Saturday, 10 September 2011

Utos ba ng Diyos ang Pagpapatotoo na ginagawa ng Born Again?




Sabi po ng isang BORN AGAIN sa ating MESSAGE BOX:

Born Again:  Brod ito po ang isa ko pong napansin sa BORN AGAIN, Madalas po kase mag karoon ng sharing about sa life ng mga kaanib, madalas po kase sabihin na binago daw nila ang kanilang buhay sa pamamagitan ni lord, ito po ba ay nararapat pang sabihin sa harapang ng dios at sa mga tao, ang pag kakaalam ko po kase sabi ng biblia dapat ang kapurihan lamang ay sa ating panginoog dios lamang at wala ng iba, sana po magkaroon din kayo ng topic tungkol sa dyan,salamat po brod,”


---------------------------------------------

Isa sa pangkaraniwan ninyong mapapansin kapag ka kayo ay umatend sa FELLOWSHIP WORSHIP SERVICE ng mga tinatawag na BORN AGAIN CHRISTIAN, bukod sa napakahaba ng oras nito na kadalasa’y tumatagal ng apat na oras (Kung minsan ay higit pa) ay ang bahaging kung saan may patatayuin ang Pastor o Pastora sa harap, upang i-share o magpatototoo ang isang miyembro nila sa harap kung papaano binago ni Lord ang kanilang buhay, ito ang tinatawag nilang PAGPAPATOTOO o pagbibigay ng TESTIMONY.

Nung ako ay Born Again pa, isa sa aming Ka Brod noon ang tumayo sa harap at nagsabi ng ganito:

“Mga Brothers and Sisters, isa po akong dating adik at sakit ng ulo ng aking mga magulang, sugapa po ako sa alak at laging nasasangkot sa basag ulo, subalit ng binago ni Lord ang buhay ko. Kahit po pumunta kayo sa amin at ipagtanong ninyo kung sino ngayon ang pinakamatinong tao doon ay sasabihin nila na ako iyon.  Dahil napakalaki po ng aking naging pagbabago, naging matino na po ako, hindi na po ako nag-aadik at, kahit po magtanong pa kayo sa mga tao sa amin, sasabihin nila sa inyo na mabuting tao na po ako.”

Pagkatapos sumigaw ang Audience:  Amen, Alleluyah!!!!

Sa biglang tingin mo, animo’y ang Panginoong Diyos ang napapapurihan, pero ang hindi nila napapansin, ay PINUPURI na nila ang kanilang SARILI.

Kailan man ay hindi itinuro ni Cristo ng mga Apostol, ni ng buong Biblia, ang gawaing ito na PAGPUPURI sa sarili. Ang Panginoong Jesu Cristo man na puspos ng magagandang katangian kailan man ay hindi nag-angkin ng KAPURIHAN patungkol sa kaniyang sarili, narito ang katibayan:

Marcos 10:17  “At nang siya'y umalis na lumalakad sa daan, ay may isang tumakbong lumapit sa kaniya, at lumuhod sa harap niya, at siya'y tinanong, MABUTING GURO, ano ang gagawin ko upang ako'y magmana ng buhay na walang hanggan?”

Marcos 10:18  “At sinabi sa kaniya ni Jesus, BAKIT TINATAWAG MO AKONG MABUTI? WALANG MABUTI KUNDI ISA LAMANG, ANG DIOS.”

Kita ninyo iyan?  Si Cristo man ay hindi nag-angkin na sabihin ng sinoman na siya ay mabuti, para sa kaniya ay para sa Diyos lamang ang lahat ng kapurihang ito. Bahagi ito ng kaniyang pagtuturo tungkol sa kababaang loob- dahil kailan man ang pagpupuri na ipinapatungkol natin sa ating mga sarili ay hindi katanggap-tanggap sa Diyos:

