Showing posts with label Vicarius Filii Dei. Show all posts
Showing posts with label Vicarius Filii Dei. Show all posts

Monday, 12 September 2011

Sagot sa Baluktot na Pagtutol ni Flewen sa isyu ng 666 - Part 4


Sa nakaraan [See Part 3] ay ating napatunayan ang maling  pagkaunawa ng magiting na Catholic Defender na si FLEWEN sa Juan 21:15-17 na inakala niyang isang uri ng TURN OVER CEREMONY o PAGPAPASA NG KAPANGYARIHAN KAY PEDRO, na napatunayan natin na isang PAGSUBOK ni Cristo sa pagibig sa kaniya ni Apostol Pedro, inutusan siyang pakanin ang Kaniyang mga Tupa na siya niyang tungkulin at hindi ang ginawa niyang pagbabalik sa pangingisda, sinabi ito ni Cristo upang matiyak na tunay nga siya nitong iniibig, maliwanag na ito ay PAG-UUTOS at hindi ipinapasa ni Cristo sa kaniya ang kapangyarihan nito.  Kaya sablay na naman ang ating kaibigang si Flewen, gaya ng dati.
  
Ipagpapatuloy pa natin ang kaniyang naging pagtutol sa ating post na may pamagat na:


Ganito ang sabi sa aking POST:

“Mateo 28:18 “At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y kaniyang kinausap, na sinasabi, ANG LAHAT NG KAPAMAHALAAN SA LANGIT AT SA IBABAW NG LUPA AY NAIBIGAY NA SA AKIN.”

Napakaliwanag na ang Papa ay nag-aangkin lamang ng kapangyarihang kay Cristo lamang ipinagkaloob ng Diyos, dahil ang lahat ng kapamahalaan ay ibinigay na sa kaniya ng Ama sa langit man o sa lupa. Nabasa natin sa itaas na sinasabi nila na ang Papa ay may titulong VICARIUS CHRISTI [VICAR OF CHRIST], o KAHALILI NI CRISTO, samakatuwid hinahalinhan o pinapalitan ng Papa ang pamamahala ni Cristo sa Iglesia, hindi lang ginaya ang Cristo kundi nakipantay pa sa kaniya sa kapangyarihan. Puwede bang magkaroon ng KAHALILI o KAPALITAN si Cristo?”


PAGTUTOL NI FLEWEN No.4

Source: http://apocalypsisjesuchristi.wordpress.com/2011/08/24/refuting-mr-aerial-cavalry-about-666title-of-the-pope-agenda/

“Sagot: hindi kailanman nang-akin ang mga Santo papa sa kapangyarihang si Kristo lamang ang makakagawa, ang sinusunod lamang ng mga successors ni San Pedro ay ang autoridad na binigay ni Hesus sa kanyang mga apostol at ang mas binigyan ng privilege nito ay SI SAN PEDRO., ANG UNANG SANTO PAPA. At gayang poste mo, wala kang naipakitang ebidensiya na totoo ang vicarius Filii Dei at ang taktika mo ngayon ay gusto mong palitawin na ang pagiging kahalili ay kapantay o ninanakaw ang kapangyarihan na dapat lamang sa ating tagapagligtas na si Hesu Kristo. Ang pagiging VICAR  ay nanganganhulugang siya ang spokesperson o TAGAPAGSALITA ni Kristo, hindi KAPALITAN ni Kristo. Hala basa sa depinisiyon nito:

New Advent:

“Vicar= In canon law, the representative of a person clothed with ordinary ecclesiastical jurisdiction.”


Or let’s make it directly “Vicar of Christ”:

“A title of the pope implying his supreme and universal primacy, both of honour and of jurisdiction, over the Church of Christ. It is founded on the words of the Divine Shepherd to St. Peter: “Feed my lambs. . . . Feed my sheep” (John 21:16-17), by which He constituted the Prince of the Apostles guardian of His entire flock in His own place, thus making him His Vicar and fulfilling the promise made in Matthew 16:18-19.”


So kung iintindihin natin iyang mga artikulong ipinoste ko, walang mababasa diyan na ang pagiging vicar of Christ ay pinapantay niya ang kanyang sarili kay Hesus, baga’y isa itong kuwentong guni guni ni Aerial kaya hindi nagging kapani-paniwala ang kanyang mga wrong connections.”


Napatunayan na natin sa nakaraan na walang mababasa sa Biblia na kailan man ay ibinigay ni Cristo kaninoman ang tungkulin ng PAGIGING ULO ng kaniyang IGLESIA, dahil ang IGLESIA ay KATAWAN ni CRISTO [Colosas 1:18], kaya walang sinoman na pupuwedeng tumayo o maging ULO nito, maliban kay Cristo. Kaya nga kung ipakikilala natin ang Papa bilang VISIBLE HEAD, lalabas ngayon na mayroon pa itong ibang ULO maliban kay CRISTO.

Kung si Cristo lamang talaga ang Kinikilala nilang ULO, dapat ay wala na silang ipakikilalang iba pa.

Sabi ng magiting na si Flewen, as I quote again:

hindi kailanman nang-akin ang mga Santo papa sa kapangyarihang si Kristo lamang ang makakagawa, ang sinusunod lamang ng mga successors ni San Pedro ay ang autoridad na binigay ni Hesus sa kanyang mga apostol at ang mas binigyan ng privilege nito ay SI SAN PEDRO., ANG UNANG SANTO PAPA”

Maliwanag na nating napatunayan na hindi PINASAHAN si Apostol Pedro ng KAPANGYARIHAN ni Cristo sa Juan 21:15-17 kundi siya ay binigyan ng isang gampanin para mapatunayan niya ang kaniyang tunay na pag-ibig kay Cristo. Siya bilang ministro at apostol, ay natural na may tungkuling mangalaga sa mga tupa.  Kaya lang sa tagpong iyon siya ang hinarap ni Cristo ay sapagkat siya pa ang nagpasimuno na bumalik ang mga alagad sa pangingisda, at hindi siya binigyan ng PRIVILEGE kaibigan, siya kasi PASIMUNO ng PAGTALIKOD sa kaniyang TUNGKULIN, kaya siya ang KINAUSAP at HINARAP ni Cristo.  May mababasa ba sa talata na ipinapasa ni Cristo ang Awtoridad o Kapangyarihan kay Pedro? Hindi ba wala naman?

Sabi pa ni Flewen:

“…SI SAN PEDRO., ANG UNANG SANTO PAPA”

Maliwanag na ang kanilang kinikilalang kauna-unahang Papa, ay siya pang PROMOTOR ng PANG-IIWAN ng TUNGKULIN.

Hindi kailan man kayang patunayan  sa pamamagitan ng BIBLIA at ng mga TALA NG KASAYSAYAN ang pag-aangkin ni FLEWEN at ng IGLESIA KATOLIKA na si Apostol Pedro ay naging kaunaunahang PAPA nila.

