Thursday, 9 June 2011

Saksi ni Jehovah Nagpagawa ng Bahay para sa mga Propeta?

Ang Beth Sarim na ipinatayo ng mga Saksi ni Jehova upang
matirhan ng mga Propetang muling mabubuhay
Sa paniniwala ng katiyakan ng nalalapit na pagkabuhay na maguli ng mga maka-kasulatang mga Propeta at mga Patriarka, si Joseph Rutherford, Presidente ng Watchtower Bible and Tract Society ay pinasimulan ang pagtatayo ng isang bahay sa San Diego, California. Ang bahay na ito ay itinayo upang maging tahanan nina Abraham, Isaac, Jacob, Jose, Moises, David, Samuel at mga iba pang binabanggit sa Hebreo, kapitulo 11.  Sa kabilang dako, nang ang mga nabanggit ay hindi nangagsidating, ang nakahihiyang pangyayaring ito sa Beth Sarim ay kinailangang pagtakpan.



Sa pasimula ng taong 1920, sinabi ni Rutherford,

"As we have heretofore stated, the great jubilee cycle is due to begin in 1925. At that time the earthly phase of the kingdom shall be recognized." How would it be recognized? What event would trigger the ushering in of the kingdom? [Millions Now Living Will Never Die, pp.  89]

Sa Filipino:

 “Habang tayo hanggang ngayon ay naririto, ang pagiral muli ng kagalakan ay nakatakdang matupad sa pagsisimula ng taong 1925. Sa panahong yaon ang panlupang bahagi ng kaharian ay mahahayag?” Paano ito mahahayag? Anong mga pangyayari ang magbubunsod sa pagdating ng kaharian?”

Ipinaliwanag pa ni Rutherford,

"Therefore we may confidently expect that 1925 will mark the return of Abraham, Isaac, Jacob and the faithful prophets of old, particularly those named by the Apostle in Hebrews chapter eleven, to the condition of human perfection" [Ibid, page 90]

Sa Filipino:

“Samakatuwid tayo’y nakatitiyak sa ating pag-asam na sa taong 1925 ay magiging takda ng pagbabalik nina Abraham, Isaac, Jacob at ng mga matatapat na propeta ng nakaraan, partikular ay mga yaong nabanggit ng Apostol sa kapitulo 11 ng Hebreo, sa kalagayan ng perpektong pagkatao.”

Ito para sa mga Saksi ni Jehovah ay isang nakapananabik na Propesiya o hula nang panahong yaon.  Ang mga Saksi sa buong daigdig ay naniniwala ng katiyakan ng pisikal na pagkabuhay na muli o ng pagdating ng mga nabanggit na patriarka at propeta.  Subalit nang dumating ang taong 1925, sina Abraham at mga kasama ay hindi nagsidating, ang ilan sa mga tagasunod ni Rutherford ay umalis sa kawan. Ang mga iba naman ay naniwala at umasam na umaasa na marahil ay nahuli lamang sila sa kanilang pagbabalik, ang grupo na binabanggit sa Hebreo 11 ay darating din nahuli lamang marahil, at kanilang inasahan ang taong 1929.  Subalit kahit hindi man ito nangyari noong taong 1929, ito ay nanatiling paksa ng malabis na pagkasabik at pag-asam.

Si Joseph Franklin Rutherford, ang sumunod
na Pangulo ng mga Saksi ni Jehova pagkamatay
 ni Charles Taze Russel ang kanilang founder
Sa ganitong kadahilanan, si Rutherford, sa kaniyang pagkaunawa na kung darating sina Abraham at mga kasama ay tiyak na mangangailangan sila ng matitirhan, kayat siya’y nagbigay ng kautusan na ipagtayo sila ng isang bahay.  Sa isang aklat na may pamagat na Salvation, binanggit ni Rutherford ang dahilan kung bakit ipinatayo ang bahay na ito:

"At San Diego, California, there is a small piece of land, on which, in the year 1929, there was built a house, which is called and known as Beth Sarim. The Hebrew words Beth Sarim mean `House of the Princes;' and the purpose of acquiring that property and building the house was that there might be some tangible proof that there are those on earth today who fully believe God and Christ Jesus and in His kingdom, and who believe that the faithful men of old will soon be resurrected by the Lord, be back on earth, and take charge of the visible affairs of earth"  [Salvation,  page 311]

Sa Filipino:

“Sa San Diego, California, mayroong isang maliit na sukat ng lupa, kung saan, noong taong 1929, ay may itinayo doong isang bahay, na tinatawag na Beth-Sarim.  Ang kahulugan ng Beth-Sarim sa wikang Hebreo ay ‘Tahanan ng mga Prinsipe;’ at ang dahilan kung bakit binili ang ari-ariang yaon at ipinatayo ang bahay ay sapagkat maaaring mayroong mapanghahawakang katunayan na may mga naninirahan sa mundo ngayon na may buong paniniwala sa Diyos at kay Cristo Jesus at sa kaniyang kaharian, at ang sinoman na sumasampalataya sa mga matatapat na lalaki ng nakaraan na sa nalalapit ay muling bubuhayin ng Panginoon, at babalik sa mundo, at mamahala sa mga usapin sa sanglibutan”


At ngayon nga na naitayo na ang bahay wala nang ibang magagawa kundi ang maghintay.  At gayon nga ang kanilang ginawa, hanggang 1942.

