Monday, 13 June 2011

Pagsusundalo Hindi Ipinagbabawal ng Diyos



Sa mga Saksi ni Jehova ay ipinagbabawal ang Pagsusundalo, maging ang Pagpupulis, para sa kanila ang tungkuling ito ay hindi katanggap-tanggap sa paningin ng Diyos sapagkat ang mga taong ito ay may karapatang kumitil ng buhay ng tao bilang bahagi ng kanilang tungkulin, bagamat hindi mababasa sa Biblia ng tuwiran na BAWAL ANG MAGSUNDALO ay may talata silang ginagamit na batayan, ito ay ang nasa aklat ng Exodo, atin pong basahin:

Exodo 20:13  “Huwag kang papatay.”

Ito raw ay napakatibay na ebidensiya na bawal ang PAGSUSUNDALO dahil sa mahigpit daw na ipinagbabawal ng Diyos ang pagpatay ng kapuwa tao. Totoo kaya ang pagkaunawa nilang ito na ang pagbabawal na ito ay kumakapit sa lahat ng uri ng tao?

Pero nais po naming ipapansin sa inyo ang isang pangyayari na nakatala sa kasaysayan ng Biblia:

1 Samuel 15:2-3  “Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Aking tinandaan yaong ginawa ng Amalec sa Israel, kung paanong siya'y humadlang sa kaniya sa daan, nang siya'y umahon mula sa Egipto. Ngayo'y yumaon ka at saktan mo ang Amalec, at iyong lubos na lipulin ang buo nilang tinatangkilik, at huwag kang manghinayang sa kanila; kundi PATAYIN MO ANG LALAKE AT BABAE, SANGGOL AT SUMUSUSO, BAKA AT TUPA, KAMELYO AT ASNO.” At pinisan ni Saul ang bayan at binilang sila sa Telaim, dalawang yutang lalake na naglalakad, at sangpung libong lalake sa Juda.

Kitang-kita sa talata na inuutusan ng Diyos si Haring Saul, ang Hari noon ng Israel na lipulin at pataying lahat, lalake, babae, sanggol, maging mga hayop.  Narito ang tanong?  HINDI BA BAWAL ANG PUMATAY SA PANAHONG IYAN? WALA PA BANG BATAS NA NAGBABAWAL SA PAGPATAY NG TAO SA PANAHONG IYAN?  Sa panahong iyan ay malaon nang patay si Moises, at ang pagbabawal sa pagpatay bilang bahagi ng sampung utos ay matagal ng panahon naibigay sa bayang Israel.  Hindi ba lalabas niyan na kinokontra ng Diyos ang kaniyang sarili sa paguutos niyang ito?

Bakit ba pinagpasiyahan ng Diyos na lipulin ang bayan ng Amalec?

1 Samuel 15:2  "When the Israelites were on their way out of Egypt, the nation of Amalek attacked them. I am the LORD All-Powerful, and now I am going to make Amalek pay! [Contemporary English Version]

Sa Filipino:

1 Samuel 15:2  “Nang ang mga Isrealita ay paalis ng Ehipto, SILA’Y NILUSOB NG BAYAN NG AMALEC. Ako ang Panginoon na Pinakamakapangyarihan, at ngayon aking pagbabayarin ang Amalec.”

Hindi ikinalugod ng Diyos ang ginawang pagluso o pagatake ng Amalec sa Israel ng sila ay papaalis sa Ehipto, nais lamang ng Diyos na makaganti ang bayan Israel sa ginawa nilang ito.  Kaya maliwanag kung gayon na:

 ANG PAGBABAWAL NG DIYOS SA PAGPATAY AY ISANG BATAS NA MAY KUNDISYONNA WALANG KARAPATANG MAGPASIYA ANG SINOMANG TAO NA PUMATAY SA KANIYANG SARILI MALIBAN NANG MAY MAGBIGAY SA KANIYA NG KARAPATAN NA GAWIN IYON,  at sa pagkakataong ito ay ang Panginoong Diyos.

Maliwanag kung gayon na may mga tao na binigyan ng Diyos ng karapatan lumipol sa mga taong itinuturing ng Diyos na kaniyang mga kaaway.

Katulad ni Samson na binigyan ng Diyos ng karapatang ito:

Judge 15:15  “Then he found a jawbone of a donkey that had recently died. He reached down and picked it up, AND KILLED A THOUSAND MEN WITH IT.” [Good News Bible]

Sa Filipino:

Hukom 15:15 “At siya’y nakakita ng panga ng isang asno na kamamatay lamang.  Kaniyang iniunat ang kaniyang kamay at kinuha ito, at PINATAY ANG ISANG LIBONG TAO SA PAMAMAGITAN NOON.”

Ganoon din ang karapatang ibinigay niya kay Haring David:

1 Samuel 17:46  “Sa araw na ito ay ibibigay ka ng Panginoon sa aking kamay; AT SASAKTAN KITA, AT PUPUGUTIN KO ANG ULO MO; at ibibigay ko ang mga bangkay sa hukbo ng mga Filisteo sa mga ibon sa himpapawid sa araw na ito, at sa mababangis na hayop sa lupa; upang maalaman ng buong lupa na may Dios sa Israel:”

Nang patayin ni David si Goliath ay may patnubay siya ng Diyos, at hindi lamang si Goliath ang napatay ni David sa buong panahon ng kaniyang buhay, subalit magkagayon man dahil sa dami ng kaniyang napatay itinuring ba siyang makasalanan?

Awit 86:2  “Ingatan mo ang aking kaluluwa; sapagka't AKO'Y BANAL: Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.”

Sa kabila ng lahat na si David ay maraming napatay na tao sa buong kasaysayan ng kaniyang buhay, ang turing pa rin sa kaniya ay BANAL, samakatuwid hindi ibinilang na kasalanan niya ang kaniyang mga ginawang pagkitil ng buhay, dahil sa ito’y karapatan at kapangyarihang ibinigay sa kaniya ng Diyos bilang Hari ng Israel.

Napakaraming halimbawa na mababasa sa Biblia na mga mandirigma ngunit mga lingkod ng Diyos bukod kay Haring David at Samson, nandiyan din sina Josue, Gedeon, at marami pang iba.

Ano ang tawag noon sa Diyos ng bayang Israel?