Narito ang mga Ebidensiya:

Mula sa isang polyeto ng Iglesia Katolika:

"Christ Never Called Peter 'Pope' (Why Millions call him ''Holy Father," p.11)

Sa Filipino:

“Hindi tinawag na Papa ni Cristo si Pedro.”


So, kung hindi siya tinawag na PAPA ni Cristo noong Unang Siglo, eh di maliwanag na hindi siya ang UNANG SANTO PAPA na gaya ng ipinapalagay nila?

Sige granting na hindi nga siya tinawag na PAPA ni Cristo, may mababasa ba sa Biblia na si Apostol Pedro ay tinawag na PAPA ng mga UNANG CRISTIANO?  Umpisahan mo nang maghanap ng talata Flewen.

Narito pa ang isa pang ebidensiya:

 "ALL OF THIS MAKES IT QUITE CERTAIN THAT PETER NEVER WAS IN ROME AT ALL. NOT ONE OF THE EARLY [CATHOLIC] CHURCH FATHERS GIVES ANY SUPPORT TO THE BELIEF THAT PETER WAS A BISHOP IN ROME until Jerome in the fifth century." (Roman Catholicism, by Dr. Loraine Boettner, p. 122)

Sa Filipino:

“LAHAT NG ITO AY NAGPAPATUNAY NA HINDI NAKARATING SI PEDRO SA ROMA. WALA NI ISA MAN SA MGA UNANG MGA AMA NG IGLESIA [KATOLIKA] AY NAGBIBIGAY NG PAGSANG-AYON SA PANINIWALA NA SI PEDRO AY NAGING OBISPO SA ROMA hanggang kay Jerome noong ika-limang siglo.”

Maliwanag na ang kanilang pag-aangkin na si Pedro ay naging PAPA o OBISPO sa Roma, ay isang maliwanag na GUNI-GUNI, at kailan man ay hindi mapapatunayang TOTOO. Dahil kailan man ay hindi siya nakatuntong man lang sa lugar na iyon, na gaya ni Apostol Pablo, na may patunay sa Biblia na nakarating sa Roma.

Ano naman ang sinasabi ng isang Obispong Katoliko tungkol sa isyung ito:

"MOST SCHOLARS REJECT AS UNHISTORICAL THE TRADITION THAT THE APOSTLE PETER WAS, AND WAS RECOGNIZED AS BEING THE FIRST BISHOP OF ROME." (The Christian Society,  Bishop Stephen Neill, p. 36)

Sa Filipino:

“KARAMIHAN SA MGA ISKOLAR AY ITINATAKUWIL BILANG HINDI MAKASAYSAYAN ANG TRADISYON NA SI APOSTOL PEDRO AY NAGING, AT KINILALA BILANG UNANG OBISPO NG ROMA.”

Ang pagiging Obispo ng Roma ay katumbas ng pagiging PAPA:

“The TITLE POPE, once used with far greater latitude (see below, section V), IS AT PRESENT EMPLOYED SOLELY TO DENOTE THE BISHOP OF ROME,”


Walang ebidensiya ang sinoman na makapagpapatunay sa GUNI-GUNING ito at PANAGINIP ng Iglesia Katolika at ng ating magiting na CATHOLIC DEFENDER sa sinabi niyang si Pedro ang UNANG SANTO PAPA.

Basahin ang Kumpletong Pagtalakay tungkol sa isyung ito:


Kaya maliwanag ang mga katotohanang ito:

1.   Hindi pinasahan ng kapangyarihan ni Cristo si Apostol Pedro, at hindi siya kailan man ginawang VISIBLE HEAD o NAKIKITANG ULO ng Iglesia. Walang patunay sa Biblia at maging sa Kasaysayan.

2.   Hindi naging UNANG PAPA si Pedro sa Unang Iglesia na itinatag ni Cristo sa Jerusalem noong 33A.D., ni naging Unang PAPA  o OBISPO siya sa Roma, dahil hindi naman siya nakarating sa lungsod na iyon kailan man. At hindi siya tinawag ni Cristo na PAPA ni kinilala siya ng gayon ng mga UNANG CRISTIANO, hanggang sa sinasabing pagkamatay niya noong taong 67 A.D.

3.  Walang mababasa sa Biblia o kahit sa kasaysayan na ipinasa ni Pedro ang anomang katungkulan o kapangyarihan na ibinigay sa kaniya ni Cristo, kung mayroon man, sa mga sumunod na Papa ng Iglesia Katolika.

Kaya maliwanag na ito ay RESULTA ng HALLUCINATIONS o GUNI-GUNI ni FLEWEN, at INIMBENTONG KUWENTO lamang ng relihiyong kinaaniban niya.


Eto ang lalong maghahayag ng KAKULANGAN  ni FLEWEN ng UNAWA sa kanilang PANINIWALA, ganito ang sabi niya:

“Ang pagiging VICAR  ay nanganganhulugang siya ang spokesperson o TAGAPAGSALITA ni Kristo, hindi KAPALITAN ni Kristo. Hala basa sa depinisiyon nito:

New Advent:

“Vicar= In canon law, the representative of a person clothed with ordinary ecclesiastical jurisdiction.”

Ang pagiging VICAR daw ay nangangahulugan na ang PAPA ay ang SPOKESPERSON o TAGAPAGSALITA ni Cristo, at hindi KAPALITAN ni Cristo.

At kumuha pa ng definition sa Catholic Encyclopedia na na sinasabing ang VICAR ay REPRESENTATIVE, na atin nang napatunayan sa nakaraan na ang ibig sabihin ay EXHIBITING A SIMILITUDE,  na ang ibig sabihin ay nagpapakita ng pagkakatulad siyempre doon sa kaniyang inirerepresent.

Pero napansin niyo ba na wala siyang naipakita sa ating kahit aklat ng Katoliko na nagpapatunay sa kaniyang Definition ng VICAR na ito ay SPOKESPERSON o TAGAPAGSALITA lamang?  Kahit na DICTIONARY sana ay magpakita ka Flewen, para naman makita namin na talagang may batayan iyang pinagsasabi mo na iyan, hehehehe.

Well, tayo ang magpakita sa kaniya ng DEFINITION ng VICAR, na mukhang iniiwasan niyang ipakita sa atin:

“Vicar
VIC'AR, n. [L. vicarius, from vicis, a turn, or its root.]

In a general sense, A PERSON DEPUTED OR AUTHORIZED TO PERFORM THE FUNCTIONS OF ANOTHER; A SUBSTITUTE IN OFFICE.”  [Webster’s 1828 Dictionary]

Kaliwanag ng sinabi ng Dictionary mga kapatid,

Ang VICAR ay nangangahulugan na ISANG TAO NA BINIGYAN NG AWTORIDAD o KAPANGYARIHAN UPANG GAMPANAN ANG TUNGKULIN NG IBA o isang SUBSTITUTE IN OFFICE o KAHALILI o KAPALITAN sa TUNGKULIN.

