Thursday, 16 June 2011

Paano Ba Makikilala ang Mga Tunay na Sugo ng Diyos?




Sa panahon ba natin ngayon ay mayroong tunay na sugo ang Diyos?

Paano natin sila makikilala?

Tungkol sa pagkakaroon ng sugo may mga tao na nagsasabi ng ganito:

“Hindi na uso ang ‘sugo’ sa panahon ngayon, nung araw lang meron niyan, tsaka meron namang Biblia, basahin lang ng tao iyan mauunawaan na, kaya hindi na kailangan ang sugo.”

Inakala ng marami na ang mga salita ng Diyos o ang Biblia ay katulad lamang ng pangkaraniwang aklat na nabibili kahit saan, basahin mo lang ay mauunawaan mo na.  Ano ba ang katangian ng mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia?

Roma 16:25 “At ngayon sa kaniya na makapangyarihan na sa inyo'y makapagpapatibay ayon sa aking evangelio at sa pangangaral ni Jesucristo, ayon sa pahayag ng hiwaga na natago sa katahimikan nang panahong walang hanggan.”

Ang evangelio o ang mga salita ng Diyos na ito nga ay ang Biblia, ito ay isang aklat na mahiwaga, ang sabi nga ito ay “pahayag ng hiwaga na natago sa katahimikan ng panahong walang hanggan” samakatuwid ang Biblia ay isang hindi pangkaraniwang aklat, kaya ito’y hindi madaling mauunawaan ng tao.

Eh paano kung tangkain ng tao na pag-aralan ito sa kaniyang sarili? Makakararating ba siya sa pagkaalam ng katotohanan?

2 Timoteo 3:7Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan.”

Hindi matututunan o mauunawaan ng tao ang Biblia sa sarili niyang paraan, kahit na ito’y pag-ubusan niya ng mahabang panahon, pag-aralan man ng pag-aralan, hindi siya makakararating sa tunay na kahulugan ng mga salitang nakasulat doon.  Kaya nga sa katotohanan ay iisa lamang ang Biblia, ngunit kapansin-pansin na ang mga tao’y nagkaiba-iba ng paniniwala. 

Dahil sa hindi naunawa ng tao ang tunay na nilalaman ng Biblia ano ang kanilang ginawa?

Roma 10:2-3 “Sapagka't sila'y pinatotohanan ko na may mga pagmamalasakit sa Dios, datapuwa't hindi ayon sa pagkakilala. Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.”

Dahil sa hindi nakaabot ang tao sa pagkaalam ng katotohanang nakasulat sa Biblia na ito ay ang katuwiran ng Diyos, nagtayo ang tao ng sariling kanila, na ang ibig sabihin ang mga tao’y lumikha ng sarili nilang mga aral na hindi na sakop ng katuwiran ng Diyos, sa madaling salita, wala na sa Biblia ang kanilang pinaniwalaan at itinuro sa mga tao.

Bakit ba dapat makilala natin ang mga tunay na sugo ng Diyos? Ano ba ang kahalagahan nito?  Maliwanag na sinasabi ng Biblia na ang may karapatan lamang na mangaral ng mga salita ng Diyos ay ang mga tunay na sugo ng Diyos:

Roma 10:15At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila mga sinugo? gaya nga ng nasusulat, Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti!”

Kaya nga hindi komo’t may dalang Biblia ang isang nangangaral, kung hindi naman siya tunay na sugo ng Diyos, ay wala siyang karapatang mangaral, ang mga tunay na sugo lamang ang binigyan ng Diyos ng karapatang ito. Bakit? Dahil sa kanila lamang ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga ng mga salita ng Diyos na nasa Biblia:

Lucas 8:10 “At sinabi niya, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa mga iba'y sa mga talinghaga; upang kung magsitingin ay huwag silang mangakakita, at mangakarinig ay huwag silang mangakaunawa.”

Sa mga tunay na sugo ibinigay ng Diyos ang pagkaalam ng hiwaga, sila lamang ang may karapatang magpaliwanag at tanging nakakaalam ng tunay na kahulugan ng mga salita ng Diyos na nasa Biblia.  At dahil dito ay marapat na sa kanila lumapit ang tao at hanapin ang kaniyang mga salita sapagkat sila ang tagapag-ingat ng kaalamang mula sa Diyos:

Malakias 2:7 “Sapagka't ang mga labi ng saserdote ay dapat mangagingat ng kaalaman, at kanilang marapat hanapin ang kautusan sa kaniyang bibig; sapagka't siya ang sugo ng Panginoon ng mga hukbo.”

