Tuesday, 31 May 2011

Ang Tunay na Aral Tungkol sa Kaluluwa


Totoo Bang Pag Namatay ang isang Tao, Umaakyat kaagad-agad ang Kaluluwa sa Langit o di Kaya’y Nagpupunta sa Impiyerno?


Malaganap na paniniwala ng mga pangkaraniwang Cristiano sa kasalukuyang panahon tungkol sa kaluluwa ang mga sumusunod:

  1. Ang tao ay binubuo ng kaluluwa at katawan lamang, at ang kaluluwa ay walang kamatayan.

  1. Ang Espiritu ay siya ring kaluluwa ng isang tao.

  1. Kapag namatay ang isang tao ay humihiwalay ang kaluluwa o espiritu ayon sa kanila at pumupunta kaagad sa Langit, o di kaya’y sa Purgatorio o sa Impierno.

  1. Maaaring maglakbay ang kaluluwa ng hiwalay sa katawan at maaari pa nitong madalaw at makausap ang mga buhay na kaanak.

Totoo kaya ang mga paniniwalang ito? Sinasang-ayunan ba ito ng Biblia? Atin pong tunghayan ang patotoo ng mga salita ng Diyos sa Mga Banal na Kasulatan tungkol sa Isyung ito…


I.            Ilan ba ang sangkap ng tao ayon sa Biblia?

Tatlo ayon sa Biblia – Espiritu, Kaluluwa, at Katawan

“At pakabanalin kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.” (I Tesalonica 5:23)

Maliwanag ang pahayag ng Biblia, na tatlo ang sangkap ng isang tao, hindi totoo na kaluluwa at katawan lamang gaya ng paniniwala ng iba. Eh paano naman yung paniniwala ng iba na ang kaluluwa daw at espiritu ay iisa lamang? Tunghayan natin ang sagot:

“Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.”  (Hebreo 4:12)

Kitang-kita ang ebidensiya mula sa Biblia, na ang kaluluwa at espiritu ay tunay na magkaiba, dahil dumarating sa panahong naghihiwalay ang dalawang ito, at ito’y sa panahon ng pagpanaw ng isang tao.  Maliwanag kung gayon na hindi totoo ang malaganap na paniniwala na ang kaluluwa ay siya ring espiritu.


II.          Ano ang nangyayari sa tatlong sangkap pag ang tao’y namatay na?

Ano nga ba ang nangyayari sa tatlong sangkap ng tao, kapag siya ay pumanaw, isa-isahin natin, unahin natin ang katawan:

“At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una,…” ( Ecclesiastes 12:7)

“Oo, dahil sa iyo ay pinapatay kami buong araw; kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan…Sapagka't ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok: ang aming katawan ay nadidikit sa lupa.”  (Awit 44:22,25)

Ang katawan ng tao ay nilikha ng Diyos mula sa alabok, at dahil sa ito ay yari sa alabok, ay sa alabok din nauuwi kapag siya ay pumanaw.  Gaya nga ng sabi ng isang sikat na awit: “Magmula sa lupa magbabalik na kusa…dahil tayo ay lupa lamang.”

Eh ano naman ang mangyayari sa kaluluwa? Totoo kaya ang paniniwala ng marami na wala itong kamatayan at humihiwalay ito sa katawan ng tao kapag siya’y namatay?  Narito ang sagot:

“Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay.” (Ezekiel 18:4)

Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: buhayin mo ako ayon sa iyong salita.” (Awit 119:25)

Sapagka't ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok: ang aming katawan ay nadidikit sa lupa.”  (Awit 44:25)

Hindi po totoo ang malaganap na paniniwala na ang kaluluwa ng isang tao ay walang kamatayan, ang kaluluwa na nagkakasala ayon sa Biblia ay mamamatay, eh wala naman pong tao sa mundo na hindi nagkasala (Roma 3:23), maliban sa Panginoong Jesus (1 Pedro 2:21-22). Kaya lahat ng pangkarinwang tao na nagkasala ang kaniyang kaluluwa ay mamamatay, kapag siya ay namatay na, ipinakita rin sa atin ng Biblia na hindi totoo ang paniniwalang humihiwalay ang kaluluwa sa katawan, ang sabi nga nakasubsob o nakadikit sa alabok na ang tinutukoy ay ang katawan.

Eh ano naman ang nangyayari sa ikatlong sangkap – ang Espiritu?

“At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang diwa ay mababalik sa Dios na nagbigay sa kaniya.” (Ecclesiastes 12:7)

Ano ba iyong diwa na tinutukoy sa itaas, basahin natin sa Ingles na Biblia sa parehong verse:

“Then shall the dust return to the earth as it was: and the spirit shall return unto God who gave it.” (Ecclesiastes 12:7,  King James Version)

Samakatuwid ang ating diwa ay iyon din ang ating Espiritu. Na binabawi ng Diyos sa tao kapag siya ay pumanaw na.

Kaya hindi totoo ang paniniwala na ang kaluluwa ay hindi namamatay at umaakyat kaagad sa langit, nagpupunta sa purgatorio, o di kaya’y sa impiyerno ang isang tao pag siya’y namatay na. Sinasalungat ito ng mga katotohanang nakasulat sa Biblia. Ang katotohanang nasa Biblia ay, ang kaluluwa ay namamatay at nadidikit sa alabok o katawan, sa madaling salita ang katawan ng tao ay nabubulok at bumabalik sa kaniyang pagkalupa.  Hindi rin totoo na humihiwalay ang kaluluwa sa katawan, kundi kasama ng katawan sa pagkabulok, tanging ang diwa o espiritu lamang ang umaakyat sa langit dahil kinukuha ng Diyos.


III.        Bakit namamatay ang kaluluwa?

Bakit nga ba namamatay ang kaluluwa? Narito ang sagot:

“At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.” (Genesis 2:7)

Namamatay ang kaluluwa sapagkat sa tatlong sangkap ng tao ang kaluluwa ang may taglay na buhay, kaya natural pag namatay ang tao, mamamatay ang kaniyang kaluluwa, dahil ito lamang ang may buhay sa tatlong sangkap.


IV.         Ano ang mangyayari sa tao kapag ang kaniyang diwa o espiritu ay magbalik na sa Diyos?

Kapag binawi na nang Diyos ang diwa o espiritu ano ang mangyayari sa tao? Tunghayan ang sagot:

 Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip.” (Awit 146:4)

Ang isang taong namatay ay nawawalan ng pag-iisip, dahil ang diwa o espiritu ay siya nating pag-iisip, pandama, ito ang dahilan kaya tayo nasasaktan, nalulumbay, natutuwa, umiibig at namumuhi. Lahat ng ito ay mawawala sa isang tao kapag siya’y patay na dahil, binabawi ito ng Diyos na nagbigay sa kaniya. At dahil sa wala nang pagiisip ang isang patay, maaari pa ba niyang malaman ang mga bagay na nangyayari sa paligid o sa daigdig ng mga taong nabubuhay pa? Basahin nating muli ang paliwanag ng Biblia:

“Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan.”

Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.”
(Ecclesiastes 9:5-6)

Kaya ang kaugalian ng iba na kinakausap ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay o simonan sa mga taong patay na ay hindi marapat gawin, sapagkat hindi na sila maririnig ni malalaman pa ng taong patay ang kanilang ginagawa. Iyon ngang taong alam nating may sira sa pagiisip ay hindi natin pinagaaksayahang kausapin eh, dahil alam  nating hindi tayo mauuanawaan, di lalo na yung walang pag-iisip, kaya isang kamalian na kausapin pa ang isang taong patay na gaya nga ng nakikita nating ginagawa nung iba, na kinakausap yung puntod ng kanilang mga yumao. Isa itong napakalaking pagkakamali. Bukod doon karumaldumal sa harap ng Diyos ang pakikipag-ugnayan o pagsangguni sa mga patay.

“Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway, o enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o sumasangguni sa mga patay. Sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon: at dahil sa mga karumaldumal na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo.”  (Deuteronomio 18:10-12)

Kaya iwasan po natin ang pagsangguni doon sa mga tinatawag na medium  na nagsasagawa nung tinatawag na séance – “pakikipagusap sa patay”, dahil natiyak po natin mula sa mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia na hindi na maaari pang makausap ang mga yumao nating mahal sa buhay.  Kung mayroon man po silang nakakausap, ay natitiyak nating hindi iyon ang mga yumao nating kaanak – dahil wala naman pong hindi kayang gawin ang Diablo mailigaw o madaya lamang niya ang mga tao:

 “At siya'y gumagawa ng mga dakilang tanda, na ano pa't nakapagpapababa ng kahit apoy mula sa langit hanggang sa lupa sa paningin ng mga tao.  At nadadaya niya ang mga nananahan sa lupa dahil sa mga tanda na sa kaniya'y ipinagkaloob na magawa sa paningin ng hayop;... (Apocalypsis 13:13-14)

Ang Diablo din ang dahilan kung bakit may mga nagmumulto at pinapaniwala tayo na totoong iyon ang mga yumao nating mga mahal sa buhay upang tayo ay dayain at para kaniyang sirain at kontrahin ang mga katotohanang ito na nakasulat sa Biblia, at tayo’y mailigaw.



V.           Ano ang pakiramdam ng isang taong patay?

Ano nga ba ang pakiramdam ng isang taong patay?  Kailangan pa bang tayo’y mamatay para maranasan ang nararanasan ng isang taong namatay na? Narito ang sagot:

“Ang mga bagay na ito'y sinalita niya: at pagkatapos nito'y sinabi niya sa kanila, Si Lazaro na ating kaibigan ay natutulog; nguni't ako'y paroroon, upang gisingin ko siya sa pagkakatulog. Sinabi nga ng mga alagad sa kaniya, Panginoon, kung siya'y natutulog, ay siya'y gagaling. Sinalita nga ni Jesus ang tungkol sa kaniyang pagkamatay: datapuwa't sinapantaha nila na ang sinalita ay ang karaniwang pagtulog.” (Juan 11:11-13)

Tulad ng isang natutulog ang pakiramdam ng isang tao pag namatay na, Hindi ba’t pag ang isang tao ay natutulog siya’y walang naririnig ni walang nalalaman sa nangyayari sa paligid niya? At hindi natin ginagawang makipagusap sa taong alam nating natutulog, kaya hindi rin marapat na kausapin ang isang patay. Ang pakiramdam ng taong patay ay pakiramdam ng isang tao na may di pangkaraniwang pagtulog ayon sa Biblia. Kaya hindi na kailangan pang mamatay para maranasan ang pakiramdam ng isang taong patay na, dahil maihahalintulad ito sa isang napakahimbing na pagkakatulog na kung minsan ay ating nararanasan kahit tayo ay buhay pa.


VI.         Paano ang paniniwala ng mga Katoliko na kapag ang isang tao ay banal o isang Santo, siya ay nasa langit na?

Sa paniniwala ng mga Katoliko ang mga Santo o mga taong banal lamang ang kaagad na pupunta sa langit, totoo kaya ang paniniwalang ito? Ating tunghayan ang patotoo ng Biblia:

“Mga kapatid, malayang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriarkang si David, na siya'y namatay at inilibing, at nasa atin ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito… Sapagka't hindi umakyat si David sa mga langit; datapuwa't siya rin ang nagsabi, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon; Maupo ka sa kanan ko,” (Gawa 2:29,34)

Maliwanag na ipinakita sa atin ng Biblia na si Haring David ay hindi umakyat sa langit. Bakit?  Eh ano bang  uring tao si David? Ganito ang pagpapakilala niya:

“Ingatan mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y banal: Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.” (Awit 86:2)

Sabi ni David siya’y banal sa madaling salita isa siyang Santo - kung pagbabatayan ang paniniwalang Katoliko, subalit maliwanag na sinabi sa atin ng Biblia na hindi umakyat si David sa langit. Kaya hindi totoo na komo’t banal o isang Santo ay aakyat sa langit. Subalit hindi naman natin maikakaiala na mayroon nang mga tao sa langit ngayon sa kasalukuyan, pero hindi kasali dun si David.  Sino ang mga taong iyon? Ituloy natin…



VII.       Ilan at sino lamang ba ang taong kasalukuyang nasa langit ngayon?

Narito at ating malalaman ngayon ang mga taong nasa langit hanggang sa kasalukuyan: Sila ay sina ENOC, Propeta ELIAS, at ang ating Panginoong JESUCRISTO:

Umakyat si Enoc sa Langit sa pamamagitan ng pagkuha sa kaniya ng Diyos:

 “At lumakad si Enoc na kasama ng Dios: at di siya nasumpungan, sapagka't kinuha ng Dios.” (Genesis 5:24)

“Sa pananampalataya si Enoc ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan; at hindi siya nasumpungan, sapagka't siya'y inilipat ng Dios: sapagka't bago siya inilipat ay pinatotohanan sa kaniyang siya'y naging kalugodlugod sa Dios:” (Hebreo 11:5)

Si Propeta Elias naman ay umakyat sa langit sa pamamagitan ng isang karong apoy na itinaas sa langit sa pamamagitan ng isang ipo-ipo:

 “At nangyari, samantalang sila'y nagpapatuloy, at nagsasalitaan, na narito, napakita ang isang karong apoy, at mga kabayong apoy, na naghiwalay sa kanila kapuwa; at si Elias ay sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo.” (II Hari 2:11)

At ang ating Panginoong Jesucristo, na iniakyat sa mga alapaap:

 “Datapuwa't tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siya'y tinitingnan nila, ay dinala siya sa itaas; at siya'y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin.” (Gawa 1:8-9)

Ang mga taong nabanggit ay umakyat sa langit ng buong-buo – taglay nila ang kanilang kaluluwa, espiritu at katawan. Sila lamang tatlo ang kasalukuyang nasa langit ngayon. Walang sinasabi ang Biblia tungkol sa mga aral ng ibang relihiyon na mga taong umakyat din sa langit gaya ni Birheng Maria na pinaniniwalaan ng mga Katolikong nasa langit din ngayon. Walang purgatorio, at wala ring binabanggit na may pinarurusahan na sa Impierno.


VIII.    Kung wala ngayon ang mga taong patay sa langit o impiyerno nasaan sila, at kailan sila pupunta sa langit o di kaya’y hahatulan sa impiyerno?

Maliwanag na nating nakita sa Biblia kanina pa na ang kaluluwa ng tao ay hindi humihiwalay sa kaniyang katawan, samakatuwid kung saan nalibing ang katawan ng isang tao nandoroon din ang kaniyang kaluluwa.  Eh kailan naman muling babangon ang mga taong namatay na? Narito ang sagot:

 “Nguni't ang tao ay namamatay at natutunaw; Oo, ang tao ay nalalagutan ng hininga, at saan nandoon siya?  Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat, at ang ilog ay humuhupa at natutuyo;  Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon: hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi magsisibangon, ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog.”
 (Job 14:10-12)

Ang tao ay mananatili sa kaniyang libingan hanggang sa panahon na ang langit ay mawala, at ang pagkawala ng langit ay magaganap sa araw ng paghuhukom na siya ring muling pagparito ng Panginoong Jesus:

 “Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog. Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.”  (II Pedro 3:10-7)

Ang pagparito ni Cristo na siya ring panahon ng pagkabuhay na maguli ng mga namatay:

“Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Dios; at ang mangakarinig ay mangabubuhay.” (Juan 5:25)

“At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades [Libingan] ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.  At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.”  (Apocalypsis 20:12-15)

At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom” (Hebreo 9:27)

Ang Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso at maglaan ng mga di matuwid sa ilalim ng kaparusahan hanggang sa araw ng paghuhukom;”  (II Pedro 2:9)

Sa Araw pa lamang ng Paghuhukom o sa muling pagparito ni Cristo malalaman ng tao kung saan siya mapupunta, kung sa langit ba o sa Impierno, dahil sa panahong iyon, noon pa lamang igagawad ang gantimpala at ang pagpaparusa sa lahat ng mga tao:


 “At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa: at sila'y pagbubukdinbukdin niya na gaya ng pagbubukodbukod ng pastor sa mga tupa at sa mga kambing; At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa't sa kaliwa ang mga kambing.  Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan:…Kung magkagayo'y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel:”  (Mateo 25: 32-34, 41)

Ito ang mga katotohanang itinituro ng Biblia na dapat po nating sampalatayanan, tanggapin, at paniwalaan…



81 comments:

  1. pag bati po
    salamat po dito sa page na ito ako po lalong natututo at ako po sumasampalataya na ang iglesia ni cristo po ang tunay na relihiyon, ang mga aral po dito ay galing lamang sa biblia at ang kapatid na Felix Manalo ay sugo po sa huling araw
    Salamat
    nap po ng lokal ng buting MME

    ReplyDelete
  2. Salamat sa iyo Kapatid.

