Wednesday, 11 April 2012

144,000 na Tao nga lang ba ang Makapupunta sa Langit? (Part 1)



Atin pong sagutin ang itinatanong sa atin ng isang ANONYMOUS na may kinalaman sa ARAL ng mga SAKSI NI JEHOVA, ganito po ang kaniyang sinabi:

“Bro Aerial maari mo po bang gawan ng Paksa ang aral ng JW ito.

Isang munting kawan lamang ng 144,000 ang aakyat sa langit at mamamahala kasama ni Kristo at paki paliwanag na din po ang mga talatang kanilang pinagbabatayan sa nasabing aral nilang ito.  Luc. 12:32; Apoc. 14:1, 3; 1 Cor. 15:40-53; Apoc. 5:9, 10”



-------------------

Ang mga Saksi po ni Jehova ay may kakaibang paniniwala sa mangyayari sa panahon ng muling pagparito ng ating Panginoong Jesucristo o sa Dakilang Araw ng Kaligtasan, para po sa kanila may dalawang class o klase ng mga tao ang maliligtas, merong pupunta sa Langit at meron naman pong sa lupa maninirahan.

Ang 144,000 na tao lamang daw po o iyong tinatawag na MUNTING KAWAN ang maninirahan sa Langit, at ang sinasabi daw po ng Biblia sa Apocalypsis 7:9 na LUBHANG KARAMIHAN ang siyang magmamana naman ng lupa at mananahan dito magpakailan man.

Siyempre pa para makapanghikayat ng mga tao, gumagamit din sila ng mga talata para patunayan diumano na ang kanilang aral ay aral ng Diyos, at ibinigay po ng nagtatanong sa atin ang isa, basahin po natin ang isinasaad ng unang talata:

Lucas 12:32  “Huwag kayong mangatakot, MUNTING KAWAN; sapagka't nakalulugod na mainam sa inyong Ama ANG SA INYO'Y IBIGAY ANG KAHARIAN.”

May kinakausap po ang Panginoong Jesus sa tagpong ito na tinawag niyang MUNTING KAWAN, na ang sabi niya’y siyang pagbibigyan ng Ama ng KAHARIAN.

Alin po ba iyong KAHARIAN na tinutukoy na ibibigay sa kanila ng AMA? Hindi po tayo ang sasagot niyan, ang sasagot po sa atin siyempre ay si Cristo:

Mateo 4:17  “Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang KAHARIAN NG LANGIT.”

Maliwanag po kung gayon na ang Kaharian na ibibigay ng Dios o ng Ama sa MUNTING KAWAN ay ang KAHARIAN ng LANGIT. At dahil nga po sa alam din ng mga kaibigan nating mga Saksi ni Jehova na ang mga ito ang pinangakuan ng pangakong ito, ay nagkaroon sila ng kaisipan na ang MUNTING KAWAN lamang ang makapapasok sa Kaharian ng Langit.

Ito ngayon ang mahalagang tanong: Ang MUNTING KAWAN lamang ba ang makapapasok sa KAHARIAN NG LANGIT?

Sasagutin tayong muli ni Cristo:

Mateo 7:21  “Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, AY PAPASOK SA KAHARIAN NG LANGIT; KUNDI ANG GUMAGANAP NG KALOOBAN NG AKING AMA NA NASA LANGIT.”

Maliwanag po ang sagot sa atin ni Cristo, ANG GUMAGANAP NG KALOOBAN NG KANIYANG AMA na nasa Langit ay MAKAPAPASOK sa KAHARIAN ng LANGIT.

Kaya hindi po exclusive lamang sa MUNTING KAWAN na kinakausap niya sa tagpong iyon ang pagpasok sa KAHARIAN NG LANGIT, dahil niliwanag po ni Jesus ang requirement, kailangang ganapin ang kalooban ng AMA na nasa Langit.

Kaya dito pa lamang po ay alam na alam na natin na nagkakamali sila ng PANGUNAWA sa sinasabi sa Lucas 12:32.

Ngayon kumpletohin po natin sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na ito?

Ano ba iyong KALOOBAN ng AMA na nasa LANGIT na kailangan ganapin ng isang tao para siya makapasok sa KAHARIAN ng LANGIT?

Mali po na tayo ang sumagot niyan, kaya muli po nating pasasagutin ang Biblia:

Efeso 1:9-10  “NA IPINAKIKILALA NIYA SA ATIN ANG HIWAGA NG KANIYANG KALOOBAN, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin.  Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, UPANG TIPUNIN ANG LAHAT NG MGA BAGAY KAY CRISTO, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko,”

Ano po iyong KALOOBAN ng AMA na dapat ganapin ng tao para makapasok siya sa kaharian ng Langit?  Maliwanag po ang sagot:

“UPANG TIPUNIN ANG LAHAT NG MGA BAGAY KAY CRISTO”

Kailangan po na tayo ay MATIPON kay CRISTO, ito po ang KALOOBAN ng Diyos na kaniyang MINAGALING at IPINASIYA niya sa kaniya rin.

