Saturday, 11 June 2011

Krus ba talaga o Pahirapang Tulos ang Pinagpakuan kay Cristo?


Isa sa pinaka-kakaibang aral ng mga Saksi ni Jehova ay ang hindi nila paniniwala na ang pinagpakuan kay Cristo noong Unang Siglo ay isang Krus na binubuo ng dalawang magka-krus na kahoy, gaya ng inyong makikita sa isang larawan sa ibaba:




Kaiba ito sa paniniwala ng mga Saksi, dahil para sa kanila si Cristo ay ipinako sa isang Pahirapang Tulos, gaya ng inyong makikita sa kanilang aklat na nasa ibaba:


Mula sa aklat ng mga Saksi na “Knowledge That Leads To Everlasting Life” 1995, p67


Nais kong ipapansin sa inyo na sa version ng mga Saksi ni Jehova ay “IISANG PAKO” lamang ang ginamit sa pagpapako ng kaniyang mga kamay, samantalang sa unang larawan ay “DALAWANG PAKO”.  At sa kanilang paniniwala si Cristo ay ipinako sa isang piraso ng itinayong kahoy lamang at hindi sa krus.

Pero maniniwala ba kayo, at maaaring hindi alam maging ng maraming mga Saksi sa ngayon sa panahon natin, na noong una ay hindi naman ganiyan ang kanilang Paniniwala?  Ating patunayan:


Mga Saksi dating naniniwala na Krus ang Pinagpakuan kay Cristo

Narito ang mga Katibayan na dating naniniwala sa Krus ang mga Saksi ni Jehova:



Sa kanilang aklat na Harp of God, sa page 112, na inilathala noong 1921, ay makikita ang larawan ni Cristo na nakapako sa isang krus at hindi sa pahirapang tulos.  Isang matibay na ebidensiya na dating naniniwala ang mga Saksi sa krus, narito pa ang isa:


Ang dating logo ng Watchtower Publication ay isang Krus na May Korona, hindi katulad ngayon na isa nang torre.





Eto pa ang isa, mula naman sa kanilang aklat na Creation, na inalathala noong 1927, sa pahina 336 ay ganito ang ating makikitang larawan:




At alam niyo ba na maging sa libingan ng kanilang founder na si Charles Taze Russell, sa kaniyang pinakapuntod ay may makikitang krus?  Tingnan niyo ito:




Ating I close-up ang nasabing krus


Hindi ba kitang-kita ang krus sa kaniyang puntod?  Ano pa ang napapansin ninyo sa puntod ni Russell?  Korteng pyramid hindi po ba,  sa susunod ating tatalakayin ang dahilan kung bakit korteng pyramid iyan.

Bakit ba nila binago ang paniniwala nilang ito?  Ano ba ang dahilan, ating tunghayan ang sagot sa kanilang 1975 Yearbook of Jehovah’s Witnesses,  sa pahina 148:

I-double Click ang larawan at i-zoom para mabasa ng maliwanag ang pahayag ng 1975 Yearbook


Maliwanag nating mababasa sa Yearbook ang dahilan kung bakit binago ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang paniniwala sa krus at pinalitan ng tulos ay dahil sa hindi na ito ipinahintulot na gamitin ni Rutherford ng mga kapatid, dahil sa ito raw ay maka-Babilonia.  Samakatuwid tahasang kinontra ni Rutherford ang simulain ng kanilang founder na si Charles Taze Russel.



Ang Patotoo ng Biblia na talagang Krus ang pinagpakuan kay Cristo

May mga ebidensiya ba tayong makukuha sa mga Banal na Kasulatan na talagang krus ang pinagpakuan kay Cristo?  At ito ang magpapatunay na nagkamali ang mga Saksi ni Jehova sa kanilang paniniwalang ito?

Narito ang Unang katibayan:

Juan 20:25  “Sinabi nga sa kaniya ng ibang mga alagad, Nakita namin ang Panginoon. Nguni't sinabi niya sa kanila, Malibang aking makita sa kaniyang mga kamay ang butas ng MGA PAKO, at maisuot ko ang aking daliri sa butas ng MGA PAKO, at maisuot ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, ay hindi ako sasampalataya.”

Makikita sa Biblia na hindi lang iisang pako ang ginamit sa pagpapako sa mga kamay ni Jesus, dahil ang banggit ay MGA PAKO, kaya maliwanag na hindi totoo ang kanilang paniniwala na IISANG PAKO lang ang ginamit sa kaniyang mga kamay [Tingnan ang larawan sa bandang unahan kung saan makikita na nakapako si Cristo sa isang tulos], kaya lumalabas ngayon na talagang sa Krus siya ipinako at hindi sa tulos dahil kung sa tulos dapat ay IISANG PAKO lang ang sinabi ng Biblia, dahil sa banggit na MGA PAKO, lumalabas ngayon na higit sa isa ang pakong ginamit, at madali namang matitiyak na dalawa kasi nga ang sabi: "Malibang aking makita sa kaniyang mga kamay ang butas ng MGA PAKO," Ilan ba ang kamay ni Cristo? hindi ba dalawa? Kaya maliwanag na dalawa rin ang mga pako na lumikha ng butas sa kaniyang mga kamay.


Baka naman iba ang nakalagay sa kanilang Biblia,  kaya hindi nila ito napansin, eh di puntahan natin ang New World Translation ang Biblia ng mga Saksi ni Jehova:


Ang Bibliang isinalin ng Mga Saksi ni Jehova


John 20:25 New World Translation

Kita ninyo ang banggit “NAILS” o "MGA PAKO" rin oh, sa kanila mismong Biblia nakalagay iyan, ang nakapagtataka lang bakit hindi nila iyan napansin.


Oh heto pa ang isang ebidensiya:

Matthew 27:37  ABOVE HIS HEAD they put the written notice of the accusation against him: "This is Jesus, the King of the Jews." [Good News Bible]

Sa Filipino:

Mateo 27:37  SA IBABAW NG KANIYANG ULO, ay inilagay nila ang isang karatula ng akusasiyon laban sa kaniya: “Ito si Jesus, ang Hari ng mga Hudiyo.”

Napakaliwanag ng sinabi ng Biblia na ang karatula na kung saan mababasa ang mga katagang “Ito si Jesus, ang Hari ng mga Hudiyo.” ay inilagay sa IBABAW NG KANIYANG ULO, at hindi sinabing sa IBABAW NG KANIYANG MGA KAMAY. Kasi kung sa tulos siya ipinako, hindi ba dapat ang karatula ay nasa ibabaw ng kaniyang mga kamay? [Masdan niyo uli ang larawan ni Cristo na nakapako sa Tulos sa itaas.]

At gaya ng dati nakasulat din ito sa kanilang Biblia, at as usual hindi na naman nila ito napansin:

Matthew 27:37 New World Translation
Kaya napakaliwanag na hindi totoo na si Cristo ay ipinako sa isang Pahirapang Tulos,  makakaya bang salagin ng kahit na sinong Saksi ni Jehova ang katotohanang ito, na maging ang kanilang sariling Biblia ay kanilang kinontra?


Masasabi ba nating relihiyong sa Diyos ang Nagpapapalit-palit at nagpapabago-bago ng aral na itinuturo?

Ano ba sabi ng Panginoong Diyos tungkol sa ganitong gawain?

Kawikaan 24:21-22  “ Anak ko, sa PANGINOON at sa hari ay matakot ka, sa mga PABAGU-BAGO ay huwag kang makisama. Sapagkat biglang dumarating mula sa kanila ang kapahamakan, at ang pagkawasak na nagmumula sa kanila ay sinong nakakaalam?”  [Ang Bagong Ang Biblia]

Napakaliwanag ng pahayag ng Diyos na hindi dapat pakisamahan ang mga tao na PABAGU-BAGO, dahil mapapahamak sila, at kung patuloy tayong sasama sa mga ganitong uri ng pananampalataya na nagpapapalit-palit ng aral, natural makakasama tayo sa mapaparushan.

Hindi maaaring magturo ang Diyos ng paiba-ibang aral, dahil ang Diyos ay hindi nagbabago:

Santiago 1:17  “Ang bawa't mabuting kaloob at ang bawa't sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na WALANG PAGBABAGO, NI KAHIT ANINO MAN NG PAGIIBA.”

Kaya ang tanong ay:

Maaari bang panggalingan ang Diyos na hindi nagbabago ng pabagu-bagong aral?  Pakisagot nga mga kaibigan naming Saksi ni Jehova?

Bagamat ang Iglesia ni Cristo ay hindi gumagamit ng Krus bilang aming simbulo, dahil sa hindi naman ipinagutos ng Panginoon na maglagay ng Krus sa aming mga bahay-sambahan, o di kaya ay magkuwintas sa aming mga leeg.  Ay matibay naman ang aming paniniwala sa katotohanan na talagang sa Krus at hindi sa tulos ipinako ang Panginoong Jesucristo, ang aming matibay na batayan ay ang BIBLIA…na aming naipakita sa inyo....


84 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Brod. Aerial, puwede po ba kayong gumawa ng Blogs tungkol sa unang Papa sa Roma.
    (First Pope of the Catholic Church was Apostle Peter but in the Bible the First Executive Apostle of that Time was Apos tle James the Elder) Book of Acts - circumcision case.

    Ang Executive na Apostol (Tagapamahalang Pangkalahatan) buhat ng umakyat ang Panginoong Jesu - Cristo sa Langit ay si Apostol Santiago. Kung susuriin ang Biblia. Sa mga hanay ng mga Apostol, hindi baga't si Apostol Santiago ang Executive Apostle. Hindi si Apostle Pedro
    Sa Aklat ng mga Gawa si Apostole Santiago ang nagpasya ukol sa bumangon na problema ng unang Iglesia, sa mga Gentil ukol sa pagtutuli, na naging sanhi nang pagtatalo ni Apostol Pablo at Apostol Pedro.

    Lalabas na ang nakasulat sa wikipedia at catholic encyclopedia ay salungat sa sinasabi ng Bibliya. Na dapat ang unang Papa ay si Apostol Santiago hindi si Apostol Pedro, sapagka't Ehekutibong Apostol si Santiago samantalang si Apostol Pedro ay hindi. Alam naman nating lahat na ang Papa sa Roma ang may mataas na katungkulan sa Iglesia Katolika, sinasabi nga nila na siya ang kahalili ng Panginoong Jesu - Cristo dito sa Lupa. Dito kasi lalabas ang isa pang kamalian ng Iglesia Katolika ukol lihitimong unang Papa sa Roma. ^_^
    Na totoong hindi ito ang unang Iglesia na itinayo nang Panginoong Jesu - Cristo.
    Isa talatang pinagbabatayan nila ay ang nakasulat sa Mateo 16:18 na dito daw inihabilin sa tagpong ito ng Panginoon Jesu - Cristo ang kanyang Iglesia. Sinasabi nila na diumano na si Apostol Pedro ang tinatawag na batong panulok.

    Ang unang Sentro ng Opisina ng unang Iglesia ay sa Jerusalem, samantalang ang Iglesia Katolika
    ay sa Roma. Bakit pumaroon pa si Apostol Pablo at Apostol Pedro sa Jerusalem para mapagpasyahan
    ang kanilang pagtatalo ukol sa Pagtutuli.

    ReplyDelete
  3. Hindi ba kitang-kita ang krus sa kaniyang puntod? Ano pa ang napapansin ninyo sa puntod ni Russell? Korteng pyramid hindi po ba, sa susunod ating tatalakayin ang dahilan kung bakit korteng pyramid iyan....... patungkol po jan ung tanung ko inaabangan ko po kasi ung pagtalakay nyo kung bakit korteng pyramid ung puntod ni russel salamat po. dami ko po kacing natutunan dito.

    ReplyDelete
  4. Sige bibigyan natin ng kaukulang panahon iyan.

    Pero bibigyan na kita ng HINT.

    Ang Pyramid ay siyang pinagbatayan ni Russel ng kaniyang HULA tungkol sa 1914 na diumanoy muling pagbabalik ni Cristo na ito nga ay ang tinatawag nilang ARMAGEDDON.

    Ang bilang ng mga baitang ng PYRAMID ay ginawan niya ng CALCULATIONS at ang naging resulta ay ang TAONG 1914, kung saan hinulaan nga nila na muling babalik si Cristo, na hindi naman nagkatotoo.

    Hayaan mo ibibigay ko ang kumpletong detalye...

    ReplyDelete
  5. salamat po.. tanung ko lang po kung meron po bang mapapanuod sa net na debate ng inc and jw? karamihan po kc ng video inc and catholic. ung iba po kc wala. salamat....

    ReplyDelete
  6. Alam mo kapatid, nung araw napakaraming beses na nakadebate ng INC ang mga Saksi, pero ngayon maski itanong mo sa mga SAKSI, BAWAL NA SA KANILA ANG MAKIPAGDEBATE.

    Wala tayong nakatelevize na debate ng INC vs. JW, pero nagkaroon niyan noon. Wala na nga lang ngayon kasi nga ayaw na nilang lumaban.

    Thanks sa pagbisita sa Blog ko.

    ReplyDelete
  7. salamat po kapatid. meron po ba kaung video ng debate na naganap sa bukidnon iglesia po tsaka liberty bible baptist church. nabasa ko po kc sa pasugo baka po meron kau pd nyo po bang ishare samin salamat po. kapatid na Aerial Cavalry tanung ko lang po sau ministro po ba kau kc ang galing nyo po gumawa ng paksa dito??

    ReplyDelete
  8. meron pa po ka jovel. . yung debate sa ilocos na ginamit na wika ay ilocano. . nabasa ko rin yun sa pasugo. ^_^
    nakalimutan ko nga lang kung kailan na issue yun .
    share lang ^_^

    ReplyDelete
  9. Brod Aerial, Maaring mo po bang ipaliwanag, ang nilalaman ng GAWA 5:30 at Galacia 3:13. eto po kasi ang ginagamit nilang batayan na hindi sa Krus namatay ang ating panginoong jesucristo.

    Salamat.

    ReplyDelete
  10. Hayaan mo kapatid itong weekend na ito ay sasagutin natin iyan, I have been very busy at my work lately, pasensiya na po sa mga sumusubaybay ng Blog ko, for I have been inactive for a while, this coming week I promise to post new topics, para sa mga tagasubaybay.

    God bless to all of you...Brethrens and Friends who continously visiting my Blog.

    ReplyDelete
  11. Thanks for the photos... love this site..

    Hopefully some of them may knock my door... :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Brod Aerial, Maaring mo po bang ipaliwanag, ang nilalaman ng GAWA 5:30 at Galacia 3:13. eto po kasi ang ginagamit nilang batayan na hindi sa Krus namatay ang ating panginoong jesucristo.

      Salamat.