1 Samuel 17:45  “Nang magkagayo'y sinabi ni David sa Filisteo, Ikaw ay naparirito sa akin na may tabak, at may malaking sibat at may kalasag; nguni't ako'y naparirito laban sa IYO SA PANGALAN NG PANGINOON NG MGA HUKBO, ng DIOS NG MGA KAWAL NG ISRAEL na iyong hinahamon.”

Ang Diyos noong panahong iyon ay tinatawag na “DIYOS NG MGA HUKBO” at “DIYOS NG MGA KAWAL”, kaya dito pa lamang ay maliwanag na nating nakikita ang matibay na ebidensiya na ang pagiging KAWAL o SUNDALO, ng isang tao ay hindi bawal sa Biblia.  Dahil bakit papayag ang Diyos na itawag ng tao sa kaniya ito kung bawal naman pala sa kaniya ang pagiging KAWAL ng isang tao.

At sa isa pang pagkakataon ang Diyos ay ipinakilala na“PANGINOON NG MGA HUKBO”:

Isaias 44:6  “Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na PANGINOON NG MGA HUKBO, Ako ang una, at ako ang huli; at liban sa akin ay walang Dios.”

Kaya nga dito pa lang ay alam na alam na natin ang napakatibay na ebidensiya na HINDI BAWAL ANG PAGSUSUNDALO, hindi po ito kailan man ipinagbawal ng Diyos sa Biblia.  Ang kanilang tungkulin bagamat totoo na sila ay kumikitil ng buhay at pumapatay ng tao para magpanatili ng kapayapaan at ipagtanggol ang bayan, ay tungkuling ibinigay ng Diyos sa kanila. Kaya EXEMPTED po sila sa batas ng Diyos na HUWAG KANG PAPATAY.  

Tayo na mga ordinaryong tao na wala sa ganoong tungkulin ang walang karapatang pumatay ng sinoman, dahil tayo ay nasa ilalim ng  batas ng Diyos na siyang nagbabawal sa pagpatay ng kapuwa tao.


Pagsusundalo bawal ba sa Bagong Tipan?

Maaaring may mangatuwiran na iyon daw mga halimbawa na ating ipinakita ay puro sa Lumang Tipan, pero sa panahong Cristiano na panahon ng Bagong Tipan, na siyang sumasakop sa panahon natin ay bawal na ang pagsusundalo.
Inyong tanungin ang inyong mga kaibigang Saksi ni Jehova, kung may maipapakita silang kahit na isang talata na mababasa ng maliwanag na ipinagbabawal ng Diyos ang PAGSUSUNDALO. Natitiyak namin na wala silang maipapakitang talata sa inyo kahit sa Bagong Tipan.

Dahil, hindi po bawal ang pagsusundalo sa buong Biblia…

Kumuha na tayo ng halimbawa sa Biblia:

Luke 3:14  “Some SOLDIERS also asked him, "What about us? What are we to do?" He said to them, "DON'T TAKE MONEY FROM ANYONE BY FORCE OR ACCUSE ANYONE FALSELY. BE CONTENT WITH YOUR PAY." [Good News Bible]

Sa Filipino:

Lucas 3:14 “May mga SUNDALO na nagtanong sa kaniya, “Kami? Ano ang aming gagawin? ” Sinabi niya sa kaniya, “HUWAG KAYONG KUKUHA NG SALAPI MULA SA KANINO MAN NG SAPILITAN AT MAGPARATANG SA KANINO MAN NG KASINUNGALINGAN.  MAKUNTENTO KAYO SA IBINABAYAD SA INYO.”

Dito sa pagkakataong ito, tinatanong ng mga SUNDALO si Juan Bautista kung ano ang kanilang gagawin upang maging dapat sa Diyos.  Kung talagang ipinagbabawal ng Diyos ang pagsusundalo, hindi ba ito ay isang napakagandang pagkakataon na sabihin ni Juan sa kanila na bawal ito?

Kasi kung talagang bawal ang pagsusundalo Puwedeng ganito ang mangyari:

MGA SUNDALO:  “Kami? Ano ang aming gagawin?”

JUAN BAUTISTA:  “Una, ninyong gawin ay iwan ang inyong pagiging sundalo dahil bawal ng Diyos ang PAGSUSUNDALO, dahil pumapatay kayo ng tao.”

Pero hindi ba sa pagsasabi ni Juan na: “MAKUNTENTO KAYO SA IBINABAYAD SA INYO.” Hindi ba maliwanag na hindi ipinagbabawal ang pagsusundalo, hindi ba lumalabas niyan na pinapayuhan pa ni Juan Bautista ang mga sundalo na makuntento sa kanilang suweldo at huwag mang-aabuso ng kapuwa?  Ito ay isa sa matibay na ebidensiya na maging sa Bagong Tipan ay hindi po bawal ang pagsusundalo, basta huwag mang-aabuso ng kapuwa, huwag magpaparatang ng hindi totoo, at makuntento sa suweldong tinatanggap.


Kumuha pa tayo ng isa pang halimbawa:

Mga Gawa 10:1-5  “At may isang lalake nga sa Cesarea, na nagngangalang CORNELIO, SENTURION NG PULUTONG NA TINATAWAG NA PULUTONG ITALIANO.  Isang taong masipag sa kabanalan at matatakutin sa Dios siya at ang buong sangbahayan at naglimos ng marami sa mga tao, at laging nananalangin sa Dios.  Nakita niyang maliwanag, sa isang pangitain, nang may oras na ikasiyam ng araw, na pumapasok na patungo sa kaniya ang isang anghel ng Dios, at nagsasabi sa kaniya, Cornelio.  At siya, sa pagtitig niya sa kaniya, at sa pagkatakot niya, ay nagsabi, Ano ito, Panginoon? At sinabi niya sa kaniya, ANG MGA PANALANGIN MO AT ANG IYONG MGA PAGLILIMOS AY NANGAPAILANGLANG NA ISANG ALAALA SA HARAPAN NG DIOS. At ngayo'y magsugo ka ng mga tao sa Joppe, at ipagsama mo yaong Simon, na may pamagat na Pedro;”

Isang tao sa Cesarea na ang pangalan ay Cornelio, isang SENTURION, o opisyal ng hukbong Romano, na siya ring pulutong italiano, sa madaling salita isang mataas na  “ROMAN OFFICER”.  Mabuting tao si Cornelio, mapanalanginin, at palaging tumutulong sa mahihirap, sa isang pangitain ay napakita sa kaniya ang isang anghel at sinabihan siyang ang kaniyang mga panalangin at ang kaniyang mga paglilimos ay napaiilanlang bilang isang alala sa harapan ng Diyos, at ipinagutos niyang ipasundo si Pedro.