Lucas 18:10-14 “May dalawang lalaking pumasok sa Templo upang manalangin, ang isa ay PARISEO at ang isa ay MANININGIL NG BUWIS.  Tumayo ang Pariseo at nanalangin nang ganito tungkol sa kaniyang sarili: ‘O DIYOS, NAGPAPASALAMAT AKO SA IYO SAPAGKAT HINDI AKO KATULAD NG IBA NA MGA MAGNANAKAW, MANDARAYA, MANGANGALUNYA, O KAYA’Y KATULAD NG MANININGIL NG BUWIS NA ITO.  DALAWANG BESES AKONG NAG-AAYUNO SA LOOB NG SANLINGGO AT NAGBIBIGAY RIN AKO NG IKASAMPUNG BAHAGI MULA SA LAHAT NG AKING KINIKITA.  Samantala, ang maniningil ng buwis nama’y nakatayo sa malayo at di man lamang makatingin sa langit.  Dinadagukan niya ang kaniyang dibdib at sinasabi, ‘O DIYOS, MAHABAG PO KAYO SA AKIN NA ISANG MAKASALANAN!  SINASABI KO SA INYO ANG LALAKING ITO’Y UMUWING PINATAWAD SA KANIYANG MGA KASALANAN, NGUNIT ANG UNA AY HINDI.  SAPAGKAT ANG SINUMANG NAGMAMATAAS AY IBABABA AT ANG NAGPAPAKUMBABA AY ITATAAS.”  [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]

Hindi kailan man katanggap-tanggap sa harap ng Diyos ang ginagawa ng sinomang tao na PAGPUPURI sa SARILI, dahil para sa Kaniya ito ay isang uri ng PAGMAMATAAS, kaya nga kahit na totoo pa na talagang gumagawa tayo ng mabuti pero ito ay atin ipinagmamakaingay pa at ang nagiging resulta nga ay napupuri natin ang ating sarili, ay nawawalan ng saysay ang ating paggawa ng mabuti.

Ang aral po na itinuturo ng Panginoong Jesu Cristo ay KABABAANG LOOB, huwag nating pupurihin ang ating mga sarili, dahil mawawalan ng saysay ang ating ginagawang kabutihan kung ito nama’y ipinagmamakaingay pa natin sa iba.

Maliwanag po ang turo ni Cristo:

Mateo 5:14-16 “Kayo ang ilaw ng sanlibutan.  Ang isang lunsod na nakatayo sa burol ay hindi maitatago.  Wala din namang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng malaking takalan.  Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay.  GAYUNDIN NAMAN, DAPAT NINYONG PALIWANAGIN ANG INYONG ILAW SA HARAP NG MGA TAO UPANG MAKITA NILA ANG INYONG MABUBUTING GAWA AT PAPURIHAN ANG INYONG AMA NA NASA LANGIT.” [ABMBB]

Ito po ang maliwanag na sinabi ng Panginoong Jesus, kailangang ang MAKITA ng mga TAO sa atin ay ang ating MABUBUTING GAWA, sa gayo’y kanilang PAPUPURIHAN ang AMA na nasa LANGIT. 

Hindi po kailangan na IPAGSABI ito, tumayo sa isang STAGE, at sabihin sa tao ang KABUTIHANG NAGAWA…

Kailangan ang mga tao sa ating paligid ang makapansin sa ating MABUBUTING GAWA, sila po ang makakita nito na ating ginagawa sa gayo’y maging daan ito ng KAPURIHAN para sa ATING DIYOS.

At kailangan din namang hindi ito pakitang-tao lamang, na kaya lang natin gagawin ay para lang may maipakita tayo sa tao na tayo ay gumagawa ng mabuti:

Mateo 6:1Pag-ingatan ninyong hindi PAKITANG-TAO LAMANG ang paggawa ninyo ng mabuti. KAPAG GANIYAN ANG GINAWA NINYO, WALA KAYONG MATATAMONG GANTIMPALA BUHAT SA INYONG AMA NA NASA LANGIT.” [ABMBB]

Kaya po kailan man ay huwag nating PUPURIHIN ang ating sarili sa kanino man LALO NA SA HARAP NG DIYOS. Sapagkat ang KAPURIHAN ay PARA lamang sa AMA na siyang lumikha ng lahat ng bagay.

1 Timoteo 1:17  “Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, SA IISANG DIOS, AY ANG KAPURIHAN AT KALUWALHATIAN MAGPAKAILAN KAILAN MAN. Siya nawa.”

