Saturday 1 October 2011

Ano nga ba ang Banal na Halik?





Ang mga kaanib sa samahang ANG DATING DAAN ay may paboritong tuligsa sa INC, ito ay ang tungkol sa BANAL NA HALIK, kaya ang isa sa mga nagsusuri ay nagtanong sa atin ng ganito:


Tanong ni JANUS:

“Ano po ang meaning ng ‘banal na halik’ sa Roma 16:16?”


Ang BANAL NA HALIK, na tinutukoy ni Apostol Pablo sa kaniyang sulat sa mga taga-Roma ay ang isang uri ng pagbabatian na umiiral noon nung panahon nila. Isang pagbati sa pamamagitan ng PAGHALIK na isang URI NG PAGBATI, na kaugalian noon sa bansang ISRAEL, at maging sa mga nakapaligid na bansa.

At pinatutunayan ito maging ng mga nagsipagsuri ng kahulugan ng nasabing “BANAL NA HALIK

“Whatever in modern culture is symbolic of the deep affection Christians ought to feel toward each other – a kiss on the cheek, a warm handshake, a grasping in both hands, etc. – is the equivalent of the apostolic command
.” [ Wycliffe Bible Commentary, page 1225]

Sa Filipino:

“Anomang makabagong kultura na lumalarawan sa malalim na damdamin na dapat madama ng mga Cristiano sa isa’t-isa – isang halik sa pisngi, isang mainit na pikikipagkamay, at paghahawak ng dalawang kamay, at iba pa – ito ang katumbas ng iniutos ng mga Apostol.”

Sa paliwanag ng mga taga ADD, hindi raw PISIKAL NA PAGBATI ang BANAL NA HALIK, dahil paano raw mangyayari na makapaghalikan sila eh ang bumabati daw ay nasa Jerusalem at ang binabati ay nasa Roma. Malayo daw ang pinaggagalingan ng pagbati, kaya daw hindi literal na PAGHALIK ang tinutukoy sa talata. At para masuportahan ang kanilang paliwanag ay gumagamit sila ng talata:

Awit 85:10 “ Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay NAGHALIKAN.”

Ito raw ang BANAL NA HALIK, ang paghahalikan ng KATUWIRAN at KAPAYAPAAN. Ang mahalagang tanong ay ganito: Doon ba sa Roma 16:16, ang inuutusan ba doon na magbatian ng BANAL NA HALIK ay ang KATUWIRAN at KAPAYAPAAN o ang mga TAO? Kaya napakalabo na maiugnay ang AWIT 85:10 sa Roma 16:16. Dahil MGA TAO ang INUUTUSAN doon na MAGHALIKAN eh.

Puntahan natin ang Roma 16:16:

Roma 16:16 “MANGAGBATIAN KAYO NG BANAL NA HALIK. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo.”

Kapansin-pansin sa TALATA na ang INUUTUSAN lamang na MAGBATIAN ng BANAL NA HALIK ay iyong mga TAGA ROMA, hindi sinabi ni Apostol Pablo na:

“MANGAGBATIAN TAYONG LAHAT NG BANAL NA HALIK, BINABATI KAYO NG BANAL NA HALIK ng lahat ng mga Iglesia ni Cristo.”

Ganiyan ba sabi? Hindi naman ganiyan ang sinabi, hindi ba Janus?

Maliwanag na ang pagbabatian ng BANAL NA HALIK na inuutos ni Pablo ay para doon lamang sa mga TAGA ROMA dahil doon lang nila magagawa iyon, dahil magkakalapit at magkakasama sila. ANG PAGBATI NG LAHAT NG MGA IGLESIA NI CRISTO, AY SA IPINAABOT LAMANG SA KANILA SA PAMAMAGITAN NG SULAT – hindi IYON BANAL NA HALIK.

Basahin natin ang sulat naman niya sa mga taga Corinto:

1 Corinto 16:19 “Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia. Kayo'y binabating malabis sa Panginoon ni Aquila at ni Prisca pati ng iglesiang nasa kanilang bahay.”