Ano ang nangyari nang dumating si Pedro?

Gawa 10:34  “At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi, TUNAY NGANG NATATALASTAS KO NA HINDI NAGTATANGI ANG DIOS NG MGA TAO:”

Ikinagalak ni Apostol Pedro ang pagsampalataya ni Cornelio na bagamat siya’y isang Gentil, nasabi niyang hindi nagtatangi ang Diyos ng mga tao.  Isa na namang katunayan na hindi bawal ang pagsusundalo, dahil kung ito ay mahigpit na ipinagbabawal, pauunlakan ba ni Apostol Pablo ang paanyaya ng isang kawal?  At hindi ba niya sasabihin kay Cornelio na ang PAGSUSUNDALO ay bawal ng Diyos?  Hindi ba’t ito ay isa na namang napakagandang pagkakataon? Kahit basahin niyo pa ang buong kapitulo 10, ng aklat ng mga Gawa, wala kayong mababasa na sinabi ni Pedro na bawal ang  MAGSUNDALO, bilang katibayan na hindi ito bawal, ano ang sumunod na pangyayari?

Gawa 10:46-47  “Sapagka't nangarinig nilang nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Dios. Nang magkagayo'y sumagot si Pedro, Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman ang tubig, upang huwag mangabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin? AT INUTUSAN NIYA SILA NA MAGSIPAGBAUTISMO SA PANGALAN NI JESUCRISTO. Nang magkagayo'y kanilang ipinamanhik sa kaniya na matirang mga ilang araw.”

Si Cornelio at ang buo niyang sambahayan ay binautismuhang lahat na ang lahat ng mga nabautismuhan ay binautismuhan sa isang katawan:

1 Corinto 12:13  “Sapagka't sa isang Espiritu ay BINABAUTISMUHAN TAYONG LAHAT SA ISANG KATAWAN, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.”

Na ang isang katawan ay ang Iglesia:

Colosas 1:18  At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng IGLESIA…”

At ang pangalan ng Iglesia na kinaaniban ng senturiong si Cornelio at ng kaniyang buong sambahayan ay:

Roma 16:16  “Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga IGLESIA NI CRISTO.”

Naging kaanib po ng Iglesia ni Cristo si Cornelio na isang SENTURION ng hukbong Romano, isang sundalo na tinanggap ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsampalataya at nabautismuhan sa loob ng tunay na iglesia, ang Iglesia ni Cristo. Kaya po pinapahintulutan na maging kaanib ng Iglesia ang isang sundalo, pulis, at iba pa na mayroong katulad na tungkulin o trabaho.

Ang mga SUNDALO o KAWAL na naglilingkod sa pamahalaang umiiral ay may karapatang ibinigay ang Diyos upang kanilang gampanan ang kanilang tungkulin, Ganito ang sabi ng Biblia:

Roma 13:3-4  “Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa MAY KAPANGYARIHAN? gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya:   Sapagka't siya'y ministro ng Dios sa ikagagaling mo. Datapuwa't kung ginagawa mo ang masama, ay matakot ka; SAPAGKA'T HINDI WALANG KABULUHAN ANG PAGDADALA NIYA NG TABAK: SAPAGKA'T SIYA'Y MINISTRO NG DIOS, TAGAPAGHIGANTI SA IKAGAGALIT SA GUMAGAWA NG MASAMA.

Ang mga MAY KAPANGYARIHAN sa ating Pamahalaan ay binigyan ng Diyos ng karapatang magdala ng ARMAS o mga SANDATA sabi nga ng talata:  “SAPAGKA'T HINDI WALANG KABULUHAN ANG PAGDADALA NIYA NG TABAK”, may karapatan siyang gumamit ng sandata sa anong layunin at tungkulin?: “TAGAPAGHIGANTI SA IKAGAGALIT SA GUMAGAWA NG MASAMA.” Kaya dapat silang katakutan ng mga gumagawa ng masama, dahil may kapangyarihan at karapatan silang magparusa.

KAYA HINDI PO MASAMA ANG PAGDADALA NILA NG MGA ARMAS O SANDATA, sapagkat ang Diyos ay may pagpapahintulot sa mga MAY KAPANGYARIHAN (PULIS, SUNDALO, ETC.) upang maghiganti at magparusa sa mga taong gumagawa ng masama o sa mga taong lumalabag sa batas.

Hindi po kailan man ipinagbabawal ng Diyos sa Biblia ang PAGSUSUNDALO o PAGPUPULIS, ito po ay kapangyarihan at karapatang kaloob ng Diyos sa alinmang pamahalaang kanilang pinaglilingkuran sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan o iyong tinatawag sa English na "peace and order"...

17 comments:

  1. Maituturing po bang kasalanan ang pangungumpisal sa tao o sa isang alagad ng Dios?

    Noong hindi pa po ako kaanib sa INC, bihira talaga akong mangumpisal sa pari. Pakiramdam ko po kasi na mali po at nahihiya rin po akong sabihin ang mga kasalanan ko kaya direkta po akong humihingi ng kapatawaran sa Dios.

    ReplyDelete
  2. Walang itinuturo ang Biblia na kung tayo ay nagkasala sa Diyos ay sa tao tayo MANGUNGUMPISAL. Walang ginawang ganiyan ang sinoman sa mga alagad ng Diyos at ni Cristo na nakasulat sa Biblia, ganito ang sabi ng Banal na Aklat:

    Psalms 32:5 I acknowledged my sin unto thee, and mine iniquity have I not hid. I said, I WILL CONFESS MY TRANSGRESSIONS UNTO THE LORD; and thou forgavest the iniquity of my sin…” [ASV]

    Sa Filipino:

    Awit 32:5 “Aking kinilala ang aking kasalanan sa iyo, at ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli: aking sinabi, AKING IKUKUMPISAL ANG AKING PAGSALANGSANG SA PANGINOON; at iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan.”


