Monday, 13 June 2011

Ang Maluwalhating Tahanan na Mamanahin ng mga Maliligtas



Ang Bagong Langit at Bagong Lupa
Ang maluwalhating Tahanan na mamanahin ng mga taong maliligtas

Maraming tao sa daigdig ang umaasam sa isang perpektong pamumuhay na malayo sa anomang alalahanin, sakit at suliranin.  Subalit ang gayong uri ng pamumuhay ay hindi matatagpuan saan man sa daigdig,  dahil sa patuloy na paglala at pagsama ng kalagayan ng  pamumuhay ng tao, ay kitang-kita natin na natutupad ang sinabing ito ng Biblia:

Ecclesiastes 2:22-23 “Nagpapakapagod at nagpapakahirap nang husto sa mundong ito ang isang tao, ngunit para saan ba ang pagpapagod na ito?  Anumang gawin ng tao'y nagdudulot sa kanya ng balisa at hinanakit. May mga gabi pang hindi siya makatulog sa pag-iisip. Ito man ay walang kabuluhan.” [Magandang Balita, Biblia]

Napakalinaw na sinabi ng Biblia na anoman ang gawin ng tao’y hindi niya masusolusyonan ang lumalalang kalagayan ng kaniyang pamumuhay, patuloy siyang makakaranas ng kalumbayan, pagkabalisa, at kahapisan. Sa kabila ng paglago ng kaalaman ng tao, at pagunlad ng teknolohiya, ay wala siyang magawa para maiwasan ang bagay na ito.

Kailan man ay hindi matatagpuan sa mundong ito ang isang  perpektong pamumuhay, dahil ang mundo man na ating kinalalagyan ay papunta sa pagkawasak, gaya ng sinasabi rin ng Biblia:

Isaias 24:19-20 “Ang daigdig ay tuluyang mawawasak, sa lakas ng uga ito'y mabibiyak. Ang lupa'y tulad ng lasenggong pasuray-suray at kubong maliit na hahapay-hapay, sa bigat ng kasalanang kanyang tinataglay, tiyak na babagsak ang sandaigdigan at hindi na babangon magpakailanman.” [MB]

Kaya atin ngayong natitiyak na hindi sa daigdig na ito matatamo ng tao ang inaasam niyang maluwalhati at perpektong pamumuhay, sapagkat ang mundong ito ay nakatakda na sa kaniyang pagkawasak na ito nga ay ang araw ng Paghuhukom:

2 Pedro 3:7  “Nguni't ang sang-kalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.”

Saan nga ba matatagpuan ang perpektong pamumuhay?  Paano ba ito matatamo ng tao?  At gaano kapalad ang mga tao na makararating doon?


 Si Apostol Juan sa pulo ng Patmos habang isinusulat ang aklat ng Apocalypsis na ipinakikita sa kaniya ang Bayang Banal, ang Bagong Jerusalem


  • Saan nga ba matatagpuan ang perpektong pamumuhay?

Ating basahin ang sagot:

Hebreo 11:16  “Nguni't ngayon ay nagnanasa sila ng lalong magaling na lupain, sa makatuwid baga'y ang sa langit: kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan.”

 Ang sabi ng Biblia, ang lalong magaling na lupain ay matatagpuan sa langit. Doon lamang malalasap ng tao ang isang uri ng pamumuhay na hindi pa niya nararanasan kailan man sa mundong ito.

  • Sino ang maghahanda ng dakong iyon?

Ang Panginoong Jesus ang maghahada, gaya ng kaniyang sinabi:

Juan 14:2-3 “Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan?  At kapag naipaghanda ko na kayo ng matitirhan, ako'y babalik at isasama ko kayo upang kayo'y makapiling ko kung saan ako naroroon” [MB]

Ang isa sa misyon ng pag-alis ng Panginoong Jesucristo, ay upang ipaghanda ang mga ililigtas niya ng dakong kalalagyan, at ito’y ang bahay ng Ama na maraming silid. At kapag naihanda na niya ito ay siya’y muling magbabalik upang kunin at isama roon ang kaniyang mga hinirang.

  
  • Anong uring pamumuhay ang tatamuhin ng tao sa dakong iyon?

Isang perpektong pamumuhay na malayo sa anomang alalahanin, sakit, kalumbayan, at maging kamatayan:

Apocalypsis 21:1-4  “At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.”

 “At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.”

 “At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:”

“At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na. “

Ang tahanan ng Diyos na maraming silid na siyang ihahanda ng Panginoong Jesus, ay isang maluwalhating tahanan, Isang bagong langit at isang bagong lupa, na ito ay ang BAYANG BANAL, ang Bagong Jerusalem, na mananaog mula sa Langit.

Sa bayang ito, makakapiling na ng tao ang Diyos at hindi na siya makakaranas ng kalumbayan, kahapisan, sakit, at maging ng kamatayan, lahat ng bagay ng una ay lilipas na.  Dito magawawakas ang paghihirap ng taong maliligtas, dito niya matitikman ang isang uri ng pamumuhay na kailan man ay hindi niya mararanasan sa diagdig.


  • Ano ba iyong Bagong Langit?
 Alam natin na ang unang langit ay ang lahat ng bagay ngayon na nasa itaas na ating natatanaw.  Ang araw,  ang buwan at mga bituin.  Ang langit na iyan ay mapaparam o mawawala sabi ni Apostol Pedro:

2 Pedro 3:10  “Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.”

Mawawala ang lahat ng bagay na nasa Langit dahil sa ito ay masusunog.  Kaya ang tao na maninirahan sa bayang banal ay hindi na makakaranas ng liwanag ng araw, at hindi na rin magkakaroon ng gabi:

Apocalypsis 22:5  “At hindi na mag-kakaroon pa ng gabi, at sila'y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng arawsapagka't liliwanagan sila ng Panginoong Dios: at sila'y maghahari magpakailan kailan man.”

Sa bagong langit ay wala nang araw, kundi ang Panginoong Diyos ang magbibigay ng liwanag doon.  Hindi na mararanasan ng tao ang mabilad sa init ng araw:

Apocalypsis 7:16  “Sila'y hindi na magugutom pa, ni mauuhaw pa man; ni hindi na sila tatamaan ng araw, o ng anomang init:”


  • Ano naman iyong Bagong Lupa?
 Alam din natin na ang unang lupa ay kung ano iyong tinutungtungan natin ngayon -  yari sa bato, buhangin, lupa, at putik.  Ngunit ang Bagong Lupa ay dalisay na ginto:

Apocalypsis 21:21  “…ang lansangan ng bayan ay dalisay na ginto, na gaya ng nanganganinag na bubog.”

Saan sa daigdig tayo makakakita ng lansangan na purong ginto na kumikinang na parang bubog o salamin?  Tama po, ang lalakaran ng tao doon ay ginto, at hindi na lupa.  At hindi lamang ang lansangan ang ginto kundi ang mismong bayan ay ginto rin:

Apocalypsis 21:18  “At ang malaking bahagi ng kuta niya ay jaspe: at ang bayan ay dalisay na ginto, na katulad ng malinis na bubog.”

