Sunday, 11 March 2012

Bawal nga bang Magpasalin ng Dugo?


Tanong ng isang Anonymous,

”tanong lang mga kapatid... ang pagkain b ay katumbas na ren ng pagsasalin ng dugo? me nagsasabi kc n ang diwa ng pagsasalin ng dugo ay gaya n ren ng pagkain nito... salamat.. more power”


Ang pagsasalin ng dugo ay iba sa pagkain ng dugo, iyan ay masasagot kahit sa pamamagitan lang ng paliwanag.

Nagkakamali ang mga SAKSI NI JEHOVA sa pag-aakalang ang pagsasalin ay katumbas daw ng pagkain.

Natatandaan ko pa ang paliwanag nila sa akin noon, halimbawa daw pinagbawalan daw ng doctor ang isang tao na uminom ng alak dahil masama sa kaniya ang alcohol.  Kung ang alak daw ay padadaanin sa kaniyang ugat tulad ng sa dextrose, ay katumbas daw ng pagkain dahil tinatanggap daw ng kaniyang katawan ang alcohol kahit na hindi ito dumaan sa kaniyang bibig, at ito raw ay may magkatulad na epekto sa kaniyang katawan, dahil nalalabag din niya ang pagbabawal ng doctor dahil hindi man daw dumaan sa kaniyang bibig ay pumasok pa rin sa kaniyang katawan ang alak o alcohol na masama o ipinagbabawal sa kaniya.

Ganiyan din daw ang dugo kapag inilagay sa ugat sa pamamagitan ng TRANSFUSION ito raw ay nagagawang kainin o i-absorb ng ating katawan tulad ng sa alcohol o dextrose.

Ang sabi ko tama kung alak o alcohol ang pag-uusapan, kasi  ang alak o alcohol maging ang dextrose ay nasa uri na ng sustansiya na maaari nang magamit ng ating katawan bilang pagkain.

Kaya nga ba’t kapag ang isang tao na hindi makakain sa pamamagitan ng bibig ay pinapakain ito sa pamamagitan ng kaniyang mga ugat sa pamamagitan ng paglalagay sa kaniya ng dextrose.

Kapansin-pansin nga lang, may doctor na ba na nagsabi na SALINAN ninyo ng DEXTROSE ang pasyente, hindi ba wala naman.  Kasi nga ang DEXTROSE ay hindi naman isinasalin kundi tinatanggap ng katawan ng tao bilang isang uri ng sustansiya na pagkain niya.

Sa isang praktikal na paliwanag, kapag ba isinalin mo halimbawa ang 50ml na tubig sa isang baso nababawasan ba iyon? Hindi kasi nga isinalin mo lang eh. Nanatili iyong 50ml.

Eh iyon ba halimabawang 100cc na dugo isinalin mo sa isang pasyente, nauubos ba? Nababawasan ba? Hindi ba dumadagdag lang iyon sa kaniyang dugo na nandoroon na sa katawan niya?

Pero ang isang bote ng dextrose kapag inilagay mo sa isang pasyente, at sinuri mo ang kaniyang dugo makaraan ang ilang araw na hindi mo na siya nilagyan ng dextrose, nandun pa ba ang dextrose sa kaniyang dugo?

Ang dugo ay hindi pagkain ng ating katawan o isang uri ng sustansiya. Ang trabaho ng dugo sa katawan ng tao ay upang maghatid ng sustansiya maging ng oxygen sa iba’t-ibang bahagi ng ating katawan upang mapanatiling buhay ang ating mga cells o selyula.  Sa isang simpleng paliwanag ang dugo ay maihahalintulad sa PAMPASAHERONG BUS, at ang mga sustansiya naman ay ang PASAHERO. Ang trabaho lamang nito ay ihatid ang mga kinakailangang sustansiya sa iba’t-ibang sangkap ng ating katawan upang panatilihin na ito ay malusog at malakas, at siyempre panatilihin itong buhay.

Kaya kapag sinalinan ka ng dugo ay dumadagdag lamang ito sa dugo na dati nang taglay ng iyong katawan. At hindi nauubos ang inilagay sa iyong dugo dahil hindi naman ito inaabsorb o kinakain ng iyong katawan.

Tandaan natin ang sinasalinan ng dugo ay iyong kulang sa dugo o may problema sa dugo. Gaya ng mga nanganak, mga naaksidente, o di kaya ay nagkasakit ng dengue, at iba pa.

Pero kung kakainin ng tao ang dugo at padadaanin ito sa kaniyang bibig ay ibang usapan na iyon kasi ang dugo ay papasok sa kaniyang sikmura, at doon ay magkakaroon ng chemical change, mababago ang anyo nito at magiging sustansiya na ito na maaari nang idistribute sa ating katawan ng ating dugo bilang pagkain na, at hindi na bilang dugo sa orihinal nitong anyo.

Ang bawal ng Diyos ay ang pagkain o DIGESTION ng dugo at hindi ang pagsasalin o TRANSFUSION.



Ang malaking tanong sa kaibigan nating mga Saksi ay ganito:

May dalawang bata na MALNOURISHED o iyong kulang sa sustansiya dahil hindi nakakakain na nasa isang pagamutan. Hindi maaaring pakainin sa bibig dahil hindi ito tinatanggap ng kanilang katawan dahil sa isinusuka lang.  Ang isang bata ay sinalinan ng dugo, ang isang bata naman ay nilagyan ng dextrose. 

Tanong: Sino sa kanilang dalawa ang mabubuhay?

a.      Ang sinalinan ng dugo     b.  ang nilagyan ng dextrose

Obvious ang sagot, mamamatay ang sinalinan ng dugo, ang mabubuhay ay ang nilagyan ng dextrose.  Gaya nga ng ating ipinaliwanag, hindi kinakain ng isang tao ang dugo na isinasalin sa kaniya kundi dumadagdag lamang ito sa dugo niya.  Hindi kagaya ng dextrose na nasa uri na ng isang sustansiya na kapag inilagay sa ating ugat ay makapagbibigay sa atin sustansiya para tayo mabuhay kahit hindi tayo makakain sa pamamagitan ng pagpapadaan sa ating bibig.

Ipinagbawal ba ng mga Apostol ang pagsasalin ng dugo?  Sa tanong na iyan obvious din ang sagot, HINDI! Dahil hindi pa naman uso sa panahon nila ang sistemang iyan.

Eh hindi pala aral ng mga Apostol ang pagbabawal ng pagsasalin ng dugo, samakatuwid iba ito sa aral na kanilang ipinangaral, eh ano ngayon ang dapat gawin?

Galacia 1:8  “Datapuwa't kahima't kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil.”

Dapat itakuwil ang anomang aral na hindi ipinangaral ng mga Apostol o ng ebangheliyo, wala sa Biblia ang aral na pagbabawal nito, at hindi ito ipinagbawal ng mga Apostol kaya dapat itong itakuwil.