Ano man pong mabuting bagay na ating nagawa, palagi nating tatandaan, ang KAPURIHAN ay PARA sa Diyos lamang, HUWAG NA HUWAG po nating PUPURIHIN kailan man ang ating mga SARILI. HAYAAN PO NATING MAIKITA NG MGA TAO ANG ATING MABUBUTING GAWA NA GINAGAWA NATIN NG TAOS SA PUSO AT WALANG HALONG PAGKUKUNWARI.

Kaya po mali ang isinasagawa ng mga BORN AGAIN na kung tawagin ay PAGPAPATOTOO o pagibigay ng TESTIMNONY, na kung saan sinasabi nila sa tao ang kanilang mga nagawang kabutihan, na naging resulta daw ng pagbabago sa kanila ni LORD.

Iyan po ang dahilan, kung bakit wala kaming ganiyan sa IGLESIA NI CRISTO, dahil hindi po iyan utos ni Cristo at ng Panginoong Diyos na ating gawin.

Nawa ay naging malinaw sa iyo kaibigan ang ating naging tugon.



Isa pang paksain na may kinalaman sa BORN AGAIN, puntahan po ninyo ito:


Isa sa kanilang  paniniwala na sapat na ang sumampalataya lamang, sana po’y makatulong sa mga nagsusuri.

30 comments:

  1. Marami pong salamat sa post na ito malamang na matauhan na yung mga born again na bawal talaga ipag mapuri ang sarili sa harapan ng dios

    ReplyDelete
    Replies
    1. Grabe naman ang inyong panghuhusga sa inyong kapwa. Alam nyo ba ang laman ng puso nila para sabihin nyo na mali ang ginagawa nila? Hindi nyo talaga mauunawaan ang mga ginagawa ng mga nagtetestimony dahil kayo mismo ay walang magandang testimony kung paano kayo binago ng Dios.

      Andami kong kilala na mga kasapi nyo na grabe kung magmura, kumakain ng dugo , nagsisigarilyo , umiinom, pumupunta sa beerhouse at napakayabang.

      Sa amin ang itinataas ay ang pangalan ni Jesus samantalang sa inyo ay relihiyon.

      Ito ang dapat nyong tandaan, Kahit nsa anong rwlihiyon ka kung wala kang relasyon aa Dios dahil sa inyong mga ginagawa, balewala ang inyong kinalalagyan.

      Hindi ko pa kayo kinakitaan ng kapakumbabaan na dapat tinataglay ng isang Kristiano.

      Pakibasa po ang aklat ng Awit ska nyo sabihin na mali ang te-testify.

      Kami po sa aming kinalalagyan ay wala pong maipagmamalaki aa aming sarili sapagkat wala po kaming magagawa kung hindi nami kasama ang Panginoon na siyang nagpapalakas sa amin.

      Self glorifying ba yun?

      Delete
    2. Tama po yun.. sabi kasi sa Awit 145:5-6 "Ang karangalan mo at pagkadakila'y ipamalita at isasaysay ko ang mga gawa mo na kahanga-hanga. Ang mga gawa mong makapangyariha'y ipamamalita; sa lahat ng tao'y aking sasabihing ikaw ay dakila." Malinaw na malinaw po ang sabi dyan.. Itestify po natin ang ginawa ng Lord sa atin.. kung paano tayo binago ng Lord at kumikilos Sya sa atin everyday.. Kung walang pagkilos ng Lord sa mga taga INC lugi kayo..

      Delete
    3. Basahin nio po ung revelation 12:11

      Delete
  2. Ang mga utos po ng Dios ay nakasaad po lahat sa Biblia. Tanong ko lang po, napansin ko po na hindi nababanggit o' natatalakay man lang sa mga pagtuturo ng INC ang orihinal na sampung utos ?

    ReplyDelete
  3. Ang original na sampung utos na ibinigay sa kay Moises ay binalangkas na lamang ng Panginoong Jesucristo sa DALAWA, at hindi na SAMPU:

    Mateo 22:37-39 "At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.