Nang isinulat ni Rutherford ang kaniyang huling aklat ng kaniyang buhay, muli niyang nabanggit ang Beth-Sarim at si Abraham at mga kasama,

“…hence those faithful men of old may be expected back from the dead any day now. The Scriptures give good reason to believe that it shall be shortly before Armageddon breaks.

"In this expectation the house at San Diego, California, which house has been much publicized with malicious intent by the religious enemy, was built, in 1930, and named `Beth-Sarim,' meaning `House of the Princes.' It is now held in trust for the occupancy of those princes on their return" [The New World, page 104]

Sa Filipino:

“…sa ganitong kadahilanan ang mga matapat na lalaki ng nakaraan ay maaasahang magbabalik o magbabangon mula sa kamatayan mga ilang araw mula ngayon.  Ang mga kasulatan ay nagbigay ng magandang dahilan upang sampalatayanan na ito’y magaganap bago sumapit ang nalalapit na Armageddon.

“Sa ganitong pagasa ang bahay sa San Diego, California, na siyang bahay na may malisyang isinapubliko ng mga kalaban nating relihiyon, ay itinatag noong 1930, at pinangalanang Beth-Sarim, na ang ibig sabihin sa wikang Hebreo ay ‘Tahanan ng mga Prinsipe’.   Ito ngayon ay inilalaan para sa mga Prinsipe sa kanilang pagbabalik”

Mapapansin na sinabi ni Rutherford na “inilalaan”.  Sa katunayan, ang kasunduan o deed (para sa ari-arian) ay naglalaman ng mahahalagang punto.  Ipinaliliwanag rito,

“…that the kingdom of God will have visible representatives on the earth who will have charge of the affairs of the nations under the supervision of the invisible ruler Christ; that among those who will thus be the faithful representatives and visible governors of the world will be David, Israel; and Gideon, and Barak, and Samson, and Jepthae, and Joseph, formerly the ruler of Egypt, and Samuel the prophet and other faithful men who were named with approval in the Bible at Hebrews the eleventh chapter.”

"The condition herein is that the said Watchtower Bible and Tract Society shall hold said title perpetually in trust for the use of any or all of the men above named as representatives of God's kingdom on earth and that such men shall have possession and use of said property hereinabove described as they may deem for the best interest for the work in which they are engaged." [deed dated 24 December 1929]

Sa Filipino:

“…na ang kaharian ng Diyos ay magkakaroon  ng nakikitang mga kinatawan sa lupa na siyang mangangasiwa ng mga usapin ng mga bansa na nasa ilalim ng pamumuno ng di nakikitang pinunong si Cristo.  At kabilang nga sa mga matatapat na kinatawan at mga nakikitang tagapamahala ng daigdig ay sina David, Israel o Jacob; Gideon, si Barak, at Samson, si Jefte at Jose, na nang nakaraan ay namuno sa Ehipto, at si Samuel na propeta at mga iba pang matatapat na mga lalaki na mga binanggit ang pangalan na may pagsang-ayon ng Biblia sa Hebreo kapitulo 11.”

“Ang kundisyon na nabanggit doon (sa kasunduan) na ang tinutukoy na Watchtower Bible & Tract Society ay siyang magiingat ng titulo sa habang panahon upang ilaan sa sinoman sa mga lalaki na ang pangalan na nabanggit sa itaas, bilang mga kinatawan ng kaharian ng Diyos sa lupa, na ang mga lalaking iyon ay magkakaroon ng karapatang magmayari, at gamitin ang nasabing ari-arian, na maituturing na makakabuti sa pagsasakatuparan nila ng kanilang mga gawain na isasakatuparan.”

Sa kabilang dako, ay may kondisyon na inilagay sa kasunduan.  Bago sina David, Abraham, o sinoman ay dumating.

"the said Joseph F. Rutherford in such lease or other paper writing shall have the right and privilege of residing on said premises until the same be taken possession of by David or some of the other men herein named and this property and premises being dedicated to Jehovah and the use of his kingdom it shall be used as such for ever"  [deed dated 24 December 1929]

Sa Filipino:

“ ang nabanggit na si Joseph F. Rutherford sa kontrata (lease) o iba pang papeles na naisulat ay magkakaroon ng prebilehiyong manirahan sa nasabing ari-arian hanggang sa maisalin ang pagmamay-ari kay David o sinoman sa mga lalaki na nabanggit, at ang ari-arian  kasama ang lote at gusali dahil sa naihandog na kay Jehova at sa pangangailangan ng kaniyang kaharian ay gagamitin ng gayon magpakailanman”.


