roma, at nagpadala ng pagbati sa mga kongregasyong sa kaniyang dako, sinabi niya “ binabati kayo ng mga iglesia ni Cristo” (Rom. 16:16). Pagkatapos nagsalita rin siya sa Iglesiang nasa Corinto, at sinabi niya, “kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawat isa’y sama-samang mga sangkap niya” (I Cor. 12:27), at dahil sa katawan ni Cristo ang iglesia (Eph 1:22, 23), ang tinutukoy lamang niya sa kaniyang mga sinasabi ay ang iglesia ni Cristo.

Maging sa Norlie’s Simplified New Testament na isang salin ng Biblia, isang bahagi ng sulat ni Apostol Pablo sa mga taga Efeso ay isinalin sa isang paraan na ang pangalang ginamit ay church of Christ o iglesia ni Cristo imbes na body of Christ o katawan ni Cristo:

Ephesians 4:12 “The common object of their labor was to bring the Christians maturity, to prepare them for Christian service and the building up of the Church of Christ.” (Norlie’s Simplified New Testament)

Karaniwan sa mga salin ng Biblia tulad ng King James Version, Today’s English Version, New International Version, ang nasabing bahagi ng talata ay isinasalin bilang “body of Christ” o katawan ni Cristo. Dapat mapansin na ito’y nasa anyong pangisahan (singular form), at hindi “bodies of Christ” o mga katawan ni Cristo. Sa tuwing babanggitin ang katagang katawan ni Cristo sa Biblia, ito’y palaging nasa singular form. Sapagkat si Cristo ay nagtayo ng isa lamang Iglesia:

Matthew 16:18  “And I also say unto thee, that thou art Peter, and upon this rock I will build MY CHURCH; and the gates of Hades shall not prevail against it.” [ASV]

Mateo 16:18  At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.”

Hindi sinabi ni Cristo na “I will build MY CHURCHES” o “Itatayo ko ang AKING MGA IGLESIA”, hindi ba? Kaya nga, kapag binabanggit ng Biblia ang katagang katawan ni Cristo ang tinutukoy lamang nito ay ang Iglesia ni Cristo.

Katawan ni Cristo   =   Iglesia ni Cristo

Iisang lang ang katawan, kaya iisa lang ang Iglesia, ang marami ay ang mga kaanib.

Saturday, 1 October 2011

Ano nga ba ang Banal na Halik?





Ang mga kaanib sa samahang ANG DATING DAAN ay may paboritong tuligsa sa INC, ito ay ang tungkol sa BANAL NA HALIK, kaya ang isa sa mga nagsusuri ay nagtanong sa atin ng ganito:


Tanong ni JANUS:

“Ano po ang meaning ng ‘banal na halik’ sa Roma 16:16?”


Ang BANAL NA HALIK, na tinutukoy ni Apostol Pablo sa kaniyang sulat sa mga taga-Roma ay ang isang uri ng pagbabatian na umiiral noon nung panahon nila. Isang pagbati sa pamamagitan ng PAGHALIK na isang URI NG PAGBATI, na kaugalian noon sa bansang ISRAEL, at maging sa mga nakapaligid na bansa.

At pinatutunayan ito maging ng mga nagsipagsuri ng kahulugan ng nasabing “BANAL NA HALIK

“Whatever in modern culture is symbolic of the deep affection Christians ought to feel toward each other – a kiss on the cheek, a warm handshake, a grasping in both hands, etc. – is the equivalent of the apostolic command
.” [ Wycliffe Bible Commentary, page 1225]

Sa Filipino:

“Anomang makabagong kultura na lumalarawan sa malalim na damdamin na dapat madama ng mga Cristiano sa isa’t-isa – isang halik sa pisngi, isang mainit na pikikipagkamay, at paghahawak ng dalawang kamay, at iba pa – ito ang katumbas ng iniutos ng mga Apostol.”