Para po tayong iniluluwas ng walang pamasahe ni FLEWEN at pilit tayong dinadala sa mali at hindi totoong definition niya ng salitang VICAR na diumano’y SPOKESPERSON o TAGAPAGSALITA lang daw...

Kaya nga sa pagsasabi na ang PAPA ay VICAR of the SON OF GOD, o VICAR of CHRIST,  ay maliwanag na ito ay nagpapatunay na KAHALILI o KAPALITAN NI CRISTO ang PAPA. Huwag ka nang magmaang-mangan pa FLEWEN, dahil lalabas na hindi mo alam ang mga pinagsasasabi mo….


 Sabi po natin sa ating POST:

“Sasagutin sa atin iyan ng Biblia:

Hebreo 7:24 “Datapuwa’t siya, sapagka’t namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang DI MAPAPALITAN.”
  
PAGTUTOL NI FLEWEN No.5

“Sagot: hindi nga pinalitan ang pagka-ULO ng isang santo papa sa Iglesiyang tatag ni Kristo sa pagiging ULO ni Hesus ng kanyang binuong Iglesiya eh dahil ang pagka-ulo lamang ng santo papa ay ang kapangyarihang pamahalain ang mga ministro at mga tagapangalaga at mga mananampalataya ng Iglesiyang tatag ni Kristo, kaya huwag maging malikot ang pag-iisip ha. Pakitaan mo ako ng Vatican document na nagsasabing pinalitan ng santo Papa ang pagka-ULO ni Kristo sa Kanyang tatag na iglesiya?”


Napatunayan na natin na ang Ibig sabihin ng salitang VICAR ay KAHALILI o KAPALITAN…Kaya nga kung si Cristo ay ULO NG IGLESIA, at ang PAPA ay SUBSTITUTE ni CRISTO napakaliwanag na nakapagtataka lang kung bakit hindi maintindihan ni FLEWEN, na PINALITAN ng PAPA ang pagiging ULO ng IGLESIA dito sa LUPA.

Dahil wala po tayong mababasa kahit sa kanilang mga AKLAT na nagtuturo o nagsasabi na hanggang sa ngayon ay si CRISTO pa rin ang KINIKILALA nilang ULO ng IGLESIA sa LUPA. Sige nga Flewen, pakita mo nga sa amin?

Tingnan natin kung sino ang lalabas na walang muwang o sadyang nagkakaila lamang sa katotohanang ito:

“THE POPE TAKES THE PLACE OF JESUS CHRIST ON EARTH…by divine right the Pope has supreme and full power in faith, in morals over each and every pastor and his flock. HE IS THE TRUE VICAR, THE HEAD OF THE ENTIRE CHURCH, the father and teacher of all Christians. He is the infallible ruler, the founder of dogmas, the author of and the judge of councils; the universal ruler of truth, the arbiter of the world, THE SUPREME JUDGE OF HEAVEN AND EARTH, THE JUDGE OF ALL, being judged by no one, God himself on earth.”  [Quoted from the New York Catechism]

Kahit hindi na tagalogin mga kapatid, KLARONG-KLARO sa aklat Katolikong ito ang EBIDENSIYA na TALAGANG INANGKIN NG PAPA ANG KATUNGKULAN AT KAPANGYARIHAN NI CRISTO SA LUPA, na ito ngayon ang nagpapatunay na HINDI NALALAMAN ni FLEWEN ang mga pinagsasabi niya…

At ang lalong kapansin-pansin, aba’y lumalabas diyan sa pahayag ng Katesismong iyan na hindi lamang ang TUNGKULIN ni Cristo ang INANGKIN ng PAPA, maging ang TUNGKULIN ng Diyos, bilang HUKOM sa LANGIT at sa LUPA o HUKOM ng LAHAT ay inangkin din, gaya ng ating mababasa sa Biblia:

Hebreo 12:23  “Sa pangkalahatang pulong at iglesia ng mga panganay na nangatatala sa langit, at sa DIOS NA HUKOM NG LAHAT, at mga espiritu ng mga taong ganap na pinasakdal,..”

Kita niyo iyan mga kapatid ang tindi ano?  Hindi lang kapangyarihan ni Cristo ang inangkin, pati katungkulan ng Diyos ay sinaklaw na rin.

Ito pa katibayan:

WE HOLD UPON THIS EARTH THE PLACE OF GOD ALMIGHTY [Pope Leo XIII Encyclical Letter of June 20, 1894]

Nakakakilabot hindi po ba na hindi lang pala ang kapangyarihan at katungkulan ni Cristo ang inangkin ng Papa, pati ang kapangyarihan at katungkulan ng Diyos na Makapangyarihan sa Lahat.

Ito pa ang pinaka-nakakakilabot sa lahat, ang PAPA ay tinatawag na Diyos!

Pope Nicholas I declared: “the appellation of God had been confirmed by Constantine on THE POPE, WHO, BEING GOD, CANNOT BE JUDGED BY MAN.” [Labb IX Dist.: 96 Can. 7, Satis evidentur, Decret Gratian Primer Para]

Kaya tupad na tupad ang sinabing ito ng Biblia sa Papa, na siyang ipinakikilala ng Biblia na BULAANG PROPETA:

2 Tessalonica 2:3-4  “Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating muna ang pagtaliwakas, at mahayag ang TAONG MAKASALANAN, ang anak ng kapahamakan, NA SUMASALANGSANG AT NAGMAMATAAS LABAN SA LAHAT NA TINATAWAG NA DIOS O SINASAMBA; ANO PA'T SIYA'Y NAUUPO SA TEMPLO NG DIOS, NA SIYA'Y NAGTATANYAG SA KANIYANG SARILI NA TULAD SA DIOS.”

Kaya kahit saan padaanin eh, ang PAPA talaga ang kinatuparan ng Hula sa Apocalypsis 13:18, dahil ang tao na nagtataglay ng pangalan na may numerong 666 ay siya ring tao na tinutukoy sa talatang iyan na TAONG MAKASALANAN na nagtatanyag ng kaniyang sarili na Tulad sa Diyos, na tumutumbok na naman sa PAPA.

Dagdagan pa natin iyan, narito pa ang isa pang pagkakakilanlan sa BULAANG PROPETA:

Mateo 24:5  “Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, AKO ANG CRISTO; at ililigaw ang marami.”

So ang isa pa sa ikakikilala sa Bulaang Propeta ay magpapakilala siya na siya ay Cristo. Kaya nga sa pagsasabi na ang PAPA ay VICAR OF CHRIST o KAHALILI NI CRISTO lumalabas ngayon na CRISTO na rin ang PAPA hindi po ba?

May katibayan ba tayo niyan? Meron po, basa!

