Monday, 12 September 2011

Sagot sa Baluktot na Pagtutol ni Flewen sa isyu ng 666 - Part 4


Sa nakaraan [See Part 3] ay ating napatunayan ang maling  pagkaunawa ng magiting na Catholic Defender na si FLEWEN sa Juan 21:15-17 na inakala niyang isang uri ng TURN OVER CEREMONY o PAGPAPASA NG KAPANGYARIHAN KAY PEDRO, na napatunayan natin na isang PAGSUBOK ni Cristo sa pagibig sa kaniya ni Apostol Pedro, inutusan siyang pakanin ang Kaniyang mga Tupa na siya niyang tungkulin at hindi ang ginawa niyang pagbabalik sa pangingisda, sinabi ito ni Cristo upang matiyak na tunay nga siya nitong iniibig, maliwanag na ito ay PAG-UUTOS at hindi ipinapasa ni Cristo sa kaniya ang kapangyarihan nito.  Kaya sablay na naman ang ating kaibigang si Flewen, gaya ng dati.
  
Ipagpapatuloy pa natin ang kaniyang naging pagtutol sa ating post na may pamagat na:


Ganito ang sabi sa aking POST:

“Mateo 28:18 “At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y kaniyang kinausap, na sinasabi, ANG LAHAT NG KAPAMAHALAAN SA LANGIT AT SA IBABAW NG LUPA AY NAIBIGAY NA SA AKIN.”

Napakaliwanag na ang Papa ay nag-aangkin lamang ng kapangyarihang kay Cristo lamang ipinagkaloob ng Diyos, dahil ang lahat ng kapamahalaan ay ibinigay na sa kaniya ng Ama sa langit man o sa lupa. Nabasa natin sa itaas na sinasabi nila na ang Papa ay may titulong VICARIUS CHRISTI [VICAR OF CHRIST], o KAHALILI NI CRISTO, samakatuwid hinahalinhan o pinapalitan ng Papa ang pamamahala ni Cristo sa Iglesia, hindi lang ginaya ang Cristo kundi nakipantay pa sa kaniya sa kapangyarihan. Puwede bang magkaroon ng KAHALILI o KAPALITAN si Cristo?”


PAGTUTOL NI FLEWEN No.4

Source: http://apocalypsisjesuchristi.wordpress.com/2011/08/24/refuting-mr-aerial-cavalry-about-666title-of-the-pope-agenda/

“Sagot: hindi kailanman nang-akin ang mga Santo papa sa kapangyarihang si Kristo lamang ang makakagawa, ang sinusunod lamang ng mga successors ni San Pedro ay ang autoridad na binigay ni Hesus sa kanyang mga apostol at ang mas binigyan ng privilege nito ay SI SAN PEDRO., ANG UNANG SANTO PAPA. At gayang poste mo, wala kang naipakitang ebidensiya na totoo ang vicarius Filii Dei at ang taktika mo ngayon ay gusto mong palitawin na ang pagiging kahalili ay kapantay o ninanakaw ang kapangyarihan na dapat lamang sa ating tagapagligtas na si Hesu Kristo. Ang pagiging VICAR  ay nanganganhulugang siya ang spokesperson o TAGAPAGSALITA ni Kristo, hindi KAPALITAN ni Kristo. Hala basa sa depinisiyon nito:

New Advent:

“Vicar= In canon law, the representative of a person clothed with ordinary ecclesiastical jurisdiction.”


Or let’s make it directly “Vicar of Christ”:

“A title of the pope implying his supreme and universal primacy, both of honour and of jurisdiction, over the Church of Christ. It is founded on the words of the Divine Shepherd to St. Peter: “Feed my lambs. . . . Feed my sheep” (John 21:16-17), by which He constituted the Prince of the Apostles guardian of His entire flock in His own place, thus making him His Vicar and fulfilling the promise made in Matthew 16:18-19.”


So kung iintindihin natin iyang mga artikulong ipinoste ko, walang mababasa diyan na ang pagiging vicar of Christ ay pinapantay niya ang kanyang sarili kay Hesus, baga’y isa itong kuwentong guni guni ni Aerial kaya hindi nagging kapani-paniwala ang kanyang mga wrong connections.”


