Sunday, 12 June 2011

Ang May Numerong '666' na Binabanggit sa Apocalypsis

      Ang aklat ng Apocalypsis na isinulat ni Apostol Juan sa pulo ng Patmos ay itinuturing na aklat ng mga simbolo at mga hula o propesiya. Sa aklat na ito ay may isang popular na numero na lumikha ng kontrobersiya sa lahat ng tao sa daigdig: ito ay ang numerong 666.  Atin pong basahin sa Biblia ang talatang kinalalagyan ng numerong ito:

Apocalypsis 13:18   “Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU'T ANIM.:”

Maraming sapantaha ang mga tao tungkol sa kung ano ang kahulugan nito at kung saan at kanino ito tumutukoy.  May nagsasabi na ang numerong 666 ay malas na numero, kaya nagkaroon sila ng sari-saring pamahiin tungkol dito.  May mga tao na makita lamang ang numerong ito kahit saan man ay agad na nakakadama ng takot at pangamba.  May nagsasabi naman na ito daw ay tumutukoy sa mga terorista gaya nila Adolf Hitler noon, Saddam Hussein, at maging ang presidente ng America na si Ronald Reagan.  Itinuturo naman ng mga Saksi ni Jehova na ang tinutukoy daw nito ay ang Pangsanglibutang Pamamahala na sa Ingles ay ang United Nations.  Kaniya-kaniya sila ng spekulasyon at pala-palagay tungkol dito.  Kaya ating tukuyin ang tunay na kahulugan ng numerong 666 at kung kangino talaga natupad ang hulang ito…Sapagkat ang hulang ito ay may tiyakan at partikular na katuparan.


Bilang ng Pangalan ng isang Tao

Sa ano nga ba tumutukoy ang numerong 666, liliwanagin iyan sa atin ng Bibliang Ingles, atin pong basahin:

Revelations 13:18  “This calls for wisdom. Whoever is intelligent can figure out the meaning of the number of the beast, because the number stands for the name of someone. Its number is 666.”  [Good News Translation]

Sa Filipino:

Apocalypsis 13:18  “Nangangailangan ito ng karunungan. Sinomang may katalinuhan ay malalaman ang kahulugan ng bilang ng hayop, sapagkat ang bilang ay katumbas ng pangalan ng isang tao. Ang kaniyang bilang ay 666.”

Maliwanag na sinasabi ng Biblia na ang bilang na 666 (Anim na raan at anim na pu’t anim) ay bilang ng kaniyang pangalan – isang tao na inihalintulad sa isang hayop. At sa pamamagitan ng karunungan at pagkaunawa ay maaaring bilangin ito, na ito ay bilang ng pangalan ng isang tao. Kaya hindi totoo ang paniniwala ng iba na ang Diablo ang tinutukoy sa hula, at hindi rin totoo na malas ang numerong 666  na kahit saan natin makita ay dapat tayong matakot.   Malinaw na sinasabi ng Biblia na ang tinutukoy dito ay isang tao na inihalintulad sa hayop na may pangalan na kung bibilangin ay katumbas ng bilang na 666.

Sa madaling salita ang pangalan ng taong ito kung susumahin o bibilangin ay may katumbas na 666. Dito na ngayon pumasok ang mga manunuligsa sa Iglesia. Nang ituro ng Iglesia ni Cristo kung kangino natupad ang hulang ito, ay sumagot ang mga kumakalaban sa amin at sinabing si Kapatid na Felix Y. Manalo at maging si Kapatid na Eraño G. Manalo daw ang sinasabi sa hula.

Papaano nila ito ipinaliwanag? Ganito:

FELIX   YSAGUN   MANALO
    5               6                 6

Kung ang FELIX daw ay gagamitan ng spelling sa tagalog ito ay magiging PELIKS. tapos magiging ganito:

PELIKS    YSAGUN    MANALO
     6                 6                    6                      =  666

At kung ang pangalan naman daw ng Ka Erdie na:   ERAÑO GUZMAN  MANALO ang gagamitan ng ganun ding pamamaraan:

IRANYO   GUZMAN    MANALO
      6                  6                     6                   =  666

Kaya daw ang kinatuparan ng hula na binabanggit sa Apocalypsis ay ang mag-amang Felix at  Eraño Manalo

Hindi maiwasang hindi matawa ng sinomang kapatid sa Iglesia nang kanilang ilabas ang ganitong paliwanag, dahil una ang sabi ng Biblia ay gamitan ng karunungan at katalinuhan.  Eh matatawag mo bang matalino ang isang tao na ang tamang spelling ay iminamali?  Hindi lang iyon, ang sabi ba sa Biblia ang 666 ay tatlong 6 na magkakatabi na kung ating susumahin ay 6+6+6 = 18 lang?  Hindi ba ang banggit sa Biblia ay Anim na raan at anim na pu’t animSIX HUNDRED SIXTY SIX iyon at hindi tatlong SIX na pinagtabi-tabi.  Kitang-kita ebidensiya na ang propesiya o hula ay kanilang hinuhulaan lamang ang kahulugan [hula na hinulaan pa], halatang-halata na kulang sila ng pagkaunawa kaya hindi nila maunawaan ang tunay na kahulugan ng talata.

Tsaka lalabas na sinomang tao sa daigdig na may pangalan na may anim na letra sa first name, anim na letra sa middle name, at anim na letra sa last name ay siyang kinatuparan ng hula. Gaya nito:       

                            ALEXIS  ROMANA MOLINA
                                 6                 6                 6                     =  666

                            ISAIAS CARLOS  GALVEZ
                                  6               6               6                        =  666         
       
Sige nga, hindi ba kung susundan natin ang kanilang pakahulugan ay lalabas na natupad din sa mga taong iyan ang sinasabi sa hula? Halatang gusto lang humanap ng tabla ang mga kumakalaban sa Iglesia ni Cristo, kahit na nakakatawa ang kanilang pamamaraan.  Hindi kasi nila matanggap ang naging kahulugan ng Apocalypsis 13:18,  Kangino ba ito tumutukoy? Sino nga ba ang tao na may pangalan na kung ating susumahin o bibilangin ay may katumbas na Anim na raan at anim na pu’t anim [666]?



Ang Titulong “VICARIUS FILII DEI”

Ang PAPA sa Roma ay may titulo na “VICARIUS FILII DEI”, isang salitang Latin na ang ibig sabihin ay KAHALILI NG ANAK NG DIYOS.  Noong unang panahon ang “U” at “V” ay magkatumbas ganun din ang “J” at “I”, kaya nga VICARIUS ay katumbas ng VICARIVS, ang pangalang JESUS naman ay isinusulat noon sa latin na IESVS, kaya nga ang “INRI” ay IESVS·NAZARENVS·REX·IVDÆORVM' [Jesus Nazarenus Rex JudaerumJesus na taga Nazaret ang Hari ng mga Judio], mapapansin natin na ang U ay ginamitan ng letrang V.

Tumututol ang iba, ang sabi nila ang sinasabi sa hula ay PANGALAN o NAME at hindi “TITLE” o TITULO nung taong hinuhulaan.  Kaya’t ating linawin iyan, ano ba ang ibig sabihin ng salitang “TITLE” o TITULO?

“TI'TLE, n. -  An inscription put over any thing as a NAME by which it is known.”
[Webster’s 1828 Dictionary]

Sa Filipino:

“TITULO, n – Isang isinusulat sa anomang bagay bilang PANGALAN na ikakikilala dito.”


Ang TITULO, ayon sa patotoo ng Dictionary ay PANGALAN na ikakikilala sa pinatutungkulan nito, samakatuwid ang VICARIVS FILII DEI ay isang PANGALAN na ipinantatawag sa PAPA

Saan matatagpuan ang PANGALAN o TITULONG ito? Sa isang Pahayagang Katoliko na inilathala noong April 18 ,1915 na may pamagat na “OUR SUNDAY VISITOR” sa page 3 ganito ang mababasa:




Ang sabi ng dokumentong ito ay:

“What are the letters supposed to be in the Pope’s crown, and what do they signify, if anything?  The letters inscribed in the pope’s mitre are these:  VICARIUS FILII DEI, which is the Latin for Vicar of the Son of God…”[Our Sunday Visitor, Bureau of Information section, page 3, April 18, 1915 Issue]

Sa Filipino:

“Ano ang isinisimbulo ng mga letra na nasa korona ng Papa, kung mayroon man?  Ang mga letrang nakasulat sa mitra ng Papa ay ang mga ito: VICARIUS FILII DEI, na Latin ng Kahalili ng Anak ng Diyos.”



Ang mga katagang VICARIUS FILII DEI, ay nakasulat sa Korona na isinusuot ng Papa sa Roma, ito’y nilinaw sa atin ng Pahayagang Katoliko. Ang koronang ito ay tinawag na Papal Tiara, o Tri-Crown, sapagkat ito’y tatlong korona na magkakapatong [makikita ninyo sa mga larawan sa itaas].

Kaya kung ating babalikan ang sinabi ng talata:  “Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao:” kaya ating bilangin o sumahin kung ang titulong ito nga ay may katumbas ng bilang na Anim na raan at anim na pu’t anim.

Sabi ng Biblia gamitan ng karunungan, dahil may mga letra o titik na may katumbas na bilang o numero kaya gagamitin natin ang ating karunungan o kaalaman sa pagsasalin ng Roman Numerals sa Hindu-Arabic numbers gaya nito:



Kaya ang VICARIUS FILII DEI ay magiging:




Kitang-kita ang total o ang suma 666 as in SIX HUNDRED AND SIXTY SIX, at hindi tatlong 6 na magkakatabi lamang hindi po ba?  May mga tumututol na nagsasabi na yung letter “V” [VICARIUS imbes na VICARIVS] daw ang dapat ay “U”, kung letter U daw ang gagamitin hindi daw magiging 666 kundi 661 lamang ang total.  Naipalawanag ko na po sa bandang unahan na yung letter U at V ay magkatumbas lamang sa Latin. Atin pong patutunayan iyan sa pamamagitan ng isang napakakilalang example: Napansin niyo ba ang spelling ng POST OFFICE BUILDING sa Maynila? Oh hindi ba iyong salitang BUILDING ay ginawang “BVILDING”? Letter V ang ginamit imbes na Letter U. Kasi nga sa Old Latin ay magkatumbas lamang ang dalawang letrang ito.


Pero nangangatwiran sila na hindi lang naman daw VICARIVS FILII DEI ang pag sinuma ay katumbas ng 666 mayroon pang ibang pangalan, at hindi naman kami tutol doon.  Narito ang isa sa halimbawa:


Gaya ng halimbawa sa itaas, ay makikita na may mga pangalan din na maaaring mag-equal sa 666, pero nangangahulugan ba na dahil sa ganun ang naging suma, ay sa kanila na din natupad ang hula sa Apocalypsis? Lalabas niyan na maaaring sa libo-libong tao natupad iyan.

Pero ang Panginoon Diyos ay marunong sa lahat, dahil hindi lang niya ibinigay ang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng bilang ng kaniyang pangalan, ibinigay din niya ang mga katangian ng taong ito na lalong nagpapatibay kung sino talaga ang sinasabi sa hula.  Atin pong ipagpapatuloy ang ating pagtalakay…



Ang mga Katangian ng Taong may Pangalan na katumbas ng 666

Sinasabi sa hula na ito ay tao na inihambing sa isang hayop.  Sa anong hayop ba ito inihambing at ano ba ang mga katangian nito na lalong magpapatibay sa atin ng tunay na kinatuparan ng hula. Kanina ang binasa natin ay verse 18, itataas lang natin ang basa sa verse 11:

Apocalypsis 13:11  “At nakita ko ang ibang hayop na umaahon sa lupa; at may dalawang sungay na katulad ng sa isang kordero, at siya'y nagsasalitang gaya ng dragon.”

Ibinigay sa atin ang TATLONG KATANGIAN:

1.        may dalawang sungay” - Nagtataglay siya ng dalawang sungay:

2.       “katulad ng sa isang kordero” - gagayahin ang kordero

3.       “nagsasalitang gaya ng dragon.” -  ang kaniyang sasabihin ay salita o aral ng dragon

Isa-isahin nating ipaliwanag ang mga katangiang ibinigay ng Biblia:


1.   May Dalawang Sungay

Ano ba ang ibig sabihin ng “sungay” ano ba isinisimbulo nito?

Amos 6:13  “Kayong nangagagalak sa isang bagay na walang kabuluhan na nangagsasabi; Di baga kami ay nagtaglay para sa amin ng mga SUNGAY sa pamamagitan ng aming sariling KALAKASAN?”

Ang sungay ayon sa Biblia ay Kalakasan,  kaya ang taong tinutukoy na may bilang na 666 na may dalawang sungay ay nagtataglay ng dalawang kalakasan.  Ano ba ang ibig sabihin ng Kalakasan, kung ating babasahin sa Bibliang English ay ganito ang nakalagay:

Amos 6:13  “Ye which rejoice in a thing of nought, which say, Have we not taken to us HORNS by our own STRENGTH?” [King James Version]

Samakatuwid ang Kalakasan ay Strength sa English, na may meaning na:

STRENGTH - That property or quality of an animal body by which it is enabled to move itself or other bodies. We say, a sick man has not strength to walk, or to raise his head or his arm. We say, a man has strength to lift a weight, or to draw it. This quality is called also POWER and FORCE.” [Webster’s 1828 Dictionary]

Makikita sa Dictionary na ang kasing kahulugan ng salitang Strength o Kalakasan ay POWER and FORCE o KAPANGYARIHAN at PUWERSA. Kaya sa madaling salita ang hinuhulaan dito ay isang tao na may DALAWANG URI NG KAPANGYARIHAN, iyon ang tinutukoy na DALAWANG SUNGAY na kaniyang taglay.  Ilan ba at anu-ano ang KAPANGYARIHAN ng Papa? Sasagutin tayo ng isang Cardinal ng Iglesia Katolika:

“The Popes were not only devoted SPIRITUAL FATHERS, but firm and valiant CIVIL GOVERNORS…” [Faith of Our Fathers, by James Cardinal Gibbons,  p. 113]

Sa Filipino:

“Ang mga Papa ay hindi lamang matatapat na AMA NG KALULUWA, kundi matitibay at magigiting na mga GOBERNADOR SIBIL.”

Pinatutunayan ng Cardinal ng Iglesia Katolika na ang Papa ay nagtataglay ng dalawang uri ng Kapangyarihan: KAPANGYARIHANG SPIRITUAL at KAPANGYARIHANG PAMPULITIKA, kapuwa saklaw ng Papa ang pamamahala sa Relihiyon at sa Gobiyerno. Pasok ang Papa sa unang katangian.


2.   Katulad ng isang Kordero

Sino ba ang Kordero na binabanggit sa Biblia?

Juan 1:29  “Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!”

Ang ating Panginoong Jesu-Cristo ang Cordero ng Diyos, samakatuwid siya ang gagayahin ng taong hinuhulaan sa Apocalypsis.  Ano ba ang isa sa katangiang taglay ni Cristo na gagayahin ng taong ito?

Colosas 1:18  “At SIYA ANG ULO NG KATAWAN, SA MAKATUWID BAGA'Y NG IGLESIA; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.”

Si Cristo ang ulo ng Iglesia niya.  Ang Papa ba sa Roma ay ipinakikilala rin bilang ulo ng Iglesia? Isa namang Paring Katoliko ang sasagot sa atin:

"The pope, therefore, as vicar of Christ, is the VISIBLE HEAD of CHRIST'S KINGDOM on earth, THE CHURCH, of which Christ Himself is the invisible head." [Answer Wisely, by Rev. Martin J. Scott, p. 49]

Sa Filipino:

“Ang Papa, samakatuwid, bilang kahalili ni Cristo, ay ang NAKIKITANG ULO ng KAHARIAN NI CRISTO sa lupa, ang IGLESIA, kung saan si Cristo mismo ang di nakikitang ulo nito.”

Sabi ng Pari ang Papa daw ay ang Nakikitang Ulo ng Iglesia dito sa lupa, si Cristo naman daw ang hindi nakikitang Ulo, samakatuwid para sa kanila ang Papa ang Ulo ng Iglesia sa Lupa, si Cristo naman ang Ulo ng Iglesia sa langit. May mababasa ba tayo sa Biblia na dalawa ang ulo ng Iglesia? Hindi lang iyon, hindi ba nasasakop ni Cristo ang lupa? Ang kaniya bang pamamahala ay sa langit lang?

Mateo 28:18  “At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, ANG LAHAT NG KAPAMAHALAAN SA LANGIT AT SA IBABAW NG LUPA AY NAIBIGAY NA SA AKIN.”

Napakaliwanag na ang Papa ay nag-aangkin lamang ng kapangyarihang kay Cristo lamang ipinagkaloob ng Diyos, dahil ang lahat ng kapamahalaan ay ibinigay na sa kaniya ng Ama sa langit man o sa lupa.  Nabasa natin sa itaas na sinasabi nila na ang Papa ay may titulong VICARIUS CHRISTI [VICAR OF CHRIST], o KAHALILI NI CRISTO, samakatuwid hinahalinhan o pinapalitan ng Papa ang pamamahala ni Cristo sa Iglesia, hindi lang ginaya ang Cristo kundi nakipantay pa sa kaniya sa kapangyarihan. Puwede bang magkaroon ng KAHALILI o KAPALITAN si Cristo? Sasagutin sa atin iyan ng Biblia:

Hebreo 7:24  “Datapuwa't siya, sapagka't namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang DI MAPAPALITAN.”

Ang kapangyarihan, posisyon, at karangalang ibinigay ng Diyos kay Cristo kailan man ay hindi maaagaw ni mapapalitan ninoman.  Ang pagsasabing ang Papa ay KAHALILI NI CRISTO ay maliwanag na pakikipantay at panggagaya sa Cordero ng Diyos na ito ay isang napakalaking kasalanan at kalapastanganan sa harap ng Diyos.  Hindi lang iyon, kung ating lalawak-lawakan pa ang ating pagtalakay ay ginaya rin ng Papa na itinuturing na pinakamataas na Pari ang pananamit ni Cristo.

"ANG PANANAMIT NG PARENG NAGMIMISA. Ang pareng gayak sa pagmimisa ay nakakatulad ni Jesukristo noong umakyat sa bundok ng kalvario." [Siya ang Inyong Pakinggan: Ang Aral na Katoliko, Page 195]

kaya pasok na naman sa ikalawang katangiang ibinigay ng Biblia ang Papa.


3.   Nagsasalitang Gaya ng Dragon

Sino ba ang Dragon na ang salita nito ang gagayahin ng taong may bilang na 666 sa kaniyang pangalan?

Apocalypsis 20:2  “At sinunggaban niya ang DRAGON, ang matandang ahas, na siyang DIABLO at SATANAS, at ginapos na isang libong taon,”

Ang salita ng Dragon o ng Diablo at Satanas ang sasalitain ng taong ito, samakatuwid magtuturo siya ng aral ng Demonio, na ano ang mga ito?

1 Timoteo 4:1  “Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa MGA ARAL NG MGA DEMONIO,”

1 Timoteo 4:3  “NA IPINAGBABAWAL ANG PAGAASAWA, AT IPINAGUUTOS NA LUMAYO SA MGA LAMANGKATI, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.”

Ang taong hinuhulaan ay magtuturo ng Pagbabawal ng pag-aasawa at paglayo o pagbabawal sa pagkain ng lamangkati o karne. Na mga aral ng demonio na katumbas ay salita ng Dragon.  Na kapuwa natupad sa Iglesia Katolika dahil sa ito ang itinuro sa kanila?

"Ang disiplina ng Iglesia (Katolika) ay ipinatupad buhat pa sa pasimula, sa pamamagitan ng PAGBABAWAL sa mga Sacerdote (o pari) NA MAG-ASAWA pagkatapos na sila'y maordena." [Pananampalataya ng Ating mga Ninuno, sinulat ni James Cardinal Gibbons, tinagalog ng Paring si Rufino Alejandro, Page 396]

"Sa ikalawang utos ay ipinaguutos ng Santa Iglesia sa atin na magayuno at HUWAG KUMAIN NG ANOMANG LAMANGKATI O KARNE sa mga araw ng ipinagbabawal niya." [Siya Ang Inyong Pakinggan: Aral na Katoliko, sinulat ng Paring si Enrique Demond, Page 139]

Tupad na tupad sa Papa ang mga katangiang ibinigay ng Biblia tungkol sa taong nagtataglay ng bilang na 666 sa kaniyang Pangalan o Titulo.  Kaya nga may mga pangalan man na kung susumahin ay mag-e-equal sa 666, kung hindi naman pasok sa tatlong katangiang ito ay hindi siya ang kinatuparan ng propesiya.  Ang Kapapahan, ang posisyong ito, ang pagiging Papa ng isang tao ang naglalagay sa kaniya bilang Anti-Cristo ang taong may bilang na ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU’T ANIM.  Mananatili ka pa ba sa relihiyong pinamumunuan niya? Magsuri sana kayo mga mahal naming kaibigan…

196 comments:

  1. Nice post. thanks po for sharing.

    ReplyDelete
    Replies
    1. gusto q po mgtnong mssagot po b ninyo lahat ng katanungan ko?salamat po brother..

      Delete
    2. Basta may kinalaman sa religion at faith, masasagot natin iyan brother

      Delete
    3. salamat po sa reply bro aerial.

      Delete
    4. Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)

      Delete
  2. Sinungaling.....

    ReplyDelete
    Replies
    1. parang sinabi mo na rin na sinungaling ang Panginoong Diyos sapagkat ang Bibliya ay mga salita ng Diyos...maawa ka po sa sarili mo...at kaawaan ka din ng Diyos!

      Delete
    2. PAHAYAG 7:9-10 9 Pagkatapos kong makita ang mga bagay na ito, narito, ang NAPAKARAMING TAONG NAROON na WALANG SINUMANG MAKAKABILANG SA KANILA. Sila ay mula sa bawat BANSA, bawat LIPI at bawat WIKA. Nakatayo sila sa harap ng trono at sa harap ng Kordero. Sila ay nakasuot ng MAPUTING DAMIT at may hawak na mga PALASPAS. 10 Sila ay sumisigaw ng isang malakas na tinig. Sinabi nila:

      Ang kaligtasan ay sa kaniya na nakaupo sa trono at sa
      Kordero. AMEN. :)

      Delete
    3. Kita na nga ang kahayagan ie sasabihin pa sinungaling? Ganon talaga ang katotohanan babaliktarin ng isang sinungaling na gaya mo.. Ako sayo magpasalamat ka at nalaman mo ang katotohanan..

      Delete
  3. to anonymous
    na hurt ka ba sa katotohanan? you better open your mind;-)

    sis hongkong

    ReplyDelete
  4. Madaling sabihin na ang isang bagay ay KASINUNGALINGAN, pero mahirap lalo na sa paksaing iyan na patunayan na hindi iyan TOTOO.

    I was once a Catholic, at ng una ko rin iyang malaman noon ay hindi ko rin kaagad-agad na mapaniwalaan iyan.

    Pero sabi ko nga kung tayo ay magsusuri at ating bubuksan ang ating mata at isipan, at ating yayakapin ang TUNAY na KATOTOHANAN,ay magagalak pa nga tayo kung tutuusin at magpapasalamat, dahil may mga tao na nagmalasakit na ipaalam sa atin ang mga KATOTOHANANG iyan, at hindi tayo hahantong habang-panahon sa pagkadaya.

    Dahil ito ang kalooban ng Diyos:

    1 Timoteo 2:3-4 "Ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas; Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan."

    Ang Diyos ang may kalooban na malaman ng tao ang KATOTOHANAN, talaga lang na kung magkaminsan ang KATOTOHANAN ay hindi katanggap-tanggap at MASAKIT, pero kailangan natin iyang tanggapin upang tayo ay makarating sa KALIGTASAN...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for posting.. :-)

      Delete
    2. Kung dati ka ngang Katoliko. Bago mo nalaman yang mga bagay na naisulat mo. Sino ang taong 666 para sa mga Katoliko? Ano ang interpretation ng Katoliko sa Revelation 13?

      Delete
    3. hello po ask ko lng po,kung halimbawa umanib ksa IGLESIA,.tapos nabautismuhan k,tas nagksala k po uli,pr malinis po b uli.pde b uli o mgppabautismo po b uli pr malinis s kslanan?may nasusulat po n s bible ang gnun?

      Delete
    4. Hindi na kailangang pabautismo ulit, ang kailangan mo lamang ay lumapit sa Tagapamagitan na itinalaga ng Diyos, sa ikapagpapatawad ng kasalanan:

      1 Juan 2:1 “Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag mangagkasala. AT KUNG ANG SINOMAN AY MAGKASALA, AY MAY TAGAPAMAGITAN TAYO SA AMA, SI JESUCRISTO ANG MATUWID:”

      Dahil sa sangkap ka na ng kaniyang KATAWAN ay ipamamagitan ka na ni CRISTO kung ikaw ay magkakasala pang muli, matapos ang iyong BAUTISMO.

      Delete
    5. This comment has been removed by the author.