Ang mga pintuan ng bayan ay yari sa mamahaling perlas:

Apocalypsis 21:21  “At ang labingdala-wang pintuan ay labingdalawang perlas; at bawa't pinto ay isang perlas;…”

Doon lamang tayo makakakita ng napakalaking perlas dahil ang bawat isang pintuan ng bayan ay isang perlas.  Maging ang kaniyang kinasasaligan ay yari sa mga mamahaling bato:

Apocalysis 21:19  “Ang mga pinag-sasaligan ng kuta ng bayan ay may pamuting sarisaring mahahalagang bato. Ang unang pinagsasaligan ay jaspe; ang ikalawa ay zafiro; ang ikatlo ay calcedonia; ang ikaapat ay esmeralda;  Ang ikalima ay sardonica; ang ikaanim ay sardio; ang ikapito ay crisolito; ang ikawalo ay berilo; ang ikasiyam ay topacio; ang ikasangpu ay crisopasio; ang ikalabingisa ay jacinto; ang ikalabingdalawa ay amatista.

Wala pang sinomang tao sa daigdig ang mayroong ganitong klase ng bahay, kahit gaano pa siya kayaman, o siya man ang itinuturing na pinakamayamang tao sa buong mundo.

Sa gitna ng bayan ay mayroong isang ilog na may tubig ng buhay, at ang punongkahoy ng buhay na inalis sa halamanan ng Eden noon ay doon din matatagpuan:

 Apocalypsis 22:1-2  “At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero, Sa gitna ng lansangang yaon. At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namu-munga ng labingdalawang iba't ibang bunga, na namumunga sa bawa't buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa.

Sa Bayang Banal, doon lamang malalasap ng taong maliligtas ang tunay na kapahingahan ng kaniyang kaluluwa, ang walang hanggang buhay sa piling ng Diyos at ng Panginoong Jesucristo.


  •  Gaano ba kalaki ang Bayang Banal?
 Ang sukat ng bayang banal ay ibinigay din ng Biblia, ating basahin:

Apocalypsis 21:15-16  “At ang nakiki-pag-usap sa akin ay may panukat na tambong ginto upang sukatin ang bayan, at ang mga pintuan nito, at ang kuta nito.  At ang pagkatayo ng bayan ay parisukat, at ang kaniyang haba ay gaya ng kaniyang luwang: at sinukat niya ng tambo ang bayan, ay labingdalawang libong estadio: ang haba at ang luwang at ang taas nito ay magkakasukat.”

Sabi ng Biblia, ang bayan ay parisukat [square] kung ano ang haba siya rin ang kaniyang luwang, ganun din ang kaniyang taas.  Ang sukat nito ay labingdalawang libong estadio.  Ano ang katumbas ng sukat nito?  Ating basahin sa Bibliang Ingles:

Revelations 21:16  “The city was perfectly square, as wide as it was long. The angel measured the city with his measuring stick: it was fifteen hundred miles long and was as wide and as high as it was long.” [Good News Bible]

Ang sukat ng haba at luwang niya ayon sa Bibliang Ingles ay 1,500 miles na katumbas na sa kilometro ay: 2,414 kms, kaya ang kabuoang area ng bayang banal ay 5.83 Million Square Kilometers

Napakaliit na sukat kung ikukumpara sa ating daigdig na may 148.4 Million Square Kilometers, at mas maliit pa ang bayang banal sa pinakamaliit na kontinente ng mundo na ito ang Australia na may 7.68 Million sq.km. At Malaki lamang siya ng kaunti sa bansang India na may 3.29 Million sq.km.

Kaya nga maliwanag na maliwanag na sa maliit na sukat na iyan ay tunay na ating mababatid na talagang hindi maliligtas ang lahat ng tao sa daigdig. Dahil kulang na kulang ang sukat na iyan upang magkasiya ang lahat ng tao.

  •  Maaari pa bang mag-asawa ang tao sa dakong iyon?
 Sasagutin tayo ng Panginoong Jesus:

Marcos 12:18-25 “May ilang Saduseo na lumapit kay Jesus upang magtanong. Ang mga ito ay nagtuturo na hindi muling mabubuhay ang mga patay. Sinabi nila,  "Guro, isinulat po ni Moises para sa atin, 'Kung mamatay ang kuya ng isang lalaki at ang asawa nito'y maiwang walang anak, siya ay dapat pakasal sa biyuda upang magkaanak sila para sa namatay.'  Mayroon pong pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, subalit siya'y namatay na walang anak.  Pinakasalan ng pangalawang kapatid ang biyuda subalit ito ay namatay ring walang anak. Ganoon din ang nangyari sa pangatlo.  Isa-isang napangasawa ng babae ang pitong magkakapatid at silang lahat ay namatay na walang anak. Sa kahuli-huliha'y ang babae naman ang namatay.  Kapag binuhay na muli ang mga patay  sa araw ng muling pagkabuhay, sino po ba sa pitong magkakapatid ang kikilalaning asawa ng babaing iyon, sapagkat silang lahat ay napangasawa niya?"
 “Sumagot si Jesus, "Maling-mali ang paniniwala ninyo, dahil hindi ninyo nauunawaan ang itinuturo ng Kasulatan at ang kapangyarihan ng Diyos.  Sa muling pagkabuhay, ang mga tao'y hindi na mag-aasawa; sila'y magiging katulad na ng mga anghel sa langit.” [MB]

Hindi na kailangan pa ng paliwanag hindi po ba? Sapat na ang malinaw na sagot ng Panginoong Jesus.

  •  Kung hindi makapapasok ang lahat ng tao, sino lamang ba ang makapapasok sa Bayang Banal?
Ang makapapasok lamang doon ay yung mga tao na ang kanilang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero:

Apocalypsis 21:25-27  “At ang mga pintuan niyaon ay hindi ilalapat kailan man sa araw (sapagka't hindi magkakaroon doon ng gabi): At dadalhin nila sa loob niyaon ang karangalan at kapurihan ng mga bansa: At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan: kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero.”

Makakapasok lamang doon ang isang tao kung ang kaniyang pangalan ay maisusulat sa aklat ng buhay sa langit. Kung wala roon ang pangalan ng isang tao siya ay ibubulid sa dagat-dagatang apoy:

Apocalypsis 20:15  “At kung ang sino-man ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagat-dagatang apoy.”

Kaya dapat matiyak ng isang tao kung ang kaniyang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay, dahil kung hindi makikita doon ang kaniyang pangalan ito ay mangangahulugan ng walang hanggang kapahamakan para sa kaniya.


  •  May halimbawa ba sa Biblia ng mga taong ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay?
 Kahit dito pa lamang sa buhay na ito ay maaari nang malaman at ang Biblia ay may ipinakilalang halimbawa:

Filipos 4:1,3  “Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinananabikan, aking katuwaan at putong, magsitibay nga kayo sa Panginoon, mga minamahal ko… Oo, ipinamamanhik ko rin naman sa iyo, tapat na kasama sa pagtulong, na iyong tulungan ang mga babaing ito, sapagka't sila'y nangagpagal na kasama ko sa evangelio, at kasama rin naman ni Clemente, at ng ibang aking mga kamanggagawa, na ang kanilang pangalan ay nangasa aklat ng buhay.”

Saan ba kabilang ang sinasabi ni Apostol Pablong ito na mga taong ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay?

Roma 12:5  “Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa't isa.”

Ang mga sangkap o kaanib ng katawan ni Cristo na siyang Iglesia [Colosas 1:18],  ay ang mga tao na ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay sa Langit.