Napatunayan na natin sa nakaraan na walang mababasa sa Biblia na kailan man ay ibinigay ni Cristo kaninoman ang tungkulin ng PAGIGING ULO ng kaniyang IGLESIA, dahil ang IGLESIA ay KATAWAN ni CRISTO [Colosas 1:18], kaya walang sinoman na pupuwedeng tumayo o maging ULO nito, maliban kay Cristo. Kaya nga kung ipakikilala natin ang Papa bilang VISIBLE HEAD, lalabas ngayon na mayroon pa itong ibang ULO maliban kay CRISTO.

Kung si Cristo lamang talaga ang Kinikilala nilang ULO, dapat ay wala na silang ipakikilalang iba pa.

Sabi ng magiting na si Flewen, as I quote again:

hindi kailanman nang-akin ang mga Santo papa sa kapangyarihang si Kristo lamang ang makakagawa, ang sinusunod lamang ng mga successors ni San Pedro ay ang autoridad na binigay ni Hesus sa kanyang mga apostol at ang mas binigyan ng privilege nito ay SI SAN PEDRO., ANG UNANG SANTO PAPA”

Maliwanag na nating napatunayan na hindi PINASAHAN si Apostol Pedro ng KAPANGYARIHAN ni Cristo sa Juan 21:15-17 kundi siya ay binigyan ng isang gampanin para mapatunayan niya ang kaniyang tunay na pag-ibig kay Cristo. Siya bilang ministro at apostol, ay natural na may tungkuling mangalaga sa mga tupa.  Kaya lang sa tagpong iyon siya ang hinarap ni Cristo ay sapagkat siya pa ang nagpasimuno na bumalik ang mga alagad sa pangingisda, at hindi siya binigyan ng PRIVILEGE kaibigan, siya kasi PASIMUNO ng PAGTALIKOD sa kaniyang TUNGKULIN, kaya siya ang KINAUSAP at HINARAP ni Cristo.  May mababasa ba sa talata na ipinapasa ni Cristo ang Awtoridad o Kapangyarihan kay Pedro? Hindi ba wala naman?

Sabi pa ni Flewen:

“…SI SAN PEDRO., ANG UNANG SANTO PAPA”

Maliwanag na ang kanilang kinikilalang kauna-unahang Papa, ay siya pang PROMOTOR ng PANG-IIWAN ng TUNGKULIN.

Hindi kailan man kayang patunayan  sa pamamagitan ng BIBLIA at ng mga TALA NG KASAYSAYAN ang pag-aangkin ni FLEWEN at ng IGLESIA KATOLIKA na si Apostol Pedro ay naging kaunaunahang PAPA nila.

Narito ang mga Ebidensiya:

Mula sa isang polyeto ng Iglesia Katolika:

"Christ Never Called Peter 'Pope' (Why Millions call him ''Holy Father," p.11)

Sa Filipino:

“Hindi tinawag na Papa ni Cristo si Pedro.”


So, kung hindi siya tinawag na PAPA ni Cristo noong Unang Siglo, eh di maliwanag na hindi siya ang UNANG SANTO PAPA na gaya ng ipinapalagay nila?

Sige granting na hindi nga siya tinawag na PAPA ni Cristo, may mababasa ba sa Biblia na si Apostol Pedro ay tinawag na PAPA ng mga UNANG CRISTIANO?  Umpisahan mo nang maghanap ng talata Flewen.

Narito pa ang isa pang ebidensiya:

 "ALL OF THIS MAKES IT QUITE CERTAIN THAT PETER NEVER WAS IN ROME AT ALL. NOT ONE OF THE EARLY [CATHOLIC] CHURCH FATHERS GIVES ANY SUPPORT TO THE BELIEF THAT PETER WAS A BISHOP IN ROME until Jerome in the fifth century." (Roman Catholicism, by Dr. Loraine Boettner, p. 122)

Sa Filipino:

“LAHAT NG ITO AY NAGPAPATUNAY NA HINDI NAKARATING SI PEDRO SA ROMA. WALA NI ISA MAN SA MGA UNANG MGA AMA NG IGLESIA [KATOLIKA] AY NAGBIBIGAY NG PAGSANG-AYON SA PANINIWALA NA SI PEDRO AY NAGING OBISPO SA ROMA hanggang kay Jerome noong ika-limang siglo.”