At sa ganitong kadahilanan kaya ipinagutos ng Panginoong Jesus na dapat nating sampalatayanan o paniwalaan ang mga sugo ng Diyos:

Juan 6:29 “Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Ito ang gawa ng Dios, na inyong sampalatayanan yaong kaniyang sinugo.”

Ngunit sa mundo ngayon ay napakaraming mangangaral, at ibinabala ng mga apostol na maraming nagpapangap na sugo ng Diyos, sapagkat maraming darating na mga bulaang propeta at mga bulaang guro:

2 Pedro 2:1-2 “Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak. At maraming magsisisunod sa kanilang mga gawang mahahalay; na dahil sa kanila ay pagsasalitaanng masama ang daan ng katotohanan.” 

Kaya napakahalaga na ating makilala ang mga tunay na sugo ng Diyos, upang tayo ay huwag madaya ng mga bulaang mangangaral, at matiyak natin na tunay na aral ng Diyos ang ating matatanggap at sasampalatayanan. Paano nga ba natin makikilala ang mga tunay na sugo Diyos? Nagbigay ba ang Diyos ng mga palatandaan o ng pagkakakilanlan sa isang tunay na sugo na ating mapagbabatayan maging sa panahon natin ngayon? Ating tunghayan ang sagot sa pagpapatuloy ng ating pagtalakay…


Paano nga ba makikilala ang mga tunay na sugo ng Diyos?

Ibinigay ng Diyos ang pagkakakilanlan sa kanila sa aklat ni propeta Isaias, ganito ang ating mababasa:

Isaias 8:20 “Sa KAUTUSAN at sa PATOTOO! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila”.

Dalawa ang katangiang kailangan nilang taglayin ayon sa Diyos: sila’y nagsasalita ayon sa (1) KAUTUSAN   at  (2) PATOTOO. Ang sabi nga kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito tunay na walang umaga sa kanila.  Ang umaga ay kasingkahulugan ng liwanag:

 Isaias 58:8 “Kung magkagayo'y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga, at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw; at ang iyong katuwiran ay mangunguna sa iyo; ang kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging iyong bantay likod.”

Ibig sabihin kung hindi taglay ng isang mangangaral ang dalawang katangiang binanggit ng Diyos, ang nasa kanila ay hindi liwanag kundi kadiliman – ang mga mangangaral na ito ay hindi mga tunay na sugo ng Diyos kundi mga bulaang propeta o mga bulaang guro.


Ang Kautusan

Ano ang kahulugan ng kautusan ayon sa Biblia?

Kawikaan 6:23 “Sapagka't ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag; at ang mga saway na turo ay daan ng buhay:”

Ayon sa Biblia ang kautusan ay turoo aral na ito’y daan ng buhay. At dapat taglayin ng isang sugo ang turo ng nagsugo sa kaniya:

Juan 7:16-18 “Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, Ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin. Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay MAKIKILALA NIYA ANG TURO, KUNG ITO'Y SA DIOS, O KUNG AKO'Y NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI. Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ANG HUMAHANAP NG KALUWALHATIAN NIYAONG SA KANIYA'Y NAGSUGO, ANG GAYON AY TOTOO, AT SA KANIYA'Y WALANG KALIKUAN

Ayon sa Panginoong Jesu Cristo, makikilala ang tunay na sugo kung ang itinuturo niya ay galing sa nagsugo sa kaniya lamang [Ang Panginoong Dios] at hindi siya nagsasalita na mula sa kaniyang sarili lamang. Samakatuwid ang tunay na sugo ay nagsasalita at nagtuturo ng tunay na mga aral na pawang nakasulat sa mga Banal na kasulatan o ng Biblia, hindi siya nagtuturo ng aral na hindi mababasa sa mga Banal na Kasulatan o mga aral na inimbento o kinatha lamang. Ang kaniyang itinuturo ay dalisay o purong mga salita ng Diyos na nasa Biblia:

Juan 3:34  “Sapagka't ang sinugo ng Dios ay nagsasalita ng mga salita ng Dios: sapagka't hindi niya ibinibigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat.”