Ang kasunduan na pinirmahan ni Rutherford, ay may tatlong kapansin-pansing nakapaloob dito.

Una, ang Beth-Sarim ay itinayo sa layuning maging tahanan ng mga patriarka at mga propeta.

Ikalawa, kahit na si Rutherford ay pinahintulutang manirahan sa bahay na yon, siya’y maninirahan lamang doon hanggang sa sinoman na binabanggit sa Hebreo kapitulo onse ay dumating.

Ikatlo, na ang Beth-Sarim ay mananatili sa kaharian ni Jehova upang gamitin magpakailanman.

Kung kaya, ang Watchtower kung gayon ang magmamayari ng ari-ariang ito magpakailanman.

Marahil ay hindi na mahalagang ipaliwanag, subalit isa man sa mga nabanggit sa Hebreo ay hindi dumating upang kunin ang pagmamayari ng Beth-Sarim. Kayat ang naging resulta, ginugol ni Rutherford ang mga huling sandali ng kaniyang buhay sa napakagandang mansiyon, habang ang kaniyang mga tagasunod ay nagdurusa sa matinding kahirapan sa panahon ng matinding kapighatian o Great Depression noong panahon ng 1930.

Makalipas ang ilang taon pagkaraan ng pagkamatay ni Rutherford, ang Beth-Sarim ay ipinagbili.  Noong 1948 ang bahay ay ipinagbili at ang pagtuturo na may kinalaman sa pagbabalik ng mga lalaki ng una ay matahimik na binitawan [Hindi na itinuro pa kailanman sa mga Saksi] noong 1950”  (Millions Now Living Will Never Die: A Study of Jehovah’s Witnesses, Alan Rogerson, p. 48),  Kung kaya masasabi natin na napatigil ang paglilingkod ng kaharian mga ilang taon lamang, kaiba sa sinasabi nilang magpakailanman. At hindi rin katakataka na marami sa mga kaanib nila sa kasalukuyang panahon ay wala ni katiting na ideya o kaalaman tungkol sa nangyaring ito sa kasaysayan ng kanilang relihiyon.

Mayroong isang yugto sa kuwentong ito.  Noong 1975 ang Watchtower Society ay naglathala ng isang aklat na binabanggit ang Beth-Sarim.  Subalit, ang mga impormasyon na nakapaloob sa mga pahina nito ay lalo lamang nagpalala sa kredibilidad ng kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova.  Sa simula, sinasabing ang bahay ay ipinatayo para kina Abraham at mga kasama.  Ang nasabing aklat na ito ay nagsasaad ng kakaibang kuwento.

"In time, a direct contribution was made for the purpose of constructing a house in San Diego for Brother Rutherford's use. It was not built at the expense of the Watchtower Society. Concerning this property, the 1939 book Salvation stated: `At San Diego, California, there is a small piece of land, on which, in the year 1929, there was built a house, which is called and known as Beth-Sarim'" [1975 Yearbook of Jehovah's Witnesses, p. 194]

Sa Filipino:

“Sa panahon, isang tuwirang kontribusyon ang isinagawa sa layuning maipatayo ang isang bahay sa San Diego para magamit ni kapatid na Rutherford.  Hindi ito naipatayo mula sa gugulin ng Watchtower Society.  At may kinalaman nga sa ari-ariang ito sinasabi ng aklat na Salvation na inilathala noong 1939 ang ganito: “Sa San Diego, California, mayroon doong isang maliit na sukat ng lupa, kung saan noong 1929, mayroong ipinatayong bahay, na pinangalanan at nakilalang Beth-Sarim”

Mayroong dalawang problema sa ipinahayag na ito ng 1975 Yearbook.

Una, sinasabi ng Watchtower na ipinatayo ang bahay para kay Rutherford, na sa katotohana’y, ayon kay Rutherford mismo, ito’y ipinatayo para sa mga patriarka at mga propetang binabanggit sa Hebreo 11.

Ikalawa, ang manunulat ng Yearbook na ito ay na nag-quote o sumipi o masasabing nag-misquote o maling pagsipi sa pahayag ni Rutherford – na ang naging resulta, nagkaron ng kontrahan sa naging mismong pahayag ni Rutherford sa nakaraan.  Ang manunulat ng 1975 Yearbook ay sumipi o nag-quote mula sa aklat na Salvation, na isinulat ni Rutherford mismo, na bumanggit sa Beth-Sarim.  Sa kabilang dako, ang manunulat ng Yearbook ay tumigil sa pagsipi ng buong sinabi sa Salvation. Sa bandang unahan ng artikulong ito ay aming sinipi ng buo ang sinasabi ng Salvation. At kung paghahambingin natin ang dalawang pahayag maliwanag nating mapatutunayan na ang Watchtower ay nagsinungaling.