      Delete
    6. ang ipaliwanag mo kung paanong naging SUNGAY ang YSAGUN kapag ni rumble natin. Sige paliwanag ayon sa pagsasaliksik ang YSAGUN ang tunay na surname ni FELIX pinalitan lang nya ng MANALO gamit ang Surname ng nanay nya. Hindi ba itinatago lang nya ang SUNGAY nya sa SAYA ng Nanay nya kaya ganun? ESEP ESEP mga kapatid. Eto ang sasabihin ko Kapag nagkataon na HUDYO si FELIX MANALO ay malamang maniwala pa ko sa kanya.

      Delete
    7. NOTE: We are already characterized as a PRIEST

      But you are A CHOSEN RACE, A royal PRIESTHOOD, A HOLY NATION, A PEOPLE FOR God's OWN POSSESSION, so that you may proclaim the excellencies of Him who has called you out of darkness into His marvelous light; 10for you once were NOT A PEOPLE, but now you are THE PEOPLE OF GOD; you had NOT RECEIVED MERCY, but now you have RECEIVED MERCY.…(1 Peter 2:9)

      Kaya HINDI na po applicable ang kaparaanan ng Catholic na pangungumpisal sa pare.

      Dahil pwede na tayong humingi ng pagpapatawad mula sa Ama sa pamamagitan ni Kristo.

      NOTE: Applicable lang po ito sa mga tinubos o nasa kawan/katawan/Iglesia ni Kristo.

      Dahil ang mga WALA sa kawan/katawan/Iglesia ni Kristo ay HINDI kinikilala ni Kristo

      Kaya nga alalahanin ninyo, na kayo noong una, mga Gentil sa laman, tinatawag na Di-pagtutuli niyaong tinatawag na Pagtutuli sa laman, na ginawa ng mga kamay: 12Na kayo nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa mga tipan ng pangako, na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan. (Ep. 2:11-12)

      Delete
    8. Guiding Light: “The language of Tagalog and Bisaya is Ancient-Hebrew




      According to Merriam-Webster International Unabridged dictionary that the Tagalog language and Visayan language comes from one group of language called Tagala that is branch-language of ancient Malay-Javanese language called Kawi which is now extinct.




      The Tagalog language has 30,000 root words, 700 affixes, and the root words which are famous about 5,000 words from Spanish, 3,200 from Malay-Indonesia, 1,500 words from Hebrew, 1,300 words from English, 300 from Sanskrit, 250 words from Arabic and very few words from Persian, Japanese, Russian.




      The Latin language was influenced from Spanish and English. The language of Visaya and Tagalog has many similarities about 3,800 well known words are the same and similar in usage.

      https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1415833301800981&set=a.1414488611935450.1073741852.100001229741631&type=3&theater




      The Hiligaynon is the language of Visaya is also like the Higaynon in Hebrew word means “solemn sound”.




      “Wa” means “not in you” in Visayan language. The word ‘Ya” in Hebrew means “Yah” the short form of the name of the Mighty One of Yahshurunites (Israelites). Therefore the meaning of “ya-wa” means “Yah is not in you” or “evil”. The word ‘po’ derived from ‘ho’ is an ancient primitive Hebrew words are being mentioned in all dialects of the Philippines.”




      In a book found in Spain entitled Colección General de Documentos Relativos a las Islas Filipinas (General Collection of Philippine Islands related Documents), the author has described how to locate Ophir. According to the section "Document No. 98", dated 1519-1522, Ophir can be found by travelling from the Cape of Good Hope in Africa, to India, to Burma, to Sumatra, to Moluccas, to Borneo, to Sulu, to China, then finally Ophir. Ophir was said to be "[...] in front of China towards the sea, of many islands where the Moluccans, Chinese, and Lequios met to trade..." Jes Tirol asserts that this group of islands could not be Japan because the Moluccans did not get there, nor Taiwan, since it is not composed of "many islands." Only the present-day Philippines, he says, could fit the description. Spanish records also mention the presence of Lequios (big, bearded white men, probably descendants of the Phoenicians, whose ships were always laden with gold and silver) in the Islands to gather gold and silver.[18]https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1403603273023984&set=a.1403602973024014.1073741850.100001229741631&type=3&theater




      The discovery of the lost city Ubar in the southern Arabian peninsula is another possibility.[citation needed]https://en.wikipedia.org/wiki/Ophir




      https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1403603273023984&set=a.1403602973024014.1073741850.100001229741631&type=3&theater

      https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1415833301800981&set=a.1414488611935450.1073741852.100001229741631&type=3&theater




      ..pag ukulan mo ng pansin tu "Guiding Light:, kung bakit o paano nakarating ang salitang "HEBREW" sa Pilipinas??


      Delete
  5. brod pa share... sa facebook ko.

    khafji

    ReplyDelete
  6. kasinungalingan ba yung paliwanag sa taas na ang iglesia katolika ay nagbabawal ng pag kaen ng karne? kung di ako nag kakamali twing holy week to ginagawa.. pati pag babawal ng pag aasawa..sige hanap ka ng talata sa biblia na my bawal ang pagkaen ng karne at bawal ang pag aasaw..hindi naman nagkulang ang PANGINOONG DYOS sa atin.. binigay nia lahat ang karunungan at pag ka unawa sa pamamgitan ng biblia at mga sinugo nia para ituro mga ito..bakit mo ipipikit ang mata at tenga mo?

    ReplyDelete
  7. Ginoong Aerial Cavalry,

    Magandang araw sa'yo.

    Maraming mga "church believers" sa kasalukuyan ang naniniwala na kasama sa mga kapangyarihan ng Dios nang likhain Niya ang kasamaan sa mundo. Sila ay naniniwala na ang Dios mismo ang gumawa ng Kaniyang kalaban o ang Diablo. Maari nyo bang ipaliwanag ito?

    Nais kong malaman ang pinaninindiganan ng INC sa talatang nakasaad sa Isaias 45:7; “Ako ang lumikha ng dilim at liwanag; ako ang nagpapahintulot ng kaginhawahan at kapahamakan. Akong si Yahweh ang nagpapasya ng lahat ng ito.”

    Maraming salamat po..

    ReplyDelete
    Replies
    1. paano nyo naman po ipapaliwanag ito. .
      1 Timoteo 4:2-3
      "Ito ang palatandaan na ang Espiritu ng Diyos nga ang nasa kanila: kung ipinapahayag nila na si Jesu-Cristo ay naging tao. 3Kung hindi gayon ang kanilang ipinapahayag tungkol kay Jesus, hindi mula sa Diyos ang Espiritung nasa kanila. Ang Espiritu ng anti-Cristo ang nasa kanila. Nasabi na sa inyong ito'y darating at ngayon nga'y nasa daigdig na."

      Delete
  8. TOTOO ang sinasabi dito...kalapastanganan ang manggaya sa Diyos..kung magreresearch kayo sa net..may mga nkpag-patunay na ang PAPA ay nasa impyerno..napatunayan yan ng isang batang babae..pati sila Selena (singer) at Michael Jackson (king of pop)ay nasa impyerno na nagdurusa..ito ung title "The Kingdoms of Heaven & Hell,
    and the Return of CHRIST
    by Angelica Zambrano
    " jan niyo mllman if bakit sila npunta sa impyerno...search niyo din sa youtube para makita nyo kung sino ung batang babae na pumunta sa Heaven and Hell para ipaalam sa lahat na totoo ang mga ito..marami pang hindi nkakaalam nito guys..please spread

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magsaliksik bago maniwala. BULAAN PO SI ANGELICA ZAMBRANO. Nagpakilalang Jehovah ang kumausap sa kanya. wala sa biblya ang Pangalang yon. Gawa-gawa lang yung pangalan na yun nga mga Saksi ni JEHOVAH... kahit ang mga JEHOVAH aminado na Yahweh ang tawag sa AMA...at ang Espiritu Santo ay nagagawa nyang utusan at nahahawakan pa nya gayung Hininga yon ng Dyos at Espiritu yon... May point pa nagalit daw sa kanya at marahas ang pagsasalita ng Espirtu ng Diyos. Eto ang sabi tungkol sa Espiritu; "Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili." (Galacia 5:22-23)... at pagkatapos kung iisipin napakalupit ng Diyos na nakilala nya. Hindi ganun si Kristo ang nais nya ay mailigtas ang lahat ng tao. Lahat ng panahon kahit nasa kabilang buhay na tayo ay binibigyan pa rin nya tao ng awa ng pag-asa para makapagsisi. Nangaral din si Jesus kahit nasa kabilang buhay na sya nung sya ay mamatay pagkatapos sa Krus. Anong silbi ng Pagkamatay ni Hesus sa Krus kung wala syang nais mailigtas. Magsaliksik at magnilay sa mga katotohanang nababasa natin at nakikita. Wag tayong basta maniwala mga Kapatid.

      Delete
    2. Hindi nga Dios ang Panginoong Hesus. Kung naniniwala kang Dios ang Panginoong Hesus, nasa dilim ka pa rin. Sinabi na sa bibliya na iisa lamang ang tunay na Dios, kaya pag ipinilit nyo na may isa pa, hindi na tunay na Dios yun. At kapag sinabi mo naman na magkapantay sila, wala din kapantay at katulad ang nagiisang tunay na Dios. Wag po natin gawing complicated yung tunay na aral na binibigay sa'tin ng Ama dahil yun ang magliligtas sa'tin.

      Delete
    3. Mga Taga-Filipos 2:6-7
      Ang Salita ng Diyos (SND)
      6 Bagaman siya ay nasa anyong Diyos, hindi niya itinuring na kailangang pakahawakan ang kaniyang pagiging KAPANTAY ng Diyos. 7 Bagkus ginawa niyang WALANG KABULUHAN ang kaniyang sarili at tinanggap niya ang anyo ng isang alipin at nakitulad sa tao. KAPATID MAGBASA-BASA PO TAYO PAG MAY TIME. WAG YUNG PURO OPO.. SYA NGA PO.

      Delete
    4. hindi po natin pwedeng ibahin ang mga talata sa bibliya. at itanggi ang pagpapakilala ng Panginoong Hesukristo na sya ang Diyos... basahin mo po sa talata: Isaias 43:10 Kayo'y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at aking lingkod na aking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga; walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko.

      43:11 Ako, sa makatuwid baga'y ako, ang Panginoon; at liban sa akin ay walang TAGAPAGLIGTAS.

      43:12 Ako'y nagpahayag, at ako'y nagligtas, at ako'y nagpakilala, at walang ibang dios sa gitna ninyo: kaya't kayo ang aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at ako ang Dios.

      Delete
    5. Kung diyos sya sino ang tagapamagitan natinsir?

      Delete
    6. Mack alam mo na ba na naging Sexy dancer na si Zambrano?
      mag research ka ng malaman mo. see is to believe ikaw ngaa.

      Delete
    7. Jesus POINT the FATHER his ONLY TRUE GOD.
      JOHN 17:3 And this is life eternal, that they might know YOU(referring to the Father) the ONLY true God, and Jesus Christ, whom you hast sent.

      JOHN 20:17 Jesus saith unto her, Touch me not; for I am not yet ascended to my Father: but go to my brethren, and say unto them, I ascend unto MY FATHER, and your Father; and to MY GOD, and your God.

      ---Jesus NEVER address himself as GOD, NEVER include himself, NEVER point himself as GOD. But he POINT the FATHER his ONLY TRUE GOD.

      ->The Apostles also POINT ONE GOD, and that is the FATHER
      1 CORINTHIANS 8:5 For though there be that are called gods, whether in heaven or in earth, (as there be gods many, and lords many,) 8:6 BUT TO US THERE IS BUT ONE GOD, THE FATHER, OF whom are all things, and we in him; and ONE LORD JESUS CHRIST, BY whom are all things, and we by him.
      ---Both Christ and the Apostle TEACH ONE GOD and that is the FATHER.

      ->Besides if we point JESUS as GOD. Why Jesus (SON) DOES NOT KNOW WHEN was his (JESUS, SON) SECOND COMING(JUDGEMENT DAY, END OF THE WORLD)

      As MARK
      13:32 But of that day and that hour knoweth no man, no, not the angels which are in heaven, NEITHER THE SON (JESUS), BUT THE FATHER.
      ---So If Jesus is GOD Why Apostle MARK said that

      “No one knows when that day or time will be. The Son(JESUS) and the angels in heaven don’t know when that day or time will be. Only the Father(TRUE GOD) knows.”
      Because ONLY THE TRUE GOD(FATHER) KNOWS when His(FATHER) son’s(JESUS) SECOND COMING(JUDGEMENT DAY, END OF THE WORLD)

      ---Any Church or priest, pastor, minister, reverend or wizard that teaching or having the doctrine that ”Jesus is GOD” is a FALSE teacher or a FALSE church. BEWARE of them and don’t let them DECEIVE you.

      Delete
    8. ->GOD is never a MAN(HUMAN) and never CHANGE/TRANSFORM. WHY? BIBLE SAID:

      I will not execute the fierceness of mine anger, I will not return to destroy Ephraim: for I AM GOD, AND NOT MAN; the Holy One in the midst of thee: and I will not enter into the city(Hosea 11:9)
      Descendants of Jacob, I am the LORD All-Powerful, and I NEVER CHANGE. .(Malachi 3:6, CEV)

      Every good gift and perfect present comes from God, the Creator of heavenly lights, WITH WHOM IS NO VARIABLENESS, NEITHER SHADOW OF TURNING, (James 1:17, KJV) WHO DOES NOT CHANGE (James 1:17, TEV)

      "GOD IS NOT A MAN, that He should lie, nor a son of man, that He should repent. Has He said, and will He not do it? Or has He spoken, and will He not make it good? (Numbers 23:19, NKJV)

      ->God is spirit and has no flesh and bones unlike man.

      4:24 GOD IS A SPIRIT: and they that worship him must worship him in spirit and in truth.(John 4:24)

      24:39…FOR A SPIRIT HATH NOT FLESH AND BONES …(Luke. 24:39)


      ->A MAN(HUMAN) IS NOT GOD
      28:2 Son of man, say unto the prince of Tyrus, Thus saith the Lord GOD; Because thine heart is lifted up, and thou hast said, I am a God, I sit in the seat of God, in the midst of the seas; YET THOU ART A MAN, AND NOT GOD, though thou set thine heart as the heart of God. (Ezekiel 28:2)

      ---Therefore a God can NEVER be a MAN(human form), Cause God already stated that He is not a MAN(human form) and he NEVER CHANGE.

      Delete
    9. ->Jesus Christ is a MAN(HUMAN) before(John 8:40) and after(Luke. 24:39) resurrection, even when he reached heaven(Heb. 10:12).

      Before resurrection:
      “But now you seek to kill me, A MAN who was told you the truth which I heard from God.” (John 8:40)

      After resurrection:
      “Behold MY HANDS AND MY FEET, that it is I myself: handle me, and see; FOR A SPIRIT HATH NOT FLESH AND BONES, as ye see me have.” (Luke. 24:39)

      When he reached heaven:
      "BUT THIS MAN, after He had offered one sacrifice for sins forever, sat down at the right hand of God" (Heb. 10:12)

      In fact, those people/group that deny or do not acknowledge that our Lord Jesus Christ is a human are called by the Bible as ANTI-CHRIST.

      “There are a lot of smooth-talking charlatans loose in the world who refuse to believe that Jesus Christ was TRULY HUMAN, a flesh-and-blood human being. Give them their true title: DECEIVER! ANTICHRIST! “(2 John 1:7, MSG)

      Delete
    10. Pasensya na. Pero HINDI po naniniwala ang INC1914 sa current hell. Dahil itong mundo/earth po ang magiging hell. At mangyayari lang po yan pagdating ng Judgement Day.

      INC1914 and the bible teaches that the dead stay dead until Judgement Day.

      Si Kristo lang ang unang binuhay ng Dios. Wala ng kasunod. The rest will be raised on Judgement Day.

      Delete
    11. patunayan mo sa bibliya na ang hell ay ang earth?

      Delete
  9. sang ayon ako sainyo mga kapatid.. kaylangan natin magpalaganap ng mga salita ng Diyos dahil ang taon na e2 ay ang taon ng pagpapalaganap.. sana po makapagbunga tau na may maiaalay tau na kaluluwa sa taong ito..

    ReplyDelete
  10. dami ng nagmamagaling sa mundo...

    ReplyDelete
  11. aerial ang mga sabadista ba ang orihinal na nakatuklas at nagbilang ng vicarius filii dei=666? at sabi din ng mga katoliko di daw ito nakasulat sa tiara binawi daw ito sa mga sumunod na issue ng sunday visitor..

    salamat..........

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maliwanag namang sinabi ng SUNDAY VISITOR na nakaukit sa korona ng PAPA ang mga katagang VICARIUS FILII DEI hindi ba?

      “WHAT ARE THE LETTERS SUPPOSED TO BE IN THE POPE’S CROWN, and what do they signify, if anything? The letters inscribed in the pope’s mitre are these: VICARIUS FILII DEI, which is the Latin for Vicar of the Son of God…”[Our Sunday Visitor, Bureau of Information section, page 3, April 18, 1915 Issue]

      Makalipas ang DALAWANG TAON, ay kanilang itinanggi na may nakasulat sa TIARA o KORONA ng PAPA ng nasabing Titulo. Ang kinalabasan ngayon ay nagsinungaling sila noong 1915.

      “…if present-day writers are so anxious to see the fulfillment in the person of the Pope, why not be consistent? Such interpreters have never shown that the title "VICARIUS FILII DEI" is really inscribed upon the Pope's tiara. MOREOVER, THE PASSAGE STATES THAT THE NUMBER REFERS TO A MAN, IN OTHER WORDS THE NUMERALS REPRESENTED BY THE LETTERS IN HIS NAME, WHICH TOTAL THE SUM 666. THE WORDS VICARIUS FILII DEI ARE NOT THE NAME OF THE POPE, THEY DO NOT EVEN CONSTITUTE HIS OFFICIAL TITLE. [Our Sunday Visitor, Bureau of Information, September 16, 1917 Edition]

      Subalit sa paglipas ng mga panahon, matapos nilang sabihin na hindi TITULONG OPISYAL ng PAPA ang VICARIUS FILII DEI ay:

      “THE POPE CLAIMS TO BE THE VICAR OF THE SON OF GOD, while the Latin words for this DESIGNATION are not inscribed, as anti-Catholics maintain, on the Pope's tiara”. [Our Sunday Visitor, 11, No. 14, July 23, 1922.]

      Ipinakilala naman nila noong 1922 na ang Papa ay ang “VICAR OF THE SON OF GOD” na sa Latin ay “VICARIUS FILII DEI” kaya binawi noong una pero ibinigay din, hehehehe. Itinanggi nung una pero inamin din.

      Kahit na wala sa KORONA o nasa KORONA nga nakaukit ang nasabing titulo, eh hindi naman ang may katumbas ng numerong 666 ay iyong KORONA eh, kaya nga ipagkaila man nila na may KORONA ang PAPA na may nakaukit na VICARIUS FILII DEI at sabihin man nila na ang mga nagpapatunay daw na ang Papa ang 666 ay wala namang pruweba na may ganoon siyang korona, sapat na ang kanilang pag-amin na ang titulong ito ay ikinakapit nila sa PAPA bilang katibayan na siya nga ang kinatuparan ng propesiya, siyempre dagdag pa ang mga katangian na tumugma rin sa kaniya.

      Sa pagkakaalam ko may nauna pa sa mga SABADISTA na nakapagpaliwanag na ang 666 ay tumutukoy sa VICARIUS FILII DEI o sa Titulong ito ng PAPA sa Roma, hayaan mo kaibigan at aking hahanapin sa aking mga nakatagong REFERENCES.

      God bless you all…

      Delete
    2. Brad Areial...gusto ko po sanang I-post niyo yung sagot kung may mas nauna pa po sa sabadista na nakatuklas ng 666..:D

      johnyD'greAt

      Delete
    3. kung gusto nyo sa temang 666 dumolog kayo sa mga local na jehovahs witnesses kasi kami lang ang makakasagot na tama.hindi po yan ukol sa mga santo papa.ang makakasagot po sa 666 ang biblia mismo at katulong ang mga jw.hintayin ko lang muna ang refference ni ginoong aerial bago i discuss ko ang 666.

      Delete
    4. naku, ang gulo po ng mga aral nyo, JW. ilang taon kami um-attend sa mga worship services nyo, ang gulo-gulo ng mga nagbibigay ng bible studies, kaya hindi din ako nagpatuloy kahit ilang taon na kami uma-attend ng worship service nyo. pasensya na po, pero wala po sa inyo ang katotohanan, sa INC lang po talaga ako naliwanagan.

      Delete
    5. ah ganon ba?patunayan mo na ang jw wala sa katotohanan? o baka puro ka lang salita kaibigan:

      o baka nga hindi mo sinusunod ang aral ng bibliya kaya hindi kana nagpapatuloy:

      hindi kasi pang tao ang aral ng jw kaibigan.

      Delete
  12. BRO.FRANCIS JAY_INC15 October 2012 at 05:42

    LAHAT NG MGA ARAL SA IGLESIA NI CRISTO PAWANG MGA KATOTOHANAN,NAKABASE SA BANAL NA KASULATAN..SA LAHAT NG UMUUSIG SA IGLESIA SANA PARUSAHAN NG ATING PANGINOONG DIOS!! MABUHAY ANG PANGINOONG DIOS AT NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO!!..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakabase sa banal na kasulatan ? Ang tanong anong bibiliya ang gamit ninyo?

      Delete
  13. Yan Talaga ang pangaln ng rapist a man with low moral nyo na sugo
    umalis na kayo habang may panahon pa..


    http://1.bp.blogspot.com/_6dKQTchkJaA/SMhzml0s_XI/AAAAAAAAGFE/zMyAPq4WVcQ/s1600-h/Calculation+of+Felix.jpg



    http://4.bp.blogspot.com/_6dKQTchkJaA/SMhzmuqTrQI/AAAAAAAAGFM/ftwiD8PDvTQ/s1600-h/Calculation+of+Ysagun.jpg



    http://4.bp.blogspot.com/_6dKQTchkJaA/SMhzm53m0nI/AAAAAAAAGFU/H7jzHnKU4tU/s1600-h/Calculation+of+Manalo.jpg



    Maliwanag pa sa sikat ng araw.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hinuhukay na ang Sodom sa Jordan, sana matapos na para maipakita sa mga taong katulad mo na nilipol talaga ng Dios ang mga masasamang tao sa lugar na yun. Matakot ka sa mga sinasabi mo, salita ng Dios ang nilalapastangan mo. Yung mga buto na nahukay dun, ang daming signs ng matinding takot sa sinapit nila. Matakot ka sa ginagwa mo na pangaalipusta.

      Delete
    2. Ehem.. wag po tayong magsalita na parang Anghel. Wag po tayong pakakasiguro na KAYO LANG ANG MALILIGTAS. Wag mo pong sabihin na inaalipusta kayo dahil ang website na ito o page na ito ay isang bagay na pinatutungkulan ang KATOLIKO. excuse me po kayo po ang MALAKAS MANG-ALIPUSTA. Nakakakilabot ang mga sinasabi nyo nagmamadali na kayong dumating s KRISTO. Hindi nyo ba alam kung bakit hindi sya agad makabalik? para mabigyan pa po kayo ng pagkakataon na magising sa pagkakasadlak nyo sa dyan sa relihiyon na ITINATAG NG ISANG PILIPINO. Na wala man lang sa Bibliya ang Pangalan nya. Na Pinalitan nya si Kristo bilang tao lamang at ginawang anghel ang sarili. hindi po tumbok ng SILANGAN ang PILIPINAS nasa SOUTHEAST po tayo. Saka Ang relihiyon nyo walang tigil sa panlilibak sa KATOLIKO. Naisip nyo na ba kung BAKIT? Hindi ba si Satanas ayaw nya ng KRUS? Kaya mag-isip isip kayo at magsigising na kapatid. Oo siya sige...may damayan sa INC Damayan pati sa Kumunoy ng Apoy ang gagawin sa inyo ng KULTO na yan.

      Delete
    3. Wala namang Iglesia Katolika ng Word sa Bible Diba.
      Sabi mo Guiding Light dark naman na ang Nagpapatotoo ay si Angelica sambrano ehh bakit may nakita siyang Krus sa Hell.
      Ibang topic muna huh, Paanu naman ang Pagsamba niyo sa mga Larawan http://f.tqn.com/y/christianity/1/W/A/L/SonOfGod1500x998.jpg at etoh pa https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/6/63/Cefal%C3%B9_Pantocrator_retouched.jpg/220px-Cefal%C3%B9_Pantocrator_retouched.jpg

      nakakatiyak ba kayung ganyan itsura niya paiba iba? at bat pictures and sinisimba niyu? ganoon narin yung mga rebulto?