Masama bang mag-donate ng dugo?

Ano ba ang dugo ayon sa Panginoong Diyos?

Levitico 17:11  “Sapagka't ANG BUHAY NG LAMAN AY NASA DUGO; at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: SAPAGKA'T ANG DUGO'Y SIYANG TUMUTUBOS DAHIL SA BUHAY.”

Ang buhay ng LAMAN ng isang TAO ay nasa DUGO at ibinigay ng Diyos ang DUGO para ipantubos sa BUHAY, gaya ng ginawa ng ating Panginoong Jesucristo.

Ang isang tao na nangangailangan ng dugo ay may pangangailangan na madugutungan ang kaniyang buhay.  At ang pagbibigay sa kaniya ng dugo ay katumbas ng pagbibigay sa kaniya ng BUHAY.

Dahil ang dugo ay BUHAY:

Deut 12:23  “Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: SAPAGKA'T ANG DUGO AY SIYANG BUHAY; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman.”

At ang pagbibigay ng buhay sa ating kapuwa ay pagpapakita ng dakilang pag-ibig ayon kay Cristo:

Juan 15:13  “Walang may lalong dakilang pagibig kay sa rito, na IBIGAY NG ISANG TAO ANG KANIYANG BUHAY DAHIL SA KANIYANG MGA KAIBIGAN.”

Ang pagdodonate o pagbibigay ng dugo o buhay ay pagpapakita ng dakilang pag-ibig sa kaibigan o ating kapuwa.

Kaya ang INC ay sumusoprta sa ganitong gawain ang PAGDODONATE NG DUGO. Ginagawa ito ng mga kapatid sa INC bilang pagtugon sa pangangailangan ng ating kapuwa upang madugtungan o mailigtas ang kanilang buhay.

50 comments:

  1. nakapagtataka at walang tuligsa at tanong ang huwad na INC-MAN MADE tungkol sa paksang ito palibhasa walang aral o paliwanag na tulad ng ganito sa kinaaaniban niyang kulto....more power inc

    ReplyDelete
    Replies
    1. SI KRISTO AY NAG-ALAY NG SARILING DUGO SA PAGTUBOS NG ATING KASALANAN DAHIL SIYA ANG HAING PANTUBOS (Mateo 20:28) (1 Timoteo 2:5,6) (Roma 5:6-8) (Juan 1:29) (1 Pedro 1:18,19). Malaki ang pagkakaiba nito ni kaunting kahalintulad man sa pag-donate ng dugo at sa dugo na ibinuwis sa mga digmaan ng tao.

      BATAS NA MAY KINALAMAN SA DUGO

      Mariing iginiit ang "PAG-IWAS SA DUGO" na ating mababasa sa -Gawa 25: 28 at 29:

      "28. Sapagkat minagaling ng banal na espiritu at namin mismo na huwag nang magdagdag ng higit pang pasanin sa inyo, maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan, 29. na 'PATULOY NA UMIWAS' sa mga bagay na inihain sa mga idolo 'AT SA DUGO' at sa mga bagay na binigti at sa pakikiapid. Kung pakaiingatan ninyo ang inyong sarili sa mga bagay na ito, kayo ay uunlad. Mabuting kalusugan sa inyo!”

      Samakatuwid, bilang isang Kristiyano ay dapat tayong puspusang "SUMUNOD" sa ipinag-uutos sa atin ng mga talata sa itaas, mas lawakan pa natin ng pagkaunawa at hindi lamang sa pagkain kundi maging ng "PAGPASOK" nito sa "SISTEMA NG ATING KATAWAN" sa ANUMANG PARAAN, sa ANUMANG KONSEPTO at sa anumang interpretasyon ng salitang ipinag-uutos sa atin na "KINAKAILANGAN", "PATULOY NA UMIWAS" sa "DUGO" upang sa Diyos na Jehovah"יַהְוֶה " TAYO AY HINDI MAGKULANG... (Awit 119: 1, 79, 80) (ROMA 7:12) (KAWIKAAN 1:7)

      Samakatuwid, ang pagsasalin ng dugo ay nagpapanggap na mabuti dahil nagawa mong "PANSAMANTALA" na madugtungan ang kasalukuyan mong buhay ngunit dahil sa PAGSUWAY SA BATAS ng Diyos patungkol sa dugo ay maari mong maiwala ang buhay na walang hanggan... Isaalang-alang ang "TALINGHAGA" ng bible verse sa
      Mateo 16: 25 - "Sapagkat ang SINUMANG NAGNANAIS MAGLIGTAS NG KANIYANG KALULUWA ay MAWAWALAN nito; ngunit ang sinumang mawalan ng kaniyang kaluluwa ALANG-ALANG SA AKIN ay MAKASUSUMPONG nito."

      17. "Ang taong napabibigatan ng PAGKAKASALA SA DUGO DAHIL SA ISANG KALULUWA ay TATAKAS DIN PATUNGO SA HUKAY. Huwag nila siyang pigilin. 18. Siyang lumalakad nang "WALANG PAGKUKULANG" ay "MALILIGTAS", ngunit siyang liko sa kaniyang mga lakad ay biglang mabubuwal" (Kawikaan 28: 17, 18).

      Ibig sabihin nito ay kung hindi ka magpapasalin ng dugo at susundin ang pamantayan ng Diyos patungkol sa dugo at magtitiis sa magiging resulta nito. Maaring ikamatay mo man ang hindi pagsalin ng dugo. PERO ano ang maari mong matamo? Dahil sa taglay nating kaalaman at sa pagsunod sa pamantayan ng Diyos na Jehovah"יַהְוֶה " ay matatamo natin ang "Buhay na walang hanggan"...
      (MATEO 24:13, JUAN 17:3)

      Delete
  2. request lang po kapatid na aerial cavalry kung pweding matalakay po niyo sa bagong topic ang ukol po sa "SIGNING OF THE CROSS" talamak kasi ito sa mga kasamahan kong katoliko, bawat nalang sandali may nakikita akong nag sa sign of the cross mapasakay sa bus, may madaanang simbahan, pagkabigla at kung ano ano pa


    salamat po sa inyo ang lilinaw ng mga issue at talakayan dito sa inyong blog

    ReplyDelete
  3. Sige brod, bibigyan natin ng daan iyan dito sa ating Blog.

    God bless you at sa lahat ng kapatid sa INC...

    ReplyDelete
  4. kapatid na Aerial nlalapit n po ang semana santa ng mga katoliko maaari po ba tayong magpost ng aral tungkol sa pagkain ng karne, at pagbabawal sa pag aasawa

    ReplyDelete
  5. Wala pong problema bibigyan po natin ng daan iyan sa ating Blog

    God bless po sa inyong lahat.