“THE POPE IS NOT ONLY THE REPRESENTATIVE OF JESUS CHRIST, HE IS JESUS CHRIST HIMSELF, hidden under the veil of flesh.” [Catholic National, July 1895]

Sa Filipino:

“ANG PAPA AY HINDI LAMANG KINATAWAN NI JESU CRISTO, SIYA AY SI JESU CRISTO MISMO, na natatago sa ilalim ng takip ng laman.”

Ano ngayon ang masasabi ng magiting nating Catholic Defender dito?


Tutol na tutol siya na nag-angkin ang PAPA ng kapangyarihang taglay ni Cristo, pero ang hindi pala niya alam ay ipinakikilala pala mismo na Cristo ang PAPA ng Iglesia Katolika, hehehehe…

Kaya pala SIYA ANG ULO NG IGLESIA, KASI ANG PAGKAKAKILALA SA KANIYA AY SIYA SI CRISTO MISMO…

Matindi ano….ayos lang iyan, dahil lalong napatunayan na siya ay BULAANG PROPETA…at talatang sa kaniya natupad ang sinasabi ni Apostol Juan sa aklat ng Apocalypsis na taong may numerong ‘666’ sa kaniyang PANGALAN o TITULO na siyang VICARIUS FILII DEI, na hindi lang pala pumalit kay Cristo kundi ipinakilala ring Cristo at Diyos ng relihiyon na kinaaniban ni FLEWEN…

Kahabagan po natin ang mga kaibigan nating mga Katoliko, akayin po natin sila at iligtas mula sa apoy ng kapahamakan na maaari nilang sapitin kung sila'y mananatili sa huwad na relihiyong ito.

Itutuloy….

Thursday, 25 August 2011

Sagot sa Baluktot na Pagtutol ni Flewen sa isyu ng 666 - Part 2


Maliwanag nating nasagot sa nakaraan nating pagtalakay [See Part 1], ang PAGTUTOL ni Flewen ang magiting na Catholic Defender, sa ISSUE tungkol sa aral ng INC na ang PAPA ang KINATUPARAN ng TAONG inihambing sa HAYOP na may numerong 666 na binabanggit sa Apocalypsis 13:18.

Ang UNANG KATANGIAN na ipinakilala ng Biblia na mababasa sa Apocalypsis 13:11, siya ay nagtataglay ng DALAWANG SUNGAY, na ito nga ay DALAWANG URI NG KAPANGYARIHAN na natupad nga sa PAPA, na nagtataglay ng ESPIRITUAL at POLITIKAL na KAPANGYARIHAN.

At ating napatunayan na ang kaniyang PAGTUTOL ay NAGKONTRAHAN, na para bang nawawala sa sarili at nahihibang ang magiting na CATHOLIC DEFENDER. Siya’y litong-lito at hindi niya napatunayan sa kaniyang mga sinabi na ang PAPA ay WALANG DALAWANG URI NG KAPANGYARIHAN.

Kaya matibay at hindi natinag ni FLEWEN ang ating ebidensiya na talagang natupad sa PAPA ang unang KATANGIAN na binabanggit sa HULA na siya’y may DALAWANG SUNGAY na kumakatawan sa DALAWA NIYANG KAPANGYARIHAN o AWTORIDAD [sabi nga ni FLEWEN], bilang AMA SA ESPIRITU at GOBERNADOR SIBIL na ayon naman kay CARDINAL GIBBONS.

Kaya atin nang puntahan ang ikalawang KATANGIAN, at tingnan natin BAKA MAKATSAMBA na ang ating CATHOLIC DEFENDER. 
  

Katulad ng isang Kordero

Sino ba ang Kordero na binabanggit sa Biblia?

Juan 1:29 “Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!”

Ang ating Panginoong Jesu-Cristo ang Cordero ng Diyos, samakatuwid siya ang gagayahin ng taong hinuhulaan sa Apocalypsis. Ano ba ang isa sa katangiang taglay ni Cristo na gagayahin ng taong ito?

PAGTUTOL NI FLEWEN No.1

Sagot: walang ginaya ang mga santo papa kay Hesus, tinanggap lamang nila ang autoridad na ibinilin ni Hesus kay San Pedro, ang pagkakagawa mo ng wrong connection ay sadyang marahas at walang silbi, at dito makikita na dinidivert mo ang atensiyon ng mga mambabasa na instead ifocus sa claim na may nakaukit na ‘Vicarius Filii Ddei” sa tiara ng Santo Papa eh dinadaan mo sa eisegesis na lubhang hindi masustansiya,

Gusto kong tandaan ninyo mga kapatid ang sinabi niyang ito sa simula ng kaniyang pagtutol na ito:

“WALANG GINAYA ANG MGA SANTO PAPA KAY HESUS”

Maliwanag na pinatutunayan ni FLEWEN, na walang ginaya ang mga SANTO PAPA kay JESUS. Totoo kaya ang sinabi niyang ito? Matitiis kaya niyang hindi niya ito KONTRAHIN?

Dahil maya-maya lamang ay makikita ninyo na ang magiting na CATHOLIC DEFENDER ay nagmana sa kaniyang IDOLO si MR. ELISEO SORIANO.

Muli na naman niyang binanggit ang kaniyang paboritong termino ang “AUTORIDAD”, na ibinilin daw umano ni Cristo kay San Pedro. Napatunayan natin sa nakaraan na ang salitang AUTORIDAD o AUTHORITY ay katumbas ng salitang POWER o KAPANGYARIHAN.

Maliwanag na pinatutunayan ng magiting na Catholic Defender na binigyan ng KAPANGYARIHAN ni Cristo si APOSTOL PEDRO. Pupuntahan natin iyan mayamaya.

At dahil sa hindi niya malaman kung papaano tututol ay ganito na lang ang kaniyang nasabi:

“…ang pagkakagawa mo ng wrong connection ay sadyang marahas at walang silbi, at dito makikita na dinidivert mo ang atensiyon ng mga mambabasa na instead ifocus sa claim na may nakaukit na ‘Vicarius Filii Ddei” sa tiara ng Santo Papa eh dinadaan mo sa eisegesis na lubhang hindi masustansiya,”

Wrong connection daw, walang silbi, dinadivert lang daw ang attention ng mambabasa na instead na ifocus na may nakaukit na VICARIUS FILII DEI sa tiara ng SANTO PAPA, dinadaan ko raw sa eisegesis na lubhang hindi masustansiya.


Sa kapakanan ng mga karaniwang tao na nakakabasa ano ba iyong “EISEGESIS” na paboritong banggitin ni FLEWEN?

Exegesis - Exposition; explanation; interpretation. (Webster’s 1828 Dictionary)

Mahilig lang po talagang magpahanga ang mga CATHOLIC DEFENDER na mahilig gumamit ng mga hindi pangkaraniwang termino para hindi mahalata ang kanilang kapalpakan at maipakita na matatalino sila, hehehehehe

Puwede namang sabihin na INTERPRETASYON o PALIWANAG, pa EISEGESIS EISEGESIS pa…hehehehehe!