      Delete
    2. Basahin po natin ang GAWA 5:30:

      Gawa 5:30 “Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na IBINITIN SA ISANG PUNONG KAHOY.”

      Wala namang sinasabi diyan na iyan ay hindi KRUS. Iyan ay isang uri ng figure of speech na kung tawagin ay “SYNECDOCHE” – a part represent the whole, and vice versa.

      Katulad ng KOTSE na tinatawag lamang na WHEELS, pero nangangahulugan ba na iyon ay puro gulong lang? Nirerepresent ng bahagi ng kotse ang kabuoan nito.

      Ang sigarilyo ang tawag ng iba ay SMOKE, pero usok nga lang ba talaga iyon? Hindi ba iyon ay may tabako?

      Hindi ba ang bala ng baril ay tinatawag na LEAD, di ba sa pelikula naririnig natin sinasabi ng bida:

      “I’LL SPRAY YOU WITH LEAD”. Kasi nga yari sa TINGGA eh.

      Ang credit card ang tawag ng iba ay PLASTIC lang, kasi nga yari sa PLASTIC eh.

      Oh iyong KRUS tinawag na PUNONG KAHOY? Oh saan ba galing ang materyales ng KRUS, hindi ba sa KAHOY ng isang PUNO? Nirerepresent ng KAHOY iyong kabuoan ng KRUS, kaya kahit tawagin lang na KAHOY ay puwede rin.

      Tsaka sinabi na nga ng ibang talata na KRUS iyon eh, bakit naman kokontrahin ng verse na iyan iyong ibang verse, hindi ba?

      Kaya isinalin ng iba iyan na ganito:

      Act 5:30 “The God of our ancestors raised Jesus from death, after you had killed him by nailing him to a CROSS.” [Good News Bible]

      At sa Galacia 3:13:

      Gal 3:13 “Sa sumpa ng kautusan ay tinubos tayo ni Cristo, na naging sumpa sa ganang atin; sapagka't nasusulat, Sinusumpa ang BAWA'T BINIBITAY SA PUNONG KAHOY:”

      Iyan kapareho lang ng sa Gawa 5:30, iyan ay isang uri rin ng SYNECDOCHE

      Pero kung ipagpipilitan nila iyan ay hindi pa rin lalabas na TULOS lang iyan, kasi hindi ba pag sinabing PUNONG KAHOY, aba’y may SANGA at mga DAHON iyon. So dapat iguhit nila si Cristo na nakapako sa PUNONG KAHOY na may mga SANGA at DAHON.

      Hindi ba lalo lang silang maguguluhan?

      Eh napakagulo na nga ng mga aral nila, hehehehe

      Delete
    3. Bro Aerial,

      Maari mo bang sagutin ang talatang ito??>

      ew International Version (©1984)
      So the other disciples told him, "We have seen the Lord!" But he said to them, "Unless I see the nail marks in his hands and put my finger where the nails were, and put my hand into his side, I will not believe it."

      New Living Translation (©2007)
      They told him, "We have seen the Lord!" But he replied, "I won't believe it unless I see the nail wounds in his hands, put my fingers into them, and place my hand into the wound in his side."

      International Standard Version (©2008)
      So the other disciples kept telling him, "We have seen the Lord!" But he told them, "Unless I see the nail marks in his hands, put my finger into them, and put my hand into his side, I will never believe!"

      GOD'S WORD® Translation (©1995)
      The other disciples told him, "We've seen the Lord." Thomas told them, "I refuse to believe this unless I see the nail marks in his hands, put my fingers into them, and put my hand into his side."

      Lagi kasi nilang ipinagdidiinan yung salitang "nail" sa talatang yan, tapos isusunod yung Paliwanag natin sa Juan 20:28

      Salamat po.

      Delete
  12. Kapatid, kapag sinabing NAIL MARKS, iyan ay plural o pangmaramihan. At hindi iyan tumutukoy sa iisang PAKO LANG.

    Kapag sinabing NAIL MARKS, sa tagalog iyan ay MGA MARKA NG PAKO. Samakatuwid hindi iisang marka lang iyan ng iisang pako.

    Sa Greek Bible, ganito ang ating mababasa:

    Juan 20:25 “ελεγον ουν αυτω ‘οι αλλοι μαθηται ‘εωρακαμεν τον κυριον ‘ο δε ειπεν αυτοις εαν μη ιδω εν ταις χερσιν αυτου τον τυπον των ‘ηλων και βαλω τον δακτυλον μου εις τον τυπον των ‘ηλων και βαλω την χειρα μου εις την πλευραν αυτου ου μη πιστευσω”

    Pronounciation:

    elegon oun autō hoi alloi mathētai heōrakamen ton kurion ho de eipen autois ean mē idō en tais khersin autou ton tupon tōn HĒLŌN kai balō ton daktulon mou eis ton tupon tōn HĒLŌN kai balō tēn kheira mou eis tēn pleuran autou ou mē pisteusō

    Diyan sa Greek Bible ang nakalagay ay “HĒLŌN” [‘ηλων] o NAILS “mga pako”

    At hindi ”HĒLOS” [ἧλος] na NAIL lang in singular form.

    Kung ayaw nilang maniwala, sabihin mo sa kanila na ang mga SAKSI ay may Biblia na kung tawagin ay KINGDOM INTERLINEAR TRANSLATION OF THE GREEK NEW TESTAMENT.
    Doon mo tingnan ang nasabing talata at makikita mo ang word for word translation ng John 20:25 na may English word sa bawat greek word at makikita mo talagang NAILS ang nakalagay at hindi NAIL lang.

    Tsaka ba’t kapa lalayo sa mismong NEW WORLD TRANSLATION na nga nila NAILS din naman ang nakalagay ah?

    ReplyDelete
  13. ito po ang sagot ng Mga Saksi Ni Jehovah kapatid ano po ang masasabi nyo dito pakitingnan po http://www.facebook.com/notes/mga-saksi-ni-jehovah/talaga-bang-sa-krus-namatay-si-jesus/10150117079759575

    ..??
    Ang salitang “krus” ay isinalin mula sa salitang Griego na stauros.

    Ang stauros po ay nagmula sa Bibliya na isinalin bilang "krus".

    Ang sabi ni Tomas: "Unless I see the holes that the nails made in His hands…" Ang sabi "nails" – plural! Sa Tagalog, mga pako ang bumutas sa kamay ng Panginoon.

    Si Tomas po ba ay isa sa naka-saksi at sumulat ng Bibliya? Hindi.
    Paano magiging ebidensya ang kaniyang sinabi? Mas matibay bang ebidensiya ang sinabi ni Tomas kaysa sa Bibliya?


    veljo somira

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakakatawa ang sinabi nilang ito:

      "Si Tomas po ba ay isa sa naka-saksi at sumulat ng Bibliya? Hindi. Mas matibay bang ebidensiya ang sinabi ni Tomas kaysa sa Bibliya?"

      Ito po ay maliwanag na PAGPAPALUSOT lamang, kasi nga hindi nila matutulan eh, kahit saan sila sumuot hindi nila mabali ang katotohanan na MGA PAKO ang binanggkit diyan maski na sa GREEK.

      Totoo na hindi sumulat si Tomas ng Biblia, pero iyong sumulat ng Biblia isinulat iyong sinabi ni Tomas, kaya ang sinabi ni Tomas, NAKASULAT sa Biblia.

      Kaya dun sa tanong nila na:

      “Mas matibay bang ebidensiya ang sinabi ni Tomas kaysa sa Bibliya?"

      Eh halatang litong-lito sila rito dahil ang sinabi ni Tomas nakasulat sa Biblia, samakatuwid sinabi rin ng Biblia.

      Parang ganito ngayon ang kinalabasan nung tanong, saan ka maniniwala sa Biblia o sa Biblia? Hindi ba?

      Eh ano ba sabi ni APOSTOL JUAN, ang sumulat ng Juan 20:25 kung saan sinabi ni Tomas ang mga salitang “MGA PAKO”.

      Juan 20:31 “NGUNI'T ANG MGA ITO AY NANGASULAT, UPANG KAYO'Y MAGSISAMPALATAYA na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios; at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kaniyang pangalan.”

      Oh sabi ni Juan “ANG MGA ITO AY NANGASULAT UPANG KAYO’Y MAGSISAMPALATAYA”, Isinali ni Juan ang sinabi ni Tomas sa kaniyang sulat sa anong layunin? Para sampalatayanan o paniwalaan, dahil bahagi iyon ng katotohanan na dapat nating malaman.

      Tsaka nang sabihin niya iyan ay kaharap niya ang mga alagad o ang iba pang mga apostol.

      Juan 20:25 “SINABI NGA SA KANIYA NG IBANG MGA ALAGAD, NAKITA NAMIN ANG PANGINOON. Nguni't sinabi niya sa kanila, Malibang aking makita sa kaniyang mga kamay ang butas ng MGA PAKO, at maisuot ko ang aking daliri sa butas ng MGA PAKO, at maisuot ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, ay hindi ako sasampalataya.”

      Isipin ninyo dalawang beses pang sinabi ang salitang “MGA PAKO”, Oh bakit ni isa sa mga alagad na nakarinig ng sinabi niyang iyan eh, wala man lang nagsabi na:

      “Tomas, nagkakamali ka, IISA LANG ANG PAKO na ginamit sa mga kamay ng Panginoon nang ipako siya.”

      Tsaka KASINUNGALINGAN pala iyan eh bakit isinali at isinulat pa ni JUAN sa Evanghelio?

      Mas magaling kasi ang JW sa karunungan ng tao eh, kaysa sa karunungan ng Diyos na nakasulat sa Bible.

      Maliwanag na ang sinasabi mong SAGOT nila sa isyu, ay PALUSOT lamang, na sa katotohanan naman ay hindi naman uubra, dahil hindi naman nila kayang baliin ang katotohanang iyan, kaya nga maski sa Bibliang isinalin nila ay hindi nila naatim na ibahin.

      Delete
    2. Mga Saksi Ni Jehovah
      ito bang "DULONG SILANGAN" o MALAYONG LUPAIN o FAR EAST [Moffatt] na binabanggit ng BIBLIYA AY SIYA RING "MALAYONG SILANGAN" NA DITO AY INIUUGNAY ANG PILIPINAS? IISA lang ba ito?

      Alam nating hindi binabanggit ng Bibliya ang bansang Pilipin...as, kaya ang aalamin natin ay kung ang binabanggit bang MALAYONG SILANGAN o MALAYONG LUPAIN o FAR EAST ng Bibliya ay siya ring FAR EAST na kinalalagyan ng Pilipinas.

      Buweno, ating surrin:

      Ayon sa isang online encyclopedia, saan ba nagmula ang mga katawagang NEAR EAST, MIDDLE EAST at FAR EAST? Narito ang patotoo:

      Wikipedia
      www.wikipedia.org
      keyword: far east

      The Far East is an English term mostly describing East Asia (including the Russian Far East) and Southeast Asia, with South Asia sometimes also included for economic and cultural reasons.

      The term came into use in European geopolitical discourse in the 19th century, denoting East Asia as the "farthest" of the three "easts", beyond the Near East and the Middle East.

      ANO DAW? Sa pagpapatuloy ay ganito ang sinasabi sa topic na Popularisation ng salitang FAR EAST:

      The term Far East was popularized during the period of the British Empire as a blanket term for lands to the east of British India. In pre-World War I European geopolitics, the Near East referred to the relatively nearby lands of the Ottoman Empire, the Middle East denoted northwestern South Asia and Central Asia, and the Far East meant countries along the western Pacific Ocean and eastern Indian Ocean.

      Ngayon ay maliwanag na, ang mga katawagan palang ito, alalaong baga'y NEAR EAST, MIDDLE EAST at ang kanilang paboritong FAR EAST ay NAGMULA SA MGA BRITON, o mga taga EUROPA!

      Ituloy pa natin ang patotoo ng nasabing online encylopedia:

      Concerning the term, John K. Fairbank and Edwin O. Reischauer, professors of East Asian Studies at Harvard University, wrote (in East Asia: The Great Tradition): "When Europeans traveled far to the east to reach Cathay, Japan and the Indies, they naturally gave those distant regions the general name 'Far East.'

      MULA BA SA BIBLIYA ANG MGA KATAWAGANG ITO KUNG SAAN INIUUGNAY ANG PILIPINAS? HINDING HINDI! Ito ay mula sa mga EUROPEO! Anong sabi? "WHEN EUROPEANS TRAVELED far to the east to reach Cathay, Japan and the Indies, THEY NATURALLY GAVE THOSE DISTANT REGIONS [kasama ang Pilipinas sapagkat REHIYON ang sinasabi] THE GENERAL TERM 'far east!"

      May komplikasyon ba kung ito ang ating gagamitin? OO, narito ang pagpapatuloy ng mga propesor ng HARVARD UNIVERSITY:

      "Americans who reached China, Japan and Southeast Asia by sail and steam across the Pacific could, with equal logic, have called that area the 'Far West.'"

      Delete
    3. Sige para matapos na usapan, magpakita na lang kayo ng VERSE sa BIBLE na ISANG PAKO lang ang ginamit sa pagpapako ng MGA KAMAY ni JESUS.

      Pinalalabas pang SINUNGALING si Tomas na bilang lang ba naman ng pako ay hindi nalaman. Na para bagang nabuhay siya sa ibang panahon.

      Delete
    4. mababaw kung sa pako nakabase ang pananampalataya mo sa krus.
      Bakit hindi ka magpakita ng verse na:
      1. Kung iniutos ba ng Panginoong Jesus na sambahin siya sa krus?
      2. Sinamba ba si Jesus ng mga apostol sa krus?
      3. Iniutos ba ng Ama na sambahin si Jesus sa krus?

      Delete
  14. Hala ka, kapag ang starting point pala ay sa lupain ng mga AMERIKANO, magiging FAR WEST ang rehiyong kinalalagyan ng Pilipinas! Kaya papaano na ito mga kaibigang INC? Bakit nga ba may komplikasyon na ganito?

    Narito ang patotoo parin ng mga eksperto:

    "For the people who live in that part of the world, however, it is neither 'East' nor 'West' and certainly not 'Far.' A more generally acceptable term for the area is 'East Asia,' which is geographically more precise and does not imply the outdated notion that Europe is the center of the civilized world.""

    AYON NAMAN PALA, sapagkat ang KINIKILALANG SENTRO PALA NA DITO IBINABATAY ANG MGA KATAWAGANG NEAR EAST, MIDDLE EAST at FAR EAST ay ang EUROPA! Hindi ang JERUSALEM! Kaya nga inamin na rin ng mga ekspertong ito na ang terminong mas akma ay EAST ASIA hindi po FAR EAST sapagkat ito ay OUTDATED na! Isang LIPAS NA PANIWALANG ANG EUROPA ANG SENTRO NG SIBILISADONG DAIGDIG!