    Makipagkaisa po tayong lahat sa GAWAING PAGPAPALAGANAP!

    ReplyDelete
    Replies
    1. GAWA 15:20,28,29.IILAG SA DUGO.KUNG MAG KAGAYON ANG PAG SASALIN NG DUGO NABABATAY BA SA PRINSIPYO NA ITO?BAWAL NGA ANG KUMAKAIN O DIGESTION NA KAHIT LUMABAS SA KATAWAN TRU PAGDUDUMI MAS LALO NA ANG PAG SASALIN SA DUGO NA MANANATILI SA KATAWAN.MALI PO ANG EXPLAINATION SA INC.ANG POINT PO SA ILLUSTRATION NAMIN NA KAININ MAN O ISASALIN ANG DUGO BAWAL YON KASI PINAPASOK MO SA KATAWAN.BAKA MAG TANONG KAYO NA OKAY ANG PAG DONATE SA DUGO KASI PINAPALABAS SA KATAWAN?ANONG PURPOSE NYO BAKIT NAG DODONATE?DIBA PARA IPASOK SA IBANG KATAWAN?

      Delete
    2. Anonymous,

      Tingin ko po hindi ninyo binasa ng maige ang artikulo na nasa itaas. Ipinakita ng Ka. Aerial ang malaking pagkakaiba ng PAGKAIN at PAGSASALIN ng dugo. Ikaw na rin ang nagsabi, ang pagkain o digestion ay lumalabas sa katawan. Ang pagsasalin ay HINDI LUMALABAS. Natural po, kasi paano madadagdagan ang buhay ng nangangailangan ng gayon kung lalabas rin pala? Maliwanag na maliwanag ang sinasabi ng artikulo di po ba? Hindi pinapakain ang dugo dahil eto ay BUHAY. Isinasalin siya upang MADUGTUNGAN ang buhay dahil ang dugo nga ay buhay.

      Pasensya na po pero sadyang tama ang pagpapaliwanag na ginawa ni KAerial. Samantalang ang pagkaunawa ng Saksi Ni Jehovah ay sarili lamang nilang doktrina sa ikapapahamak rin nila.

      --Bee

      Delete
    3. hindi nyo na intindihan ang punto ko, magkaiba ang prosesso sa pag kain kay sa pag dagdag ng dugo.ang punto doon sa gawa 15:28,29 iilag sa dugo'kung ipasok nyo sa katawan tru transfusion naka ilag ka ba?yan po ang tanong, kasi kami mayron pong medical alternative na ginagamit tinatawag sa plasma volume expander 4more detail punta ka sa website namin jw org.yong illustration na ginamit ne sir aerial na tungkul sa alak na sinabi ng kanyang kaibigan na saksi daw mali ang kanyang pakahulogan.kasi hindi namin sinabi pariho ang reaction o proseso.ang punto don sa ilustration,kainin man ang dugo o transfusio pinasok parin sa katawan at hindi nakailag sa prinsipyo sa kasulatan. sabi nya didagdag lang daw ang dugo gaya nang 5ml na baso na tubig sa isang baso.sir aerial hindi naman vitamins ang dugo para tumaas ang platelets o himoglobin ng isang tao.mayron nga akong nakilala kapitbahay namin maraming dugo idinadagdag patay parin kasi hindi tumaas ang kanyang hemoglobin.


      oit

      Delete
    4. yong sinabi pariho ang epekto sa katawan yong alcohol?anong ibig sabihin nito pwedi nyo basahin ang reasoning namin para ma analized nyo kung ano ang ibig sabihin.kasi nan don ang illustration na yon.

      Delete
    5. Anonymous,

      Matanong ko po kayo, ano po ba ang pagka-unawa ninyo sa sinasabi sa talata na "umilag" sa dugo? Iyon po bang huwag kayong madikitan ng dugo? Ganun po ba? Kung hindi, e ano? Dapat po ang Bibliya rin ang magpaliwanag kung ano ang ibig sabihin ni Apostol Pablo noong sinabi niya "umilag sa dugo" ang mga tunay na Kristyano. Iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit pabago-bago ang mga aral ng JW dahil panlupa ang mga pang-unawa. Mabuti pa ay basahin natin sa english translation, heto po:

      Acts 15:28-29 “The Holy Spirit and we have agreed not to put any other burden on you besides these necessary rules: Eat no food that has been offered to idols; eat no blood; eat no animal that has been strangled; and keep yourselves from sexual immorality. You will do well if you take care not to do these things. With our best wishes." [Good News Bible]

      "EAT NO BLOOD". Klaro na po ba? Ganun po ang ibig sabihin ng "pag-ilag" sa dugo, hindi yong parang nakakita ka lang ng dugo ay dapat umiba ka na ng daan o di kaya mag-ingat at baka ka matilamsikan.

      --Bee

      Delete
    6. BEE WEEZER ANG sagot ko ganito:ang pag ka unawa namin ay yon din ang pagkaunawa sa bibliya.kasi kami sumusunod sa bibliya.ang umilag sa dugo ay hindi pwedi kainin o isasalin sa katawan,yong madikitan o yong nakakakita ka ng dugo na umiba ka ng daan itong sinabi mo pakahulogan mo ito, hindi yon ang aming pag ka unawa ,kasi kahit kami ay panlupa ang aming pag asa, malalim o malawak ang aming pag uunawa o pag intindi sa banal na kasulatan bigyan kta ng sampol, sa act 15:28-29 king james version ganito ang pagkasabi sa english: 28,for it seemed good to the holy ghost,ang to us,to lay upon you no greater burden than these necessary things 29,that ye abstain from meat offered to idols,and from blood,ang from thing strangled ang from fornication from which if ye keep yourselves ye shall do well,fare ye well. american standard version,ito ang pagkasabi sa verse 29 that ye abstain from blood, douay version 29,that you abstain from blood,william tyndale version 29,abstain from blood, new world translation of the holy sripture ganito ang pagka sabi 29,to keep abstaining from blood. ngayon anong ibig sabihin ng abstain o abstaining?tingnan mo sa dictionary.sa tagalog umilag,magpigil,umiwas. hindi ako nagtataka bakit ang pagka unawa nyo ay mababaw ,ang gusto ninyo word 4word kasi yan lang ang inyong kaya intindihin.1cor 13:11 nang akoy bata pa,ay nagsasalita akong gaya ng bata,nagdaramdam akong gaya ng bata nag iisip ako ng gaya ng bata:kaya para kayong bata ang inyong pagkaunawa sa bibliya. ang ginamit mo na translation good news bible na ang imprematur si julio r. cardinal rosales june 26,1981 isang arsobishop na printed by pbs 890 united nation avenue,manila,phil itong salin sa ito ay nag tuturo na ang pangalan ny DIOS AY PANGINOON.HINDI NILA NILAGAY ANG YHWH SA SALIN NG BIBLITA SA CHAPTER O VERSES.

