Showing posts with label Lupang Paraiso. Show all posts
Showing posts with label Lupang Paraiso. Show all posts

Monday, 16 April 2012

144,000 na Tao nga lang ba ang Makapupunta sa Langit? (Part 2)

Ang "LUBHANG KARAMIHAN" mga taong hindi aakyat sa Langit,
kundi mananatili lamang sa Lupa ayon sa mga SAKSI ni JEHOVA

       IPAGPAPATULOY po natin ang pagsagot tungkol sa isyung ito na nirequest ng isang ANONYMOUS sa ating Blog. Atin pong nasagot sa nakaraang post ang tungkol sa tamang kahulugan ng Lucas 12:32, na ang MUNTING KAWAN na tinutukoy sa talata na pagkakalooban ng AMA ng KAHARIAN na ang tinutukoy ay KAHARIAN NG LANGIT ay mga KAANIB ng IGLESIA NI CRISTO noong FIRST CENTURY, sapagkat ang KAWAN ay siya rin iyong IGLESIA na ipinakikilala ng Biblia. Wala pong mababasa sa Biblia na mga SAKSI NI JEHOVA ang mga iyon. Maliwanag po sa Biblia na sila ang mga kaanib ng UNANG IGLESIA na itinatag ni Cristo sa Jerusalem noong Unang Siglo [33A.D.].

Atin din pong napatunayan na hindi lamang sila ang may pangako na makakapasok sa KAHARIAN ng LANGIT dahil niliwanag ni Cristo na ang sinomang tao na gaganap sa kalooban ng AMA na nasa langit ay makapapasok rin sa kaharian ng Langit [Mateo 7:21]. Kaya po napakaliwanag na hindi lamang sa MUNTING KAWAN ibibigay ang KAHARIAN, kundi sa lahat ng tao na papayag na ganapin ang kalooban ng Diyos na matipon ang lahat kay Cristo na ito nga po ay sa pamamagitan ng PAGSANGKAP o PAGANIB sa kaniyang KATAWAN o IGLESIA, na ito nga po ay ang IGLESIA NI CRISTO na ipinakikilala ng Biblia.


Mga Saksi ni Jehova ba ang 144,000?

Ngayon atin naman pong puntahan ang kasunod na talata na kaniyang ibinigay ang Apocalypsis 14:1 at 3, basahin po natin:

Apocalypsis 14:1  “At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya'y ISANG DAAN AT APAT NA PU'T APAT NA LIBONG may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo.”

 Apocalypsis 14:3  “At sila'y nangagaawitan na wari'y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang ISANG DAAN AT APAT NA PU'T APAT NA LIBO LAMANG, SA MAKATUWID AY SIYANG MGA BINILI MULA SA LUPA.”

Dito may binabanggit na bilang ng mga tao na ISANG DAAN AT APAT NA PU’T APAT NA LIBO o 144,000 na mga tao na nagtataglay ng PANGALAN ni Cristo at PANGALAN ng AMA, at kitang-kita po sa mga TALATANG iyan na wala naman pong mababasa na sila lang ang makapapasok sa Langit, hindi po ba?

Ngunit ang maliwanag na sinasabi sa talata na sila iyong mga tao na BINILI MULA SA LUPA. Samakatuwid sila ay mga taong BINILI o TINUBOS ng DUGO ni Cristo.

Apocalypsis 5:9  “At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't IKAW AY PINATAY, at BINILI MO SA DIOS NG IYONG DUGO ANG MGA TAO sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa.”

At nabasa na natin sa nakaraan na ang BINILI o TINUBOS ng DUGO ni CRISTO ay ang mga KAANIB sa kaniyang IGLESIA o IGLESIA NI CRISTO [Gawa 20:28, Lamsa Version]. Kaya muli na naman po nating napatunayan sa pamamagitan ng Biblia, at hindi sa pamamagitan ng kuro-kuro o pala-palagay, na ang 144,000 ay mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO at hindi miyembro ng mga SAKSI NI JEHOVA. Dahil nagkaroon lamang po ng pangalang “SAKSI NI JEHOVA” noong 1931, hindi po iyan ang pangalan ng kanilang samahan noong magsimula ito sa America noong 1870, sila po ay kilala lamang sa pangalang BIBLE STUDENTS noon sa pangunguna ng kanilang founder na si CHARLES TAZE RUSSELL, na isang dating Adventist.