      Nagaaral kasi ako sa Baccor National High School - Tabing Dagat kapag naglalakad ako Nakikita ko yung Catholic Church na laging katabi ng Munisipyo(Sapilitang Buwis at pagpapayaman ng mga Prayle) kaya laging magkatabi ang Munisipyo at Catholic Church ay May makikita kang napakalaking Dalawang Lapida kasi mga krus ehh sa harap ng Simbahan niyo na may sampung utos na nakasulat eh siyempre nakasulat doon yung Exodu 20:4 Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:

      Exodu 20:5 Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;

      mababasa mo iyan doon kasi medyo di kganoong kalakihan pero kumpleto yung sampung utos na makikita mo doon ngunit tadtad ng Rebulto, Pictures sa Itaas may mga Sto. Nino panga ehh. Bakit niyo Sinasamba yun ehh Batid niyo naman na ang mga Nakasulat sa sampung utos na Huwag sumamba sa mga diyos diyosan na ginawa o inanyuan lamang ng Tao?

      Delete
  14. tulongan nyo mga kapatid nyo dito nangangamote na lol!

    http://www.facebook.com/groups/301168216609925/

    ReplyDelete
  15. Yan Talaga ang pangaln ng rapist a man with low moral nyo na sugo
    umalis na kayo habang may panahon pa..


    http://1.bp.blogspot.com/_6dKQTchkJaA/SMhzml0s_XI/AAAAAAAAGFE/zMyAPq4WVcQ/s1600-h/Calculation+of+Felix.jpg



    http://4.bp.blogspot.com/_6dKQTchkJaA/SMhzmuqTrQI/AAAAAAAAGFM/ftwiD8PDvTQ/s1600-h/Calculation+of+Ysagun.jpg



    http://4.bp.blogspot.com/_6dKQTchkJaA/SMhzm53m0nI/AAAAAAAAGFU/H7jzHnKU4tU/s1600-h/Calculation+of+Manalo.jpg



    Maliwanag pa sa sikat ng araw sya ang 666. walang binago dyan sa pangalan na FYM

    ReplyDelete
  16. AHAHAHA, ANO BA IYANNNNNN...BAKIT GINAWA NINYONG V ANG LETRANG U? KATULAD SA LUMANG BUILDING SA POST OFFICE, GANITO ANG NAKAUKIT....BVILDING, HAHAHA, NANANAGINIP NG GISING ANG CULTO NI MANALO....

    ReplyDelete
    Replies
    1. may napadpad na diablo dito. sana tulungan ka ng Dios at ng Panginoong Hesus para umalis ang diablo sa katawan mo.

      Delete
  17. ITO ANG TAMANG 666....ANG TATLONG "MANALO" SA INCult....TAG AANIM SILA NG APILYEDO, AHAHAHA....

    ReplyDelete
    Replies
    1. tanga mo naman.. walang kbang utak?? mraming tao sa mundo na tag-aanim ang letra bugok.. ibig sabihin mong sabhin lhat sila kinatuparan ng hula bobo mo naman...

      Delete
    2. sana makaAHAHAHA ka pa pag sinusunog ka na sa dagat-dagatang apoy sa araw ng paghuhukom dahil sa pangungutya mo sa mga salita ng Dios. Sana din matapos na ang paghuhukay sa Sodom sa Jordan para maipakita na sa buong mundo na totong nilipol ng Dios ang masasamang tao sa lugar na yun. Para maipakita din sa katulad mo na meron talagang paghuhukom na darating, gaya ng paglipol sa mga masasamang tao doon sa Sodom at Gomora.

      Delete
  18. tanong ko lng po dahil ako po ay nakapag asawa ng lesbian..my pagkakataon pa po ba na mapatawd kami ng dios kahit kami ay nagsasama ngunit kung patuloy naman po ang pagpupuri namin sa panginoon,at pagsishan namn ang mga e2..at talikuran ang masamang gawain..mapapatawd pa kya aq ng dios..


    hindi ko po kasi alam kung anu gagawin ko upang payagan nya akong umalis at magpatuloy na lamang sa panginoon..ksi pinagccchan ko na po ang laht kung bakit ko eto pinasok..gusto ko pong makipaghiwalay sa kanya ngunit ayaw nya na ako payagan dahil marami na daw siyang naipundar na gamit dahil sa akin..kya iniisip ko po kung anu gagawin ko dahil alam ko na napkahirap para sa kanya intindhin ito na makipag hiwalay ako sa kanya..

    hindi po ba pwde na sabay kaming lalapit sa panginoon at tutuparin namin ang mga utos maliban lamang sa aming pagsasama..

    pa help naman po.tnx

    ReplyDelete
    Replies
    1. ate wala pong mali na nagiging tama. lumapit po kayo sa kanya at kayo'y patatawarin. kung tanggapin nyo po siya blang Diyos na inyo susundin at tagapagligtas. sya po mismo ang kikilos para maiayos at mailagay sa tama ang buhay mo. dasal at pagbabasa po ng biblya ang mggng daan para makausap mo sya..

      Delete
    2. kung gusto nyo makasunod sa Dios at sa Panginoong Hesus, talikuran nyo yung mga bagay na labag sa utos nila, kasama na dito ang pagsasama nyo na katulad sa mga magasawa kahit na pareho kayo ng kasarian. may kapatawaran pero hindi kayo pwede magpatuloy na ganyan, kasi labag sa utos ng Dios yun. Kung gusto mo makasunod sa Ama, kailangan mo itanggi ang sarili mong gusto.

      Delete
  19. paano naman yung talatang apoc. 13:17? hindi ba't ito yung sinasabing may karunungan http://www.youtube.com/watch?v=l39XsMcyvgA? Pero sa isang banda, mayroon kayong mga suportang talata na nagpapatungkol ito sa Papa sa Roma. Ngunit pano ipapaliwanag ang nakasulat sa talatang 17? Tulungan nyo po akong malinawan. Salamat.

    ReplyDelete
  20. kua grabe ka aman magmura hindi mo ba alam na ang murang "ulol" ang pinakamsamang mura nkasulat yan sa bible.tingnan mo ung mga satanic symbol sa google ang iba sa mga un ay ginamit ng santo papa ng mga katolio,pero khit katoliko ako wala akong itinuring na santo papa.at hindi rin ako sumisimba mhilig lng akong mgbsa ng bible kya my alam ako.hindi ako si anonymous

    ReplyDelete
    Replies
    1. "ulo" ay katumbas ng pagkitil ng 2 buhay ng tao

      Delete
  21. sabi ni ABE sa blog nya:
    [Sino nga ba ang tao na may pangalan na kung ating susumahin o bibilangin ay
    may katumbas naAnim na raan at anim na pu’t anim [666]?]

    SI FELIX Y. MANALO AT SI KA ERDY. SI ELLEN GOULD WHITE. SI EMPEROR NERO AT DOMITIAN. MGA HALIMAW.

    >>>>>malinaw na malinaw na "isang tao" yung nakasulat sa verse e

    ReplyDelete
    Replies
    1. eto po ipaliwanag nyo mga Kapatid. http://aconstantlight.blogspot.com/2014/05/iglesia-ni-cristo.html

      Delete
  22. REPOST: paano naman yung talatang apoc. 13:17? hindi ba't ito yung sinasabing may karunungan

    http://www.youtube.com/watch?v=K6v1I9HUREA

    Pero sa isang banda, mayroon kayong mga suportang talata na nagpapatungkol ito sa Papa sa Roma. Ngunit pano ipapaliwanag ang nakasulat sa talatang 17? Tulungan nyo po akong malinawan. Salamat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. APOC 13:17
      At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan.

      Delete
    2. http://www.youtube.com/watch?v=SEholETmDT4 Ito na lang po ang panoorin ninyo wag na yung una kong binigay na link. Salamat po. Paki explain kung ano ba yung sinasabi na "At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman"

      Delete
  23. Kawawa naman kayo jan,klaro hung ang nakasulat sa bible,PANGALAN n0t a TITLE!o kung anu anung nkasulat sa k0rona.eh anu pala ang nakasulat sa bible ng mayr0n syang dalawang sungay?eh sa kapilya ninyo iyan makikita?jejeje tapos kayo naman tlga ang graveng manira sa katolico eh.,akala nyo kayo tlga ang church na f0unded by Jesus.eh parang kahap0n lang yan pinatayo eh.huh

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama ka po... ang gagaling talaga magsalita ng mga yan. sila ang mahusay manira. Pati sa mga DOKRITINA nila kasama tayo sa paninira. Yan ba ang mabuting Simbahan ng Diyos. Nakakatawa sila talaga.

      Delete
    2. ako sa tanang buhay ko wala akong narinig sa simbahan ng KATOLIKO na tinira sila kahit isang beses sa mga banal na misa. Namulat ako sa simbahan ng Katoliko at madaming naging kaibigan na Pari... Pero wala kong narinig na sinabi samin na mga masama laban sa inyo... Kase hindi example ng Diyos ang mga ginagawa nila. Gaya ni Kristo nilibak sya at inalipusta ng mga hindi naniniwala sa kanya at bagkus sya ay nagpakumbaba.. Meron ba ni isa sa ministro nyo ang ganyang paguugali? Wala diba? Kahit ang Diyos Ama hindi ganyan ang ugali. Diba si Satanas lang ang ganyan??? hindi ko sinasabing Satanas sila pero wag sana silang pailalim sa kapangyarihan ni Satanas. Mga kapatid. Magbalik-loob na kayo. Bago kayo maniwala sa DOKTRINA ng mga INC subukan nyong lumapit sa isang pari at magtanong. Para maliwanagan kayo.

      Delete
  24. meron ka pong hindi na banggit... ang tungkol sa paniniwala na maraming tao...na bakit daw ang Sign ng "illuminati"ay"666"? ma ipaliliwanag moba sa akin o sa kanila? kung ano talga ang ka ugnayan ng dalawa??

    ReplyDelete
  25. Kaawaan ka po sana anonymous ng panginoong dios dahil mas kaawa awa ka po.

    ReplyDelete
  26. Ka Aerial,
    Pwede po kaya nating ma-discuss dito yung about sa Seven Seals and Seven Trumpets in full details? Nabasa ko na po ang tungkol dito pero brief summary lang po ang nabasa ko. Just curious kung ano ibig sabihin ng Bow, Sword, Scale and everything else na binabanggit sa prophesy.

    ReplyDelete
    Replies
    1. http://aconstantlight.blogspot.com/2014/05/iglesia-ni-cristo.html

      Delete
  27. sa susunod tatalakayin ko yan,pro si ginoong aerial muna ang unang tumatalakay o mag discuss.tingnan natin kung maka discuss ba sya ng tama.lalo na sa rev 17:3-5 na may pitong ulo at sangpung sungay.at ang 666.

    ReplyDelete
  28. Ang nakaulat sa Apocalipsis 13:11 na "hayop na umaahon sa lupa" ay HINDI siyang nagtataglay ng 666. Bagaman may bahid ang hayop na ito ng inilalarawan ng 666, ang numerong ito ay pangunahing tinataglay na NAUNA pang hayop, yaong "hayop na umaahon sa dagat" na mababasa sa Apocalipsion 13:1.

    Dapat itong linawin ni Ginoong Aerial, at palitawin ang pagkakaiba ng dalawang hayop na ito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
    2. Land represent Jerusalem (That is why it called Promised Land).
      Sea represent Gentile Nation. The beast rise from the sea means the anti-Christ rise from Gentile Nation.

      Second beast exercise the power of the First beast because Jerusalem religious system is under the authority of Roman Empire.

      The first beast represent political system which is Government of Rome
      The second beast represent religious system which are the Pharisic Scribes of Jerusalem.

      Regarding chapter 17 on the book of Revelation call for wisdom is the beast from chapter 13.

      City of Rome built on seven hills

      1. Aventine
      2. Palatine
      3. Capitoline
      4. Caelian
      5. Quirinal
      6. Viminal
      7. Esquiline

      They are also seven kings. First 7 Emperors of Rome parallel to Roman History

      FIVE HAVE FALLEN

      1. 46 BC 44 BC Caesar Julius
      2. 27 BC 14 AD Caesar Augustus
      3. 14 AD 37 AD Caesar Tiberius
      4. 37 AD 41 AD Caesar Gaius
      5 .41 AD 54 AD Caesar Claudius

      ONE IS

      6. 54 AD 60 AD Caesar Nero

      THE OTHER HAS NOT YET TO COME BUT WHEN HE COME HE REMAIN FOR A LITTLE WHILE.

      7. 68 AD 69 AD Caesar Galba

      John's Vision is prior to the impending destruction of Jerusalem in the year 70 AD. This is also the Olivet discourse of Jesus Christ recorded in Matthew 24 and 25, Mark 13, and Luke 21. (Not the INC fallacious version of teaching which is the 1st World War)

      I dont need to expound how to calculate that name of Nero of how it become 666. I know you know it.

      In Revelation 13:7, the Beast is said to "make war with the saints and to overcome them." Revelation 13:5 says that the beast would conduct such blasphemous warfare for a specific period of time: 42 months. The Neronic persecution was instituted in 64 AD and lasted until his death in June 68 AD, which is three and a half years(3 1/2 years), or 42 months! Nero fits the bill for the role of the beast!

      The fact that Nero fits the description of the "beast" is well documented. According to Suetonius, he murdered his parents, wife, brother, aunt, and many others close to him and of high station in Rome. He was a torturer, a homosexual rapist, and a sodomite. He even married two young boys and paraded them around as his wives. One of the boys, whose name was Sporus, was castrated by Nero. He was truly bestial in his character, depravity, and actions. He devised a kind of game: covered with the skin of some wild animal, he was let loose from a cage and attacked the private parts of men and women, who were bound at stakes. He also initiated the war against the Jews which led to the destruction of Jerusalem in 70AD.

      Delete
    3. book of daniel.
      andun dn po yan.

      Delete
  29. kung gusto nyong tamang paliwanag about 666 at sa dalawang hayop na sinabi sa talata sa revelation.

    mag post kayong mga inc kung anong paliwanag ninyo at ipapaliwanag namin na batay sa biblia ang tamang sagot ukol sa mga tema na ito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Alam ko paliwanag ng SAKSI diyan...ang dalawang Hayop daw ay ang HUWAD NA RELIHIYON at ang PANSANLIBUTANG PAMAHALAAN sa LUPA o UNITED NATIONS...

      Napakalabo ng PALIWANAG nila...maniwala kayo sa akin...

      Dahil hindi naman TUNAY NA SUGO ng DIYOS na may PATOTOO sa BIBLIA ang NAGPALIWANAG sa Kanila, kundi KUROKURO lang ng kanilang TAGAPANGARAL...

      Delete
    2. para po matigil na ang debate eto po ang basahin nyo ang buong katotohanan.....

      http://www.thename.ph/

      Delete
    3. to jaime cruz

      mali ang alam mo,hindi nag tuturo ang mga saksi ni jehova na ang dalawang hayop na tumutukoy sa huwad na relihiyon. kundi ang nakasakay sa hayop na ang babaeng patutut tumutukoy sa all false religion.

      ang napakalabo ang pag hagilap sa sabi sabi na hindi naman totoo. kung gusto mong akmang aral ukol sa dalawang hayop punta ka sa local congrgation namin at mag tanong or sa www jw org.com

      Delete
    4. magulo po kayo magpaliwanag. ang gulo-gulo. sumasakit po ulo ko dati tuwing may bible studies kasi ang gugulo ng mga paliwanag nyo. lagi po ako walang gana um-attend ng worship service nun kasi nga ang gugulo po ng mga natatanggap kong aral. kung di lang po takot sa Daddy ko nun, di po talaga ako a-attend kasi nga ang gulo po ng mga paliwanag ng mga nagtuturo sa min sa maraming mga paksa. ang dami nga po, nakalimutan ko na. high school pa ako that time. magsuri ka po sa INC, mas malinaw ang paliwanag nila.

      Delete
    5. HAHAHAHAHA matagal na akong nag suri ng inc:si jesu cristo para sa inyoy tao na nabuhay?tao na pumunta sa langit?tao na nakaupo sa kanan ng DIOS? TAO SA LAHAT ng kalagayan? baka nga itong aral nyo ang gulo gulo kaibigan. sampol palang yan na alam ko.

      Delete
    6. uu nga tama naman yung alam mo..

      Delete
  30. Kung dati ka ngang Katoliko. Bago mo nalaman yang mga bagay na naisulat mo. Sino ang taong 666 para sa mga Katoliko? Ano ang interpretation ng Katoliko sa Revelation 13?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi mo naman mapapatunayan na HINDI TOTOONG KATOLIKO ang isang dating KATOLIKO, kung hindi niya alam ang ARAL ng KATOLIKO tungkol sa 666, hindi ba? Dahil aminin mo man ito o hindi, hindi ito itinuturo sa karaniwang CATHOLIC ng mga Pari. Itanong mo sa Unang-unang Catholic na masasalubong mo kung alam nila iyan?

      Matanong kita, Ilan bang KATOLIKO ang kilala mo na nalalaman ang kahulugan ng salitang "KATOLIKO"?

      Na ito nga ay wikang Latin na "KATOLIKA" na ang tanging kahulugan ay "UNIVERSAL".

      Napakaraming KATOLIKO ang hindi nakakaalam niyan...sa mga inaakay kong mga KATOLIKO sa INC, ni isa sa kanila hindi alam iyan, pero hindi ako nagdududa na KATOLIKO sila.

      Hindi naituro ng PARI sa akin kung sino ang 666 sa REVELATIONS 13. Natuklasan ko lang iyan nang magsuri na ako sa aral ng INC:

      At ito ang paliwanag ng KATOLIKO diyan, mula sa CATHOLIC ENCYCLOPEDIA:

      "A mystical number, especially 666 as stated in Revelation 13:18, is the "number of the beast." It was an ancient practice to have the letters of the Greek or Hebrew alphabets stand for a number (thus A=1). Using this formula, a name could be stated as the sum of its letters, as the name of Jesus in Greek amounted to 888. The number 666 is explained thus: 777 being the perfect number and 888 meaning Christ or each unit of 7 augmented by 1, THEN 666, OR EACH UNIT OF 7 LESSENED BY 1, WAS THAT OF ANTICHRIST. IN THE DERIVED NAME THEN, IT COULD BE THE SUM OF NERO. However, THE NUMBER, APART FROM THE MANY CONJECTURES, MIGHT STAND FOR ANY "ANTICHRIST" OR ANYONE WHO IN THE TIME WOULD STAND AGAINST CHRIST. This is a condemned form of numerology that has no place in the Christian understanding of the message of Christ." [APOCALYPTIC NUMBER – page 43 THE CATHOLIC ENCYCLOPEDIA, Revised and Updated, Published by Thomas Nelson Publishers, Edited by Robert C. Broderick, Copyright 1987]

      Maliwanag ang sabi:

      "THE NUMBER, APART FROM THE MANY CONJECTURES, MIGHT STAND FOR ANY "ANTICHRIST" OR ANYONE WHO IN THE TIME WOULD STAND AGAINST CHRIST."

      Well para sa SIMBAHAN ang PROPESIYANG iyan ay puwedeng matupad sa kahit kanino o sinoman na KALABAN ni CRISTO.

      Pero gaya nga ng naipakita ng aking POST, ang TAONG may numerong "666" ay may Tiyak na KATUPARAN dahil ang mga KATANGIAN na binabanggit ng Biblia ay NATUPAD NA LAHAT sa taong pinatutungkulan.

      Delete
    2. para po matigil na ang debate eto po ang basahin nyo ang buong katotohana.....

      http://www.thename.ph/

      Delete
    3. bakit kayo nag dedebate? bat kayo nag aaway away dahil lamang sa inyong mga relihiyon? kung talagang mga tapat kayo sa Diyos bat di kayo magmahalan? kahit anu man ang iyong relehiyon,"ibigin mo ang panginoon mong Dios at ibigin mo ang iyong kapwa. ganun lang kasimple. ganun kaya gawin natin,

      Delete
    4. bakit kayo nag dedebate? bat kayo nag aaway away dahil lamang sa inyong mga relihiyon? kung talagang mga tapat kayo sa Diyos bat di kayo magmahalan? kahit anu man ang iyong relehiyon,"ibigin mo ang panginoon mong Dios at ibigin mo ang iyong kapwa. ganun lang kasimple. ganun kaya gawin natin,

      Delete
    5. hindi ganun kasimple. may utos ang Dios kung paano maliligtas ang tao, at kailangan ng tao sumunod para maligtas. kapag nasunod mo na yung inutos ng Dios pano ka maliligtas, saka mo na i-apply yung mga payo mo. kasi hangga't wala ka sa tunay na bayan ng Dios, mapupunta sa wala yung mga kabutihan mo. it takes two to tango. tamang pananampalataya at mabuting pagkatao. inutos din kasi sa mga tunay na lingkod ng Dios na ibahagi ang aral ng Dios. Kailangan sumunod.

      Delete
    6. hindi daw ganun kasimple. Bakit mahirap para sayo Kapatid ang mahalin mo ang kapwa mo? Iyan ang pinakamahalagang utos. Pagmamahalan lang. at magagampanan mo na ang sampung utos kapag meron kang pagmamahal... kami nga Mahal na mahal namin kayo kaya gusto namin gumising na kayo sa katotohanan.

      Delete
  31. Hindi ko naman sinasabi na patunayan mo na dati kang Katoliko. Naniniwala naman ako sa yo na dati ka ngang katoliko. Ang purpose ko sa tanong ko kung may natutunan ka ba noong Katoliko ka pa. Una sabi mo walang pari na nagturo sa iyo kung sino ang 666 sa aklat ng Pahayag at ito ay natutunan mo lang noong naging inc ka na. Ibig lang sabihin na hindi mo nasubukan na magsuri o alamin ang bagay na ito sa isang mapagkakatiwalaan Katoliko na nakauunawa sa Biblia partikular na sa aklat ng Pahayag. Ngayon paano mo maikukumpara ang natutunan mo sa inc kung wala ka naman natutunan noong Katoliko ka pa? Hindi bat wala kang karapatan humusga sa mga bagay na hindi mo naman nalalaman? Hindi bat wala kang karapatan pintasan ang mga bagay na hindi mo pa nakita? Paano mo huhusgahan na mali ang aral ng Katoliko kung wala ka naman pala natutunan tungkol dito? Nasubukan mo na din bang mag-aral ng biblia sa respitado at mapagkakatiwalaang Catholic Bible Study noong Katoliko ka pa? Palagay ko ay hindi. Hindi naman nagkulang ang Simbahan na turuan ka. Wala ka lang talagang naging panahon noon sa Kanya na matutunan mo ang aral Niya.

    Familiar ka ba sa tabula rasa?

    Tabula rasa - Clean slate or erased tablet or simply blank sheet. The term is used in scholastic philosophy to describe the human mind before it has acquired any ideas from sense experience and reasoned reflection.

    Tanong ko sayo. Ano ba ang naisulat mo na sa iyong tabula rasa? May naisulat ka ba tungkol sa aral ng Katoliko o aral lamang ng inc ang naisulat mo? Kung may naisulat ka man kaunti tungkol sa aral Katoliko malamang binura mo na din ito.

    Alam mo hindi ako magpapaliguy-liguy pa. Bias masyado ang interpretasyon mo tungkol sa 666?

    Ang mga source mo ay hindi mapagkatiwalaan. Una, ang papal tiara ay hindi lang iisa. Bawat papal ay may kaniya-kaniyang tiara. At ni isa man sa mga tiarang iyon ay walang nakasulat na "Vicarivs filii Dei". Yung imahe mo tungkol sa papal tiara ay halatang pineke. Para sa kaalaman mo, wala ni isang papal na may titulong ganun. Dito pa lang bagsak na argumento mo.

    Pangalawa. Ang "Our Sunday Visitor" ay lathain ng Katoliko ngunit ito ay hindi galing sa Vatican at hindi opisyal na lathain ng Simbahang Katoliko.
    Peke na naman kasi ang nakuha mong imahe. Hindi mo ba alam na pineke ito ng mga sabadista? Ang sabi sa itaas ay papal Crown tapos naging mitre. Alam mo bang ang tiara at mitre ay magkaiba? So dito pa lang wala ka na nga talagang alam sa Katolisismo. Halata brod.

    Pangatlo, ang Catholic Encyclopedia ay hindi rin Opisyal na lathain ng Simbahang katoliko. Hindi din po opisyal na paliwanag ng Vatican ang nakasulat sa Catholic Encyclopedia. Maaaring gawing batayan pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay pwede lalo na sa aklat ng Pahayag.


    Alam mo pumupulot ka lang ng aral na galing sa basurahan matindigan mo lang ang paniniwalang minamana mo. Kung peke ang source mo at hindi mapagkakatiwalaan ay ibig sabihin ay hindi din mapagkakatiwalaan ang mga ipinost mo na puro lang din kasinungalingan. Halata naman na pilit mo lang pinilipit ang mga sitas. Hindi naman kasi karunungan ang mga pinost mo kundi katangahan. Una pangalan at hindi titulo, pangalawa ngalan ng isang tao lang. Hindi titulo ng marami. Paano ka ba natuto o nauto ng mga ministro mo na kung mangaral ay parang laging galit at laging sumisigaw?