 Maliwanag na kinakailangan na tayo ay maging sangkap o kaanib ng tunay na iglesia na ito nga ang Iglesia ni Cristo na tinubos niya ng kaniyang dugo:

Gawa 20:28  “Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo.” [Lamsa Version]

Kaya nga kung ating natitiyak na ang ating pangalan ay nakasulat na sa aklat ng buhay dahil sa pagiging kaanib natin sa tunay na iglesia, ay dapat natin itong ikagalak:

Lucas 10:20  “Gayon ma'y huwag ninyong ikagalak ito, na ang mga espiritu ay nagsisisuko sa inyo; kundi inyong ikagalak na nangasusulat ang inyong mga pangalan sa langit.”

Kaya kung nais nating masiguro na tunay tayong makararating sa Bayang Banal, hinding-hindi natin maiiwasan ang isang napakahalagang gampanin, na tayo ay kailangang mapabilang o maging kaanib ng tunay na Iglesia na siyang katawan ng ating Panginoong Jesucristo, sapagkat dito kabilang ang mga taong maliligtas sapagkat siyang tinubos ng dugo ni Cristo:

Acts 2:47  “Praising God, and having favour with all the people. And the Lord added to the church daily such as should be saved.” [King James Version]

Sa Filipino:

Gawa 2:47  “Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag ng Panginoon sa Iglesia araw-araw yaong mga maliligtas.”

Kabilang sa Iglesia ni Cristo ang mga taong maliligtas pagdating ng araw ng paghuhukom…


      



43 comments:

  1. Bro Aerial maari mo po bang gawan ng Paksa ang aral ng JW ito.

    Isang munting kawan lamang ng 144,000 ang aakyat sa langit at mamamahala kasama ni Kristo

    at paki paliwanag na din po ang mga talatang kanilang pinagbabatayan sa nasabing aral nilang ito.

    Luc. 12:32; Apoc. 14:1, 3; 1 Cor. 15:40-53; Apoc. 5:9, 10

    Salamat po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nasagot na po ba ito?

      Delete
    2. Hayaan mo kapatid, at bibigyan natin ng daan iyan sa susunod na pagkakataon, medyo hectic lang po ngayon ang ating schedule sa ating work.

      May sagot po ang INC sa isyu na iyan, hayaan po ninyo sa abot ng aking makakaya ay akin ise-share sa inyo.

      Salamat po.

      Delete
    3. 144,000 yan ang bilang ng tao na maliligtas sa pra sa mga israel lang poh yan..

      Delete
    4. kung bibilangin mo ang lahi ng mga hudyo na matuwid noon, hanggang ngayon at sa kasulukuyan. kukulangin yan ang 144ooo mo.

      kaya ano ba ang aral sa biblia tungkol sa 144,000? punta kyo sa web site www jw org.com

      Delete
    5. Revelation 7:4-7

      "Then I heard the number of those who were sealed: 144,000 from all the tribes of Israel.

      5 From the tribe of Judah 12,000 were sealed,

      from the tribe of Reuben 12,000,

      from the tribe of Gad 12,000,

      6 from the tribe of Asher 12,000,

      from the tribe of Naphtali 12,000,

      from the tribe of Manasseh 12,000,

      7 from the tribe of Simeon 12,000,

      from the tribe of Levi 12,000,

      from the tribe of Issachar 12,000,

      8 from the tribe of Zebulun 12,000,

      from the tribe of Joseph 12,000,

      from the tribe of Benjamin 12,000."

      Ang tinutukoy na 144,000 ay hindi symbolic number of people kundi 144,000 ang mga natatakan na MULA sa 12 TRIBES of Isarael noon. Sila ung mga napilig iligtas sa panahon na iyon. 3 kc ang panahon 1) panahon ng mga magulang 2) panahon ng mga propeta 3) panahon ng Kaniyang Anak (Panginoong Jesucristo) o ang tinatawag na “panahong Cristiano.” Ang 12 tribes at 144000 katao na maliligtas mula rito ay mula sa panahon ng mga magulang o panahon nila Moises.

      Delete
  2. Hayaan mo kapatid paghahandaan natin iyan ng isang magandang paksain.

    ReplyDelete
  3. Hello po ka Aerial, ako naman po ay nagagalak na may mga mababasang ganitong talakayan. Lalo pong nadaragdagan ang aking kaalaman at lalong nagiging matibay ang aking pananampalataya. Nawa'y ipagpatuloy nyo po ang magandang gawain at nawa'y madaming maakay na kaluluwa na makakapanumbalik sa Ama. Maaari nyo din po bang talakayin ung July 27, 1914? Meron po kasi akong inaakay, kwestyonable po sa kanya ung date na un dahil ang World War I daw po ay eksaktong July 28, 1914. Sana po ay matalakay din po nyo at upang maliwanagan din po siya. Pagpalain nawa po kayo ng Panginoon, ibigay sa inyo ang basbas at pagpapala. Maraming Salamat po..

    ReplyDelete
  4. mraming salamat po ka Aerial napaka-ganda po ng pagpapaliwanag.. lalo pong tumibay ang aking pananampalataya.. sna ay maraming tao ang mkabasa nito at maliwanagan sila.

    ReplyDelete
  5. Ka Aerial,
    Sa talata pong ito; Apocalypsis 21:21 “At ang labingdala-wang pintuan ay labingdalawang perlas; at bawa't pinto ay isang perlas;…” may koneksyon po ba yung labindalawang angkan sa labindalawang pintuan na mayroon sa Bayang Banal? pano po yung mga naidaragdag na maliligtas na sinabi rito; Gawa 2:47 “Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag ng Panginoon sa Iglesia araw-araw yaong mga maliligtas.”? Hinhintayin ko po ang kasagutan :)

    -ka Andrei

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang labingdalawang pintuan ay kumakatawan sa LABINGDALAWANG angkan ni ISRAEL pero hindi nangangahulugan na sila lamang ang MAKAKAPASOK sa BAYANG BANAL.

      Binanggit ng Biblia ang mga salitang ito:

      Apoc 7:9 "Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang LUBHANG KARAMIHAN na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay;"

      Kaya hindi lamang po LIPI ng LAHING ISRAEL ang maaaring makapasok diyan dahil ang lahat ng mga taong nakasulat ang pangalan sa AKLT NG BUHAY sa LANGIT ay siyang MAKAKAPASOK:

      Apoc 21:27 “At HINDI PAPASOK doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan: KUNDI YAON LAMANG NA MGA NAKASULAT SA AKLAT NG BUHAY NG CORDERO.”

      Sana nakatulong ang ating sagot,

      God bless po kapatid...


      Delete
  6. Mali ang iyong nasabi kaibigan na labingdalawa ang pintuan ng TEMPLO ng kaharian ng Diyos.Sa katutuhanan ay TATLO lamang ang pintuan ng TEMPLO at napakalaeak at sa isang pintuan ay nahahati ng tig aapat na pinto kaya naging labingdalawa ngunit ang talagang pintuan ng TEMPLO ay TATLO lamang kaibigan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nagkakamali po kayo, hindi po TEMPLO ang tinutukoy diyan na may LABINDALAWANG PINTUAN kundi ang BAYANG BANAL, hindi po Templo ang BAYANG BANAL.