      Delete
    7. bee weezer reply,sabihin natin yong eat no blood sa GNV.YON LANG ANG PAGka UNAWA NYO,TANONG SA TALATA BA SA GAWA 15:28-29 SA TRANSLATION NA YONG GINAMIT MAYRON BANG SINABING PWEDI ANG PAGSASALIN NG DUGO?EH KLARO NAMAN WALA BAKIT KAYO kayo nagpapasalin ng dugo?dahil ba ito ay buhay at nakakaligtas ng buhay?marami akong alam na nagpapasalin ng dugo patay dahil sa komplikasyon resulta sa pagsasalin ng dugo, siguro mag tanong kayo sa mga jw mayron bang mababasa sa bibliya sa bawal ang pagsasalin ng dugo?mayron yong sinabi sa gawa 15:20,28-29,21:25 dugo man sa hayop o tao umilag kami na ipapasok sa katawan,kami nakaunawa sa talatang ito mateo 16:25 sapagkat ang sinomang mag ibig iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito:at sinomang mawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon., para sa amin ang dugo ay banal kasi sa heb 9:13-14 dahil sa dugo ni jesus tayo maliligtas dahil sa kanyang blood ramsom, binili tayo dahil sa kanyang dugo.sa mga israel ang dugo ng hayop yon po ang pang tubos sa bawat kasalanan,kayat mas lalong dakila ang dugo ni jesus.kaya ang pagsasalin ng dugo ay maling pamaraan ng paggamit ng dugo bilang pang midesina ngayon marami nang tamang paraan sa paggagamot na medical alternatives,paki tingin sa jw org,na tama ba ang blood transfusion?

      Delete
    8. Anonymous,

      Kung ano lang ang nakasulat, doon lang ang INC, walang labis walang kulang. Hinahanapan mo kami na kung may sinasabi ba sa kasulatan na pwede ang pagsasalin ng dugo? Parang gusto mo pang dagdagan ang nakasulat. Kayo ang nagdagdag dahil sa maling pagkaunawa ninyo, hindi kami. Ang sinasabi ng Bibliya ay ukol sa pagkain ng dugo ... pero sabi ninyo...hindi, kasama ang blood transfusion diyan kasi isang uri rin ng pagkain yan? Sino ngayon ang nagdadagdag?

      Huwag nio po akong pagmamalakihan na nauunawaan po ninyo ang Bibliya dahil sa kung talagang nauunawaan ng inyong mga bulaang tagapangaral, BAKIT PAIBA-IBA ANG MGA PAGKAUNAWA NILA? Ganito ngayon, bukas iba na naman? Kung malalim talaga ang pagkakaunawa ninyo sa Bibliya, bakit bigo lahat ang mga bulaang tagapangaral ninyo sa mga "prophecies" (kuno) nila? Hindi lang minsan kundi sa NAPAKARAMING BESES. Niloloko na kayo ng harap-harapan, nagmamatigas pa rin ang mga ulo ninyo. Ang pinakamasakit, ginagamit nio pa ang Bibliya para pagtakpan lang ang inyong kasinungalingan.

      Paikot ikot lang tayo...ang blood transfusion ay iba sa "pagkain ng dugo" (huwag niyong ipagpilitan) dahil napakaliwanag ng pagkakapaliwanag ni Ka. Aerial ang pagkakaiba ng pagkain ng dugo at ng blood transfusion, maging ang maling ehemplo ninyo sa alak na ininom at kung iturok eto ng diretsa sa ating mga ugat.

      --Bee

      Delete
    9. bee weezer; the only proper use of blood, the mosaic law emphasized the one proper use of blood.regarding the worship required of the ancient israelites,jehovah commanded:the soul of the fhesh is on the blood,and i myself have put it upon the altar for you to make atonement for your soul,bec it is the blood that makes atonement lev 17:11. true christian are not under the mosaic law and therefore do not offer animals sacrifices and put the blood of animal on an altar. how ever the use of blood on the altars in the days of ancient israel pointed forward to the precious sacrifice of god,s son jesus christ heb 10:1. base sa sinulat ko sa ibabaw na nereplyan mo, yong abstain, umilag , umiwas kayat ang pagkain at pagsasalin ng dugo ay labag ng kautosan ng DIOS. MAYRON PONG MGA KRISTOHANON SA UNANG SIGLO NA TUTUL SA PAGKAIN NG DUGO O PAGSASALIN HALIMBAWA; THE CHRONOLOGY OF ANTIENT KINGDOMS AMENDED NI SIR ISAAC NEWTON(DUBLIN) 1728 P. 184 ABSTAIN FROM BLOOD.....THE ECCLESIASTICAL HISTORY NI EUSEBIUS V 1, 26. TERTULLIAN APOLOGY 1X,13-14,AT IBA PA.

      Delete
    10. sabi nyo kung ano ang nakasulat walang labis walang kulang ,kaya ba mga inc naninigirilyo ng yosi kasi walang nakasulat sa bibliya??mayron akong nakilala grabi kung mag yoyosi isang inc,yong druga kaya? ngayon 2cor 7:1 yamang taglay natin ang mga pangakong ito,mga minahal,ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at espiritu na pakasakdalin ang kabanalan sa takoT sa DIOS.MALINAW NILABAG nyo prinsipyo ng kasulatan.

      Delete
  6. Pakitalakay naman po ang tungkol sa mga kulto diumano gaya ng Unification Church ni Sun Myung Moon atbp salamat po at God Bless sa ating lahat :)

    ReplyDelete
  7. ako po'y kasalukuyan nagpapadoktrina po lamang, at nagsusuri po ako, gusto ko lang po malaman kung bakit pwede pong kumain sa inyo ng karne ng BABOY? may nabasa po ako sa bible na HUWAG KAKAIN NG BABOY? ung ibang religion hindi po kumakain ng karne ng BABOY, ANU pong paliwanag nyo ukol po dito?

    ReplyDelete
  8. tanung ko lang po, nais ko lang po malaman kung pwede po ba umanib sa inyo ung mga homosekswal gaya ng tomboy o bakla. kung sakaling may gustong umanib sa inyo na homosekswal tatangapin niyo po ba siya?

    ReplyDelete
    Replies
    1. IAmAMemberOfTheChurchOfChrist15 April 2013 at 21:55

      oo naman, lahat naman tinatanggap eh :) basta ba, maipapangako nya sa kniyang sarili na sya ay lubos ng magbabagong buhay, dahil yun ang kagustuhan ng Ama :)

      Delete
    2. "For God so loved the world that he gave his one and only Son, that WHOEVER believes in him shall not perish but have eternal life." ~ John 3:16, NIV.

      --Bee

      Delete
  9. Totoo po ba ito?