    Ang aklat na A HISTORY OF THE ORIENT na isinulat nina Felicitas Tensuan-Legardo at Vicente R. Legardo Jr. ay kababasahan ng ganito:

    "Early geographers divided the world know to them into two parts only, EUROPE and ASIA. while these two were but parts of the great land mass called EURASIA (Euro-Asiatic continent), the former was the OCCIDENT (West) the land of the setting sun; and the latter was the ORIENT (East), the land of the rising sun."

    "For convenience, these geographers have divided Asia into three geographical areas - the NEAR EAST, the MIDDLE EAST, and the FAR EAST. HOWEVER IF WE STUDY THE ORIGIN OF THESE TERMS, WE SHALL FIND OUT THAT THEY ARE LOOSE TERMS WHOSE MEANINGS WERE FOUNDED MORE ON A HISTORICAL RATHER THAN A GEOGRAPHICAL BACKGROUND."

    ANO DAW PO? Muli ay kinompirma ng mga manunulat na ito na ang katawagang FAR EAST na dito ay iniuugnay ang kinalalagyan ng Pilipinas ay nagmula sa mga taga EUROPA! AT ANG MASAKIT DITO, ito ay ibinatay HINDI SA PANGHEOGRAPIYANG LOKASYON KUNDI sa kasaysayan lamang!

    Sa pagsusuring ito ay natukoy na natin ANG MALAKING PAGKAKAIBA ng binabanggit ng Bibliya na malayong silangan [moffatt] at ang FAR EAST na dito ay iniuugnay ang Pilipinas.

    Sa pagpupumilit ng ating kaibigang Sandro sampu ng mga tagapagtanggol ng INC na isingit ang Pilipinas ay ganito ang tanong nila:

    "ANO LOKASYON NG BANSA NATIN?"

    Napakadali naman ng tanong ng ating kaibigan, pero bago natin sagutin, ipakita muna natin ang kanilang pagpupumilit na matawag ang Pilipinas na FAR EAST.

    Kaypalang napansin natin na naunang sinipi ng ating kaibigang Sandro ang akda ni HORACIO DELA COSTA na nagsasabing:

    ReplyDelete
  15. ITO? Buweno, kung babalikan natin ang online encylopedia na WIKIPEDIA at i-search ang keyword na FAR EAST may mababasa tayo sa article na nagsasabing:

    "The term is no longer commonly used as it connotes the "orientalism" of the 19th century as described by Edward Said."

    AYON NAMAN PALA, gaya ng pagkakasabi ng dalawang propesor sa HARVARD UNIVERSITY, ito ay isang:

    "outdated notion that Europe is the center of the civilized world."

    HINGGIL SA pangheograpiyang katawagang ito, ano ang sinabi ng Prime Minister ng Australia? Narito:

    "What Great Britain calls the Far East is to us the near north."

    Ano daw? Papaano ngayon ito, NEAR NORTH PALA ANG REHIYONG KINALALAGYAN NG PILIPINAS kapag ang isa ay tumayo sa lupain ng Australia! Aba NAPAKAGULO!

    HINDI NA NATIN BIBITININ PA ANG KA SANDRO SAMPU NG KANIYANG MGA KASAMA. Ano nga ba ang mas akmang katawagan sa rehiyong kinalalagyan ng Pilipinas?

    Ayon sa WIKIPEDIA?

    "The Philippine archipelago lies in Southeast Asia in a position that has led to its becoming a cultural crossroads, a place where Malays, Arabs, Chinese, Spaniards, Americans, Japanese and others have interacted to forge a unique cultural and racial blend."

    Ano daw? SOUTHEAST ASIA!

    AYON sa GEOGRAPHY.ABOUT.COM?

    "Southeastern Asia, archipelago between the Philippine Sea and the South China Sea, east of Vietnam"

    ANO DAW? SOUTHEASTERN ASIA!

    ANO NAMAN ANG SINASABI NG NATIONAL GEOGRAPHIC?

    "The Philippines, in southeastern Asia, consists of 7,107 islands lying between the South China Sea and the Pacific Ocean. "

    ENCYCLOPEDIA BRITANNICA:

    "Philippines, island country of Southeast Asia in the western Pacific Ocean."

    ABA NAPAKARAMI NA NATING NASIPING MGA PATOTOO HINGIL SA REHIYONG KINALALAGYAN NG PILIPINAS! PAPAANO NGAYON ITO, HINDI PALA TALAGA FAR EAST ANG AKMANG KATAWAGAN SA LOKASYONG KINALALAGYAN NG BANSA NATIN?!

    PAPAANO PA KAKAPIT KAY KA FELIX MANALO ANG HULA?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isaias 46:11 “Na tumatawag ng ISANG IBONG MANDARAGIT MULA SA SILANGANAN, ANG TAO NA GAGAWA NG AKING PAYO MULA SA ISANG MALAYONG BANSA: Oo, aking sinalito ito, akin itong papangyayarihin, aking ipinanukala ito, akin itong gagawin.”

      ang linaw o, saan kba maniniwala sa mga tao o sa salita ng Diyos na pinagmulan ng kanilang isinasalita na pinagbalubaluktot lang, ano kaba hwag ka nang patangay sa kanila ikaw naman mismo e alam mo yan nagmamaang maangan ka lang

      Delete
  16. salamat kapatid na aerial...


    veljo

    ReplyDelete
  17. Sabi ng isang ANONYMOUS sa itaas:

    “Hala ka, kapag ang starting point pala ay sa lupain ng mga AMERIKANO, magiging FAR WEST ang rehiyong kinalalagyan ng Pilipinas! Kaya papaano na ito mga kaibigang INC? Bakit nga ba may komplikasyon na ganito?”

    Eh ano naman sa palagay mo kaibigan, hindi namin alam na ang direksiyon ng isang bansa ay relative kung saan ka naroroon?

    Natural kung nasa AUSTRALIA ka, aba’y nasa HILAGA ang Pilipinas ng AUSTRALIA, at kung nasa AMERICA ka naman siyempre nasa WEST ng AMERICA ang PILIPINAS. Siyempre kung nasa DUBAI ka o nasa SAUDI ARABIA, nasa EAST ang PILIPINAS.

    Tama ka depende iyan sa REFERENCE POINT.

    Matanong ko lang sa iyo, bakit mo naman gagamiting reference point ang AUSTRALIA at AMERICA? Sa anong kadahilanan? Ah alam ko na para makapangatuwiran ka na mali na ang Pilipinas ay nasa FAR EAST, at ang batayan mo ay ang mga OPINION ng mga dalubhasang sinasabi mo na kinuha mo sa WIKIPEDIA, ang isang ONLINE ENCYCLOPEDIA na puwedeng ma-edit ng kahit na sino, kahit ng mga readers. Very reliable source, hehehehehe.

    Ngayon sakyan natin ang iyong argumento regarding REFERENCE POINT.

    Ano ba ang dapat nating gamiting REFERENCE POINT?

    Siyempre gagamitin nating gabay ang Biblia:

    Isaiah 46:11 “Calling A RAVENOUS BIRD FROM THE EAST, THE MAN THAT EXECUTETH MY COUNSEL FROM A FAR COUNTRY: yea, I have spoken it, I will also bring it to pass; I have purposed it, I will also do it.” [KJV]

    Sa Filipino:

    Isaias 46:11 “Na tumatawag ng ISANG IBONG MANDARAGIT MULA SA SILANGANAN, ANG TAO NA GAGAWA NG AKING PAYO MULA SA ISANG MALAYONG BANSA: Oo, aking sinalito ito, akin itong papangyayarihin, aking ipinanukala ito, akin itong gagawin.”

    Ang Ibong mandaragit ay manggagaling sa ISANG MALAYONG BANSA na nasa SILANGANAN.

    So anong REFERENCE POINT ang ating gagamitin? AMERICA ba? AUSTRALIA ba?

    Saan bang lugar isinulat ni Isaias ang hulang ito na sinalita sa kaniya ng Diyos? At sino ba ang kausap ng Diyos ng sabihin niya ang hulang iyan? Sa bandang itaas lang nung kapitulo.

    Isaias 46:3 “Inyong dinggin ako, Oh SANGBAHAYAN NI JACOB, at lahat na nalabi sa SANGBAHAYAN NI ISRAEL, na kinalong ko mula sa tiyan, na dala mula sa bahay-bata:”

    Napakaliwanag na ang dako kung saan sinalita ng Diyos ang HULA ay sa BANSANG ISRAEL.

    Eh ano ngayon ang gagamitin nating REFERENCE POINT? Alangan namang AUSTRALIA o AMERICA?

    Natural dapat ang REFERENCE POINT ay ang BANSANG ISRAEL, dahil sa kanila sinalita ang HULA eh.

    See Next>

    ReplyDelete
  18. Kaya maliwanag kung gayon na ang dakong pagmumulan ng Ibong Mandaragit ay ISANG MALAYONG BANSA na nasa SILANGANAN ng ISRAEL.

    Ano ang bumubuo o katangian ng bansang iyon?

    Biblia ulit:

    Isaias 24:15 “Kaya't LUWALHATIIN NINYO ANG PANGINOON SA SILANGANAN, sa makatuwid baga'y ang pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, SA MGA PULO NG DAGAT.”

    Ang MALAYONG BANSA na NASA SILANGANAN ng ISRAEL ay binubuo ng MGA PULO NG DAGAT.

    Klarong-klaro sa Biblia eh? Kahit na hindi mo basahin sa ENCYCLOPEDIA ito ay katotohanan eh.

    Ang PILIPINAS ba ay nasa SILANGANAN ng ISRAEL? Opo

    Ang PILIPINAS ba ay ISANG MALAYONG BANSA mula sa ISRAEL? Opo din

    Ang PILIPINAS ba ay binubuo ng mga PULO? Lalong opo.

    Kaya sa Biblia mismo ay klarong-klaro eh.

    Ngayon sa isyu ng salitang SOUTHEAST ASIA, aba’y natural kung ASIA ang PAGUUSAPAN aba’y tama na siya ay nasa SOUTHEAST. At hindi naman kami tumututol dun.

    Ngayon kung sasabihin ninyo na mali na sabihing nasa FAR EAST ang PILIPINAS, eh malaking problema iyan.

    Kasi sa tawag pa lang sa atin ay: “PERLAS NG SILANGANAN”

    Ang salitang “SILANGANAN” ay katumbas ng salitang “FAR EAST”

    Dapat palitan na iyan ng ganito “PERLAS NG TIMOG-SILANGANG ASIA”

    At ang isa sa pinakamatandang pamantasan sa ating bansa na “FAR EASTERN UNIVERSITY”

    Ay palitan na ng “SOUTHEAST ASIAN UNIVERSITY”

    Maging anuman ang dahilan kay PANGKASAYSAYAN man o PANGHEOGRAPIYA ang dahilan kung bakit sinabing ang Pilipinas ay nasa FAR EAST, ay maliwanag at nananatili ang katotohanang ang PILIPINAS ay ISANG MALAYONG BANSA na nasa SILANGANAN ng ISRAEL na binubuo ng maraming PULO, na siyang dako na nilitawan ng SUGO NG DIYOS SA MGA HULING ARAW na ito at ng IGLESIA NI CRISTO.

    ReplyDelete
    Replies
    1. to our God be the GLORY..KAPATID NA,Aerial Cavalry:)

      Delete
  19. parang kilala kong to si mr anonymous, hehe, parang si BIBLE READER NG SAKSI NI JEHOVAH, gumagamit ng mga referencia para gawing basehan ng kanilang pananampalataya...sa kahaba haba ng post di man lang gumamit ng Biblia, hehehe

    ReplyDelete
  20. AnonymousApr 12, 2012 07:06pm
    AnonymousApr 12, 2012 07:10 PM
    AnonymousApr 12, 2012 07:12 PM yan po ay sabi ng sa saksi..


    http://www.facebook.com/photo.php?fbid=216420815036466&set=a.158277570850791.41956.100000056485122&type=1&theater&notif_t=photo_reply

    pinapunta ko po sya dito sa site nyo.. ang sabi nya pumunta daw sya dito pero tinatakasan nyo daw po ang kanyang katanungan hindi nyo daw po sinagot.. kaya po ang ibang mga katanungan nya ay pinupost ko dto..

    Veljo R Somira kung hindi po s kapatid na fym ang tinutukoy jan sa isa.46:11 kung gayon cino po?? paki post po dito para malaman po natin kung cino yang ibon mandaragit. ty

    ang tinutukoy daw po sa isaiah 46:11 ay ci jesus daw po. ano po ang masasabi nyo jan??

    veljo

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sinabi talaga sa iyo ng mga SAKSI na si Cristo ang tinutukoy sa ISAIAS 46:11? Ang alam ko ang paniniwala nila si CYRUS THE GREAT daw iyan eh? Nagbago na naman pala sila ng aral, hehehehe

      Delete
  21. ‎http://www.facebook.com/notes/mga-saksi-ni-jehovah/talaga-bang-sa-krus-namatay-si-jesus/10150117079759575?notif_t=note_reply

    "Mas magaling kasi ang JW sa karunungan ng tao eh, kaysa sa karunungan ng Diyos na nakasulat sa Bible

    masakit daw po ang inyong sinabi..


    totoo po ba na nagkadiskusyon na kayo???

    ReplyDelete
    Replies
    1. Masakit talaga ang KATOTOHANAN, kasi totoo naman nilang sinasabi na sa pagunawa ng mga nakasulat sa Biblia kailangan ang COMMON SENSE. Ano ba ang COMMON SENSE? Hindi ba KARUNUNGAN ng TAO iyan?

      Delete
  22. Mga Saksi Ni Jehovah Inihula ng Bibliya na ang Persianong haring ito ay magiging gaya ng isang ibong mandaragit na magbubuhat sa silangan upang lamunin ang Imperyo ng Babilonya. (Isaias 45:1; 46:11)
    12 hours ago · Like


    Mga Saksi Ni Jehovah Mukhang malabo po ang sinasabi ni Aerial Cavalry:

    Dapat po ang reference point po ay ang gitna ng daigdig na sinasabi ng Bibliya: Sa Ezekiel 5:5 - maliwanag na tinukoy sinabing "inilagay" ng Diyos na Jehova ang "Jerusalem" sa "GITNA NG MGA BANSA."

    So dapat po ang reference po ay ang Jerusalem?

    yan po ang kanyang sagot kapatid..


    at ang sabi nya pa po ay tinatakasan nyo daw po ang kanyang mga katanungan.

    veljo

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oh eh nasan ba ang JERUSALEM? Hindi ba nasa ISRAEL? Kung gagamitin mong REFERNCE ang JERUSALEM,

      Ang PILIPINAS ba ay nasa SILANGANAN ng JERUSALEM?