      Wala pong TEMPLO diyan, narito katunayan:

      Rev 21:22 “AT HINDI AKO NAKAKITA NG TEMPLO DOON: sapagka't ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, at ang Cordero ay siyang templo doon.”

      Wala pong TEMPLO sa BAYANG BANAL.

      Delete
  7. ka aerial pwede mo po bang sagutin ang komento ng mga saksi sa talatang ito.

    Isaias 24:19-20 “Ang daigdig ay tuluyang mawawasak, sa lakas ng uga ito'y mabibiyak. Ang lupa'y tulad ng lasenggong pasuray-suray at kubong maliit na hahapay-hapay, sa bigat ng kasalanang kanyang tinataglay, tiyak na babagsak ang sandaigdigan at hindi na babangon magpakailanman.” [MB]


    hindi daw ang lupa daigdig ang tinutukoy jan kung itutuloy-tuloy ang pagbasa.

    salamat po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung hindi itong daigdig iyan, eh ano daw iyan? Hindi ba nila sinabi sa iyo kung ano?

      Delete
    2. eto yung sinasabi nilang karugtong..



      Isaiah 24:19-23,19,20,21,22,23
      19 Ang lupa ay nagibang lubos, ang lupa ay lubos na nasira, ang lupa ay nakilos ng di kawasa.

      20 Ang lupa ay gigiray na parang lango, at mauuga na parang dampa; at ang kaniyang pagsalangsang ay magiging mabigat sa kaniya, at mabubuwal, at hindi na magbabangon.

      21 At mangyayari, sa araw na yaon, na parurusahan ng Panginoon ang hukbo ng mga mataas sa itaas, at ang mga hari sa lupa sa ibabaw ng lupa.

      22 At sila'y mangapipisan, gaya ng mga bilanggo na mangapipisan sa hukay, at masasarhan sa bilangguan, at pagkaraan ng maraming araw ay dadalawin sila.

      23 Kung magkagayo'y malilito ang buwan, at ang araw ay mapapahiya; sapagka't ang Panginoon ng mga hukbo ay maghahari sa bundok ng Sion, at sa Jerusalem; at sa harap ng kaniyang mga matanda ay may kaluwalhatian.

      Delete
    3. Kahit basahin ko sa ENGLISH eh, maliwanag na iyan ay ang mundong ito:

      Isaiah 24:19 “The EARTH will crack and shatter and split open.”

      Isaiah 24:20 “The EARTH itself will stagger like a drunk, sway like a hut in a storm. The WORLD is weighed down by its sins; it will collapse and never rise again.”

      Isaiah 24:21 “A time is coming when the LORD will punish the powers above and the rulers of the EARTH.”

      Isaiah 24:22 “God will crowd kings together like prisoners in a pit. He will shut them in prison until the time of their punishment comes.”

      Isaiah 24:23 “THE MOON WILL GROW DARK, AND THE SUN WILL NO LONGER SHINE, for the LORD Almighty will be king. He will rule in Jerusalem on Mount Zion, and the leaders of the people will see his glory.” [Good News Bible]


      Kung hindi DAIGDIG o LUPANG ito ang tinutukoy diyan, ANO DAW iyan? Sana tinanong mo sa kanila kung ano ang tinutukoy diyan na "EARTH" na magigiba?

      Delete
    4. sino ba na earth ang tinutukoy sa talata?literal ba yan o simbolical?

      basahin natin sa talata kung anong klasing lupa ang mawawasak?

      isaias 24:21-at mangyari sa araw na yaon na paparusahan ng panginoon ang hukbo ng mga itaas at mga hari sa lupa sa ibabaw ng lupa.

      sinong paparusahan sa talata na ito?ang literal na lupa ?o yong mga mapagmataas na hari?

      basahin natin ang rev 11:18" at upang ipahamak mo ang mga nagpapahamak ng lupa"

      sino ba ang nagpapahamak sa lupa?

      genesis 6:11-12 at sumama ang lupa sa harap ng DIOS at ang lupa ay napuno ng karahasan 12, at tiningnan ng DIOS ang lupa at narito sumama sapagkat pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa.

      so malinaw ang mg tao pala ang paparusahan ng DIOS.


      ano naman ang sabi sa ibang talata mawawasak ba ang literal na lupa?

      ECC 1:4-isang salin ng lahi ay yumayaon at ibang salin ng lahi ay dumarating ngunit ang lupa ay nananatili magpakailan man.

      punta tayo sa isaias: isaias 45:18 sa pagkat ganito ang sabi ng panginoon na lumikha ng langit na syang DIOS na nag anyo ng lupa at gumawa niyaon na kanyang itinatag at hindi niya nilikha na sira na kanyang inanyuan upang tahanan:

      kita nyo?ang layunin ng DIOS sa lupa ay para tirahan hindi para sunugin.

      Delete
    5. sa biblia ang lupa minsan ay nagkahulogang mga tao.

      genesis 11:1- at ang buong lupa ay iisa ang wika at iisa ang salita.

      isaias 1:2-dinggin mo oh langit at pakinggan mo "oh lupa" sapagkat sinalita ng panginoon akoy nagalaga at nagpalaki ng mga bata at silay nangangahimagsik laban sa akin.


      kaya kaming mga jw maka indintify kami kung alin ang literal at simbolical.

      Delete
    6. Sana naman po buksan nga mga INC ang kanilang mga puso't isipan sa mga paksang kagaya neto.

      Dagdag ko lang po, kung ano man po ang unang layunin ng diyos na Jehovah sa daigdig noon ay siya ring layunin nya hanggang ngayon. Pansinin po natin ang textong ito;

      Malakias 3:6
      6 “Sapagkat ako ay si Jehova; hindi ako NAGBABAGO. At kayo ay mga anak ni Jacob; hindi pa kayo dumarating sa inyong katapusan.

      At hindi po sinungaling ang ating diyos na Jehovah sa pagtupad sa mga pangako nya;

      Tito 1:2
      salig sa pag-asa sa buhay na walang hanggan+ na ipinangako ng Diyos, na hindi makapagsisinungaling,+ bago pa ang lubhang mahabang mga panahon,

      Makakaasa tayong ang lupang tinitirhan natin ngayon ay hindi mawawasak, sapagkat ito'y gawa ng ating diyos at paghaharian ni Kristo Jesus. Pansinin po natin ang iba pang mga texto sa bibliya na makakapagpatunay na ang lupang tinitirhan natin ngayon ay mananatili;

      Awit 72:16
      16 Magkakaroon ng saganang butil sa lupa;+ Sa taluktok ng mga bundok ay mag-uumapaw.+ Ang kaniyang bunga ay magiging gaya ng sa Lebanon,+ At yaong mga mula sa lunsod ay mamumulaklak na tulad ng pananim sa lupa.+

      Awit 37:11
      1 Ngunit ang maaamo ang MAGMAMAY-ARI NG LUPA,+ At makasusumpong nga sila ng masidhing kaluguran sa kasaganaan ng kapayapaan.+

      Isaias 45:18
      18 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova, na Maylalang ng langit,+ Siya na tunay na Diyos,+ na Tagapag-anyo ng lupa at Maylikha nito,+ Siya na nagtatag nito nang matibay,+ na hindi niya nilalang na walang kabuluhan, na nag-anyo nito upang tahanan:+ “Ako ay si Jehova, at wala nang iba pa.