    Eto pa ang isa:

    Romans 14:11-12 “For it is written, As I live, saith the Lord, to me every knee shall bow, AND EVERY TONGUE SHALL CONFESS TO GOD. So then each one of us shall give account of himself to God.” [ASV]

    Sa Filipino:

    Roma 14:11-12 “Sapagka't nasusulat, Buhay ako, sabi ng Panginoon, sa akin ang bawa't tuhod ay luluhod, At ANG BAWA'T DILA AY MANGUNGUMPISAL SA DIOS. Kaya nga ang bawa't isa sa atin ay magbibigay sulit sa Dios ng kaniyang sarili.”

    Kung kanino tayo nakagawa ng kasalanan aba’y marapat lang na dun tayo magkumpisal at humingi ng tawad. Marapat lang na sa Diyos tayo mangumpisal kung tayo ay nagkasala sa Kaniya.

    Ngayon kung doon tayo sa PARI ka nagkasala, aba’y walang magbabawal sa atin na MANGUMPISAL sa kaniya. At dapat lang ‘yon na sa kaniya tayo humingi ng tawad hindi ba? Kasi nga sa kaniya tayo nakagawa ng kasalanan eh, hindi ba?

    Ang kasalanan sa Diyos, sa Diyos ikukumpisal at ihihingi ng tawad, kung sa tao nagkasala ay sa kaniya dapat mangumpisal at humingi ng tawad.

    ReplyDelete
  3. Sabi ng INC nag kakaisa kayu sa kapatiran!
    Magbibigay ako ng Halimbawa tungkol sa pagsusundalo
    Malayo narin ang narating ng inyong samahan.

    Ipagpalagay nanatin na ang dalawang Bansa ay magbabanggaan
    alam natin na ang mga sundalo nila ay parehong may RELIHIYON
    Kabilang na ang mga INC! pero dahil ang dalawang bansang ito ay
    mag didigma sa isat-isa pwede kayang sabihin ng isang sundalong
    INC dun sa kabilang bansa na may sundalong INC rin(KALABAN) na ako ay IGLESYA at tayo ay dapat Magkaisa?

    ReplyDelete
  4. hehehe anonymous kung ikaw man po ay sundalo ng china lage pakakatandaan bago mo sundin ang kalooban ng tao yun munang KALOOBAN NG DIOS,
    pagsinabi ba ng president ng china ubusin natin ang pilipino para mapasaatin ang bansang pilipinas kung ikaw po inc magresign ka na. .

    kung ikaw naman po ay inc at sundalo ng bansa natin pagsinabi ni noynoy ipagtanggol mo bayan natin laban sa masasama at mapanakop labag po ba ito sa kalooban ng dios?gets mo po!

    ReplyDelete
  5. sabi sa kasulatan:efeso 6:12 sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo ,kundi laban sa mga pamunuan laban sa mga kapangyarihan,laban sa mga namamahala ng kadilmang ito sa sanglibutan,laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitasan.kaya ang aming pakikibaka ay katotohanang espiritual. yong nangyari sa israel na digmaan yon po ay tinatawag na banal ng digmaan NG DIOS KASI ANG DIOS PO ANG NGANGUNGUNA O NAGSUSUPORTA SA ESRAEL PARA HINDI SILA MASAKOP SA ibang bansa.ngayon sa modernong panahon ang Diyos BA NAG UTOS NA SUMALI SA DIGMAAN?O ANG Diyos ba ang nasa likod ng digmaan ngayon lalong lalo na sa world war 1 at 2 ?nais kung sabihin sa iyo na malaki ang kaibahan ng digmaan ng Dios kay sa digmaan ngayon kasi ngayon pati civilyan o walang sala apektado maraming namatay na mga inosenti.bakit kung mag digmaan sa ibat ibang bansa kasali ang pilipinas mag tanong ka pa ba? kung sinosinong mga inc na sundolo sa kabila ng digmaan?para hindi mo mapatay ang kapwa mo inc na sundalo?

    ReplyDelete
  6. Kung ikaw ay nabuhay noong panahon ng sinaunang Israel, angkop lang na ang isang lingkod ng Diyos ay sumabak sa digmaan, iyan ay kung Diyos mismo ang nagsabi. Pero, ibang-iba noong panahong Kristiyano. Totoong si Cornelio, na isang senturyon sa hukbong Romano, ay naging Kristiyano. Pero isa siyang Gentil, at sumasabak na siya sa digmaan bago naging Kristiyano. Hindi iniulat kung tumigil ba sa Cornelio sa trabahong ito o hindi, pero ang pagsasabing siya'y "isang taong masipag sa kabanalan at matatakutin sa Dios" ay nagbibigay-linaw kung ano ang dapat maging pananaw niya hinggil sa anumang anyo ng pakikidigma.

    Walang ulat sa kasaysayan na ang mga Kristiyano ay humawak ng mga sandata at sumabak sa mga digmaan. Ang Lucas 3:14 ay hindi nagsasabing mga Kristiyano ang mga sundalong iyon. At walang punto sa Gawa 10:34 na ang mga Kristiyano ay pinayapayagang makipagdigma. Ipinakikita lang nito na ang Diyos ay handang tanggapin ang mga taong handang magpasakop sa kaniya, anuman ang pinagmulan niya. Pero kapag ang isa ay naging Kristiyano na, hindi na niya babalakin pang maging sundalo o lingkod ng isang mandirigmang hukbo.

    Ibig bang sabihin, mga pasipista ang mga Kristiyano? Hindi. Sinasabi ng Webster’s Ninth New Collegiate Dictionary na ang isang pasipista ay isang tao na “may katatagan at lubusang tutol sa alitan at [lalo na] sa digmaan.” Binigyang-kahulugan nito ang “pasipismo” bilang “pagtutol sa digmaan o karahasan bilang paraan ng paglutas sa mga alitan; [lalo na]: ang pagtangging humawak ng sandata dahil sa moral o relihiyosong mga kadahilanan.” Kinikilala ng mga Kristiyano ang karapatan ng Diyos na makipagdigma. (Exodo 14:13, 14; 15:1-4; Josue 10:14; Isaias 30:30-32) Bukod pa riyan, hindi nila kailanman pinag-alinlanganan ang karapatan ng Diyos na pahintulutan ang sinaunang Israel na makipagdigma para sa kaniya nang ang bansang iyan ay magsilbing nag-iisa niyang instrumento sa lupa.—Awit 144:1; Gawa 7:45; Hebreo 11:32-34.