Hindi dinaragdagan o binabawasan ng tunay na sugo ng Diyos ang mga salita ng Diyos na nasa Biblia, ang itinuturo niya’y kung ano lamang ang mababasa at nasusulat sa banal na aklat, ang kaniyang aral ay walang kalikuan o kamalian:

1 Tessalonica 2:3  “Sapagka't ang aming iniaaral ay hindi sa kamalian, ni sa karumihan, ni sa pagdaraya.”

At kailan man ay hindi mo siya makikitaan ng kahit isang aral na wala sa Biblia.

Ang Patotoo

Hindi lamang ang kautusan ang sapat na batayan upang kilalanin silang tunay, dapat taglay din nila ang patotoo, na ito naman ang kahulugan ayon sa Biblia.

Apocalypsis 19:10 “At ako'y nagpatirapa sa kaniyang paanan upang siya'y aking sambahin. At sinasabi niya sa akin, “Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mayroong patotoo ni Jesus: sumamba ka sa Dios: sapagka't ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula.”


Ang ibig sabihin ng patotoo sa Biblia ay hula o sa wikang ingles ay prophecy (basahin sa King James Version ang nakalagay ay … “spirit of prophecy” ) at hindi guesing. Samakatuwid ang tunay na sugo ay dapat taglay ang dalawang katangiang ito:

1.  KAUTUSAN - Ang itinuturo niya ay hango sa mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia, at hindi galing sa kaniyang sarili lamang, at hindi niya ginagamitan ng pansariling pagpapaliwanag, at ng kaniyang sariling karunungan. Hindi siya nag-iimbento ng aral dahil lahat ng kaniyang itinuturo ay mababasa sa Biblia.

2.  PATOTOO - Dapat may hula o propesiya na tumutukoy sa kaniyang kahalalan o “authority” ng kaniyang pagkasugo sapagkat siyang nagpapatunay ng kaniyang karapatan sa pangangaral-sa madaling salita, kinakailangang ang isang nagpapakilalang sugo ay hinuhulaan o may hula sa Biblia ng kaniyang pagiging sugo.

Kung ang mga katangiang nabanggit ay hindi taglay ng isang nagpapakilalang mangangaral, siya’y hindi tunay na Sugo ng Diyos. At ang kaniyang turo ay turo lamang ng tao.  At kapag turo lamang ng tao ang ating nasunod, mawawalan ng kabuluhan ang ating ginagawang paglilingkod at pagsamba sa Diyos:

Mateo 15:9Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.”

Kumuha tayo ng mga halimbawa sa Biblia, na hinulaan ang kanilang kahalalan o karapatan bilang mga sugo ng Diyos.


Halimbawa ng mga Sugo ng Diyos na may Hula o Propesiya sa Biblia

1.      Si Juan Bautista:

Maraming taon pa bago ang pagkapanganak kay Juan Bautista ay hinulaan na ang kaniyang pagdating at ang tungkulin na kaniyang gagampanan. Gaya ng mababasa sa aklat ni propeta Isaias:

Isaias 40 :3Ang tinig ng isang sumisigaw, Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Dios.”

At makalipas ang ilang daang taon nangaral si Juan Bautista na siyang katuparan ng
hulang ito.

Juan 1:19-23 “At ito ang patotoo ni Juan, nang suguin sa kaniya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang mga saserdote at mga Levita upang sa kaniya'y itanong, Sino ka baga? At kaniyang ipinahayag, at hindi ikinaila; at kaniyang ipinahayag, Hindi ako ang Cristo. At sa kaniya'y kanilang itinanong, Kung gayo'y ano nga? Ikaw baga'y si Elias? At sinabi niya, Hindi ako. Ikaw baga ang propeta? At siya'y sumagot, Hindi. Sinabi nga nila sa kaniya, Sino ka baga? Upang ibigay namin ang kasagutan sa nangagsugo sa amin. Ano ang sinasabi mo tungkol sa iyong sarili? Sinabi niya, Ako ang tinig ng isang humihiyaw sa ilang, Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon, gaya ng sinabi ng propeta Isaias.”