Bagamat si Rutherford ay sinasabing nagtataglay ng karunungang makapanghula o prophetic wisdom, marami siyang hula na hindi nagkatotoo.  Kabilang sa mga ito ay yaong muling pagparito nina Abraham at mga iba pang mga patriarka at propeta na binabanggit ng Biblia noong 1925.  Upang ang mga suliraning ito na bumangon sa Watchtower ng mga nagdaang mga taon, sinisikap nilang mapagtakpan ang mga nakahihiyang mga pangyayaring ito, patuloy silang bumaling sa mga panghuhula na hindi nangyari upang hindi mahalata ang pagsisinungaling. Marahil ang pinakamalala sa lahat, na sa katunayan ay kanilang ginagawa, sila ay nagsinungaling maging sa kanilang mga kaanib.

Sa katotohanan, isa lamang ito sa napakaraming hula ng relihiyong Saksi ni Jehova na hindi nagkatotoo, Maraming beses din nilang hinulaan sa nakaraan ang petsa ng muling pagbabalik ng Panginoong Jesus, at kung itatanong sa kanila kung kangino nanggagaling ang mga eksaktong petsa na kanilang sinasabi na siyang petsa ng muling pagparito ni Cristo, ganito ang ating mababasa sa kanilang aklat:

"We see no reason for changing the figures nor could we change them if we would. They are, we believe, GOD'S DATES, NOT OURS. But bear in mind that the end of 1914 is not the date for the beginning, but for the end of the time of trouble." (Watchtower, July 15, 1894, Reprints p. 1677)

Sa Filipino:

“Wala kaming makitang dahilan para baguhin ang mga numero o mabago man namin kung aming nanaisin.  Ang mga ito, ay aming pinaniniwalaang, MGA PETSA NG DIYOS, HINDI SA AMIN.  Ngunit itanim sa isipan na ang katapusan ng 1914 ay hindi petsa ng pagsisimula, kundi ng katapusan ng panahon ng kapahamakan.”


Sa paniniwala ng mga Saksi, ang mga Petsa raw na kanilang sinasabi ay mga PETSA NG DIYOS, kaya daw hindi maaaring baguhin.  Hindi ba lalabas niyan na ang Diyos ay maraming beses na nagkamali?  Dahil sa katotohanan ay napakaraming beses na sumablay ang relihiyong ito sa pagbibigay ng eksaktong petsa ng muling pagparito ng Panginoon.

Ano naman ang sabi ng Biblia?

Maaari bang sumablay ang Diyos, kung siya ay huhula?

Isaias 46:11  “…aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.”

At kung nangako ba ang Diyos ay maaari niya itong ipagpaliban?

2 Pedro 3:9  “Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.”

Kapag ang Diyos ang nagsalita, tiyak na magkakatotoo at hindi kailan man sasablay…

Ano naman ang sinasabi ng Diyos sa mga humuhula na hindi nagkakatotoo? Basahin natin ang pahayag mismo ng ating Panginoong Diyos:

   Ezekiel 13:6-8 “Sila'y nangakakita ng walang kabuluhan, at sinungaling na panghuhula, na nagsasabi, Sabi ng Panginoon; at hindi sila sinugo ng Panginoon; at kanilang pinaasa ang mga tao na ang salita ay magiging totoo.

   Hindi baga kayo nakakita ng walang kabuluhang pangitain, at hindi baga kayo nagsalita ng kasinungalingang panghuhula, sa inyong pagsasabi, Sabi ng Panginoon; yamang hindi ko sinalita?

   Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't kayo'y nangagsasalita ng walang kabuluhan, at nangakakita ng mga kasinungalingan, kaya't, narito, ako'y laban sa inyo, sabi ng Panginoong Dios”.
                                                                                                                                                     
Napakalaking kasalanan sa Diyos ang panghuhula ng hindi nagkakatotoo na sinasabi pang ang Diyos ang nagsabi o nagsalita, at pinapaasa pa ang mga tao na ang hula ay magiging totoo, sabi ng Diyos hindi ko sila mga sinugo, at ako’y laban sa kanila.  Kung hindi sugo ng Diyos ang mga gumagawa ng ganitong bagay, kaninong sugo kaya sila?...kayo na ang sumagot mga kaibigan naming Saksi Ni Jehovah


Isang Video tungkol sa BETH-SARIM:



19 comments:

  1. ..kawawa talaga ang mga kaibigan nating mga Saksi ni Jehovah kapatid.. Hindi nila namalayang naisahan na sila,. At ang nakakalungkot isipin, bawal sa kanila ang pakikipagdiskusyon,. kaya tuloy mahirap sa kanila ang pagkarinig sa mga KATOTOHANAN dahil tayo'y kanilang iniiwasan.. Parang pinagbawalan yata silang MALAMAN ANG KATOTOHANAN, ang mga SALITA NG DIYOS na nakasulat sa Biblia..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang pagkaalam sa katotohanan ay hindi nakukuha sa pakikipagdiskusyon. Ito ay isang anyo ng pakikipagdebate. Hindi dapat nahahati sa dalawang panig ang mga nagsusuri ng katotohanan; kailangang magkaisa sila patungo sa tamang konklusyon. Magkakaiba man ang pananaw ngunit magkakaisa sila sa iisang kaisipan. Hindi kawawa ang mga Saksi ni Jehova, sa katunayan, saganang-sagana sila sa mga pantulong para maunawaan ang Bibliya at malaya silang magsuri kung ano ang totoo. Kung ang isa ay ayaw sa aming paniniwala, malaya siyang lumabas, kaya nga marami ang natitiwalag sa amin. Pero, habang may mga natitiwalag, marami ang pumapasok na gustong malaman kung ano ba talaga ang itinuturo ng Bibliya. Ang problema kasi sa ibang relihiyon, tutok sila sa mga pagkakamali sa halip na sa paghahangad ng mga tao na maunawaan ang katotohanan. Maling husgahan ang iba batay lang sa nakikita ng kanilang mga mata.

      Delete
  2. bat di i try pumasok sakanila at alamin ang kanilang turo bago kayo magsalita ng ganyan.. hehehe baka ganyan din ang masasabi nyo sa inaaniban nyo ngayon.. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nagpa study na ako noon sa isang Pioneer, at sinubukan ko na ding dumalo sa kanilang Worship Service, at sa kanilang Memorial.

      Hindi nga lang ako naging kaanib, dahil hindi nga kapani-paniwala ang aral nila.

      Delete
    2. Like anong aral?

      Delete
  3. paki talakay naman tungkol sa paniniwala ng mga saksi ni jehova tungkol kay jesus

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang paniniwala nila kay Cristo, siya ay si MIGUEL ARKANGHEL. Hayaan mo at bibigyan natin ng pagkakataon na matalakay iyan dito.

      Delete
  4. sabi ng mga JW di daw po hula ang ginawa ni rusell, expectations lang daw po, at di nman daw po bawal mag expect.....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Palusot lang nila iyon kaibigan,

      Hindi mo ba ito nabasa?

      "WE SEE NO REASON FOR CHANGING THE FIGURES NOR COULD WE CHANGE THEM IF WE WOULD. They are, we believe, GOD'S DATES, NOT OURS. But bear in mind that the end of 1914 is not the date for the beginning, but for the end of the time of trouble." (Watchtower, July 15, 1894, Reprints p. 1677)

      Sa Filipino:

      “WALA KAMING MAKITANG DAHILAN PARA BAGUHIN ANG MGA NUMERO O MABAGO MAN NAMIN KUNG AMING NANAISIN. ANG MGA ITO, AY AMING PINANINIWALAANG, MGA PETSA NG DIYOS, HINDI SA AMIN. Ngunit itanim sa isipan na ang katapusan ng 1914 ay hindi petsa ng pagsisimula, kundi ng katapusan ng panahon ng kapahamakan.”

      Ang Diyos daw ang nagbigay sa kanila ng mga petsa, sa palagay mo expectations lang kaya iyan?

      Sabi nga nila gusto man nilang baguhin iyong mga petsa ay hindi nila magagawa dahil ang Diyos ang nagbigay.

      Kung meron mang nagbigay sa kanila ng mga petsa na kanilang inihuhula ay tiyak na hindi ang PANGINOONG DIYOS iyon dahil kung talagang Siya, di sana nagkatotoo lahat ang sinabi nila, hindi sana sila napahiya ng kataku-takot.

      Delete
    2. salamat kapatid, inaabangan ko talaga ang sagot tungkol dito, may kaklase kasi akong JW at ito ang paliwanag nya. Salamat ulit sa pagbigay ng panahon na sagutin ito.


      -brainsalad-

      Delete
    3. Aminado naman sila na paniniwala nila iyon, samakatuwid nagkamali sila...

      "ANG MGA ITO, AY AMING PINANINIWALAANG, MGA PETSA NG DIYOS, HINDI SA AMIN."

      Masama bang itama ang pagkakamali?

      Hinde sekreto sa mga JW ang pagkakamali ng mga nauna naming kapatid... dahil ang tinitingnan nami9n ay ang mga positibong pananaw..


      Yung mga apostol ay nagkamali rin sa pang-unawa nila pero it doesnt mean na sila ay naitakwil na bilang mga ministro ng diyos.


      Ang sabi ni Jesus ang liwanag ay patuloy na magliliwanag at may sinabi rin sa kawikaan na ang ang liwanag ay patuloy na magniningning...


      kaya alam namin na hinde biglaan ang pagsisiwalat ng katotohanan, bagkus unti-unti itong ibinibigay..

      ang pagkakamali lang ng aming mga brothers na nauna kagaya nila rutherford nagpahayag sila ng pagkakaunawa nila.

      ngayon hinde na ganun sa mga JW.