    Ibig ng tunay na mga Kristiyano ang kapayapaan. Nananatili silang lubusang walang pinapanigan sa militar, pulitikal, at etnikong mga labanan sa daigdig. Subalit, sa tuwirang pananalita, sila’y hindi mga pasipista. Bakit? Sapagkat tinatanggap nila ang digmaan ng Diyos na sa wakas siyang tutupad sa kaniyang kalooban sa lupa—isang digmaan na lulutas sa dakilang usapin ng pansansinukob na pagkasoberanya at mag-aalis sa lupa ng lahat ng kaaway ng kapayapaan minsan at magpakailanman.—Jeremias 25:31-33; Daniel 2:44; Mateo 6:9, 10.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganun ba walang sundalong Cristiano?

      So iyong mga pinapayagan noon ng Watchtower na magsundalo ay hindi pala mga Cristiano:

      "...one can join the military as long as he did “not shoot anybody” (Zion’s Watch Tower, July 1, 1898, p. 204; Zion’s Watch Tower, August 1, 1898, p. 231)

      Kaya may mga member pala kayo nung time na iyan na hindi Cristiano.

      Delete
    2. PAKIKIPAGDIGMA: pakikipagbaka sa kalaban na salungat sa ipinaglalaban ng bawat magkabilang panig. Nasasangkot dito ang pagpatay ng tao.

      Sa digmaan ng tao sa panahon ngayon, ang katuwiran ng kalaban ay iniisip nilang sila ang tama, gayundin ang kalaban niya sa kabilang banda ay gayun din ang iniisip nito na sila ang tama... Sa katotohanan naman na "PAREHAS LANG SILANG MALI" (Juan 8:44). Ipinagtatanggol nila kapuwa ang kanilang mga interes.

      PAKIKIPAGDIGMA NOON NG BAYAN NG DIYOS AY MAGKAIBA SA MGA DIGMAAN NG TAO NGAYON...

      Noong panahon ng sinaunang Israel ay nagkaroon din ng mga sundalo ang Diyos 'PARA PROTEKTAHAN ANG LAHI NG ISRAEL' na siyang tanging bayan ng Diyos sa panahong iyon. At para hindi mapahamak o mawala ang linya ng lahing pagmumulan ng haing pantubos sa kasalanan ng tao si Jesukristo. Pero sa pagdaan ng panahon at dahil sa pagtalikod ng buong Israel laban sa Diyos at sa paglaganap na rin ng salita ng Diyos sa buong tinatahanang lupa ay naging pambuong daigdig na ngayon ang bayan o lingkod ng Diyos na mula sa mga ibat-ibang lahi, wika at mga bansa (DANIEL 9:11) (APOCALIPSIS 5: 9).

      19. "Alam natin na tayo ay nagmumula sa Diyos, ngunit ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng isa na balakyot". (1 JUAN 5:19)

      Bakit ang sanlibutan ngayon ay kasalukuyang pinamumunuan ni satanas?⤵

      7. "At sumiklab ang digmaan sa langit: Si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon, at ang dragon at ang mga anghel nito ay nakipagbaka

      8. ngunit hindi ito nanaig, ni may nasumpungan pa mang dako para sa kanila sa langit.

      9. Kaya inihagis ang malaking dragon, ang orihinal na serpiyente, ang tinatawag na Diyablo at Satanas, na siyang nagliligaw sa buong tinatahanang lupa; siya ay inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya".

      Ngayon, sa panig ninyo kayo ay nakikipagdigma hindi para sa layunin ng Diyos. Kundi patungkol sa pamumuno sa sanlibutan, sa pagprotekta sa interes ng mga namumuno ng mga bansa na may kinalaman sa pulitika. Yamang ang sanlibutan ay pinamumunuan ng hindi nakikitang balakyot, si satanas na mula sa langit ay inihagis sa lupa (APOCALIPSIS 12:9) (1 JUAN 5:19) (APOCALIPSIS 16:14). Kaming "Mga Saksi ni Jehovah" kung tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa pakikipagdigma ang pag-uusapan ay sa Diyos na lang namin ito ipauubaya (AWIT 110:5-6) (MATEO 22:39). Kaya sa panahong ito ay umiiwas kami sa digmaan. Imbes ang pinapairal namin ay walang pagtatanging pag-ibig sa kapuwa kasuwato ng mga nasusulat sa banal na kasulatan:
      -LUCAS 6: 35-38⤵

      "35. Sa halip, patuloy na ibigin ang inyong mga kaaway at gumawa ng mabuti at magpahiram nang walang patubo, na hindi umaasa ng anumang kapalit; at ang inyong gantimpala ay magiging malaki, at kayo ay magiging mga anak ng Kataas-taasan, sapagkat siya ay mabait sa mga walang utang-na-loob at balakyot.. 36. Patuloy na maging maawain, kung paanong ang inyong Ama ay maawain.. 37. “Isa pa, huwag na kayong humatol, at hindi kayo sa anumang paraan hahatulan; at huwag na kayong magpataw ng hatol, at hindi kayo sa anumang paraan papatawan ng hatol. Patuloy na magpalaya, at kayo ay palalayain.. 38. Ugaliin ang pagbibigay, at ang mga tao ay magbibigay sa inyo. Ibubuhos nila sa inyong kandungan ang sukat na mainam, pinikpik, niliglig at umaapaw. Sapagkat ang panukat na inyong ipinanunukat ay ipanunukat nila sa inyo bilang ganti".

      Delete
    3. This comment has been removed by the author.

      Delete
    4. ANO ANG SINASABI NG BANAL NA KASULATAN SA MGA TAONG BAHAGI NG SANLIBUTAN NA NAKIKIBAGI SA MGA DIGMAAN?⤵

      14. "Sa katunayan, sila ay mga kapahayagang kinasihan ng mga demonyo at nagsasagawa ng mga tanda, at pumaparoon sila sa mga hari ng buong tinatahanang lupa, upang tipunin sila sa digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat".
      (APOCALIPSIS 16:14)

      KAYA KAMI BILANG MGA TUNAY NA LINGKOD NG TUNAY NA DIYOS AY HINDING-HINDI MAKIKIBAHAGI SA PANAHON NGAYON PARA SA DIGMAAN NG TAO NA ANG NASA LIKOD NG ITO AY ANG DI NAKIKITANG PAMUMUNO NI SATANAS NA NASA LUPA.