      Ang PILIPINAS ba ay ISANG MALAYONG BANSA mula sa JERUSALEM?

      Ang PILIPINAS ba ay binubuo ng mga PULO?

      Eh kahit na JERUSALEM pa gamitin na REFERENCE walang pinagkaiba eh, maliwanag na PILIPINAS talaga tinutukoy sa HULA eh.

      Delete
    2. Kung si BIBLE READER ang tinutukoy mo, aba’y hindi ako ang TUMATAKAS sa mga TANONG niya, kundi siya ang HINDI SUMASAGOT sa mga TANONG ko, kadalasan sinasabi niya na OFF TOPIC, at binabantaan ako na buburahin ang aking COMMENTS, ganiyan ba marunong lumaban ng PAREHAS? Hinimok ako na magpost ng aral ng INC, ipinost ko ang paksa na may pamagat na:

      ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUSUGO at KUNG PAPAANO MAKIKILALA ANG ISANG TAO KUNG SIYA’Y TUNAY NA SUGO NG DIYOS.

      Binura ang POST ko dahil hindi daw nakasubod sa kaayusan.

      Wala ba sa kaayusan o, matutuklasan ng mga mambababasa na nangangaral sila pero hindi naman nila kayang PATUNAYAN na SUGO sila ng DIYOS.

      Iyan ang kanilang kinatatakutan…

      Delete
    3. kapatid deactivated na ang page ni BIBLE READER, maraming beses kasi silang naiipit at isa itong malaking kahihiyan para sa mga SAKSI NI JEHOVAH! kaya pala bawal sa kanila ang debate kasi lahat sila di kayang panindigan ang werdo nilang doktrina...


      -brainsalad-

      Delete
  23. salamat kapatid.

    nilagay ko dito ang kanyang katanungan dahil daw tinatakasan mo daw ang tanong nya..


    VELJO

    ReplyDelete
  24. Veljo R Somira ang ibig mo po bang sabihin ang far east sa isa.46:11 ay ang jerusalem.?? ano namang ang bansang gagamitin mong reference point para patunayan na ang jerusalem ay nasa far east?? ty

    Mga Saksi Ni Jehovah Israel po.

    Sa Ezekiel 5:5 - maliwanag na tinukoy sinabing "inilagay" ng Diyos na Jehova ang "Jerusalem" sa "GITNA NG MGA BANSA."

    Pansinin mo pakisuyo ang sinabi ko. AYON SA BIBLIYA, ang Jerusalem ang SENTRO NG DAIGDIG - samakatuwid, ito ang starting point ng apat na direksiyon ng lupa.

    ReplyDelete
  25. Veljo R Somira
    Sa pasimula ng taong 1920, sinabi ni Rutherford,

    "As we have heretofore stated, the great jubilee cycle is due to begin in 1925. At that time the earthly phase of the kingdom shall be recognized." How would it be recognized? What event would trigger the ushering in of the kingdom? [Millions Now Living Will Never Die, pp. 89]

    Sa Filipino:

    “Habang tayo hanggang ngayon ay naririto, ang pagiral muli ng kagalakan ay nakatakdang matupad sa pagsisimula ng taong 1925. Sa panahong yaon ang panlupang bahagi ng kaharian ay mahahayag?” Paano ito mahahayag? Anong mga pangyayari ang magbubunsod sa pagdating ng kaharian?”

    Ipinaliwanag pa ni Rutherford,

    "Therefore we may confidently expect that 1925 will mark the return of Abraham, Isaac, Jacob and the faithful prophets of old, particularly those named by the Apostle in Hebrews chapter eleven, to the condition of human perfection" [Ibid, page 90]

    Sa Filipino:

    “Samakatuwid tayo’y nakatitiyak sa ating pag-asam na sa taong 1925 ay magiging takda ng pagbabalik nina Abraham, Isaac, Jacob at ng mga matatapat na propeta ng nakaraan, partikular ay mga yaong nabanggit ng Apostol sa kapitulo 11 ng Hebreo, sa kalagayan ng perpektong pagkatao.”
    April 6 at 8:58pm · Like
    Veljo R Somira nagkatotoo ba ang cinabi nya na yan??? pd po bang malaman sagot nyo jan??
    April 6 at 9:00pm · Like
    Mga Saksi Ni Jehovah
    Hindi po ang pangalan ng Diyos (Jehovah) ay pinag-aaralan na ng mga scholar noong late 1100 CE.

    Akin munang sasaliksikin itong sinabi ni Rutherford. Kung nagkamali man si Rutherford ay may natutuhan na naman tayong bagong-aral, ang tao ay nagkakamali. Dahil noong panahon ay pinag-aaralan pa lamang ang Bibliya at pati ang pagdating ng kaharian at unti-unting lumiliwanag ang turo sa kaliwanagan at naabot na nga ito ng mga Saksi ni Jehovah.

    Ito'ng aking sinabi ay hindi pa opisyal na sagot ng mga Saksi ni Jehovah. Sasagutin po ito sa mga susunod na araw.


    ano po ang masasabi nyo sa sinagot nya nato kapatid?? hehe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ito ay maliwanag na pagpapalusot:

      “Kung nagkamali man si Rutherford ay may natutuhan na naman tayong bagong-aral, ANG TAO AY NAGKAKAMALI. DAHIL NOONG PANAHON AY PINAG-AARALAN PA LAMANG ANG BIBLIYA at pati ang pagdating ng kaharian at UNTI-UNTING LUMILIWANAG ANG TURO SA KALIWANAGAN at naabot na nga ito ng mga Saksi ni Jehovah.”

      Ang TAO ay NAGKAKAMALI, tama iyan, sa personal na buhay ng isang tao, sa kaniyang pananalita at sa kaniyang mga gawa, oo magkakamali siya.

      Pero kapag DOKTRINA o ARAL na kaniyang ituturo bilang MANGANGARAL, ay hindi siya maaaring magkamali kung ang aral na kaniyang dala-dala ay hindi sa kaniya talaga kundi purong ARAL ng DIYOS:

      1Tess 2:3 “Sapagka't ANG AMING INIAARAL AY HINDI SA KAMALIAN, ni sa karumihan, ni sa pagdaraya.”

      Paano magkakamali ang isang TAGAPANGARAL kung wala siyang sariling aral kundi ang ituturo lamang niya ay ang ARAL ng Diyos.

      Juan 7:16 “Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, ANG TURO KO AY HINDI AKIN, KUNDI DOON SA NAGSUGO SA AKIN”.

      Sige nga paano magkakamali iyan kung ang ituturo nila hindi nila sariling aral kundi aral lamang ng Diyos na nakasulat sa Biblia?

      Kaya sila nagkakamali kasi ang kanilang pakahulugan sa talata ginagamitan nila ng PANSARILING KAUNAWAAN.

      Para maunawaan mo HIWAGA ng KASULATAN kailangan kang PAGKALOOBAN ng PAGKAALAM nito at hindi nadadaan iyan sa pag-aaralan mo lang ang Biblia sa sarili mo:

      2 Tim 3:7 “NA LAGING NAGSISIPAGARAL, AT KAILAN PA MAN AY HINDI NAKARARATING SA PAGKAALAM NG KATOTOHANAN.”

      Lucas 8:10 “At sinabi niya, SA INYO'Y IPINAGKALOOB ANG MANGAKAALAM NG MGA HIWAGA NG KAHARIAN NG DIOS: DATAPUWA'T SA MGA IBA'Y SA MGA TALINGHAGA; upang kung magsitingin ay huwag silang mangakakita, at mangakarinig ay huwag silang mangakaunawa.”

      Ipinagkakaloob ng Diyos sa tao ang makaalam ng HIWAGA niya, hindi iyan madadaan sa PAG-AARAL lamang ng Biblia ay sapat na. Kaya nga kita mo nangyayari? Nagkakakontra-kontra at nagkakaiba-iba aral at paniniwala nila, kasi nga sari-sarili lang nilang aral ang kanilang itinuturo. Kita mo IISA lang ang BIBLIA, pero ang aral nila iba-iba, ang aral ni RUSSELL iba sa aral ni RUTHERFORD at ng mga iba pa sa kanila, paano nangyari iyon?

      Iba ba ang aral ni CRISTO sa aral ng mga APOSTOL? Hindi ba parehas lang?

      Totoong maaaring magkamali ang mga TUNAY na TAGAPANGARAL ng Diyos dahil mga TAO lang sila, pero HINDI SILA MAGKAKAMALI sa ARAL dahil ang ARAL na itinuturo nila ay hindi sa kanila kundi sa DIYOS na HINDI MAAARING MAGKAMALI.
      At ang tanging pinagkalooban na makaalam ng HIWAGA ng SALITA ng Diyos ay ang mga SUGO ng DIYOS kaya sila lang ang may KARAPATANG MANGARAL.

      Roma 10:15 “PAANO SILANG MAGSISIPANGARAL KUNG HINDI SILA MGA SINUGO?”

      Delete
  26. Mga Saksi Ni Jehovah
    May kaayusan po ang Bible Readers, ngunit hindi po ako kasama doon.

    Pinagbabawal o kaayusan po ang Bible Readers na bawal mag-post ng LINK, o pampalihis sa usapan.

    Buong giting nilang ipinangangalandakan na ang kanilang kinikilalang sugo ay hinulaan daw sa Bibliya, at ang ilan nga dito ay ang hula tungkol sa isang "ibong mandaragit" na magmumula sa sikatan ng araw o east o magmumula sa malayong lupain, samakatuwid baga'y ang kanilang paboritong mga kataga, ang FAR EAST!

    Ang tanong, ito bang "DULONG SILANGAN" o MALAYONG LUPAIN o FAR EAST [Moffatt] na binabanggit ng BIBLIYA AY SIYA RING "MALAYONG SILANGAN" NA DITO AY INIUUGNAY ANG PILIPINAS? IISA lang ba ito?

    Alam nating hindi binabanggit ng Bibliya ang bansang Pilipinas, kaya ang aalamin natin ay kung ang binabanggit bang MALAYONG SILANGAN o MALAYONG LUPAIN o FAR EAST ng Bibliya ay siya ring FAR EAST na kinalalagyan ng Pilipinas.

    Buweno, ating suriin:

    Ayon sa isang online encyclopedia, saan ba nagmula ang mga katawagang NEAR EAST, MIDDLE EAST at FAR EAST? Narito ang patotoo:

    Wikipedia
    www.wikipedia.org
    keyword: far east

    The Far East is an English term mostly describing East Asia (including the Russian Far East) and Southeast Asia, with South Asia sometimes also included for economic and cultural reasons.

    The term came into use in European geopolitical discourse in the 19th century, denoting East Asia as the "farthest" of the three "easts", beyond the Near East and the Middle East.

    ANO DAW? Sa pagpapatuloy ay ganito ang sinasabi sa topic na Popularisation ng salitang FAR EAST:

    The term Far East was popularized during the period of the British Empire as a blanket term for lands to the east of British India. In pre-World War I European geopolitics, the Near East referred to the relatively nearby lands of the Ottoman Empire, the Middle East denoted northwestern South Asia and Central Asia, and the Far East meant countries along the western Pacific Ocean and eastern Indian Ocean.

    ReplyDelete
  27. Ngayon ay maliwanag na, ang mga katawagan palang ito, alalaong baga'y NEAR EAST, MIDDLE EAST at ang kanilang paboritong FAR EAST ay NAGMULA SA MGA BRITON, o mga taga EUROPA!

    Ituloy pa natin ang patotoo ng nasabing online encylopedia:

    Concerning the term, John K. Fairbank and Edwin O. Reischauer, professors of East Asian Studies at Harvard University, wrote (in East Asia: The Great Tradition): "When Europeans traveled far to the east to reach Cathay, Japan and the Indies, they naturally gave those distant regions the general name 'Far East.'
    Wikipedia
    www.wikipedia.org
    Wikipedia, the free encyclopedia that anyone can edit.
    6 minutes ago · Like
    Mga Saksi Ni Jehovah
    MULA BA SA BIBLIYA ANG MGA KATAWAGANG ITO KUNG SAAN INIUUGNAY ANG PILIPINAS? HINDING HINDI! Ito ay mula sa mga EUROPEO! Anong sabi? "WHEN EUROPEANS TRAVELED far to the east to reach Cathay, Japan and the Indies, THEY NATURALLY GAVE THOSE DISTANT REGIONS [kasama ang Pilipinas sapagkat REHIYON ang sinasabi] THE GENERAL TERM 'far east!"

    May komplikasyon ba kung ito ang ating gagamitin? OO, narito ang pagpapatuloy ng mga propesor ng HARVARD UNIVERSITY:

    "Americans who reached China, Japan and Southeast Asia by sail and steam across the Pacific could, with equal logic, have called that area the 'Far West.'"

    Hala , kapag ang starting point pala ay sa lupain ng mga AMERIKANO, magiging FAR WEST ang rehiyong kinalalagyan ng Pilipinas! Kaya papaano na ito mga kaibigang INC? Bakit nga ba may komplikasyon na ganito?

    Narito ang patotoo parin ng mga eksperto:

    "For the people who live in that part of the world, however, it is neither 'East' nor 'West' and certainly not 'Far.' A more generally acceptable term for the area is 'East Asia,' which is geographically more precise and does not imply the outdated notion that Europe is the center of the civilized world.""

    AYON NAMAN PALA, sapagkat ang KINIKILALANG SENTRO PALA NA DITO IBINABATAY ANG MGA KATAWAGANG NEAR EAST, MIDDLE EAST at FAR EAST ay ang EUROPA! Hindi ang JERUSALEM! Kaya nga inamin na rin ng mga ekspertong ito na ang terminong mas akma ay EAST ASIA hindi po FAR EAST sapagkat ito ay OUTDATED na! Isang LIPAS NA PANIWALANG ANG EUROPA ANG SENTRO NG SIBILISADONG DAIGDIG!

    Ang aklat na A HISTORY OF THE ORIENT na isinulat nina Felicitas Tensuan-Legardo at Vicente R. Legardo Jr. ay kababasahan ng ganito:

    "Early geographers divided the world know to them into two parts only, EUROPE and ASIA. while these two were but parts of the great land mass called EURASIA (Euro-Asiatic continent), the former was the OCCIDENT (West) the land of the setting sun; and the latter was the ORIENT (East), the land of the rising sun."

    "For convenience, these geographers have divided Asia into three geographical areas - the NEAR EAST, the MIDDLE EAST, and the FAR EAST. HOWEVER IF WE STUDY THE ORIGIN OF THESE TERMS, WE SHALL FIND OUT THAT THEY ARE LOOSE TERMS WHOSE MEANINGS WERE FOUNDED MORE ON A HISTORICAL RATHER THAN A GEOGRAPHICAL BACKGROUND."