Maliwanag na ang kanilang pag-aangkin na si Pedro ay naging PAPA o OBISPO sa Roma, ay isang maliwanag na GUNI-GUNI, at kailan man ay hindi mapapatunayang TOTOO. Dahil kailan man ay hindi siya nakatuntong man lang sa lugar na iyon, na gaya ni Apostol Pablo, na may patunay sa Biblia na nakarating sa Roma.

Ano naman ang sinasabi ng isang Obispong Katoliko tungkol sa isyung ito:

"MOST SCHOLARS REJECT AS UNHISTORICAL THE TRADITION THAT THE APOSTLE PETER WAS, AND WAS RECOGNIZED AS BEING THE FIRST BISHOP OF ROME." (The Christian Society,  Bishop Stephen Neill, p. 36)

Sa Filipino:

“KARAMIHAN SA MGA ISKOLAR AY ITINATAKUWIL BILANG HINDI MAKASAYSAYAN ANG TRADISYON NA SI APOSTOL PEDRO AY NAGING, AT KINILALA BILANG UNANG OBISPO NG ROMA.”

Ang pagiging Obispo ng Roma ay katumbas ng pagiging PAPA:

“The TITLE POPE, once used with far greater latitude (see below, section V), IS AT PRESENT EMPLOYED SOLELY TO DENOTE THE BISHOP OF ROME,”


Walang ebidensiya ang sinoman na makapagpapatunay sa GUNI-GUNING ito at PANAGINIP ng Iglesia Katolika at ng ating magiting na CATHOLIC DEFENDER sa sinabi niyang si Pedro ang UNANG SANTO PAPA.

Basahin ang Kumpletong Pagtalakay tungkol sa isyung ito:


Kaya maliwanag ang mga katotohanang ito:

1.   Hindi pinasahan ng kapangyarihan ni Cristo si Apostol Pedro, at hindi siya kailan man ginawang VISIBLE HEAD o NAKIKITANG ULO ng Iglesia. Walang patunay sa Biblia at maging sa Kasaysayan.

2.   Hindi naging UNANG PAPA si Pedro sa Unang Iglesia na itinatag ni Cristo sa Jerusalem noong 33A.D., ni naging Unang PAPA  o OBISPO siya sa Roma, dahil hindi naman siya nakarating sa lungsod na iyon kailan man. At hindi siya tinawag ni Cristo na PAPA ni kinilala siya ng gayon ng mga UNANG CRISTIANO, hanggang sa sinasabing pagkamatay niya noong taong 67 A.D.

3.  Walang mababasa sa Biblia o kahit sa kasaysayan na ipinasa ni Pedro ang anomang katungkulan o kapangyarihan na ibinigay sa kaniya ni Cristo, kung mayroon man, sa mga sumunod na Papa ng Iglesia Katolika.

Kaya maliwanag na ito ay RESULTA ng HALLUCINATIONS o GUNI-GUNI ni FLEWEN, at INIMBENTONG KUWENTO lamang ng relihiyong kinaaniban niya.


Eto ang lalong maghahayag ng KAKULANGAN  ni FLEWEN ng UNAWA sa kanilang PANINIWALA, ganito ang sabi niya:

“Ang pagiging VICAR  ay nanganganhulugang siya ang spokesperson o TAGAPAGSALITA ni Kristo, hindi KAPALITAN ni Kristo. Hala basa sa depinisiyon nito:

New Advent:

“Vicar= In canon law, the representative of a person clothed with ordinary ecclesiastical jurisdiction.”

Ang pagiging VICAR daw ay nangangahulugan na ang PAPA ay ang SPOKESPERSON o TAGAPAGSALITA ni Cristo, at hindi KAPALITAN ni Cristo.