Well, ang masasabi ko lang every one is entitled to his own opinion, masasabi ko lang FLEWEN, opinion mo lang iyan. But can you back it up with CONCRETE EVIDENCES para mapatunayan mo na tama ang ‘yong pagpapalagay na wala nga iyang sustansiya? Hmmm?

Sa ating pagpapatuloy:

Colosas 1:18 “At SIYA ANG ULO NG KATAWAN, SA MAKATUWID BAGA’Y NG IGLESIA; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.”

Si Cristo ang ulo ng Iglesia niya. Ang Papa ba sa Roma ay ipinakikilala rin bilang ulo ng Iglesia? Isa namang Paring Katoliko ang sasagot sa atin:

“The pope, therefore, as vicar of Christ, is the VISIBLE HEAD of CHRIST’S KINGDOM on earth, THE CHURCH, of which Christ Himself is the invisible head.” [Answer Wisely, by Rev. Martin J. Scott, p. 49]

Sa Filipino:

“Ang Papa, samakatuwid, bilang kahalili ni Cristo, ay ang NAKIKITANG ULO ng KAHARIAN NI CRISTO sa lupa, ang IGLESIA, kung saan si Cristo mismo ang di nakikitang ulo nito.”


PAGTUTOL NI FLEWEN No.2

Sagot: siya lamang ang naging VISIBLE HEAD- meaning representative at hindi siya ang tuwirang ginaya niya ang pagka-ULO ni Hesus sa Iglesiya katolika, Alam mo naman siguro ang ibig sabihin ng representative right?  lubhang malikot lang ang pag-iisip mo para gawing kaparehas ang pagka-ULO ng mga santo papa kay Hesus, isa iyang kahabagan.

Dito hayag na hayag ang malabis na PAGKALITO ni FLEWEN maging sa ISYUNG ITO. Pansinin ninyo ang sinabi niya uulitin natin but this time in BOLD LETTERS:

“SIYA LAMANG ANG NAGING VISIBLE HEAD- MEANING REPRESENTATIVE AT HINDI SIYA ANG TUWIRANG GINAYA NIYA ANG PAGKA-ULO NI HESUS SA IGLESIYA KATOLIKA,”

Ang PAPA raw ay VISIBLE HEAD lamang, at hindi daw tuwirang ginaya ang PAGKA-ULO ni Jesus sa IGLESIA.

Kahit ilang beses ko itong basahin, ito ang MALIWANAG NA WALANG KASUSTA-SUSTANSIYANG PAHAYAG NI FLEWEN.

Ang PAPA VISIBLE HEAD o ang NAKIKITANG ULO ng IGLESIA KATOLIKA, sabi niya.

Eh si CRISTO nung nandidito pa siya sa LUPA noon, hindi ba siya ang  VISIBLE HEAD?

Iyong pagiging ULO MISMO NI CRISTO sa IGLESIA ang ginaya nga ng PAPA EH, kasi nga SI CRISTO ANG VISIBLE HEAD ng IGLESIA nung nasa LUPA pa siya, eh nung umakyat na siya sa LANGIT, sino na raw ang VISIBLE HEAD?

Sasagot ang mga Catholic Defender:  ANG PAPA!,

O anong pinagsasabi mo diyan na hindi tuwirang ginaya…Eh tuwiran ngang GINAYA ang pagiging VISIBLE HEAD ni Cristo.

Palibhasa nga kasi ang trato sa Biblia ng mga ito ay PATAY NA AKLAT [Catholic Belief, page 4], Kaya hindi naunawaan kung ano ang kaugnayan ni Cristo sa kaniyang Iglesia kaya hindi pupuwede na magkaroon ito ng IBANG ULO.

Balikan natin ang sinabi ni Apostol Pablo:

Colosas 1:18 “At SIYA ANG ULO NG KATAWAN, SA MAKATUWID BAGA’Y NG IGLESIA;…”

Maliwanag na sinabi na ang IGLESIA ay KATAWAN ni Cristo, ito ang hindi nila maunawaan, Inihalintulad sa isang KATAWANG MAY ULO ang Iglesia at si Cristo. Kaya maaari bang magkaroon ng ibang ULO ang Iglesia? HINDI MO PUWEDENG PALITAN, ALISIN ANG ULO AT MAGLAGAY KA NG IBA, OH KAYA MAGLAGAY KA PA NG IBA PANG ULO dahil MAY ULO NA ITO, Lalabas DALAWA ULO ng nag-iisang KATAWAN. Labag na labag na iyan sa katotohanang itinuturo ng Biblia. Dahil kahit pagbali-baligtarin pa ang BIBLIA.

WALANG MABABASA SA BIBLIA NA NAGKAROON NG IBA PANG ULO NG IGLESIA MALIBAN KAY CRISTO- DAHIL SA SI CRISTO ANG “VISIBLE HEAD” NOON AT ANG “INVISIBLE HEAD” NG KANIYANG IGLESIA HANGGANG SA NGAYON.

Tandaan natin na nang sabihin iyan ni Pablo ang nasa Colosas 1:18 ay matagal nang nasa langit ang Panginoong Jesus, kaya maliwanag na hindi kailan man naging ULO NG IGLESIA ang sinomang Apostol, dahil sa pagkakaunawa nila ang pagiging ULO ng IGLESIA ay autoridad o kapangyarihan na ibinigay daw ni Cristo kay Apostol Pedro, wala niyan sa Biblia, guni-guni lang nila iyan.

Kaya kailangan patunayan sa atin ni FLEWEN na kaya naging VISIBLE HEAD o NAKIKITANG ULO ng IGLESIA ang PAPA ay sapagkat ang IGLESIA ngayon ay KATAWAN na ng PAPA. Dahil napakalabo at hindi mangyayari na ang PAPA ang maging ULO ng KATAWAN ni Cristo…Dahil hindi kailan man mangyayari na maiba ang ULO sa KATAWAN..

Ngayon kung sasabihin niya na ang KATAWAN NG PAPA ay ang IGLESIA KATOLIKA, kaya siya ang ULO nito.

Eh hindi namin tatanggihan iyan, dahil ang IGLESIA NI CRISTO naman talaga ang KATAWAN ni Cristo, kaya siya ang ULO nito at hindi ang IGLESIA KATOLIKA.

Kapag ganiyan ang kanilang sinabi, payag na payag kami diyan ng 100%…heheheheh!

Ngayon eto ngayon ang maganda…dahil malalantad na naman na hindi nauunawaan ni FLEWEN ang kaniyang PINAGSASABI.

Ganito ang sabi niya, ating balikan:

“Alam mo naman siguro ang ibig sabihin ng REPRESENTATIVE right?  lubhang malikot lang ang pag-iisip mo para gawing kaparehas ang pagka-ULO ng mga santo papa kay Hesus, isa iyang kahabagan.”