    "Purihin ang Dios at Ama ng Panginoong Jesucristo" [2 Corinto 1:3]

    God bless sa iyo at sa lahat ng mga Kapatid...

    ReplyDelete
    Replies
    1. ask ko lang po kung mag INC po tapos natiwalag po,tapos mag aaral po uli pra magpa baptized uli,masama po b un?may naksulat po b s bible ang gnun,ilan beses po b dpt ngbbautismo,db pde ulitin po yun?salamt po,nagbbsa po aq lgi dito,sna po masgot nio tnong ko,

      Delete
    2. asked ko po,pde po ba isend nio po sa gmail ko po yung sgot nio kse bk po d ko po mbasa dito,slamat po

      Delete
  3. anu po ba ang BLASPHEMY OF THE HOLY SPIRIT?
    AM VICTORIO AMAZONA DINUDOKTRINAHAN SA INC...

    ReplyDelete
  4. Ano ba ang BLASPHEMY OF THE HOLY SPIRIT?

    Sasagutin tayo ng Biblia:

    Mat 12:31 “Therefore I say to you: Every sin and blasphemy shall be forgiven men, but the BLASPHEMY OF THE SPIRIT shall not be forgiven.” [Douay Rheims Version]

    Mat 12:31 “Kaya't sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa't ang KAPUSUNGANG LABAN SA ESPIRITU ay hindi ipatatawad.”

    Ito ay ang mabigat na kasalanang maaaring magawa ng isang tao laban sa Espiritu Santo, ang kasalanang ito ay WALANG KAPATAWARAN. Maaaring pagsasalita ng laban sa Espritu o gumawa ng bagay na labag sa iniuutos ng Espritu Santo.

    Gaya halimbawa ng mga kautusang ito ng Espiritu Santo na hindi natin dapat labagin:

    Acts 15:28 “THE HOLY SPIRIT AND WE HAVE AGREED not to put any other burden on you besides these necessary rules: EAT NO FOOD THAT HAS BEEN OFFERED TO IDOLS; EAT NO BLOOD; EAT NO ANIMAL THAT HAS BEEN STRANGLED; AND KEEP YOURSELVES FROM SEXUAL IMMORALITY. You will do well if you take care not to do these things. With our best wishes." [Good News Bible]

    Ang pagkain ng mga inihandog sa diosdiosan o iyong pakikipamiyesta, ang pagkain ng dugo, at hayop na binigti o ‘yung hayop na namatay na hindi lumabas ang dugo, at ang pakikiapid.

    Iyan ang mga halimbawa ng mga kautusan na kung lalabagin ng tao ay katumbas niyan ay namumusong siya sa Espiritu Santo, dahil kapag nilabag natin ang mga utos na iyan, ay nangangahulugan na nilalapastangan natin ang BANAL NA ESPIRITU – at iyan ay WALANG KAPATAWARAN…

    Thus, we can say that we are committing an act of BLASPHEMY OF THE HOLY SPIRIT…

    ReplyDelete
  5. Papaano po kung tayo ay nakagawa ng alinman sa mga kasalanan na binanggit? Pagkatapos matatakan ng Salita ng Diyos (Doktrinahan), tapos nakagawa na naman ng ganung kasalanan, may kapatawaran pa po bang naghihintay kung lalapit sa Diyos Ama at ihingi ito ng tawad?

    ReplyDelete
  6. Kapatid na Aerial, I just want to know lang po, or if it is possible for you to put another topic about Blasphemy of the Holy Spirit.

    Will God forgive us after we committed blasphemy against the Holy Spirit if we ask for forgiveness and sincerely repent?

    Looking forward to hear from you, Brother. This is Ryan Caro...

    Thanks a lot po!

    ReplyDelete
  7. Sa isang taong nakakilala ng katotohanan pagkatapos ay sasadyain pang labagin ang mga ipinagbabawal na ito ng espiritu, ay talagang tiyak na tiyak na hindi na siya talaga mapapatawad, sabi nga ng Biblia:

    Hebreo 10:26-27 “Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.”

    Mas mabigat pa ang magiging parusa ng nakakilala ng katotohanan, kaysa doon sa mga tao na hindi nalalaman na ang mga ito ay bawal pala, dahil iyong hindi nakakaalam ay mapapatawad pa kung sila’y magsisi matapos nilang malaman ang katotohanan, pero ang mga taong ito na alam ang aral ay sinadya pa itong labagin ay wala nang kapatawaran.

    Kaya nga sa INC, ang ganitong mga kaso kapag naiulat at napatunayang totoo, ay itinitiwalag kaagad, hindi kagaya ng ibang mga kaso na dumadaan muna sa pagpapayo.

    Isa ito sa mga paglabag sa INC na napakahirap ikatiwalag, dahil walang kasiguruhan kung ikaw ay makakabalik pa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. bro aerial ipaliwanag po ninyo yung tungkol sa bible n paggawa ng kasalanan yung gawa ng laman o anu po ang mga halimbawa nito,salamat po bro,

      Delete
  8. I really do appreciate your response on this, Kapatid.

    Kung dala lang ng kahinaan ng katawan, may pagpapatawad pa rin po ba na matatanggap ang isang tao kung siya ay hihingi ng tawad at magmamakaawa sa Diyos Ama?

    Ang Diyos Ama natin ay maawain at mapagpatawad, makakamit pa rin ba natin ito kung sakaling nahulog ka lamang sa bitag ng tukso dahil sadyang mahina lang ang katawan ng tao?

    SCENE:
    Naduktrinahan na pero dahil sa mahina ang katawan, natuksong muli. Halimbawa ay ang pakikiapid. Humingi ng tawad at nangangakong hindi na ito muling gagawin, may pagpapatawad pa po ba?

    ReplyDelete
  9. Sabi nga ng Biblia, ang kasalanang sinasadya ay ang kasalanang walang kapatawaran.

    Kung matapos mong magawa ang isang bagay na masama, at naisip mo kaagad na magsisi, hindi pananadya iyon.

    Ang kasalanang ipinamumuhay, ginagawa nang pangmalagian, at ginagawa ng paulit-ulit ay pananadiya na sa harap ng Diyos. Ito ang kasalanang lumalaki, at sa kalauna'y mamumunga na ng kamatayan.

    Santiago 1:15 "Kung magkagayo'y ang kahalayan, kung maipaglihi ay nanganganak ng kasalanan: at ang kasalanan, pagka malaki na ay namumunga ng kamatayan."

    Ika nga huwag nang hintaying MATIWALAG pa, magsisi kaagad at talikdan ang masamang lakad...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ka Aerial pano naman po un turo satin na kahit gano kapula ang kasalanan ay gagawin kasing puti ng balahibo ng tupa... sa mga naibigay nyo pong pagkakasala wala na po ba talagang pag asa sa kanila?

      Delete
  10. Maraming maraming salamat po, Kapatid na Aerial. Pagpalain ka nawa ng Diyos Ama at ng Panginoong JesuCristo.

    ReplyDelete
  11. Pano po yung magnanakaw na kasama ng ating panginoon na ipinako diba po nasa langit na rin kasi sabi ng panginoon sa kanya ay NGAYON DIN AY ISASAMA KITA SA AKING PARAISO pakipaliwanag na lang po SALAMAT PO AT GOD BLESS.

    ReplyDelete
  12. Basahin natin ang nakalagay sa Biblia:

    Luke 23:43 "At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso."