Ang sinoman ang papayag na matipon kay Cristo ay makapapasok sa kaharian ng Langit?

Paano po ba tayo matitipon kay Cristo?

As usual hindi INC ang sasagot niyan, kundi si Cristo:

Juan 10:9  “AKO ANG PINTUAN; ANG SINOMANG TAONG PUMASOK SA AKIN, AY SIYA'Y MALILIGTAS,…”

Kailangan po palang PUMASOK tayo kay Cristo. Tama po hindi ba?  Kasi kung ang maraming tao IISA lang ang PAPASUKAN, hindi po ba matitipon sila?

Para po tayo matipon kay Cristo, maliwanag po ang sabi niya PUMASOK tayo sa kaniya bilang PINTUAN.

Eh literal po ba yon? Paano po natin magagawa iyon, eh si Cristo ay nasa Langit na, tsaka kung sakali man na si Cristo ngayon ay nasa Lupa, ay magkakasiya po ba sa kaniya ang maraming tao?

Samakatuwid ang sinalitang ito ni Jesus ay SYMBOLICAL at hindi dapat unawaing literal.

Pero mayroon po bang mga tao ang nagawang pumasok kay Cristo noong UNANG SIGLO? 

Biblia pong muli:

Roma 5:2  “Sa pamamagitan din naman niya'y NANGAGKAROON TAYO NG ATING PAGPASOK SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo; at nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios.”

Mayroon na pong mga tao noong Panahon ni Cristo na nagawa ang PAGPASOK sa kaniya bunga ng kanilang PAGSAMPALATAYA.  Eh nang nakapasok na po sila kay Cristo, saan po sila napabilang?

Roma 12:4-5  “Sapagka't kung paanong SA ISANG KATAWAN AY MAYROONG TAYONG MARAMING MGA SANGKAP, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain:  Ay GAYON DIN TAYO, NA MARAMI, AY IISANG KATAWAN KAY CRISTO, AT MGA SANGKAP NA SAMASAMA SA ISA'T ISA.”

Ang mga nagsipasok po kay Cristo ay napabilang o naging SANGKAP ng kaniyang iisang KATAWAN,

Ang salita pong SANGKAP sa English ay MEMBER  o KAANIB:

Romans 12:4-5  “For as we have MANY MEMBERS IN ONE BODY, and all members have not the same office:  SO WE, BEING MANY, ARE ONE BODY IN CHRIST, and EVERY ONE MEMBERS ONE OF ANOTHER.” [KJV]

Maliwanag po ngayon na kailangan po pala na tayo ay may SANGKAPAN o ANIBAN para magawa natin ang KALOOBAN ng AMA na MATIPON kay CRISTO.

Sasangkap po tayo o aanib sa kaniyang KATAWAN, Eh alin po ang KATAWANG tinutukoy? Iyon po bang literal na KATAWAN niya na NAMATAY?

Colosas 1:18  “AT SIYA ANG ULO NG KATAWAN, SA MAKATUWID BAGA'Y NG IGLESIA; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.”

Ang tinutukoy pong KATAWAN niya ay ang IGLESIA, kaya po klaro na ngayon na ang sinoman pong nagnanais na makapasok sa KAHARIAN ng Langit ay kailangan pong ganapin ang KALOOBAN ng AMA na MATIPON kay Cristo, at ito nga po’y magagawa kung tayo ay PAPASOK, SASANGKAP, o AANIB sa KATAWAN NI CRISTO na siyang IGLESIA.

Eh alin pong Iglesia?  Kahit saang Iglesia?

Roma 16:16  “Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga IGLESIA NI CRISTO.”

Ang gumanap po ng kalooban ng AMA na makapapasok sa KAHARIAN ng LANGIT kasama ng mga kabilang sa MUNTING KAWAN ay kabilang o SANGKAP ng KATAWAN NI CRISTO na siyang IGLESIA NI CRISTO.

ANG GUMANAP NG KALOOBAN NG AMA AY ANG MGA NAGING KAANIB NG IGLESIA NI CRISTO.

So hindi po pala KAANIB ng mg SAKSI NI JEHOVA ang makapapasok sa KAHARIAN ng LANGIT, dahil wala naman po tayong mababasa sa Bibliang ganiyan.

Eh paano po iyong sinasabi nila na iyong MUNTING KAWAN daw ay mga KAANIB ng SAKSI NI JEHOVA?

Dapat po kasi itanong natin sa kanila, ano ba iyong KAWAN na tinutukoy diyan?  Mga SAKSI NI JEHOVA ba iyon?

Biblia po ulit ang sasagot hindi tayo:

Gawa 20:28  “Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong KAWAN, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang IGLESIA NG PANGINOON NA BINILI NIYA NG KANIYANG SARILING DUGO.”

Ang KAWAN na tinutukoy ay ang IGLESIA na Binili ng PANGINOON ng kaniyang sariling DUGO. Eh sino po iyong Panginoon na iyon na bumili sa IGLESIA ng kaniyang DUGO?

Hebreo 9:13-14  “Sapagka't kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka, at ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan, ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman:  Gaano pa kaya ang DUGO NI CRISTO, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay?”