    PASUGO Hulyo 1965, p. 12:

    “Parehong-pareho ang espiritu ni Cristo sa diwa ni Kapatid na Felix Manalo sa pamamaraan ng pagdadala ng tungkuling tinanggap sa Dios." (Jesus's spirit is exactly the same with that of Brother Felix Manalo for fulfilling his duties he accepted from God."

    PASUGO Mayo 1964, p. 1:

    “Inihandog ng Dios ang kanyang sarili sa kanyang huling sugo upang dumiyos sa kanya. Samakatuwid, ang tanging may Dios na huling araw na ito'y ang huling sugo -- si Kapatid na Felix Manalo." (God offered himself to his last messenger so that He (God) may deified in him (Felix Manalo) Therefore the only one who has God in these last days is his last messenger -- Brother Felix Manalo.").

    Makikita sa PASUGO (Iglesia ni Cristo) ay nagsasabi tungkol kay Felix Mano (Huling Mensahero) ng pagkakaroon ng katulad na espiritu ni Kristo.

    Ang Matthew 24:5: ("sapagkat marami ang darating salig sa aking pangalan, na nagsasabi, ‘Ako ang Kristo,’ at ililigaw ang marami.
    ") ay isang babala laban sa mga darating na DECEIVERS pagpapanggap na maging ang mga anghel, propeta, Mesiyas at Felix Manalo ay ganap na magkasya sa kategoryang iyon. Ang Popes sa kasaysayan ay hindi proclaimed ang kanilang sarili bilang naturang.

    At ang Matthew 24.
    At ang (Marcos 13:16) at ang tao na nasa bukid ay huwag bumalik sa mga bagay na nasa likuran upang kunin ang kaniyang panlabas na kasuutan. (Marcos 13:22) Sapagkat ang mga bulaang Kristo at ang mga bulaang propeta ay babangon at magbibigay ng mga tanda at mga kababalaghan upang iligaw, kung maaari, ang mga pinili.

    ay nagsasabi tungkol sa maling messiahs at propeta. Muli si Felix Manalo ay nag-aangking "Huling Mesiyas" at pineperpekto ang "Kaligtasan" na ang sakripisyo ni Jesus sa tulos ay walang saysay at hindi lubos na perpekto at kailangan parin si Felix Manalo upang ito'y lubos na perpekto.

    At ang (Lucas 21:8) Sinabi niya: “Mag-ingat kayo na huwag kayong mailigaw; sapagkat marami ang darating salig sa aking pangalan, na nagsasabi, ‘Ako nga siya,’ at, ‘Ang takdang panahon ay malapit na.’ Huwag kayong sumunod sa kanila.

    kung saan muling pinupunto kay Felix Manalo na manlilinlang sa pamamagitan ng pagpapahayag sa kaniyang sarili bilang ang "Huling Mensahero".

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magkaiba iyong nagpapakilalang Cristo sa pagtulad kay Cristo, hindi kailan man nagpakilalang Cristo ang kapatid na Felix Y. Manalo sa sinoman kapatid man o hindi kapatid sa INC.

      Ang pagsunod sa yapak ni Cristo at pagtulad sa kaniyang paninindigan, pag-ibig sa Diyos, at sa pagdadala niya ng Tungkulin ay hindi lamang iniutos kay Ka Felix kundi dapat sundan ng lahat ng mga kapatid sa INC:

      1 Pedro 2:21 "Sapagka't sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, NA KAYO'Y INIWANAN NG HALIMBAWA, UPANG KAYO'Y MANGAGSISUNOD SA MGA HAKBANG NIYA:"

      Dapat nating sundan ang mga gawa ni Cristo, iba po iyan sa pagpapakilalang siya si Cristo.

      Eh sino po ba ang talagang tahasang nagpakilalang Cristo na siya ring kinatuparan ng sinasabing iyan sa LUCAS 21:8?

      “THE POPE IS NOT ONLY THE REPRESENTATIVE OF JESUS CHRIST, HE IS JESUS CHRIST HIMSELF, hidden under the veil of flesh.” [Catholic National, July 1895]

      Sa Filipino:

      “ANG PAPA AY HINDI LAMANG KINATAWAN NI JESU CRISTO, SIYA AY SI JESU CRISTO MISMO, na nagtatago sa ilalim ng takip ng laman.”

      Ang PAPA sa ROMA ng Iglesia Katolika ang nagpapakilalang Cristo sila ang binabanggit ni Cristo diyan na mga BULAANG PROPETA na darating na nakadamit tupa [Mateo 7:15], na gagayahin ang kaniyang pananamit dahil sa siya ang CORDERO o TUPA ng DIYOS. Napatawag na FATHER o AMA na ipinagbabawal ni Cristo [Mateo 23:9], At IPINAGBAWAL ANG PAG-AASAWA at IPINAG-UTOS na lumayo sa LAMANGKATI o HUWAG KUMAIN ng KARNE [1 Timoteo 4:1,3].

      Ang Papa at ang IGLESIA KATOLIKA ang kinatuparan ng mga sinabing iyan ni Cristo. Kaya nagkakamali ka ng pagkaunawa sa kung kanino tumutukoy ang sinasabi sa LUCAS 21:8.

      Ang PAGSUNOD sa mga YAPAK ni CRISTO, ay isang bagay na dapat ganapin at sundin ng mga TUNAY na SUMASAMPALATAYA sa kaniya.

      Delete
  10. http://www.facebook.com/photo.php?fbid=216420815036466&set=a.158277570850791.41956.100000056485122&type=1&theater&notif_t=photo_reply

    ReplyDelete
  11. AnonymousApr 8, 2012 06:17 PM

    Totoo po ba ito?

    PASUGO Hulyo 1965, p. 12:

    “Parehong-pareho ang espiritu ni Cristo sa diwa ni Kapatid na Felix Manalo sa pamamaraan ng pagdadala ng tungkuling tinanggap sa Dios." (Jesus's spirit is exactly the same with that of Brother Felix Manalo for fulfilling his duties he accepted from God."

    PASUGO Mayo 1964, p. 1:

    “Inihandog ng Dios ang kanyang sarili sa kanyang huling sugo upang dumiyos sa kanya. Samakatuwid, ang tanging may Dios na huling araw na ito'y ang huling sugo -- si Kapatid na Felix Manalo." (God offered himself to his last messenger so that He (God) may deified in him (Felix Manalo) Therefore the only one who has God in these last days is his last messenger -- Brother Felix Manalo.").

    Makikita sa PASUGO (Iglesia ni Cristo) ay nagsasabi tungkol kay Felix Mano (Huling Mensahero) ng pagkakaroon ng katulad na espiritu ni Kristo.