Bukod pa doon ang mga KAANIB ng IGLESIA NI CRISTO ang talagang nagtataglay ng PANGALAN ni Cristo at ng PANGALAN ng AMA eh. Basahin natin ang sinabi ni Cristo:

John 17:11  “And now I am coming to you; I am no longer in the world, but they are in the world. Holy Father! KEEP THEM SAFE BY THE POWER OF YOUR NAME, THE NAME YOU GAVE ME, so that they may be one just as you and I are one.” [Good News Bible]

Sa Filipino:

Juan 17:11  “At ngayon ako’y papunta na sa iyo; Wala na ako sa sanglibutan, ngunit nasa sanglibutan pa sila.  Amang Banal! INGATAN MO SILA SA KAPANGYARIHAN NG IYONG PANGALAN, ANG PANGALANG IBINIGAY MO SA AKIN, upang sila’y maging isa na gaya natin na iisa.”

Napakaliwanag po na ang PANGALAN na ibinigay ng Diyos kay JESUS ay PANGALAN ng Diyos, hindi pansariling PANGALAN ng Diyos, kundi PANGALANG PAGAARI ng Diyos.  Alin po ang PANGALANG iyon?

Gawa 4:12  “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't WALANG IBANG PANGALAN sa silong ng langit, NA IBINIGAY SA MGA TAO, na sukat nating ikaligtas.”

Gawa 2:36  “Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na GINAWA NG DIOS NA PANGINOON AT ‘CRISTO’ ITONG SI JESUS na inyong ipinako sa krus.”

Ang pangalang CRISTO ang pangalan na pag-aari ng Diyos na ibinigay kay JESUS na ibinigay naman sa mga tao, at ang nagtataglay ng Pangalang CRISTO ay nagtataglay ng pangalang ikaliligtas. Ito lamang ang pangalang ibinigay ng Diyos na dapat taglayin ng tao.

Kaya nga napakaliwanag eh, kaya nga IGLESIA NI CRISTO ang tawag dala-dala nila o taglay nila ang pangalan ng Cordero na pangalang pag-aari ng Diyos, ang pangalang CRISTO, at hindi po JEHOVA ang sinabi ng Biblia.

Ang maliwanag pong mababasa sa Biblia ay ang PANGALANG “IGLESIA NI CRISTO” sapagkat ito po ay pangalang umiral na noon pang nandirito si Cristo sa lupa at nabubuhay pa ang mga Apostol. At pinatutunayan iyan maging ng isang PARI ng Iglesia Katolika, na nagsuri ng kasaysayan.

“Did Jesus Christ establish a Church? Yes, from all history, both secular and profane, as well as from the Bible considered as a human document, WE LEARN THAT JESUS CHRIST ESTABLISHED A CHURCH, WHICH FROM THE EARLIEST TIMES HAS BEEN CALLED AFTER HIM the Christian Church or THE CHURCH OF CHRIST… this church, founded and organized by Jesus Christ and preached by the apostles, is THE CHURCH OF CHRIST,… IT IS THE ONLY TRUE CHURCH AND THE ONE WHICH GOD ORDERS ALL MEN TO JOIN.” [Religion: Doctrine and Practice, by Rev. Francis Cassily, pages. 442-443 and page 444]

Salin sa Filipino:

“Si Jesu Cristo ba ay nagtatag ng isang Iglesia? Oo, mula sa lahat ng kasaysayan, kapuwa pangsanglibutan at hindi pangkabanalan, lalo na mula sa Biblia na itinuturing na isang dokumentong makatao, ATING NATUTUNAN NA SI JESU CRISTO AY NAGTATAG NG ISANG IGLESIA, NA MULA SA MGA UNANG PANAHON AY TINAWAG NG SUNOD SA KANIYA ang Iglesia Cristiana o ang IGLESIA NI CRISTO…ang Iglesiang ito, itinatag at binalangkas ni Jesu Cristo at ipinangaral ng mga apostol, ay ang IGLESIA NI CRISTO,…ITO LAMANG ANG TUNAY NA IGLESIA NA PINAGUTOS NG DIYOS NA ANIBAN NG LAHAT NG TAO.”

Maliwanag na pinatutunayan maging ng Paring ito ng Iglesia Katolika na si Cristo batay sa lahat ng kasaysayan lalo na batay sa Biblia, ay nagtayo ng isang IGLESIA na tinawag ng sunod sa kaniya ang IGLESIA NI CRISTO.

Wala po tayong mapagbabatayang Biblia, o kahit na ano pa mang aklat ng History na magpapatunay na ang samahan na itinatag ni Cristo ni ang mga UNANG CRISTIANO ay tinawag sa pangalang  “MGA SAKSI NI JEHOVA”, Dahil una wala naman pong salitang JEHOVA sa alin mang sinauang manuskrito ng Biblia na nasa wikang Hebreo, Aramaiko, at Griego. Ang Pangalang JEHOVA ay pangalang ginawa o galing lamang sa SIMBAHANG KATOLIKO.


Para sa karagdagang kaalaman magpunta po kayo sa LINK na ito:



At alam niyo po ba ang isa pa sa kakaibang paniniwala nila tungkol sa 144,000?  Naniniwala po sila na hanggang sa kasalukuyang panahon ay may nabubuhay pa sa kanila. At sila iyong tinatawag nilang mga REMNANTS o MGA NALABI, at sila lamang ang may karapatang tumanggap o bumahagi sa TINAPAY at KATAS ng UBAS sa panahon ng kanilang tinatawag na MEMORIAL na sa INC naman ay tinatawag na BANAL NA HAPUNAN. Kaya nung minsan akong naimbitahan sa kanilang memorial ay ni isa sa kanila ay walang kumuha ng tinapay o uminom sa kopita na may katas ng ubas, ang umiinom lang daw doon ay ang mga REMNANT na kabilang sa 144,000, narito ang paliwanag nila:

"144,000 ANOINTED. HOW MANY ARE THERE LEFT THAT IS STILL ALIVE TODAY?"


8,570 partook of the bread and wine in 2004 

"WHEN DID THE 144,000 ANOINTED COMPLETED AND FULLFILLED THE NUMBER OF 144,000?"

EVIDENTLY, THE GATHERING OF THESE WAS VIRTUALLY COMPLETE BY 1935. Then “a great crowd, which no man was able to number, out of all nations and tribes and peoples and tongues, standing before the throne and before the Lamb.” (Revelation 7:9-17) began to be collected in.

Increasing numbers (at that time) of those who heeded the message and who showed zeal in the witness work came to profess an interest in living forever on the Paradise earth. THEY HAD NO DESIRE TO GO TO HEAVEN. That was not their calling. They were no part of the little flock but rather of the other sheep. (Luke 12:32; John 10:16) Their being identified in 1935 as the great crowd of other sheep was an indication that the choosing of the 144,000 was then about complete.



Lumalabas sa kanilang paliwanag na nakumpleto ang pagtatatak sa 144,000 noong 1935, pagkatapos ng taong iyon ang sumunod naman na mga pinili ay ang LUBHANG KARAMIHAN na ayon sa kanila ay hindi naghahangad na manirahan sa LANGIT.

Kitang-kita din po sa kanilang paliwanag na noong 2004 ay mayroong 8,570 na mga tao ang bumahagi o tumanggap sa kanilang MEMORIAL, maliwanag kung gayon na mayroon pang 8,570 na kabilang sa 144,000 umano ang nabubuhay pa sa panahon natin.