    ANO DAW PO? Muli ay kinompirma ng mga manunulat na ito na ang katawagang FAR EAST na dito ay iniuugnay ang kinalalagyan ng Pilipinas ay nagmula sa mga taga EUROPA! AT ANG MASAKIT DITO, ito ay ibinatay HINDI SA PANGHEOGRAPIYANG LOKASYON KUNDI sa kasaysayan lamang!

    Sa pagsusuring ito ay natukoy na natin ANG MALAKING PAGKAKAIBA ng binabanggit ng Bibliya na malayong silangan [moffatt] at ang FAR EAST na dito ay iniuugnay ang Pilipinas.

    Sa pagpupumilit ng ating kaibigang Sandro sampu ng mga tagapagtanggol ng INC na isingit ang Pilipinas ay ganito ang tanong nila:

    "ANO LOKASYON NG BANSA NATIN?"

    Napakadali naman ng tanong ng ating kaibigan, pero bago natin sagutin, ipakita muna natin ang kanilang pagpupumilit na matawag ang Pilipinas na FAR EAST.

    Kaypalang napansin natin na naunang sinipi ng ating kaibigang Sandro ang akda ni HORACIO DELA COSTA na nagsasabing:

    ReplyDelete
  28. "It cannot be without significance that the country which stands almost at the geographical center of the Far East, the Philippines, should also be that in which Christianity has taken the deepest root." (Asia and the Philippines, written by a Jesuit Priest Horacio dela Costa, page.169)"

    PERO ANO BA ANG NATUTUNAN NATIN HINGGIL SA KATAWAGANG ITO? Buweno, kung babalikan natin ang online encylopedia na WIKIPEDIA at i-search ang keyword na FAR EAST may mababasa tayo sa article na nagsasabing:

    "The term is no longer commonly used as it connotes the "orientalism" of the 19th century as described by Edward Said."

    AYON NAMAN PALA, gaya ng pagkakasabi ng dalawang propesor sa HARVARD UNIVERSITY, ito ay isang:

    "outdated notion that Europe is the center of the civilized world."

    HINGGIL SA pangheograpiyang katawagang ito, ano ang sinabi ng Prime Minister ng Australia? Narito:

    "What Great Britain calls the Far East is to us the near north."

    Ano daw? Papaano ngayon ito, NEAR NORTH PALA ANG REHIYONG KINALALAGYAN NG PILIPINAS kapag ang isa ay tumayo sa lupain ng Australia! Aba NAPAKAGULO!

    HINDI NA NATIN BIBITININ PA ANG KA SANDRO SAMPU NG KANIYANG MGA KASAMA. Ano nga ba ang mas akmang katawagan sa rehiyong kinalalagyan ng Pilipinas?

    Ayon sa WIKIPEDIA?

    "The Philippine archipelago lies in Southeast Asia in a position that has led to its becoming a cultural crossroads, a place where Malays, Arabs, Chinese, Spaniards, Americans, Japanese and others have interacted to forge a unique cultural and racial blend."

    Ano daw? SOUTHEAST ASIA!

    AYON sa GEOGRAPHY.ABOUT.COM?

    "Southeastern Asia, archipelago between the Philippine Sea and the South China Sea, east of Vietnam"

    ANO DAW? SOUTHEASTERN ASIA!

    ANO NAMAN ANG SINASABI NG NATIONAL GEOGRAPHIC?

    "The Philippines, in southeastern Asia, consists of 7,107 islands lying between the South China Sea and the Pacific Ocean. "

    ENCYCLOPEDIA BRITANNICA:

    "Philippines, island country of Southeast Asia in the western Pacific Ocean."

    ABA NAPAKARAMI NA NATING NASIPING MGA PATOTOO HINGIL SA REHIYONG KINALALAGYAN NG PILIPINAS! PAPAANO NGAYON ITO, HINDI PALA TALAGA FAR EAST ANG AKMANG KATAWAGAN SA LOKASYONG KINALALAGYAN NG BANSA NATIN?!

    PAPAANO PA KAKAPIT KAY KA FELIX MANALO ANG HULA?

    At sabi ng Bibliya na si Ciro ay ano?

    Inihula ng Bibliya na ang Persianong haring ito ay magiging gaya ng isang ibong mandaragit na magbubuhat sa silangan upang lamunin ang Imperyo ng Babilonya. (Isaias 45:1; 46:11

    ReplyDelete
  29. Eh ano ngayon kung mga EUROPEAN ang nagpangalan ng DAKO na kinalalagyan ng PILIPINAS na FAR EAST, pinangalanan siyang FAR EAST kaya may tumawag sa kaniyang FAR EAST.

    Kung ang DIYOS nga ng mga JW ang nagpangalan din ay taga EUROPE eh? Nasaan ba ang ROMA kung saan nakabase ang IGLESIA KATOLIKA ROMANA? Hindi ba nasa EUROPE din?

    Maliwanag kahit sa mga aklat pangkasaysayan na ginagamit sa mga UNIVERSITY:

    "The PHILIPPINES were Spain's share of the first colonizing movement in the FAR EAST; The name means the ISLANDS of Philip and refers to that grim ruler, King Philip II." [WORLD HISTORY by E. R. Boak, Preston Slosson, Howard Anderson, Page 445]

    Sabi ko nga sayo, ano man ang dahilan kung bakit tinawag na FAR EAST ang kinalalagyan ng PILIPINAS, isa lang ang maliwanag dumating sa isang PANAHON na tinawag iyang FAR EAST, at hindi na nila maitatatuwa pa iyon.

    Bakit ang daigdig ba ay binubuo lamang ng ASIA? Hindi ba isa lamang iyan sa PITONG KONTINENTE?

    Aba’y natural kung pag-uusapan ang ASIA, talagang nasa SOUTHEAST siya nito. Kaya nga SOUTHEAST ASIA eh, hindi SOUTHEAST of the WORLD.

    Lahat ng KONTINENTE sa MUNDO may SOUTHEAST din. Sige nga ano nasa SOUTHEAST of the NORTH AMERICA, SOUTHEAST of AUSTRALIA, SOUTHEAST of EUROPE. Etc? Matanong ko lang PILIPINAS din ba?

    Pero pag pag-uusapan ang FAR EAST ng MUNDO, anu-anong bansa ang nasasakop?

    Countries Comprising the Far East
    • Afghanistan
    • Bangladesh
    • Bhutan
    • Brunei (Darussalam)
    • Cambodia
    • East Timor (included with Indonesia)
    • East and West Pakistan
    • Federation of Malaya-Singapore
    • Hong Kong
    • India
    • Indonesia
    • Lao People's Democratic Republic
    • Macau
    • Malaysia
    • Maldives
    • Myanmar
    • Nepal
    • Pakistan
    • Penisular Malaysia
    • PHILIPPINES
    • Republic of Korea
    • Sabah
    • Sarawak
    • Singapore
    • Sri Lanka
    • Taiwan
    • Thailand

    Source: http://cdiac.ornl.gov/trends/emis/fealist.html

    ReplyDelete
  30. Ano sabi nila?

    “Inihula ng Bibliya na ang Persianong haring ito ay magiging gaya ng isang ibong mandaragit na magbubuhat sa silangan upang lamunin ang Imperyo ng Babilonya. (Isaias 45:1; 46:11)”

    Hindi mo ba itinanong sa kanila kung sino ang nagturo sa kanila na ang tinutukoy sa ISAIAS 46:11 ay si HARING CIRO? Pakitanong mo nga kung SUGO ng DIYOS? Kasi kung hindi siya SUGO maliwanag na hindi siya pinagkalooban na makaalam ng HIWAGANG ito.

    Dahil ang alin mang HULA sa Kasulatan ay hindi maaaring gamitan ng PANSARILING PAGPAPALIWANAG eh:

    2 Pedro 1:20-21 “NA MAALAMAN MUNA ITO, NA ALIN MANG HULA NG KASULATAN AY HINDI NAGBUHAT SA SARILING PAGPAPALIWANAG. Sapagka't hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: KUNDI ANG MGA TAO AY NAGSALITA BUHAT SA DIOS, NA NANGAUDYOKAN NG ESPIRITU SANTO.”

    Maipapaliwanag lamang ang HULA kung sila ay inuudyukan ng ESPIRITU SANTO, hindi maaari na gamitan ng SARILING UNAWA at PAGPAPALIWANAG.

    Ang mga SUGO ng DIYOS ang may KALOOB na makaunawa nito, at hindi ang kahit na sino lang.

    Kung gagamitin nila kay CIRO ang HULA, kailangan ang mga detalye ng HULA ay natupad din sa kaniya.

    Maliwanag sa talata:

    Isaiah 46:11-12 “NA TUMATAWAG NG IBONG MANGDADAGIT MULA SA SILANGANAN, NG TAONG GUMAGAWA NG AKING PAYO MULA SA MALAYONG LUPAIN; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin. INYONG DINGGIN AKO, NINYONG MAY MAPAGMATIGAS NA LOOB; NA MALAYO SA KATUWIRAN:”

    Niliwanag ng Banal na Kasulatan na ang magiging trabaho nito ay: “TAONG GUMAGAWA NG AKING PAYO”, ang misyon ng sugong ito ay GAWIN o ISAKATUPARAN ang PAYO ng DIYOS. Ano ba iyong PAYO na tinutukoy?

    Awit 107:11 “Sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa MGA SALITA NG DIOS, at hinamak ang PAYO ng Kataastaasan:”

    Ang misyon ng IBONG MANDARAGIT na sinasabi sa ISAIAS 46:11, ay ISAGAWA o ISAKATUPARAN ang PAYO o mga SALITA NG DIYOS, samakatuwid hindi siya MANANAKOP o MANDIRIGMA na kagaya ni CIRO, kundi MANGANGARAL ng DIYOS:

    Binanggit din sa talata kung anong uri ng mga tao ang pagsusuguan sa kaniya?

    “INYONG DINGGIN AKO, NINYONG MAY MAPAGMATIGAS NA LOOB; NA MALAYO SA KATUWIRAN:”

    Ang uri ng mga taong kaniyang masusumpungan sa dako na pagsusuguan sa kaniya ay mga taong MALAYO sa KATUWIRAN, na ang KATUWIRAN ay mga SALITA o KAUTUSAN ng DIYOS:

    Awit 119:172 “Awitin ng aking dila ANG IYONG SALITA; sapagka't LAHAT NG MGA UTOS MO AY KATUWIRAN.”

    Malayo sa katuwiran o malayo sa mga SALITA ng DIYOS ang mga taong pagsusuguan sa kaniya, maliwanag na hindi mga TUNAY na LINGKOD ng DIYOS, at kaya siya isusugo doon ay upang sila’y ilapit sa katuwiran o sa kaniyang mga SALITA:

    Isaias 46:13 “AKING INILALAPIT ANG AKING KATUWIRAN, HINDI MAGLALAON AT ANG AKING PAGLILIGTAS AY HINDI MAGLULUWAT:…”

    Ilalapit ng Diyos ang kaniyang KATUWIRAN sa mga tao sa dakong pagsusuguan sa kaniya sa MALAYONG BANSA na nasa SILANGANAN sa pamamagitan ng SUGONG MANGANGARAL na ito na ipadadala niya sa kanila upang magturo ng kaniyang mga KATOTOHANAN.

    ReplyDelete
  31. Malinaw ang detalye ng HULA, ang IBONG MANDARAGIT ay hindi MANDIRIGMA gaya ni CIRO.

    Si CIRO ay ipinadala ng DIYOS sa JERUSALEM upang palayain ang mga ISRAELITA mula sa pagkaalipin ng BABILONIA:

    Isaias 45:1 “GANITO ANG SABI NG PANGINOON SA KANIYANG PINAHIRAN NG LANGIS, KAY CIRO, NA ANG KANANG KAMAY AY AKING HINAWAKAN, UPANG MAGPASUKO NG MGA BANSA SA HARAP NIYA; at aking kakalagan ang mga balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya, at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan;”

    Isaias 45:4-5 “DAHIL SA JACOB NA AKING LINGKOD, AT SA ISRAEL NA AKING PINILI tinawag kita sa iyong pangalan: aking pinamagatan ka, bagaman hindi mo nakilala ako. Ako ang Panginoon, at walang iba; liban sa akin ay walang Dios. Aking bibigkisan ka, bagaman hindi mo ako nakilala.”


    Maliwanag na si CIRO ay inatasan ng DIYOS hindi para MANGARAL ng kaniyang SALITA, kundi upang MAGPASUKO ng MGA BANSA, para sa BAYAN ng DIYOS, para sa ISRAEL. Maliwanag na ang pinagsuguan kay CIRO ay iba sa pagsusuguan sa IBONG MANDARAGIT, dahil ang pinagsuguan sa kaniya ay ang ISRAEL na BAYAN NG DIYOS, hindi MALAYO sa kaniyang KATUWIRAN dahil sila’y mga LINGKOD niya. Maliwanag ding sinabi na HINDI NAKIKILALA ni CIRO ang DIYOS, subalit ang IBONG MANDARAGIT, ang DIYOS na kinikilala niya ay ang DIYOS ng ISRAEL:

    Isaias 41:9-10 “Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan KITA, IKAW AY AKING LINGKOD, AKING PINILI KA AT HINDI KITA ITINAKUWIL; Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, SAPAGKA'T AKO'Y IYONG DIOS; aking palalakasin ka; oo, AKING TUTULUNGAN KA; OO, AKING AALALAYAN KA NG KANANG KAMAY NG AKING KATUWIRAN.”

    Ang Diyos ng IBONG MANDARAGIT ay ang DIYOS ng ISRAEL, si Ciro na galing sa PERSIA ay isang PAGANO.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Eto mga kaibigan namin INC, paki sagot ang tanong na ito base sa paksa sa itaas

      John 19:17 - Greek Translation

      βαστάζων bearing

      ἑαυτῷ [his] own

      ton τὸν Art-AMS

      σταυρὸν stauron,

      ἐξῆλθεν he went out

      Tanong: Anu ang kahulugan ng mga salitang ito, ayon sa itinuturo ng mga inc?

      Delete
    2. Hanga talaga ako sa mga SAKSI ni JEHOVA, gumagamit pa ng GREEK na animo'y sinunod ng kanilang BIBLIA na NEW WORLD TRANSLATION ang mga MANUSKRITONG GRIEGO.

      Bago ka sana magaganyan, patunayan niyo muna sa amin kung saan nakuhang MANUSKRITONG GRIEGO ng mga SAKSI, ang salitang "JEHOVA" na idinagdag ninyo sa NEW TESTAMENT ng inyong Biblia?