1 Corinto 16:20 “Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. KAYO'Y MANGAGBATIAN NG HALIK NA BANAL.”

1 Corinto 16:21 “ANG BATI KO, NI PABLO NA SINULAT NG AKING SARILING KAMAY.”


Nakita mo JANUS? Halatang-halata ang mga taga ADD, sa mali nilang pagkaunawa na hindi PISIKAL o AKTUWAL na PAGBATI sa pamamagitan ng PAGHALIK ang tinutukoy ni PABLO, sa talatang ito muli na naman niyang INIUTOS ito pero doon lamang sa mga TAGA CORINTO – sila lang ang MAGBABATIAN NG BANAL NA HALIK, dahil kasi nga sila ang magkakalapit kaya magagawa nila ang AKTUWAL NA PAGBATI sa ISA’T-ISA, ang PAGBATI NI PABLO ay ipinaabot lamang niya sa pamamagitan ng SULAT at HINDI BANAL NA HALIK YUN, dahil hindi magagawa ni PABLO na batiin sila ng AKTUWAL na BANAL NA HALIK, dahil malayo siya.

Ang BANAL NA HALIK ay katumbas ng anomang uri [Paghalik sa Pisngi, pakikipagkamay, pagyakap, at iba pa] ng PISIKAL na PAGBATI na ginagawa ng mga Cristiano sa isa't-isa bilang pagpapakita ng malalim nilang pagmamahal at damdamin sa isa't-isa.

Narito ang isang VIDEO na may kinalaman sa Paksang ito:

18 comments:

  1. Napakalinaw ng sagot dito sa blog, nais ko lamang pong batiin ang lahat ng mga kapatid sa buong mundo. Hindi ko po kayo mababati ng banal na halik pero binabati ko kayong lahat sa pamamagitan ng blog na ito (LOL).

    ReplyDelete
  2. lahat daw ng bagay sa ibabaw ng mundo ay nasasagot sa pamamagitan ng Bibliya.

    gusto ko lang sana kunin ang inyong pagpapaliwanag kung, nakasaad din ba sa Bibliya ang paglitaw nang sandamakmak na versions??

    na-prophesize din ba ito gaya ng mga ilang mga kaganapan sa ating history??

    ReplyDelete
    Replies
    1. panahon pa man ng mga pariseo na kung saan ang iba ay isinalin ang mga akda ng apostol at propeta, ay meron ng mga lumabas na MALING SALIN dahil sa pagkaka MALI ng UNAWA sa kasulatan.

      Gayundin naman sa lahat ng kaniyang sulat, sinasalita niya ang mga bagay na ito. ILAN SA MGA ITO ay mahirap unawain at BINIGYAN NG MALING KAHULUGAN ng mga hindi naturuan at hindi matatag. GANITO RIN ANG KANILANG GINAWA SA IBANG KASULATAN sa ikapapahamak ng kanilang sarili. 2 Pedro 3:16 (SND)

      Kaya ang kasulatan din mismo ang siyang KINASIHAN upang gawing PANG TUWID sa mga maling pagkaka salin nito.

      Kinasihan ng Diyos ang bawat kasulatan. Ang mga ito ay mapakikinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, SA PAGTUWID, SA PAGSASANAY NG KATWIRAN - 2 Kay Timoteo 3:16

      ngunit para malaman natin ang kasulatan kung ito ba ay nasa TAMA o nasa MALING SALIN, na siyang kokontra sa ibang kasulatan ay KAILANGAN IWANGIS/IKUMPARA ito sa ibang mga BANAL NA BAGAY tulad ng ibang banal na kasulatan.

      "Which things also we speak, not in the words which man's wisdom teacheth, but which the Holy Ghost teacheth; COMPARING SPIRITUAL THINGS WITH SPIRITUAL." - 1 Corinthians 2:13 (KJV)

      Kaya ang Iglesia ni Cristo ay WALA pong sariling SALIN ng biblia/Kasulatan sapagkat HINDI po NINAIS ng Iglesia ni Cristo na pasunurin ang banal na kasulatan ayon sa katuruan ng tao.

      "..NOT IN THE WORDS WHICH MAN'S WISDOM TEACHETH, but which the Holy Ghost teacheth;.." - 1 Corinthians 2:13 (KJV)

      Iron Solomon

      Delete
  3. Kaibigan, ang Biblia ay ipinasulat ng Dios upang maging batayan at gabay PANGMORAL, ng ating PANANAMPALATAYA, at PAGRERELIHIYON, lalo na para malaman ng tao ang DAAN patungo sa Kaligtasan.