    Hindi din naman ako naiba sa iyo. Ako man naanyayahan din ng mga ministro at manggagawa ng inc mo. Dalawang beses pa. Nakinig din ako at nag obserba sa mga katuruan nila kaya lang hindi nila ako nadala lalo na nung sinuri ko mabuti ang kaibahan natin at nalaman ko na napakadaming maling aral ang itinuturo ninyo. Hindi kayang tumindig ng aral ni manalo ng walang paninira sa iba lalo na sa katoliko.

    Sayang nasa Kama ka na, lumipat ka pa sa sahig.

    ReplyDelete
    Replies
    1. good day!thelordiswithyou.

      kung ang inc hindi makapag explain ng tama.about 666 may kaalaman ka ba tungkol sa 666 pwedi e share mo sa amin kung ano ang aral nyo ukol dito?

      Delete
    2. thelordiswithyou.
      are you really sure the lord is with you? binubulag ka ng kakarampot na kaalaman mo. khit ilang beses mong basahin ang mga verse from BIBLE, khit paano mo sia balik baliktarin iisa lang ang sinasabi nian, unless kung bibigyan niyo ng maling interpretasyon o opinion.
      nasabi mo na nkapakinig ka na sa mga aral sa INC, and you just do it twice.? we have 25 preliminary doctrines before you fully understand and say na we're really the true church and not only doing it twice.
      take a look at this.. "1 Timoteo 4:1 “Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa MGA ARAL NG MGA DEMONIO,”

      1 Timoteo 4:3 “NA IPINAGBABAWAL ANG PAGAASAWA, AT IPINAGUUTOS NA LUMAYO SA MGA LAMANGKATI, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.”

      and this...

      Awit:
      115:4 Ang kanilang mga DIOSDIOSAN ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao.
      115:5 Sila'y may mga bibig, nguni't sila'y hindi nangagsasalita; mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita;
      115:6 Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig; mga ilong ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakaamoy;
      115:7 Mayroon silang mga kamay, nguni't hindi sila nangakatatangan; mga paa ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakalalakad; ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.

      Deuteronomy:
      5:8 Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan na kawangis ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:
      5:9 Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila: sapagka't akong Panginoon mong Dios ay mapanibughuing Dios, na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak, sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng nangapopoot sa akin;

      APOCALYPSIS 21:8
      8 Subalit malagim ang kasasapitan ng mga duwag, ng mga taksil, ng mga nagpapasasa sa kasuklam-suklam na kahalayan, ng mga mamamatay-tao, ng mga nakikiapid, ng mga mangkukulam, ng mga SUMASAMBA SA DIYOS-DIYOSAN, at lahat ng mga sinungaling. Ang magiging bahagi nila'y sa lawa ng nagliliyab na asupre. Ito ang pangalawang kamatayan."


      TRY TO READ and understand. and not to make any interpretation about those verse.
      # Little Knowledge is Dangerous #

      Delete
    3. tama ka "AlwaysBeAnEmptyCup" little knowledge is Dangerous talaga. alam mo po ba ang kahulugan ng simbolo ng simbahan nyo? eto po ang tignan nyo. http://aconstantlight.blogspot.com/2014/05/iglesia-ni-cristo.html

      Delete
    4. bulag ka na bro. grabe kinikilabutan ako nung binabasa ko reply mo. dati din akong katoliko pero nagpapasalamat ako sa Dios kasi hindi ko makakalimutan, nung nagsisimba ako, alam ko araw ng pasko yun eh. nakapila na kami sa gitna nun kasi para makahalik dun sa rebulto ng Baby Jesus. habang nakapila ako, tanong ko sa sarili ko, bakit ako humahalik sa batong nililok? na walang buhay? pag nagsisimba ako lagi ako may tanong, bakit ako lumuluhod at nakikiusap sa mga batong wala namang buhay? at lalo na nun, nung nagkumpisal ako, natanong ko sa sarili ko, bakit kailangan kong magsabi sa pari, hindi ba pwede sabihin ko na diretso sa Dios yung mga pagkakasala ko? simula nun, hindi na ako nagsimba. basta bigla na lang nagkaron ng wall ayoko na magsimba. sa homily ng pari, lagi ko na kinukwestyon. tapos nagtataka ako dun sa pagalala sa banal na hapunan, pari lang lagi ang umiinom sa saro? wag ka mabulag kasi nai-discuss naman ng malinaw sa blog kung bakit hindi talaga tunay na sa Dios ang katoliko. Yung mabasa mo lang ang pagbabawal sa pagaasawa saka pagbabawal sa pagkain ng karne, wala ka pa bang naririnig na bell? Buksan mo mata mo at pagiisip. Hindi ka makakarating sa katotohanan pag di mo tinanggap na may mali sa aral ng katoliko, yun ang first step. Nagpapayo ako galing sa sarili kong experience, dahil dati din akong katoliko. God bless.

      Delete
    5. ano ba talaga relihiyon mo? : sabi mo kanina dun sa post mo sa itaas: magulo po kayo magpaliwanag. ang gulo-gulo. sumasakit po ulo ko dati tuwing may bible studies kasi ang gugulo ng mga paliwanag nyo. lagi po ako walang gana um-attend ng worship service nun kasi nga ang gugulo po ng mga natatanggap kong aral. kung di lang po takot sa Daddy ko nun, di po talaga ako a-attend kasi nga ang gulo po ng mga paliwanag ng mga nagtuturo sa min sa maraming mga paksa. ang dami nga po, nakalimutan ko na. high school pa ako that time. magsuri ka po sa INC, mas malinaw ang paliwanag nila.....SINONG NILOLOKO MO? SARILI MO DIBA? ANG DAMI MO PALANG RELIHIYON KAYA PALA GULONG-GULO KA... EWAN SINUNGALING KA!

      Delete
  32. natatawa ko sa mga comment ng iba bro aerial cavalryxD halatang di naunawaan ung mga ipinaliwanag nyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ikaw nauunawaan mo.. so kung nauunawaan mo sinasang-ayunan mo kaagad. Isang Mang-mang lang ang gumagawa ng ganyan.

      Delete
  33. Ano ba ang kahulogan sa 666 in biblical speaking?

    Sa kasulatan ang ilang bilang ay may makasagisag na kahulogan.
    Halimbawa:
    Ang sanlinggong paglalang ng Diyos ay binubuo ng pitong araw o pinalawig na mga yugto ng panahon ,kung kailan lubusang tinapos ng Diyos ang kanyang layunin sa paglalang may kinalaman sa lupa.paki suyo basahin ang genesis 1:3-2:3.

    Ang mga pananalita ng Diyos ay gaya ng pilak na makapitong nilinis sa gayoy lubusang dinalisay.paki suyo basahin sa awit 12:6, kawikaan 30:5,6.

    Ang ketongin na si naaman ay sinabihang maligo nang pitong ulit sa ilog Jordan,at pagkatapos nitoy lubusan siyang gumaling.paki suyo basahin and 2 hari 5:10,14.

    Ang anim ay kulang ng isa upang maging pito .Hindi bat Itoy isang angkop na sagisag ng isang bagay na di-sakdal o may depekto sa paningin ng Diyos?

    Oo tunay nga' sa 1cronicas 20:6,7 paki suyo basahin po ninyo.
    Daku naman tayo sa 666 ,ito ay matinding nagdiriin sa di-kasakdalang ito.

    Kakaunting paksa lamang sa bibliya ang nakapukaw ng labis na interes at pagkabahala na gaya ng hula tungkul sa mahiwagang marka o pangalan ng mabangis na hayop ang bilang ay 666.

    Naging paksa ng walang katapusang espekulasyon sa telebisyon at sa internet gayundin sa mga pelikula,aklat at mga magasin,ang marka ng hayop.

    Naniniwala ang ilan na ang 666 ay marka ng anti Cristo sa biblia. Sinasabi ng iba na kumakatawan ito sa isang anyo ng sapilitang pagkakakilanlan,gaya ng tatto o inilagay na microchip na may digital code nagpapakilala ng isang tao bilang alipin ng hayop.

    Ang iba naman ay naniniwala na ang 666 ang marka ng papadong katoliko gaya ng paliwanag na nasa itaas.sa paghahalili ng mga numerong Romano sa mga letra sa isang anyo ng opisyal na titulo ng papa,vicarious filii dei( bikaryo ng anak ng Diyos) at sa bahagyang pagmamanipula sa mga numero nakalkula nila ang bilang na 666.

    Sinabi naman ng ibang tao ,na gaya ng iba jan .na ang numerong ito ay maaari ring kalkulahin nila sa pangalang Latin ng romanong emperador na so Diocletian at mula saling hebreo ng pangalang Nero Cesar.

    Gayunman,ang kathang isip at inimbentong mga interpretasyon.

    Itutuloy.........

    ReplyDelete
  34. Ang 666 ay marka ng mabangis na hayop ay maka-lupa sumasagisag sa pamahalaan ng tao.ang 666 anim sa ikatlong antas ay angkop na pangalan para sa dambuhalang pulitikal na sistema ng daigdig na bigung-bigo sa pag-abot sa pamantayan ng Diyos ukol sa kasakdalan.

    Ipinagugunita sa atin ng paglalarawan sa mga pagkukulang ng hayop ang sinabi tungkol Kay haring belsasar ng sinaunang babilonya. Sa pamamagitan ni propetang daniel,sinabi ni jehova sa tagapamahalang iyon.

    "Tinimbang ka sa timbangan at nasumpungang kulang" Daniel 5:27,30
    Nang Gabi ring iyon ay napatay si belsasar at bumagsak ang makapangyarihang imperyo ng babilonya.


    ReplyDelete
  35. Mga hayop bilang sagisag ng mga pamahalaan"

    Tuwirang binabanggit sa record ng bibliya ang ilang malalaking kapangyarihang pandaigdig sa kasaysayan, na NASA hula ng Daniel at sa apocalipsis.

    At kahit sa kasaysayan ng pandaigdig ay gumamit ng mga hayop bilang sagisag ng kanilang pamahalaan.

    Halimbawa:

    Naging prominenteng simbolo sa ehipto ang serpiyente anupat makikita sa putong ng mga paraon ang uraeus,o ang sagradong aspid,gayunman gaya ng asirya naging sagisag din ng ehipto ang toro.

    Ginamit naman ng medo-persia ang agila( makikita sa mga kalasag ng mga medo ang wangis ng golden eagle nakakabit sa dulo ng sibat ng mga persiano ang isang sagisag ng agila.

    Ang atenas ay inilarawan ng kuwago ang Roma ng agila,
    Ang gran britanya ay inilalarawan naman ng Leon.ang estados unidos ay ang Agila at ang tsina ay ang dragon.

    Pansinin natin ang biblia na nagsaasabi tungkol sa mga hayop ng Daniel at sa apocalipsis.

    Ang mabangis na hayop ng Daniel kanino ito kumakatawan?

    Daniel 7:6,12,23.
    6 pagkatapos nito ay patuloy akong nakakita at hayun!isa pang hayop isang gaya ng leopardo ngunit iyon ay may apat na pakpak ng isang lumilipad na nilalang sa kaniyang likod. At ang hayop ay may apat na ulo at iyon ay binigyan ng pamamahala.

    12 ngunit kung tungkol sa iba pang mga hayop ang kanilang mga pamamahala ay inalis at may pagpapahaba pa ng buhay na ibinigay sa manila na isang panahon at isang kapanahunan.

    23 ito ang sinabi nya kung tungkol sa ikaapat na hayop may ikaapat na kaharian na darating sa lupa na magiging kakaiba sa lahat ng iba pang kaharian at lalamunin nito ang buong lupa at yuyurakan iyon at dudurugin iyon.

    Daniel 8:20-22

    Ang barakong tupa ng iyong nakita na may dalawang sungay ay kumakatawan sa hari ng gresya at kung tungkol sa malaking sungay na NASA pagitan ng mga Mata nito iyon ay kumakatawan sa unang hari.

    At nang mabali ang isang iyon anupat may apat na kalaunan ay tumayong kahalili nito may apat na kaharian mula sa kanyang bansa na tatayo ngunit Hindi taglay ang kanyang kapangyarihan.

    Maliwanag na ang mga hayop na inilarawan sa mga aklat na ito ay kumakatawan sa pulitikal na mga kaharian o mga pamahalaan na humahawak ng pamamahala at awtoridad.

    Itutuloy.......

    ReplyDelete
  36. Ang pangitain ni daniel tungkol sa mga hayop na mula sa dagat.

    Nang matapos na ng ehipto at asirya ang kanilang yugto sa pangingibabaw at noong malapit nang magwakas ang imperyong babilonya,binigyan ng Diyos na jehova si daniel ng pangitain tungkol sa "apat na hayop " na umahon mula sa malawak na dagat.mababasa sa Daniel 7:1-3.

    Sa isaias 57:20 ,inihalintulad sa dagat ang mga taong hiwalay sa Diyos,anupat sinabi "ngunit ang mga balokyot ay gaya ng dagat na umaalimbukay, kapag Hindi ito humuhupa na nag aalimbukay ng damong dagat at lusak" tingnan din ang apocalipsis 17:15.

    Paglilinaw

    Sa Daniel kabanata 7

    Leon na may pakpak ng Agila kumakatawan sa pamahalaang babilonya.
    Isang oso kumakatawan sa pamahalaang medo-persia.
    Gaya ng Leopardo apat na pakpak ng isang lumilipad kumakatawan sa pamahalaang gresya.
    Hayop na nakakatakot at kahila-hilakbot at may di pangkaraniwang lakas, na may ngiping bakal kumakatawan sa pamahalaang Roma.

    Sa Daniel 8:1

    Inilarawan doon ang kaharian ng medo persia bilang isang malaking tupa o barakong tupa.
    Malaking kambing bilang kaharian ng gresya.

    Ang mabangis na hayop na may pitong ulo na mula sa dagat sa apocalipsis 13:1-2.

    Ang pangitain ng apostol na si Juan na nakatala sa apocalipsis 13, isang mabangis na hayop na may pitong ulo at sampung sungay ang umahon sa dagat ito ay tulad ng Leopardo ,ngunit may mga paa ng oso at bibig ng Leon.

    Sa gayon ay pinagsama-sama sa anyo nito ang ilan sa mga sagisag na lumitaw sa pangitain ni daniel tungkol sa apat na hayop.

    Ang dragon, na ipinakilala sa apocalipsis sa 12:9 bilang si satanas na diyablo,ay nagbigay sa hayop ng awtoridad at kapangyarihan, apocalipsis13:1-2 .

    Yamang ang hayop na ito ay may pitong ulo na may sampung sungay ,naiiba ito sa mga hayop na may tig- iisang ulo sa pangitain ni daniel.
    Ang pito at sampu ay karaniwang kinikilala bilang sagisag sa biblia para sa pagiging ganap pinatutunayan ito ng lawak ng nasasakupan ng hayop,sapagkat may awtoridad ito,Hindi lamang sa isang bansa o isang grupo ng mga bansa kundi sa bawat tribo at bayan at wika at bansa.apocalipsis 13:7,8,16. Hinggil sa mga salik na ito ang "the interpreter's dictionary of the bible" ay nag komento "ang Una sa mga hayop na ito ng apocalipsis ay kombinasyon ng katangian ng apat na hayop sa pangitain ni Daniel kaya nga ang unang hayop na ito ay kumakatawan sa pinagsamasamang mga pwersa ng lahat ng pulitikal na pamamahala sa daigdig na salansang sa Diyos" inedit ni g.buttrick, 1962 tomo 1 p.369.

    Ang hayop na ito ay kumakatawan ng "league of nation" liga ng mga bansa.

    Itutuloy....

    ReplyDelete
  37. " hayop na may dalawang sungay"

    Nakakita si Juan ng isang hayop na umahon mula sa lupa at may dalawang sungay na tulad ng sa maamong kordero,gayun may nagsasalita itong gaya ng dragon(satanas na diyablo) at ginamit nito ang lahat ng awtoridad ng unang mabangis na hayop ( liga ng mga bansa) na inilarawan bago ito.

    Iniutos nito ang paggawa ng isang larawan ng hayop na may pitong ulo at may kapangyarihan o kapamahahaan sa buong daigdig'anupat pinilit ang lahat ng tao na tanggapin ang marka. Niyaon apocalipsis 13:11-17.

    Maaalala nation na ang barakong tupa na may dalawang sungay sa Daniel kabanata 8 ay kumakatawan sa isang tambalang kapangyarihan ang medo-persia.
    Sabihin pa matagal nang naglalaho ang kapangyarihang iyon noong mga araw ng apostol na si juan ,at ang pangitain nya ay tungkol sa mga bagay na sa hinaharap pa lamang magaganap.
    Ang partikular na natatangi at nagtatagal ang ugnayan ng britanya at estados unidos.

    Ang hayop na may dalawag sungay ay kumakatawan sa britanya at estados unidos na naging Anglo amerikanhong kapangyarihan pangdaigdig.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang gulo. mas malinaw at mas may sense yet simple ung andito sa blog. yun ang tanggap ng pangunawa ko. yung sayo, pagulo ng pagulo.

      Delete
    2. wala akong magagawa kung tanggap mo ang pang unawa na ng galing sa espekulasyon. e try mong magpaliwanag about sa 666 para makita natin kung may sense ba ang paliwanag mo.

      pwede ka mag tanong o mag cross examine sa mga post ko sagutin ko yan sa bibliya.

      Delete
  38. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  39. Panginoong Hesukristo... Diyos nang walang hanggang AWA, Bugtong na Anak ng Iisang Diyos Ama at nagkatawang tao sa pamamagitan ng ESPIRITU SANTO... ipinapanalangin ko po sa inyo ang mga kababayan kong nagsipanalig sa turo ng isang TAO lamang at ang kanyang angkan na nagmana nito at ni walang kapangyarihan at walang katayuan sa kalangitan at gumawa ng sariling katuruan at nagsipanalig sa kanyang mga salita ang mga nailigaw nila ng landas para sa pansariling kapakanan at kabuhayan at hindi nagturo ng ayon sa iyong turo at hindi patungo sa katotohanan at hindi patungo sa'yo...Wag niyo pong hayaang magpatuloy ang mga ganitong bagay.. Nawa'y Imulat nyo po ang kanilang isipan at nawa sa mga panalangin na inaalay ko sa inyo ay maisama ang mga kababayan kong hindi nananalig sayo at mailigtas mo rin po sila at hindi mawalan ng saysay ang pagpapakasakit nyo sa Krus.. O Hesus aming Diyos haplusin nyo nawa ang kanilang mga puso at muling akayin pabalik sa'yo. Ito ang aking munting dalangin at kahilingan sa pangalan mo Hesus na aming panginoon nabubuhay at naghahari magpakailanman. AMEN.

    ReplyDelete
  40. guiding light

    tanong: naniniwala ka ba na ang DIOS AY DIOS, SI JESU KRISTO AY DIOS, ANG ESPIRITU SANTO AY DIOS,HINDI TATLO ANG DIOS KUNDI IISA ang DIOS?

    ReplyDelete
  41. Bilangin niyo po, ilan sila?? Dba tatlo? Kung sinasabi nyo na sinasamba din ninyo ang Anak, tanong:ilan ang Dios na sinasamba niyo??

    ReplyDelete
    Replies
    1. to katothanan ito.

      isa lang po ang aming sinasamba si JEHOVA base po yan sa biblia sa isaias 42:8.

      ang tinutulan ko ang turong ang DIYOS AT SI JESU KRISTO AT ANG ESPIRITU SANTO AY pinag iisang DIYOS sa iisang persona. kaya nga nag tanong ako sa itaas. kung ano ang sagot nyo.

      Delete
  42. Isa lamang po ang tunay na Dios, ang Ama po un,(I Corinto 8:6,)na hindi nalalaman ng ibang tao(I Corinto 8:7).

    ReplyDelete
  43. Oo naniniwala ako na SILA ay ang IISANG DIYOS AMA. Ang Kristo at ang Espiritu Santo ay ipinadala sa atin ng hindi nakikitang AMA at ang katangiang taglay ng Espirtu Santo at ni Kristo ay ang katangiang taglay ng AMA. Unawain nyong mabuti ang malalim na hiwaga ng PERSONA ng DIYOS AMA. Ibinahagi ng AMA ang kanyang sarili sa TAO. At ang Espiritu Santo ang ating GABAY na iniwanan nya rin para sa atin ang siyang patuloy na nagtuturo sa atin ng LIWANAG ng DIYOS. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. to guiding light.

      may mabasa ka ba sa biblia na ang esperitu santo ay DIYOS? hindi porket ang talata juan 10:30 na ako at ang ama ay iisa. ay iisa na talaga sila.

      may mga talata rin na nag sasabi na si apolos at si pablo ay iisa.
      ay yong mga apostol at si jesus ay iisa. ibig bang sabihin si apolos ba ay sya na rin si pablo o si pablo siya na rin si apolos.

      makakatulong po ang pag unawa sa talata kong basahin ang mga kontekto,

      inaanyayahan kita na buksa ang jw .org /tl at buksan ang doktrina sa mga saksi ni JEHOVA.

      Delete
  44. Si Kristo ay nagmula sa sariling katawan o kalooban ng Amang Diyos kung kaya’t siya ay nilikha ayon sa kanyang kawangis. At gayon na rin ang Espiritu Santo ay nagmula sa hininga ng Ama. At ang pagkakabahagi-bahagi ng Ama sa kanyang Sarili ay nagpapatunay ng kanilang PAGIGING IISA. Ang Ama ay nagbahagi ng kanyang tatlong Persona upang magkaroon ng kanya-kanyang tungkulin at kaganapan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. regarding sa juan 10:30 sinabi ni jesus
      "Ako at ang Ama ay iisa."
      .
      bkit ito sinabi ni Jesus? ang layuning ba nya ay ipakilalang siya ay Dios gaya ng Ama?
      itaas natin ang pagbas sa talata( Juan 26-29 tuloy sa 30)
      "26 Datapuwa't hindi kayo nagsisampalataya, sapagka't hindi kayo sa aking mga tupa. 27 Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin: 28 At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay. 29 Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama. 30Ako at ang Ama ay iisa.
      .
      maliwanag sa laman ng mga talata na ang dahilan kung bakit sinabi ni Jesus na "Ako at ang Ama ay iisa" ay HINDI sa dahilang siya(Jesus) ay Dios kundi ipinapakita nya na IISA ANG PARAAN ni Jesus at ng Ama sa PANGANGALAGA NG TUPA sa talatang 28 at 29
      .SABI NI JESUS
      28"At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at KAILAN MAY HINDI SILA MALILIPOL, AT HINDI SILA AAGAWIN NG SINOMAN SA AKING KAMAY.

      .ANG AMA NAMAN
      29 Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama.

      kaya napakaliwanag na HINDI ang tinitukoy ni Jesus ay pagka Dios kundi ang pagkakatulad nila ng PARAAN NG PANGANGALAGA SA MGA TUPA.
      .
      MABUHAY ANG IGLESIA

      Delete
    2. Tama ravenous IISA sila ng layunin ng Diyos AMA Dahil kapag nagkaiba sila ng layunin hindi na sila magiging IISA...hindi maaaring sumalungat si Kristo sa layunin ng DIYOS AMA... dahil nasa kanya ang AMA. gaya nga ng nasabi sa JUAN 14:8-11. Pero wag mong sabihin na si Kristo ay hindi tunay na Diyos. Dahil kahit ang Diyos AMA ay kinikilala si Kristo bilang Diyos. Isa itong pagpaparangal sa kanyang anak na nagmula sa kanyang sinapupunan mababasa ito sa Juan 1:18. Ang tao ay mula sa Alabok ngunit si Kristo ay nagmula sa AMA kaya hindi sya maaaring maging TAO lang kailanman. Dahil ang tao ay makasalanan at ang KRISTO JESUS ay walang bahid dungis na kasalanan na gaya ng tao. Hindi ito katanggap tanggap sa AMA na itulad natin si Jesus sa atin. Ang pagdating ni HESUS sa mundo ay upang turuan tayo kung ano ang nararapat nating gawin para makabahagi tayo sa kaharian ng DIYOS AMA.

      Delete
    3. eto ang parangal ng Diyos AMA sa kanyang anak na si Hesus:
      mababasa sa Hebreo 1:8-9

      Ngunit tungkol sa ANAK(Kristo) ay sinabi NIYA(AMA),
      “Ang iyong trono, O DIYOS (ANAK) ay magpakailan pa man,
      Ikaw ay maghaharing may katarungan.
      9 Katarunga’y iyong mahal, sa masama’y namumuhil;
      Kaya naman ang iyong DIYOS(AMA), tanging ikaw ang pinili;
      Higit sa sinumang hari, kagalakang tanging-tangi.”

      Delete
    4. Kaya mga kapatid putulin nyo na ang Rehiliyong minana nyo sa inyong Ninuno 100 taong nakakalipas. Tama na po ang lolo nyo ang nadaya ng mga MANALO. Baguhin nyo ang nakagisnan nyong paniniwala. Unang-una hindi man lang siya HUDYO para paniwalaan nyo. Hindi sya totoong Anghel ng LIWANAG. Kundi sya ay ANGHEL ng KADILIMAN. Subukan nyong shuffle ang totoong surname nyang YSAGUN. hindi ba SUNGAY ang kinalabasan. Wake Up and REPENT.. Bumalik na kayo sa tunay na Iglesiang Itinatag ni KRISTO. Sana ay matanggap nyo ang Tunay na Gabay mula sa kanya. Amen.