Kapansin-pansin na kung kangino lamang natupad ang hula ay siya mismo ang nagpapaliwanag nito. Mapapansin din na sa hula, hindi binabanggit ng Diyos ang pangalan ng hinuhulaan kundi ang kaniyang tungkulin na gagampanan, at saan siya magmumula, bilang katunayan ng kaniyang kahalalan at karapatan sa pangangaral.


2.      Si Apostol Pablo:

Si Apostol Pablo na isa ring sugo ng Diyos ay may hula din na tumutukoy sa kaniya maraming taon bago pa ang kaniyang pagsilang sa mundo:

Isaias 49:6 “Oo, kaniyang sinasabi, Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel, ikaw ay aking ibibigay na pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa.”

Na nang magkaroon ng katuparan ay ipinaliwanag din ni apostol Pablo ang kahulugan nito:

Gawa 13:46-47 “At nagsipagsalita ng buong katapangan si Pablo at si Bernabe, at nagsipagsabi, Kinakailangang salitain muna ang salita ng Dios sa inyo. Yamang inyong itinatakuwil, at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito, kami ay pasasa mga Gentil.  Sapagka't ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon, na sinasabi, Inilagay kitang isang ilaw ng mga Gentil, Upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.”  


3.      At ang ating Panginoong Jesu-Cristo:

Katulad din ng ibang mga sugo ng Diyos, ang ating Panginoong Jesu-Cristo na siyang pinakadakilang sugo (Filipos 2:9) ay may hula rin na tumutukoy sa kaniya na nagpapatunay at kahayagan ng kaniyang karapatan bilang tunay na sugo, bago ang kaniyang paglitaw o ang kaniyang pagsilang sa sanglibutan.  Narito ang hula na tumutukoy sa kaniya:

Isaias 61:1-2Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo; kaniyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo; Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng Panginoon, at ng kaarawan ng panghihiganti ng ating Dios; upang aliwin yaong lahat na nagsisitangis;”

Na katulad din ng mga una nating halimbawa, dumating ang panahon na ipinaliwanag din ni Jesus na siya ang kinatuparan ng hulang ito:

Lucas 4:16-21 “At siya'y napasa Nazaret na kaniyang nilakhan: at ayon sa kaniyang kaugalian, siya'y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagtindig upang bumasa. At ibinigay sa kaniya ang aklat ng propeta Isaias. At binuklat niya ang aklat, na nasumpungan niya ang dakong kinasusulatan, Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagka't ako'y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako'y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi, Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon. At binalumbon niya ang aklat, at isinauli sa naglilingkod, at naupo: at ang mga mata ng lahat ng nangasa sinagoga ay nangakatitig sa kaniya. At siya'y nagpasimulang magsabi sa kanila, Ngayo'y naganap ang kasulatang ito sa inyong mga pakinig.”

Kapansin-pansin na binasa muna ni Jesus ang dakong kinasusulatan ng hulang tumutukoy sa kaniya at saka niya ito ipinaliwanag. Makikilala ang mga tunay na sugo kung sila’y hinuhulaan sa Biblia, bago pa sila isinilang, hindi sinasabi ang pangalan ng hinuhulaan kundi ang huhulaan ay ang kanilang paglitaw, ang kanilang tungkuling gagampanan na siyang katibayan ng kanilang karapatan sa pangangaral.


May Sugo ba sa panahon natin ngayon?

Ang Iglesia Ni Cristo  na lumitaw sa Pilipinas noong 1914, ay may kinikilalang sugo ng Diyos, ang aming Kapatid na si Felix Y. Manalo – siya ang kinikilala naming Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw.  Bakit?  Taglay ba niya ang dalawang katangiang ating tinalakay?  Nasa kaniya ba ang kautusan at patotoo na sinabi ng Diyos na dapat na taglay ng mga tunay na sugo ng Diyos? Ang itinuturo ba niya’y dalisay na mga aral mula sa Biblia?  At siya ba’y hinuhulaan o may hula ba sa Biblia tungkol sa kaniyang paglitaw at ng kaniyang karapatan bilang sugo ng Diyos?