    Kaibigan, nais kong ipabatid sa iyo na nang isulat ang ating Biblia sa kaniyang original na anyo ay hindi pa uso noon ang PAGBABANTAS, Paggamit ng KUWIT, TULDOK, QUESTION MARKS, at ibapa.

    Ang mga PAGBABANTAS na iyan ay idinagdag na lamang ng mga nagsipagsalin ng Biblia sa panahon natin ngayon.

    Kung ating uunawain iyan na isinama nga ni Cristo sa Langit ang MAGNANAKAW, ay kokontrahin niyan ang sinabi ni Cristo sa talatang ito:

    Juan 5:28 "Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig,"

    Juan 5:29 "At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol."


    Maliwanag na pinatutunayan ni Jesus na sa pagkabuhay pang muli ng mga patay magaganap ang paghatol sa lahat ng mga tao, kung siya ba'y mapupunta sa BUHAY o KALIGTASAN, o sa PAGHATOL na siyang KAMATAYAN sa daga't-dagatang apoy.

    Ang COMMA o KUWIT na inilagay sa talatang iyan ay nasa maling PUWESTO, dapat sana ay ISINALIN iyan ng ganito:

    Luke 23:43 "At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo Ngayon, ay kakasamahin kita sa Paraiso."

    Ang "NGAYON" ay tumutukoy sa pagkakataon na sinabi ni Cristo ang pangungusap na ito sa MAGNANAKAW. Pero ang pagsasama nila ni Cristo sa PARAISO ay hindi, dahil niliwanang ni Cristo, na ang pagbibigay sa lahat ng tao ng kaniyang kagantihan o gantimpala, ay sa pagkabuhay na muli pa ng mga patay magaganap.

    Kung ating uunawain na ang ibig sabihin niyan ay NAKASAMA na nga ni CRISTO ang MAGNANKAW sa LANGIT, lalabas niyan na muling bababa sa lupa ang MAGNANAKAW para muling buhayin.

    Maliwanag ang pahayag ng Biblia na ang mga patay na muling mabubuhay ay magmumula sa LIBINGAN, walang manggagaling sa LANGIT.

    Apoc 20:13 "At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa."

    Ang HADES ay LIBINGAN, kung saan doon magmumula ang mga PATAY na muling bubuhayin, para humarap sa ARAW NG PAGHUHUKOM.

    Ang MAGNANAKAW ay kasama sa mga NAMATAY na maghihintay ng kaniyang PAGBANGON mula sa LIBINGAN sa ARAW NG PAGHUHUKOM, at doon pa lamang niya matatanggap ang pangako sa kaniya ni CRISTO na pagsasama nila sa PARAISO.

    ReplyDelete
  13. SALAMAT PO SA PAGSAGOT SA AKING TANONG SAANG LOKAL PO PALA KAYO NAKATALA?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lokal ng AL KHOBAR, Distrito Ecclesiastico ng SAUDI ARABIA.

      Idadagdag ko lang kapatid,

      Kung talagang isinama nga ni Cristo ang MAGNANAKAW sa pagkakataong iyon sa Langit, hindi ba lalabas noon na UMAKYAT MUNA SI CRISTO SA LANGIT PARA ISAMA ANG MAGNANAKAW, PAGKATAPOS AY BUMABA ULIT PARA MULING MABUHAY PAGKARAAN NG 3 ARAW?

      At kung sakali man na hindi nga niya isinama ang MAGNANAKAW sa pagkakataong iyon? Hindi ba't wala naman siyang KASAMA noong UMAKYAT siya sa LANGIT after 40 days?

      Salamat sa din sa iyo Kapatid..

      Delete
  14. ask ko lang bro. yung magnanakaw HINDI naman nabautismuhan,bakit makakasama sa paraiso? hindi ba dapat munang mabautismuhan at mapaloob sa IGLESIA NICRISTO para maligtas?

    thanks sa sagot po. c:

    ReplyDelete
  15. guy's pakipaliwang nga po itong talata na ito na pinagbabatayan na si cristo po ho ay diyos! fil.2:2-6

    ReplyDelete
  16. Bibigyan natin ng kaukulang POST iyan dito sa aking Blog.

    Bigyan niyo lang po ako ng panahon dahil, talagang napakahectic ngayon ng aking WORK SCHEDULE.

    Pupuntahan po natin lahat iyan kapag nakaluwag-luwag po ako...

    Thanks and God bless

    ReplyDelete
  17. @Jonathan, Bakit makakasama sa paraiso ang magnanakaw eh, hindi naman nabautismuhan?

    Una, Ang Tagapagligtas na mismo ang nagsabi na siya ay makakasama sa paraiso kaya't wala nanag kwestiyon kung bakit.

    Ikalawa, ang situwasyon na kanilang kinaroroonan ay by common sense does not permit the requirement for baptism to happen. Nasa Krus na po sila nababayubay at oras na lang ang kanilang hinihintay ay mamamatay na sila. Wala nang panahon pa para gawin ang pangangaral, at pagsasagawa ng bautismo sa tubig.

    Ang salita ng Tagapagligtas ay sapat nang mapanghahawakan ng magnanakaw na sumampalataya upang mangyari ang sa kaniya'y pangakong paraiso. sherwin_soria2@yahoo.com

    ReplyDelete
  18. May pagkakatulad po ba ang sinasampalatayanan ng INC sa concepto po ng SOUL SLEEP?

    ReplyDelete
  19. Maaari nating masabi na may kaunting pagkakatulad ang doktrinang ito sa Konsepto ng tinatawag na "SOUL SLEEP", dahil ganito ang isinasaad ng Konseptong ito:

    "The belief that, after death, one's SOUL SLEEPS until the day of resurrection."

    Source: http://www.translationdirectory.com/glossaries/glossary007_s.htm

    Subalit ang malaking pagkakaiba ay ito:

    Hindi naniniwala ang INC na ang KALULUWA ng isang NAMATAY ay NATUTULOG lamang, kundi ito ay NAMAMATAY rin tulad ng Katawan.

    Bagamat ang pakiramdam ng isang patay ay tulad ng isang natutulog lamang, niliwanag ni Cristo na ito ay HINDI PANGKARANIWANG PAGTULOG lamang:

    Juan 11:11-13 “Ang mga bagay na ito'y sinalita niya: at pagkatapos nito'y sinabi niya sa kanila, SI LAZARO NA ATING KAIBIGAN AY NATUTULOG; NGUNI'T AKO'Y PAROROON, UPANG GISINGIN KO SIYA SA PAGKAKATULOG. Sinabi nga ng mga alagad sa kaniya, Panginoon, kung siya'y natutulog, ay siya'y gagaling. Sinalita nga ni Jesus ang tungkol sa kaniyang PAGKAMATAY: datapuwa't sinapantaha nila na ang sinalita ay ang KARANIWANG PAGTULOG.”

    Ang taong PATAY ay inihambing lamang sa taong NATUTULOG, ngunit hindi ito PANGKARANIWANG PAGTULOG. Dahil niliwanag ni Cristo ang talagang kalagayan ni Lazaro:

    Juan 11:14 “Nang magkagayon nga ay sinabi sa kanila ni Jesus ng malinaw, SI LAZARO AY PATAY.”

    Ang paniniwala ng INC ay hindi galing sa anomang KONSEPTO na nilikha ng tao, kundi mula sa BIBLIA lamang, hindi kami naniniwala na ang KALULUWA ay NATUTULOG lamang, kundi NAMAMATAY ito at muli lamang mabubuhay pagdating ng ARAW NG PAGHUHUKOM, gaya ng itinuturo ng Biblia at hindi mula sa anomang KONSEPTO.

    ReplyDelete
  20. sir baka po may link kayo na kumpleto kay eramus sa johanin comma kung pano nabuo yun pag kakasalin ng jonanin comma.tinalakay po sa tamang daan dati yun ni ka ramil at ka rommel.

    ReplyDelete
  21. Pwede pong talakayin naman ninyo yung tungkol po sa tinatawag na NEAR DEATH EXPERIENCE SALAMAT PO

    ReplyDelete
  22. ano po ba ibig sabihin ng masamang espiritu..ito po bay nakikita?pued po ba masagot?