      Delete
  45. kaninong katawan na nag mula si kristo? sa kanyang sariling katawan o sa sariling katawan ng kanyang ama?

    hindi po ako totul na si kristo ay ginawa ng kanyang ama ayon sa kanyang wangis.

    kahit kailan man hindi naging tatlo ang ama o ang Diyos.kundi isa lang po. deu 6:4

    at hindi mo rin mababasa sa biblia na ang espiritu santo ay persona.

    dahil ang banal na espiritu ito ay" active force from GOD. base po yan sa gen 1:2

    ReplyDelete
  46. kaninong katawan na nag mula si kristo? sa kanyang sariling katawan o sa sariling katawan ng kanyang ama?

    hindi po ako totul na si kristo ay ginawa ng kanyang ama ayon sa kanyang wangis.

    kahit kailan man hindi naging tatlo ang ama o ang Diyos.kundi isa lang po. deu 6:4

    at hindi mo rin mababasa sa biblia na ang espiritu santo ay persona.

    dahil ang banal na espiritu ito ay" active force from GOD. base po yan sa gen 1:2

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kapag sinabi mo bang ANAK saan nanggaling? Hindi ba sa sinapupunan? Si Kristo ay nagmula sa Sariling katawan ng AMA… Siya ay ipinanganak ng Diyos AMA. Juan 1:18 Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.
      Kapatid hindi nga po sila Tatlo Kundi IISA.

      Ito ang bahagi na ang Kristo at AMA ay IISA.
      Awit 2:11 Paglingkuran ninyo si Yahweh nang may takot at paggalang, SA PAANAN NG KANYANG ANAK.
      MATEO 1:23
      23 Tingnan ninyo; “Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel.” (ang kahulugan nito’y “KASAMA NATIN ANG DIYOS”)

      Ano ba ang kahulugan ng PERSONA? Ang PERSONA ay nangangahulugan ng PERSONAlidad o pagkatao sa madaling salita. “PERSONAlity or Character” Hindi ito tumutukoy sa TAO o (PERSON) lang, Hindi gaya ng nasa isip mo PERSONA is PERSONALITY. Sabi mo ang Banal na Espiritu ay ACTIVE FORCE from GOD Hindi ako tutol dun. Hindi ba Character nya yon? Ipinakita satin si Kristo bilang Wangis ng AMA at ang Espiritu Santo na ating gabay ay ang kanyang Pagkatao o Character.
      Sa Genesis 1:2 Ang lupa ay walang hugis o anyo. Dilim ang bumabalot sa kalaliman at kumikilos ANG ESPIRITU NG DIYOS. (salamat sa pagbahagi) Kita mo na sinasabi na ang BANAL na ESPIRITU ay ang ESPIRITU ng DIYOS.
      Ano ba ang katangian o PERSONA ng espiritu ng DIYOS? Eto ang sabi sa (Galacia 5:22-23); "Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili.” Ayan ang katangian ng ESPIRITU SANTO.
      Sana may naibahagi ako upang maunawaan mo kung ano ang PERSONA ng DIYOS AMA.

      Delete
    2. May isa pa akong ibabahagi sa JUAN 14:8-11 eto ang nakasulat:
      8 Sinabi sa kanya ni Felipe, Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama at masisiyahan na kami.
      9 Sumagot si Jesus, Felipe, kaytagal na ninyo akong kasama, hanggang ngayo'y hindi mo pa ako kilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing Ipakita mo sa amin ang Ama? 10 Hindi ka ba NANINIWALANG AKO'Y nasa AMA at ang AMA AY NASA AKIN? Hindi sa akin galing ang sinasabi ko sa inyo. Ngunit ANG AMA NA NASA AKIN ang siyang gumaganap ng KANYANG GAWAIN.11 Maniwala kayo sa akin; AKO'Y NASA AMA at ang AMA ay NASA AKIN. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga ginagawa ko.

      Delete
  47. Guiding Light, bkit sa John 10:30 ay hondi nakalakip ang Espiritu? dba sa paniniwala nyo ay hindi sila SEPERADO?

    ReplyDelete
  48. Tama hindi nga sila pwedeng hiwalay. Hindi nga nabanggit ang Espiritu Santo sa kanilang pagiging IISA ng AMA sa Juan 10:30. Ngunit sa logical aspect nakapaloob na rin doon ang Espiritu Santo sa salitang sila ay IISA. Kung iisipin ang sinabi nga lang ni Kristo na Sila ng AMA ay iisa ay walang makaunawa paano pa kung isama nya ang Espiritu Santo lalong hindi yon matatanggap at mauunawaan ng mga hindi totoong nasa Diyos.
    Basahin mo po sa Mateo 28:19
    Eto ang kabilin-bilinan ni Hesus sa kanyang mga alagad. "19Kaya't habang kayo'y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa PANGALAN ng AMA, at ng ANAK, at ng ESPIRITU SANTO". Napansin mo bang may tanong sa kanya kung bakit kasama ang Espiritu Santo sa kanyang mga alagad??? Sapagka't naibigay na sa kanila ang pang-unawa ng katotohanan tungkol sa katangiang taglay ng DIYOS AMA. Malinaw na sa mga alagad ang katotohanang ito. Sana maunawaan mo rin ito kung ikaw ay tunay na nasa kapangyarihan ng ating DIYOS AMA Kapatid. :)

    ReplyDelete
    Replies

    1. '' Sa pasimula ay ang Salita, at ang salita ay sumasa Dios, at ang salita ay Dios.

      " Nagkatawang tao ang salita at tumahan sa gitna natin...." Juan 1:1,14 (New Pilipino Version)



      Si Cristo ba ay Diyos o tao? Siya ba ay tao at Diyos, o tao at hindi Diyos? Ipinakikilala ng Biblia ang maraming katangian at karangalan ni Cristo. Siya ay ginawang Panginoon!
      Gawa 2:36
      Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.

      Tagapagligtas!
      Gawa 5:31
      Siya'y pinadakila ng Dios ng kaniyang kanang kamay upang maging Principe at Tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel, at kapatawaran ng mga kasalanan.

      Delete
  49. Pangulo ng Iglesia
    Colosas 1:18
    At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.

    At ipinag utos na siya ay sambahin
    Filipos 2:9-11
    Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.

    Sa kabila ng lahat ng kaniyang katangian, pinatutunayan ng mga propeta ng Panginoong Diyos, ng mga Apostol, at ng Panginoong Jesucristo mismo na siya ay tao sa kaniyang likas na kalagayan at siya'y iba sa tunay na Diyos.

    Isaias 53:3
    Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya.

    Mateo 1:18
    Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama aynasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo

    Gawa 2:22-24
    Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan niya sa gtin, gaya rin ng nalalaman ninyo; Siya, na ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ng Dios, kayo sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tampalasan ay inyong ipinako sa krus at pinatay: Na siya'y binuhay na maguli ng Dios, pagkaalis sa mga hirap ng kamatayan: sapagka't hindi maaari na siya'y mapigilan nito.

    1 Timoteo 2:5
    Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,
    Juan 8:40
    Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham

    Ngunit sa kabila ng katotohanang ito, marami pa rin sa hanay ng mga nagpapakilalang Kristyano ang naniniwalang Diyos ang Panginoong Jesucristo. Gumagamit din sila ng mga talata sa biblia upang patunayan na aral ng biblia ang paniniwala nilang ito.

    Ang isa sa itinuturing nila na malalakas daw na batayan sa paniniwala nilang ito ay ang isinasaad sa Juan 1:1 at 14 na doon di umano'y itinuro ni Apostol Juan na si Cristo ay Dios na nagkatawang-tao. Bago pa raw likhain ang sanlibutan ay naroon na siya o eksistido na. Tama ba ang pagkaunawa nila sa nilalaman ng talatang ito? Suriin nating ang nilalaman ng Juan 1:1 at 14.

    '' Sa pasimula ay ang Salita, at ang salita ay sumasa Dios, at ang salita ay Dios.

    " Nagkatawang tao ang salita at tumahan sa gitna natin...."(New Pilipino Version)

    Paano inuunawa ng iba ang mga talatang ito? Si Cristo raw ay may likas na kalagayan na ( o eksistido na ) noon pang una. Yayamang si Cristo raw ang salita at ang salita raw ay Diyos, Kaya si Cristo raw ay Diyos na umiiral na sa pasimula pa lamang at pagkatapos ay nagkatawang tao. Ito ang nakapalaoob sa aral nila na Inkarnasyon o pagkakatawang tao ng Diyos.

    Ano ang dapat nating mapansin sa nilalaman ng juan 1:1 at 14 Una, walang sinasabi sa mga talatang ito na ang panginoong Jesucristo ay eksistido na o umiiral na ng pasimula pa lamang, Ikalawa Wala ring sinasabi rito na si Cristo ang tunay na Diyos. Ikatlo wala ring sinasabi sa mga talatang ito na si Cristo ay Diyos na nagkatawang tao.

    Kaya Suriin natin ang bawat sugnay (clause) ng talatang juan 1:1 at ang unang sugnay ng talatang 14. Paano dapat unawain ang mga sugnay ng mga talatang ito nagaya ng sumusunod?

    1. Sa Pasimula ay ang Salita
    2. At ang salita ay sumasa Diyos
    3. At ang Salita ay Diyos
    4. Nagkatawang tao ang salita (talatang 14)


    ReplyDelete

  50. Sa Pasimula ay ang Salita

    Talakayin natin ang nilalaman ng unang sugnay. Paano dapat unawain ang sinasabi sa talata ni Apostol Juan na " Sa pasimula ay ang Salita "? Anu ba ang kahulugan ng Terminong Salita? Ito ba ay Cristo na may kalagayan na? Ganito ang sinasabi sa isang footnote ng Juan 1:1 sa Bagong tipan na isinalin ng Paring Katoliko na si G. Juan Trinidad:

    " Verbo ...at ang Anak ay tinawag niyang isang uri ng banaag ng kaisipan na nagmumula sa Ama ..."

    Ang paniniwala ng Iglesia Katoliko ukol kay Cristo ay siya ay Diyos. Ano ang pakahulugan ng isang awtoridad sa Iglesia Katolika ng salitang ''Verbo''? Hindi isang likas na kalagayan kundi isang banaag ng kaisipan na nagmumula sa Ama (Diyos). Iba ang Berbo o Salita, sa tunay na Diyos na kinaroroonan ng salita o kaisipan. Kaya, sa pasimula ay hindi pa eksistido o hindi pa umiiral ang Panginoong Jesucristo kundi nasa isip pa lamang siya ng Diyos.

    Namamalagi ba siyang nasa isip ng Diyos? Hindi. Dumating ang panahong si Cristo ay ipinangako ng Diyos, gaya ng nakasulat sa Roma 1:2-3

    " Na kaniyang ipinangako noong una sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta sa mga banal na kasulatan, tungkol sa kaniyang anak naipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman."

    Samakatuwid wala pang umiiral na Cristo ng Pasimula kundi siya ay pangako pa lamang ng Panginoong Diyos. Sa halamanan pa lang ng Eden ay sinalita na ng Diyos ang tungkol kay Cristo.
    Genesis 3:15
    At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi:ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.

    at pagkatapos ay kaniyang ipinangako kay Abraham.
    Genesis 17:7
    At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhipagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na ako'y magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo

    Galacia 3:16
    Ngayon kay Abraham nga sinabi ang mga pangako, at sa kaniyang binhi. Hindi sinasabi ng Dios, At sa mga binhi, na gaya baga sa marami;kundi gaya sa iisa lamang, At sa iyong binhi, na si Cristo.

    ReplyDelete

  51. Ang aral bang ito ng Biblia na magkakaroon ng cristo na sa pasimula'y balak, panukala o plano pa lamang ng Diyos ay sinasang-ayunan maging ng mga nagtuturong si cristo ay Diyos, gaya ng Iglesia Katolika? Ganito ang sinasabi ng isang Aklat Katoliko na pinamagatang: The teaching of Christ: A Catholic Catechism for adults, Page 74

    : Si cristo ay sadyang inilalarawan mula pa sa kasaysayan ng pasimula ng tao.'...' Si Cristo na siyang magtitipon sa lahat ng anak ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakaisa sa kaniyang mistikal na katawan, na ito ay ang Iglesia, ay Siyang " Panganay sa lahat ng nilalang" (Colosas 1:15).' '... Si Cristo ang tiyak na una sa banal na plano.!!

    Tinatanggap maging ng mga awtoridad Katoliko na si Cristo ay una sa banal na plano o panukala ng Diyos upang maging panganay sa lahat ng nilalang tulad ng isinasaad sa Colosas 1:15. Samakatuwid, wala pang cristo sa pasimula pa lamang kundi plano, balak, o nasa isip pa lamang siya ng Diyos, Kaya sinasabi sa unang sugnay (clause) ng Juan 1:1 na , " Sa pasimula ay ang salita" (NPV)

    ' At ang salita ay sumasa Diyos.'

    Paano ang wastong pag-unawa sa sinasabi ni Apostol Juan sa pangalawang sugnay ng Juan 1:1 na '' At ang salita ay sumasa Diyos''? Ihambing natin ito sa itinuturo ng Biblia na sa pasimula pa lamang o bago pa lalangin ang daigdig, ang Panginoong Jesucristo ay nasa isip na ng panginoong Diyos. Ito ang pinatutunayan ni Apostol Pedro sa kaniyang sulat sa 1 Pedro 1:20:

    " Nasa isip na siya ng Diyos bago pa lalangin ang daigdig ngunit ipinakilala siya ngayong huling panahon dahil sa inyo." (Salin ni Juan Trinidad)

    Sa liwanag ng katotohanang ito, na sa biblia rin nakasulat, dapat nating unawain ang sinasabing " Ang salita ay sumasa Dios". Sumasa Diyos ang kaniyang salita. Siya ang may-ari o pinagmulan ng salita, Kapag tinanggap natin na may kalagayan na ang salita buhat pa ng pasimula, Bilang isang Diyos, at isinaalang-alang ang sinasabi sa ikalawang sugnay ng Juan 1:1 na " Ang salita ay sumasa Dios " lilitaw na dalawa ang tunay na Dios: Ang salita at ang nagsalita o kinaroroonan ng salita. Labag ito sa aral ng Biblia na iisa lamang ang tunay ng Diyos.
    Juan 17:1,3
    Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:

    At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. IPALIWANAG MO ANG KAWIKAAN 8:22-31....
      22 Sa lahat ng nilikha ni Yahweh, Ako ang syang UNA, Noong una pang panahon ako ay NALIKHA NA.... (isip lang ba yan? o totoong nageexist?)
      23 Matagal nang panahon nang anyuan niya ako, BAGO PA NILIKHA AT NAANYO ITONG MUNDO.
      24 Wala pa ang mga dagat nang ako’y lumitaw, wala pa ang mga bukal ng tubig na malilinaw.
      25 Wala pa ang mga burol, ganoon din ang mga bundok, nang ako ay isilang dito sa sansinukob.
      26 Ako muna ang nilikha bago ang lupa at bukid, nauna pa sa alabok, at sa lupang daigdig.
      27 Nang likhain ang mga langit, ako ay naroroon na, maging nang ang hangganan ng langit at lupa’y italaga.
      28 Naroon na rin ako nang ang ulap ay ilagay, at nang kanyang palitawin ang bukal sa kalaliman.
      29 Nang ilagay niya ang hangganan nitong dagat, nang ang pagtibayin ng mundo ay ilagay at itatag,
      30 Ako’y lagi niyang KASAMA AT KATULONG SA MGA GAWAIN... ako ay ligaya niya at sa akin siya’y aliw.
      31 AKO AY NAGDIWANG, NANG DAIGDIG AY MATAPOS, dahil sa sangkatauhan, ligaya ko ay nalubos.

      Delete
    2. Gen.1:26, Kawikaan 8:22-30 at Juan 1:3 Si Cristo Dios na manlalalang?



      Si Cristo ba’y Diyos na Manlalalang?

      “Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang.” (Colosas 1:15)

      MALINAW NA ITINUTURO ng Biblia na ang tunay na Diyos na lumikha ng lahat ng bagay ay ang Ama na nasa langit. Gayunpaman ay may mga naniniwala na si Cristo raw ang tunay na Diyos at Siya ring Manlalalang. Sinisikap nilang patunayan ito sa pamamagitan ng paggamit din ng mga talata sa Biblia. Dahil dito, mahalagang suriin natin ang ilan sa mga talatang ito at alamin kung tama ang pagkaunawa nila sa mga ito.

      1. Juan 1:3: “Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya.”

      Si Cristo raw ang Diyos na Lumalang ng lahat ng bagay dahil sinasabi sa talata na ang lahat ay ginawa sa pamamagitan Niya.

      2. Genesis 1:26: “At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa’t umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.”

      Ang talatang ito ay isa pa raw sa mga katibayan na si Cristo ay Siya ring Diyos na Lumalang sapagkat dito raw ay kausap ng Diyos ang dalawa pang persona ng tinatawag nilang Trinidad. Kaya ang ka-“natin” daw dito ng Diyos ay si Cristo at ang Espiritu Santo.

      3. Kawikaan 8:22-30: “Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, Bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una. Ako’y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, Bago nalikha ang lupa. Ako’y nailabas ng wala pang mga kalaliman; Nang wala pang mga bukal na sagan ng tubig. Bago ang mga bundok ay nalagay, Bago ang mga burol ay ako’y nailabas: Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, Ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan. Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: Nang siya’y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman: Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas: Nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman: Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan, Upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos: Nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa: Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: At ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, Na nagagalak na lagi sa harap niya.”

      Delete

    3. Ito ay iniuugnay nila sa mga talatang nasa unahan upang patunayan na si
      Cristo ay eksistido na raw bago pa lalangin ang lahat ng bagay. Ang binabanggit daw dito ay si Cristo. Malinaw raw na sinasabi rito na nasa siping na Siya ng Diyos bago pa pinasimulan ang Kaniyang mga gawa at bago nilikha ang lupa. Mula sa mga talatang nabanggit ay nagkonklusyon sila na si Cristo ay Diyos na Manlalalang.

      Ang tinutukoy sa Kawikaan 8:22-30 Hindi ang Panginoong Jesucristo ang tinutukoy na naroon na sa pasimula ng paglalang ng Diyos kundi ang karunungan:

      “Hindi ba umiiyak ang karunungan, At inilalabas ng unawa ang kaniyang tinig? … Akong karunungan ay tumatahan sa kabaitan, At aking nasusumpungan ang kaalaman at gunita.” (Kaw. 8:1, 12)

      Ang karunungang naroon na nang wala pa ang lahat ay ang karunungan o kaunawaan ng Diyos na Kaniyang ginamit sa paglikha sa langit at lupa:

      “Nilikha ng Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan; Itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan.” (Kaw. 3:19)

      Natitiyak natin na ang karunungang ginamit ng Diyos sa paglikha ng langit at lupa ay hindi isa pang Diyos sapagkat kung magkagayon ay darami ang Diyos. Lalabag ito sa doktrina ng Biblia na iisa lamang ang Diyos (Mal. 2:10). Siya ang may-ari ng karunungang ginamit sa paglalang.

      Ang ka-“natin” sa Genesis 1:26 Ang ka-“natin” at mga kausap ng Diyos nang sabihin Niyang “lalangin natin ang tao” ay hindi ang inaakala ng iba na dalawa pang persona ng Trinidad, kundi ang mga kerubin at mga serapin na naroon na bago pa nilalang ang tao:

      “Ano pa’t itinaboy ang lalake; at inilagay sa silanganan ng halaman ng Eden ang mga Querubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot, upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay.” (Gen. 3:24)

      “Sa itaas niya ay nangatayo ang mga serapin: bawa’t isa’y may anim na pakpak: na may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mukha, at may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mga paa, at may dalawa na naglilipad sa kaniya.” (Isa. 6:2)

      Delete

    4. Subalit nang isagawa na ng Diyos ang aktuwal na paglalang ay Siya lamang mag-isa ang gumawa nito:

      “At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.” (Gen. 1:27)

      Walang “ka-manlalalang” o kinatulong ang Diyos nang lalangin Niya ang lahat ng bagay:

      “Ganito ang sabi ng Panginoon, ng iyong Manunubos, at niyang naganyo sa iyo mula sa bahay-bata, Ako ang Panginoon na gumagawa ng lahat na bagay; na naglaladlad, na magisa ng langit; na naglalatag ng lupa.” (Isa. 44:24_

      “Ikaw ang Panginoon, ikaw lamang; ikaw ang lumikha ng langit, ng langit ng mga langit, pati ng lahat na natatanaw roon, ng lupa at ng lahat na bagay na nangaroon, ng mga dagat at ng lahat na nangaroon, at iyong pinamalaging lahat; at ang hukbo ng langit ay sumasamba sa iyo.” (Neh. 9:6)

      Samakatuwid, maling ipakahulugan na sa Genesis 1:26 ay nag-uusap ang mga diumano’y persona ng Trinidad. Ang pinatutunayan ng Biblia na kausap dito ng Diyos ay ang mga kerubin at mga serapin. Ang tunay na Diyos ay walang ka persona na tinatawag na Trinidad at hindi rin maaari na si Cristo ay maging Diyos na Manlalalang.

      Ang kahulugan ng nasa Juan 1:3
      Ang sinasabing “ang lahat ay ginawa sa pamamagitan Niya” ay hindi nangangahulugang si Cristo ay ang lumalang, kundi, ang kahulugan nito ay ipamamagitan ni Cristo ang lahat ng bagay:

      “Sapagka’t marapat sa kaniya na pinagukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, …” (Heb. 2:10)

      Pinatunayan pa ni Apostol Pablo sa ibang pagkakataon na talagang ang lahat ng bagay na nilalang ay iniukol kay Cristo at sa pamamagitan Niya:

      “Sapagka’t sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya.” (Col. 1:16)

      Delete

    5. Kailangan ng lahat ng taong nilalang ng Diyos na sila’y ipamagitan ni Cristo sapagkat sa pamamagitan Niya ay papagkakasunduin ang tao sa Diyos:

      “At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya, sinasabi ko, maging mga bagay sa kalupaan, o mga bagay sa sangkalangitan. At kayo, nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pagiisip sa inyong mga gawang masasama. Gayon ma’y pinakipagkasundo niya ngayon sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo’y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya.” (Col. 1:20-22)

      Kaya, kung sinabi man sa Juan 1:3 na “ang lahat ng bagay ay ginawa (o nilalang) sa pamamagitan Niya” (o ni Cristo), hindi ito nangangahulugang si Cristo ay Diyos na Manlalalang. Ipinakikilala lamang nito na si Jesus ay Tagapamagitan ng tao sa Diyos (I Tim. 2:5).

      Si Cristo’y hindi Diyos na Manlalalang
      Ang isa pang katibayan na si Cristo’y hindi Diyos na Manlalalang ay ang katotohanang Siya man ay nilalang din ng Diyos:

      “Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang.” (Col. 1:15)

      Isa pa ito sa lalong nagpapatunay na mali ang pagkaunawa ng mga naniniwalang si Cristo’y Diyos sa mga talatang ginamit sa Juan 1:3; Genesis 1:26, at Kawikaan 8:22-30. Si Cristo ay hindi manlalalang, kundi isa Siyang nilalang. Siya ang panganay sa lahat ng nilalang.

      Bakit sinabing si Cristo ang panganay sa lahat ng nilalang gayong hindi naman Siya ang unang taong nilalang? Sapagkat nakilala na Siya nang una bago pa itinatag ang sanlibutan. Siya ang una sa pagkapanukala. Nasa isip na Siya ng Diyos bago pa lalangin ang sanlibutan. Ngunit wala pang Cristo sa kalagayan noong pasimula ng paglalang. Inihayag lamang Siya nitong mga huling panahon:

      “Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni’t inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo.” (I Ped. 1:20)

      Delete

    6. Nahayag o nagkaroon ng katuparan ang nasa isip ng Diyos noong una ukol sa pagkakaroon ng Cristo nang Siya ay ipanganak ng isang babae, si Maria na Kaniyang ina:

      “Datapuwa’t nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan.” (Gal. 4:4)

      Paano ngayon sasabihing si Cristo ang Siyang Diyos na Manlalalang? Si Cristo mismo ay hindi papayag sa gayong aral. Manapa, ipinakilala ni Cristo kung sino lamang ang Diyos na dapat sampalatayanan upang makamit ng tao ang buhay na walang hanggan – ang Ama at hindi ang Anak ang iisang tunay na Diyos:

      “Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak: … At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga’y si Jesucristo.” (Juan 17:1, 3)

      Hindi ipinakilala ni Cristo ang Kaniyang sarili na Diyos, kundi “Anak” at “sinugo” ng Ama na Siyang iisang Diyos na tunay.