    Ang Matthew 24:5: ("sapagkat marami ang darating salig sa aking pangalan, na nagsasabi, ‘Ako ang Kristo,’ at ililigaw ang marami.
    ") ay isang babala laban sa mga darating na DECEIVERS pagpapanggap na maging ang mga anghel, propeta, Mesiyas at Felix Manalo ay ganap na magkasya sa kategoryang iyon. Ang Popes sa kasaysayan ay hindi proclaimed ang kanilang sarili bilang naturang.

    At ang Matthew 24.
    At ang (Marcos 13:16) at ang tao na nasa bukid ay huwag bumalik sa mga bagay na nasa likuran upang kunin ang kaniyang panlabas na kasuutan. (Marcos 13:22) Sapagkat ang mga bulaang Kristo at ang mga bulaang propeta ay babangon at magbibigay ng mga tanda at mga kababalaghan upang iligaw, kung maaari, ang mga pinili.

    ay nagsasabi tungkol sa maling messiahs at propeta. Muli si Felix Manalo ay nag-aangking "Huling Mesiyas" at pineperpekto ang "Kaligtasan" na ang sakripisyo ni Jesus sa tulos ay walang saysay at hindi lubos na perpekto at kailangan parin si Felix Manalo upang ito'y lubos na perpekto.

    At ang (Lucas 21:8) Sinabi niya: “Mag-ingat kayo na huwag kayong mailigaw; sapagkat marami ang darating salig sa aking pangalan, na nagsasabi, ‘Ako nga siya,’ at, ‘Ang takdang panahon ay malapit na.’ Huwag kayong sumunod sa kanila.

    kung saan muling pinupunto kay Felix Manalo na manlilinlang sa pamamagitan ng pagpapahayag sa kaniyang sarili bilang ang "Huling Mensahero".....................ito po ay tanong ng jw kapatid pakipuntahan nalang po dito http://www.facebook.com/photo.php?fbid=216420815036466&set=a.158277570850791.41956.100000056485122&type=1&theater&notif_t=photo_reply
    Reply

    ReplyDelete
  12. Mga Saksi Ni Jehovah Ako naman po panauhing Veljo R Somira ang magtatanong.
    Paanong si Felix Manalo ang naging "ibong mandaragit" at nasaan po ang Jerusalem? yan po ay tanong kapatid ng saksi pde po bang pakisagot...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Punta po kayo sa LINK na ito at masasagot ang inyong katanungan:

      "ANG SUGO NG DIYOS SA MGA HULING ARAW PART 1"

      Nandiyan po ang KUMPLETONG PALIWANAG.

      God bless to all...

      Delete
    2. jw po ako, gusto kung itanong sa inyo, kailan na tatag ang iglisya ni cristo at sino ang nag tatag? ang gusto ko. yong totoong sagot ha , halimbawa ang sagot nyo si jesukristo ang nag tatag,kailan yon? sa hindi pa natatag ang iglisya ni cristo na si jesus ang founder, si jesus ba at si juan bawtista walang relihiyon?kung mayron man anong relihiyon yon? anong ibig sabihin ng iglisya?maghihintay ako sa sagot mo.

      Delete
  13. maraming salamat kapatid at ginawa mo p ng topic iung tanong ko.. god bless.. :D

    ReplyDelete
  14. regarding sa topic na ito, pwede po bang paki paliwanag kung yung mga kaluluwa ng mga pangunahing bunga po ba ay nasa langit n na kasama ni Cristo? gaya ng mababasa sa Apocalipsis 6:9-11

    "9At nang buksan niya ang ikalimang tatak, ay nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumakanila: 10At sila'y sumigaw ng tinig na malakas, na nagsasabi, Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, hindi mo hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo, sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa? 11At binigyan ang bawa't isa sa kanila ng isang maputing balabal; at sa kanila'y sinabi, na mangagpahinga pa ng kaunting panahon, hanggang sa maganap ang bilang ng kanilang mga kapuwa alipin at ng kanilang mga kapatid, na mga papatayin namang gaya nila."

    jan po nakaka usap nila si Cristo.

    At sa Apo 12:5

    5At siya'y nanganak ng isang anak na lalake, na maghahari na may panghampas na bakal sa lahat ng mga bansa: at ang kaniyang anak ay inagaw na dinala hanggang sa Dios, at hanggang sa kaniyang luklukan"

    pagkapanganak sa bata ay dinala hangang sa luklukan ng Dios.

    at sa bandang ibaba ng chapter ay saka palang binaka ng dragon ang mga nalalabi sa binhi ng babae.

    paki paliwanag po ang mga ito salamat po. ang personal email ko po ay skeptical23@hotmail.com. salamat po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. KUNG GUSTO KANG MALINAWAGAN MAG TANONG KA SA SAKSI NI JEHOVA KAMI MAKAKASAGOT SA INYO YONG TAMANG SAGOT BASE SA BIBLE. SALAMAT

      Delete
    2. Anonymous,

      Nagawa ko na po yan bago ako naging INC. Salamat po sa Diyos at pinagbigyan ko po ang ministro ng INC na makinig rin sa mga aral nila at napaghambing ko. Dahil sa INC, napatunayan ko ang kabulaanan ng JW na pilit nilang tinatago sa mga bago nilang nabibiktima.

      Kayo po, napagbigyan nio na po ba ang INC? Subukan nio rin po kung talagang KATOTOHANAN ang hanap niyo. Unless kung sarado na ang utak ninyo o dala na lang ng inyong pride. Pero kung katotohanan ang hanap natin, dapat bukas ang isipan natin sa aral ng iba at nang maipaghambing natin kung alin talaga ang totoo sapagkat pareho nating alam na ang katotohanan lamang ang tunay na magpapalaya sa atin.


      --Bee

      Delete
    3. hindi palang ako saksi ne jehova,alam kona ang mga mali ng turo ng inc,gaya ng si jesus ay tao lamang hindi nyo alam ang kanyang simula,gaya ng john1:1,kami sang ayon na si jesus ay tao sa talata juan8:40 pro sa wala pa nag anyo si jesus bilang tao saan sya nanggaling? tulad rin ng turo ninyo na ang lahat ay papunta sa langit,ano ba ang purpose ng DIOS BAKIT GINAWA NYA ANG LUPA?SAGOT SA ISAIAS 45:18, GEN 1:28-30, ISAIAS 55:11.BAKIT SI ADAN AT EVA NILIKHA BA SILA NG DIYOS PARA PATUNGONG LANGIT?KLARO NAMAN NA HINDI,KASI MAY MGA ANGHEL NA DOON NAKATIRA SA LANGIT,YONG PAPUNTA SA LANGIT MAY PURPOSE YON KUNG BAKIT SILA PAPUNTA SA LANGIT 1PETER2:5,9. REVELATION 5:9-10.SI JUAN BAWTISTA NGA HINDI MAKAPUNTA NA LANGIT KAYO PA?MATEO 11:11 HINDI SYA KABILANG NA MAGING SASERDOTE NI JESUS. KAYA NGA YONG SINASALIKSIK KO YONG ARAL NYO NAKU MARAMING MALI NA TURO.