Sa paliwanag ng mga taga ADD, hindi raw PISIKAL NA PAGBATI ang BANAL NA HALIK, dahil paano raw mangyayari na makapaghalikan sila eh ang bumabati daw ay nasa Jerusalem at ang binabati ay nasa Roma. Malayo daw ang pinaggagalingan ng pagbati, kaya daw hindi literal na PAGHALIK ang tinutukoy sa talata. At para masuportahan ang kanilang paliwanag ay gumagamit sila ng talata:

Awit 85:10 “ Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay NAGHALIKAN.”

Ito raw ang BANAL NA HALIK, ang paghahalikan ng KATUWIRAN at KAPAYAPAAN. Ang mahalagang tanong ay ganito: Doon ba sa Roma 16:16, ang inuutusan ba doon na magbatian ng BANAL NA HALIK ay ang KATUWIRAN at KAPAYAPAAN o ang mga TAO? Kaya napakalabo na maiugnay ang AWIT 85:10 sa Roma 16:16. Dahil MGA TAO ang INUUTUSAN doon na MAGHALIKAN eh.

Puntahan natin ang Roma 16:16:

Roma 16:16 “MANGAGBATIAN KAYO NG BANAL NA HALIK. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo.”

Kapansin-pansin sa TALATA na ang INUUTUSAN lamang na MAGBATIAN ng BANAL NA HALIK ay iyong mga TAGA ROMA, hindi sinabi ni Apostol Pablo na:

“MANGAGBATIAN TAYONG LAHAT NG BANAL NA HALIK, BINABATI KAYO NG BANAL NA HALIK ng lahat ng mga Iglesia ni Cristo.”

Ganiyan ba sabi? Hindi naman ganiyan ang sinabi, hindi ba Janus?

Maliwanag na ang pagbabatian ng BANAL NA HALIK na inuutos ni Pablo ay para doon lamang sa mga TAGA ROMA dahil doon lang nila magagawa iyon, dahil magkakalapit at magkakasama sila. ANG PAGBATI NG LAHAT NG MGA IGLESIA NI CRISTO, AY SA IPINAABOT LAMANG SA KANILA SA PAMAMAGITAN NG SULAT – hindi IYON BANAL NA HALIK.

Basahin natin ang sulat naman niya sa mga taga Corinto:

1 Corinto 16:19 “Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia. Kayo'y binabating malabis sa Panginoon ni Aquila at ni Prisca pati ng iglesiang nasa kanilang bahay.”

1 Corinto 16:20 “Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. KAYO'Y MANGAGBATIAN NG HALIK NA BANAL.”

1 Corinto 16:21 “ANG BATI KO, NI PABLO NA SINULAT NG AKING SARILING KAMAY.”


Nakita mo JANUS? Halatang-halata ang mga taga ADD, sa mali nilang pagkaunawa na hindi PISIKAL o AKTUWAL na PAGBATI sa pamamagitan ng PAGHALIK ang tinutukoy ni PABLO, sa talatang ito muli na naman niyang INIUTOS ito pero doon lamang sa mga TAGA CORINTO – sila lang ang MAGBABATIAN NG BANAL NA HALIK, dahil kasi nga sila ang magkakalapit kaya magagawa nila ang AKTUWAL NA PAGBATI sa ISA’T-ISA, ang PAGBATI NI PABLO ay ipinaabot lamang niya sa pamamagitan ng SULAT at HINDI BANAL NA HALIK YUN, dahil hindi magagawa ni PABLO na batiin sila ng AKTUWAL na BANAL NA HALIK, dahil malayo siya.

Ang BANAL NA HALIK ay katumbas ng anomang uri [Paghalik sa Pisngi, pakikipagkamay, pagyakap, at iba pa] ng PISIKAL na PAGBATI na ginagawa ng mga Cristiano sa isa't-isa bilang pagpapakita ng malalim nilang pagmamahal at damdamin sa isa't-isa.

Narito ang isang VIDEO na may kinalaman sa Paksang ito:

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network