      Samakatuwid, nagkakamali sa pagkaunawa at paggamit ng mga talata ng Banal na Kasulatan ang mga nagtuturo at naniniwalang si Cristo ay Diyos. Ang iisang tunay na Diyos ay ang Ama na lumalang ng lahat ng bagay. Hindi si Cristo ang Diyos na lumalang. Si Cristo ay nilalang. At bagama’t Siya ay pinagkalooban ng Ama ng maraming katangian at karangalang wala sa ibang tao, Siya ay tao sa likas na kalagayan. Ito ay isa sa mga aral na dapat panindiganan at sampalatayanan sapagkat ito ay ikapagkakaroon ng buhay na walang haggan.

      Delete
    7. Buksan ang pag iisip kaibigan..wag puro basa nalang..

      Delete

  52. 1 Corinto 8:6
    Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.

    Kailan nagkaroon ng katuparan ang sa pasimula ay salita, plano o pangako pa lamang ng Diyos ukol sa Cristo? Nang siya ay ipagdalang-tao at ipinanganak ng kaniyang ina na si Maria. Ito ang pinatutunayan ng Galacia 4:4

    "Datapuwa't nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyan Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan."

    Nang hindi ipinagdadalang-tao at ipinanganganak ni Maria ang Panginoong Jesucristo ay hindi pa siya umiiral. hindi pa siya eksistido o wala pang likas na kalagayan. Sa pasimula ay salita o plano pa lamang ang tungkol sa pagkakaroon ng Cristo. Ang nagplano o ang nagsalita ay ang Diyos. Kaya sinabi ni Apostol Juan sa ikalawang sugnay, " ang salita ay sumasa Dios" Kung gayon sinu ang tinutukoy ni Apostol Juan na tunay na Diyos sa ikalawang sugnay ng Juan 1:1 ("Ang salita ay sumasa Dios") na kinaroroonan ng Verbo o nang saliata? Hindi si Cristo kundi ang Ama. Ito ang pinatutunayan sa mga sulat ni Apostol Juan sa Juan 17:1,3
    Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:

    At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.

    Pansinin po natin ang sumulat ng juan 1:1 at 14 ay si Apostol Juan na siya ring sumulat ng juan 7:1 at 3. Hindi niya sasalungatin ang kaniyang sariling sulat at pahayag na natutuhan niya mismo sa ating Panginoong Jesucristo. Sino ang ipinakilalang tunay na Diyos sa sulat ni Apostol Juan? Ang ama at hindi si Cristo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang pagiging tao ni Kristo ang nakaplano... hindi ang kanyang pagiging Diyos. Likas kay Kristo ang pagiging Diyos para lang ILIGTAS KA tinanggap nya ang maging isang tao. Dahil nasusulat na ang DUGO NG KORDERO ANG MAGLILIGTAS SA SANLIBUTAN... paano matutupad ang hula kung hindi sya magiging tao. Kaninong Dugo ang gagamitin nya... kundi ang Dugo ng isang tao at ito ang dugo ni MARIA na kanyang Ina. Sa lahat ng relihiyon kayo lang ang hindi tumatanggap na Diyos si Kristo bukod sa Muslim na tinanggap si Kristo bilang propeta lang ng Diyos... Maigi kung basahin nyo ang history ni Mohammad ginaya ni ka Felix ang style nya. Pero si Mohamad kinilala sya na hindi nagsisinungaling na tao. at nasa lahi sya ng mga Hudyo. Pero si Felix saan ba sya kinilala? Kahit kailan ba hindi rin sya nagsinungaling sa buong buhay nya? at saan sa lahi ng mga Hudyo sya nakalinya? kaninong lahi sya galing? Ang Ina nya deboto sa Katoliko at hindi nag convert sa relihiyong itinatag nya. Kung ang ina hindi naniniwala sa sariling anak paano mo pa masasabi na totoo ang mga pinagsasasabi sa inyo ng relihiyon nyong yan.

      Delete

  53. At ang Salita ay Diyos

    Suriin naman natin ang sinasabi ni Apostol Juan sa ikatlong sugnay ng juan 1:1 na '' At ang salita ay Diyos''. Ano ang pagkakagamit ng terminong ''Dios'' sa ikatlong sugnay nang talatang ating pinag-aaralan? Hindi niya ito ginamit bilang isang pangalan (noun) kundi bilang isang pang-uri (adjective). Inuuri lamang niya ang salita ng Diyos. Ano ang katunayan nito ayon sa biblia? Ang salita ng Diyos ay makapangyarihan, gaya ng mababasa sa Lucas 1:37 Ganito ang pahayag.
    "Sapagkat walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan."


    Ano rin ang katangian o uri ng Panginoong Diyos na nagsalita? Ganito ang kaniyang patotoo mismo sa

    Genesis 35:11
    " At sinabi sa kaniya ng Dios, ako ang Dios na makapangyarihan sa lahat;...."

    Samakatuwid, magkauri ang Diyos at ang kaniyang salita sapagkat taglay ng salita ng Diyos ang kapangyarihan ng Diyos na nagsalita. Kapag sinalita ng Diyos ay tiyak na matutupad.

    Isaias 46:11
    Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.

    Ang katotohanang ito'y tinatanggap maging ng ibang mga nagsuri. Sa aklat na The New Bible Dictionary, ganito ang sinasabi:

    "Ang salita ay may kapangyarihang katulad ng sa Diyos na nagsalita nito." (page 703)

    Kaya, ginamit ang terminong "Diyos" sa ikatlong sugnay ng Juan 1:1 (''at ang salita ay Dios'') hindi bilang isang pangalan (noun) kundi bilang pang-uri (adjective). Inuuri lamang ang salita o verbo ng Diyos. Kauri ng Diyos ang kaniyang salita sa kapangyarihan kaya sinabing ''ang salita ay Diyos'' . Mabuti pa't tayo ay magbigay ng halimbawa ng mga salitang ginamitan ng pang-uri (adjective).

    ReplyDelete

  54. 1. Time is Gold

    Sa naturang pangungusap ang salitang ''Gold'' ay isang adjective. Inuri nya ang Time bilang isang mahalagang Bato, na kasing halaga ng Gold. Maliwanag na hindi literal na Gold ang pakahulagan sa naturang pangungusap, ganyan din ang sa ikatlong sugnay na "at Ang salita ay Diyos"

    Ayon din sa iba pang mga nagsuri, kaya sinabing "at ang salita ay Diyos" ay upang ipakilala o ilarawan ang uri ng salita, gaya ng isinasaad sa Aid to Bible Understanding:

    "Una, dapat na mapansin na sa teksto mismo ay ipinakikita na ang salita ay 'kasama ng Diyos' dahil dito ay hindi maaring 'maging Diyos' samakatuwid baga'y ang makapangyarihang Diyos.(pansinin din ang bersikulo 2, na hindi na sana kinakailangan kung sinasabi sa bersikulo 1 na ang salita ay ang Diyos) Bilang karagdagan, ang salitang katumbas ng ' Diyos ' (Griyego, the-os) sa ikalawang paglitaw nito sa bersikulo ay wlang pantukoy na 'ang' (Griyego,ho). Tungkol sa katotohanang ito, sinabi ni Obispo Westcott, kasamang gumawa ng westcott and hort Greek text of the christian scriptures, na: Talagang ito ay hindi nagtuturo ng kaniyang persona.' (Sinipi mula sa pahina 116 ng An idiom Book of new Testament Greek, na isinulat ni Prof. C.F.D. Moule 1953 ed.) Kinikilala rin ng iba pang tagapagsalin na ang terminong Griyego ay ginamit bilang isang pang-uri upang maglarawan sa uri ng Salita, kaya isinalin nila ang parirala nang ganito: ' ang salita ay Banal." (page 919)


    Ayon din sa aklat na ito, ang terminong "Diyos" ay hindi ginamit sa pangngalan (noun) kundi pang-uri (adjective), sapagkat ginamit ito upang uriin at ilarawan ang salita. Ang salita ay Diyos. Dapat ding mapansin na sa manuskritong Griyego ng bagong Tipan, ang termingong "diyos" sa nabanggit na sugnay ay walang pantukoy na "ang" (ang katumbas nito sa Griyego ay ho) samantalang kapag ang terminong "Diyos" ay ginagamit bilang pangngalan (noun) ito ay ginagamitan ng pantukoy, samakatuwid baga'y "ang Diyos" (sa Griyego, ho Theos). Ito rin ang pinatutunayan ni R. H. Strachan, D.D sa kaniyang aklat na The Fourth Gospel: Its Significance and enviroment:

    "Ang mga pangwakas na salita ng tal. 1 ay dapat isaling, 'Ang logos ay banal.' Dito, ang salitang theos ay walang pantukoy, na nangangahulugang ito ay pang-uri."
    (page 99)


    Dahil walang pantukoy na ''ang'' (sa Griyego, ho) ang terminong ''diyos'' (sa Griyego, Theos) sa ikatlong sugnay ng Juan 1:1, ito ay ginamit bilang pang-uri (adjective) at hindi bilang pangngalan (noun). Hindi sinabi ni Apostol Juan na "ang salita ay ang Dios'' kundi "ang salita ay Dios" Kaya, sa ibang salin ng Biblia ay sinasabi sa ikatlong sugnay ng
    Juan 1:1 na " ang salita ay Diyos" ("the Logos was Divine" Mofatt Translation;
    "the word was Divine"-Goodspeed Translation)..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang dami mong paliwanag. Malinaw naman sa sulat mo hindi pwedeng maging adjective ang pangngalang "Diyos". dahil malinaw na ang isang adjective hindi ginagamitan ng CAPITAL LETTER SA SIMULA kundi ang isang NAME lang ang ginagamitan ng CAPITAL LETTER. Hindi ba ang sabi mo "Diyos" kung isa lamang itong paglalarawan ng salita dapat ang ginamit mo small letter. Dahil kapag gumamit ka ng Capital Letter sa Panggalan ito ay maituturing na NOUN. kaya sa iyong salita na rin nangggaling na tunay na PANGNGALAN(NOUN) ANG SALITANG DIYOS. Ganun lang ka simple hindi na kailangan ng elaboration mo. sa ginagawa mong pagpapaliwanag ng marami lalong walang sense ang kinalalabasan.

      Delete
    2. sino ang salita?

      kinikilala ng maraming griegong iskolar at mga taga pagsalin ng bibliya na itinampok ng juan 1:1 ang katangian at hindi kung sino " ang salita"

      sinasabi ng tagapagsalin ng bibliya na si william barclay:
      "dahil walang pamanggit na pantukoy na ginamit si apostol juan sa unahan ng theos naging pang uri ito... hindi sinabi rito ni juan na ang salita ay siya ring Diyos.sa maikli,hindi niya sinabi na si jesus ay DIYOS."

      ganito rin ang sinabi ng iskolar na si jason david beduhn:
      " sa wikang griego kapag walang ginamit na pantukoy sa theos sa isang pangungusap gaya sa juan 1:1c, isipin ng inyong mga mambabasa na ito ay "isang diyos" idinagdag pa ni beduhn na dahil walang pantukoy ang thoes, ibang-iba ito sa ho theos, kung paanong ang isang diyos ay iba sa DIYOS sinabi rin niya sa juan 1:1 ang salita ay hindi iisa at tanging DIYOS kundi isang diyos, o isang personang gaya ng DIYOS"

      ayon naman kay joseph henry thayer,isa sa mga iskolar na bumuo ng american standard version" ang verbo o salita ay diyos hindi ang DIYOS mismo.

      Delete
    3. kung ang salita( jesu kristo) ay isang diyos( a god ) hindi naman ito komokontra sa ibang talata.dahil hindi naman siya ang DIYOS mismo.

      sa bibliya ang salitang"diyos" ay ginamit sa magkakaibang pagka gamit.

      halimbawa sa awit 82:1 ito ang sinabi.

      "ang Diyos ay nakatayo sa kapulungan ng makapangyarihan sa gitna ng mga diyos"

      awit 82:6" sinabi ko na kayoy mga diyos"

      2 corinto 4:4 si satanas (diablo) ay diyos sa sanlibutan.

      ang titulong isang diyos(a god)na si jesu kristo hindi ito contradict sa juan 17:3 na may iisang tunay na DIYOS na dapat sambahin si JEHOVAH.

      Delete
    4. kung ang salita( jesu kristo) ay isang diyos( a god ) hindi naman ito komokontra sa ibang talata.dahil hindi naman siya ang DIYOS mismo.

      sa bibliya ang salitang"diyos" ay ginamit sa magkakaibang pagka gamit.

      halimbawa sa awit 82:1 ito ang sinabi.

      "ang Diyos ay nakatayo sa kapulungan ng makapangyarihan sa gitna ng mga diyos"

      awit 82:6" sinabi ko na kayoy mga diyos"

      2 corinto 4:4 si satanas (diablo) ay diyos sa sanlibutan.

      ang titulong isang diyos(a god)na si jesu kristo hindi ito contradict sa juan 17:3 na may iisang tunay na DIYOS na dapat sambahin si JEHOVAH.

      Delete
    5. sino ang salita?

      kinikilala ng maraming griegong iskolar at mga taga pagsalin ng bibliya na itinampok ng juan 1:1 ang katangian at hindi kung sino " ang salita"

      sinasabi ng tagapagsalin ng bibliya na si william barclay:
      "dahil walang pamanggit na pantukoy na ginamit si apostol juan sa unahan ng theos naging pang uri ito... hindi sinabi rito ni juan na ang salita ay siya ring Diyos.sa maikli,hindi niya sinabi na si jesus ay DIYOS."

      ganito rin ang sinabi ng iskolar na si jason david beduhn:
      " sa wikang griego kapag walang ginamit na pantukoy sa theos sa isang pangungusap gaya sa juan 1:1c, isipin ng inyong mga mambabasa na ito ay "isang diyos" idinagdag pa ni beduhn na dahil walang pantukoy ang thoes, ibang-iba ito sa ho theos, kung paanong ang isang diyos ay iba sa DIYOS sinabi rin niya sa juan 1:1 ang salita ay hindi iisa at tanging DIYOS kundi isang diyos, o isang personang gaya ng DIYOS"

      ayon naman kay joseph henry thayer,isa sa mga iskolar na bumuo ng american standard version" ang verbo o salita ay diyos hindi ang DIYOS mismo.

      Delete

  55. Nagkatawang tao ang Salita

    Isa ring karaniwang paniniwala na si Cristo ay Diyos na nagkatawang-tao dahil sinasabi sa Juan 1:14 na, "nagkatawang-tao ang berbo" Para sa mga taong nagtataglay ng ganitong paniniwala, may dalawang likas na kalagayan si Jesucristo:Taong totoo at Diyos na totoo. Ito ay maling pagkaunawa sa nakasulat sa Biblia.

    Una- walang nakasulat sa Juan 1:14 na ang Diyos ay nagkatawang tao.

    Pangalawa- Hindi lamang wala, kundi labag pa sa biblia ang paniniwalang ito sapagkat ang diyos ay hindi tao.

    Oseas 11:9
    Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.

    At ang tao ay hindi pwedeng maging Diyos!

    Ezekiel 28:9
    Sabihin mo pa kaya sa harap niya na pumapatay sa iyo, Ako'y Dios? nguni't ikaw ay tao, at hindi Dios, sa kamay niya na sumusugat sa iyo.

    Ikatlo- kapag tinanggap ang paniniwala na ang Diyos ay nagkatawang tao, na mula sa kalagayang Espiritu, walang laman at mga buto.

    Juan 4:24
    Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan

    Lucas 24:39
    Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin

    At ito ang Diyos ay naging tao, labag din ito sa aral ng Biblia sapagkat ang Diyos ay di magbabago ni may anino man ng pag-iiba.
    Malakias 3:6
    Sapagka't ako, ang Panginoon, ay hindi nababago, kaya't kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos.

    Santiago 1:17
    Ang bawa't mabuting kaloob at ang bawa't sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba.

    Kung gayon, paano natin dapat unawain ang Juan 1:14 " Na nagkatawang-tao ang Berbo''? Natupad ang salita ng Diyos o pangako ng Diyos na magkakaroon ng Cristo, at tao ang katuparan nito. Ganito ang ating mababasa sa:

    Mateo 1:18,20
    " Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo, ...Datapuwa't samantalang pinag-iisip niya ito, narito ang isang anghel ng panginoon ay nagpakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang dinadalang tao ay sa Espiritu Santo."

    ReplyDelete
    Replies
    1. Labag nga ba sa DIyos ang maging tao? O labag sa Diyos ang hindi mo sya kilalaning Diyos? Mga Taga-Filipos 2:6-7
      6 Bagaman siya ay nasa anyong Diyos, hindi niya itinuring na kailangang pakahawakan ang kaniyang pagiging KAPANTAY ng Diyos. 7 Bagkus ginawa niyang WALANG KABULUHAN ang kaniyang sarili at tinanggap niya ang anyo ng isang alipin at nakitulad sa TAO. (ngayon labag ba ang ginawa ng Diyos?)

      Isaias 43:10 Kayo'y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at aking lingkod na aking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga; walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko.

      43:11 Ako, sa makatuwid baga'y ako, ang Panginoon; at liban sa akin ay walang TAGAPAGLIGTAS.

      43:12 Ako'y nagpahayag, at ako'y nagligtas, at ako'y nagpakilala, at walang ibang dios sa gitna ninyo: kaya't kayo ang aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at ako ang Dios.

      Delete
    2. Sa Juan1:1 Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. 2 Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos. 3 Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Ang nilikha 4 sa kanya ay may buhay, a at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. 5 Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.

      Delete
    3. Juan 1:14 Ang Salita ay naging TAO at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.

      Delete
    4. Ipinaliwanag sa Juan 1:1 na ang SALITA AY DIYOS at sa Juan 1:14 Ang Salita ay naging TAO. Simple lang diba? Malinaw yon at Klaro.

      Delete

  56. Ang Diyos ba na nagsalita o ang kinaroroonan ng salita ang nagkatawang-tao gaya ng ibinibigay na pakahulugan ng iba? Hindi. Ang nakasulat sa Juan 1:14 ay maliwanag: na " nagkatawang-tao ang salita (NPV) Walang sinabi sa talata na ang Diyos na nagsalita ang nagkatawang tao!. Kaya sa King James Version ang pagkakasalin ay ganito " and the word was made Flesh'' ( at ang salita ay ginawang laman).

    Kung may isang tao na nagpaplano na siya ay magtatayo nang bahay, may bahay naba? wala pa dahil plano o salita pa lamang. Ang salita o planong iyon ay kaisipan niya at sumasa kaniya sapagkat siya ang nagbalak at pinagmula niyon. Kailan nagkaroon ng bahay? Nang matupad ang plano ukol sa kayarian nito. Nang maitayo na ang bahay, siya ba, na nagsalita, ang naging bahay? Hindi. Kaya hindi rin ang Diyos na nagsalita ang nagkatawang tao. Kundi ang sinalita, panukala,o ang plano niya ang nagkatawang tao.

    Kung gayon sinu ang katumbas ng sinasabi sa Juan 1:14 na "nagkatawang tao ang salita"? Natupad ang plano, balak o salita ng Diyos tungkol sa pagkakaroon ng Cristo na sa pasimula'y salita (berbo) pa lamang ng Diyos-ang katuparan ay tao sa likas na kalagayan.

    Bilang pangwakas, napatunayan natin na nagkamali ng pagkaunawa sa Juan 1:1,14 ang mga gumagamit ng talatang ito upang patunayan na si Cristo diumano ay Diyos na nagkatawang tao. Labag sa aral ng Biblia ang paniniwalang ang Diyos ay nagkatawang-tao. Labag din sa aral ng Biblia ang paniniwalang si Cristo ay Diyos na totoo at tao pang totoo. Ang Ama ang kaisa-isang tunay na Diyos at ang Panginoong Jesucristo ay sugo ng Diyos-ito ang pagkakilalang may buhay na walang hanggan...

    Juan 17:1,3 (Salita ng Buhay)
    Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito at tumingin siya sa langit at nagsabi:

    Ama ang oras ay dumating na. Luwalhatiin mo ang
    iyong Anak at nang luwalhatiin ka rin naman ng Anak.
    Ito ang buhay na walang hanggan: Ang makilala
    ka nila, ang tanging Diyos na totoo at si Jesucristo na
    iyong sinugo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kapatid ang pang-unawa mo ang nagpapagulo. Halatang maraming paglilinlang sa mga interpretation nyo. Malinaw at Klaro na Diyos ang SALITA at nag eexist na sya bilang diyos dahil nasabi sa Kawikaan 8:30 Ako’y lagi niyang KASAMA AT KATULONG SA MGA GAWAIN... ako ay ligaya niya at sa akin siya’y aliw.

      Delete
    2. Sa Genesis 1:26 Pagkatapos, sinabi ng Diyos: "Ngayon, likhain NATIN ang TAO AYON SA ATING LARAWAN, AYON SA ATING WANGIS. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit."

      Delete
    3. Kung nasa isip lang ng AMA si Kristo bakit nya kasama sa paglikha ng sanlibutan at sa paglikha ng tao? bakit sa salita ng AMA may NATIN syang binabanggit at kung hindi rin manlilikha ang kanyang kausap bakit isinasama nya ang kausap nya. Malinaw na rin naman na sinabi na ni Kristo na bago pa lalangin ang mundo ay nag eexist na sya bilang DIYOS. Madali lang sanang unawain kung hindi nyo lang binibigyan ng sariling pang unawa at masyado kang maraming sinasabi.. LOGICALLY BINIBIGYAN MO LANG KATWIRAN ANG PANINIWALA NYO...ANG INTERPRETATION KO SA MGA SINASABI MO AY KAHIT ANG SARILI MO KINUCONVINCED MO RIN na maniwala sa mga sinasabi mo. Pusta tayo may doubt ka rin kaya masyado kang maraming iniexplain. Una ang gusto mong mapaniwala ang sarili mo? hindi ba? kapatid wake-up. Less talk, Less Mistake. Tama na sa pag convinced ng sarili. Bumalik na kayo sa tunay na tahanan ni Kristo.

      Delete
    4. Kaibigan..kung masakit para sa iyo ang mga katutuhanang binato sayo or Hindi mo talaga tanggap,at gumagawa ka nang pansariling dahilan..eh bahala kana kung may sarili kang paraan oh paano mo kinikilala ang kinikilala ko..palawakin ang pag iisip kaibigan pagmaraming tanong maraming sagot..

      Delete
  57. Ang tunay na mga aral patungkol sa bibliya ay nasa loob lang nang iglesia ni cristo.wla nang ibang relihiyon sa panahon ngayon ang nagpapaayahag sa tamang daan na dapat nating aniban kundi ang iglesia ni cristo lamang.

    ReplyDelete

  58. KINIKILALA AT TINATANGGAP ng mga relihiyong tinaguriang Cristiano, na ang Panginoong Jesucristo ay nagtayo ng Iglesia na tinawag ng Kaniyang mga Apostol na Iglesia ni Cristo (Mat. 16:18; Roma 16:16). Mula sa kalagayan nito sa pasimula na “munting kawan” (Luk. 12:32), sa dako ng mga Judio, ang Iglesiang ito, sa pamamagitan ng pangangaral ng mga Apostol, ay lumago at dumaming lubha sa kabila ng mga pag-uusig na kanilang nasagupa (Gawa 8:1; 6:7)

    Subalit ano ang nangyari sa Iglesiang ito pagkatapos ng panahon ng mga Apostol? Nakapagpatuloy kaya ito sa kaniyang dating kalagayan na gaya noong pinangangasiwaan pa ito ni Cristo at ng Kaniyang mga Apostol?
    Sa paniniwala ng Iglesia Katolika, ang Iglesiang iniwan ng mga Apostol ay namalagi at nagpatuloy nang walang lagot hanggang sa panahong ito. Ito raw ay walang iba kundi ang tinatawag at kinikilala ngayon na Iglesia Katolika. Inaangkin nilang gayon dahil ang Iglesia Katolika raw, kung susuysuyin ang kaniyang kasaysayan sa pamamagitan ng talaan ng mga papa at mga obispong nangasiwa sa kaniya, ay matutunton pabalik hanggang sa panahon na kasunod ng mga Apostol. Ang pagkakasunod nga kaya ng mga obispo ng Iglesia Katolika sa panahon ng mga Apostol ay katunayan na ito nga ang Iglesiang itinayo ni Cristo at pinangasiwaan ng mga Apostol?
    Wala nang pinakamabuting sanggunian ukol dito kundi ang mga katotohanang nakasulat sa Biblia at ang patotoo ng kasaysayan at hindi ang pala-palagay o pag-aangkin lamang ng sinuman.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang Iglesia Katolika ay maraming ebidensya ng kasaysayan ng Apostolika. Hindi yon basta inangkin. Marami ang nakapagpatunay na totoo ang kasaysayan ng kristyanismo sa Katoliko lahat ng ebidensya masusing pinag-aralan ng mga theoligist at mga mananaliksik at napatunayang totoo ang mga claim sa Catholic. Tinupad ng Katoliko ang huling habilin ni Kristo sa Mateo 28:19 Kaya't habang kayo'y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa PANGALAN ng AMA, at ng ANAK, at ng ESPIRITU SANTO" . Walang labis walang kulang (kayo dinagdagan nyo ang salita dyan ni Kristo)... Hindi ba natupad ang sinabi ni Kristo na gawing alagad nya ang lahat ng mga bansa. Simula sa mga oras na yon hanggang sa kasalukuyan natutupad ang iniwan ni Kristong pahayag... May pinagmulan at may sinundang simulain hindi basta inangkin Hindi yon basta kinuha ang pangalan sa bibliya at icclaim ng basta na lang. E kayo anong ebidensya nyo na kayo ang tunay na Iglesia? Hindi basta bibliya lang dapat ang Ebidensya. Dapat konkreto at matibay. Hindi basta salita. Alam mo bang may mahigit 3000 ang nagtayo ng relihiyon sa buong mundo? hindi lang kayo. sa Pilipinas nga sandamakmak ang relihiyon? at lahat nag cclaim na sila ang totoo tapos sasabihin mo tunay kayo? anong patunay nyo mula sa Diyos? Negosyo ang patunay ng relihiyon nyo. walang iba? Kaya kapatid.. bago mo ipaglaban ang relihiyon mo. Patunayan mong mula sa Diyos nga ang relihiyon mo. Patunayan mong Anghel rin si Ka Felix "Sungay este YSAGUN" Manalo. Asan ang pakpak? o baka buntot lang meron sya. Hukayin nyo siya at tignan kung hindi sya naagnas tulad ng maraming banal sa katoliko. Kung mapatunayan mong kayo ang totoo sige hahayaan kitang alipustahin ang "TUNAY NA IGLESIA NG DIYOS". Bahala ka na at Diyos na rin ang bahalang humusga sa inyo. Ako ang hiling ko lang sa Diyos Iligtas kayo. Iligtas!!!