      Delete
    4. kaya ngat sa pag bahay bahay namin dito sa leyte maraming mga inc na sirado na ang kanilang isipan,natatakot sa mga jw, yong paninira nyo sa mga president namin na c t.c russel,at j.f rutheford propaganda lang nyo yan,ang tunay na iglesia na tinatag ni jesus ay yong nakasulat sa bibliya,alam nyo ba maraming chruch of christ na huwad ngayon?mateo 24:5.kung anong relihiyon ni jesus ganon din ang kanyang mga alagad revelation 1:5,gawa 1:8 so klaro na ang genuin o tunay na iglesia mga kristohanong mga saksi ni jehova.tika ano bang relihiyon ni juan bawtista?iglesia ba na tinatag noong 1914?aba hindi ho saksi ni jehova po sya,baka mag tanong kayo basahin nyo sa bibliya letra 4 letra na sila ay saksi ni jehova?sino ang nag sugo kay juan?diba ang DIOS?ANONG PERSONAL NAME NG DIOS?JEHOVA SALMO 83:18 KJV.NWTHOLY SCRIPTURE ,KAYA ANG MODERNONG MGA SAKSI NGANON KAROGTONG KAMI SA ISAIAS 43:10-12.AT GAWA 1:8,15:14.


      ;

      Delete
  15. bkit ndi po bumoboto ang mga saksi?

    ReplyDelete
    Replies
    1. santiago 2:1 mga kapatid ko,yayamang mayroon kayong pananampalataya ng ating panginoon jesu cristo,na panginoon ng kaluwalhatian ag huwag magtatangi sa mga tao,yan po ang sabi ng biblia, santiago 1:27ang dalisay na relihiyon at walang dungis sa harapan ng ating DIOS AMA AY WALANG DUNGIS SA SANGLIBUTAN.SA INYONG PALAGAY SANG AYON BA KAYO NA ANG POLITICS AY NANG DYAN ANG KATIWALIAN AT MADUNGIS? ECC 8:9 ANG TAO NA MAY KAPANGYARIHAN SA ISA KANYANG KAPAHAMAKAN,ANG TUNAY NA RELIHIYON AY HINDI BUMUBUTO PANAHON SA ELECTION,NGAYON ANONG RELIHIYON NA NEUTRAL SA POLITICS?

      Delete
    2. Ipinag-uutos ba ng Diyos na tayo'y sumunod sa mga batas ng Pamahalaan dito sa lupa?
      Sa I Ped. 2:13-14, ganito ang pahayag ng Diyos sa pamamagitan ni Apostol Pedro:

      “Kayo'y pasakop sa bawa't palatuntunan ng tao alangalang sa Panginoon: maging sa hari, na kataastaasan;

      “O sa mga gobernador, na sinugo niya sa panghihiganti sa nagsisigawa ng masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti.”

      Utos ng Diyos pasakop sa bawa’t palatuntunan ng tao o sa batas ng Pamahalaan. Ano ba ang nagagawa sa harap ng Diyos ng mga taong lumalabag sa batas ng Pamahalaan? Bakit ba nagkaroon ng mga may kapangyarihan? Sa Roma 13:1-2, ganito ang mababasa:

      “Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios.

      “Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili.”

      ANG HINDI PAGBOTO NG MGA SAKSI NI JEHOVAH ANG NAGPAPATUNAY NA KAYO AY HINDI SA DIOS, ANG HINDI PAGPAPASAKOP SA GORBYERNO EH HINDI SA DIOS. ANG PAGBOTO AY KATUNGKULAN NATIN BILANG ISANG MAMAMAYAN NA IPINATUTUPAD NG NASA GOBYERNO NATIN, BAKIT HINDI KAYO NGPAPASAKOP?

      Delete
    3. roma 13:6 nagpapasakop kami sa relatibong pagpasakop gaya ng nagsisibayad ng buwis,at iba pang mga requirement,lisince,cedulla,mga clerances at iba pa.pero ang mga saksi hindi maki sawsaw sa politika, juan 17:15-16 hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanglibotan,kung di ingatan mo sila mula sa masama,16,hindi sila taga sanglibutan na gaya ko naman na hindi taga sanglibutan'...juan 6:15-nang mapaghalata nga si jesus na silay magsisilapit at siyay gawing hari,ay muling nagbalik sa bundok na nag iisa...klaro na si jesus hindi nakisawsaw sa politika.alam nyo ba kung sinosino relihiyon na belong sa rev 17:5 hiwaga ,dakilang babilonia,ina ng mga patutot at mga kasuklamsuklam sa lupa?sinosino bang relihiyon ngayon nakipag sabwatan?nagsusuporta?diba kabilang ang inc? gawa 5:29-datapuwat nagsisagot si pedro at ang mga apostol at nangagsasabi,dapat muna kaming magsitalima sa DIOS BAGO SA MGA TAO.WE OUGHT to obey GOD rather than men. tanong: alin ang sundin nyo kung magdigmaan ang pilipinas vs ibang bansa?patayin nyo ba ang katulad yong inc na sundalo sa ibang bansa dahil sa utos sa pamahalaang pilipinas?paki sagot naman ho.

      Delete
    4. kaya sa world war 1 at 2 maraming mga naglalaban sa didmaan catholic vs catholic,islam vs islam protestant vs protestant hanggang ngayon nangyari parin inc vs inc add vs add at marami pang iba.nag iisa lamang ang hindi sumasali sa digmaan mga saki ni jehova ang tunay na relihiyon.

      Delete
  16. bro.aerial pki gwan nyu naman po ng paksa about sa mg mormons at ung mga aral nila.

    ReplyDelete
  17. Ayon po ba sa Biblia Ang Cremation?

    ReplyDelete
  18. PAGSASALIN NG DUGO - ALAMIN ANG TOTOO

    Ang pagsasabing magkaiba ang "pagsasalin" ng dugo at ang "pagkain" ng dugo ay totoo naman batay sa kung paano ito ginagawa. Pero, lalabag pa rin ang mga ito sa utos na "umiwas sa dugo." Magkaiba man ang paraan, pero ang malinaw, kumukuha ka ng dugo mula sa iba at ipinapasok ito sa katawan mo. Kaya sa seryosong pagsusuri hinggil sa dugo, walang pagkakaiba ang pagsasalin at pagkain kung prinsipyo ng Bibliya ang pag-uusapan.