      Pero maraming hula sa bibliya ang natupad tangi lamang sa mga saksi ni jehova. at iyon ang hinde maangkin ng sinumanng grupo nagpapakilalang tunay na kristyano.


      ---AL3XIS

      Delete
    4. Sige nga ipakita mo nga sa amin ang mga hula ng Biblia na sinasabi mong TANGING SA MGA SAKSI NI JEHOVA lang NATUPAD?

      Tingnan nga natin kung talagang kayo ang kinatuparan?

      Sige umpisahan mo na!

      Delete
    5. Maaaring nagkakaroon ng maling akala ang mga APOSTOL sa panahon na sila ay tinuturuan ni Cristo, pero iyon ay itinuwid ni Cristo na isang TUNAY NA SUGO ng DIYOS, kaya nga NAGSUSUGO ang Diyos sa bawat panahon na pinili ng Diyos para ipaabot sa mga tao ang tunay na kaalaman, dahil ang mga SUGO ng DIYOS ang PINAGKALOOBAN na makaalam ng HIWAGA ng KALOOBAN at KARUNUNGAN ng DIYOS.

      Kaya nga sabi ni Apostol Pablo:

      Roma 10:15 "PAANO SILANG MAGSISIPANGARAL KUNG HINDI SILA MGA SINUGO".

      At dahil sa mga TUNAY na SUGO ng DIYOS kaya hindi magkakamali sa ARAL:


      1 Tess 2:3 “SAPAGKA'T ANG AMING INIAARAL AY HINDI SA KAMALIAN, ni sa karumihan, ni sa pagdaraya.”

      Dahil ang mga TUNAY na SUGO ng DIYOS ay hindi NAGIIMBENTO ng SARILI niyang ARAL kundi kung ano lamang ang ITINURO sa kaniya ng sa KANIYA ay NAGSUGO iyon lang ang kaniyang itinuturo walang labis walang kulang, kaya walang KALIKUAN o PAGKAKAMALI:

      Juan 7:16 “Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, ANG TURO KO AY HINDI AKIN, KUNDI DOON SA NAGSUGO SA AKIN.”

      Juan 7:18 “Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: DATAPUWA'T ANG HUMAHANAP NG KALUWALHATIAN NIYAONG SA KANIYA'Y NAGSUGO, ANG GAYON AY TOTOO, AT SA KANIYA'Y WALANG KALIKUAN.”


      Ang TUNAY na MANGANGARAL wala sa kaniya ang KALIKUAN o PAGKAKAMALI.

      Kaya isang matibay na ebidensiya na HINDI SINUGO ng DIYOS ang mga MANGANGARAL sa inyo dahil NAGKAMALI sila SA ARAL na KANILANG ITINUTURO.

      At ang PANGHUHULA na HINDI NAGKATOTOO ay isang MALING GAWAIN at katibayan din ng pagiging HINDI TUNAY na SUGO ng DIYOS.

      Ezekiel 13:6-7 “Sila'y nangakakita ng walang kabuluhan, at SINUNGALING NA PANGHUHULA, na nagsasabi, Sabi ng Panginoon; at HINDI SILA SINUGO NG PANGINOON; at KANILANG PINAASA ANG MGA TAO NA ANG SALITA AY MAGIGING TOTOO. Hindi baga kayo nakakita ng walang kabuluhang pangitain, at hindi baga kayo nagsalita ng kasinungalingang panghuhula, sa inyong pagsasabi, Sabi ng Panginoon; yamang hindi ko sinalita?”

      HINDI SILA SINUGO NG PANGINOON, maliwanag ang sinabi ng Bibliang iyan. Kaya WALA SILANG KARAPATANG MANGARAL.

      Kaya ang aral na natutunan mo ay HINDI galing sa mga TUNAY na SUGO na WALANG KARAPATANG MANGARAL.

      Delete
  5. Nagkamali na ang mga Saksi ni Jehova sa pagkaunawa kung kailan darating ang katapusan. Tulad ng mga alagad ni Jesus noong unang siglo, umasa silang matutupad sa isang partikular na panahon ang ilang hula pero hindi pala iyon kaayon ng talaorasan ng Diyos. (Lucas 19:11; Gawa 1:6) Sang-ayon sila sa sinabi ng isang matagal nang Saksing si A. H. Macmillan: “Natutuhan kong dapat nating aminin ang ating mga pagkakamali at patuloy na magsiyasat sa Salita ng Diyos upang magkaroon ng higit na kaliwanagan.” Ganoon nga ang ginawa nila hanggang ang kaalaman nila sa kasulatan ang sumagana. (Daniel 12:4)

    Kung gayon, bakit patuloy pa rin silang nangangaral na malapit na ang katapusan? Dahil sineseryoso nila ang mga sinabi ni Jesus:
    "Samantalang humahayo kayo, mangaral, na sinasabi, ‘Ang kaharian ng langit ay malapit na (Mateo 10:7)";
    “Manatili kayong mapagmasid, manatiling gising.” Kung ‘matutulog’ kami, tiyak na hindi matutuwa si Jesus. (Marcos 13:33, 36) Bakit?