      Delete
    2. C ka Felix manalo ang sugo nang dios sa huling araw kaibigan ..nasa iglesia ni Cristo ang tunay na mga lingkod at anak nang dios...pati ikaw anak ka rin nang dios. Kaya ang panawagan sa inyo mga katoliko at magbalik loob na kayo sa dios ama.halikana kapatid sama kana sa amin..nakay cristo ang liwanag patungo sa bayang banal nang ama.

      Delete

  59. Ibinabala Ng Mga Apostol
    Bago pa namatay ang mga Apostol at bago pa umakyat sa langit ang ating Panginoong Jesucristo ay may mga paunang pahayag o mga hula na sila tungkol sa mangyayari sa Iglesia na itinayo ni Cristo. Sa sulat ni Apostol Pablo kay Timoteo ay binanggit niya ang tungkol ditto:
    “Nguni’t hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio…” (I Tim. 4:1)
    Ibinabala ni Pablo ang magaganap na pagtalikod sa pananampalataya. Ang babala o hulang ito ay kaniya ring inihayag sa pulong ng mga Obispo sa Mileto:
    “Mula na rin sa inyo’y lilitaw ang mga taong magsasalita ng kasinungalingan upang mapasunod ang mga alagad, at sa gayo’y mailigaw sila.” (Gawa 20:30, Magandang Balita)
    Ang ibig sabihing matatalikod sa pananampalatay ay maliligaw ang mga alagad dahil iba na ang kanilang susundin. Ang susundin na nila ay ang magtuturo ng kasinungalingan at hindi na ang dati nilang sinusunod – ang Panginoong Jesucristo:
    “Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin.” (Juan 10:27, Ibid.)
    Si Cristo ang sinusunod ng mga tunay Niyang alagad. Kaya ang humiwalay sa pagsunod sa Kaniya ay naligaw o natalikod sa pananampalataya.
    Subalit ang mga alagad na maliligaw o matatalikod ay hindi naman sinasabing aalis sa organisasyon. Alinsunod sa sinabi ni Pablo, maliligaw o matatalikod ang mga alagad dahil nakinig sila sa itinurong kasinungalingan (Gawa 20:30 Ibid.). Ang mga kasinungalingang ito ay mga aral o doktrina na kapag tinanggap ng mga alagad ay makasisira sa kanilang pananampalataya:
    “…Sa inyo naman, may lilitaw na mga bulaang guro. Gagamitin nila ng katusuhan ang pagtuturo ng mga aral na makasisira sa inyong pananampalataya. Itatakwil nila ang Panginoong nagligtas sa kanila, kaya’t biglang darating sa kanila ang kapahamakan.” (II Ped. 2:1, Ibid.)
    Ito rin ang binabanggit ni Pablo sa kaniyang sulat kay Timoteo (I Tim. 4:1) na aral ng demonio na susundin ng mga tatalikod sa pananampalataya. Ang nakalulungkot sa pangyayaring ito ay ang katotohanang sa loob din ng Iglesia, ayon kay Apostol Pablo, magmumula ang magtuturo ng kasinungalingan na kung tawagin ni Apostol Pedro ay mga bulaang guro (II Ped. 2:1).

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang lahat ng hula ay sa inyo nakapatukoy. Isipin mong mabuti yan kapatid. sabi mo ang IBA'Y MATATALIKOD. Sabi mo IBA dapat sinabi NAPAKARAMI ang matatalikod. Dahil napakarami ng Katoliko sa buong mundo. kaya mali ang analysis mo dyan kapatid. Good luck. God Bless you at ang mga kasapi ng INC.(incorporated).

      Delete
    2. Alam mo kaibigan kung wla ka talagang pang unawa, wala ka talagang alam,at dahil wla kang alam Hindi mo talaga maunawaan..

      Delete
    3. guiding light

      sabi mo naniniwala ka na sila ay iisang Diyos ang AMA, at si KRISTO. ginamit mo pa ang talatang juan 1:18 na si kristo ay nagmula sa katawan ng AMA ay itoy ipinanganak ng AMA.

      ang iyong paliwanag sa poste mo ay kokontra sa talatang juan 1:18. na hindi pwedi magkahiwalay ng katawan ang ama at ang anak halimbawa may anak ka: hindi ba pwedi magkahiwalay ang inyong mga katawan?

      Delete
    4. paglilinaw:

      tinawag ni jesus ang kaniyang sarili na "anak ng Diyos" (juan 10:36,11:4) hindi kailanman ipinakilala ni jesus ang sarili niya bilang Diyos na makapangyarihan sa lahat.

      bukod diyan,nanalangin si jesus sa Diyos ( mateo 26:39) at habang tinuruan ni jesus ang kaniyang mga tagasunod kung paano manalangin.sinabi niya "Ama namin na nasa langit,pakabanalin nawa ang iyong panganlan" mateo 6:9.

      at ipinakilala ni jesus ang pangalan ng DIYOS nang sipiin niya ang isang bahagi ng kasulatan: dinggin mo oh israel si Jehova na ating Diyos ay iisang Jehova" marcos 12:29: deuteronomio 6:4.

      Delete
    5. nilinaw ni jesus na magkaiba sila ng kaniyang AMA

      napakalaking misteryo ba ang pagkakakilanlan ng Diyos?
      para kay jesus hindi ito isang misteryo.
      sa panalangin sa kaniyang Ama nang sabihin niya,

      " ito ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo ang tanging tunay na Diyos,at sa isa ng iyong isinugo.si jesu kristo" juan 17:3.

      kung naniniwala tayo kay jesus at nauunawaan natin ang malinaw na turo ng bibliya, igagalang natin kung sino talaga siya--ang anak ng Diyos.
      sasambahin din natin si Jehova bilang "ang tanging tunay na Diyos"

      Delete
    6. nilinaw ni jesus na magkaiba sila ng kaniyang AMA

      napakalaking misteryo ba ang pagkakakilanlan ng Diyos?
      para kay jesus hindi ito isang misteryo.
      sa panalangin sa kaniyang Ama nang sabihin niya,

      " ito ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo ang tanging tunay na Diyos,at sa isa ng iyong isinugo.si jesu kristo" juan 17:3.

      kung naniniwala tayo kay jesus at nauunawaan natin ang malinaw na turo ng bibliya, igagalang natin kung sino talaga siya--ang anak ng Diyos.
      sasambahin din natin si Jehova bilang "ang tanging tunay na Diyos"

      Delete

  60. Ang pagtalikod ba sa pananampalataya ay magaganap sa ilang kaanib lamang ng Iglesia na gaya ng sinasabi ng mga awtoridad Katoliko? Gaano karami ang maililigaw ng mga bulaang guro o mga bulaaang propeta? Sa Mateo 24:11 ay ganito ang hula ni Cristo:
    “At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami.”
    Samakatuwid, marami sa mga kaanib sa unang Iglesia ang maliligaw o matatalikod dahil sa pagsunod sa maling aral na itinuturo ng mga bulaang propeta.
    Subalit kapag sinabing natalikod ang Iglesia ni Cristo noong unang siglo ay hindi nangangahulugan na nawala ang mga kaanib nito o naglaho ang organisasyon. Nagpatuloy ang organisasyon subalit wala na sa kaniyang dating uri sapagkat humiwalay na ito sa mga aral ni Cristo at sumunod sa mga aral ng demonio na itinuro ng mga bulaang propeta. Samakatuwid, naganap na ang pagtalikod.
    Ang pananatiling umiiral ng organisasyon ay hindi katunayan na hindi natalikod ang Iglesia. Katulad lamang ito ng naganap sa unang bayan ng Diyos, ang baying Israel, na bagaman noong una ay kinikilalang bayan ng Diyos at may kahalalan upang maglingkod sa Kaniya, ay tumalikod din sa pamamagitan ng pagsalangsang sa mga utos ng Diyos.
    “Ang buong Israel ay nagkasala sa iyo, tumalikod sa iyong kautusan at hindi nakinig sa iyong tinig….” (Dan. 9:11, MB)
    Ang Israel ay natalikod hindi dahil nawala ang organisasyon o nawala ang mga tao nito. Ito ay natalikod dahil sa paghiwalay sa mga utos ng Diyos. Buo ang organisasyon ngunit wala na sa kaniyang dating uri at katangian.

    ReplyDelete

  61. Panahon Ng Pagtalikod
    Kailan magaganap ang pagtalikod sa Iglesia o ang pagpasok dito ng mga maling aral na nakasira sa pananampalataya ng mga alagad? Sa Gawa 20:29-30 ay mababasa ang ganito:
    “Alam kong pagkaalis ko’y magsisipasok ang mababangis na asong-gubat at walang patawad na sisilain ang kawan. Mula na rin sa inyo’y lilitaw ang mga taong magsasalita ng kasinungalingan upang mapasunod ang mga alagad, at sa gayo’y mailigaw sila.” (Ibid.)
    Tinitiyak ni Apostol Pablo na pag-alis niya ay saka papasukin ng mga “asong-gubat” ang Iglesia at mula na rin dito ay lilitaw ang mga magtuturo ng kasinungalingan upang iligaw o italikod ang mga alagad. Ang pag-alis na binabanggit ni Pablo ay isang pag-alis na hindi na siya muling makikita ng mga kapatid na noon ay kasama niya, alalaong baga’y ang kaniyang kamatayan (Gawa 20:25; II Tim. 4:6).
    Kung gayon, magaganap ang pagtalikod sa Iglesia pagkamatay ng mga Apostol o pagkatapos ng panahon nila. Bakit pagkamatay pa ng mga Apostol maisasagawa ng mga bulaang propeta ang pagliligaw sa mga alagad? Bakit hindi nila ito nagawa noong nabubuhay pa ang mga Apostol? Sa Galacia 2:4-5 ay ganito ang mababasa:
    “At yaon ay dahil sa mga hindi tunay na kapatid na ipinasok ng lihim, na nagsipasok ng lihim upang tiktikan ang aming kalayaan na taglay naming kay Cristo Jesus, upang kami’y ilagay nila sa pagkaalipin: Sa mga yaon ay hindi kami napahinuhod na supilin kami, kahit isang oras; upang ang katotohanan ng evangelio ay manatili sa inyo.”
    Sa harap ng paninindigang ito ni Pablo, hindi kataka-taka na ang pagtalikod ay maganap sa panahong wala na sila. Kailanman at buhay ang mga Apostol, hindi nila papayagang pigilin sila ng mga kaaway ng pananampalataya upang manatili ang ebanghelyo sa Iglesia.
    Nangangahulugan ba na pagkamatay ng mga Apostol ay wala manlamang nanindigan at namalagi sa tunay pananampalataya? Ang lahat kaya ng mga kaanib noon ay pawang tumalikod? Mahalagang masagot ang mga katanungang ito sapagkat kung may nanatili sa tunay na pananampalataya at hindi humiwalay sa mga dalisay na aral ni Cristo ay masasabing hindi lubusang natalikod ang Iglesia.
    Ano ang ibinabala ni Cristo na daranasin ng Kaniyang mga alagad tangi sa ang marami sa kanila ay ililigaw ng mga bulaang propeta? Sa Mateo 24:11,9 ay ganito ang nakasulat:
    “At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami.
    “Kung magkagayo’y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo’y papatayin:…”
    Ayon sa hulang ito ng Panginoong Jesucristo, hindi lamang maililigaw ang marami Niyang mga alagad kundi ang iba ay papatayin. Hindi nakapagtataka kung pagkamatay ng mga Apostol ay ibang Iglesia na ang masumpungan natin sa mga tala ng kasaysayan sapagkat kung mayroon mang nanindigan sa tunay na pananampalataya ay pinatay naman ng bagsik ng pag-uusig. Sino ang mga naging kasangkapan sa pagpatay at pagsila sa mga tunay na kaanib sa Iglesia? Sa Gawa 20:29 ay tiniyak ni Pablo ang ganito:
    “Alam kong pagkaalis ko’y magsisipasok ang mababangis na asong-gubat at walang patawad na sisilain ang kawan.” (MB)
    Ang tinutukoy na mga asong gubat na magiging kasangkapan sa lubusang pagtalikod ng Iglesia ay mga pinuno:
    “Ang mga pinuno nila’y parang hayok na asong-gubat kung lumapa ng kanilang biktima…” (Ezek. 22:27, Ibid.)
    Ang isa sa tinutukoy ng Biblia na mga asong-gubat ay ang masasamang pinuno na gaya ng mga hari at emperador “ na lumalapa ng kanilang biktima.” Tangi sa mga pinuno ng bansa na umusig sa Iglesia, sino pa ang itinulad ng Biblia sa mga asong-gubat? Ganito ang pahayag ng Panginoong Jesucristo:
    “ ‘Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta; nagsisilapit sila sa inyo na animo’y tupa, ngunit ang totoo’y mababangis na asong-gubat’.” (Mat. 7:15, Ibid.)

    ReplyDelete

  62. Maging ang mga bulaang propeta na nagtuturo ng aral ng demonio ay itinutulad din ng Biblia sa asong-gubat. Sila ang mga naging kasangkapan hindi lamang upang iligaw ang mga alagad at pasunurin sa maling aral kundi upang ang mga ito ay patayin o silain. Madali nating malalaman kung sino ang kinatuparan ng ibinabala ni Cristo na magtatalikod sa Kaniyang Iglesia dahil sinabi rin Niya kung ano ang ating ikakikilala sa kanila, ”…mga bulaang propeta na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa,…”
    Kung gayon, makikilala ang mga bulaang propeta na nagpasok ng mga hidwang aral sa Iglesia. Sila ay nakadamit tupa. Sa Biblia, si Cristo ang ipinakikilalang cordero o tupa (Juan 1:29). Samakatuwid, ang mga bulaang propeta ay tumulad sa pananamit ni Cristo. May mga tagapagturo ng relihiyon na nagdaramit nang katulad ng damit ni Cristo. Sa aklat na pinamagatang Siya Ang Inyong Pakinggan: ‘Ang Aral Na Katoliko’ na sinulat ng paring si Enrique Demond ay ganito ang nakasulat sa pahina 195:
    “Ang paring gayak sa pagmimisa ay nakatulad ni Jesucristo noong umakyat sa bundok ng Kalvario…”
    Hindi kataka-taka, kung gayon, na ang mga sumunod sa panahon ng mga Apostol ay ang mga Obispo at mga papa ng Iglesia Katolika dahil sila mismo ang ibinabala ng mga Apostol na mga taong magsasagawa ng pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo. Sila ang mga nagpasok at nagturo ng mga maling aral na ikinaligaw o ikinatalikod ng Iglesia.


    Patotoo ng Kasaysayan
    Ang mga natalang pangyayari sa kasaysayan ang magbibigay sa atin ng mga kaalaman upang mabatid at matiyak natin ang naganap sa Iglesia pagkatapos ng panahon ng mga Apostol. Natupad ba ang ibinabala ng mga Apostol na ang Iglesia ay papasukin ng mga maling aral? Sa isang aklat na pangkasaysayan na pinamagatang World’s Great Events, Vol II. Pp. 163-164, ay ganito ang mababasa:
    “Noong una, ang kasaysayan ng Iglesia Romana ay katulad ng kasaysayan ng katotohanan ng Cristianismo. Datapuwat nakalulungkot na dumating ang panahon nang magsimulang dumaloy ang mga batis ng lason mula doon sa nang una’y dalisay na bukal.” (salin sa Pilipino)

    ReplyDelete

  63. Pinatutunayan ng kasaysayan ang pagdaloy sa Iglesia ng mga lasong aral na ikinamatay ng pananampalataya ng mga kaanib nito. Ang pangyayaring ito ay naganap alinsunod sa panahong ibinabala ng mga Apostol – pagkamatay nila o pagkatapos ng panahon nila magaganap ang pagtalikod ng Iglesia. Kung ang larawan ng Iglesiang ipinakikita ng mga tala ng kasaysayan pagkatapos ng panahon ng mga Apostol ay katulad din ng larawan nito sa kanilang kapanahunan, masasabi nating hindi natupad ang pagtalikod na kanilang ibinabala. Subalit ayon na rin sa patotoo ng kasaysayan, ano kayang uring Iglesia ang masusumpungan pagkatapos ng mga Apostol? Sangguniin natin ang isa pang akat na tumatalakay sa kasaysayan ng Iglesia, Story of the Christian Church, p. 41:
    “Sa loob ng limampung taon pagkamatay ni Apostol Pablo ay isang lambong ang nakatabing sa buong Iglesia, na sa loob nito ay sinisikap nating may kabiguan ang makaaninaw, at sa wakas pagkahawi ng tabing na ito, 120 A.D., sa pamamagitan ng sulat ng tinatawag na mga unang ‘Ama ng Iglesia’ ay matatagpuan natin ang isang Iglesia na sa lahat ng bahagi ay ibang iba na sa Iglesia sa kapanahunan nina Apostol Pedro at Pablo.” (salin sa Pilipino)
    Hindi pa nalalaunan ang pagkawala ng mga Apostol, ang Iglesia ay wala na sa dati nitong uri. Pinatutunayan ng kasaysayan na may limampung taon pa lamang ang nakalipas pagkamatay ng mga Apostol, ay ibang iba na ang Iglesia sa lahat ng bahagi. Ano ang ilan sa mga aral na hindi naman itinuro ni Cristo at ng Kaniyang mga Apostol subalit ipinasok ng mga bulaang propeta sa Iglesia?
    Makagagawa tayo ng isang mahabang talaan ng mga maling doktrina na nagsimulang lumitaw pagkatapos ng panahon ng mga Apostol, mga doktrinang unti-unting ipinasok sa Iglesia at naging sanhi kaya naligaw o natalikod ang tunay na Iglesia na kinalaunan ay naging Iglesia Katolika.
    Bawat paghiwalay sa mga aral ng Diyos na itinuro ni Cristo ay pagtalikod sa pananampalatay at ang pagsunod sa mga maling doktrina na itinuro ng mga bulaang propeta ay pagtatayo naman ng Iglesia Katolika. Kaya ang organisasyong dati’y dinadaluyan ng mga dalisay na aral ng Diyos, sumusunod kay Cristo, at tinatawag na Iglesia ni Cristo ay bumaling sa mga aral ng demonio, sumunod sa mga bulaang propeta, at naging Iglesia Katolika.

    ReplyDelete

  64. Pagpatay Sa Mga Cristiano
    Hindi malulubos ang pagtalikod kung nanatiling buhay ang mga nanindigan sa mga dalisay na aral ni Cristo. Kaya, gaya ng ibinabala ni Pablo, ang Iglesia ay sinalakay ng mga “asong-gubat” na sumila at hindi nagpatawad sa kawan. Dapat nating alalahanin na ang ipinakikilala ng Biblia na mga asong gubat o mga lobong maninila ay hindi lamang ang mga bulaang propeta o mga tagapagturong Katoliko kundi maging ang masasamang pinuno na umusig sa Iglesia. Ang mga ito ay naging kasangkapan din sa pagpatay sa mga alagad ni Cristo na nanindigan sa tunay na pananampalataya at nanghawak sa mga dalisay na aral ng Diyos. Ang katuparan nito ay hindi nawaglit sa mga tala ng kasaysayan gaya ng isinasaad sa Halley’s Bible Handbook, sinulat ni Henry H. Halley sa mga pahina 761-762, sa pagkakasalin sa Pilipino:
    “Domitan (96 A.D.). Itinatag ni Domitian ang pag-uusig sa mga Cristiano. Maikli ngunit lubhang malupit.
    “Trajan (98-117 A.D.). Ang Cristianismo ay ipinalagay na isang ilegal na relihiyon, … Ang mga Cristiano ay hindi ipinaghahanap, ngunit kapag napagbintangan ay pinarurusahan.
    “Marcus Aurelius ( 161-180). Pinasigla niya ang pag-uusig sa mga Cristiano. Ito ay malupit at mabangis ang pinakamabagsik simula kay Nero. Libu-libo ang pinugutan ng ulo o kaya’y itinapon sa mababangis na hayop…
    “Septimus Severus (193-211). Ang pag-uusig na ito ay totoong napakalupit,…
    “Decius (249-251). Buong tatag na pinasiyahang lipulin ang Cristianismo.
    “Valerian (253-260). Mas mabangis kay Decius; tinangka niya ang lubos na pagwasak sa Cristianismo. Maraming lider ang pinatay…
    “Diocletian (284-305). Ang huling pag-uusig ng Imperyo, at siyang pinakamalupit; …ang mga Cristiano ay pinaghahanap sa mga kuweba at gubat; sila ay sinunog, itinapon sa mga mababangis na hayop, pinagpapatay sa pamamagitan ng mga pagpapahirap bunga ng kalupitan.”

    ReplyDelete

  65. Mapapansin natin na halos kaalinsabay ng pagpasok ng mga maling doktrina sa Iglesia ay dinanas ng mga alagad ang bagsik ng pag-uusig na ginawa ng mga emperador Romano – pag-uusig na hindi lamang naging sanhi upang matakot ang mahina sa pananampalataya at tanggapin ang maling aral, kundi pumatay sa nanindigan sa dalisay na ebanghelyo. Sa madilim na bahaging ito ng kasaysayan ng Iglesia ay dapat nating mabatid na hindi lamang ang lumupig sa Iglesia ay ang masasamang pinuno ng pamahalaan kundi ang mismong kapapahan:



    “Leo I (A.D 440-461)…, tinawag ng ilang mananalaysay na Unang Papa…Ipinahayag ang kanyang sarili na Panginoon ng Buong Iglesia; itinaguyod ang Natatanging Pangkalahatang Kapapahan; sinabi na ang pagtutol sa kaniyang kapangyarihan ay Tiyak na Pagtungo sa Impiyerno; itinaguyod ang Parusang Kamatayan ukol sa erehiya.” (Ibid., p. 770)
    Hindi kataka-taka na tawagin din ng mga Apostol na mga “asong-gubat” ang mga bulaang propeta hindi lamang dahil sa naging daan sila ng pagpasok ng mga maling doktrina sa Iglesia kundi sila mismo ang sumalakay at hindi nagpatawad sa kawan.

    Kaya, gaya ng paunang pahayag ni Cristo at ng mga Apostol, ang Iglesia ni Cristo na nagsimula noon unang siglo sa Jerusalem bilang isang organisasyon na nagtataguyod ng mga dalisay na aral ng Diyos, pagkamatay ng mga Apostol, ay unti-unting bumaling sa mga maling aral at tinalikuran ang kaniyang pananampalataya.

    ReplyDelete


  66. May mga naniniwala na ang kapalaran ng tao ay nasa guhit ng kanilang mga palad. Kung saan daw siya dalhin ng kaniyang kapalaran ay doon na siya makakarating. Maging sa pagpili ng Iglesia o relihiyonng aaniban, ay marami ang may ganitong paniniwala. Dahil dito, mahalagang malaman ng tao ang itinuturo ng Biblia ukol sa kasaysayan ng sangkatauhan kaugnay ng kaniyang kapalaran.

    Sa panahon ng mga unang tao.