At kumuha pa ng definition sa Catholic Encyclopedia na na sinasabing ang VICAR ay REPRESENTATIVE, na atin nang napatunayan sa nakaraan na ang ibig sabihin ay EXHIBITING A SIMILITUDE,  na ang ibig sabihin ay nagpapakita ng pagkakatulad siyempre doon sa kaniyang inirerepresent.

Pero napansin niyo ba na wala siyang naipakita sa ating kahit aklat ng Katoliko na nagpapatunay sa kaniyang Definition ng VICAR na ito ay SPOKESPERSON o TAGAPAGSALITA lamang?  Kahit na DICTIONARY sana ay magpakita ka Flewen, para naman makita namin na talagang may batayan iyang pinagsasabi mo na iyan, hehehehe.

Well, tayo ang magpakita sa kaniya ng DEFINITION ng VICAR, na mukhang iniiwasan niyang ipakita sa atin:

“Vicar
VIC'AR, n. [L. vicarius, from vicis, a turn, or its root.]

In a general sense, A PERSON DEPUTED OR AUTHORIZED TO PERFORM THE FUNCTIONS OF ANOTHER; A SUBSTITUTE IN OFFICE.”  [Webster’s 1828 Dictionary]

Kaliwanag ng sinabi ng Dictionary mga kapatid,

Ang VICAR ay nangangahulugan na ISANG TAO NA BINIGYAN NG AWTORIDAD o KAPANGYARIHAN UPANG GAMPANAN ANG TUNGKULIN NG IBA o isang SUBSTITUTE IN OFFICE o KAHALILI o KAPALITAN sa TUNGKULIN.

Para po tayong iniluluwas ng walang pamasahe ni FLEWEN at pilit tayong dinadala sa mali at hindi totoong definition niya ng salitang VICAR na diumano’y SPOKESPERSON o TAGAPAGSALITA lang daw...

Kaya nga sa pagsasabi na ang PAPA ay VICAR of the SON OF GOD, o VICAR of CHRIST,  ay maliwanag na ito ay nagpapatunay na KAHALILI o KAPALITAN NI CRISTO ang PAPA. Huwag ka nang magmaang-mangan pa FLEWEN, dahil lalabas na hindi mo alam ang mga pinagsasasabi mo….


 Sabi po natin sa ating POST:

“Sasagutin sa atin iyan ng Biblia:

Hebreo 7:24 “Datapuwa’t siya, sapagka’t namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang DI MAPAPALITAN.”
  
PAGTUTOL NI FLEWEN No.5

“Sagot: hindi nga pinalitan ang pagka-ULO ng isang santo papa sa Iglesiyang tatag ni Kristo sa pagiging ULO ni Hesus ng kanyang binuong Iglesiya eh dahil ang pagka-ulo lamang ng santo papa ay ang kapangyarihang pamahalain ang mga ministro at mga tagapangalaga at mga mananampalataya ng Iglesiyang tatag ni Kristo, kaya huwag maging malikot ang pag-iisip ha. Pakitaan mo ako ng Vatican document na nagsasabing pinalitan ng santo Papa ang pagka-ULO ni Kristo sa Kanyang tatag na iglesiya?”


Napatunayan na natin na ang Ibig sabihin ng salitang VICAR ay KAHALILI o KAPALITAN…Kaya nga kung si Cristo ay ULO NG IGLESIA, at ang PAPA ay SUBSTITUTE ni CRISTO napakaliwanag na nakapagtataka lang kung bakit hindi maintindihan ni FLEWEN, na PINALITAN ng PAPA ang pagiging ULO ng IGLESIA dito sa LUPA.

Dahil wala po tayong mababasa kahit sa kanilang mga AKLAT na nagtuturo o nagsasabi na hanggang sa ngayon ay si CRISTO pa rin ang KINIKILALA nilang ULO ng IGLESIA sa LUPA. Sige nga Flewen, pakita mo nga sa amin?