Si CRISTO po ang PANGINOON na bumili o tumubos sa IGLESIA na siya rin iyong KAWAN ng kaniyang sariling DUGO.

Eh aling IGLESIA po iyan?

Acts 20:28  “Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you to be overseers. To feed the CHURCH OF CHRIST which he has purchased with his blood.” [Lamsa Version]

Sa Filipino:

Gawa 20:28  “Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong KAWAN, na sa kanila'y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”

Maliwanag po kung gayon na ang tinutukoy na MUNTING KAWAN ay mga KAANIB rin ng IGLESIA NI CRISTO, na kaya po naman tinawag na MUNTI ni Cristo ay sapagkat kakaunti pa lamang noon ang mga kaanib dahil katatatag pa lamang niya nito noon sa JERUSALEM [Mateo 16:18] noong FIRST CENTURY nang sabihin niya ang sinabi niya sa Lucas 12:32.

Kaya po makapapasok ang MUNTING KAWAN sa KAHARIAN ng LANGIT ay sapagkat sila man ay gumanap ng KALOOBAN ng AMA na nasa Langit na kailangang MATIPON kay CRISTO ang tao, na ito nga po ay ang PAGPASOK, PAGSANGKAP, o PAG-ANIB sa kaniyang KATAWAN o IGLESIA na siyang IGLESIA NI CRISTO.

Itutuloy…

Friday, 16 March 2012

Sign of the Cross Utos ba ng Diyos?



 ISANG pangkaraniwang pangitain sa mga kaibigan nating mga Katoliko ang PAG-AANTANDA o iyon bang kung tawagin sa English na SIGN OF THE CROSS.

Madalas na kapag napapadaan sila sa Simbahan, sa simenteryo, oh kapag sila’y nakadarama ng matinding takot at pangamba, bago at matapos magdasal, ay nag-aantanda sila sa pag aakalang ang gawaing ito ay nakababanal at may nag-aakala rin na ito ay ipinag-utos ng Panginoong Diyos.

Subalit sa aming mga Iglesia ni Cristo, ay hindi namin isinasagawa ang ganito. Kaya atin pong talakayin ang dahilan kung bakit hindi nag-aantanda o nagsa-SIGN OF THE CROSS ang INC.


Tanda ng taong Katoliko

Hindi ito aral ng INC, kaya atin pong tanungin ang Iglesia Katolika, ano ba itong PAGAANTANDA o pagsa-SIGN OF THE CROSS?

Narito po ang kanilang sagot:

"ANG TANDA NG SANTA KRUS

 "Ang paraang ginagawa sa paggamit ng Santa Krus ay dalawa: ang magantanda at ang magkrus. ANG PAGAANTANDA AY ANG PAGGAWA NG TATLONG KRUS NANGHINLALAKI NG KANYANG KANANG KAMAY; ANG UNA'Y SA NOO,... ANG TANDA NG SANTA KRUS AY SIYANG TANDA NG TAONG KATOLIKO,.." [Siya Ang Inyong Pakinggan:Ang Aral na Katoliko, Page 11]


Maliwanag ang Sagot sa atin ng aklat na sinulat ng Paring si Enrique Demond, kaya isinasagawa ang PAG-AANTANDA o SIGN OF THE CROSS ay sapagkat ito ay TANDA ng taong Katoliko.  At totoo naman ito dahil madali mo naman talagang makilala ang Katoliko sa Hindi Katoliko, kapag nasa sasakyan ka, pag napatapat sa Simbahan, at may nag-antanda eh alam mo na kagad na Katoliko iyon.

Niliwanag din ng aklat Katoliko kung papaano isinasagawa ang pag-aantanda, ito ay paggawa ng tatlong krus ng hinlalaki ng KANANG KAMAY; ang una ay sa NOO.

Hindi niyo ba napapansin mga kaibigan na kahit kaliwete ang isang Katoliko hindi siya maaaring mag-antanda sa pamamagitan ng kaniyang kaliwang kamay? Kailangang KANANG KAMAY lamang ang kaniyang gagamitin.  At hindi niya maaaring umpisahan ang pag-aantanda sa ibang bahagi ng katawan maliban sa kaniyang NOO lamang?

At dahil sa ito ay PAGAANTANDA na gamit ang KANANG KAMAY at NOO, kaya ito ay maaari nating tawagin na TANDA SA NOO at KANANG KAMAY.

Ipinag-uutos ba ito ng Biblia?  May mababasa ba tayong verse sa Bible na nagtuturo na gawin ang bagay na ito?


Ang Tanda sa Noo at Kanang Kamay

Sa Biblia, may binabanggit na TANDA SA NOO AT KANANG KAMAY, pero ang kapansin-pansin hindi ito tanda ng mga taong maliligtas o tanda ng mga hinirang ng Diyos, kundi tanda ng mga taong mapapahamak:

Apocalypsis 13:16  “At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang TANDA sa kanilang KANANG KAMAY, o sa NOO;”

Mabuti ba ang pagkakaroon ng tandang ito? Ano ba ang idududulot sa tao kung tayo ay mananatiling magkakaroon o magsasagawa ng tandang ito?