      Eto po ang tinutukoy na paraiso;

      Isaias 11:6-9
      6 At ang lobo ay tatahan ngang sandali kasama ng lalaking kordero,+ at ang leopardo ay hihigang kasama ng batang kambing, at ang guya at ang may-kilíng na batang leon+ at ang patabaing hayop ay magkakasamang lahat;+ at isang munting bata lamang ang mangunguna sa kanila. 7 At ang baka at ang oso ay manginginain; ang kanilang mga anak ay magkakasamang hihiga. At maging ang leon ay kakain ng dayami gaya ng toro.+ 8 At ang batang sumususo ay maglalaro sa lungga ng kobra;+ at sa siwang ng liwanag ng makamandag na ahas ay ilalagay nga ng batang inawat sa suso ang kaniyang kamay. 9 Hindi sila mananakit+ o maninira man sa aking buong banal na bundok;+ sapagkat ang lupa ay tiyak na mapupuno ng kaalaman kay Jehova gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.+

      SA PANAHONG ETO, DI NA PO TAYO MATATAKOT SA MGA HAYOP NA SA NGAYON AY MABABANGIS PA.

      Isaias 33:24
      24 At walang sinumang tumatahan ang magsasabi: “Ako ay may sakit.”+ Ang bayan na mananahanan sa lupain ay yaong mga pinagpaumanhinan sa kanilang kamalian.+

      Eclesiastes 1:4
      4 Isang salinlahi ang yumayaon,+ at isang salinlahi ang dumarating;+ ngunit ang lupa ay nananatili maging hanggang sa panahong walang takda.

      At pansinin nyo rin po ang textong susunod na sigurado akung saulado nyo rin po eto;

      Mateo 6:10
      10 Dumating nawa ang iyong kaharian.+ Mangyari nawa ang iyong kalooban,+ kung paano sa langit, gayundin sa lupa

      Sinabi po diyan na dumating nawa ang iyong kalooban kung paano sa LANGIT, gayundin sa LUPA --pansinin nyo po, ganito tayo dapat manalangin. Ang paghiling sa diyos ng kanyang kalooban sa LANGIT at sa LUPA. So papaano po nangyari na mapapasalangit po ang lahat ng mabubuting tao? Alalahanin po natin, wala pong kontradiksyon ang bibliya, kaya sana po laliman natin ang ating mga pang-unawa mga kaibigan at magtanong po tayo kung may hindi po tayo naiintindihan.

      Sa mga textong nasa taas, kung patuloy pong ipagdidiinan nga mga Iglesia ni Cristo na wawasakin po talaga ang lupa, ang tanong ko lang po at sana po may makasagot para maliwanag po sa akin na naniniwala sa Paraisong Lupa; ANO PO ANG PALIWANAG NYO SA MGA TALATANG IYAN? KUNG SASABIHIN NYO PONG SIMBOLIKO LANG ANG MGA YAN, PWEDE PO BANG MAGBIGAY KAYO NG PALIWANANG ISA-ISA SA MGA TALATA?

      Sana naman po pagbigyan nyo po ang aking mga katanungan mga kaibigang IGLESIA NI CRISTO. Marami po ang nag aabang sa inyong mga kasagutan.

      Salamat.

      Delete
    7. Karagdagang teksto po na magpapatibay na mananatili ang lupa;

      Psalm 115:16
      16 As for the heavens, they belong to Jehovah, But the earth he has given to the sons of men.

      Psalm 104:5
      5 He has established the earth on its foundations; It will not be moved from its place forever and ever.


      Isaiah 65:21-23
      21 They will build houses and live in them, And they will plant vineyards and eat their fruitage.
      22 They will not build for someone else to inhabit, Nor will they plant for others to eat. For the days of my people will be like the days of a tree, And the work of their hands my chosen ones will enjoy to the full.
      23 They will not toil for nothing, Nor will they bear children for distress, Because they are the offspring made up of those blessed by Jehovah, And their descendants with them.

      Psalm 37:29
      29 The righteous will possess the earth, And they will live forever on it.

      PAKISALIN PO SA INYONG SARILING SALIN MGA IGLESIA NI CRISTO.

      Salamat po..

      Delete
  8. natupad na daw yan nung 9/11

    ReplyDelete
  9. ANO ANG LAYUNIN NG DIYOS PARA SA LUPA?

    Ang paksa rito tungkol sa BAGONG LANGIT at BAGONG LUPA ay naging malabo sa diwa na mali ang pagkakapit sa mga tekstong nabanggit. Ang dalawang termino ay pinag-isa sa kahulugan, na parehong tumutukoy sa iisang dako--ang LANGIT. Nawalan tuloy ng kahulugan ang BAGONG LUPA.

    Hindi nakatutulong ang pagiging literal sa pag-unawa sa mga nababasa sa Bibliya. Katulad na lang ng mga unang tekstong binanggit: Ecclesiastes 2:22-23, Isaias 24:19-20, at 2 Pedro 3:7; binasa ko naman ang mga bersikulong ito, pero wala akong nakitang ideya rito ng pagkawasak ng lupa. Kung titingnan sa konteksto, ipinakikita lamang ng mga ito na TAO ang may kagagawan kung bakit nabubuhay tayo ngayon sa pagdurusa at kasamaan. Anumang kapighatiang nararanasan natin ngayon, hindi ito kagagawan ng LUPA.

    Sabihin pa, ang salitang LUPA ayon sa pagkakagamit sa Bibliya ay may magkakaibang kahulugan depende sa konteksto. Pero ang lahat ng ito ay nagbibigay ng ideya sa ating planetang LUPA na kaiba sa LANGIT.

    Sa Hebreong Kasulatan, ang salitang ginagamit para sa lupa bilang planeta ay ʼe′rets. Ang ʼe′rets ay tumutukoy sa (1) lupa, bilang kabaligtaran ng langit, o kalangitan (Gen 1:2); (2) lupain, bayan, teritoryo (Gen 10:10); (3) lupa (ground), ibabaw ng lupa (Gen 1:26); (4) mga tao sa buong globo (Gen 18:25).

    Ang salitang ʼadha·mah′ ay isinasaling “lupa” o “lupain.” Ang ʼadha·mah′ ay tumutukoy sa (1) lupang sinasaka, na nagbubunga ng pagkain (Gen 3:23); (2) piraso ng lupa, ari-ariang lupa (Gen 47:18); (3) lupa bilang materyal na substansiya (Jer 14:4; 1Sa 4:12); (4) nakikitang ibabaw ng lupa (Gen 1:25); (5) lupain, teritoryo, bayan (Le 20:24); (6) buong lupa, tinatahanang lupa (Gen 12:3). Maaaring ang ʼadha·mah′ ay nauugnay sa salitang ʼa·dham′, na ginamit upang tumukoy sa unang taong si Adan, yamang ginawa siya mula sa alabok ng lupa.—Gen 2:7.