    Kung iniibig mo ang Dios ng buong puso mo, hindi ka gagawa ng imahen o larawan ng anoman at pagkatapos ay luluhuran mo at paglilingkuran. Hindi ka magkakaroon ng ibang Dios maliban sa kaniya, at hindi mo babanggitin ang kaniyang pangalan sa walang kabuluhan. Igagalang mo ang iyong Ama at Ina. [Exodo 20:4-7,12]

    Kung iniibig mo ang iyong kapuwa gaya ng pagibig mo sa iyong sarili, hindi ka papatay, mangangalunya, magnanakaw, hindi mo pagnanasaan ang kaniyang pag-aari ni ang kaniyang asawa, hindi ka magbibintang [Exodo 20:13-17]

    Kaya ang dating SAMPUNG UTOS, ay nauwi na lamang sa DALAWA.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mateo 22 : 40
      Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautosan, at mga propeta. (unawain po nating mabuti)

      Delete
    2. kung nauwi sa dalawa ang sampung utos ibig sabihin ba nun sumasamba kana rin ba sa araw ng sabbath.

      Delete
  4. Sa Roman Catholic, may tinatawag pong "mortal sin" at "venial sin". Sa mga pagtuturo po ng INC, meron po rin bang ganito?

    May listahan po ba sa bibliya na nakasaad po ang kumpletong kasalanan ng tao na magiging sanhi ng hindi niya pagtanggap ng kaligtasan?

    ReplyDelete
  5. Sa Biblia dalawa ang ibinigay na kahulugan ng KASALANAN,


    1. Ang KASALANAN ay ang PAGSALANGSANG o PAGLABAG sa KAUTUSAN:

    1 Juan 3:4 “ANG SINOMANG GUMAGAWA NG KASALANAN AY SUMASALANGSANG DIN NAMAN SA KAUTUSAN: AT ANG KASALANAN AY ANG PAGSALANGSANG SA KAUTUSAN.”

    At ang KAUTUSANG tinutukoy ay ang mga SALITA NG DIYOS:

    Awit 78:1 “Makinig kayo, Oh bayan ko, sa aking KAUTUSAN: ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa MGA SALITA NG AKING BIBIG.”

    Ang paglabag sa KAUTUSAN, BATAS o SALITA ng Diyos ay itinuturing na PAGKAKASALA, sa isang simpleng salita: LAHAT NG IPINAGBABAWAL SA BIBLIA AY DAPAT NATING IWASAN AT HUWAG LALABAGIN.


    2. ANG HINDI PAGGAWA NG MABUTI AY KASALANAN:

    Santiago 4:17 “SA NAKAKAALAM NGA NG PAGGAWA NG MABUTI, AT HINDI GINAGAWA, ITO'Y KASALANAN SA KANIYA.”

    At ang MABUTI na dapat na gawin ay:

    Roma 7:12 “Kaya nga ang KAUTUSAN ay banal, at ang utos ay banal, at matuwid, at MABUTI.”

    Ang MABUTI na dapat natin gawin na kung hindi natin gagawin ay kasalanan sa Diyos ay ang KAUTUSAN ng Diyos, na binasa na rin natin kanina na ito nga ay mga SALITA NG DIYOS na nakasulat sa Biblia.

    Sa madaling salita ang PAGLABAG AT HINDI PAGSUNOD SA MGA SALITA NG DIYOS NA NAKASULAT SA BIBLIA AY KASALANAN SA DIYOS.

    Ilan lamang ang mga ito:

    1 Cor 6:9-10 “O hindi baga ninyo nalalaman na ANG MGA LIKO AY HINDI MAGSISIPAGMANA NG KAHARIAN NG DIOS? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake. Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios.”

    LAHAT ng PAGBABAWAL at PAGUUTOS na mababasa mo sa Biblia, ay dapat nating sundin at tuparin sapagkat ito ang siyang basehan ng Diyos upang tayo ay maging karapatdapat sa kaligtasan.

    KUNG ANO ANG NAKASULAT SA BIBLIA AY SIYA NATING SUNDIN AT SIYA NATING ISAGAWA….