      KAHIT HINDI KAMI MAKIKIBAHAGI SA DIGMAAN NGAYON, ANO ANG PANGYAYARIHIN NG DIYOS SA KANIYANG MGA KAAWAY?

      Sagot (AWIT 110:5,6):⤵

      5. "Si Jehova"יַהְוֶה " sa iyong kanan Ang dudurog sa mga hari sa araw ng kaniyang galit.

      6. Maglalapat siya ng kahatulan sa gitna ng mga bansa; Pangyayarihin niyang mapuno ito ng mga bangkay. Dudurugin nga niya ang pangulo sa lupaing matao".

      Ngayon, sa panig ninyo kayo ay nakikipagdigma hindi para sa layunin ng Diyos. Kundi patungkol sa pamumuno sa sanlibutan, sa pagprotekta sa interes ng mga namumuno ng mga bansa na may kinalaman sa pulitika. Yamang ang sanlibutan ay pinamumunuan ng hindi nakikitang balakyot, si satanas na mula sa langit ay inihagis sa lupa (APOCALIPSIS 12:9) (1 JUAN 5:19) (APOCALIPSIS 16:14). Kaming "Mga Saksi ni Jehovah" kung tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa pakikipagdigma ang pag-uusapan ay sa Diyos na lang namin ito ipauubaya (AWIT 110:5-6) (MATEO 22:39). Kaya sa panahong ito ay umiiwas kami sa digmaan. Imbes ang pinapairal namin ay walang pagtatanging pag-ibig sa kapuwa kasuwato ng mga nasusulat sa banal na kasulatan:
      -LUCAS 6: 35-38⤵

      "35. Sa halip, patuloy na ibigin ang inyong mga kaaway at gumawa ng mabuti at magpahiram nang walang patubo, na hindi umaasa ng anumang kapalit; at ang inyong gantimpala ay magiging malaki, at kayo ay magiging mga anak ng Kataas-taasan, sapagkat siya ay mabait sa mga walang utang-na-loob at balakyot.. 36. Patuloy na maging maawain, kung paanong ang inyong Ama ay maawain.. 37. “Isa pa, huwag na kayong humatol, at hindi kayo sa anumang paraan hahatulan; at huwag na kayong magpataw ng hatol, at hindi kayo sa anumang paraan papatawan ng hatol. Patuloy na magpalaya, at kayo ay palalayain.. 38. Ugaliin ang pagbibigay, at ang mga tao ay magbibigay sa inyo. Ibubuhos nila sa inyong kandungan ang sukat na mainam, pinikpik, niliglig at umaapaw. Sapagkat ang panukat na inyong ipinanunukat ay ipanunukat nila sa inyo bilang ganti".

      WATAWAT: ito ay sagisag ng isang bansa.

      Kami bilang mga linkod ng tunay na Diyos"יַהְוֶה ", kami ay hindi nagpupugay sa watawat o ni umaawit man ng pambansang awit. Mga bagay na tumutukoy sa pagka-makabayan. Samantalang ang pamumuno sa sanlibutan sa panahon ngayon ay hiwalay sa Diyos (1 JUAN 5:19). Simpleng isipin lamang ang nilalaman na salita sa pambansang awit na 'LUPANG HINIRANG' na sinasabi sa huli: "ANG MAMATAY NG DAHIL SAYO". Bagay na salungat sa mga nilalaman ng banal na kasulatan na ang buhay natin ay sa Diyos nagmula kaya dapat sa kanya lang tayo magbigay ng sagradong paglilingkod... (MATEO 4:10) (LUCAS 4:8) (DEUTERONOMIO 4:24) (AWIT 36:9) (EXODO 20:4,5)

      Delete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  9. PAGKA-MAKABAYAN

    Sa Panahon ng pambansang krisis at internasyonal na tensiyon, umaasa ang mga tao sa kanilang gobyerno para sa kaligtasan at katiwasayan. Sa bahagi naman ng mga gobyerno, pinag-iibayo nila ang mga programa na dinisenyo upang pagkaisahin ang suporta ng taong-bayan. Habang lalong itinataguyod ng gayong mga programa ang pagkamakabayan, lalo namang nagiging masigla at madalas ang mga pagdaraos ng mga seremonyang makabayan.

    Sa panahon ng pambansang kagipitan, ang alab ng pagkamakabayan ay madalas na nagpapadama sa mga tao ng pagkakaisa at lakas at maaaring magtaguyod sa gitna nila ng espiritu ng pagtutulungan at pagiging palaisip sa kapakanan ng komunidad. Gayunman, “ang pagkamakabayan ay posibleng maging mapanganib na gaya ng anumang damdamin,” ang sabi ng isang artikulo sa The New York Times Magazine, yamang “sa sandaling maipahayag ito, maaari itong maging hindi kanais-nais.” Ang mga kapahayagan ng pagkamakabayan ay maaaring humantong sa mga pagkilos na maaaring manghimasok sa mga sibil at relihiyosong kalayaan ng ilang mamamayan ng bansa. Ang mga tunay na Kristiyano ay partikular nang ginigipit na ikompromiso ang kanilang mga paniniwala. Paano sila gumagawi kapag nalilipos ng gayong impluwensiya ang daigdig sa palibot nila? Anong maka-Kasulatang mga simulain ang tumutulong sa kanila upang kumilos nang may malalim na unawa at upang mapanatili ang kanilang katapatan sa Diyos?