Apocalypsis 14:9-11 "At ang ibang anghel, ang pangatlo ay sumusunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumamba sa hayop at sa kaniyang larawan,at tumatanggap ng TANDA SA KANIYANG NOO, O SA KANIYANG KAMAY,  Ay iinom din naman siya ng alak ng kaglitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y PAHIHIRAPAN NG APOY AT ASUPRE sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: AT ANG USOK NG HIRAP NILA AY NAPAIILANGLANG MAGPAKAILAN KAILAN MAN; AT SILA'Y WALANG KAPAHINGAHAN ARAW AT GABI, sila mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan."

Ang mga taong nagsasagawa ng PAG-AANTANDA o SIGN OF  THE CROSS ay ang mga taong mapapahamak, sapagkat sila ang nagtataglay ng TANDA sa NOO at KANANG KAMAY.

At ito ay sinasang-ayunan maging ng PASIYON ng Iglesia Katolika na sinulat ng isa pang Pari na si Aniceto dela Merced:


 "Ipag uutos mag quintal sa noo o canang camay sucat pagca quilalanan na sila nga, i, campong tunay nitong Anti-Cristong hunghang." [Pasion Candaba, isinulat ng Paring si Aniceto dela Merced, Page 210]

Sabi ng Pari, ang nagtataglay ng TANDANG ito ay kabilang sa mga tao na tinatawag na Anti-Cristo o kalaban ni Cristo kaya po tiyak na mapapahamak at hindi maliligtas sa Araw ng Paghuhukom.

Kaya iwan na po natin ang ganitong gawain.


“Tanda sa Noo at Kanang Kamay” iba raw sa “Tanda sa Noo o Kanang Kamay”

Sa kagustuhan namang makapangatuwiran (o magpalusot as usual) ng mga kaibigan nating Catholic Defenders, ang nakalagay daw sa talata ay “TANDA SA NOO O KANANG KAMAY” at hindi daw “TANDA SA NOO AT KANANG KAMAY”, sinasadya daw ng mga ministro sa INC na palitan ang “O” ng “AT” para daw mapalitaw na ang Katoliko ang tinutukoy, nagkakasala daw ang mga ministro sa INC sa ginagawa nilang ito na maging ang Biblia daw pinapalitan ng salita para mabagao ang kahulugan.

Kaya puntahan po natin ang nasabing talata sa Bibliang Griego ang orihinal na wikang ginamit sa pagsulat ng Bagong Tipan:

Revelations 13:16  “και ποιει παντας τους μικρους και τους μεγαλους και τους πλουσιους και τους πτωχους και τους ελευθερους και τους δουλους ‘ινα δωση αυτοις χαραγμα επι της χειρος αυτων της δεξιας η επι των μετωπων αυτων”

 Pagbigkas:

 kai poiei pantas tous mikrous kai tous megalous kai tous plousious kai tous ptōkhous kai tous eleutherous kai tous doulous hina dōsē autois kharagma epi tēs kheiros autōn tēs dexias ē epi tōn metōpōn autōn


Revelations 13:16  AndG2532 he causethG4160 all,G3956 both smallG3398 andG2532 great,G3173(G2532) richG4145 andG2532 poor,G4434 (G2532) freeG1658 andG2532 bond,G1401 toG2443 receiveG1325 G846 a markG5480 inG1909 theirG848 rightG1188 hand,G5495 orG2228 inG1909 theirG848 foreheads:G3359 [KJV with Strong’s Concordance]

Ang salitang Griegong “η” [ē] (pansinin ang letrang kulay pula sa itaas) na sa English ay isinalin bilang “OR” na sa tagalog ay “O”, ay maniniwala ba kayo na kasing kahulugan din ng salitang “AND” na sa tagalog ay “AT”?

Tingnan ang paliwanag na ito ng isang kilalang Greek Dictionary:

G2228
ἤ   ē  ay
A primary particle of distinction between two connected terms; disjunctive, or; comparative, than: - and, but (either), (n-) either, except it be, (n-) or (else), rather, save, than, that, what, yea. Often used in connection with other particles. Compare especially G2235, G2260, G2273.
[Strong’s Greek Dictionary]

Kitang-kita sa dictionary na kasama sa kahulugan nito ang salitang “and”.

At dahil sa ang salitang “η” [ē] ay kasing kahulugan din ng salitang “AND” o “AT” sa tagalog, ay hindi kailan man magiging maling sabihin na:

“TANDA SA NOO ‘O’ KANANG KAMAY”  

ay katumbas din ng

“TANDA SA NOO ‘AT’ KANANG KAMAY”

Wala po iyang pagkakaiba kung sa orihinal na wikang ginamit sa Biblia na wikang Griego ang pag-uusapan.  Kaya po hindi nagkakamali ang INC sa bagay na iyan.

Kaya sorry na lang mga magiting na Catholic Defenders, dahil walang magagawa ang pagpapalusot ninyong ito, palibhasa’y hindi ninyo matutulan kaya ultimo iyong salitang “AT” at “O” ay ginagawan ninyo ng isyu.