Hindi daw tuwirang ginaya ng PAPA ang PAGKA-ULO ni Cristo ng IGLESIA, dahil sa ang PAPA raw ay REPRESENTATIVE lamang, ipinalalagay niya na bunga lamang ng malikot kong pag-iisip na gawing magkaparehas ang PAGKA-ULO ng mga SANTO PAPA kay Jesus.

Tutal tinatanong niya tayo kung alam natin ang ibig sabihin ng salitang REPRESENTATIVE, kaya pagbigyan natin, ano ba ang ibig sabihin ng salitang REPRESENTATIVE?

Gaya ng dati hindi tayo ang sasagot:


“REPRESENT'ATIVE, adj.

1.      Exhibiting a similitude.
[Nagpapakita ng pagkakatulad]

2. Bearing the character or power of another; as a council representative of the people.
[Nagtataglay ng katangian o kapangyarihan ng iba; gaya ng kinatawang konsilyo ng mga mamamayan]


REPRESENT'ATIVE, n.

 1.   One that exhibits the likeness of another.”
        [Ang isa na nagpapakita ng pagkakahawig sa iba]

      [Webster’s 1828 Dictionary]

Tsk tsk tsk, mga kapatid, dito sumablay ang magiting na CATHOLIC DEFENDER, dahil siya pala ang hindi nakakaalam ng kahulugan ng salitang REPRESENTATIVE, maliwanag sa Dictionary na ating sinipi na kapag sinabing REPRESENTATIVE ay NAGPAPAKITA ITO NG PAGKAKATULAD, nagtataglay ito ng KATANGIAN at KAPANGYARIHAN siyempre nung kaniyang NIREREPRESENT.

Hahahahahaha, SEMPLANG ang ating kaibigang CATHOLIC DEFENDER dito. Dahil ang talagang ibig sabihin nung sinabi niya na ang PAPA ay REPRESENTATIVE ni Cristo ay:

ANG PAPA AY NAGPAPAKITA NG PAGKAKATULAD KAY CRISTO,

NA ANG PAPA AY NAGTATAGLAY NG KATANGIAN o KAPANGYARIHAN NI CRISTO.

Kaya nga sabi niya kanina hindi po ba?

“WALANG GINAYA ANG MGA SANTO PAPA KAY HESUS”

Maliwanag mong Kinontra MR.FLEWEN SORIANO ang sinabi mong ito, dahil ang pagsasabi mo na ang PAPA ay REPRESENTATIVE ni Cristo ay maliwanag mong PINATUNAYAN sa AMIN na talagang GINAYA NGA NG PAPA SI CRISTO, na iyon nga ang KATIBAYAN na natupad nga sa PAPA ang IKALAWANG KATANGIAN na KATULAD NG ISANG KORDERO. Dahil sabi mo nga ang SANTO PAPA ay REPRESENTATIVE ni CRISTO na siyang KORDERO NG DIYOS,

Kaya maliwanag na ang PAPA ay NAGTATAGLAY NG MGA KATANGIAN o KAPANGYARIHANG KATULAD ng TINAGLAY ng KORDERONG si CRISTO. KAYA MAGKATULAD O MAGKAPAREHAS ANG PAGIGING ULO NI CRISTO AT PAGIGING ULO NG SANTO PAPA SA IGLESIA.

Tumbok na tumbok mo FLEWEN, dahil ikaw na mismo ang nagpatunay na TOTOO na natupad sa PAPA ang IKALAWANG KATANGIAN na nakasulat sa Apocalypsis 13:11.

Ipagpatuloy po ninyo ang pagsubaybay mga kapatid sa pagtalakay na ito…gumaganda ang usapan…NALALANTAD ang BALUKTOT at PALPAK na PAGTUTOL at PANGANGATUWIRAN nitong si FLEWEN, na FIRST RUNNER UP na sa pagiging MR. KONTRADIKSIYON gaya ni MR.ELISEO SORIANO.

At kapag nagpatuloy ito puwede na rin nating tawaging REPRESENTATIVE ni GINOONG SORIANO si FLEWEN, dahil NAGPAPAKITA NA SIYA NG PAGKAKATULAD kay ELISEO SORIANO…HEHEHEHE

Abangan po ninyo ang mga kasunod ko pang mga sagot…

Wednesday, 24 August 2011

Sagot kay Flewen Part 3: Vicarius Filii Dei - Hindi nga ba Titulo ng Papa?




Akin pong ise-share sa inyo ang aming naging usapan ni FLEWEN tungkol sa isyu ng ‘666’ ganito po ang kaniyang paratang sa INC:

“kung wala kang karapatang maghusga,bakit pinipilit ninyo sa inyong mga pasugo na ang Iglesiya katolika diumano ang 666...ngayon,.sino ba ang mahilig manghusga...kayo kayo lang...



Kita niyo sabi ng magiting na Catholic Defender na ito? 

“BAKIT PINIPILIT NINYO SA INYONG MGA PASUGO NA ANG IGLESIYA KATOLIKA DIUMANO ANG 666…”

Nanghuhusga daw po ang INC, at ipinipilit daw ng PASUGO na ang IGLESIA KATOLIKA ang 666?  

Wala po kailan man na ARAL ang IGLESIA NI CRISTO na ang IGLESIA KATOLIKA ang 666, kaya po maliwanag na maliwanag na ang magiting na si FLEWEN ay hindi alam ang kaniyang sinasabi o maaaring nawawala siya sa kaniyang sarili.

Kaya hinamon natin siya ng ganito:

FLEWEN, puwede ba KNOW YOUR FACTS bago ka magsalita? Sige MAKISIPI o MAKI-QUOTE mo nga RITO ANG PASUGO NA NAGSASABI NA ANG “IGLESIA KATOLIKA” ANG “666”? Pakita mo FLEWEN, at nang makita ng mga nandidito kung sino ang NANGHUHUSGA AT NAGPAPARATANG ng HINDI NAMAN SINABI NG PASUGO. KAPAG WALA KANG NAIPAKITA, LALABAS NIYAN SINUNGALING KA, HALA KA…

Hindi po ba mga kapatid na maliwanag natin siyang hinihingan ng EBIDENSIYA sa sinabi niya na sabi raw ng PASUGO ang IGLESIA KATOLIKA ang 666?

At nang siya ay sumagot, tingnan po ninyo ang isinagot niya:

“sagot: anong know my facts eh ALAM NA NG LAHAT THAT INC ADHERED TO THE NOTION THAT THE POPE OF THE CATHOLIC CHURCH IS THE 666? sige, pagbibigyan kita ha…basahin mo, pati front cover nito, talks about the Pope of the Catholic Church is wearing the tiara of whom your publishers adhered to the notion of the Seventh Day Adventists that the papal tiara has an inscription of VICARIUS FILII DEI.