    Sa Griegong Kasulatan, ang "ge" ay tumutukoy sa lupa bilang sakahang lupain. (Mat 13:5, 8) Ginagamit ito upang tumukoy sa materyales na ginamit sa paggawa kay Adan, lupa [earth] (1Co 15:47); sa makalupang globo (Mat 5:18, 35; 6:19); sa lupa bilang tahanan ng mga taong nilalang at mga hayop (Luc 21:35; Gaw 1:8; 8:33; 10:12; 11:6; 17:26); sa lupain, teritoryo (Luc 4:25; Ju 3:22); sa lupa [ground] (Mat 10:29; Mar 4:26); sa lupain, baybayin, na ipinag-iiba sa mga dagat o mga katubigan. (Ju 21:8, 9, 11; Mar 4:1).

    Ang lahat ng mga terminong ito ay nagpapatunay na ang mga ganitong bagay ay hindi umiiral sa LANGIT. Anumang tila pisikal na bagay na binabanggit sa Bibliya na sinasabing nasa langit, tulad ng mababasa sa Apocalipsis 21:10-21, ay nagpapakita lamang ng maringal at perpektong pamamahala na gagawin sa langit. Walang pisikal na bagay sa langit, kung paanong wala ring makalamang tao ang nakatira sa langit.

    Isa pa, binabanggit sa Apocalipsis 22:1, 2 ang mga pananalitang ito:
    "At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Corderdo. Sa gitna na lansangang yaon, at sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba't ibang bunga, na namumunga sa bawat buwan; at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa."

    May ilog na nakikita si Juan sa pangitan na sinasabing ang agos nito ay palabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero. Nangangahulugan ito na palabas ito sa mismong templong iyon. Saan ngayon patungo ito? Ang dinadaan ng ilog na ito ay may mga punungkahoy na mabunga, at ang mga punong ito ay nagsisilbing "pangpagaling sa mga bansa." Sa madaling sabi, ang ilog ng buhay ay umaagos patungo sa mga bansa, oo, ililigtas din ng Diyos yaong mga naninirahan sa lupa upang ang mga tao rin naman ay makawala sa kasalanan at kamatayan at magtamo ng buhay na walang hanggan. (Juan 1:29; 1 Juan 2:1, 2)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ok bro.ang ganda ng paliwanag mo...yan po ang may patnubay ng banal na espiritu...hehehe...wag kasi tayo umunawa ng word 4 word nalang...kasi alam naman natin na ang banal na kasulatan ay matalinghaga...

      Delete
  10. bro.aerial, totoo ngang npakaliit ang sukat, pero nd 4rket maliit
    eh d na tau magkakasya siguro my dahilan ang diyos kung bakit
    5.83million square kilometers lang yan.Oo d nga laht e maliligtas
    sa dami-dami ng mababait noon mula pa kila eba at adam hangang
    ngaun eh hnd b magkakasya yan?? magkakasya lahat yan kasama pa q

    e2 basahin mo...
    APOCALIPSIS 7:9
    ang Dating biblia
    “Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang
    isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa
    bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika,
    na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na
    nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang
    mga kamay;
    pnakita yan ng panginoon kay sanjuan kung anu ang hinaharap.

    db? luhang karamihan na di mabilang ng sinoman.. kulang b ang
    sukat pra magkasya ang tao??
    wag mong kc smalling ang gawa ng diyos na khit maliit eh d na
    magkakasya kahit gaano pa karami ni hnd na nga mabilang ng
    sinoman e nagkasya parin ;)

    isa pa bro. ung mga maliligtas poh hnd na po tao un kahalintulad
    na ng anghel na pwedeng pumaroon sa langit at pumunta sa lupa..
    e2 talata..
    Lucas 20:36
    36 Hindi na rin sila mamamatay sapagkat matutulad sila sa
    mga anghel. Sila'y mga anak ng Diyos dahil sila'y napabilang
    sa mga muling binuhay. amen

    ReplyDelete
  11. noong hindi pa naganap ang pag buhos ng baha sa lupa sa panahon ni noe nasukat ba nila ang lupa?

    sa palagay nyo kaya ang DIOS MAY KAPANGYARIHAN na alamin na ang mga matuwid ay makakasya sa lupa?


    yong mga desert, mga bundok , mga lupa na tinayoan ng mga pabrika at mga libingan kasali bayan na sinukat?

    kung ang maliligtas hindi na tao maging angel na,ibig bang sabihin pagkatapos ng paghuhukom wala ng human being?

    kung ang taong maliligtas gaya na sila ng mga angel,
    bakit si cristo sa inyoy tao parin?


    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
    2. Hindi kami ang nagsasabi na tao siya..inuulit lang namin ang sinasabi ng mga anghel na nakasulat sa banal na kasulatan.. inuulit lang naman namin ang sinasabi gaya ng nasusulat sa...

      MGA AWIT 80:17
      17Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan. Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili.

      Delete
  12. tnong ko lang po ka aerial, magkakakilala pa po ba ang mga magkakamag-anak, kapag nakapunta sa bayang banal o blanco na ang kanilang utak?

    ReplyDelete
    Replies
    1. para mo naman sinabi na walang utak ang mga Banal sa kalangitan bro..

      ..hindi na po sila magkakakilala.

      Delete
  13. kung halimbawa po ka aerial,nagbabalik ka po sa tungkulin at naabutan ka po ng paghuhukom....maliligtas kapo ba o kung hindi namn po nakabalik sa tungkulin mo at masigla ka nlng po sumasamba?maliligtas po ba?sana po masagot nio...salamat po.

    ReplyDelete
  14. Matagal na po akong curious dito sana po masagot nyo po talaga. Pano po ang pamilya ko sa langit? I mean magkikita at makikilala pa po ba naman ang isat isa. Ayun lang po salamat po

    ReplyDelete
  15. MATALINGHAGA, KAILANGAN NG LOHIKAL AT TAMANG INTERPRETASYON. Walang ibang lubos na makakaunawa sa mga pakahulugan o interpretasyon kundi ang mga nasa tunay na kogregasyon na kay Kristo. At maging ng taimtim na tumatanggap at naghahanap ng katotohanan.

    PALIWANAG:

    Una, gaya ng mga naunang nabanggit na, na ang bilang na 144,000 na munting kawan na siyang aakyat sa langit ay nakabilang diyan ang ilan sa mga "Apostol" na siyang kausap ng panginoon sa
    -JUAN 14:2-3.

    Pangalawa, patungkol sa binanggit na "Silid" o "Dako" na inihanda para sa kanila ay wala naman tutol diyan oo mayroon, ngunit kailangan natin ng tamang interpretasyon dahil maging ang Diyos sa langit ay may sariling dako "Nakaluklok sa kanyang trono". Nagtalaga parin ang panginoon ng dako o silid para sa kanila KAHIT NA SILA AY MGA ESPIRITU NA NILALANG na hindi nangangailangan na kumain,uminom,umihi,dumumi, mapagod at matulog (bagay na para sa tao lamang na may katawang laman).
    (-AWIT 115: 16)