At para lalo nating matiyak na talagang ang Apocalypsis 13:16 ay sa mga Katoliko tumutukoy, ibaba lang ang pagbasa sa talatang 17 hanggang 18, at ganito ang ating matutunghayan:

Apocalypsis 13:17-18  “At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, KUNDI SIYANG MAYROONG TANDA, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan. Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU'T ANIM.”

Ang nagbigay o siyang nag-utos na ang mga tao’y magkaroon ng TANDA sa NOO AT KANANG KAMAY ay ang taong may bilang na ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU’T ANIM [666], na ang kinatuparan nito ay ang PAPA sa ROMA, at kung nais mabasa ang kumpletong pagtalakay, puntahan ang LINK na ito:


Kaya po sa mga kaibigan naming mga Katoliko, iwan na po ninyo ang gawaing iyan, dahil ang PAGAANTANDA ng KRUS, o pagsa-SIGN OF THE CROSS ay TANDA SA NOO AT KANANG KAMAY, tanda ng mga taong mapapahamak, isang gawaing hindi po makapagliligtas kundi magdadala sa atin sa kaparusahang walang hanggan sa araw ng paghuhukom.

Magsama-sama po tayo sa tunay na paglilingkod sa Diyos, halina po kayo at making sa mga katotohanan ng Diyos na itinuturo ng tunay na Iglesia -  Ang Iglesia ni Cristo.  

Sunday, 11 March 2012

Bawal nga bang Magpasalin ng Dugo?


Tanong ng isang Anonymous,

”tanong lang mga kapatid... ang pagkain b ay katumbas na ren ng pagsasalin ng dugo? me nagsasabi kc n ang diwa ng pagsasalin ng dugo ay gaya n ren ng pagkain nito... salamat.. more power”


Ang pagsasalin ng dugo ay iba sa pagkain ng dugo, iyan ay masasagot kahit sa pamamagitan lang ng paliwanag.

Nagkakamali ang mga SAKSI NI JEHOVA sa pag-aakalang ang pagsasalin ay katumbas daw ng pagkain.

Natatandaan ko pa ang paliwanag nila sa akin noon, halimbawa daw pinagbawalan daw ng doctor ang isang tao na uminom ng alak dahil masama sa kaniya ang alcohol.  Kung ang alak daw ay padadaanin sa kaniyang ugat tulad ng sa dextrose, ay katumbas daw ng pagkain dahil tinatanggap daw ng kaniyang katawan ang alcohol kahit na hindi ito dumaan sa kaniyang bibig, at ito raw ay may magkatulad na epekto sa kaniyang katawan, dahil nalalabag din niya ang pagbabawal ng doctor dahil hindi man daw dumaan sa kaniyang bibig ay pumasok pa rin sa kaniyang katawan ang alak o alcohol na masama o ipinagbabawal sa kaniya.

Ganiyan din daw ang dugo kapag inilagay sa ugat sa pamamagitan ng TRANSFUSION ito raw ay nagagawang kainin o i-absorb ng ating katawan tulad ng sa alcohol o dextrose.

Ang sabi ko tama kung alak o alcohol ang pag-uusapan, kasi  ang alak o alcohol maging ang dextrose ay nasa uri na ng sustansiya na maaari nang magamit ng ating katawan bilang pagkain.

Kaya nga ba’t kapag ang isang tao na hindi makakain sa pamamagitan ng bibig ay pinapakain ito sa pamamagitan ng kaniyang mga ugat sa pamamagitan ng paglalagay sa kaniya ng dextrose.

Kapansin-pansin nga lang, may doctor na ba na nagsabi na SALINAN ninyo ng DEXTROSE ang pasyente, hindi ba wala naman.  Kasi nga ang DEXTROSE ay hindi naman isinasalin kundi tinatanggap ng katawan ng tao bilang isang uri ng sustansiya na pagkain niya.

Sa isang praktikal na paliwanag, kapag ba isinalin mo halimbawa ang 50ml na tubig sa isang baso nababawasan ba iyon? Hindi kasi nga isinalin mo lang eh. Nanatili iyong 50ml.

Eh iyon ba halimabawang 100cc na dugo isinalin mo sa isang pasyente, nauubos ba? Nababawasan ba? Hindi ba dumadagdag lang iyon sa kaniyang dugo na nandoroon na sa katawan niya?

Pero ang isang bote ng dextrose kapag inilagay mo sa isang pasyente, at sinuri mo ang kaniyang dugo makaraan ang ilang araw na hindi mo na siya nilagyan ng dextrose, nandun pa ba ang dextrose sa kaniyang dugo?

Ang dugo ay hindi pagkain ng ating katawan o isang uri ng sustansiya. Ang trabaho ng dugo sa katawan ng tao ay upang maghatid ng sustansiya maging ng oxygen sa iba’t-ibang bahagi ng ating katawan upang mapanatiling buhay ang ating mga cells o selyula.  Sa isang simpleng paliwanag ang dugo ay maihahalintulad sa PAMPASAHERONG BUS, at ang mga sustansiya naman ay ang PASAHERO. Ang trabaho lamang nito ay ihatid ang mga kinakailangang sustansiya sa iba’t-ibang sangkap ng ating katawan upang panatilihin na ito ay malusog at malakas, at siyempre panatilihin itong buhay.