Source:

Kita ninyo at kinontra na ang kaniyang sarili, ipinagpipilitan na ang sinabi raw ng PASUGO ang IGLESIA KATOLIKA raw ang 666, pero ang kaniyang isinagot ngayon ay ang PAPA na ang 666 na sinasabi raw ng INC.

At dahil sa pinuna ng isa nating kapatid sa kaniyang COMMENTS section, na NAGKAKONTRAHAN ang kaniyang mga SINABI ay ganito ang kaniyang naging PALUSOT:

“oopss, there’s a mistake to my statement before, the one I am referring is the pope. THAT’S WHY I AM SPEAKING ALL THE TIME IN HERE ABOUT THE INCS CLAIM OF 666 AS THE TITLE OF THE POPE, NOT OF THE CHURCH. SO SORRY FOR THE TYPO ERROR HUH?”

Isa raw TYPO ERROR ang kaniyang nasabi, hehehehe.  Lumipas pa ang ilang sagutan namin at kung hindi pa may nag COMMENT na Kapatid, ay hindi pa niya mapapansin ang kaniyang pagkakamali, kahit na makikita ninyo sa kaniyang BLOG ay sinipi pa niya ang kaniyang SINABI na sinabi daw ng PASUGO NA ANG IGLESIA KATOLIKA ANG DIUMANO’Y ANG 666…kaya maliwanag na NAGPAPALUSOT para MAKAIWAS sa KAHIHIYAN ang magiting na CATHOLIC DEFENDER….

At para makabawi kumuno ay gumawa ng bagong POST na may pamagat na:

Na nagsasaad ng ganito:

VICARIUS FILII DEI (Latin: Vicar or Representative of the Son of God) is a phrase used in the forged mediaeval Donation of Constantine to refer to Saint Peter. Some Protestant groups claim that it is a title of the Roman Catholic pope, and that the letters add up to 666, the “number of the beast” in the Book of Revelation. The Catholic Church dismisses the claim as an “anti-Catholic myth” and states that popes have never possessed such a title. The story seems to owe its modern origins to a written answer to a question published in an American Roman Catholic magazine, Our Sunday Visitor of 15 November 1914, in which a contributor, a priest, referred to the supposed title. The author who repeated the claim later in April 1915 then withdrew it. Among the errors he said he made was to mix up tiaras (about which the question was concerned) and mitres (the word he used in the answer). Though the magazine itself discussed the topic again in September 1917 and August 1941, it never denied the claim of the 1915 article that the title had appeared on the miter.

Ang kaniyang source ay ang WIKIPEDIA, isang ONLINE ENCYCLOPEDIA na maaaring MA-EDIT ng sinoman…hehehehe…POOR.

Sinasabi ng kaniyang source na:

1.      Hindi daw TITULO ng PAPA ang VICARIVS FILII DEI, ito raw ay isang uri ng ANTI CATHOLIC MYTH, o imbento lang ng mga kumakalaban sa IGLESIA KATOLIKA.

2.      Binawi raw ng PARI na sumulat nung ARTIKULONG iyon sa SUNDAY VISITOR ang kaniyang sinabi tungkol sa TITULONG ito.

3.      Bagamat tinalakay na muli noong September 1917 at August 1941, ay hindi pinabulaanan nito ang sinabi ng Artikulo noong 1915 na ang titulo ay lumitaw sa mitra ng PAPA.


Kaya suriin natin ang sinabing ito ng KANIYANG SOURCE:

Ano ba ang sinabi ng SUNDAY VISITOR:

Ang pahina ng SUNDAY VISITOR na inilathala noong April 18, 1915
“What are the letters supposed to be in the Pope’s crown, and what do they signify, if anything?  The letters inscribed in the pope’s mitre are these:  VICARIUS FILII DEI, which is the Latin for Vicar of the Son of God…”[Our Sunday Visitor, Bureau of Information section, page 3, April 18, 1915 Issue]

Sa Filipino:

“Ano ang isinisimbulo ng mga letra na nasa korona ng Papa, kung mayroon man?  Ang mga letrang nakasulat sa mitra ng Papa ay ang mga ito: VICARIUS FILII DEI, na Latin ng Kahalili ng Anak ng Diyos.”


Maliwanag na sinabi ng DOKUMENTONG KATOLIKONG ito na ang mga katagang VICARIUS FILII DEI ay nakasulat sa KORONA ng PAPA.

Nang maglathalang muli ang SUNDAY VISITOR, ano naman ang sinabi tungkol sa ISYU?

“…if present-day writers are so anxious to see the fulfillment in the person of the Pope, why not be consistent? Such interpreters have never shown that the title "VICARIUS FILII DEI" is really inscribed upon the Pope's tiara. MOREOVER, THE PASSAGE STATES THAT THE NUMBER REFERS TO A MAN, IN OTHER WORDS THE NUMERALS REPRESENTED BY THE LETTERS IN HIS NAME, WHICH TOTAL THE SUM 666. THE WORDS VICARIUS FILII DEI ARE NOT THE NAME OF THE POPE, THEY DO NOT EVEN CONSTITUTE HIS OFFICIAL TITLE.  [Our Sunday Visitor, Bureau of Information, September 16, 1917 Edition]

Kita ninyo kung papaano kinontra ng Artikulong ito ang nauna nitong PAHAYAG, hindi RAW MAPATUNAYAN NA ANG TITULONG “VICARIUS FILII DEI” ay talagang nakasulat sa KORONA ng PAPA, eh ang DIYARYO rin namang ito ang may sabi nito noong 1915 na nakasulat diumano ito sa KORONA ng PAPA.

PINATUTUNAYAN NG PAHAYAGANG ITO NA KASINUNGALINGAN ANG UNA NITONG INILATHALA, In other words, NAGSINUNGALING SILA NOONG APRIL 18, 1915 ISSUE.

Bakit?  Kasi nga alam na nila na ang KATUMBAS ng “VICARIUS FILII DEI” ay ang numerong 666. Kaya kailangan na nila itong PABULAANAN sa pagsasabi ng ganito:

“THE WORDS VICARIUS FILII DEI ARE NOT THE NAME OF THE POPE, THEY DO NOT EVEN CONSTITUTE HIS OFFICIAL TITLE.”

Hindi daw PANGALAN ng PAPA ang VICARIUS FILII DEI at hindi daw ito bumubuo sa OPISYAL NA TITULO ng PAPA.

Kasi nga ang INTERPRETASYON nila sa APOCALYPSIS 13:18, ang sinasabing katumbas ng 666 ay ang PANGALAN nung tao na inihalintulad sa HAYOP, at hindi daw TITULO, e hindi yata alam ng mga taong ito ang IBIG SABIHIN ng salitang “TITLE” Eh? 

Ano ba ang ibig sabihin ng salitang “TITLE”?

“TI'TLE, n. -  An inscription put over any thing as a NAME by which it is known.”
[Webster’s 1828 Dictionary]

Sa Filipino:

“TITULO, n – Isang isinusulat sa anomang bagay bilang PANGALAN na ikakikilala dito.”