Amin pong ipaglilingkod iyan sa inyo sa susunod…

14 comments:

  1. Yes, there are still a lot of people that preach Christ and not religion or organization... :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. sana po huwag kayong magagalit paano natin matiyak na ipinangaral nila si cristo.

      Delete
  2. Many people preach Christ the way they understood it from the Bible, isn't it? Some of them focus on the things what Christ has done, some on the things He preached concerning Salvation. Others I believe, share what Christ has done for them like healing or answered prayers. Some tried to preach Christ to encourage someone and there are some who preach to win them to Christ (previous addict etc..)... I have nothing against them, except to those who preach traditions.

    And some of us preach Christ differently, like JW (He is an Archangel), Catholic and others (Trinity), ADD (Son of God but not Trinity), INC (He is man) and us ALJC (He is the Almighty)

    Everyone has his endless defense to support each doctrine... but sometimes it is not the doctrine that make them stay in the Church, like family, inspiration, tradition, fame, comfort, Job, scholarship, feelings of faith, ambiance, friends, etc..

    But how can a man be sure that it is the same Christ that was preached by the early disciple is the same Christ that is being preach today. Remember that early Christians spread the word abroad or in other foreign land (Acts 8:3-4).

    Philip preach Christ to eunuch from the Book of Isaiah.
    Apostle Peter preach Christ as the Lamb of God / Son of God.
    Apostle Paul preach Christ the way he encountered Him (Acts 22)
    The writer of Hebrews preach Christ as the Mediator / Testator.
    Differently but not contradictory...

    But what amaze me is the Revelation of John...
    Apostle Peter asked Jesus concerning him. (John 21:20-22)
    He said "What shall this man do? Somehow, this man is special..

    What does the Revelation say about Jesus???

    ReplyDelete
  3. Apostle Paul said in 1Tim 6:14-16 that it is the Lord Jesus that will reveal Who is the King of kings and Lord of lords.. the ONLY Potentate (of course it is God that created the heavens and the earth)

    Now, during the last days of Apostle John, this words was revealed in his Book of Revelation. The Lord Jesus send an angel to proclaim this words to the Churches..

    Rev 22:16 I Jesus have sent mine angel to testify unto you these things in the churches. I am the root and the offspring of David, and the bright and morning star.

    But what are the things this angel proclaimed concerning the Lord Jesus Christ?... that He is the First and the Last!!!

    Rev 2:8 And unto the angel of the church in Smyrna write; These things saith the first and the last, which was dead, and is alive;

    The First and the Last is the one Who was once dead and is alive!
    And that is none other than the Lord Jesus Christ Himself.

    The God that created the heavens and the earth is the only God that claim this title:

    Isa 44:6 Thus saith the LORD the King of Israel, and his redeemer the LORD of hosts; I am the first, and I am the last; and beside me there is no God.

    What are the other things this angel told Apostle John: That Jesus is the Almighty!!!

    Rev 1:8 I am Alpha and Omega, the beginning and the ending, saith the Lord, which is, and which was, and which is to come, the Almighty.

    ... that means the God that's been with Abraham, Isaac and Jacob!

    Exo 6:3 And I appeared unto Abraham, unto Isaac, and unto Jacob, by the name of God Almighty, but by my name JEHOVAH was I not known to them.

    JEHOVAH or YHWH is the true God, but when that God manifest in the flesh(1Tim 3:16), He named Himself Jesus... which means Jehovah-Salvation or YHWH become Salvation.

    Why in that Name?? God changes the name of some people He called according to His plan. God revealed a Name which fit to His purpose.. to save people!!

    Now, I will answer the first 2 defense.. It is because God tabernacled (temple) Himself in the flesh (Joh 2:19).

    for the 3rd defense.. There is one greater than the temple (Mat 12:6-7).

    for the 4th.. well, He manifest in the flesh not to act as God but servant, teaching the disciple to be humble.

    for the last 2.. have you ever imagine Jesus not praying.. what kind of disciples would He create? He is the greatest teacher ever! Do what you preach!

    Remember this... it is the Holy THING that was born, not God.. that's why it is called Messiah or Christ which means anointed one, separated.(Luke 1:35). The Temple that was made by God Himself!!!

    Act 7:48 Howbeit the most High dwelleth not in temples made with hands; as saith the prophet,

    Having all said, Jesus only reveal His true nature at the closing of the New Covenant.