Kaya kapag sinalinan ka ng dugo ay dumadagdag lamang ito sa dugo na dati nang taglay ng iyong katawan. At hindi nauubos ang inilagay sa iyong dugo dahil hindi naman ito inaabsorb o kinakain ng iyong katawan.

Tandaan natin ang sinasalinan ng dugo ay iyong kulang sa dugo o may problema sa dugo. Gaya ng mga nanganak, mga naaksidente, o di kaya ay nagkasakit ng dengue, at iba pa.

Pero kung kakainin ng tao ang dugo at padadaanin ito sa kaniyang bibig ay ibang usapan na iyon kasi ang dugo ay papasok sa kaniyang sikmura, at doon ay magkakaroon ng chemical change, mababago ang anyo nito at magiging sustansiya na ito na maaari nang idistribute sa ating katawan ng ating dugo bilang pagkain na, at hindi na bilang dugo sa orihinal nitong anyo.

Ang bawal ng Diyos ay ang pagkain o DIGESTION ng dugo at hindi ang pagsasalin o TRANSFUSION.



Ang malaking tanong sa kaibigan nating mga Saksi ay ganito:

May dalawang bata na MALNOURISHED o iyong kulang sa sustansiya dahil hindi nakakakain na nasa isang pagamutan. Hindi maaaring pakainin sa bibig dahil hindi ito tinatanggap ng kanilang katawan dahil sa isinusuka lang.  Ang isang bata ay sinalinan ng dugo, ang isang bata naman ay nilagyan ng dextrose. 

Tanong: Sino sa kanilang dalawa ang mabubuhay?

a.      Ang sinalinan ng dugo     b.  ang nilagyan ng dextrose

Obvious ang sagot, mamamatay ang sinalinan ng dugo, ang mabubuhay ay ang nilagyan ng dextrose.  Gaya nga ng ating ipinaliwanag, hindi kinakain ng isang tao ang dugo na isinasalin sa kaniya kundi dumadagdag lamang ito sa dugo niya.  Hindi kagaya ng dextrose na nasa uri na ng isang sustansiya na kapag inilagay sa ating ugat ay makapagbibigay sa atin sustansiya para tayo mabuhay kahit hindi tayo makakain sa pamamagitan ng pagpapadaan sa ating bibig.

Ipinagbawal ba ng mga Apostol ang pagsasalin ng dugo?  Sa tanong na iyan obvious din ang sagot, HINDI! Dahil hindi pa naman uso sa panahon nila ang sistemang iyan.

Eh hindi pala aral ng mga Apostol ang pagbabawal ng pagsasalin ng dugo, samakatuwid iba ito sa aral na kanilang ipinangaral, eh ano ngayon ang dapat gawin?

Galacia 1:8  “Datapuwa't kahima't kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil.”

Dapat itakuwil ang anomang aral na hindi ipinangaral ng mga Apostol o ng ebangheliyo, wala sa Biblia ang aral na pagbabawal nito, at hindi ito ipinagbawal ng mga Apostol kaya dapat itong itakuwil.


Masama bang mag-donate ng dugo?

Ano ba ang dugo ayon sa Panginoong Diyos?

Levitico 17:11  “Sapagka't ANG BUHAY NG LAMAN AY NASA DUGO; at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: SAPAGKA'T ANG DUGO'Y SIYANG TUMUTUBOS DAHIL SA BUHAY.”

Ang buhay ng LAMAN ng isang TAO ay nasa DUGO at ibinigay ng Diyos ang DUGO para ipantubos sa BUHAY, gaya ng ginawa ng ating Panginoong Jesucristo.

Ang isang tao na nangangailangan ng dugo ay may pangangailangan na madugutungan ang kaniyang buhay.  At ang pagbibigay sa kaniya ng dugo ay katumbas ng pagbibigay sa kaniya ng BUHAY.

Dahil ang dugo ay BUHAY:

Deut 12:23  “Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: SAPAGKA'T ANG DUGO AY SIYANG BUHAY; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman.”

At ang pagbibigay ng buhay sa ating kapuwa ay pagpapakita ng dakilang pag-ibig ayon kay Cristo:

Juan 15:13  “Walang may lalong dakilang pagibig kay sa rito, na IBIGAY NG ISANG TAO ANG KANIYANG BUHAY DAHIL SA KANIYANG MGA KAIBIGAN.”

Ang pagdodonate o pagbibigay ng dugo o buhay ay pagpapakita ng dakilang pag-ibig sa kaibigan o ating kapuwa.

Kaya ang INC ay sumusoprta sa ganitong gawain ang PAGDODONATE NG DUGO. Ginagawa ito ng mga kapatid sa INC bilang pagtugon sa pangangailangan ng ating kapuwa upang madugtungan o mailigtas ang kanilang buhay.