    ReplyDelete
  6. Salamat sa inyong pagtugon sa katanungan patungkol sa kahulugan ng salitang KASALANAN..

    Batay na rin sa inyong paliwanag, ibig sabihin po ba na ang tinatawag na MORTAL SIN or VENIAL SIN ng mga Katoliko ay hindi po biblical?

    ReplyDelete
  7. Well, kung hindi natin mabasa sa Biblia, maliwanag na hindi galing sa Biblia,Sabi nga ni Apostol Pablo:


    1 Corinto 4:6 “Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na HUWAG MAGSIHIGIT SA MGA BAGAY NA NANGASUSULAT; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.”

    Hindi tayo dapat humigit o lumagpas sa nakasulat, hindi namin tinatanggap na Biblical ang MORTAL SIN at VENIAL SIN dahil hindi naman iyan mababasa sa Biblia.

    Kapag naniwala tayo sa isang PANINIWALA o ARAL na hindi naman nababasa sa Biblia, iyan ay pagtanggap natin ng aral na LUMALAGPAS o HUMIHIGIT sa nakasulat. Kapag sinabi natin na nasa Biblia ang mga salitan o katawagang iyan pero hindi naman natin mabasa, sabi ng Diyos:

    Deut 4:2 “HUWAG NINYONG DARAGDAGAN NI BABAWASAN ANG SALITA na aking iniuutos sa inyo, upang inyong maingatan ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios na aking iniuutos sa inyo.”

    Bawal dagdagan ni bawasan ang mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia. Wala sa Biblia ang mga salitang “VENIAL SIN” at “MORTAL SIN”, kaya maliwanag na hindi iyan aral na itinuro ng Diyos at ng ating Panginoong Jesucristo.

    Subukan mo, magtanong ka sa Pari, kung may maibibigay silang talata kung saan mababasa ang mga katagang iyan sa Biblia.

    ReplyDelete
  8. ako'y isang dating Catholic at currently a born again christian...

    ang paghahandog ay isang mahalagang tungkulin ng mga Kristiyano at laganap na ito kahit sa panahon pa ng mga unang kristyano...at sa offerings kailangan ay ang tapat at bukal na pagbibigay mula sa ating kalooban..

    Tama ba ang pagkakaalam ko, pina-practice ba sa INC ang paghahandog ng bukal sa kalooban at mula sa pasya ng puso? bakit kailangan daw 'sumulong' sa mga ginagawang paghahandog sa Dios?

    hindi ho ba parang pang-oobliga sa tao kapag kailangan sumulong siya sa mga paghahandog?

    ReplyDelete
  9. Janet - Proud To Be Iglesia Ni Cristo9 October 2012 at 08:23

    ang paghahandog ay ayon sa puso...ang tithes ay hindi ayon sa puso sapagkat inoobliga ka magbigay ng 10%....tungkulin ng tao ang maghandog sa Diyos sapagkat utos nya to at ikinalulugod nya..

    ReplyDelete
    Replies
    1. 2 Cor. 9 : 7

      Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinapasya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagkat iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.

      Delete
  10. pakitalakay nga po ung LAW AND GRACE NG MGA BORN AGAIN THANKS PO BRO AREAL.....

    ReplyDelete
  11. Pag-puri sa sarili? kpg sinabi bng Amen, Hallelujah pag puri ba sa sarili b yan?

    ang salitang Hallelujah ay Praise the Lord!

    ang ginagawa lang naman nila ay isang testimony pra lumakas ang knlng Faith sa pakikibaka sa sanglibutan.

    mahilig magImbento!

    ReplyDelete
  12. May sinabi ba sa post na ang pagsasabi ng Amen at Hallelujah ay pagpupuri sa sarili?

    Hindi ba ang pagsasalita sa harap na pinupuri ang sarili ay ang gawang pagmamataas. Na maliwanag sa Biblia na hindi na kailangan na ipagmakaingay at hayaang makita ng iba ang mabubuting gawa upang papurihan ang Ama na nasa langit.