      Delete
    3. Basahin natin sa Greek Bible:

      John 19:17 “και βασταζων τον σταυρον αυτου εξηλθεν εις τον λεγομενον κρανιου τοπον ‘ος λεγεται ‘εβραιστι γολγοθα”

      Pagbigkas:

      kai bastazōn ton STAURON autou exēlthen eis ton legomenon kraniou topon hos legetai hebraisti Golgotha



      Sa Greek Dictionary ang salitang KRUS ay tinumbasan ng STRONG’S NUMBER na G4716
      “stow-ros'
      “From the base of G2476; A STAKE OR POST (AS SET UPRIGHT), that is, (specifically) A POLE OR CROSS (as an instrument of capital punishment); figuratively exposure to death, that is, self denial; by implication the atonement of Christ: - cross. [Strong’s Bible Dictionary]


      Maliwanag puwedeng STAKE o POSTE, pero puwede ring CROSS o KRUS. Dalawa meaning ayon sa GREEK DICTIONARY.

      Ganito naman ang sabi ng isa pang kilalang Bible Dictionary:

      “The forms in which the cross is represented are these:
      (1.) The crux simplex (I), a “single piece without transom.”
      (2.) The crux decussata (X), or St. Andrew's cross.
      (3.) The crux commissa (T), or St. Anthony's cross.
      (4.) The crux immissa (†), or LATIN CROSS, which was THE KIND OF CROSS ON WHICH OUR SAVIOUR DIED. ABOVE OUR LORD'S HEAD, ON THE PROJECTING BEAM, WAS PLACED THE “TITLE.” (See CRUCIFIXION.) [Easton’s Bible Dictionary]


      Ang KRUS daw na ginamit sa pagpapako kay Cristo na kaniyang ikinamatay ay ang CRUX IMMISSA o iyong kilala sa tawag na LATIN CROSS.

      Maliwanag ang ebidensiyang ibinigay ng dictionary:

      “ABOVE OUR LORD'S HEAD, ON THE PROJECTING BEAM, WAS PLACED THE “TITLE.”

      Sa ulo daw ni Cristo ay may inilagay na TITULO, ito ay pinatutunayang totoo ng Biblia, maski na nang Biblia ninyo, basahin natin:

      Matthew 27:37 “Also, they posted above his HEAD the charge against him, in writing: This is Jesus the King of the Jews.” [New World Translation]

      Kasi nga kung sa TULOS siya ipinako, dapat ang sinabi ay “THEY POSTED ABOVE HIS HANDS”, pagmasdan mo PICTURE ni CRISTO na nakapako sa TULOS at PAGMASDAN mo ang PICTURE ni CRISTO na NAKAPAKO sa KRUS. Nasaan iyong TITULO? Hindi ba nasa ibabaw ng ULO ni Cristo dun sa larawan na nakapako siya sa KRUS?

      Pagkatapos nga eh ang banggit pa nga ay MGA PAKO o “NAILS” na PLURAL sa JUAN 20:25:

      Matthew 20:25 “We have seen the Lord! But he said to them: Unless I see in his hands the print of the NAILS and stick my finger into the print of the NAILS and stick my hand into his side, I will certainly not believe.” [New World Translation]

      Klarong-klaro sa Bible eh, oo nga na maaaring isang STAKE o TULOS ang salitang STAUROS sa Greek, pero hindi nangangahulugan na ISANG POSTE lamang ang pinagpakuan kay Cristo eh. Kundi isang KRUS na binubuo ng dalawang piraso ng KAHOY na MAGKAKRUS.

      Delete
  32. Tugma ang sinasabi ng Biblia sa itsura ng LARAWAN ni Cristo na nasa KRUS, kasi ang TITULO ay nasa ibabaw ng kaniyang ULO, at maliwanag na HIGIT SA ISANG PAKO ang ginamit sa pagpapako sa mga kamay niya.

    Magkagayon man, kaming mga INC ay HINDI NANINIWALA na ang KRUS ay siyang SIMBULO ng CRISTIANISMO, wala ni isa mang pangyayari sa kasaysayan ng INC na ginamit namin ang KRUS bilang SIMBULO. Hindi kailan man napalagay iyan sa aming mga BAHAY SAMBAHAN o ISINUOT man namin sa aming mga KATAWAN.

    Hindi kagaya ninyong mga SAKSI ni JEHOVA, na minsan ay ginamit iyang LOGO ng WATCHTOWER SOCIETY, ginawang PIN na isinusuot ng mga SAKSI sa kanilang mga gawaing pangrelihiyon, at inilagay pa sa PUNTOD ng inyong FOUNDER.

    Magkagayon man, kami ay NANINIWALA na talagang KRUS o kahoy na MAGKAKRUS ang ginamit sa pagpapako sa Panginoong Jesus, dahil pinatutunayan ng KASAYSAYAN maging ng Biblia, pero hanggang doon lang iyon, hindi namin tinatanggap ang pagkilala na ginagawa ng IGLESIA KATOLIKA sa KRUS na pinagpakuan kay Jesus bilang aming SIMBULO at EMBLEM o PAGKAKAKILANLAN.

    Naniniwala lang kami na KRUS talaga ang pinagpakuan kay JESUS, ngunit kailan man ay hindi namin matatanggap na ILAGAY sa aming BAHAY SAMBAHAN, isuot sa aming mga leeg bilang KUWINTAS, at ilagay sa aming mga tahanan. Dahil wala pong utos si Cristo maging ang mga Apostol, lalo na ang Panginoong Diyos na gawin iyon.

    ReplyDelete
  33. Mga Saksi Ni Jehovah
    Oo, pwede magkamali sa aral, pero itinutuwid yun. Gusto mo ng halimbawa? Gawa 1:6 ihambing sa Lucas 19:11.

    Contrary ba sa 1 TESS. 2:3 :

    ""Sapagka't ANG AMING INIAARAL AY HINDI SA KAMALIAN, ni sa karumihan, ni sa pagdaraya.”"

    Hindi contrary yan. Kailan ba isinulat ang 1 Tesalonica? Bago o pagkatapos silang ituwid ni Jesus at binuhusan ng Banal na Espiritu? Muli, (Mga Kawikaan 4:18) Ngunit ang landas ng mga matuwid ay tulad ng maningning na liwanag na lumiliwanag nang lumiliwanag hanggang sa ang araw ay malubos.

    Sumipi kayo ng 1 Tesalonica 2:3 para pabulaanan yan, ang tanong ko, KAILAN isinulat ni Pablo ang 1 Tesalonica? Bago o pagkatapos silang ituwid ni Jesus sa pagkakamali nila?

    Ipinakita ko na sa itaas ang mga halimbawa na ang mga tunay na lingkod ay nagkakamali din. Sa tagpo ng Lucas 19:11, ipinapakita dyan ang kalagayan ng pag-iisip at pagkaunawa nila sa mga hula sa Hebreong Kasulatan tungkol sa pagsasauli ng kaharian ng Diyos. Kaya ng mamatay si Jesus, nalungkot sila, dahil INAKALA nila na isasauli ni Jesus ang kaharian sa Israel ng panahong iyon. Ipinapakita nyan na MALI SILA NG UNAWA. Nag-umpisa lang ba silang mangaral noong buhaying muli si Jesus, o bago pa man mamatay e nangangaral na?

    Nangaral na pero ang senaryo sa Lucas 19:11 ay hindi pangangaral ng mga apostol.

    OO, hindi pangangaral ang scenario, pero dahil nangangaral na sila noon, intonses yon na naituro nila ang mga maling pagkaunawa nila before sila ituwid ni Jesus hinggil doon. Yan ay kung gagamitan mo ng unawa. Pero kung letra por letra na naman, e mahirap nga naman maunawaan yang punto na yan. Bilang karagdagan, pansinin mo ang nakaulat sa Lucas 24:13-21, doon ay inilahad muli ng mga tagasunod ni Jesus ang kanilang maling pagkaunawa, kesyo ililigtas ni Jesus ang Israel. Sa tingin mo ba, hindi kasama sa pangangaral nila ang paniwalang ito kasama ng paniwalang isasauli ang kaharian ng panahong iyon?

    Haka-haka ba ito?

    Hindi haka-haka yan. Yan ang liwanag ng Bibliya. Naniniwala sila na ISASAULI ni Jesus ang kaharian sa Israel noong panahong iyon, diba? Nangaral ba sila patungkol dito? Oo naman, ipinapakita sa Lucas 8:1 - na "ipinangangaral at ipinahahayag ang mabuting balita ng kaharian ng Diyos" ng labindalawa. O, isip-isipin mo ngayon yan, nangaral sila patungkol sa KAHARIAN ng Diyos, anong paniwala nila noong mga panahong iyon? Yun ang nakaulat sa Lucas 24:13-21, akala nila ay isasauli na ni Jesus ang kaharian sa Israel noong panahong iyon. Maliwanag yan, hindi haka-haka at may iba pang halimbawa niyan, hindi lang sa mga apostol. Maging ang mga propeta man.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kahit nga anong gawin mo hindi mapapabulaanan na nasa mali ka paring relihiyon kasi nga wala sa biblia ang JW kahit lahat ng salin dimo mababasa ang jehovah witness kahit pa gumagamit din kayo ng mga talata sa biblia walang kaligtasan sa inyo kasi kayo kayo ang tumatag niyang JW hindi si Cristo o ang Diyos, INC lang ang itinayo ni Cristo upang aniban ng lahat ng tao means kasama ka jan upang magtamo ng tunay na kaligtasan, magsuri maraming topic ukol dito sa blog archive basahin lang...

      Delete
    2. sabi mo wala kaming mababasa na saksi ni jehovah sa biblia sa kahit o ano mang salin sa biblia.

      kung may mababasa ako na may saksi ni jehovah nakasulat sa biblia? tatanggapin mo mangloloko ka?

      Delete
  34. Mga Saksi Ni Jehovah
    Oo, pwede magkamali sa aral, pero itinutuwid yun. Gusto mo ng halimbawa? Gawa 1:6 ihambing sa Lucas 19:11.

    Contrary ba sa 1 TESS. 2:3 :

    ""Sapagka't ANG AMING INIAARAL AY HINDI SA KAMALIAN, ni sa karumihan, ni sa pagdaraya.”"

    Hindi contrary yan. Kailan ba isinulat ang 1 Tesalonica? Bago o pagkatapos silang ituwid ni Jesus at binuhusan ng Banal na Espiritu? Muli, (Mga Kawikaan 4:18) Ngunit ang landas ng mga matuwid ay tulad ng maningning na liwanag na lumiliwanag nang lumiliwanag hanggang sa ang araw ay malubos.

    Sumipi kayo ng 1 Tesalonica 2:3 para pabulaanan yan, ang tanong ko, KAILAN isinulat ni Pablo ang 1 Tesalonica? Bago o pagkatapos silang ituwid ni Jesus sa pagkakamali nila?

    Ipinakita ko na sa itaas ang mga halimbawa na ang mga tunay na lingkod ay nagkakamali din. Sa tagpo ng Lucas 19:11, ipinapakita dyan ang kalagayan ng pag-iisip at pagkaunawa nila sa mga hula sa Hebreong Kasulatan tungkol sa pagsasauli ng kaharian ng Diyos. Kaya ng mamatay si Jesus, nalungkot sila, dahil INAKALA nila na isasauli ni Jesus ang kaharian sa Israel ng panahong iyon. Ipinapakita nyan na MALI SILA NG UNAWA. Nag-umpisa lang ba silang mangaral noong buhaying muli si Jesus, o bago pa man mamatay e nangangaral na?

    Nangaral na pero ang senaryo sa Lucas 19:11 ay hindi pangangaral ng mga apostol.

    OO, hindi pangangaral ang scenario, pero dahil nangangaral na sila noon, intonses yon na naituro nila ang mga maling pagkaunawa nila before sila ituwid ni Jesus hinggil doon. Yan ay kung gagamitan mo ng unawa. Pero kung letra por letra na naman, e mahirap nga naman maunawaan yang punto na yan. Bilang karagdagan, pansinin mo ang nakaulat sa Lucas 24:13-21, doon ay inilahad muli ng mga tagasunod ni Jesus ang kanilang maling pagkaunawa, kesyo ililigtas ni Jesus ang Israel. Sa tingin mo ba, hindi kasama sa pangangaral nila ang paniwalang ito kasama ng paniwalang isasauli ang kaharian ng panahong iyon?

    Haka-haka ba ito?

    Hindi haka-haka yan. Yan ang liwanag ng Bibliya. Naniniwala sila na ISASAULI ni Jesus ang kaharian sa Israel noong panahong iyon, diba? Nangaral ba sila patungkol dito? Oo naman, ipinapakita sa Lucas 8:1 - na "ipinangangaral at ipinahahayag ang mabuting balita ng kaharian ng Diyos" ng labindalawa. O, isip-isipin mo ngayon yan, nangaral sila patungkol sa KAHARIAN ng Diyos, anong paniwala nila noong mga panahong iyon? Yun ang nakaulat sa Lucas 24:13-21, akala nila ay isasauli na ni Jesus ang kaharian sa Israel noong panahong iyon. Maliwanag yan, hindi haka-haka at may iba pang halimbawa niyan, hindi lang sa mga apostol. Maging ang mga propeta man.

    ReplyDelete
  35. Mga Saksi Ni Jehovah
    Hinggil sa mga pahayag na inilathala sa mga publikasyon namin, just as what is quoted here, if you examine it closely, one should be able to see that the allegation would not stand upon a critical examination. Why?

    First, one should know what the meaning of the word Prophecy is. Biblically speaking, nasa Ezekiel 13:6, 7 na mismo ang ebidensiya. Ano ba ang ibig sabihin ng ulat ng Ezekiel? Sino ba itong nanghuhula ng kasinungalingan? Paano ba nasabing nanghula?

    Notice the phrase that has been repeatedly mentioned in the account:

    "Sila'y nangakakita ng walang kabuluhan, at sinungaling na panghuhula, NAG NAGSASABI, SABI NG PANGINOON"

    There you have it. Bro. Rutherford and the Society do not claim to be inspired prophets. You will not find in our publications such a claim. Nor the phrase that we have said "SABI NG PANGINOON" ay ganito ganiyan. No, that's just not happening my friends.

    Again, kung hindi bias ang taong nagsusuri, hindi naman mahirap intindihin.
    13 hours ago · Like
    Mga Saksi Ni Jehovah
    Tagapagligtas po ba ang mandaragit ano ang sabi ng Habakkuk? Sa Iglesia ni Cristo (Manlo) ay oo.

    (Habakkuk 1:8) At ang mga kabayo nito ay mas matulin kaysa sa mga leopardo, at mas mabangis sila kaysa sa mga lobo sa gabi. At dinadamba ng mga pandigmang kabayo nito ang lupa, at nanggagaling sa malayo ang mga pandigmang kabayo nito. Lumilipad silang gaya ng agila na nagtutumulin upang kumain.