Wednesday, 29 February 2012

A Successful Grand Evangelical Mission - Feb 28, 2012

    The successful and very blessed Grand Evangelical Mission was conducted yesterday February 28, 2012 at the Quirino Grandstand, Manila, Philippines , which was attended by a massive number of People - brethrens and non-INC members, was officiated by our beloved brother Arnel Tumanan.

Which was also been conducted simultaneously in the Provinces of Palawan, Davao, Cebu, Tarlac, etc.

Surely God has given the Iglesia Ni Cristo the overwhelming Glory and Victory against all odds. He has surely fulfilled all his promises to this Church.

Glory to the Only True God the Father, and Glory to our Lord Jesus Christ  










Here is the VIDEO of the said event






This is indeed the work of God’s own powerful hand:

Isaiah 43:13  “Yea, since the day was I am he; and there is none that can deliver out of my hand: I will work, and who can hinder it?” [ASV]

Glory to the Only True God the Father, and Glory to our Lord Jesus Christ…  


Thursday, 23 February 2012

The Law of Giving Tithes


I have posted this as a response to one of our Blog’s frequent visitor which are known as Mr. INC Man-Made Rules in the other thread, entitled THE WORKS OF RIGHTEOUSNESS THAT GOD WILL NOT JUSTIFY, and it has been very difficult now to be read by the viewers of my Blog since the posted comments there are more than 250 now, thanks to all those who posted their comments,  I never expected that the comments would be that much, since I revisited my Blog after quite a long time of my hectic work schedule. I think it is quite proper to start a thread which tackles that interesting issue which is the LAW OF TITHINGS. Take note that I have edited some of the words, sentences, etc., just to make things more clearer, and of course for the benefit of those who do not yet read this…but of course you are also most welcome to read the original comment in the other thread.


To INC Man-made Rules,

I can see now how you struggle so hard to prove that your TITHINGS is a Christian Law, Why can’t you accept the fact that this Law was never to be found in the New Testament, and never was taught by Jesus nor the Apostles, and never was practiced by the early Christians. Remember we’re talking about Christians here, well, unless you tell me now that you’re Jewish, then let’s finish this argument now. Hehehehe.

According to Apostle Paul, we should not go beyond what is written, as I quote:

1 Corinthians 4:6  “Brothers and sisters, I have applied this to Apollos and myself for your sake. YOU SHOULD LEARN FROM US NOT TO GO BEYOND WHAT IS WRITTEN IN SCRIPTURE. Then you won't arrogantly place one of us in opposition to the other.” [GW]

We cannot find a verse nor a passage that Christ nor the Apostles commanded the Early Christians to give TITHES, why are we going beyond to what is written in the scriptures, by assuming that they did?

So following the advice of the Apostles, it is but right to ask “where is it written that the Law in giving TITHES still exists and commanded by Christ nor the Apostles?”

An assumption is never an option in proving Biblical Laws. If we can’t see it, it means it’s not written, if it’s not written, it does not exist, it can never be as simple as that.  Even an elementary student can easily comprehend.

Was TITHING not an important Law, that Jesus nor the Apostles never even cared to mention it directly to us that we should perform it, after all it is an act of Offering to God that pleases him, isn’t it? Wasn’t that a precious Law that they have dared to neglect?

And to the fact that, well, we can say as an example, that the Jewish people understood that already that it is a Law that they must comply, since they’re already performing it since the time of Old, and it has been the part of their ancestral history.  But what about the Gentiles, the non-Jewish members of the First Century Church? Those that were converted by the missions of Apostle Paul, don’t you think if that is an existing Law that all Christians must comply, he would dare to forget to say it in his teachings and scribe it in his letters?


But this time I will give you a chance to prove to us your TITHINGS, By answering this argument that I’m going to show you:

You specifically said that <b>“this law does not change”</b>, so I’m going to use that argument and ask you a question that you need to answer later. Since I’m pretty sure that you are very much well conversant in the LAW OF TITHINGS, hehehehe

Let us read again the details of this Law when it was spoken to Moses:

Leviticus 27:30,32,34  "One-tenth of what comes from the land, whether grain or fruit, is holy and belongs to the LORD...Every tenth head of cattle or sheep that you counted is holy and belongs to the LORD…These are the commands the LORD gave Moses on Mount Sinai for the Israelites.” [God’s Words Version]

When the LAW was given to Moses, as we could see it is not in a form of money, God said one-tenth of what comes from the land – grains and fruits, and one-tenth of cattle or sheep, would be offer to the LORD, and this is how it was done by the people of Israel, just the way as it was ordered by God.

Take note they don’t use money for their TITHES, but they used crops and cattles.

Can anyone change the detail, wordings, and contents of this Law? In other words, can any person decide to add or to subtract from any Law that was given by God to the people of Israel during that time? Or even decided to change it perhaps like decide to use money, instead of crops, cattles, and sheep just the way it was spoken by God?