    Oh, what a loving Father Jesus is!! He suffered so that He can give an eternal hope to the sinners....

    Act 7:59 And they stoned Stephen, calling upon God, and saying, Lord Jesus, receive my spirit.

    Well, this is the First and Last Name I would ever call!! :)
    (Re-post)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Janetski - Proud To Be INC.3 October 2012 at 10:59

      1 Corinto 8:6 “Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.”

      Ang Diyos, si Cristo, at ang mga apostol kailanman ay hindi nagturo na ang Diyos ay higit sa isa. Ang nagiisang Diyos na tunay na ipinangaral ni Cristo at ng mga alagad niya ay ang AMA lamang. Hindi binanggit na siya’s binubuo ng tatlong persona. Hindi sinabi na ang Anak, at ang Espiritu Santo ay Diyos din. Subalit hindi nakapagtataka na may mga tao na magturo na mayroon pang ibang Diyos maliban sa AMA. May sinasasabi ang Biblia na ganito sa kasunod na talata:

      1 Corinto 8:7 “Gayon ma'y wala sa lahat ng mga tao ang kaalamang iyan”…

      Maliwanag na pinatutunayan ng Biblia na may mga tao na hindi nakaabot sa pagkaalam ng katotohanan tungkol sa nagiisa at tunay na Diyos – ang tunay na kaalamang ito ay wala sa lahat ng mga tao, sa madaling salita, hindi lahat ng tao ay nakakaalam ng katotohanang ito. Bilang katibayan, ating nasasaksihan na may mga relihiyon ngayon na nagtuturo ng doktrina o aral tungkol sa Diyos na kumokontra o lumalabag sa itinuturo ng Biblia.

      Delete
  4. Come again dear you say "JW (He is an Archangel), Catholic and others (Trinity), ADD (Son of God but not Trinity), INC (He is man) and us ALJC (He is the Almighty)"

    JW (He is an Archangel) really? but they also see Jesus as the MIGHTY GOD.

    Catholic & many others believe that their are 3 persons in ONE GOD. Nevertheless, they see Jesus also as a TRUE GOD like JW.

    ADD believes not only that Jesus is the SON OF GOD but Jesus is a TRUE GOD also. Same with JW, Catholics and other religious sect.

    ALJC (He is the Almighty) same point they view Jesus as a TRUE GOD

    You say that the "INC (He is man)" oh we do not just say that he is man. We accord him every honor written in the Holy Scriptures. Like He is the CHRIST. For He was made Lord and Christ by the Almighty God.

    Every religion who professes to be christian believes like you that Jesus is a TRUE GOD.

    We in the Iglesia Ni Cristo however does not. For Jesus simple attest to the fact that he is Man in nature or being. He never said he was a GOD MAN or MAN GOD.

    He however pointed out clearly that the ONLY TRUE GOD is his FATHER. John 17:3-5. And to KNOW that is ETERNAL LIFE. However many religions you mentioned believes that Jesus is a TRUE GOD. Despite what Jesus has attested.

    If it is indeed an important teaching that Jesus is a TRUE GOD then where can you find in the scriptures that he ever taught this?

    Like every religion mentioned or not... they could not point to a single verse regarding this point.

    They can only provide their own MISGUIDED THEORIEs to the question.

    Do remember dearest that what should guide a true christian are the words written in the Holy Scriptures. Don't you agree?

    ReplyDelete
  5. Come again dearest you say "Oh, what a loving Father Jesus is!! He suffered so that He can give an eternal hope to the sinners"

    See thats what we are talking about my dear. Don't use your misguided CONCLUSIONs in the matter of Jesus Christ dearest.

    Jesus never taught he was ever the Father. Every true christian knows he is the SON OF GOD. Not the FATHER.

    Why would we believe your misguided statements when the words of Jesus written in the bible is more than enough to prove that your views is not in line to what He says dear.

    ReplyDelete
  6. Tnx for the comments, but sad... hopefully someone above mentioned Churches read this article and give their stand regarding Jesus... or better yet start making friends with some of them and start asking..