    ReplyDelete
  23. Yung masamang espiritu ay ang mga demonyo.

    Lucas 4:33 Magandang Balita Biblia

    "Naroon sa sinagoga ang isang lalaking inaalihan ng DEMONYO o isang MASAMANG ESPIRITU. Sumigaw siya ng malakas:"

    Kaya nga sa biblia kapag nagpapalayas ng masamang espiritu, ang katumbas nun ay ngpapalayas ng mga demonyo.

    HALIMBAWA:

    MATEO 10:1 SND
    "Tinipon ni Jesus ang labindalawang alagad at binigyan sila ng kapangyarihang MAGPALAYAS NG MASASAMANG ESPIRITU at magpagaling ng mga may karamdaman.



    LUCAS 9:1 SND
    Tinipon ni Jesus ang Labindalawa at binigyan sila ng kapangyarihang MAGPALAYAS NG MGA DEMONYO at magpagaling ng mga may sakit.

    Diyan ay maliwanag na ang masasamang espiritu ay yun din ang mga demonyo.

    ReplyDelete
  24. Ganda ng blog nyo..ask ko po sana dahil curious lang ako, isa po akong kapatid..kapag ang tao ay nakarating na sa bayang banal, nakasaad po ba sa bibliya na magkakakilala pa rin ba tayo (gaya po ng ating mga kaibigan, mahal sa buhay na unang namayapa)?

    Curious lang po ako, kasi kamamatay lang po ng aking matalik na kaibigan na isa rin pong kapatid...salamat po..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang mga maliligtas na ka kilala mo ay makikilala mo parin.

      Delete
  25. May iba pa po bang talata sa Biblia na nagpapatunay na sila Enoc at Elias ay nasa langit na ngayon?

    ReplyDelete
  26. Magandang araw po. Biblical po ba ang magdonate ng sariling dugo sa ibang tao. Maraming salamat po.

    ReplyDelete
  27. Biblical po yan...

    Ang sabi po sa Bible .."IIBIGIN MO ANG KAPWA MO"

    Yong pag do-donate po ng dugo para mabuhay ang kapwa tao natin..pag

    ibig po yon..

    ReplyDelete
  28. request lang po kapatid na aerial cavalry kung pweding matalakay po niyo sa bagong topic ang ukol po sa "SIGNING OF THE CROSS" talamak kasi ito sa mga kasamahan kong katoliko, bawat nalang sandali may nakikita akong nag sa sign of the cross mapasakay sa bus, may madaanang simbahan, pagkabigla at kung ano ano pa


    salamat po sa inyo ang lilinaw ng mga issue at talakayan dito sa inyong blog

    ReplyDelete
  29. gandang araw sa inyo,

    puede nyo bang linawin kung sino ang linalarawan sa talatang Genesis 5:24, si Cristo ba o ang Diyos?

    Malamang ang tinutukoy ay ang Panginoong HesuCristo, pero bakit tinawag siyang Dios sa talatang ito?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Basahin po natin ang GENESIS 5:24

      Genesis 5:24 “At lumakad si Enoc na kasama ng Dios: at di siya nasumpungan, sapagka't kinuha ng Dios.”

      Ito po ba ang itinatanong ninyo kung si Cristo o ang Diyos? Pakilinaw lang po kung ito po ba talaga?

      Delete
  30. Mr. Aerial - tungkol sa Genesis 5:24.

    ang tanong ko sino ang tinutukoy kasama ni Enoc na lumalakad sa talatang Gen. 5:24, si Cristo ba o ang Dios?

    isang curiosity lang ito, gusto ko sanang linawin niyo ibig sabihin nito...posible bang magpakita ang Dios sa lupa upang makasamang maglakad si Enoc?

    thanks in advance!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaibigan, hindi literal ang ibig sabihin ng mga katagang:

      “AT LUMAKAD SI ENOC NA KASAMA NG DIOS”

      Na para bagang habang naglalakad siya ay kasa-kasama niya ang Diyos.

      Ang ibig sabihin lamang niyan ay namuhay siya ayon sa pakikisama niya sa Diyos.

      Genesis 5:24 “HE SPENT HIS LIFE IN FELLOWSHIP WITH GOD, and then he disappeared, because God took him away.” [GNB]

      Ginugol ni Enoc ang kaniyang buhay na may mabuting pakikipag-ugnayan sa Diyos.

      Hindi lamang si Enoc, ang sinabi ng Biblia na lumalakad na kasama ng Diyos.

      Genesis 6:9 “Ito ang mga lahi ni Noe. Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya: SI NOE AY LUMALAKAD NA KASAMA NG DIOS.”

      Na ang ibig sabihin ay:

      Genesis 6:9 “This is the history of Noah's family. He was a good man all his life, AND HE ALWAYS FOLLOWED GOD.” [ERV]

      Ibig sabihin lamang ng mga salitang iyan ay ang LAKAD mo ay MATUWID dahil KASAMA mo ang DIYOS, na ang ibig sabihin nun ay sinusunod mo ang kaniyang mga UTOS.

      LUMALAKAD NA KASAMA ANG DIYOS = SUMUSUNOD SA UTOS NG DIYOS

      At hindi lamang sila Noe at Enoc ang hinahanapan ng Diyos na lumakad na kasama niya, kundi lahat ng tao na kaniyang nilalang:

      Micas 6:8 “KANIYANG IPINAKILALA SA IYO, OH TAO, KUNG ANO ANG MABUTI; at ano ang hinihingi ng Panginoon sa iyo, KUNDI GUMAWA NA MAY KAGANAPAN, at ibigin ang kaawaan, AT LUMAKAD NA MAY KABABAAN NA KASAMA NG IYONG DIOS.”

      Lumakad tayong kasama ng ating Diyos, sa pamamagitan ng pagpapasakop at pagsunod sa kaniyang mga utos.

      Delete
    2. Eh sinong Diyos iyong tinutukoy na kasama ni Enoc sa Genesis 5:24? Si Cristo ba iyon?

      Hebreo 11:5 “SA PANANAMPALATAYA SI ENOC AY INILIPAT UPANG HUWAG NIYANG MAKITA ANG KAMATAYAN; at hindi siya nasumpungan, SAPAGKA'T SIYA'Y INILIPAT NG DIOS: sapagka't bago siya inilipat ay pinatotohanan sa kaniyang SIYA'Y NAGING KALUGODLUGOD SA DIOS:”

      Eh sino ba ang sinasabi at ipinakikilalang Diyos ng sumulat ng aklat ng HEBREO?

      Hebreo 12:6-9 “Sapagka't pinarurusahan ng Panginoon ang kaniyang iniibig, At hinahampas ang bawa't tinatanggap na anak. Na dahil sa ito'y parusa kayo'y nagtitiis; INAARI KAYO NG DIOS NA TULAD SA MGA ANAK; SAPAGKA'T ALIN NGANG ANAK ANG HINDI PINARURUSAHAN NG KANIYANG AMA? Datapuwa't kung kayo'y hindi pinarurusahan, na pawang naranasan ng lahat, kung gayo'y mga anak sa ligaw kayo, at hindi tunay na anak. Bukod dito, tayo'y nangagkaroon ng mga ama ng ating laman upang tayo'y parusahan, at sila'y ating iginagalang: HINDI BAGA LALONG TAYO'Y PASASAKOP SA AMA NG MGA ESPIRITU, AT TAYO'Y MABUBUHAY?”

      Ang AMA na kaniyang tinutukoy ay ang nag-iisang Diyos na tunay:

      1 Cor 8:6 “Nguni't SA GANANG ATIN AY MAY ISANG DIOS LAMANG, ANG AMA, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.”

      Ang kasa-kasama ni Enoc na Diyos na kaniyang sinunod nung siya ay nandirito pa sa Lupa, na siyang kumuha sa kaniya at nag-akyat sa Langit ay ang AMA – ang nag-iisang TUNAY na DIYOS [Juan 17:3,1]

      God bless po sa inyong lahat.