Tingnan natin kung sino ang lalabas na walang muwang o sadyang nagkakaila lamang sa katotohanang ito:

“THE POPE TAKES THE PLACE OF JESUS CHRIST ON EARTH…by divine right the Pope has supreme and full power in faith, in morals over each and every pastor and his flock. HE IS THE TRUE VICAR, THE HEAD OF THE ENTIRE CHURCH, the father and teacher of all Christians. He is the infallible ruler, the founder of dogmas, the author of and the judge of councils; the universal ruler of truth, the arbiter of the world, THE SUPREME JUDGE OF HEAVEN AND EARTH, THE JUDGE OF ALL, being judged by no one, God himself on earth.”  [Quoted from the New York Catechism]

Kahit hindi na tagalogin mga kapatid, KLARONG-KLARO sa aklat Katolikong ito ang EBIDENSIYA na TALAGANG INANGKIN NG PAPA ANG KATUNGKULAN AT KAPANGYARIHAN NI CRISTO SA LUPA, na ito ngayon ang nagpapatunay na HINDI NALALAMAN ni FLEWEN ang mga pinagsasabi niya…

At ang lalong kapansin-pansin, aba’y lumalabas diyan sa pahayag ng Katesismong iyan na hindi lamang ang TUNGKULIN ni Cristo ang INANGKIN ng PAPA, maging ang TUNGKULIN ng Diyos, bilang HUKOM sa LANGIT at sa LUPA o HUKOM ng LAHAT ay inangkin din, gaya ng ating mababasa sa Biblia:

Hebreo 12:23  “Sa pangkalahatang pulong at iglesia ng mga panganay na nangatatala sa langit, at sa DIOS NA HUKOM NG LAHAT, at mga espiritu ng mga taong ganap na pinasakdal,..”

Kita niyo iyan mga kapatid ang tindi ano?  Hindi lang kapangyarihan ni Cristo ang inangkin, pati katungkulan ng Diyos ay sinaklaw na rin.

Ito pa katibayan:

WE HOLD UPON THIS EARTH THE PLACE OF GOD ALMIGHTY [Pope Leo XIII Encyclical Letter of June 20, 1894]

Nakakakilabot hindi po ba na hindi lang pala ang kapangyarihan at katungkulan ni Cristo ang inangkin ng Papa, pati ang kapangyarihan at katungkulan ng Diyos na Makapangyarihan sa Lahat.

Ito pa ang pinaka-nakakakilabot sa lahat, ang PAPA ay tinatawag na Diyos!

Pope Nicholas I declared: “the appellation of God had been confirmed by Constantine on THE POPE, WHO, BEING GOD, CANNOT BE JUDGED BY MAN.” [Labb IX Dist.: 96 Can. 7, Satis evidentur, Decret Gratian Primer Para]

Kaya tupad na tupad ang sinabing ito ng Biblia sa Papa, na siyang ipinakikilala ng Biblia na BULAANG PROPETA:

2 Tessalonica 2:3-4  “Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating muna ang pagtaliwakas, at mahayag ang TAONG MAKASALANAN, ang anak ng kapahamakan, NA SUMASALANGSANG AT NAGMAMATAAS LABAN SA LAHAT NA TINATAWAG NA DIOS O SINASAMBA; ANO PA'T SIYA'Y NAUUPO SA TEMPLO NG DIOS, NA SIYA'Y NAGTATANYAG SA KANIYANG SARILI NA TULAD SA DIOS.”

Kaya kahit saan padaanin eh, ang PAPA talaga ang kinatuparan ng Hula sa Apocalypsis 13:18, dahil ang tao na nagtataglay ng pangalan na may numerong 666 ay siya ring tao na tinutukoy sa talatang iyan na TAONG MAKASALANAN na nagtatanyag ng kaniyang sarili na Tulad sa Diyos, na tumutumbok na naman sa PAPA.

Dagdagan pa natin iyan, narito pa ang isa pang pagkakakilanlan sa BULAANG PROPETA:

Mateo 24:5  “Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, AKO ANG CRISTO; at ililigaw ang marami.”

So ang isa pa sa ikakikilala sa Bulaang Propeta ay magpapakilala siya na siya ay Cristo. Kaya nga sa pagsasabi na ang PAPA ay VICAR OF CHRIST o KAHALILI NI CRISTO lumalabas ngayon na CRISTO na rin ang PAPA hindi po ba?