    Isipin ito: Isang lifeguard ang nakakita ng isang taong tila nalulunod sa dagat, pero nang languyin niya ito, nalaman niyang nagkamali lang pala siya ng akala. Gayunman, ang pagiging alerto niya ay puwedeng makapagligtas ng buhay sa ibang pagkakataon.

    Sa katulad na paraan, nagkamali sila sa ilang inaasahan nila tungkol sa katapusan. Pero mas mahalaga sa kanila ang pagsunod kay Jesus at ang pagliligtas ng buhay kaysa sa pag-iwas sa mga batikos. Ang utos ni Jesus na “lubusang magpatotoo” ang nagpapakilos sa kanila na babalaan ang iba tungkol sa katapusan.—Gawa 10:42.

    Sa halip na magpokus sa pag-alam kung kailan darating ang katapusan, natutuhan nilang mas mahalagang magtiwala na darating ito, at na dapat nilang ipakita ang pagtitiwalang iyon sa kanilang mga gawa. Isinasapuso nila ang sinasabi sa Habakuk 2:3: “Kung [ang katapusan] man ay magluwat [kaysa sa inaasahan mo], patuloy mong hintayin iyon; sapagkat iyon ay walang pagsalang magkakatotoo. Hindi iyon maaantala.”

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anonymous,

      Ginamit mo ang Lukas 19:11 upang bigyang katwiran ang pagkakamali ng inyong bulaang propeta. Sa nabanggit na talata, sino po ba ang nagkaroon ng gayung kaisipan na tulad niyo? Ang mga tao po ba o ang Panginoong Jesus? Mabuti pa'y sipiin natin ang nasabing talata:

      "While they were listening to this, he went on to tell them a parable, because he was near Jerusalem and THE PEOPLE THOUGHT that the kingdom of God was going to appear at once." (Luke 19:11, NIV)

      Maliwanag, HINDI SI KRISTO... at, HINDING-HINDI MANGYAYARI NA MAGKAMALI ANG KRISTO gaya ng mababasa natin na nakasulat sa 1 Pedro 2:22:

      “…Na siya’y hindi nagkasala, o kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig…"

      At higit sa lahat, maging ang Kristo ay hindi alam ang oras at araw ng Kaniyang muling pagparito, kaya WALANG DAHILAN para idamay niyo siya sa inyong PAULIT-ULIT NA PAGKAKAMALI o PANDARAYA.

      Kaya payo ko, tigilan niyo na po yan habang may panahon pa. Nagbubulag-bulagan ka lamang at nagpapa-akay ka sa kapwa mo bulag, tiyak pareho kayong mahuhulog sa hukay (Mateo 15:14). At ang pinakamasakit, nandadamay pa kayo ng mga inosenteng kaluluwa.

      --Bee

      Delete
  6. na mis interpret mo bee weezer ang paliwanag ni anonymous.wala kaming sinabi na si kristo ay nagkakamali,totoo yong sinabi mo na si jesus ay sinugo.,at walang kamalian sa kanya.ngayon i emply nyo ba na si manalo ay gaya ni jesus na walang kamalian ?naku sa simple lang na aral eh maling mali na turo nya.paano pa kaya yong mga propisya na aral...ilalampaso kayo sa mga mababang membro ng mga jw.sa tingin nyo kaya si moises hindi nagkasala?sinabi nya na sila ang nagpalabas sa tubig galing sa bato?diba nagkamali sila?at si pedro nag didiscrimanate sa mga hintel,pro natuwid sila at i tama ang mali.ganyang ba ang sign na tunay na rilihiyon na hindi maiba ang aral? porkit may na iba huwad na?diba maraming relihiyon na gaya nyo walang pag ibaiba? ibig ba sabihin tunay na sila o kayo?pariho lang kayo mga huwad.

    ReplyDelete
  7. ang pagkakamali ng mga manggagawa namin halimbawa ni bro j.f rutherford ang prediksyon nya, hindi naman yon absuloto.kahit sa mga apostolis mayron silang mga bagay na hindi pa nila na iintindihan sa simula,gaya ng pag bangon ni jesus sa libingan,maraming beses hindi nila kilala si jesus pro sa huli nalaman rin nila na si jesus yaon.yong turo sa bibliya hindi naman iniba nila,halimbawa tungkul sa dugo,morals,wala kaming turong trinidad,imortal soul at marami pang iba,yong mga pang unawa lang sa mga talatang propisiya yon may pag babago at sa krus.