    ReplyDelete
    Replies
    1. “HUWAG MONG YUYUKURAN ANG MGA IYON NI MAGANYAK KA MAN NA PAGLINGKURAN ANG MGA IYON ”

      Kung minsan, ang pagsaludo sa pambansang watawat ay nagiging popular na kapahayagan ng pagkamakabayan. Ngunit ang mga watawat ay kadalasang may mga larawan ng mga bagay sa langit, gaya ng mga bituin, gayundin ng mga bagay sa lupa. Ipinahayag ng Diyos ang kaniyang pangmalas hinggil sa pagyukod sa gayong mga bagay nang iutos niya sa kaniyang bayan: “Huwag kang gagawa para sa iyo ng inukit na imahen o ng anyo na tulad ng anumang nasa langit sa itaas o nasa lupa sa ibaba o nasa tubig sa ilalim ng lupa. Huwag mong yuyukuran ang mga iyon 'NI MAGANYAK' ka man na paglingkuran ang mga iyon, sapagkat akong si Jehova"יַהְוֶה " na iyong Diyos ay Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon.”​ —(EXODO 20:4, 5)

      Ang pagsaludo ba o pagluhod sa harap ng watawat na kumakatawan sa Estado ay talagang salungat sa pagbibigay sa Diyos na Jehova"יַהְוֶה " ng bukod-tanging debosyon? Totoo na ang sinaunang mga Israelita ay may “mga tanda,” o mga estandarte, kung saan nagpipisan sa palibot nito ang kanilang tigtatatlong-tribong mga pangkat habang sila’y nasa ilang. (BILANG 2:1, 2) Sa pagkokomento sa salitang Hebreo na tumutukoy sa gayong mga estandarte, ganito ang sabi ng Cyclopedia nina McClintock at Strong: “Gayunman, wala sa mga salitang ito ang nagpapahayag sa ideya na itinatawid ng salitang ‘estandarte’ sa ating isipan, samakatuwid nga, isang watawat.” Karagdagan pa, ang mga estandarte sa Israel ay hindi itinuring na sagrado, ni may anumang seremonya na kaakibat ng paggamit sa mga iyon. Ang praktikal na gamit lamang ng mga iyon ay bilang mga tanda, na nagpapakita kung saan dapat magpisan ang mga tao.

      Delete
    2. Ang mga larawan ng mga kerubin sa tabernakulo at sa templo ni Solomon ay pangunahin nang nagsisilbing paglalarawan sa mga kerubin sa langit. (Exodo 25:18; 26:1, 31, 33; 1 Hari 6:23, 28, 29; Hebreo 9:23, 24) Ang bagay na hindi dapat sambahin ang artistikong mga paglalarawang ito ay maliwanag mula sa katotohanan na sa pangkalahatan ay hindi nakita kailanman ng bayan ang mga ito at na ang mga anghel mismo ay hindi dapat sambahin.​ —(COLOSAS 2:18; APOCALIPSIS 19:10; 22:8, 9)

      Isaalang-alang din ang larawan ng tansong serpiyente na ginawa ni propeta Moises noong panahon ng paglalakbay ng mga Israelita sa iláng. Ang larawang iyon, o imahen, ay nagsilbing isang sagisag at iyon ay may makahulang kahulugan. (BILANG 21:4-9; JUAN 3:14, 15) Hindi iyon sinamba o ginamit sa pagsamba. Gayunman, maraming siglo pagkalipas ng panahon ni Moises, may-kamaliang sinamba ng mga Israelita ang mismong imaheng iyon, anupat nagsunog pa nga ng insenso rito. Kaya naman, ipinadurog ito ni Haring Hezekias ng Juda.​ —(2 HARI 18:1-4)

      Ang pambansang mga watawat ba ay mga tanda lamang na may kapaki-pakinabang na gamit? Ano ang isinasagisag ng mga ito? “Ang pinakapangunahing sagisag ng pananampalataya at ang pinakapangunahing bagay na sinasamba sa nasyonalismo ay ang watawat,” ang sabi ng awtor na si J. Paul Williams. Ganito ang sabi ng Encyclopedia Americana: “Ang watawat, tulad ng krus, ay sagrado.” Ang watawat ang sagisag ng Estado. Kung gayon, ang pagyukod dito o pagsaludo rito ay isang relihiyosong seremonya na nagbibigay ng pagpipitagan sa Estado. Ang gayong pagkilos ay nagpapahiwatig na ang kaligtasan ay nagmumula sa Estado, at hindi kasuwato ng sinasabi ng Bibliya hinggil sa idolatriya.

      Maliwanag na sinasabi ng Bibliya: “Ang kaligtasan ay kay Jehova"יַהְוֶה " (AWIT 3:8) Hindi dapat ituring na nagmumula ang kaligtasan sa mga institusyon ng tao o sa kanilang mga sagisag. Pinayuhan ni apostol Pablo ang mga kapuwa Kristiyano: “Mga minamahal ko, tumakas kayo mula sa idolatriya.” (1 CORINTO 10:14) Ang sinaunang mga Kristiyano ay hindi nakisali sa mga gawang pagsamba sa Estado. Sa aklat na Those About to Die, ganito ang sabi ni Daniel P. Mannix: “Ang mga Kristiyano ay tumangging . . . maghain sa espiritung tagapagbantay ng [Romanong] emperador​—halos katumbas sa ngayon ng pagtangging sumaludo sa watawat.” Gayundin ang ginagawa ng mga tunay na Kristiyano sa ngayon. Upang maiukol kay Jehova"יַהְוֶה " ang bukod-tanging debosyon, tumatanggi silang sumaludo sa watawat ng anumang bansa. Sa paggawa nito, inuuna nila ang Diyos habang pinananatili nila ang paggalang sa mga gobyerno at sa mga tagapamahala ng mga ito. Sa katunayan, kinikilala nila ang kanilang pananagutan na magpasakop sa “nakatataas na mga awtoridad” ng gobyerno. (ROMA 13:1-7) Gayunman, ano ba ang maka-Kasulatang pangmalas sa pag-awit ng mga awiting makabayan, gaya ng mga pambansang awit?

      Delete
    3. ANO BA ANG MGA PAMBANSANG AWIT?

      “Ang mga pambansang awit ay mga kapahayagan ng pagkamakabayan at kadalasang nagsasangkot ng pagsusumamo ukol sa patnubay at pag-iingat ng Diyos sa bayan o sa mga tagapamahala nito,” ang sabi ng The Encyclopedia Americana. Sa diwa, ang pambansang awit ay isang himno o panalangin alang-alang sa isang bansa. Ito ay kadalasang humihiling na ang bansa ay makaranas ng materyal na kasaganaan at mahabang pag-iral. Dapat bang makiisa sa gayong mapagsumamong damdamin ang tunay na mga Kristiyano?

      Si propeta Jeremias ay nabuhay kasabay ng mga taong nag-aangking naglilingkod sa Diyos. Gayunman, inutusan siya ni Jehova"יַהְוֶה ": “Huwag kang manalangin para sa bayang ito, ni magpailanlang para sa kanila ng pagsusumamo o ng panalangin ni mamanhik man sa akin, sapagkat hindi ako makikinig sa iyo.” (JEREMIAS 7:16; 11:14; 14:11) Bakit binigyan ng ganitong utos si Jeremias? Sapagkat ang kanilang lipunan ay batbat ng pagnanakaw, pagpatay, pangangalunya, huwad na panunumpa, at idolatriya.​ —(JEREMIAS 7:9).