    (Deuteronomio 28:49-50) “Si Jehova ay magbabangon laban sa iyo ng isang bansa sa malayo, mula sa dulo ng lupa, na gaya ng isang agila na nananaklot, isang bansa na ang wika ay hindi mo mauunawaan, 50 isang bansa na mabangis ang mukha, na hindi magtatangi ng matanda o magpapakita ng lingap sa bata.

    (Isaias 13:19) At ang Babilonya, ang kagayakan ng mga kaharian, ang kagandahan ng pagmamapuri ng mga Caldeo, ay magiging gaya noong gibain ng Diyos ang Sodoma at Gomorra.

    (Isaias 14:22-23) “At titindig ako laban sa kanila,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo. “At puputulin ko mula sa Babilonya ang pangalan at nalabi at supling at kaapu-apuhan,” ang sabi ni Jehova. 23 “At gagawin ko siyang pag-aari ng mga porcupino at mga matambong lawa ng tubig, at wawalisin ko siya ng walis ng pagkalipol,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.

    Isaiah’s even named the king who would conquer Babylon—Cyrus.

    (Isaias 44:27-45:2) ang Isa na nagsasabi sa matubig na kalaliman, ‘Maging singaw ka; at ang lahat ng iyong mga ilog ay tutuyuin ko’; 28 ang Isa na nagsasabi tungkol kay Ciro, ‘Siya ay aking pastol, at ang lahat ng kinalulugdan ko ay lubusan niyang tutuparin’; maging sa sinabi ko tungkol sa Jerusalem, ‘Siya ay muling itatayo,’ at tungkol sa templo, ‘Ilalatag ang iyong pundasyon.’ ”

    45 Ito ang sinabi ni Jehova sa kaniyang pinahiran, kay Ciro, na ang kanang kamay ay hinawakan ko, upang manupil ng mga bansa sa harap niya, nang sa gayon ay maalisan ko ng bigkis ang mga balakang ng mga hari; upang buksan sa harap niya ang mga pinto na may dalawang pohas, nang sa gayon ay hindi maisara ang mga pintuang-daan: 2 “Sa unahan mo ay yayaon ako, at ang mga umbok ng lupa ay papatagin ko. Ang mga pintong tanso ay pagdudurug-durugin ko, at ang mga halang na bakal ay puputulin ko.

    ReplyDelete
  36. Sagutin mo muna ang tanong ko kaibigan.

    Ang nagpaliwanag ba sa inyo ng kahulugan ng mga Hulang iyan ay TUNAY NA SUGO ng Diyos?

    Iyan muna pagusapan natin, kasi kung hindi mo mapapatunayan sa amin na talagang TUNAY NA SUGO ng Diyos ang nagbigay ng kahulugan ng HULANG iyan, maliwanag na HINUHULAAN lamang nila ang KAHULUGAN ng HULA o PROPESIYA sa BIBLIA.

    Tandaan mo SUGO LAMANG ang MAY KARAPATANG MANGARAL (Roma 10:15). At sila lamang ang nakakaalam at pinagkaloobang makaalam ng hiwaga ng kaharian ng Diyos(Marcos 4:11). Kaya sa kanila lamang dapat sumangguni ang tao na nagnanais malaman ang TUNAY na KALOOBAN ng Diyos (Malakias 2:7)

    ReplyDelete
  37. Anonymous (Saksi ni Jehovah)

    Indeed one of Christ's teachings fulfilled in you (and very appropriate indeed):

    "And he spake also a parable unto them, Can the blind guide the blind? shall they not both fall into a pit?" - Luke 6:39

    All Aerial's explanations are crystal-clear and totally based on the Bible yet you harden your heart and trying your best to avoid the truth. Hence, you have soooooooooo many excuses yet the more you go against the truth, the more the truth is being brought into light.

    Just right now, you have another excuse. Let us quote them:

    "Sila'y nangakakita ng walang kabuluhan, at sinungaling na panghuhula, NAG NAGSASABI, SABI NG PANGINOON"

    There you have it. Bro. Rutherford and the Society do not claim to be inspired prophets. You will not find in our publications such a claim. Nor the phrase that we have said "SABI NG PANGINOON" ay ganito ganiyan. No, that's just not happening my friends"

    So, if we follow your analogy that Rutherford did not say "SABI NG PANGINOON" word for word, THEN WHY DID YOU AND THE REST OF JW BELIEVE/FOLLOW HIS LIES, not only once BUT FOR SO MANY TIMES?

    Though I already know the reasons, I would like to hear your side first.

    Secondly, following your analogy again,

    If Rutherford did not say "SABI NG PANGINOON" word for word, then why did He use the Bible as an accessory to his lies if indeed such pronouncement HAS NOTHING TO DO WITH GOD? Instead, he used the Bible to support/justify his lies to make his false predictions more convincing. He used the Bible as his innocent principal to put such lies into publication, hence, gave himself a fortune. So, in this case, is there still a need to say the "SABI NG PANGINOON" word for word?

    Awaiting your reply,

    --Bee

    ReplyDelete
    Replies
    1. para kayong mga bata inc na binabato ang bunga ng mangga sa gilid ng kalsada.alam nyo kasi ang punong mangga mabuti kaya mabuti rin ang mga bunga.alam nyo ba 1914 si satanas inihangis sa lupa? at noon na yaon 1914 na tatag ang inyong iglesia. kaya hindi nyo maiintidan ang hula na nasa bibliya, pilit nyong angkinin nyong ibong madaragit.na explain na ng kapatid ko ang mga refference.kaya nabulag kayo sa katotohanan.

      Delete
  38. kung tama ang pag kasabi ni tomas sa talatang ito nasinang ayonan ni ginoong aerial sa juan 2o:25 na mga pako.dapat ring sumang ayon kayo sa sinabi ni tomas sa juan 20:28.sumagot si tomas at sa kaniyay sinabi,panginoon ko at DIOS KO.AT SA MATEO 27:37 NAPAKABABAW nyo naman ang pang unawa.understood na yan na ang karatula ay nasaibabaw ng ulo.mark 15:26kjv and the superscription of his accusation was written over.the king of the jews.yan po i lagay sa ibabaw para mabasa ng karamihan ang karatura.yan po ang pang unawa ni apostol mateo sa kanyang sulat sa 27:37.lucas 23:38 at mayroon naman sa itaas niya na isang pamagat....english and superscription also was written over him in letter......

    ReplyDelete
    Replies
    1. yong sa juan 20:25.mga pako vise versa yon dahil hindi lamang pinako si jesus sa kamay kundi pati sa paa.sa lucas 24:39-40.ipinakita ni jesus ang kanyang kamay pati sa paa.yon po ang ibig sabihin sa talata sa juan.ginamit ang mga pako.o nails,dahil pati paa ay pinako rin.

      Delete
  39. the history about cross..ang krus ginamit sa pagsamba o simbolo ng dios nga si tammuz sa 3 century sa silangang lupain kasama na ang ehipto. an expository dictionary of the new testament words (london,1962) ni w.e.vine,p.256. itong krus ginamit as a simbol ng babilonyanhong araw-dios,ug unang makita sa ibabaw ng pilak ni julius caesar 1oo--44 before christ. marami pang nakasulat sa the companion bible,apendix no.162 at sa the non- christian cross pp.133-141.ito ay nang galing sa pagansm ang krus.kaya sa old testament ang mga israel ay hindi gumamit ng krus para dyan patayin ang salarin.deu 21:22-23 kung ang lalake ay magkakasala ng kasalanang marapat sa kasalanang kamatayan ,at siyay papatayin at ibitin siya sa isang punong kahoy 23,ay huwag maiiwan boung gabi ang kaniyang bangkay sa punong kahoy ,kundi walang pagsalang siyay iyong ilibing sa araw ding yaon ;sapagkat ang bitin ay sinumpa ng Dios UPANG huwag mong ihawa ang iyong lupa na ibinibigay sa iyo ng panginoon mong Dios,na ipinamana.ngayong sino ba ang nagpapatay kang jesus? yon pong sumusunod sa mosaic law kaya yon po ang proseso ang pag patay ni jesus sa punong kahoy o poste siya nakabitin.napakababaw nyo naman kung ang pang unawa yong kahoy na may dahon at sanga o branches na sinabi ni sir aerial.ang krus galing sa mga pagano. paano sila gumamit ang mga israel ng krus eh binagbawalan sila sa exo 20:4 alam naman nila kung saan galing yon.kaya nga sa gawa 5:30 ang mga apstol ginamit ang terminong punong kahoy.galasya 3:13 quoting deu 21:22-23.hindi pwedi mababali ang katotohanan sa huwad na turo ng inc.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabi mo:

      "ang mga apstol ginamit ang terminong punong kahoy.galasya 3:13."

      Oh eh bakit hindi namin nakikita na idinodrawing ninyo si Cristo na nakapako sa PUNONG KAHOY, eh di KONTRA na naman iyan sa pinaniniwalaan ninyong TULOS? Kasi iyong TULOS ninyo diretsong KAHOY lang iyon, ang PUNONG KAHOY may sanga at mga DAHON.

      Delete
    2. Bakit ito kung iguhit ninyo ay may SANGA at mga DAHON samantalang PUNONG KAHOY din ang banggit?

      GAWA 7:30 At nang maganap ang apat na pung taon, ay napakita sa kaniya ang isang anghel sa ilang ng bundok ng Sinai, sa ningas ng apoy sa isang mababang PUNONG KAHOY.

      Ah alam ko na isasagot ninyo, COMMON SENSE lang iyan...heheheh

      Delete
  40. inc grabi kayo mag chop chop ng bibliya para masuportahan lang ang inyong maling turo,bakit hindi nyo tularan ang mga nagpapakain sa amin ng espiritual na mapagkumbaba ang mali ay i tuwid.

    ReplyDelete
  41. mga inc bakit hindi nyo tularan ang mga napapakain sa amin ng espritual na mapagkumbaba na ang mali kailangan baguhin at itama?grabi kayo kung mag chop chop ng bibliya para masuportahan ang huwad nyong turo.kung tao pa ang inyong chi nap chop naku! marami na kayong pinatay.

    ReplyDelete
  42. Kung sinasabi ng mga Saksi ni Jehova na sa TULOS ipinako si Jesus, bakit "mga pako" ang binanggit sa Juan 20:25?
    ____________________________________

    Ginagamit ng iba ang Juan 20:25 bilang ebidensiya na sa krus ipinako si Jesus, dahil sa paggamit ng salitang "mga pako." Kung iyan lang ang pinagbabatayan nila, malinaw na isinasaisantabi nila ang mas mahahalagang katotohanan na ipinakikita ng Kasulatan.

    Una, malinaw na ginamit ng Bibliya ang mga Griegong salitang STAUROS at XYLON bilang kasangkapan na pinagpakuan kay Jesus. Ang dalawang salitang ito ay kapuwa tumutukoy sa istaka o tuwid na tulos.

    "Ang dalawang salita ay walang kaugnayan sa makabagong ideya ng krus...Ang stauros ay basta tuwid na tulos o istaka...Ang stauros ay hindi kailanman tumukoy sa dalawang piraso ng kahoy na pinagkrus sa anumang anggulo. Kahit ang salitang Latin na crux ay nangangahulugang tulos."--A CRITICAL LEXICON, E.E. Bullinger.

    "Ang STAUROS....pangunahing tumutukoy sa tuwid na tulos o istaka...na sa orihinal ay iba sa sinasabing krus...Pagsapit ng kalahatian ng ikatlong siglo A.D., ang simbahan ay alinman sa lumihis o tumalikod sa pangunahing doktrina ng Kristiyanismo...tinanggap nang husto ang mga pagano anupat pinanatili ang mga simbolong pagano."--W.E. Vine Expository Dictionary.

    Kaya, ang pangangatuwirang sa krus ipinako si Jesus dahil lamang sa pagbanggit ng "MGA PAKO" ay lubusang sumasalungat sa maliwanag na turo ng Bibliya. Ito ay talagang taliwas sa Bibliya.

    Sabihin pa, ang mga Saksi ni Jehova ay hindi dogmatiko sa pag-alam kung ilang pako ang ginamit sa kamay ni Jesus. Ito'y maaaring dalawa. Sa katunayan, napatunayan ng mga arkeologo na apat na pako ang ginamit, dalawa sa bahaging kamay at dalawa sa bahaging paa. Pero ipinakikita rin ng kasaysayan na karaniwang sa tulos ibinibitay o ipinapako ang mga hinatulang indibiduwal, at hindi sa krus.

    Karagdagang pa, ang pagbanggit ng "MGA PAKO", na gaya ng binanggit ni Tomas sa binuhay-muling si Jesus, ay hindi nangangahulugang isang pako sa bawat kamay. Sa Lucas 24:39, sinabi ni Jesus: "Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, na ako mismo ito." Ipinakikita nito ay ipinako rin ang mga paa ni Jesus. Yamang walang nabanggit si Tomas na mga pako sa paa, ang paggamit niya ng salitang "mga pako" ay tumutukoy sa mga pako sa ginamit sa pagbayubay kay Jesus.

    "Ang eksaktong bilang mga pako sa ginamit...ay naging paksa ng mga espekulasyon. Ipinakita ng mga naunang larawan ng pagpako na ang mga paa ni Jesus ay ipinako nang magkahiwalay, pero nang kalaunan, ang mga paa ay pinagpatong at pinakuan ng isang pako."--International Standard Bible Encyclopedia.

    "Maraming panahon at pagsisikap ang nasayang sa pag-alam lamang kung tatlo ba o apat na pako ang ginamit sa pagbayubay sa Panginoon.--Cyclopedia of Biblical, Theological, and Ecclesiastical Literature, Volume II, page 580, ni M'Clintock and Strong.

    Ang pag-aangkin ng "pagpako sa krus" dahil lamang sa "dalawang pako" sa kamay ay malinaw na pagpipilit ng sariling interpretasyon habang itinatatwa naman ang ibang ebidensiya. Ang pangangatuwirang ito ay mali at sariling pakahulugan lamang. Kaya, maling gamitin ang sinabi ni Tomas para sabihing sa krus namatay si Jesus, dahil higit na makatuwiran na maniwalang sa tulos ipinako ang Kristo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maliwanag sa mga sinipi mo na HINDI KAILAN MAN NAISIP na IISA lang ang ginamit na PAKO sa KAMAY ni JESUS, kasi nga hindi maaaring talikuran ang banggit sa BIBLIA na "MGA PAKO".

      Kita mo nga banggit diyan TATLO o APAT na PAKO ang kanilang SPEKULASYON.