    Ang sabi ni Cristo "IPAKITA" at hindi niya sinabing "SABIHIN" sa iba.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isang way yun para maipakita sa iba kung pano sila binago ng Panginoong Jesus. Kung ano sila date at kung ano sila ngaun. Hindi nila pinupuri ang sarili kundi ang kayang gawin ni Jesus sa mga tulad nila na wala ng pag asa.

      Delete
  13. proud to be IGLESIA NI CRISTO

    ReplyDelete
  14. 1 Juan 5:9

    "Tinatanggap natin ang patotoo ng tao, ngunit lalong matibay ang patotoo ng Diyos."

    It's not wrong to give testimony. Nasa paraan lamang ng pagpapatotoo kung aangkinin mo ang papuri o ibabalik mo sa Diyos.

    ReplyDelete
  15. Ang tunay na pagpapatotoo ay pagbabahagi ng mga pagbabagong naidulot ng Diyos sa buhay ng tao. Kung ang pagkilala at pagsamba sa Diyos ay nagdulot ng mabuti at ang puso ay mapagpasalamat, hindi ba at gugustuhin mo itong ipagsabi sa iba? Na nakilala mo ang tagapagligtas na si Hesus at binago nito ang buhay mo. Katulad nang ginawa ng mga apostol nang kanilang makilala si Hesus, naglakbay sila papunta sa iba't ibang lugar at ibinahagi ang mga turo at mga katotohanan tungkol sa Diyos. Dahil gusto nilang makilala din ng iba ang Diyos at makarating ang mensahe nito sa kanila. Ito ang essence ng pagbibigay ng testimony. Ang pag-share ng transformation sa iyong buhay para malaman ng iba na ang pagkilala sa Diyos at pagtalikod sa kasalanan ay nakapagdudulot ng pagbabago at kasiyahan.

    ReplyDelete
  16. Ung pagpapatotoo ng mga born again, nsa tao kc yan kng pano xa mangusap. Dpat ntn ishare kng anu ngwa satin ng Panginoon hndi ung kung anu ung mga nagawa natin nang s gayon ang Panginoon ang papurihan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang kasamaan nga lang...

      Parang pinupuri mo ang sarili mo,hindi ang Diyos.

      Parang sinabi mo na ang tanso pwedeng maging ginto,gayung may nakatingin sa inyo.Hindi masamang purihin ang sarili,pero dapat purihin mo muna ang Diyos.

      Delete
  17. Ok po lahat ng comment at paliwanag... pero may nakakalimutan po tayo.... iwasan po natin ang paratiality mga kapatid...

    Mateo 7 : 1 - 5

    1 Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan.
    2 Sapagka't sa hatol na inyong ihahatol, ay hahatulan kayo: at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo.
    3 At bakit mo tinitignan ang puwing na nasa mata ng inyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang tahilan na nasa iyong sarili mata?
    4 O paanong sasabihin mo sa iyong kapatid, Pabayaan mong alisin koang puwing sa mata mo; at narito, ang tahilan sa iyong sariling mata?
    5 Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo munaang tahilan sa iyong mata; at kong magkagayo'y makikita mong malinaw ang pag-alis mo ng puwing sa mata ng iyong kapatid.

    ReplyDelete
  18. Kapatid ang tunay po na relehiyon ay wala sa mga nahatihating samahan, kundi nasa puso at buong pagkatao ng isang mananampalataya ke Hesukristo.. ang pagkapako po ni Jesus ay siyang naging kaligtasan ng sangkatauhan dahil sa hindi pagsunod ng ating mga ninunosa batas at mga utos ng Dios ama.. Pero sa pamamagitan po ni Jesus na nag alay ng dugo at Laman ay naligtas na po tayo, ngunit kailangan nating isabugay ang kanyang mga salita at kung iyong isasapuso ang two greatest commandment ( Mateo 22 : 36 - 40 ) tunay nga na sumasaiyo ang kristo sapagkat dito nakapaloob na kong mahal mo siya ay susundin mo ang kanyang mga utos..
    Naway nalinawan ka dito kapatid sa aking simpleng kumento.. naway makatulong ito sayo para mas tumibay ang iyong pananampalataya.. God bless you...

    ReplyDelete
  19. Anong relihiyon niyo po sir angelo ?

    ReplyDelete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network