      Delete
  31. Ginoong AERIAL,

    Nais ko sanang malaman kung ano ang stand ng INC sa mga paranormal na mga bagay dito sa mundo, tulad ng mga kaluluwa ng mga patay o' multo, masasamang espiritu, black magic, witchcraft, at exorcism.

    Ang mga ministro sa INC ay nagsasagawa rin ba ng mga pagpapalayas ng masasamang espiritu gaya ng 'Exorcism' kahalintulad ng mga paraan na isinasagawa ng mga Paring Katoliko?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kami naman kaibigang ANONYMOUS ay naniniwala sa PARANORMAL o iyon bang mga KABABALAGHAN dahil talaga namang may ganiyan sabi ng Biblia eh:

      2 Tessalonica 2:9-10 “SIYA, NA ANG KANIYANG PAGPARITO AY AYON SA PAGGAWA NI SATANAS NA MAY BUONG KAPANGYARIHAN AT MGA TANDA AT MGA KAHANGAHANGANG KASINUNGALINGAN, AT MAY BUONG DAYA NG KALIKUAN SA NANGAPAPAHAMAK; sapagka't hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas.”

      Lahat ng mga iyan, BLACK MAGIC, multo, at kung anu-ano pa ay gawa lahat ng Diablo iyan, na ang tanging dahilan ay upang tayo ay linlangin at dayain. Kita mo karaniwan sa pinagpapakitaan ng mga ganiyan ay ang mga naniniwala sa mga rebulto at mga imahen na kanilang dinadasalan kapag sila ay nakakadama ng takot sa mga iyan, kaya lalo silang nasasadlak sa maling paniniwala dahil sa ginagawang ito ng Diablo.

      Sa iglesia ay may mangilan-ngilan din na mga pangyayari na nakapagpalayas ng mga demonio ang aming mga ministro, pero magkagayun man at nakakita tayo ng taong nakapagpapalayas ng mga demonio ay hindi naman iyon katibayan ng pagiging totoong sa Diyos eh.

      Ito ang mahalaga sabi ni Cristo:

      Lucas 10:19-20 “Narito, binigyan ko kayo ng kapamahalaan na inyong yurakan ang mga ahas at ang mga alakdan, at sa ibabaw ng lahat ng kapangyarihan ng kaaway: at sa anomang paraa'y hindi kayo maaano. GAYON MA'Y HUWAG NINYONG IKAGALAK ITO, NA ANG MGA ESPIRITU AY NAGSISISUKO SA INYO; KUNDI INYONG IKAGALAK NA NANGASUSULAT ANG INYONG MGA PANGALAN SA LANGIT.”

      Ang dapat ikagalak at lalong mahalaga ani Jesus ay ang pangalan natin ay nakasulat sa langit. Iyan ang mahalaga kaibigan.

      Papaano mangyayari iyon? Suriin mo ang mga aral ng INC at malalaman mo ang kasagutan.

      Delete
  32. hahahaha dito na lang ako tatambay kesa sa FB
    maraming matututunan

    ReplyDelete
    Replies
    1. IAmAMemberOfTheChurchOfChrist8 April 2013 at 16:00

      same here! :)

      Delete
  33. Bro Aerial pwede po bang i-post dito ang iba pang talata sa bibliya na nagpapatunay na hindi lahat ng kababalaghan o himala ay sa Dios bukod po sa iba pang nailahad na. Salamat po.

    ReplyDelete
  34. Sa INC, pinapahintulutan ba ang pakikipag-ugnayan sa mga namatay na na kaanak? (o ang pakikipag-usap sa kaluluwa) Anu-ano ang mga bagay na kahihinatnan nito ?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Marahil po nagtanong kayo na hindi niyo po muna binasa ang artikulong nasa itaas.

      Basahin niyo po muna (nang maige) at naroon na po ang kasagutan.

      Salamat po.

      --Bee

      Delete
  35. ahmmm ..... sarap talaga mga leksyon ng I.N.C ..... salamat poh ama binigyan mo kami ng pang unawa sa araw-araw ... mabuhay poh ang i.n.c...

    ReplyDelete
  36. Maraming Salamat sa inyo Bro. Aerial at bro. Bee Weezer - marami akong natutunan dito na hindi ko natutunan sa mga pagsamba ko. Mas detalyado ang paliwanag dito lalo na ung tungkol sa pniniwala sa kaluluwa. Magpatuloy at lumawig pa sana ang gawaing ito. Pagpalain kayo nd diyos.

    ReplyDelete
  37. Ka. Aerial at Bee: Napakaganda ng ARTIKOLO Hindi ito matututulan ng mga di kapananampalataya...... Sa ngayon ay nakikipag DISCUSSION ako sa isang KATOLIKO na si CENON bibe na marahil ay NAKILALA na ninyo sya... Ang pinagtatalunan po namen ay ang MULING PAGKABUHAY ng mga PATAY...... Sa mga NABASA ko po d2 ay ang mga ILAN ay NAGAMIT kong PATUNAY sa KANIYA..... Pero IKAGALAK po natin mga KAPATID dahil sa TULONG ng DIYOS ay LUMILINAW na ang ARAL ng KATOLIKO ay LIHIS sa KATOTOHAN tungkol sa MULING PAGKABUHAY ng mga PATAY...... ito po ang isang PATUNAY na ibinigay ko sa KANILA at HINDI nila MATUTULAN: Sabi nga ni APOSTOL PABLO: 2TIMOTEO 2:18 LUMIHIS sila sa KATOTOHANAN at sinisira nila ang PANANAMPALATAYA ng iba. Itinuturo nilang NAGANAP na ang MULING PAGKABUHAY ng mga PATAY…

    ito po ang LINK para MASUBAYBAYAN po ninyo http://tumbukin-natin.blogspot.com/2012/07/inc-question-trinity-saan-mababasa-sa.html

    ReplyDelete
  38. NAPAKALINAW po ng inyong pagpapaliwanag ka aerial. Sana ganyan lahat ang paraan ng pagpapaliwanag ng dumidepensa sa INC. Sana ipagpatuloy ninyo lang ito para sa lalong ikatitibay ng mga kapatid at para din matulungan yaong nasa labas pa at kaawaan sila ng Diyos na makaunawa.

    ReplyDelete
  39. wala po bang bagong post ka.aeial???inaabangan q po kc yung bagong post nio..:D

    ReplyDelete
  40. may tanong lang po ako ka aerial. sana po ay paki sagot lang - kapatid po ako - un pong pagpasok sa simbahan ng katolico - bilang inc ay may nilalabag po ba tayo na utos ng diyos pag ginawa natin ito - halimbawa po ay saglit ka lang na pumasok blang pagbibigay lang sa isang di kapananampalataya at hindi mababago kailanman ang ating pananampalataya. kasi oa daw tayo at ayaw pumasok sa simbahan at baka daw tayo umusok. ano po ba ang paliwanag ninyo dito. - salamat po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ka. Yner,

      Naalala ko tuloy si Apostol Pablo na pumasok sa isang sinagoga kung saan nagkakatipon ang mga Hudyo tuwing Sabbath at doon nga ay nakipagtuligsaan siya sa mga naroon.

      Ang sinasabi ng inyong kaibigan (sa palagay ko po) na uusok daw tayo pag pumasok sa "simbahan" ng Katoliko ay maaaring isang biro lamang po sa inyo.

      Kailanman ay walang aral sa INC na nagbabawal sa mga miembro nito ang pagpasok (literal) sa mga bahay-sambahan ng mga kaibayo natin sa pananampalataya. Ang pinagbabawal ay ang makiisa o gumawa o gumagawa o ginagaya ang paraan ng pagsamba nila. Katulad halimbawa ng pagluhod sa dios-diosan. O di kaya'y maging ninong o ninang sa bautismo ng isang sanggol. O makiawit o sumagot o alinmang pakikibahagi sa kanilang ginagawang pagsamba.

      Sa madaling salita, ang tunay na anak ng Dios, kahit saang lugar man siya padparin ng kanyang kapalaran, mabuti man o masama ang kanyang kapaligiran, sa lihim man at sa hayag, ay nananatili sa kanya ang kanyang tunay na pananampalataya at katatagan sapagkat NABABALUTAN SIYA NG MGA ARAL NG DIYOS (Efeso 6:10-18)

      Delete
  41. maraming salamat sa napakalinaw na paliwanag mo ka bee weezer. Lumawig pa sana ang mga ganitong blog.