Kaya maliwanag na nagkakamali ang sumulat ng ARTIKULO ng PANGUNAWA eh, kasi ang TITULO ay PANGALAN din na ipinantatawag sa pinatutungkulan nito.

Ikinakaila na ng sumulat ng ARTIKULO na ang “VICARIUS FILII DEI” ay titulo ng PAPA…

Eh nung maglathala ulit, ALAM niyo ba na KINONTRA na naman nila ang kanilang sinabing HINDI TITULO NG PAPA ANG “VICARIUS FILII DEI”?

“THE POPE CLAIMS TO BE THE VICAR OF THE SON OF GOD, while the Latin words for this DESIGNATION are not inscribed, as anti-Catholics maintain, on the Pope's tiara”. [Our Sunday Visitor, 11, No. 14, July 23, 1922.]

Kita ninyo?  Inamin din na talagang ginagamit ng PAPA ang Titulong ito, at ININGLES lang nila dito pero ang maliwanag:

VICAR OF THE SON OF GOD = VICARIUS FILII DEI

Iisa lang iyan eh, kahit na INGLESIN pa nila.

At ikinaila na talaga na HINDI ITO NAKASULAT SA KORONA O TIARA NG PAPA, na nauna  nilang sinabi noong APRIL 18, 1915 issue nila ng Sunday Visitor.

Kaya hindi naman dapat sisihin ang INC rito eh, KASI ANG LUMILITAW NA NAGSINUNGALING DITO NA NAKALAGAY IYAN SA KORONA NG PAPA AY ANG PAHAYAGAN NG IGLESIA KATOLIKA RIN EH.

MALIWANAG NA PINATUTUNAYAN NILA NA SILA AY MGA SINUNGALING..

Kaya nga maitatanong natin:   SA DIYOS BA ANG TAONG SINUNGALING?

Sabi nga ng mga APOSTOL:

1 Tessalonica 2:3  “Sapagka't ang aming iniaaral ay hindi sa kamalian, ni sa karumihan, ni sa pagdaraya.”

Maliwanag ang pahayag ng mga APOSTOL na hindi makikitaan ng PAGKAKAMALI o PANDARAYA ang ARAL ng TUNAY NA MANGANGARAL NA SA DIYOS.


Kaya maliwanag na ang PAGKAKAMALI ng PARI na NAGLATHALA SA PAHAYAGANG KATOLIKO na SUNDAY VISITOR noong April 18, 1915, ay katibayan ng hindi niya pagiging sa Diyos.

Granting without conceding na hindi na nga nakasulat sa KORONA o TIARA ng PAPA, ang mga katagang VICARIUS FILII DEI, eh ibig sabihin ba nun hindi na siya iyong 666?
ALIN BA ANG MAY KATUMBAS NG NUMERONG ‘666’, iyon BANG KORONA o iyong TITULO?

Kaya nga kahit na NAKALAGAY PA SA KORONA O HINDI ANG NASABING TITULO, aba’y hindi naman iyon ang MAHALAGA EH, dahil hindi naman talaga ang KORONA ANG TINUTUKOY NG BIBLIA EH, KUNDI IYONG PANGALAN NA IKAKIKILALA SA TAONG INIHAMBING SA HAYOP. ANG VICARIUS FILII DEI, ay katagang ipinantatawag sa PAPA, at dagdag pa dito ang mga KATANGIANG IPINAKITA SA ATIN NG BIBLIA NA PAGKAKAKILANLAN SA TAONG HINUHULAAN na atin nang natalakay sa nakaraan, kaya ating natitiyak na talagang ang PAPA nga ang tinutukoy eh.

ANG MAHALAGA INAAMIN NILA NA TALAGANG TITULO ITO NG PAPA, NA IPINANTATAWAG SA KANIYA….

Kumuha pa tayo ng PRUWEBA mula sa mga DOKUMENTONG KATOLIKO:

 “Et quantum ad primum, CUM PAPA SIT VICARIUS FILII DEI, sicut quod Deus fecit mediantibus creaturis tanquam mediantibus causis secundis, totus potus facere immediate per seipsum, ita papa saltem quantum ad potestatem jurisdictionis. Sicut omnes fideles regit mediantibus ecclesiae ministris, ita potest immediate per seipsum regere.”

English Translation:

“And as much as to the first, since THE POPE IS VICAR OF THE SON OF GOD, as that God made the creatures as if by means of the mediation of secondary causes, the whole he could do directly by himself, so the pope has at least as much power of jurisdiction. Similarly, he can govern directly all the faithful, or by means of the ministers of the Church.”

[Volume 3 of SUMMA THEOLOGICAE by the Archbishop of Florence, Saint Anthony (1389 - 1459), was published in Venice.  Title 22, chapter 5, section 16]


Eto pa ang isa pa:

“Et post Deum Imperator Apostolicus hoc approbat, (ut in ca. venerabilem. de electione. et ibi docto.) Ex quibus apparet, quòd Imperator Romanorum est dominus seu protector universàlis Christianorum. (et vide Abba. in c. novit de judi.* qui dicit communem esse opinionem), quòd Imperium à Deo sit; ET À PAPA IMMEDIATE, QUI EST VICARIUS FILII DEI.”

English Translation:

“After God's Chief Apostle has given his approbation, ... with which it is evident the Roman Emperor is lord or universal protector of Christians, etc., ... supreme power is from God, AND NEXT THE POPE, WHO IS THE VICAR OF THE SON OF GOD.”

[Thesaurus Christianae Religiones, Alphonsus Alvarez Guerrero, 1559, chapter LV (55), De Imperatore et eius authoritate, pg. 305, line 30, a second copy pg. 305, line 30:]


Ewan ko lang kung kaya mong tutulan ito FLEWEN? Maliwanag na ang mga dokumentong ito ay nagpapatunay na ang katagang VICARIUS FILII DEI ay talagang IPINANTATAWAG SA PAPA,

KAYA NGA MASASABI NATIN NGAYON NA:

HINDI MAHALAGA KUNG NAKASULAT MAN O HINDI SA KORONA NG PAPA ANG MGA KATAGANG “VICARIUS FILII DEI”, DAHIL ANG IMPORTANTE AY IPINAKIKILALA ANG PAPA NG IGLESIA KATOLIKA SA PAMAMAGITAN NITO, NA BILANG KATIBAYAN NA ITO AY KANIYANG TITULO, NA ISA SA EBIDENSIYA NA PINATUTUNAYAN NG BIBLIA NA PAGKAKAKILANLAN SA TAONG INIHALINTULAD SA HAYOP NA ANG KANIYANG PANGALAN o TITULO AY MAY KATUMBAS NA BILANG NA 666.

Buksan niyo sana ang mga pag-iisip niyo mga CATHOLIC DEFENDERS…at maging ang mga kaibigan at mga kakilala naming kaanib sa IGLESIA KATOLIKA…



ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network