      "Maraming panahon at pagsisikap ang nasayang sa pag-alam lamang kung tatlo ba o apat na pako ang ginamit sa pagbayubay sa Panginoon.--Cyclopedia of Biblical, Theological, and Ecclesiastical Literature, Volume II, page 580, ni M'Clintock and Strong.

      At makikita naman iyan sa mga LARAWANG nalikha tungkol sa isyung iyan.

      TATLO - DALAWA SA KAMAY at ISA SA PAA
      APAT - DALAWA SA KAMAY at DALAWA SA MAGKABILANG PAA

      Pero ang SPEKULASYON ninyo na

      DALAWA - ISA SA KAMAY at ISA SA PAA

      Mukhang hindi nakasali sa kanilang SPEKULASYON...Bakit kaya?

      Saan niyo naman nakuha ang inyong SPEKULASYON ninyong ito? Puwede mo bang i-share sa amin? I'm sure hindi sa BIBLIA hindi ba?

      Delete
  43. PABAGU-BAGO BA NG TURO ANG MGA SAKSI NI JEHOVA?
    __________

    Ang salitang pabagu-bago ay maaaring tumukoy sa gawain ng isang tao na nagpapalit-palit ng pag-iisip nang hindi ginagamit ang kakayahan sa pangangatuwiran. Ito'y karaniwang ginagawa nang maya't maya o sa napaikling yugto ng sandali. Sa madaling sabi, ang taong pabagu-bago ay walang direksiyon at hindi alam kung ano ang tama. Pero, ipinakikita ng kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova na hindi sila gayon; ang kanilang mga itinuturo ay hindi resulta ng pabagu-bagong aral. Bakit gayon?

    Ang ginawa ng mga Saksi ni Jehova hinggil sa kanilang mga aral ay dumaan sa mga pagbabago upang ito ay umayon sa katotohanang nasa Bibliya. Pansinin, ang salitang "pagbabago" o "nagbabago" ay iba sa "pabagu-bago." Ang pinagdaanan ng mga Saksi ni Jehova may kinalaman sa kanilang pagkaunawa sa Kasulatan ay kaayon ng Kawikaan 4:18: "Ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag, na sumisilang nang higit at higit sa sakdal na araw."

    Sa katunayan, maging ang mga propeta noon na kinasihang sumulat ng mga salita ng Diyos ay hindi nakaunawa sa lahat mga isinulat nila. Iyan ang naging karanasan nina Daniel.

    "At aking narinig, ngunit hindi ko naunawa; nang magkagayo'y sinabi ko, O Panginoon ko, ano ang magiging wakas ng mga bagay na ito? At sinabi niya, Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel; sapagkat ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan."--DANIEL 12:8, 9

    Ipinakikita nito sa "panahon ng kawakasan", oo sa modernong panahong ito, ay magkakaroon ng malawakang pagsisiwalat ng liwanag ng katotohanan. Oo, nakamatayan na ni Daniel ang paghihintay ng panahong mauunawaan niya ang mga hulang isinulat niya. Pero, tayo ay nagkapribilehiyo na maunawaan ang mga isinulat, hindi lang ni Daniel, kundi ng iba pang mga propeta. Kung hindi man nagkaroon ng lubos na kaunawaan si Daniel sa Kasulatan, darating ang panahon na mauunawan din niya ang Kasulatan dahil "ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng Panginoon, gaya ng tubig na tumatakip sa dagat." (Isaias 11:9, King James Version)

    Maliwanag na hindi isinambulat ng Diyos ang liwanag ng katotohanan. Bagkus, unti-unti niya itong ipinaunawa sa mga tapat na lingkod niya. Ang pagsasabing sa panahon ng kawakasan magliliwanag ang kaunawaan sa Kasulatan ay nagpapakita na hindi pa ito agad na mauunawaan, ngunit sa paglipas ng panahon ay magliliwanag ang lahat. Hindi inangkin ng mga Saksi ni Jehova na mayroon silang kaloob ng hula, na para bang alam na nila agad-agad ang mga Salita ng Diyos. May-pananalanging binulay-bulay nila ang mga pahina nito upang higit nilang maunawaan ang mga nilalaman nito.

    Kaya ang aral ng mga Saksi ni Jehova ay hindi pabagu-bago. Ito ay nagbabago dahil kinakailangan ang pagbabago, at hindi dahil sa naisipan lang. Hindi kasi nakikita ng mga tao kung gaano kaseryoso ang mga Saksi ni Jehova sa kanilang pag-aaral ng Bibliya. Ibang-iba talaga sila sa ibang relihiyon, na nag-aangking alam na nila ang buong Kasulatan. Mapagpakumbaba ang mga Saksi ni Jehova; hindi nila inangking alam na nila lahat, at kung may mali, handa silang magbago. Magandang aral ang itinuturo ng Bibliya:

    "Huwag kayong magsiayon sa sanlibutang ito, kundi MAG-IBA kayo sa pamamagitan ng PAGBABAGO ng inyong pag-iisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Diyos. Sapagkat sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na sa akin ay ibinigay, sa bawat isa sa inyo, na huwag mag-isip sa kaniyang sarili ng totoong matayog kaysa sa nararapat niyang isipin, kundi mag-isip na may kahinahunan, ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Diyos sa bawat isa."---ROMA 12:2, 3

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tatanungin nga kita magiting na SAKSI, kasi may sinabi kang ganito:

      "Sa katunayan, maging ang mga propeta noon na kinasihang sumulat ng mga salita ng Diyos ay hindi nakaunawa sa lahat mga isinulat nila. Iyan ang naging karanasan nina Daniel."

      Tama, na may mga bagay na hindi nauunawaan si Daniel, pero nangahas ba siyang magbigay ng MALING KAHULUGAN sa mga hulang kaniyang hindi naunawaan?

      Maihahambing mo ba ang mga ginawa ng inyong mga Tagapangaral sa nakaraan gaya nina RUSSEL at RUTRHERFORD na nagsipagsabi ng katuparan ng mga Hula na hindi naman natupad?

      Nakagawa ba si Daniel ng katulad na pagkakamali?

      May mababasa ba sa Biblia na puwedeng BAGUHIN ang ARAL na itinuturo?

      Delete
  44. SAAN BA INILAGAY ANG INSKRIPSIYON NG PARATANG LABAN KAY JESUS--SA IBABAW NG KAMAY O SA IBABAW NG ULO?
    __________

    Ang sagot sa tanong na ito ay pareho. Kung papansinin, tanging si Mateo lamang ang nagsabi na ang inskripsiyon ng paratang kay Jesus na "Ito ay si Jesus [na Nazareno] ang Hari ng mga Judio" ay "ipinaskil sa IBABAW NG KANIYANG ULO." Sinasabi sa Marcos 15:26 ay na ito ay "nakasulat sa itaas" o sa "ulunan". Sa Lucas 23:38, sinasabing "may isinulat din sa itaas niya." Sa Juan 19:19, ito ay sinasabing 'inilagay sa ulunan.'

    Nagkakaisa ang mga bersikulong ito ng Bibliya hinggil sa kung saan banda inilagay ang inskripsiyon ng paratang--at ito'y sa gawing itaas o uluhanan ni Jesus. Hindi binigyang-halaga kung may kamay nga ba sa nasa uluhanan ni Jesus o wala, dahil kung gayon sana, bakit si Mateo lamang ang nagsabing "sa ibabaw ng kaniyang ulo"? Baka nga makakatulong ang pagsasabihing "sa ibabaw ng kaniyang kamay" para suportahan ang turo ng mga Saksi ni Jehova na ipinako si Jesus sa tulos, at hindi sa krus. Kaya hindi nakapagtatakang ang tekstong ito sa Mateo ay ginamit ng mga relihiyon para patunayang sa krus nga ipinako si Jesus.

    Pero, maninindigan pa rin tayo sa katotohanang sa STAUROS ipinako si Jesus, ang salitang tumutukoy sa isang tuwid na tulos, na walang anumang kinalaman sa krus. Hindi naman maling sabihin na nasa ibabaw ng ulo ni Jesus ang inskripsiyon ng paratang kahit pa naroon ang kamay niya sa kaniyang uluhanan na nakapako. Nangangahulugan pa rin itong nasa "ibabaw ng kaniyang ulo", nasa "ulunan", o nasa "itaas." Ang mahalagang dapat tanggapin ay na sa tulos ipinako si Jesus, gaya ng ipinakikita ng mga ebidensiya; madalas ikatuwiran ang "krus", pero ito ay batay lamang sa mga tekstong mali naman ang pagkakapit.

    ReplyDelete
    Replies
    1. saksi ni jehova...
      napaka ganda po ng explenasyon nyo

      Delete
    2. Sana inabutan ka ni CHARLES TAZE RUSSEL para naturuan mo siya ng pangangatuwiran na iyan at hindi niya naturuan ang mga BIBLE STUDENTS noong nabubuhay pa siya na sa KRUS ipinako si JESUS. Naturuan tuloy sila ng KASINUNGALINGAN, papaano kaya sila maliligtas ngayon? At si RUSSEL ba maliligtas, eh maliwanag na pinatutunayan mo ngayon na SINUNGALING siya?

      Delete
    3. Natawa ako sa sagot niyo po Christian. May balak ang JW na ito na palitan ang pinakapuno niya na si Charles Taze Russel ukol sa paniniwala ng huli sa krus. At may nag-agree pa na napakaganda raw ng explanation. Lalo akong natawa, dahil napakaganda para sa kanya ang "panlupang kaalaman" LABAN sa kung ano talaga ang sinasabi ng Bibliya. Hala, ikaw po na JW na tila "mas magaling" pa sa puno mo, simulan mo nang alisin ang krus na nakaukit sa libingan niya. Kayong PABAGO-BAGO, PAIBA-IBA.

      Delete
    4. to:christian
      wag kayong humatol ! dahil wala kayong alam kung ano ang katotohanan.

      hindi mo alam kung ano ang mga nangyari noong si brother russel ang namamahala sa mga bible student.

      kung si brother russell nabubuhay pa, tapos itinutuwid ang kanyang kamalian sa kapwa nya manggagawa sigurado tanggapin ni brother russel ang pagbabago.

      at balikbalik na namin pinapaliwanag kung bakit may pagbabago. at hindi pabago-bago o paibaiba katulad ng paninira ng iba jan.

      kung ang isang batayan sa tunay na relihiyon ay walang pagbabago?

      diba katulad rin kayo sa mga halos 99 percent na relihiyon na walang pagbabago?

      o talagang ang manggagawa nyo ?pera lang ang habol ,kaya kahit malinaw pa sa sikat ng araw na ang turo mali hindi parin nagbabago dahil malaki ang mawala na donasyon dahil mag alisan ang mga membro.

      wag mo nang problemahin kung maliligtas ba sila dahil ang DIOS ang may karapatan ukol jan.

      ang problemahin mo ang turo nyo kung ikakaligtas ba?

      Delete
    5. to: beeweezer

      ikaw pala tong parang lata na walang laman na nag iingay.

      yan lang ba ang kaya nyo?hehehehe.. hindi nyo ba kaya e depensa ang argumento o logic ng kapatid ko?

      mga desperado na kayo, kung sa tema na ito ang subject matter sabi ni ginoong aerial krus? bakit hindi nyo panindigan na tama ang krus at mali ang tulos?

      ikaw pa tong sirang plaka na pabalikbalik tungkul sa pag babago ng mga saksi ni jehova.

      ito lang ba ang weapon mo para sa mga saksi ni jehova na paninira?

      kung totoong nan jan kau sa katotohanan patunayan nyo na ang explaination ng kapatid ko mali.

      o wala kayo sa kalingkingan nya sa pag paliwanag

      ang hilig nyo lang letra for letra.

      Delete
    6. masama ba ang nagbabago?kung ang pag babagoy ayon sa kasulatan?

      hindi namn inangkin na si brother russel perpikto na tao,kahit nga ang mga propeta ng DIOS nagkakamali rin.

      AT KAHIT NGA ang mga apostoles ni jesus nag kakamali rin sa pang unawa.
      malalaman natin sa bibila na ang kanilang kamalian ay tinanggap nila at may pagbabago.

      diba nag papatunay lang ito ,na ang mga mang gagawa namin katulad ng mga alagad ng DIOS noon na tanggapin ang kamalian at nagbabago.

      silay mapagkumbaba.tinanggap nila ang kanilang limitasyon. para ang kanilang pag iisip ma ayon sa pag iisip ng DIOS.

      Delete
    7. This comment has been removed by the author.

      Delete
  45. Okay lang po ba na dapat bagu baguhin ang tinuturo sa isang relihiyon? naguguluhan lang po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ddom

      Ang karunungan na NASA biblia at Hindi po yan mahika. Paki basa
      Kawikaan 4:18 .kung mapapansin mo ang mga kautusan nga may pagbabago dpendi sa particular na panahon.

      Delete
  46. ang moral standard ng Diyos ay hindi magbabago...minsan ang kautusan may pagbabago...pro ang prinsipyo ng banal na kasulatan hindi yan magbabago...

    ReplyDelete
  47. (Krus ba talaga o Pahirapang Tulos ang Pinagpakuan kay Cristo?)

    Tanong ko lang po di po ba ang original na salin ng New testament ay sa greek language? therefore ano po ba ang "Cross" sa salitang Greek? Due to the boom of technology in our days pwede po nating malaman iyon. at masasagot po natin ng tama ang tanong po ninyo sa inyong blog. base sa mga reperensiya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang stauros at xylon, mga salitang Greek para sa bagay na pinagpakuan kay Jesus, ay katumbas ng salitang Latin na crux simplex. Ang mga salitang ay tumutukoy sa tuwid na tulos, puno, o istaka. Kahit pa ang crux simplex, bagamang mukhang krus, ay walang kinalaman sa krus na alam natin ngayon. Simple lang ang prinsipyo dito: Ang mga hinahatulan ng kamatayan noon, gaya ng kaso kay Jesu-Kristo, ay pinarurusahan nang matindi na magdudulot ng labis at matagal-tagal na pagdurusa bago malagutan ng hininga. Ang pagpapako sa tulos o puno ang simple at mabilisang paraan para magawa ito. Kaya angkop ang sinasabi sa Galacia 3:13 na ang 'pagkabitin (ng isa) sa tulos' o 'puno' ay simbolo ng sumpa o pagdurusa. At maliwanag sa 1 Pedro 2:24 na dinala ni Jesus 'ang mga kasalanan natin sa sarili niyang katawan sa tulos' o 'puno'. (salitang Griego na xylon ang ginamit dito)

      Tingnan ang higit pang impormasyon sa link na ito:

      Delete
    2. Tingnan ang higit pang impormasyon sa link na ito:
      https://bit.ly/3kv3zLV

      Delete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network