    ReplyDelete
  42. Bro Aerial, paano pag namatay na ang pinakama2hal mo sa buhay?
    at di ka pa handa na syay mawala? paano magiging panatag ang loob mo? paano mo matatanggap?

    makikita mo rin ba sya pag dating ng araw ng paghuhukom?

    pag ba nabuhay ang mga patay eh magkikita pa kayo?

    Salamat po! w8 ko po reply!

    fr:
    -Fate

    ReplyDelete
  43. IAmAMemberOfTheChurchOfChrist8 April 2013 at 16:04

    Bro. Aerial, magandang gabi po. ako po ay isa sa mga kapatid na lagi pong bumabasa sa blog nyo po, may tanong po ako, ay pag aakay po ay pagbubunga na rin? at anu-ano po ba ang mga kaparaanan upang tayo po ay makapagbunga? at para po sila ay maniwala.

    ReplyDelete
  44. [ Narito at ating malalaman ngayon ang mga taong nasa langit hanggang sa kasalukuyan: Sila ay sina ENOC, Propeta ELIAS, at ang ating Panginoong JESUCRISTO:

    Umakyat si Enoc sa Langit sa pamamagitan ng pagkuha sa kaniya ng Diyos:
    Si Propeta Elias naman ay umakyat sa langit sa pamamagitan ng isang karong apoy na itinaas sa langit sa pamamagitan ng isang ipo-ipo: …]

    Mukhang pinapakita pa ng tga Iglesya na hindi sila marunong magbasa ng biblia o umintindi sa mga talata.

    sabi Kristo :

    Juan 3:13

    Ang Salita ng Diyos (SND)

    13 Walang pumaitaas sa langit maliban sa kaniya na bumabang mula sa langit Maliban sa Anak ng Tao na nasa langit.

    kung me faith kau sa wordings ni Krsito dapat maniwala kau na walang tao ang nkaakyat pa sa langit kundi si Kristo na namatay at iniwan ang knyang laman sa lupa.

    Ngayun i challenege natin ang sinabi ni Kristo na wala ngang nakaakyat kundi siya lamang.
    paano un mga nnagyari kina Elias at Enoch?

    Bashin po natin yun nangyari kay Enoch.

    Genesis 5:23-24
    21st Century King James Version (KJ21)

    23 And all the days of Enoch were three hundred sixty and five years.

    24 And Enoch walked with God; and he was not, for God took him

    sinabi bng Langit?

    tandaan po natin ang idad na 365 yrs old ay pinakabata sa time niya kung saan ang mga tao ay ummabot ng 900 yrs old.

    basahin po natin kung nsaan nga ba si Enoch.

    Genesis 4:23
    21st Century King James Version (KJ21)

    23 And Lamech said unto his wives, “Adah and Zillah, hear my voice; ye wives of Lamech, hearken unto my speech! For I have slain a man for my wounding, and a young man for my hurt.

    anu po ba ang mababasa?

    - For I have slain a man for my wounding,
    and a young man for my hurt.

    Dalawang tao ang pinatay ni Lamech. yun isa dala ng paghihiganti at yun isa ay pinakabata.

    sino ang pinaka bata sa lht ng generation? si Enoch!


    paano naman si Elias na sinabi umakyat din ng langit?

    dapat po natin malaman na me tatlong klase ng langit ang binabanggit sa biblia.

    1. Heaven - atmosphere.
    2. Heavens - kalawakan o universe
    3. Heaven - throne of God

    saan dinaala si Elias?

    eto po ang sagot.

    2 Chronicles 21:12
    21st Century King James Version (KJ21)

    12 And there came a writing to him from Elijah the prophet, saying, “Thus saith the Lord God of David thy father: ‘Because thou hast not walked in the ways of Jehoshaphat thy father, nor in the ways of Asa king of Judah

    What?
    And there came a writing to him from Elijah the prophet, saying,

    writing? meron bang ballpen at papel sa langit pra sumulat si Elias sa hari ng Judah?

    so hindi po siya galing sa mga langit kundi siya ay inalis sa lupa na kanyang pinaglllingkuran at dinala pataas ng "Atmospehere" pra dalhin siya malapit sa kaharian ng israel.

    ang term na ginamit sa talata "Elijah went up by a whirlwind into heaven" ay translated to mean transfers to another place of stay. yun heaven ay plainly identified as atmospehere at hndi po ito throne of God mas lalong hindi ang galaxy.

    kaya tama yun sinabi ni Krsito na wala pa po ang nakaakyat sa langit. kung meron man dapat na mauna ay walang iba kundi si Abraham dahl ang lht ng Krsityanong namatay ay magiging seeds ni Abraham.

    basahin po natin ito:

    Mga Taga-Galacia 3:29
    Ang Salita ng Diyos (SND)

    29 Yamang kayo ay kay Cristo, binhi kayo ni Abraham at mga tagapagmana ayon sa pangako.

    anu bng pangako ang ibbgay sa mga namatay kay Krsito?

    Mga Taga-Roma 4:13
    Ang Salita ng Diyos (SND)

    13 Ito ay sapagkat si Abraham at ang kaniyang lahi ay tumanggap ng pangako na siya ay magiging tagapagmana ng sanlibutan (earth). Ito ay hindi sa pamamagitan ng kautusan kundi sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya

    Langit ba ang ipinako kay Abraham at sa knyang mga binhi?

    - Ito ay sapagkat si Abraham at ang kaniyang lahi ay tumanggap ng pangako na siya ay magiging tagapagmana ng sanlibutan

    LUPA ang ipinako ng Diyos kay abarahm at sa mga binhi niya sa darating pa na panahon.

    sorry po! tlgang BOBO umintindi ang mga Iglesya pagdating sa biblia.

    ReplyDelete
  45. tama mga sagot mo anonymous.

    ReplyDelete
  46. Sa anong paraan ‘kinuha ng Diyos si Enoc’? (Genesis 5:24)

    Maliwanag na si Enoc ay nanganganib na patayin, subalit hindi ipinahintulot ng Diyos na maghirap siya sa kamay ng kaniyang mga kaaway. “Si Enoc ay inilipat upang hindi makakita ng kamatayan,” ang sulat ni apostol Pablo. (Hebreo 11:5) Hindi ito nangangahulugang dinala siya ng Diyos sa langit, kung saan patuloy siyang nabuhay. Si Jesus ang unang taong umakyat sa langit. (Juan 3:13; Hebreo 6:19, 20) Ang pagiging “inilipat [ni Enoc] upang hindi makakita ng kamatayan” ay maaaring mangahulugan na inilagay siya ng Diyos sa isang makahulang kawalan ng diwa at pagkatapos ay winakasan ang kaniyang buhay samantalang siya ay nasa gayong kalagayan. Sa ilalim ng gayong kalagayan, si Enoc ay hindi naghirap, o ‘nakakita ng kamatayan,’ sa kamay ng kaniyang mga kaaway.
    ________________________________________________

    Saang "langit" umakyat si Elias? (2 Hari 2:11)

    Maliwanag, inilipat siya sa papawirin ng lupa at inilagay sa ibang bahagi ng globo. Nasa lupa pa rin si Elias pagkaraan ng mga taon, sapagkat sumulat siya ng isang liham kay Haring Jehoram ng Juda. (2 Cronica 21:1, 12-15) Na si Elias ay hindi umakyat sa espirituwal na tirahan ng tunay na Diyos ay tiniyak nang dakong huli ni Jesu-Kristo, na nagpahayag: “Walang tao na umakyat sa langit kundi siya na bumaba mula sa langit, ang Anak ng tao,” samakatuwid nga, si Jesus mismo. (Juan 3:13) Ang daan tungo sa makalangit na buhay ay unang nabuksan sa di-sakdal na mga tao pagkamatay, pagkabuhay-muli, at pag-akyat sa langit ni Jesu-Kristo.—Juan 14:2,3; Hebreo 9:24; 10:19,20.