Kaya lumalabas sa kanilang paliwanag:

Mula 1870 hanggang 1935 Pagtatatak at pagpili sa 144,000 na maninirahan sa LANGIT.

Mula 1935 hanggang sa panahon natin ngayon ay ang pagpili naman sa LUBHANG KARAMIHAN na maninirahan sa LUPA.

Eh kung ikaw ay isang kapapanganak pa lang na sanggol noong 1935 at isa ka sa REMNANT. lumalabas na ang edad mo noong tumanggap ka sa MEMORIAL noong 2004 ay 69 years old. Eh paano iyong ang edad ay 30 anyos na noong 1935, lalabas kung gayon na ikaw ay 99 years old na nang bumahagi ka sa MEMORIAL noong taon na iyon.

Klaro ang kanilang pagkakaunawa na hanggang ngayon ay may nabubuhay pa sa mga taong kabilang sa 144,000 na tinutukoy sa Banal na Kasulatan. Totoo kaya ito?


144,000 na ipinakikilala ng Biblia posible bang nabubuhay pa sa panahon natin?

Sino ba talaga iyong mga taong ito na kabilang sa 144,000, posible po ba na sila ay buhay pa sa panahon natin ngayon?

Basahin po natin ang pagpapakilala sa kanila ng Biblia:

Apocalypsis 14:3  “At sila'y nangagaawitan na wari'y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang ISANG DAAN AT APAT NA PU'T APAT NA LIBO lamang, sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa.”

Apocalypsis 14:4  “Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga malilinis. At ANG MGA ITO'Y ANG NAGSISISUNOD SA CORDERO SAAN MAN SIYA PUMAROON. ANG MGA ITO'Y ANG BINILI SA GITNA NG MGA TAO, na naging mga PANGUNAHING BUNGA sa Dios at sa Cordero.”

Ang 144,000 po na mga taong ito ay imposible po na buhay pa sa panahon natin dahil sila po ang mga PANGUNAHING BUNGA sa DIYOS at sa CORDERO, sila po iyong personal na nakasama ng Panginoon at sumunod sa kaniya saan man po siya pumaroon noong nandirito pa siya sa lupa. Sila po ang PANGUNAHING BUNGA ng gawain ng Panginoong Jesus sa bansang ISRAEL.

Sa madaling salita gaya po ng ating napag-aralan sa nakaraan, sila ang mga unang naging mga CRISTIANO o unang mga naging kaanib sa UNANG IGLESIA.

At dahil po sa ang gawain ni Cristo ay Unang lumaganap sa dako ng mga JUDIO kaya ang 144,000 na binabanggit ay mga LAHING JUDIO o LAHING ISRAELITA po lamang, gaya ng ating mababasa sa talatang ito:

Apocalypsis 7:4  “At narinig ko ang bilang ng mga natatakan, na ISANG DAAN AT APAT NA PU'T APAT NA LIBO, na NATATAKAN, SA BAWA'T ANGKAN NG MGA ANAK NI ISRAEL:”

Klarong-klaro po iyan mga kaibigan, na ang 144,000 ay MGA LAHING ISRAELITA.  Na mula sa labingdalawang angkan ng mga anak ni Jacob o ni Israel, gaya ng ating mababasa sa susunod:

Apoc 7:5  “Sa angkan ni JUDA ay LABINGDALAWANG LIBO ang tinatakan; Sa angkan ni RUBEN ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni GAD ay LABINGDALAWANG LIBO;”

Apoc 7:6  “Sa angkan ni ASER ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni NEFTALI ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni MANASES ay LABINGDALAWANG LIBO;”

Apoc 7:7  “Sa angkan ni SIMEON ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni LEVI ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni ISACAR ay LABINGDALAWANG LIBO;”

Apoc 7:8  “Sa angkan ni ZABULON ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni JOSE ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni BENJAMIN ay LABINGDALAWANG LIBO ang tinatakan.”