    2 Timoteo 3:15-17 “Mula pa sa pagkabata ay alam mong ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pana-nampalataya kay Cristo Jesus. ANG LAHAT NG KASULATAN AY KINASIHAN NG DIYOS, AT NAGAGAMIT SA PAGTUTURO NG KATOTOHANAN, SA PAGTATAMA SA MALING KATURUAN, SA PAG-TUTUWID SA LIKONG GAWAIN AT SA PAGSASANAY PARA SA MATUWID NA PAMUMUHAY, UPANG ANG LINGKOD NG DIYOS AY MAGIGING KARAPAT-DAPAT AT HANDA SA LAHAT NG MABUBUTING GAWAIN.” [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]

    Narito ang LINK na maaari mong puntahan:

    KUNG BAKIT DAPAT SUNDIN AT PANIWALAAN ANG BIBLIA

    Hindi lahat ng mga KAGANAPANG SEKULAR, o PANGSANGLIBUTAN na KASAYSAYAN ay hinulaan sa Biblia, kung mayroon mang mga bagay na binabanggit sa Biblia na mga HINULAAN, na mga pangyayari na kasalukuyang nagaganap sa ating paligid ito ay kadalasang may kinalaman sa mga PALATANDAAN ng muling PAGPARITO ni Jesus, upang maalaman natin na malapit na nga siyang bumalik.

    Ang mga detalyadong kaganapan sa ating Kasaysayan, ay hindi na binabanggit sa Biblia. Kadalasan ang tema ng Biblia ay in GENERAL SENSE, halimbawa, Digmaan ng mga bansa sa bansa gaya ng mababasa sa:

    Mateo 24:7 “Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako.”

    Hindi na dinedetalye ng Biblia kung kailan ang eksaktong petsa ito magaganap o kung aling mga bansa ang magdidigmaan, nalalaman na lang natin na nangyari na ang hula, kapag ito ay naganap na.

    Regarding doon sa Paglitaw ng maraming Bible VERSIONS. Alam mo ba na alam ng Diyos na mangyayari iyan?

    Ganito ang sabi ng Diyos:

    Daniel 12:4 Nguni't ikaw, Oh Daniel, ISARA MO ANG MGA SALITA, AT TATAKAN MO ANG AKLAT, HANGGANG SA PANAHON NG KAWAKASAN: MARAMI ANG TATAKBO NG PAROO'T PARITO, AT ANG KAALAMAN AY LALAGO.

    Batid ng Diyos na ang kaniyang salita na kaniyang IPINASULAT ay MAKAAABOT hangganag sa PANAHON ng KAWAKASAN, sa panahon natin, sa panahong MALAGO NA ANG KAALAMAN NG TAO. Ibig sabihin sa panahong iyan, ang tao ay mayroon nang taglay na kakayahan na makaunawa ng IBA’T-IBANG wika, at magtaglay ng KAKAYAHAN na MAISALIN ito sa WIKANG nauunawaan ng sinoman.

    See Next Post>

    ReplyDelete
  4. Alam na alam naman natin na ang Orihinal na wikang ginamit sa Biblia ay HEBREO, GRIEGO, at ARAMAIKO, at kung hindi LUMAGO ANG KAALAMAN ng tao gaya ng sinabi ng Diyos, hindi maisasalin ang Biblia sa wikang nauunawaan natin.

    Kaya kalooban ng Diyos na maisalin ang kaniyang mga salita sa iba’t-ibang wika kaya nakaabot ito hanggang sa panahon na malapit na ang kawakasan, at ito nga ay sa panahon natin.

    Hindi din ipinagbabawal ng Diyos ang paggamit ng iba’t-ibang VERSIONS ng mga Biblia, sapagkat may sinabi siyang ganito.

    Isaias 28:13 Kaya't ANG SALITA NG PANGINOON ay magiging sa kanila'y utos at utos, utos at utos; bilin at bilin, bilin at bilin; DITO'Y KAUNTI, DOO'Y KAUNTI; upang sila'y mangakayaon, at mangapahinga, at mangabalian, at mangasilo, at mangahuli.