    Ang sangkatauhan ay nagsimula kay Adan, ang unang taong nilalang ng Diyos. Si Adan ay inilagay Niya sa halamanan ng Eden. Sa gitna ng halamanan ay naroon ang punong kahoy ng buhay at ang punong kahoy na nagbibigay ng kaalaman sa mabuti at masama (Gen. 2:9, New Pilipino Version). Binigyan ng Diyos ng kalayaan ang tao na piliin ang kanilang magiging buhay at kapalaran:

    “ Ang tao ay inilagay ng PANGINOONG DIYOS sa Hardin ng Eden upang pangalagaan at pagyamanin ito. Ganito ang sinabi ng PANGINOONG DIYOS sa lalaki, ‘Malaya mong makakain ang bunga ng alinmang punong kahoy sa hardin. Ngunit huwag mong kakanin ang bunga ng punong kahoy ng pagkakilala sa mabuti at masama, pagkat pagkinain mo ito, tiyak na mamamatay ka’.” (Gen. 2:15-17)

    Sa kabila ng kalayaang ito ng tao, ang Diyos ay nag utos sa kaniya, “Ngunit huwag mong kakanin ang bunga ng punong kahoy ng pagkakilala sa mabuti at masama, pagkat pagkinain mo ito, tiyak na mamamatay ka”

    Ang pinili ni Adan at ng kaniyang asawang si Eva ay ang paglabag sa utos ng Diyos. Sinira nila ang kanilang napakagandang kalagayan (Gen. 3:17-19). Kaya, sila ay pinalayas ng Dios sa halamanan ng Eden.

    Sa Panahon ng mga Propeta

    Ang matandang bayang Israel ay kinilala ng Diyos na kaniyang bayan (Deut. 7:6-8). Si Moises ang pinili Niya upang pangunahan ang Israel sa paglilingkod sa kaniya (Exo. 3:10-12). Ipinag utos ng Diyos kay Moises na ituro sa Israel ang lahat ng mga utos na ibinigay Niya na dapat nilang tuparin (Deut. 6:1-4). Gayundin, ibinigay ng Diyos sa mga Israelita ang pagpapasya sa pagpili ng kanilang magiging kapalaran:

    ReplyDelete
  67. Nasa inyo ngayon ang kapasyahan. Kayo ang pipili ng buhay at kasaganaan o ng kahirapan at kamatayan. Kapag sinunod ninyo ang kautusan, inibig ni Yahweh, at nilakaran ang kanyang mga landas, pagpapalain niya kayo sa lupaing ibibigay niya sa inyo. Mabubuhay kayo nang matagal at kanyang pararamihin kayo. Ngunit kapag tumalikod kayo sa kanya at naglingkod sa ibang dios, ngayon pa’y sinasabi ko sa inyong malilipol kayo. Hindi kayo magtatagal sa lupaing tatahanan ninyo sa ibayo ng Jorda.” (Deut. 30:15-18, Magandang Balita Biblia)

    Dahil sa malaking pag-ibig ng Dios sa Israel at sa Kaniyang paghahangad na mapabuti ang buhay at pamumuhay ng mga Israelita ay ganito ang ipinayo Niya sa kanila:

    “ Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay magtagal. Ibigin ninyo si Yahweh, makinig sa kanyang tinig at manatiling tapat sa kanya. Sa gayon, mabubuhay kayo nang matagal sa lupaing ipinangako niya sa ninuno ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob.” (Deut. 30: 19-20).

    Ngunit hindi sinunod ng mga Israelita ang payo ng Diyos. Hindi nila pinili ang buhay at pagpapala; hindi sila nakinig sa mga salita ng Diyos. Sa halip, ginawa nila ang kanilang balang maibigan. Sila’y lubusang nagpakasama at tumalikod sa pagiging bayan Niya (Jer. 7:23-24).
    Pinatutunayan ng mga pangyayari sa kasaysayan ng tao na hindi totoong ang kapalaran niya ay nasa guhit ng kaniyang mga palad. May kalayaan siyang pumili kaya siyang karapatan na isisi sa Diyos ang masamang pagyayari sa kaniyang buhay.

    ReplyDelete
  68. Sapanahong Cristinao

    Maging sa ating panahon ay ibigyan tayo ng Dios ng kalayaanng pumili. Itinuro ng Panginoong Jesucristo kung alin ang dapat pasukan ng tunay na sumasampalataya sa Kaniya upang sila’y huwag mapahamak. Ang sabi Niya:

    “ Samakipot na pintuan kayo pumasok. Maluwang ang pintuan at malapad ang daan tungo sa kapahamakan at marami ang dumaraan doon. Makipot ang pintuan at makitid ang daan patungo sa buhay kaya kakaunti ang nakasusumpong niyon.” (Mat. 7:13-14, NPV)




    Iniutos ng tagapagligtas na sa makipot na pintuan pumasok ang tao dahil ito ang daan patungo sa buhay. Subalit, maraming ayaw pumasok sa pintuang ito. Ang pinili ng marami ay ang maluwang at malapad na daan na patungo sa kapahamakan. Upang ang tao’y huwag humantong sa kapahamakan, hindi niya dapat ipagwalang bahala ang paghanap sa kaniyang kaligtasan. Dapat niyang hanapin ang pintuan, patungo sa buhay. Ipinakilala ng Panginoong Jesus kung sino ang pintuan:

    “So Jesus spoke again: ‘In very truth I tell you, I am the door of the sheepfold… I am the door; anyone who comes into the fold through me will be safe’.” (Kaya muling nagsalita si Jesus: “ Katotohanang katotohanang sinasabi ko a inyo, Ako ang pintuan ng kawan ng mga tupa…. Ako ang pintuan; sinumang pumasok sa kawan sa pamamagitan ko ay magiging ligtas.” (Jn. 10:7,9, revised English Bible).

    Ang tao malayang gumagawa ng pagpapasya para sa magiging kapalaran ng kaniyang kaluluwa. Ang kaniyang pagpipilian ay ang kapahamakan o kaligtasan. Hindi totoo na kung saan siya dalhin ng kaniyang kapalaran, sa ayaw niya o sa gusto, ay doon siya makararating. Kung nais niya ng kaligtasan, dapa niyang piliin ang pagpasok sa kawan. Ang kawan na ipinag utos ni Crsito na dapat pasukan ay ang IGLESIA NI CRISTO:

    “Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you over seers, to feed the church of Crist which he has purchased with his blood.” (Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espirito Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo.) (Acts 20:28, Lamsa Translation).

    Ang Iglesia ni Cristo ang tanging tinubos na mahalagang dugo ni Crsito. Dahil dito, ang mga kaanib sa Iglesiang ito ay nakatitiyak ng kaligtasan sa parusa ng Diyos:

    “ At ngayong napawalang sala na tayo sa pamamagitan ng kanyang dugo, lalo nang tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos sa pamamagitan niya.”(Roma 5:9,MB).

    ReplyDelete
  69. Dahil ito ang Kaniyang tinubos at siyang Kaniyang katawan, ang Iglesia ang siyang ililigtas ni Crsito. Pinatutunayan ito ng Biblia:

    “Sapagka’t ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng Iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.” (Efe. 5:23).

    Kung gayon, hindi dapat ipagwalang bahala ninuman ang pagpili sa tunay na relihiyon. Dapat piliin ng tao ang ikapagtatamo ng kaligtasan ng kaniyang kaluluwa sa pamamagitan ng pagpili ng Iglesiang ililigtas ni Jesus- ang IGLESIA NI CRISTO.

    Mayroon pang dapat piliin

    Magkagayunman, hindi sapat na umanib lamang ang tao sa IGLESIA NI CRISTO upang maligtas. Ang mga kaanib dito ay may roon pang dapat pagpilian:

    “Sapagkat, ‘Kauinting panahon na lamang, hindi na magluluwat, at ang paririto ay darating. Ang tapat kong lingkod ay nabubuhay sa pananalig sa akin, Ngunit kung siya’y tumalikod, hindi ko kalulugdan’. Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumatalikod at napapahamak, kundi sa mga nananalig sa Diyos at sa gayo’y naliligtas” (Heb. 10:37-39MB).

    Hindi dapat piliin ng mga tapat ng lingkod ng Diyos ang pagtalikod sa Kaniya, kundi ang pananatili sa pananalig sa Diyos. Kahit lumaganap ang kahirapan at kasamaan, dapat tayong manatili sa Iglesia, sapagkat ang mga gayon ang maliligtas:

    “At dahil sa paglaganap ng kasamaan, ang pag ibig ng marami ay lalamig. Datapuwat ang manatiling tapat hanggang wakas ay maliligtas.” (Mat. 24:12-13, NPV).

    ReplyDelete

  70. Ang mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO ay hindi dapat pumayag na ang ating pag ibig sa Diyos ay manlamig. Bagkus, dapat nating sundin ang itinuro ni Cristo na ibigin ang Diyos ng buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag iisip (Mat. 22-37). Dapat tayong manatiling tapat sa pagdalo sa mga pagsamba, sa pagtupad sa ating mga tungkuling mula sa Diyos, at gayundin, sa ganap na pagbabagong buhay. Ito ang pagpapasyang tunay na ikaliligtas.

    ReplyDelete

  71. Ang mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO ay hindi dapat pumayag na ang ating pag ibig sa Diyos ay manlamig. Bagkus, dapat nating sundin ang itinuro ni Cristo na ibigin ang Diyos ng buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag iisip (Mat. 22-37). Dapat tayong manatiling tapat sa pagdalo sa mga pagsamba, sa pagtupad sa ating mga tungkuling mula sa Diyos, at gayundin, sa ganap na pagbabagong buhay. Ito ang pagpapasyang tunay na ikaliligtas.

    ReplyDelete
  72. Dahil ito ang Kaniyang tinubos at siyang Kaniyang katawan, ang Iglesia ang siyang ililigtas ni Crsito. Pinatutunayan ito ng Biblia:

    “Sapagka’t ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng Iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.” (Efe. 5:23).

    Kung gayon, hindi dapat ipagwalang bahala ninuman ang pagpili sa tunay na relihiyon. Dapat piliin ng tao ang ikapagtatamo ng kaligtasan ng kaniyang kaluluwa sa pamamagitan ng pagpili ng Iglesiang ililigtas ni Jesus- ang IGLESIA NI CRISTO.

    Mayroon pang dapat piliin

    Magkagayunman, hindi sapat na umanib lamang ang tao sa IGLESIA NI CRISTO upang maligtas. Ang mga kaanib dito ay may roon pang dapat pagpilian:

    “Sapagkat, ‘Kauinting panahon na lamang, hindi na magluluwat, at ang paririto ay darating. Ang tapat kong lingkod ay nabubuhay sa pananalig sa akin, Ngunit kung siya’y tumalikod, hindi ko kalulugdan’. Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumatalikod at napapahamak, kundi sa mga nananalig sa Diyos at sa gayo’y naliligtas” (Heb. 10:37-39MB).

    Hindi dapat piliin ng mga tapat ng lingkod ng Diyos ang pagtalikod sa Kaniya, kundi ang pananatili sa pananalig sa Diyos. Kahit lumaganap ang kahirapan at kasamaan, dapat tayong manatili sa Iglesia, sapagkat ang mga gayon ang maliligtas:

    “At dahil sa paglaganap ng kasamaan, ang pag ibig ng marami ay lalamig. Datapuwat ang manatiling tapat hanggang wakas ay maliligtas.” (Mat. 24:12-13, NPV).

    ReplyDelete

  73. Mapapansin natin na halos kaalinsabay ng pagpasok ng mga maling doktrina sa Iglesia ay dinanas ng mga alagad ang bagsik ng pag-uusig na ginawa ng mga emperador Romano – pag-uusig na hindi lamang naging sanhi upang matakot ang mahina sa pananampalataya at tanggapin ang maling aral, kundi pumatay sa nanindigan sa dalisay na ebanghelyo. Sa madilim na bahaging ito ng kasaysayan ng Iglesia ay dapat nating mabatid na hindi lamang ang lumupig sa Iglesia ay ang masasamang pinuno ng pamahalaan kundi ang mismong kapapahan:



    “Leo I (A.D 440-461)…, tinawag ng ilang mananalaysay na Unang Papa…Ipinahayag ang kanyang sarili na Panginoon ng Buong Iglesia; itinaguyod ang Natatanging Pangkalahatang Kapapahan; sinabi na ang pagtutol sa kaniyang kapangyarihan ay Tiyak na Pagtungo sa Impiyerno; itinaguyod ang Parusang Kamatayan ukol sa erehiya.” (Ibid., p. 770)
    Hindi kataka-taka na tawagin din ng mga Apostol na mga “asong-gubat” ang mga bulaang propeta hindi lamang dahil sa naging daan sila ng pagpasok ng mga maling doktrina sa Iglesia kundi sila mismo ang sumalakay at hindi nagpatawad sa kawan.

    Kaya, gaya ng paunang pahayag ni Cristo at ng mga Apostol, ang Iglesia ni Cristo na nagsimula noon unang siglo sa Jerusalem bilang isang organisasyon na nagtataguyod ng mga dalisay na aral ng Diyos, pagkamatay ng mga Apostol, ay unti-unting bumaling sa mga maling aral at tinalikuran ang kaniyang pananampalataya.

    ReplyDelete

  74. Pinatutunayan ng kasaysayan ang pagdaloy sa Iglesia ng mga lasong aral na ikinamatay ng pananampalataya ng mga kaanib nito. Ang pangyayaring ito ay naganap alinsunod sa panahong ibinabala ng mga Apostol – pagkamatay nila o pagkatapos ng panahon nila magaganap ang pagtalikod ng Iglesia. Kung ang larawan ng Iglesiang ipinakikita ng mga tala ng kasaysayan pagkatapos ng panahon ng mga Apostol ay katulad din ng larawan nito sa kanilang kapanahunan, masasabi nating hindi natupad ang pagtalikod na kanilang ibinabala. Subalit ayon na rin sa patotoo ng kasaysayan, ano kayang uring Iglesia ang masusumpungan pagkatapos ng mga Apostol? Sangguniin natin ang isa pang akat na tumatalakay sa kasaysayan ng Iglesia, Story of the Christian Church, p. 41:
    “Sa loob ng limampung taon pagkamatay ni Apostol Pablo ay isang lambong ang nakatabing sa buong Iglesia, na sa loob nito ay sinisikap nating may kabiguan ang makaaninaw, at sa wakas pagkahawi ng tabing na ito, 120 A.D., sa pamamagitan ng sulat ng tinatawag na mga unang ‘Ama ng Iglesia’ ay matatagpuan natin ang isang Iglesia na sa lahat ng bahagi ay ibang iba na sa Iglesia sa kapanahunan nina Apostol Pedro at Pablo.” (salin sa Pilipino)
    Hindi pa nalalaunan ang pagkawala ng mga Apostol, ang Iglesia ay wala na sa dati nitong uri. Pinatutunayan ng kasaysayan na may limampung taon pa lamang ang nakalipas pagkamatay ng mga Apostol, ay ibang iba na ang Iglesia sa lahat ng bahagi. Ano ang ilan sa mga aral na hindi naman itinuro ni Cristo at ng Kaniyang mga Apostol subalit ipinasok ng mga bulaang propeta sa Iglesia?
    Makagagawa tayo ng isang mahabang talaan ng mga maling doktrina na nagsimulang lumitaw pagkatapos ng panahon ng mga Apostol, mga doktrinang unti-unting ipinasok sa Iglesia at naging sanhi kaya naligaw o natalikod ang tunay na Iglesia na kinalaunan ay naging Iglesia Katolika.
    Bawat paghiwalay sa mga aral ng Diyos na itinuro ni Cristo ay pagtalikod sa pananampalatay at ang pagsunod sa mga maling doktrina na itinuro ng mga bulaang propeta ay pagtatayo naman ng Iglesia Katolika. Kaya ang organisasyong dati’y dinadaluyan ng mga dalisay na aral ng Diyos, sumusunod kay Cristo, at tinatawag na Iglesia ni Cristo ay bumaling sa mga aral ng demonio, sumunod sa mga bulaang propeta, at naging Iglesia Katolika.

    ReplyDelete
  75. Ang numeral 666 ay isa lamang code of identification na tumutukoy lamang sa Holy Roman Empire kgya ni Mussolini ng italy.

    si Mussolini ay tinawag na Il Duce nung 30s as a political name pra sa ambisiyon niyang maging leader ng bansa.

    Viva Il Duce ang exact word o mas kilalang VV Il Duce.
    Sa bibliya hindi po uso gamtin ang letter "U" sa Latin kaya ang gagamitin natin un ancient letters ng Latin at ito nga ay un Letter "V"

    kaya ang kabuuan ay, VV Il Dvce at hndi VV Il Duce.

    i calculate po natin ito pra malamn ang equivalent nito.

    V = 5
    V = 5
    I = 1
    L = 50
    D =500
    V = 5
    C = 100
    E = 0
    ------------
    T = 666, kaya ang 666 ay c Mussolini ng italy.

    peru pwd rin naman gmaitin ito sa Katolika kgya ng trinity.

    Father + Son + Holy Spirit = 6 + 6 + 6


    ReplyDelete
    Replies
    1. kuya... bakit mo ginawang 666 pati ang Father, Son & Holy Spirit... Alam mo bang nasa biblia yan??? si Kristo ang nagpahayag nyan? na bautismuhan tayo sa pangalan ng Ama,Anak at Espiritu santo??? tapos gagawin mong demonyo ang pahayag ni Kristo??? Anong nangyayari sayo??? Nagi-isip kaba?

      Delete
  76. Ito ang konklusiyon sa mga pinagdedebate ng totoong katauhan ng Panginoong Hesus, ang mambaluktot sa malinaw na pahayag nito ay patunay na isa sa mga anticristo..kaya bago magbitaw magbasa tlga ng Bibliya, di puro paisa isang talata lang para madepensahan ang paniniwala niyo... "Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo.
    Mangagingat kayo sa inyong sarili, upang huwag ninyong iwala ang mga bagay na aming pinagpagalan, kundi upang tanggapin ninyo ang isang lubos na kagantihan.
    Ang sinomang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo, ay hindi kinaroroonan ng Dios: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak.
    Kung sa inyo'y dumating ang sinoman, at hindi dala ang aral na ito, ay huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, at huwag ninyo siyang batiin:
    Sapagka't ang bumabati sa kaniya ay nararamay sa kaniyang masasamang gawa."


    2 John 1:7-11

    ReplyDelete
  77. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  78. Eto pa, pag babasahin sa una,akala mo yun na, pero kung uunawain at titingnan ang lohika ng Biblia. Mauunawaan mo ang sinasabi sa totoong katauhan ng Panginoong Hesus, at malalaman mo kung magfifit ang konklusion mo sa book of John. Kaya wag na sanang magbulagbulagan, paniwalaan ang totoong nakasaksi kay Jesus kesa sa mga taong di nmn nkasaksi sa buhay ni Kristo,...Ayon sa 1Juan 4:1-3...1Mga minamahal, huwag ninyong paniniwalaan kaagad ang bawat nagsasabing nasa kanila ang Espiritu. Sa halip, subukin muna ninyo sila upang malaman kung talagang mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila, sapagkat marami nang huwad na propeta sa mundong ito. 2Ito ang palatandaan na ang Espiritu ng Diyos nga ang nasa kanila: kung ipinapahayag nila na si Jesu-Cristo ay naging tao. 3Kung hindi gayon ang kanilang ipinapahayag tungkol kay Jesus, hindi mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila. Ang espiritu ng anti-Cristo ang nasa kanila. Nasabi na sa inyong ito'y darating at ngayon nga'y nasa daigdig na.

    ReplyDelete
  79. binasa ko po yung comment nyo sabi nyo po naiisa lang ang Diyos? opo totoo po yun.Binigay nyo pong patibay ang Filipos 2:6 ngunit, sinasabi sa verse[9] 9Dahil dito, siyay lubusang itinaas ng Diyos (si Jesus po ang tinutukoy dyan) at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan
    10sa gayon sa pangalan ni JESUS ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit,nasa lupaat nasa ilalim ng lupa
    11at ang lahat ay magpapahayag na si Jesus-Cristo ay PANGINOON sa ikaluluwalhati ng DIYOS AMA.

    ReplyDelete
  80. Ka aerial. Parequest po. Pwede po gawa kayo blog nung 1st Beast. Salamat po

    ReplyDelete
  81. Para matukoy kung ano ba talaga ang kahulugan ng 666, makabubuting balikan ang sinasabi nito sa Bibliya:
    Kailangan dito ang karunungan: maaaring malaman ng sinumang matalino ang kahulugan ng bilang ng halimaw, sapagkat ito'y bilang ng isang tao. Ang bilang ay 666." (APOCALIPSIS 13:18, Magandang Balita Biblia)

    Malinaw na ang 666 ay bilang ng isang tao. Kaya hindi ito tumutukoy sa anumang organisasyon lang, relihiyoso man o sekular. Maling-mali ang ginawang pagmamanipula ng mga numero na nagpangyaring ang Papa ng Roma ang nagtataglay ng 666. Kaya, gaya ng sinasabi sa teksto, kailangan ang karunungan.

    Bagaman nalaman ni Juan na ang bilang ay 666, walang pahiwatig kung ang basa niya rito ay bilang aktuwal na numero o bilang isang numero (6) na inulit ng tatlong beses. Sabihin nating ang ginawa niyang pagbasa ay ang nauna, wala namang masasabing malalim na kahulugan ang bilang na ito. Pero, ibang usapan ang bilang na 6 na inulit ng tatlong beses. Bakit natin nasabi iyon?

    Ang aklat ng Apocalipsis ay mahilig sa bilang na pito. Kung babasahin ang mga ulat tungkol dito (pitong iglesia, pitong ulo ng mabangis na hayop, pagbubukas sa pitong tatak, pitong pagpapatunog ng trumpeta, at pitong mangkok ng galit ng Diyos), mauunawaan ng mga nagsusuri ng Bibliya na ang bilang na pito ay sapat upang sumaklaw sa kabuuan ng isang bagay. Halimbawa, ang seryosong mga mensahe ni Kristo sa pitong iglesia ay sapat na para sa lahat ng mga kongregasyon ng bayan ng Diyos sa buong mundo. Ang pitong ulo ng mabangis na hayop ay tumutukoy sa lahat ng politikal na mga elemento ng sanlibutang ito, na binigyan ng Diyablo ng awtoridad na mamahala sa buong tinatahanang lupa. Ang magkakaugnay na mensahe ng pitong tatak na sinundan ng pitong pagpapatunog ng trumpeta at pinalawig pa ng pitong mangkok ng galit ng Diyos ay naghahayag ng mga kahatulan sa mga tumatanggi sa patnubay ng Diyos at pagpapala naman para sa mga tapat. Ipinapakita ng mga ulat na ito na ang pito ay sumasagisag sa pagiging perpekto, o ganap, ng isang bagay.

    Mula sa pagsusuring ito, angkop lang na ang bilang na 6 ay 7 na kulang ng isa, nagpapahiwatig ng kakulangan o pagiging di-perpekto. Kung iaangkop ito sa bilang ng tao, mauunawaan natin na ito ay tumutukoy sa diwa ng di-kasakdalan ng tao o kawalang-kakayahan ng tao na mamahala sa sarili nito. At kung bakit ito ay tatlong beses na inulit, nagpapakita ito ng sukdulang kabuktutan ng tao, lubos na idiriin na walang kakayahan ang tao na mamahala sa sarili. Yamang ito ay nakita ni Juan na nakatatak sa noo ng mabangis na hayop, hindi ito direktang tumutukoy sa relihiyosong sistema, kundi sa politikal na sistema. Ngunit sa mas malawak na pagtingin, ang bilang na 666 ay bilang ng mga taong tampalasan at sumasalansang sa pamamahala ng Diyos.

    Ang mahalagang aral dito: Kapag ang isa ay hindi nag-iingat ng katapatan niya sa Diyos, kahit sabihin naniniwala siya sa Diyos, siya ay maaaaring makabilang sa mga may marka ng 666.

    ReplyDelete
  82. SA PAGPASAKOP SA ILLUMINATI NAGDALA KANINYO NGADTO SA SENTRO SA PAGTAGAD SA KALIBUTAN NGA
    IKAW GIPUY-AN KARON. ANG IMONG PINANSYAL NGA MGA KALISUD NGA GIDALA SA USA KA KATAPUSAN. KITA
    SUPORTA KANINYO SA MGA PANALAPI UG SA MGA BUTANG KAY SA PAGSIGURO NGA KAMO SA PAGPUYO SA USA KA
    KOMPORTABLE NGA KINABUHI. KINI DILI IGSAPAYAN NGA BAHIN SA KALIBUTAN NGA IMONG GIPUY-DIHA NGA.
    GIKAN SA ESTADOS UNIDOS NGADTO SA LABING HILIT NGA MGA BAHIN SA YUTA, KITA DAD-ON
    IKAW ANG TANAN NGA IMONG GUSTO
    KONTAKA NIINI EMAIL;
    illuminatibrotherhoodorder666@gmail.com
    REGARDS

    ReplyDelete
  83. hello im back im maricel lacuna isang jw

    ang 666 ay makataong pang goberno. kaya nga billions na mga taong nanalangin sa mateo 6:9 na pumarito nawa ang kaharian ng Diyos. sabi ni propitang daniel sa daniel 2:44 ang lahat na makataong pang goberno ay lipunin.

    ang 666 ay hindi tumotukoy sa religions dahil ang false religions ay nakasakay sa isang hayop na binansagang ina ng patutut.

    ReplyDelete
  84. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  85. Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)

    ReplyDelete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network