      Si Jesu-Kristo ay nagpakita ng parisan nang sabihin niya: “Humihiling ako, hindi may kinalaman sa sanlibutan, kundi may kinalaman doon sa mga ibinigay mo sa akin” (JUAN 17:9). Sinasabi ng Kasulatan na “ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng isa na balakyot” at ito ay “lumilipas.” (1 JUAN 2:17; 5:19) Kung gayon, paano mananalangin nang buong katapatan ang tunay na mga Kristiyano ukol sa kasaganaan at mahabang pag-iral ng gayong sistema?

      Sabihin pa, hindi lahat ng pambansang awit ay may kalakip na mga pagsusumamo sa Diyos. “Iba-iba ang damdamin ng mga pambansang awit,” ang sabi ng Encyclopædia Britannica, “mula sa mga panalangin para sa monarka tungo sa pagtukoy sa mahahalagang digmaan o paghihimagsik ng bansa . . . hanggang sa mga kapahayagan ng pagkamakabayan.” Ngunit yaon bang mga nagsisikap na palugdan ang Diyos ay maaaring aktuwal na magbunyi sa mga digmaan at mga rebolusyon ng anumang bansa? Hinggil sa tunay na mga mananamba, inihula ni Isaias: “Pupukpukin nila ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit na pampungos.” (ISAIAS 2:4) “Bagaman lumalakad kami sa laman,” ang isinulat ni apostol Pablo, “hindi kami nakikipagdigma ayon sa kung ano kami sa laman. Sapagkat ang mga sandata ng aming pakikidigma ay hindi makalaman.”​ —(2 CORINTO 10:3, 4).

      Ang mga pambansang awit ay kadalasang nagpapahayag ng damdamin ng pagmamalaki ng isang bansa o ng kahigitan nito. Ang pangmalas na ito ay walang maka-Kasulatang saligan. Sa kaniyang talumpati sa Areopago, sinabi ni apostol Pablo: “Ginawa [ng Diyos na Jehova"יַהְוֶה "] mula sa isang tao ang bawat bansa ng mga tao, upang tumahan sa ibabaw ng buong lupa” (GAWA 17:26). “Ang Diyos ay hindi nagtatangi,” ang sabi ni apostol Pedro, “kundi sa bawat bansa ang tao na natatakot sa kaniya at gumagawa ng katuwiran ay kaayaaya sa kaniya.”​ —(GAWA 10:34, 35).

      Delete
  10. Mapagkakatiwalaan Mo ba ang Relihiyon Pagdating sa Digmaan?

    Si Alberto ay naglingkod sa hukbo sa loob ng halos sampung taon. Naaalaala niya: “Binasbasan kami ng aming kapelyan, ‘Sumainyo nawa ang Diyos.’ Naisip ko, ‘Papatay ako sa digmaan, pero sinasabi ng Bibliya na “huwag kang papatay.”’”

    Si Ray ay naglingkod sa hukbong pandagat noong Digmaang Pandaigdig II. Minsan, naitanong niya sa kapelyan: “Nagpupunta kayo sa barko at ipinagdarasal ang kaligtasan at tagumpay ng mga sundalo. Hindi ba’t ganiyan din ang ginagawa ng mga hukbo ng kaaway?” Sinabi ng kapelyan na ang mga gawa ng Panginoon ay misteryo na hindi kayang abutin ng ating isip.

    Kung hindi ka kumbinsido sa sagot na iyan, hindi ka nag-iisa.

    ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA?

    Sinabi ni Jesus na ang isa sa pinakadakilang utos ng Diyos ay ‘ibigin ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.’ (Marcos 12:31) Nagbigay ba si Jesus ng kondisyon sa pagpapakita ng pag-ibig sa kapuwa depende kung saan siya nakatira o kung ano ang nasyonalidad niya? Hindi. Sinabi niya sa kaniyang mga alagad: “Sa ganito malalaman ng lahat na kayo ay aking mga alagad, kung kayo ay may pag-ibig sa isa’t isa.” (Juan 13:34, 35) Ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa ay magiging lubhang pambihira anupat ito ang pagkakakilanlan nila. Handa nilang ibigay ang kanilang buhay kaysa sa kunin ang buhay ng iba.

    Ang unang mga Kristiyano ay namuhay ayon sa pamantayan ni Jesus. Sinasabi ng The Encyclopedia of Religion: “Ang mga unang ama ng iglesya, kasali na sina Tertullian at Origen, ay nagpatunay na ang mga Kristiyano ay pinagbawalan na kumitil ng buhay ng tao, isang simulain na pumigil sa kanila sa paglahok sa hukbong Romano.”

    PAANO NAKAAABOT SA PAMANTAYAN ANG MGA SAKSI NI JEHOVA?

    Yamang ang mga Saksi ni Jehova ay nakatira sa iba’t ibang bansa, ang ilan sa kanila ay naiipit sa magkakalabang bansa. Pero sinisikap nilang mapanatili ang pagkakakilanlang tanda na pag-ibig.

    Itinuro ba ng mga lider ng relihiyon ang tunay na Kristiyanong pag-ibig?
    Halimbawa, sa labanan sa pagitan ng tribong Hutu at Tutsi sa Rwanda noong 1994, ang mga Saksi ni Jehova ay nanatiling lubusang neutral. Itinago ng mga Saksi ng isang tribo ang kabilang tribo, na kadalasang nagsapanganib ng kanilang buhay. Nang mahuli ang dalawang Saksi na Hutu na nagtago ng kanilang mga kapatid na Tutsi, sinabi ng milisya na Hutu Interahamwe, “Dapat kayong mamatay dahil tinulungan ninyong makatakas ang mga Tutsi.” Nakalulungkot, pinatay ang dalawang Saksi na Hutu.
    —Juan 15:13.

    Ano sa palagay mo: Nakaaabot ba sa pamantayan ni Jesus tungkol sa mapagsakripisyong pag-ibig ang ginawa ng mga Saksi ni Jehova?


    https://www.jw.org/finder?wtlocale=TG&docid=2013484&srcid=share

    ReplyDelete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network