    Alam ng MAKAPANGYARIHANG DIYOS na ang kaniyang salita, ay maisusulat sa IBA’T-IBANG WIKA, at IBA’T-IBANG VERSION, at ang talatang ito ang KATIBAYAN.

    Kaya nga maliwanag na hindi masama na gumamit ng iba’t-ibang versions ng Biblia, dahil ang utos ng Diyos ang kanyang salita ay maaaring DITO’Y KAUNTI, DOO’Y KAUNTI, maaari tayong KUMUHA NG KAUNTI SA ISANG VERSION AT PAGKATAPOS AY KUKUHA RIN TAYO NG KAUNTI SA IBA PANG VERSION –KAUNTI DITO, KAUNTI DOON.

    Ganitong paraan ginagamit ng INC ang Biblia, kaya nga lahat ng klase ng BIBLE VERSIONS ay ginagamit ng INC sa pagtuturo ng SALITA NG DIYOS, bilang pagsunod sa utos ng Diyos na ito.

    ReplyDelete
  5. kaya po pala pag tinatanong ko ang ADD
    na paki demo mo nga sa akin ang banal na halik ay hindi nila mapaliwanag kasi

    si katwiran at kapayapaan pala ang inuutusan sa roma 16:16 hindi tao. lol

    ReplyDelete
  6. Napanuud ko yun engkwentro ng ADD at yun miembro ng Iglesya. ang topic nila tlga ay kung ang Beso beso a ybanal na halik daw at hindi lng basta banal na halik.

    ReplyDelete
  7. Anything about book of enoch? why it was not included to the bible?

    ReplyDelete
  8. Natawa ako dun sa video ng mapanood ko.Nag-choke si Eli Soriano sa tanong ng isang nagtatanong sa kanya (original video).

    Kaso,edited na yung sa UNTV.

    ReplyDelete
  9. ito yung blog na matatawa ka,, biruin mong Awit 85:10 sinubukang ipaliwanag eh nd nakuha ang nilalaman,.. :D

    kaya dinaan sa tanong,,

    well yung tanong niya,,


    --
    Awit 85:10 “ Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay NAGHALIKAN.”

    Ito raw ang BANAL NA HALIK, ang paghahalikan ng KATUWIRAN at KAPAYAPAAN. Ang mahalagang tanong ay ganito: Doon ba sa Roma 16:16, ang inuutusan ba doon na magbatian ng BANAL NA HALIK ay ang KATUWIRAN at KAPAYAPAAN o ang mga TAO?
    --

    ako sasagot,, ang inutusan magbatian,, tao,, dagdagan ko na tanong mo,, ano ba yung ipangbabati,, eh di banal na halik,, yun nga yung pagbati ng katuwirAn at kapayapaan,, basa ulit,,

    Awit 85:10 “ Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay NAGHALIKAN.”




    BRAD,, clariffication sa sinabi mo,, para nd mo maligaw mga tao,,

    nd lang sa Roma inutos ang banal na halik,, at nd lang yan pangmalapitan,, wag kang bumatay sa pastor protestante,, :D

    oh heto dagdag talata

    1 Mga Taga-Corinto, 16:19 - Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia. Kayo'y binabating malabis sa Panginoon ni Aquila at ni Prisca pati ng iglesiang nasa kanilang bahay.
    1 Mga Taga-Corinto, 16:20 - Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. Kayo'y mangagbatian ng halik na banal.


    1 Pedro, 5:13 - Binabati kayo ng nasa Babilonia, na kasamang hinirang; at ni Marcos na aking anak.


    Ang banal na halik, pwedeng ibati sa lahat ng kapatid sa Iglesia, malayo ka man o malapit. Nasa malayong lugar ka man.

    ReplyDelete
  10. ito yung blog na matatawa ka,, biruin mong Awit 85:10 sinubukang ipaliwanag eh nd nakuha ang nilalaman,.. :D

    kaya dinaan sa tanong,,

    well yung tanong niya,,


    --
    Awit 85:10 “ Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay NAGHALIKAN.”