Atin pong i-summarize:

JUDA          =      12,000
RUBEN      =      12,000
GAD            =     12,000
ASER          =     12,000
NEFTALI   =      12,000
MANASES =       12,000
SIMEON     =      12,000
LEVI            =     12,000
ISACAR       =      12,000
ZABULON  =       12,000
JOSE            =      12,000
BENJAMIN =      12,000
_____________________________
                           144,000

Sila po ang mga NATATAKAN na mga LAHING ISRAELITA. Kaya po maliwanag na hindi maaaring buhay pa sa panahon natin ang mga taong ito dahil sila po ay ang mga UNANG naging KAANIB sa IGLESIA noong UNANG SIGLO na NATATAKAN ng ESPIRITU SANTO matapos na sila ay makapakinig at sumampalataya sa aral ng EVANGELIO o ng mga salita ng Diyos:

Efeso 1:13  “Na sa kaniya'y kayo rin naman, PAGKARINIG NG ARAL NG KATOTOHANAN, NG EVANGELIO NG INYONG KALIGTASAN, na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay KAYO'Y TINATAKAN NG ESPIRITU SANTO, NA IPINANGAKO,”

Ang pagtatatak ay ang PANGANGARAL ng EVANGELIO o SALITA ng DIYOS, at kapag ikaw ay SUMAMPALATAYA tatanggapin mo ang kaloob na TATAK na siyang ESPRITU SANTO.

Isa pong napakaimposibleng aral, ang doktrina ng mga Saksi ni Jehova tungkol sa 144,000.

Maliwanag po sa Biblia na ang 144,000 po ay ang mga PANGUNAHING BUNGA ng gawain ni Cristo nang siya ay mangaral noon sa ISRAEL, sila ang mga UNANG naging kaanib ng IGLESIA NI CRISTO noong FIRST CENTURY na may pangakong magmamana ng KAHARIAN ng LANGIT at siyempre kasama rin ng iba pang gumanap ng kalooban ng AMA na nasa LANGIT, na pumayag na maging bahagi o sangkap ng KATAWAN ni CRISTO na siya niyang IGLESIA [Colosas 1:18].

Itutuloy pa po natin ang pagtalakay…

Friday, 2 September 2011

Aral ng mga Saksi ni Jehova tungkol sa Lupang Paraiso wala sa Biblia


Bilang pagtugon sa request ni JR na sabi niya ay:

“ Bro., request ko sana matackle pa yung mga maling doktrina ng JW, lalo na yung mga karaniwang aral na pinagmamalaki nila, gusto ko sana magrequest na kung maaaring ay pagaralang muli yung tungkol sa bagong lupa at bagong langit na nasa biblia na tinututulan ng mga JW at gumagamit p sila ng talata ECC. 4:1

Mga larawang madalas nating nakikita sa kanilang publikasyon
Tungkol sa isang LUPANG PARAISO na mangyayari daw sa ating daigdig
sa KAARAWAN NI JEHOVA
Ang mga SAKSI NI JEHOVA ay may kakaibang paniniwala tungkol sa nalalapit na muling pagparito ni Cristo na siya ring ARAW NG PAGHUHUKOM. Para sa kanila ang LUPA o ang DAIGDIG na ito ay hindi masisira kundi ito’y magiging BAGONG PARAISO. At madalas na iya’y makikita natin sa kanilang mga publikasyon (BANTAYAN at GUMISING at iba pang mga aklat). Isang makulay at napagandang paraiso na kung saan ang mga tao ay maligaya, maamo ang mga hayop, at isang napakagandang daigdig na kung tawagin nga nila’y BAGONG KALAKARAN.

At siyempre upang makahikayat ng tao at patunayan na ang paniniwala nilang ito’y totoo, sila’y gumagamit din ng Biblia, bagamat walang mababasang tuwiran o diretsahan sa Biblia tungkol sa isang BAGONG PARAISONG DAIGDIG, ay may mga talata silang ginagamit na tumutukoy daw dito, narito ang isa:

Ecclesiastes 1:4  “Isang salin ng lahi ay yumayaon, at ibang salin ng lahi ay dumarating; NGUNI'T ANG LUPA AY NANANATILI MAGPAKAILAN MAN.”