    Sabi ng panginoon na "Ako ay babalik/darating,upang kayo'y makapiling kung saan ako naroroon". Bagaman mga apostol ang kausap niya ay tumutukoy din ito sa kabuuan ng munting kawan na 144,000. Dahil ang ilan sa kanila ay may nabubuhay pa sa lupa hanggang sa pagbabalik ng Panginoon, at sa mga natitirang buhay na bahagi ng 144,000 ay "aagawin sa alapaap" at sila ay di na kailangang dumanas pa ng kamatayan. -1 TESALONICA 4: 17. Dahil sa matalinghaga na mga pananalita ng panginoon at maging ng karamihan sa mga talata sa banal na kasulatan, nangangahulugan ito ng "Inilaan niyang dako para sa kanilang lahat na bahagi ng munting kawan". Dahil sila ay mga saserdote ng Diyos at mamamahala sila bilang mga hari sa ibabaw ng lupa. -APOCALIPSIS 5: 9 at 10 . Kapag ganap ng kompleto ang kabuuan ng 144,000 ay makakasama na nila si Kristo na maghahari sa langit at sa ibabaw ng lupa, ito ang tamang interpretasyon sa "BAGONG LANGIT". sa malaking pulutong ng kawan na kailangan din dalhin (dalhin sa kaligtasan) ay nauukol naman sila sa makalupang pag-asa na mabuhay magpakailanman. At kung ito ay maganap na ito ang "BAGONG LUPA". dahil ang dating langit at dating lupa at mga dating bagay ay lumipas na. Ito ay katuparan ng panalangin sa -MATEO 6: 9 at 10⤵

    "9. Manalangin kayo, kung gayon, sa ganitong paraan:“ ‘Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan ("יַהְוֶה ").
    10. Dumating nawa ang iyong KAHARIAN. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa LANGIT, gayundin sa LUPA".

    ReplyDelete
    Replies
    1. MATALINGHAGA, KAILANGAN NG LOHIKAL AT TAMANG INTERPRETASYON. Walang ibang lubos na makakaunawa sa mga pakahulugan o interpretasyon kundi ang mga nasa tunay na kogregasyon na kay Kristo. At maging ng taimtim na tumatanggap at naghahanap ng katotohanan.

      APOCALIPSIS 21:1 “At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang 'DAGAT' ay wala na.”

      PALIWANAG:

      Inihalintulad ni Isaias ang balakyot na mga tao sa lupa, ang mga karamihan na hiwalay sa Diyos, sa “DAGAT" na umaalimbukay, kapag hindi ito humuhupa, na ang tubig nito ay patuloy na nag-aalimbukay ng damong-dagat at lusak.” (ISAIAS 57:20) Sa Apocalipsis 17:1, 15, ang “mga tubig” na “kinauupuan” ng Babilonyang Dakila ay sinasabing nangangahulugan ng “mga bayan at mga pulutong at mga bansa at mga wika.” Humula pa si Isaias ukol sa Sion na “babae” ng Diyos: “Sapagkat sa iyo ay pupunta ang kayamanan ng DAGAT; ang mismong yaman ng mga bansa ay paroroon sa iyo.” (ISAIAS 59:20; 60:1, 5) Waring nangangahulugan ito ng pagbaling ng maraming tao mula sa mga karamihan sa lupa tungo sa makasagisag na “babae” ng Diyos.

      Inilarawan ni Daniel ang apat na “hayop” na umahon “mula sa DAGAT” at isiniwalat niya na ang mga ito ay sumasagisag sa pulitikal na mga hari o mga kaharian. (DANIEL 7:2, 3, 17, 23) Sa katulad na paraan, tinukoy ni Juan ang isang “mabangis na hayop na umaahon mula sa DAGAT,” samakatuwid nga, mula sa napakalaking bahaging iyon ng sangkatauhan na hiwalay sa Diyos; at dahil bumanggit siya, sa makasagisag na pananalita, ng mga diadema at ng isang trono, muling naiugnay sa hayop na ito na nagmula sa “DAGAT” ang ideya ng isang pulitikal na organisasyon. (APOCALIPSIS 13:1, 2) Nakita rin niya sa pangitain ang panahon kung kailan magkakaroon ng “isang bagong langit at isang bagong lupa” at kapag “ANG DAGAT,” samakatuwid nga, ang maliligalig na karamihan ng mga tao na hiwalay sa Diyos, ay "WALA NA".​
      —APOCALIPSIS 21:1.

      Delete
    2. This comment has been removed by the author.

      Delete
    3. This comment has been removed by the author.

      Delete
    4. This comment has been removed by the author.

      Delete
    5. 3. Ang mga pananalita sa bibliya ay matalinghaga at madalas symbolical. Kaya ang salitang pagtupok o paglipol sa apoy ay katumbas ng lubos na pagkapuksa o di na muling pag-iral... Katulad ng pananalita sa bibliya na: Sa panahon ng pag-ani ay ihihiwalay ang trigo sa damo at ang damo ay susunugin (MATEO 13:30)... Ibig sabihin ng trigo ay ang mabubuting tao o lingkod ng Diyos samantalang ang damo ay mga masasama o balakyot at ang apoy ay kumakatawan sa pagkapuksa (MATEO 13:36-40) ... Sa pamamagitan ng apoy ang katumbas ng paglipol/pagtapos/pagbaon sa limot sa isang masamang tao, bagay, lugar o ng isang grupo o organisasyon ang pagkapuksa o di na muling pag-iral pa... Na binabanggit sa mga talata ng bibliya ay "Lilipulin sa Apoy"... Kahit gaano pa ito kainit halimbawa, kung tungkol sa literal na sakit, hapdi o kirot na dadanasin sa apoy ay wala ng mararamdaman pa ang makasalanang namatay na (ECLESIASTES 9:5; AWIT 146:4; EFESO 5:14).... Kundi, wala ng ikikirot pa sa hindi na mabibigyan ng pagkakataon para umiral muli o mabuhay pa. Samakatuwid baga'y ang parusa ng isang masama sa pamamagitan ng apoy ay ang "IKALAWANG KAMATAYAN" sa dagat-dagatang apoy ang pagkapuksa o hindi na muling pag-iral pa. Ang hapdi o kirot ay ginagamit din bilang sagisag. Kasuwato ito ng mga konteksto sa (MATEO 13: 24-30) (MATEO 13: 36-40) (GAWA 2:24) (AWIT 97:4) (AWIT 77:16) (AWIT 114:7)

      PALIWANAG: Ang salitang Hebreo na ginamit sa Kasulatan na [chai·yimʹ], at ang salitang Griego ay [zo·eʹ]. Ang salitang Hebreo na [neʹphesh] at ang salitang Griego na [psy·kheʹ], kapuwa nangangahulugang “KALULUWA,” ay ginagamit din upang tumukoy sa "BUHAY", hindi sa diwang abstrakto, kundi sa buhay bilang isang persona o hayop.

      Nagkakatalo lang sa interpretasyon ang ibang relihiyon na ang lahat ng tao kapag namatay daw ay may "ESPIRITU [greek: pneuʹma] [hebrew: ruʹach] daw na hihiwalay sa katawan ng tao... Ang sabi sa talata sa bible na ang taong namatay ay walang alam o sa ibang talata ay natutulog (ECLESIASTES 9:5; AWIT 146:4; EFESO 5:14). Kasuwato lang na ang hihiwalay sa katawan ng isang tao na namayapa na ay ang kanyang mismong "BUHAY". Kung may mga taong hihiwalay ang espiritu pagkatapos mamatay ay sila yun mga makakasama ni Kristo sa langit at sila ay binili at may takdang bilang na 144,000 ang munting kawan (APOCALIPSIS 7: 4) (APOCALIPSIS 14: 3).