    Ito raw ang BANAL NA HALIK, ang paghahalikan ng KATUWIRAN at KAPAYAPAAN. Ang mahalagang tanong ay ganito: Doon ba sa Roma 16:16, ang inuutusan ba doon na magbatian ng BANAL NA HALIK ay ang KATUWIRAN at KAPAYAPAAN o ang mga TAO?
    --

    ako sasagot,, ang inutusan magbatian,, tao,, dagdagan ko na tanong mo,, ano ba yung ipangbabati,, eh di banal na halik,, yun nga yung pagbati ng katuwirAn at kapayapaan,, basa ulit,,

    Awit 85:10 “ Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay NAGHALIKAN.”




    BRAD,, clariffication sa sinabi mo,, para nd mo maligaw mga tao,,

    nd lang sa Roma inutos ang banal na halik,, at nd lang yan pangmalapitan,, wag kang bumatay sa pastor protestante,, :D

    oh heto dagdag talata

    1 Mga Taga-Corinto, 16:19 - Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia. Kayo'y binabating malabis sa Panginoon ni Aquila at ni Prisca pati ng iglesiang nasa kanilang bahay.
    1 Mga Taga-Corinto, 16:20 - Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. Kayo'y mangagbatian ng halik na banal.


    1 Pedro, 5:13 - Binabati kayo ng nasa Babilonia, na kasamang hinirang; at ni Marcos na aking anak.


    Ang banal na halik, pwedeng ibati sa lahat ng kapatid sa Iglesia, malayo ka man o malapit. Nasa malayong lugar ka man.

    ReplyDelete
  11. Ang mga taga Roma, pwede bumati sa mga taga Asia. Vice versa Ang nasa Asya pwede batiin ang taga Babylonia.

    At ang banal.na halik naipapadala sa.pamamagitan ng sulat.


    Kaya nga nakaraing sa kanila ang pagbati kasi nakaratinh sa kanil ng sulat galing sa ibat ibang local ng iglesia.


    Ang tanong??.

    Kung ang banal na halik ay beso beso o pakikipagkamay paano naipapadala sa sulat?.

    Papaano mo ma bebeso beso o makakamayan ang mga nasa Amerika kung mero ka man kapatid don eh andito ka sa Pinas?


    ibig bang sabihin pwede humaba ang kamay mo para makamayan o ang nasa ibang parte ng mundo?.


    o pwede ba humaba ang nguso mo at pisngi mo para ka makapag beso beso??.


    impossible yan mangyari di ba?

    so ibig bang sabihin hindi na makakabati ng banal na halik ang ibang mga kapatid pag di sila na beso besohan at kamayan?.

    Pero ang mga unang Kristiano nakakabati ay nakikipagbatiaan san man panig sila ng mundo naipapadala ang banal na halik sa pamamagitan ng sulat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Galeng kuya, mas ns explain mo ng maayos. Di man po kami nskikipagaway

      Delete
  12. Ang Banal Na Halik ay kahi't na anupamang uri ng pagbati na walang halong pag-iimbot o pagpapaimbabaw!

    ReplyDelete
  13. Sabi po kase sa bible magbihay ng halik sa lahat mga myembro, pano po yun kung magkakalayo . Di po kade ata literal yan. Pag nag kaintindihan ang mga magkakapatid nagsasalubong yung katwiran at kapayapaan sa mga magkakapatid .Tska diba po sa dimonyo yung ibang gawagawa na bibliya, bat po sa commentary nayan kayo bumabatay

    ReplyDelete
  14. Marami pamamaraan sa banal na halik..

    Mag kakaibigan mag kakapatid,

    Pag bati o pag kumusta pag beso2 sa mga close na kapatid yan ay bahagi ng pagmamahal..

    Ang pagmamahalan magkakapatid ay bahagi ng banal na halik..

    Marami pamamaraan sa pagbati..



    ReplyDelete
  15. While others are contemplating and arguing the real meaning of holy kiss, and both are claiming to be correct, only the Lord is correct because we only have one Teacher. Let us all concentrate in the great commission where in the end it is the Lord who will judge who is right or wrong and hope by faith in the end we found our name written in the book of life! Peace be with you all! Greet each other with a holy kiss!

    ReplyDelete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network