Ginagamit nila ang talatang ito upang patunayan na ang mundong ito diumano ay hindi WAWASAKIN ni JEHOVAH at ito’y gagawing isang BAGONG PARAISO.



Kaya nga ang mga matatapat na mga SAKSI raw na hindi kabilang sa 144,000 [mga tanging tao lamang na aakyat sa langit] ay magmamana ng LUPANG PARAISONG ito, at may ginagamit din sila siyempreng talata:

Mateo 5:5  “Mapapalad ang maaamo: sapagka't MAMANAHIN NILA ANG LUPA.”

Na iniuugnay din nila sa talatang ito:

Awit 37:29  “MAMANAHIN NG MATUWID ANG LUPAIN, at tatahan doon magpakailan man.”

Subalit kahit ang mga kaibigan nating mga SAKSI NI JEHOVAH ay hindi tututol na sa Biblia ay WALANG SALUNGATAN o WALANG KONTRADIKSIYON.

Bakit po natin nasabi iyon? kasi may sinabi ang PANGINOONG JESUCRISTO na ganito eh:

Mateo 24:35  “ANG LANGIT AT ANG LUPA AY LILIPAS, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.”

Kung ang LUPA AY LILIPAS sabi ni Cristo, bakit sabi sa Ecclesiastes 1:4 ang LUPA AY MANANATILI? Hindi ba lalabas niyan na KINONTRA NI CRISTO ang sinabi sa aklat na iyon?


Subalit gaya nga ng ating nasabi na, na sa Biblia kailan man ay hindi magkakaroon ng KONTRADIKSIYON.

Samakatuwid ang tinutukoy ni CRISTO na LUPANG LILIPAS ay iba sa LUPANG sinasabi sa Ecclesiastes na LUPANG MANANATILI. Kasi nga kung sasabihin na pareho sila ng LUPA na tinutukoy lalabas ngayon na ito’y isang NAPAKALAKING SALUNGATAN o KONTRADIKSIYON.

Kaya ating liwanagin, alin ba iyong LUPA na binabanggit ni Cristo na lilipas, at papaano ba ito lilipas?

2 Pedro 3:10  “Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, AT ANG LUPA AT ANG MGA GAWANG NASA LUPA AY PAWANG MASUSUNOG.”

2 Pedro 3:7  “Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ANG LUPA, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay ININGATANG TALAGA SA APOY, NA ITINATAAN SA ARAW NG PAGHUHUKOM AT NG PAGLIPOL SA MGA TAONG MASAMA.”

Maliwanag kung gayon na ang lupang tinutukoy ni Cristo na lilipas ay ang DAIGDIG na ito na ating tinitirhan ngayon, ito ay WAWASAKIN ng Diyos sa pamamagitan ng PAGSUNOG dito, na ito nga ay magaganap sa ARAW NG PAGHUHUKOM o iyong PAGLIPOL SA LAHAT NG TAONG MASAMA.

At ang sinabing ito ni Apostol Pedro ay suportado mismo ng Panginoong Diyos, ganito ang sabi sa aklat ng Propetang si Zefanias:

Zefanias 1:2  “AKING LUBOS NA LILIPULIN ANG LAHAT NA BAGAY SA IBABAW NG LUPA, SABI NG PANGINOON.”

Zefanias 1:3  “Aking lilipulin ang tao at ang hayop; aking lilipulin ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, at ang mga katitisuran na kasama ng mga masama; at aking ihihiwalay ang tao sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon.”

Zefanias 1:14  “Ang dakilang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, malapit na at nagmamadaling mainam, sa makatuwid baga'y ang tinig ng kaarawan ng Panginoon; ang makapangyarihang tao ay sumisigaw roon ng kalagimlagim.”