      Samantalang ang malaking kawan o malaking pulutong ay kailangan ding iligtas o isama sa kaharian at sila naman ang magmamana sa lupa -APOCALIPSIS 7: 9... Ang tinutukoy sa bibliya na "Ang malaking pulutong o kawan" na sinabi ni Kristo na kailangan din niyang dalhin sa kanyang kaharian ay kailangan natin dito ng logical na interpretasyon... Hindi ba't ang kaharian ng Diyos ay binanggit sa panalangin na gawin ang kanyang kalooban kung paano sa LANGIT, gayon din naman sa LUPA (MATEO 6: 10)... At magkakagayon nga na darating ang araw na iyon na ang lahat ng kalooban ng Diyos ay mangyayari sa LANGIT at maging sa LUPA... Patungkol naman sa "BAGONG LANGIT" at sa "BAGONG LUPA" ay hindi literal na panibagong paglalang na naman ng Diyos na parang sa una na naganap sa genesis o nang noong lalangin sa pasimula ang langit at lupa, kailangan dito ng lohikal at tamang interpretasyon... Na ang ibig sabihin lamang ng makasimbulong pananalitang iyan sa apocalipsis ay:
      BAGONG LANGIT = Bagong kaayusan na magaganap sa langit...Bakit? Dahil kapag ganap ng buo ang bilang ng mga binili na 144,000 mga makakasama ni Kristo sa kaharian sa langit bilang mga saserdote ng Diyos (1 TESALONICA 4:17). Bakit sila lang ang binili at hindi lahat ng mabubuti?... Dahil may takdang bilang ang binili na mga magiging saserdote ng Diyos. Kahit naman noon nasa lupa si Kristo ay 13 lang ang apostol at iyon ay ayon sa napili niya...

      Delete
    6. BAGONG LUPA = Bagong kaayusan sa lupa. Ito ay bagong gobyerno at bagong pamamahala na paghaharian ni Kristo at ng munting kawan. Sa panahong darating na maghahari na sa lupa si Kristo kasama ang mga saserdote ng Diyos "Ang Munting Kawan" (APOCALIPSIS 11:15). Dahil sa langit pa lamang naghahari si Jesus simula noong 1914 ayon na rin sa katuparan ng mga hula ng banal na kasulatan (MATEO 24:3,7,8) (LUCAS 21:11)... Kapag dumating ang panahon na kumpleto na ang bilang ng binili (Fast Tence kasi yun binanggit na talata sa APOCALIPSIS 5: 9-10 at sa APOCALIPSIS 7:4 na "BINILI" at "NATATAKAN" pero ito ay isang pangitain kaya madami pang hindi nagaganap doon o mangyayari pa lamang sa hinaharap, sinabi na "BINILI" at "NATATAKAN"dahil naihula na ng propeta sa pasimula). Bakit di pa kumpleto? DAHIL SA PAGTALIKOD NG ISRAEL SA DIYOS at di pa ganap na natatapos ang pagpili o sa pagbili sa mga kabilang sa 144,000 (DANIEL 9:11)(DANIEL 4: 23-26)(ISAIAS 10:21, 22) (ROMA 9:27) Bagaman sinabi ng bibliya na bibilhin ang 144,000 sa tribu ni Abraham ay di ibig sabihin natapos na iyon noong panahong iyon... Maagang tumalikod ang Israel at may yugto ng panahon na walang tunay na kristiyano o tunay na lingkod ang Diyos... Ngunit ang tribu ni Abraham ay nagpatuloy ng lahi (kasama tayo)... Kaya ang pagbili sa bahagi ng 144,000 mula sa Israel sa tribu ni Abraham ay nagpapatuloy hanggang sa ngayon dahil ito ay para sa Diyos mula sa bawat tribo at wika at bayan at bansa (APOCALIPSIS 5: 9 at 10). Kaya ang pagbili ay hindi nagtatapos sa bansang Israel lamang... Opo, dahil ang tunay na sangkakristiyanuhan ay muling nabuhay sa panahon ng tinatawag na "Mga Huling Araw" na nagsimula noong taong 1914 (MATEO 24: 3,7,8) (LUCAS 21:11. Kaya ang anak ni Israel ay makasagisag, maituturing na nagpapatuloy hanggang sa ngayon.
      May natitira pa na buhay sa bilang ng kabuuan ng 144,000 hanggang sa pagsapit ng tinatawag sa bibliya na "Armagedon" (APOCALIPSIS 16:16)... Pagsapit ng armagedon ang mga nalalabing buhay na bahagi ng 144,000 ay aagawin sa alapaap (1 TESALONICA 4:17)... Ang pagiging hindi pa ganap na kompleto ng 144,000 ay kasuwato ng konteksto sa 2 PEDRO 3: 13-- "Ngunit may MGA BAGONG LANGIT at ISANG BAGONG LUPA na ating HINIHINTAY ayon sa kaniyang PANGAKO, at sa mga ito ay tatahan ang katuwiran". Ang "MGA BAGONG LANGIT" ay maaring tumukoy din mismo sa "MUNTING KAWAN" at gayundin naman sa "MALAKING PULUTONG" ay maaring tumukoy sa "BAGONG LUPA".

      Dapat lubos na malaman ng iba na ang kaharian ng Diyos ay pambuong sansinukob, na nakapaloob dito ang "Langit" at ang "Lupa" kaya samakatuwid baga'y iyan ang kaharian na tinutukoy sa panalangin sa "MATEO 6: 9 at 10".⤵

      "9. Manalangin kayo, kung gayon, sa ganitong paraan:“ ‘Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan ("יַהְוֶה ").


      10. Dumating nawa ang iyong KAHARIAN. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa LANGIT, gayundin sa LUPA".

      Delete
    7. Ang orihinal na plano o layunin ng Diyos ay sinira ni satanas sa pamamagitan ni Adan at Eba (GENESIS 2:16,17) (GENESIS 3:6,17) (SANTIAGO 1:14,15) (ROMA 5:12... Diyos din ang nagbigay sa tao ng pagkakaton para muling mabuhay ang tao sa pagtubos ni Kristo sa kasalanan (JUAN 3:16) (MATEO 20:28) (EFESO 1:7) ... Samakatuwid baga'y, ang orihinal na plano o layunin ng Diyos ay matutupad din... Na sa pasimula ang langit ay para sa mga espiritung nilalang at ang lupa naman ay para sa nilikha niya ayon sa kaniyang wangis: Ang Tao... (AWIT 115: 16) (GENESIS 1:26,27)

      Delete
    8. im JW

      salamat sa mga paliwanag mo kapatid...klarong-klaro...ang banal na kasulatan kasi walang kontradiksyon...

      ito po ang logic...kung ang lahat na tao ay papunta sa langit...sinong mag -aalaga sa mga hayop?

      ang tao ay ginawa para sa lupa manirahan,gaya ng mga isda ginawa sila para manirahan sa dagat o sa matam-ang na tubig...

      Delete
  16. ...................... 👇 ......................

    Learn more about GOD !

    GOD's name in hebrew "יַהְוֶה "
    what is this in english?

    Learn more here⬇

    Paki-pindot po ang https sa ibaba⤵

    or COPY/PASTE url address to your browser, go to the website⤵

    https://www.facebook.com/Psalm.83.18

    ...................... 👆 ......................

    ReplyDelete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network