    Ang paliwanag dito ay hindi kumpleto at mali pa. Ang totoo, unting-unti nang nauunawaan ng medikal na siyensiya ang mga panganib sa pagsasalin ng dugo. Baka ikatuwiran: "Hindi ba't may nabubuhay kapag sinalinan ng dugo?" Oo, pero ang katotohanan, meron ding nabubuhay kahit walang pagsasalin ng dugo. Hindi alam ng INC na may mga alternatibo na bilang pamalit sa purong dugo na siyang ginagamit upang gamutin ang mga pasyente. Suportado ito ng malalaking medikal na institusyon sa daigdig. Nakagawa ang mga Saksi ni Jehova ng tatlong-seryeng dokumentaryo na tumatalakay sa mga alternatibong ito, anupat nagsusulong ng pag-oopera nang walang pagsasalin ng dugo. Nagbibigay-pansin ang mga tao sa mensahe ng video na ito. Halimbawa, pagkatapos panoorin ang programa noong huling bahagi ng 2001, ang National Blood Service (NBS) sa United Kingdom ay nagpadala ng liham kalakip ang isang kopya ng video na ito sa lahat ng manedyer ng mga blood bank at espesyalista sa dugo sa buong bansa. Pinasigla sila na panoorin ang programa dahil sa “unti-unti nang kinikilala na ang isa sa mga tunguhin ng mahusay na paggagamot ay iwasan ang pagsasalin ng dugo hangga’t maaari.” Kinilala ng liham na “ang pangkalahatang mensahe [ng video] ay kapuri-puri at lubos na sinusuportahan ng NBS.”


    Bisitahin ang mga URL na ito:

    http://www.jw.org/tl/saksi-ni-jehova/faq/saksi-ni-jehova-hindi-nagpapasalin/
    - sagot kung bakit hindi nagpapasalin ng dugo ang mga Saksi ni Jehova

    http://www.jw.org/tl/turo-ng-bibliya/tanong/bibliya-tungkol-pagsasalin-ng-dugo/
    - sagot kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagsasalin ng dugo

    http://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102006282
    - kung ano ang sinasabi ng mga eksperto sa medisina tungkol sa pagsasalin ng dugo

    ReplyDelete
  19. KUNG GUsTO NYO NG KAALAMAN punta kayo sa www jw org.com marami kayong matutunan.


    salamat po!

    ReplyDelete
    Replies
    1. talaga lang ha?bakit ako lang ang sinabihan mo na ignorante?

      ahammm....baka gusto mo ng remacth? para makita kung sinong sa atin ang ignorante?hehehe

      Delete
    2. correction to shyllacsjw...

      jw.org/tlg
      jw.org/eng

      shyllacsjw...hehehe

      Delete
  20. Hindi ko po talaga naiintindihan kung pano ang mga INC nakaka ILAG sa dugo kung sila ay nagpapasalin naman. Sana may mas komprehensibong paliwanag po kayo kasi nasa Gawa 15:29 yan, klarong klaro po. Mini-mislead nyo po ang mga tao.

    ReplyDelete
  21. biblically and scientifically proven that Life is in the blood.
    But what the bible wants to forbid is the consuming of animal blood.
    bec it contains some impurities that might transfer to one's system and fell ill.

    ReplyDelete
    Replies
    1. anong punto mo?against ka ba sa blood transfusion?

      Delete
  22. SI KRISTO AY NAG-ALAY NG SARILING DUGO SA PAGTUBOS NG ATING KASALANAN DAHIL SIYA ANG HAING PANTUBOS (Mateo 20:28) (1 Timoteo 2:5,6) (Roma 5:6-8) (Juan 1:29) (1 Pedro 1:18,19). Malaki ang pagkakaiba nito ni kaunting kahalintulad man sa pag-donate ng dugo at sa dugo na ibinuwis sa mga digmaan ng tao.

    BATAS NA MAY KINALAMAN SA DUGO

    Mariing iginiit ang "PAG-IWAS SA DUGO" na ating mababasa sa -Gawa 25: 28 at 29:

    "28. Sapagkat minagaling ng banal na espiritu at namin mismo na huwag nang magdagdag ng higit pang pasanin sa inyo, maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan, 29. na 'PATULOY NA UMIWAS' sa mga bagay na inihain sa mga idolo 'AT SA DUGO' at sa mga bagay na binigti at sa pakikiapid. Kung pakaiingatan ninyo ang inyong sarili sa mga bagay na ito, kayo ay uunlad. Mabuting kalusugan sa inyo!”

    Samakatuwid, bilang isang Kristiyano ay dapat tayong puspusang "SUMUNOD" sa ipinag-uutos sa atin ng mga talata sa itaas, mas lawakan pa natin ng pagkaunawa at hindi lamang sa pagkain kundi maging ng "PAGPASOK" nito sa "SISTEMA NG ATING KATAWAN" sa ANUMANG PARAAN, sa ANUMANG KONSEPTO at sa anumang interpretasyon ng salitang ipinag-uutos sa atin na "KINAKAILANGAN", "PATULOY NA UMIWAS" sa "DUGO" upang sa Diyos na Jehovah"יַהְוֶה " TAYO AY HINDI MAGKULANG... (Awit 119: 1, 79, 80) (ROMA 7:12) (KAWIKAAN 1:7)

    Samakatuwid, ang pagsasalin ng dugo ay nagpapanggap na mabuti dahil nagawa mong "PANSAMANTALA" na madugtungan ang kasalukuyan mong buhay ngunit dahil sa PAGSUWAY SA BATAS ng Diyos patungkol sa dugo ay maari mong maiwala ang buhay na walang hanggan... Isaalang-alang ang "TALINGHAGA" ng bible verse sa
    Mateo 16: 25 - "Sapagkat ang SINUMANG NAGNANAIS MAGLIGTAS NG KANIYANG KALULUWA ay MAWAWALAN nito; ngunit ang sinumang mawalan ng kaniyang kaluluwa ALANG-ALANG SA AKIN ay MAKASUSUMPONG nito."

    17. "Ang taong napabibigatan ng PAGKAKASALA SA DUGO DAHIL SA ISANG KALULUWA ay TATAKAS DIN PATUNGO SA HUKAY. Huwag nila siyang pigilin. 18. Siyang lumalakad nang "WALANG PAGKUKULANG" ay "MALILIGTAS", ngunit siyang liko sa kaniyang mga lakad ay biglang mabubuwal" (Kawikaan 28: 17, 18).

    Ibig sabihin nito ay kung hindi ka magpapasalin ng dugo at susundin ang pamantayan ng Diyos patungkol sa dugo at magtitiis sa magiging resulta nito. Maaring ikamatay mo man ang hindi pagsalin ng dugo. PERO ano ang maari mong matamo? Dahil sa taglay nating kaalaman at sa pagsunod sa pamantayan ng Diyos na Jehovah"יַהְוֶה " ay matatamo natin ang "Buhay na walang hanggan"...
    (MATEO 24:13, JUAN 17:3)

    ReplyDelete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network