    ReplyDelete
  8. Bakit mahilig ang mga INC na ungkatin ang nakaraang pagkakamali ng mga Saksi ni Jehova pero nagbubulag-bulagan sa kasalukuyan? Parang sinasabi nilang ang pagkakamaling nagawa ng mga Saksi noon ay ginagawa pa rin nila hanggang ngayon at panghabang-buhay na nilang magiging pagkakakilanlan.

    Hindi maaaring mawala ang kredibilidad ng mga Saksi ni Jehova dahil lamang dito sapagkat sila mismo ang nagtuwid sa mga maling paniniwala. Maaaring paniwalaan ito ng mapanuring mga Saksi ni Jehova at sabihing mali pala ang relihiyong ito, pero titingin sila sa pangkalahatan, at hindi sa ginawa ng iilan. Kahit si Rutherford ang presidente noon ng Watch Tower, walang pahiwatig na ang paniniwalang ito ay naging pangunahing doktrina ng mga Saksi ni Jehova, ni binansagan man nila ang bahay na isang "banal" na dako.

    Ang mga Saksi ni Jehova ay hindi nag-aastang mga propeta. Totoo sa kanila ang nasa Santiago 1:5: “Kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito’y ibibigay sa kaniya.” Pero ang nakalulungkot, puro sumbat ang ibinabato ng iba sa kanila.

    ReplyDelete
  9. Sino ang Founder ng mga Saksi ni Jehova"יַהְוֶה "?

    Nagsimula ang makabagong-panahong organisasyon ng mga Saksi ni Jehova noong ika-19 na siglo. Noon, isang maliit na grupo ng mga estudyante sa Bibliya na nakatira malapit sa Pittsburgh, Pennsylvania, Estados Unidos, ang nagpasimula ng sistematikong pag-aaral ng Bibliya. Ikinumpara nila ang mga turo ng simbahan sa talagang itinuturo ng Bibliya. Inilathala nila ang kanilang natuklasan sa mga aklat, diyaryo, at sa magasin na ngayon ay tinatawag na Ang Bantayan—Naghahayag ng Kaharian ni Jehova.

    Kasama sa grupong iyon si Charles Taze Russell. Kahit siya ang nanguna noon sa gawaing pagtuturo ng Bibliya at unang editor ng Bantayan, hindi siya naging founder ng isang bagong relihiyon. Gusto lang niya at ng iba pang Estudyante sa Bibliya, ang tawag noon sa kanilang grupo, na itaguyod ang turo ni Jesu-Kristo at tularan ang mga Kristiyano noong unang siglo. Dahil 'SI JESUS ANG TAGAPAGTATAG NG KRISTIYANISMO', siya ang itinuturing naming "FOUNDER" ng aming organisasyon. —Colosas 1:18-20.

    Si Bro. Russell ay isa lamang instrumento sa pagbangon muli ng tunay na kogregasyon ni Kristo.

    Iyan ang paliwanag ng "Mga Saksi ni Jehovah" na hindi namin kinikilala o itinuturing bilang tagapagtatag/founder si Bro. Charles Taze Russell gaya ng inyong pagkaunawa o interpretasyon, kundi ang aming ulo o founder ay si "Jesukristo" (Efeso 5:23).

    Kaya kung may pagkakamali si Bro. Charles Taze Russell sa calculation kung kailan magaganap ang armagedon at ni Bro. Joseph Franklin Rutherford tungkol naman sa pagdating ng mga propeta ay 'SARILING PAG-ASAM' lang nila iyon at malinaw na nagkamali sila sa kanilang sariling pagkaunawa dahil na rin sa hindi nila pagiging perpekto. Ang pagkakamali ni Bro. Russell at ni Bro. Rutherford ay hindi pagkakamali na hindi lumilipas, dahil ang Diyos ay nagpapatawad (JOB 6:24; 11:16) (MATEO 6:14,15). At malinaw naman ang sinasabi ng bibliya na walang nakakaalam ni mga anghel man kundi ang Diyos lamang ang nakakaalam sa muling pagbabalik ni Kristo na gaya ng isang magnanakaw (APOCALIPSIS 16:15) (2 PEDRO 3:10) (MATEO 24:36).

    Ang mahalaga ay mayroon kaming pagtanggap sa kamalian na iyon at itinutuwid sa kung ano ang nararapat at tama na kasuwato ng kalooban ng Diyos at ng mga hula na batay sa banal na kasulatan...
    (2 CORINTO 6:3)

    Tandaan natin na 'MAGING ANG ILANG MGA TAUHAN SA BIBLIYA' na kinasihan ng Diyos ay NAGKAROON DIN SA KANILA NG PAGKAKAMALI'. Ilan sa kanila ay si Moises, David, Salomon at Pedro. Ayon sa kasulatan ay nanatili parin sila na sa Diyos... (BILANG 20:2-12; DEUTERONOMIO 1:37) (2 SAMUEL 11:3-5) (1 HARI 11:9-13) (MATEO 26:74,75)

    https://www.jw.org/tl/saksi-ni-jehova/faq/founder/

    ReplyDelete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network