    ReplyDelete
  47. Ecclesiastico 44:16 (Ang Bagong Magandang Balita Biblia) - ito ay tungkol po kay Enoch kung nasaan na nga ba siya. tagal na po kasi ninyong hinahanap eh. salamat po.

    ReplyDelete
  48. sana mapalagay na po si anonymous...(,")

    ReplyDelete
  49. Ecclesiastico 44:16 (Bagong Magandang Balita)

    Si Enoc

    16 "Namuhay si Enoc ayon sa kalooban ng Panginoon, at siya'y buhay na dinala ng Diyos sa langit, upang maging halimbawa ng pagsisisi sa susunod na mga salinlahi."

    ...hayan po at ipi-nost ko na at baka wala po kayong biblia sa bahay.

    ReplyDelete
  50. heto sabi ni anonymous..."24 And Enoch walked with God; and he was not, for God took him

    sinabi bng Langit?"

    heto pa sabi ni anonymous...."sorry po! tlgang BOBO umintindi ang mga Iglesya pagdating sa biblia."

    ReplyDelete
    Replies
    1. to: ano ni mosh

      ang ecclesiastico 44:16 ito bang aklat na ito ay kabilang sa 66? o baka naman ang ginamit po apokripal.

      mga katanongan ko po

      nong si enoc kamo pumunta sa trono ng DIOS sa langit ano sya tao? o espiritu?

      kung totoo yan ang ecc 44:16 bakit si jesus nag sabi walang ibang naka punta sa langit[trono ng DIOS] maliban sa bumaba"

      sino ba ang bumaba?

      palagay ko ikaw ang mag basa ng biblia wag ang apokripal.

      Delete
    2. @shyllacsjw...sa palagay ko pareho po kayong tama....una ay sa apokripa o deuteranonico po iyon nakasulat...tama po kayo doon.....at si ano ni mosh po naman ay tama din at hindi o wala naman po siyang sinabi na hindi sa apocrypha iyon nakalagay o nakasulat po...ang sa kanya po lamang nais lamang po niyang ipaalam siguro kung nasaan na si enoch at hayun nga po at nabasa natin na nasa langit. iyon nga lamang po ay sa apocrypha po niya kinuha iyon.

      Delete
    3. Sir Ano ni mosh, may kasabihan na "basurang itinapon mo, babalik din sayo."

      Galing niyo magpaliwanag.

      Delete
    4. Galing din po ni Sir Aerial at bee weezer. Saludo ako sa inyo.

      Delete
    5. Sana po bago magbitaw ng mga salita na tulad ng "bobo" ay siguraduhin muna na tama ang sinasabi. Kasi nakakahiya kapag napapatunayan lalo na pagnakasulat sa biblia.


      Maganda po itong blog ni Sir Aerial at nadadagdagan pa ang mga kaalaman ko.

      Delete
  51. thank you for making this blog.coz nktulong talaga xia ng malaki..mas lalu akong naliliwangan...sna mas mrmi pa po ang mkabasa neto ng sa ganun maliwangan dn ang mga nasa labas pa ng tunay n Iglesia..:

    ReplyDelete
  52. Anonymous at Shyllacsjw, alam nyo na ang sagot ?

    Ecclesiastico 44: 1-23
    Si Enoc
    16 Namuhay si Enoc ayon sa kalooban ng Panginoon,
    at siya'y buhay na dinala ng Diyos sa langit,
    upang maging halimbawa ng pagsisisi sa susunod na mga salinlahi.

    Napakaliwanag ng talatang ito, "SIYA''Y BUHAY BA DINALA NG DIYOS SA LANGIT"..


    Napakaliwanag ng Talatang ito, wag na kayong magpakabulag pa. Imulat na ninyo ang inyong isipan sa katotohanan. Dahil sa biblia walang kontradiksyon.


    Sa 1 Corinto 2:12-13

    Hindi galing sa karunungan ng tao ang mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia, ang tanging paraan na itinuturo ng Biblia ay ang paraan na itinuturo ng Espiritu Santo, na ang sabi nga ay:

    “NA INIWAWANGIS NATIN ANG MGA BAGAY NA AYON SA ESPIRITU SA MGA PANANALITANG AYON SA ESPIRITU.”

    Kailangan nating IWANGIS o PAGKUMPARAHIN ang mga PANANALITANG AYON SA ESPIRITU, ibig sabihin iwawangis natin at ikukumpara ang isang talata sa kapuwa talata. Sapagkat sa Biblia ay WALANG KONTRADIKSIYON o SALUNGATAN

    ReplyDelete
  53. to:john von medina

    pasinsya na ang tagal kung nag reply binagyo kasi kami sa ormoc, leyte .

    back topic:

    tama ka ang biblia walang kontradiksyon

    bago ko mangatwiranan batay sa biblia,may tanong ako sayo.

    1,ilang langit ang alam mo na nasa biblia?
    2,saang langit si enoc dinala ng DIOS?
    3,noong si enoc nandun na sa langi.t anong uri ang kanyang katawan tao parin o espiritu?

    ReplyDelete
  54. to: john von medina

    o nga pala ako si shyllacsjw, ito na ang account ko dahil si ginoong aerial my rules na gumawa ng account kung sino ang mag comment sa blog nya.

    ReplyDelete
  55. Maraming salamat po at naliwanagan po ang aming isipan tungkol sa topic na ito.

    ReplyDelete
  56. kapatid, pwede po ba ninyung sagutin itong pinagbabatayan nila na diumano'y mga patay daw na kumakausap sa diyos kaya ang kaluluwa ay nabubuhay kahit na namamatay ang katawan : "At nang buksan niya ang ikalimang tatak, ay nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga KALULUWA NG MGA PINATAY dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumakanila: At SILA'Y SUMIGAW ng tinig na malakas, na nagsasabi, "Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, HINDI MO HAHATULAN at ipaghihiganti ang aming dugo, sa MGA NANAHAN SA IBABAW NG LUPA?

    ReplyDelete
  57. kapatid, pwede po ba ninyung sagutin itong pinagbabatayan nila na diumano'y mga patay daw na kumakausap sa diyos kaya ang kaluluwa ay nabubuhay kahit na namamatay ang katawan : "At nang buksan niya ang ikalimang tatak, ay nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga KALULUWA NG MGA PINATAY dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumakanila: At SILA'Y SUMIGAW ng tinig na malakas, na nagsasabi, "Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, HINDI MO HAHATULAN at ipaghihiganti ang aming dugo, sa MGA NANAHAN SA IBABAW NG LUPA?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Karaniwan ang mga talata sa apocalypses ay FIGURATIVE. Ang kaluluwang sumo sigaw ay ang kalagayang nilang kalunoslunos.

      Delete
  58. Ang kaluluwa ay namamatay Tulad ng sinasabi ng artikulong ito. Si Enoch at Elias dinala sa langit, sila ay ginawang mga IMORTAL. Tayo rin ay gagawing IMORTAL sa pagkabuhay namag uli o resurrection sa araw ng paghuhukom. Lahat ng patay ay babangon sa kanilang hukay o libingan na immortal

    ReplyDelete
  59. May purgatoryo po nakasulat sa biblia ang linaw.at si maria ina ni kristo ay malinaw na umakyat sa langit.

    ReplyDelete
  60. walang purgatoryo nasa sulat sa biblia...mismo si jose rizal sabi nya...wala daw...para mapatunayan mo...pwedi basahin mo ang buong biblia paunti-unti,kahit 2 chapter everyday...

    ReplyDelete
  61. Ka Aerial, napakaganda po ng mga paliwanag ninyo dito sa inyong blog at napakalaki ng naitutulong sa mga nagbabasa. Baka maaari po ninyong talakayin dito un minsang tinalakay nila ka Michael Sandoval at Ka Bularan sa Ang Tamang Daan ukol sa pagtapon kay Satanas sa lupa. Maraming salamat po.

    ReplyDelete
  62. tayo po bang mga kaanib sa INC ay naniniwala sa Apocrypha, kapatid na Arial nawa'y masagot niyo po ang tanong na ito, salamat po.

    ReplyDelete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network