Zefanias 1:15  “Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan, kaarawan ng kabagabagan at kahapisan, kaarawan ng kawakasan at kasiraan, kaarawan ng kadiliman at kalumbayan, kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman,”

Zefanias 1:18  “Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ANG BUONG LUPAIN AY MASUSUPOK SA PAMAMAGITAN NG APOY NG KANIYANG PANINIBUGHO: SAPAGKA'T WAWAKASAN NIYA, OO, ISANG KAKILAKILABOT NA WAKAS, NILANG LAHAT NA NAGSISITAHAN SA LUPAIN.”

Kaya maliwanag na NAGKAMALI ng PAGKAUNAWA ang mga KAIBIGAN nating mga SAKSI NI JEHOVA. Maliwanag kung gayon na ang tinutukoy na LUPA NA MANANATILI ay HINDI ang DAIGDIG na ito, maliwanag na maliwanag na ang MUNDONG ITO AY WAWASAKIN AT WAWAKASAN NG DIYOS…ISANG MALINAW NA KATIBAYAN NA HINDI ITO ANG LUPANG TINUTUTUKOY NA MANANATILI SA Ecclesiastes 1:4.

Eh kung gayon ano iyong LUPANG MANANATILI na tinutukoy sa aklat ng Ecclesiastes na siya ring sinasabi na mamanahin sa Mateo 5:5 at Awit 37:29?

Hebreo 11:16  “NGUNI'T NGAYON AY NAGNANASA SILA NG LALONG MAGALING NA LUPAIN, SA MAKATUWID BAGA'Y ANG SA LANGIT: kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan.”

Ang LUPA o LUPAIN na sinasabing MANANATILI magpakailan man na MAMANAHIN ng mga MALILGTAS ay ang MAS LALONG MAGALING NA LUPAIN NA NASA LANGIT.

Hindi ang lupa o ang daigdig na ito ang ibibigay sa mga maliligtas upang kaniyang tahanan magpakailanman kundi ang BAGONG LANGIT at ang BAGONG LUPA ang BAYANG BANAL, ang BAGONG JERUSALEM.

Apocalypsis 21:1-4  “AT NAKITA KO ANG ISANG BAGONG LANGIT AT ANG ISANG BAGONG LUPA: SAPAGKA'T ANG UNANG LANGIT AT ANG UNANG LUPA AY NAPARAM; AT ANG DAGAT AY WALA NA.  AT NAKITA KO ANG BAYANG BANAL, ANG BAGONG JERUSALEM, NA NANANAOG MULA SA LANGIT BUHAT SA DIOS, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ANG DIOS DIN AY SASA KANILA, AT MAGIGING DIOS NILA: AT PAPAHIRIN NIYA ANG BAWA'T LUHA SA KANILANG MGA MATA; AT HINDI NA MAGKAKAROON NG KAMATAYAN; HINDI NA MAGKAKAROON PA NG DALAMHATI, O NG PANANAMBITAN MAN, O NG HIRAP PA MAN: ANG MGA BAGAY NANG UNA AY NAPARAM NA.”

Ito ang MALUWALHATING TAHANAN na MAMANAHIN ng mga TUNAY NA MALILIGTAS, nasa LANGIT ito ngayon, at mananaog ito pagdating ng ARAW NG PAGHUHUKOM, ang BAYANG BANAL, na siyang inihanda ng DIYOS upang TAHANAN ng TAO MAGPAKAILAN MAN.

Sino ang TUNAY na MAGMAMANA NG BAYANG BANAL?

Narito ang kumpletong pagtalakay sa LINK na ito:


Kaya nakalulungkot isispin na ang IPINAPANGAKONG KALIGTASAN ng mga SAKSI NI JEHOVA ay isang DAKO na sa KATOTOHANAN ay LILIPULIN ng Diyos, at hindi gagawing BAGONG LUPANG PARAISO, na gaya ng kanilang PANINIWALA na hindi naman mababasa sa BIBLIA.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network