May katibayan ba tayo niyan? Meron po, basa!

“THE POPE IS NOT ONLY THE REPRESENTATIVE OF JESUS CHRIST, HE IS JESUS CHRIST HIMSELF, hidden under the veil of flesh.” [Catholic National, July 1895]

Sa Filipino:

“ANG PAPA AY HINDI LAMANG KINATAWAN NI JESU CRISTO, SIYA AY SI JESU CRISTO MISMO, na natatago sa ilalim ng takip ng laman.”

Ano ngayon ang masasabi ng magiting nating Catholic Defender dito?


Tutol na tutol siya na nag-angkin ang PAPA ng kapangyarihang taglay ni Cristo, pero ang hindi pala niya alam ay ipinakikilala pala mismo na Cristo ang PAPA ng Iglesia Katolika, hehehehe…

Kaya pala SIYA ANG ULO NG IGLESIA, KASI ANG PAGKAKAKILALA SA KANIYA AY SIYA SI CRISTO MISMO…

Matindi ano….ayos lang iyan, dahil lalong napatunayan na siya ay BULAANG PROPETA…at talatang sa kaniya natupad ang sinasabi ni Apostol Juan sa aklat ng Apocalypsis na taong may numerong ‘666’ sa kaniyang PANGALAN o TITULO na siyang VICARIUS FILII DEI, na hindi lang pala pumalit kay Cristo kundi ipinakilala ring Cristo at Diyos ng relihiyon na kinaaniban ni FLEWEN…

Kahabagan po natin ang mga kaibigan nating mga Katoliko, akayin po natin sila at iligtas mula sa apoy ng kapahamakan na maaari nilang sapitin kung sila'y mananatili sa huwad na relihiyong ito.

Itutuloy….

8 comments:

  1. bro aerial,

    tulungn mo naman ako yung tungkol sa roma 16:16? hehe yung tunay na pagkaka sulat greek ba yun yung sa "iglesia ni Cristo" small letters. pero may nabasa ko na nd nman uso capital letters nun?

    sana magkarun ka ng post tungkol dun...

    yung mtby na paliwanag para yung mga adik na tumutuligsa sa inc eh manahimik na. hehehe
    godbless po!

    ReplyDelete
  2. Sige bro. Paghahandaan natin iyan...thanks sa pagbisita sa Blog ko. God bless you too, at sa lahat ng mga kapatid na patuloy na tumatangkilik sa Blog na ito.

    Para sa Ama lahat ng kapurihan

    ReplyDelete
  3. Again nice post. Magagamit natin ito para maliwanagan ang mga nadaya ng mga bulaang mangangaral.

    ReplyDelete
  4. pa help po dun sa gawa 20:28 lamsa Translation pang laban din po nila yun ehhh bakit daw sa ibang biblia Iglesia ng Dios nkalagay. Thanks po God Bless Purihin ang Diyos!

    ReplyDelete
  5. Bibigyan po natin iyan ng kaukulang POST kapatid, bigyan po ninyo ako ng TIME.

    God bless po!

    ReplyDelete
  6. Pagnagbabasa ako sa site na ito lalong umaapaw ang aking kagustuhang magakay. hihi ^_^

    ReplyDelete
  7. isa po akong dinodoktrinahan . . at itutuloy ko po ito hanggang maging kaanib . . gusto ko lang po sana ng malinaw na paliwang duon sa juan 1:1. . nadoktrina na po ito sa akin pero mdyo malabo pa po kaya gusto ko po sana ng paliwanag mula sa inyo . . Pagpapala po mula sa Ama ay sumaatin. .

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bert Ting,

      Nasa ibaba po ang link. Nariyan po ang kumpletong paliwanag:

      http://www.readmeiglesianicristo.blogspot.com/2013/02/sino-ba-ang-diyos-sa-juan-11-si-kristo.html

      Kung hindi pa rin po malinaw, huwag ho kayong mahiyang matanong kahit ISANG LIBONG BESES sa nagdodoktrina po sa inyo hanggang sa maliwanagan ho kayo.

      --Bee

      Delete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network