Deuteronomy 4:2  “YOU SHALL NOT ADD TO THE WORD that I speak to you, NEITHER SHALL YOU TAKE AWAY FROM IT: KEEP THE COMMANDMENTS of the Lord your God which I command you.”[DRB]

No person are allowed by God to add nor subtract from the words in his Laws, so it is non changeable, nor revisable by any person.

SO AS IT WAS WRITTEN, THAT’S HOW IT SHOULD BE DONE!

So that’s how it was kept and followed by the people of Israel even during the time of the Prophets long after the death of Moses, the system in the offering of TITHES remain unchanged, in the form of crops, cattle and sheep as we could read below:

2 Chronicles 31:5-6  “As soon as the word spread, THE ISRAELITES BROUGHT PLENTY OF OFFERINGS FROM THE FIRST OF THEIR PRODUCE: GRAIN, NEW WINE, FRESH OLIVE OIL, HONEY, AND EVERY CROP FROM THE FIELDS. THEY BROUGHT LARGE QUANTITIES, A TENTH OF EVERYTHING. THE PEOPLE OF ISRAEL AND JUDAH WHO WERE LIVING IN THE CITIES OF JUDAH BROUGHT A TENTH OF THEIR CATTLE AND SHEEP…” [GW]

And it continued just as the same and unchanged, as the history of the Old Testament had gone by:

Nehemiah 13:12  “Then all Judah brought a TENTH OF ALL THE GRAIN HARVESTED, NEW WINE, AND OLIVE OIL to the STOREROOMS.”[GW]

Until the very last book of the Old Testament:

Malachi 3:10  “BRING YE ALL THE TITHES INTO THE STOREHOUSE, THAT THERE MAY BE MEAT IN MINE HOUSE, and prove me now herewith, saith the LORD of hosts, if I will not open you the windows of heaven, and pour you out a blessing, that there shall not be room enough to receive it.” [KJV]

 See? If it was in the form of money, they would bring the TITHES in the TREASURY and not in the STOREHOUSE, but as you could see, God said bring the TITHES into the STOREHOUSE, THAT THERE MAYBE MEAT IN HIS HOUSE or Temple, so it is quite clear that it is either a cattle or a sheep.

So if you will ask me if the details of the said LAW changed?  Not even a bit, It is quite clear that the people of Israel had maintained this LAW just how it was spoken by God to Moses in Mount Sinai.

They used cattle and crops, as their TITHES that they have given to God as an OFFERING.



Was there no money yet existed during the Time when the Law of Giving Tithes was given?

Why? Was there no money existed during that time? That’s why they did not gave TITHES in the form of money?

Let us get our proof from the Bible, that in fact, money already existed in those times:

Genesis 17:23  “And Abraham took Ishmael his son, and all that were born in his house, and all that WERE BOUGHT WITH HIS MONEY, every male among the men of Abraham's house; and circumcised the flesh of their foreskin in the selfsame day, as God had said unto him.” [KJV]

Money already existed in the time of Abraham, what about in the time of  Moses?

Exodus 22:17  “If her father utterly refuse to give her unto him, HE SHALL PAY MONEY according to the dowry of virgins.” [KJV]

See? Even God himself mentioned to Moses about MONEY, and yet he did not commanded giving TITHES in the form of MONEY to Moses and the people of Israel.

And I can give you more than a hundred verses in the Old Testament as a proof that the people of God during that time already used money in purchasing, lending, etc.

So the big question now is this:
  
Where in the Bible we can read that God commanded to give Tithes in the form of Money? And when did he commanded it?

And what about in the New Testament, was there a proof that there are people who gave TITHES but not in the form of money? We go back to your verse:

Matthew 23:23  “Woe unto you, scribes and Pharisees, hypocrites! FOR YE PAY TITHE OF MINT AND ANISE AND CUMMIN, and have omitted the weightier matters of the law, judgment, mercy, and faith: these ought ye to have done, and not to leave the other undone.” [KJV]

Could you educate me my dear friend, if MINT, and ANISE, and CUMMIN were the EXISTING CURRENCIES in Jerusalem during the time of Jesus?

So now, I will give you a simple assignment:

Let’s say for argument’s sake, that the LAW of GIVING TITHES really does continue, and I would agree temporarily from what you said that it does not change, would you kind enough to answer these:

1.      Is the method of giving Tithes as spoken by God to Moses, is the same method you gave your Tithes, you’re using cattles and crops instead of money? Did you retained it, and followed it just the way God had spoken it?

2.     When did the giving of Tithes in the form of money started, and who proposed that instead of crops and cattles it must be changed in the form of money?

3.     Would it not appear that if we use money instead of crops and cattle, we’re actually changing the Law, which you actually said that does not changed?

I’m excited already, from your answers, of course a well conversant fellow in the LAW of TITHINGS like you, would definitely use the Bible, and not just lame excuse, and opinion based answer. After all the laws of God is written in the Bible, not in our minds, hehehe!

Have a nice day!



I know you have already responded this to the other thread Mr. INC Man-Made Rules , you are most welcome to repost them here, since I created this thread for that specific topic ---THE LAW OF TITHINGS…

And allow the viewers to see if your answers are convincing and satisfactory…and most importantly ---BASED IN TRUTH

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network