    As you have said, Jesus did not claim that He is God... please read again my comments above and try to disprove it as I did somewhere in this blog... thanks :)

    ReplyDelete
  7. sinabi ba ni Felix Manalo noon na sya ang kinatuparan ng mga hula? sinabi ba nya noong nabubuhay pa sya na "ako ay sugo, ako ang kinatuparan ng hula"?. Is there any INC publications today that can attest that he said so? Or is it only his followers said that he was?...

    Regards...

    ReplyDelete
    Replies
    1. @Anonymous,

      Daig ka pa pala ng mga kumakalaban sa INC, ang tawag nga nila kay ka Felix ay:

      "SELF PROCLAIMED MESSENGER"

      Ano ba sa tagalog iyan? Buti pa sila alam na sinabi talaga ng Ka Felix na Sugo siya, daig ka pa.

      Delete
  8. Si Felix ay sugo ng panginoon. S'ya nga ang nagtaguyod ng INC. I guess you need to read more. But how relevant is Christ to Him? Why did he name it Iglesia ni Cristo when in fact Christ is just a messenger of God and IS a MAN just like Elijah? Why not Iglesia ng Dyos? Who is powerful then? Christ or God? Therefore, Felix recognized Jesus as something greater than what a man possess yet profess He is not God to argue against other Christian Faith. Faith matters most.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anonymous,

      A very good day to you.

      >>How relevant is Christ to the late Ka. Felix Manalo or to the INC as a whole?

      Inevitably relevant for without Christ, there is no salvation.

      “ Be it known unto you all, and to all the people of Israel, that by the name of Jesus Christ of Nazareth, whom ye crucified, whom God raised from the dead, even by him doth this man stand here before you whole.
      This is the stone which was set at nought of you builders, which is become the head of the corner.
      Neither is there salvation in any other: for there is none other name under heaven given among men, whereby we must be saved” – Acts 4:10-12, KJV.

      >>Why did he name it Iglesia ni Cristo when in fact Christ is just a messenger of God and IS a MAN just like Elijah?

      On the contrary, the name Iglesia Ni Cristo was not of the late Ka. Felix’s creation. It was Christ who built His church, hence, called by the Apostles after the name of the one who built it (Romans 16:16, Acts 20:27, Lamsa Version).

      Where exactly did you read or hear that INC believes that our Lord Jesus Christ is “JUST a messenger of God”? Don’t mistaken INC with Islam.

      Christ declares that He is a man, a man who is telling the truth which He heard from God (John 8:40). So, if you believe (assuming) that the Christ is the true God, it will occur to me that you believe in two gods: the one who sent and the one who was being sent. Further, is the true God just being sent? Or is He the one who sends messengers?

      >>Why not Iglesia ng Dyos?

      Search this blog, that was already tackled here completely. For brief explanation, the name Iglesia Ni Cristo is correct and more appropriate for the church was bought by Christ with His own blood. Christ is made of flesh and bones (Luke 24:39) which the true God does not have (John 4:24). I think that is self-explanatory.

      >>Who is powerful then?

      The fact that you believe that Christ was sent by God partly answered this question of yours. Who do you think is more powerful, the one who sends or the one just being sent?

      “Verily, verily, I say unto you, The servant is not greater than his lord; neither he that is sent greater than he that sent him.” – John 13:16, KJV.

      INC never dismisses the importance of faith. What we are against of is to follow the belief that “faith alone is enough” as popularly propagated by protestants.

      Because faith alone is not enough (James 2:18,20 & 26, KJV)

      And following your argument, though very important yet it is not the faith that matters most. This is what the Bible has to say:

      “And now these three remain: faith, hope and love. But the greatest of these is love.” – 1 Cor 13:13,TNIV)

      --Bee
















      Delete
  9. ITO ang sabi ng Banal na Salita---> Walang "SUGO" na mag-iinterpret ng HULA mula sa SARILI sikap nito....

    2 Peter 1:20-21
    The Voice (VOICE)

    20 But notice first that no prophecy found in Scripture is a matter of the prophet’s own interpretation. 21 Prophecy has never been a product of human initiative, but it comes when men and women are moved to speak on behalf of God by the Holy Spirit.

    ReplyDelete
  10. Lucifer is the god Christ John 8:44 a deciever to divert people to worship him. They did forgot the Father, the true God and the creator.

    ReplyDelete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network