Sunday, 28 August 2011

Banal na Hapunan ng INC Bakit daw may Abuluyan?




Tinanong tayo ulit ni JANUS:

Bakit may abuluyan ang inyong Santa Cena? Utos po ba ng Panginoong Jesus na mag-abuluyan sa Banal na Hapunan? Pls. provide Biblical verse/s. 


SAGOT: 

Nung PANAHON ng Panginoong Jesus, ito ay isinabay niya sa HAPUNANG PANGPASKUWA, o ng KAPISTAHAN ng TINAPAY ng walang LEBADURA ang kaniyang BANAL NA HAPUNAN:

Marcos 14:12  “AT NANG UNANG ARAW NG MGA TINAPAY NA WALANG LEBADURA, NANG KANILANG INIHAHAIN ANG KORDERO NG PASKUA, ay sinabi sa kaniya, ng kaniyang mga alagad, Saan mo ibig kaming magsiparoon at ipaghanda ka upang makakain ng KORDERO NG PASKUA?”

Isang pagdiriwang sa mga JUDIYO ang Kapisthan ng Tinapay ng walang LEBADURA, at sa gabi ng HAPUNANG PANGPASKUA ay kumakain sila at nagsasalo-salo sa KORDERO o TUPA NG PASKUA. Iba ito sa BANAL NA HAPUNAN, dahil ito ay talagang KAINAN.

Pagkatapos ng MAKAKAIN NG HAPUNANG PANGPASKUA, ay saka isinagawa ng PANGINOONG JESUS ang kaniyang BANAL NA HAPUNAN:

Lucas 22:14-15  “At nang dumating ang oras, ay naupo siya, at ang mga apostol ay kasalo niya. At sinabi niya sa kanila, PINAKAHAHANGAD KONG KANIN NA KASALO NINYO ANG KORDERO NG PASKUANG ITO bago ako maghirap:”

Lucas 22:20  “Gayon din naman ang saro, PAGKATAPOS NA MAKAHAPON, na sinasabi, ANG SARONG ITO'Y ANG BAGONG TIPAN SA AKING DUGO, NA NABUBUHOS NANG DAHIL SA INYO.”

Maliwanag ang sabi: PAGKATAPOS NA MAKAHAPON, ibig sabihin TAPOS NA NILANG KAININ ANG HAPUNANG PANGPASKUA, tsaka isinagawa ang PAGBABANAL NA HAPUNAN.

Ang mga GENTIL na naging KAANIB sa UNANG IGLESIA, ay hindi nagdiriwang ng KAPISTAHAN NG PASKUA, dahil hindi naman sila mga JUDIYO, ang HAPUNANG PANGPASKUA ay requirement lamang na gawin ng mga Judiyo. Narito ang dahilan:

Exodo 12:27  “Na inyong sasabihin: SIYANG PAGHAHAIN SA PASKUA NG PANGINOON, NA KANIYANG NILAMPASAN ANG MGA BAHAY NG MGA ANAK NI ISRAEL SA EGIPTO, nang kaniyang sugatan ang mga Egipcio, at iniligtas ang aming mga sangbahayan. At ang bayan ay nagyukod ng ulo at sumamba.”

Ang HAPUNANG PANGPASKUA ay isang PAGGUNITA sa ginawang PAGLAGPAS na kung tawagin sa English ay PASS OVER nung panahon ni Moises na pinatay ang lahat ng PANGANAY, at hindi nadamay ang mga anak ng bayan ng ISRAEL kundi ang mga panganay lamang ng mga EGIPCIO, dahil sa nilagpasan sila dahil sa paglalagay nila ng DUGO ng TUPA sa kanilang mga Pintuan.

Kaya sa dako ng mga GENTIL na hindi nagsasagawa ng HAPUNAN NG PASKUA ay sa PANAHON ng PAGTITIPON nila ito isinagawa:

1 Corinto 11:20 “Kaya’t sa inyong PAGTITIPON, hindi BANAL NA HAPUNAN ng Panginoon ang kinakain ninyo. [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]

Ito ‘yong talatang naibigay ko na sa iyo sa nakaraan, na kinagagalitan ni Apostol Pablo ang mga Cristiano sa Corinto, na nagsagawa ng BANAL NA HAPUNAN ng walang kaayusan na inakalang ito ay ORDINARYONG HAPUNAN lamang na kaya isasagawa ay para MABUSOG, kaya niya nasabi na hindi BANAL NA HAPUNAN ang kanilang kinain. Pero maliwanag niyang sinabi na iyan ay sa panahon ng PAGTITIPON.

At ang PAGTITIPON na isinasagawa ng mga UNANG CRISTIANO ay ang PAGSAMBA sa Diyos:

1 Corinto 14:26  “Ano nga ito, mga kapatid? PAGKA KAYO'Y NANGAGKAKATIPON ANG BAWA'T ISA SA INYO'Y MAY ISANG AWIT, MAY ISANG ARAL, MAY ISANG PAHAYAG, MAY WIKA, MAY ISANG PAGPAPALIWANAG. Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay sa ikatitibay.”

Ang mga UNANG CRISTIANO na kabilang sa DAKO ng mga GENTIL, ay nagsagawa ng kanilang BANAL NA HAPUNAN sa kanilang PAGTITIPON o PAGSAMBA. 

Kaya ang INC ay ganun din, ISINABAY ANG BANAL NA HAPUNAN sa aming PAGSAMBA, gaya ng ginawa ng mga UNANG CRISTIANO, dahil tayo man ay hindi required na magsagawa ng HAPUNANG PANGPASKUA, dahil hindi naman tayo LAHING JUDIYO.

Ang PAGSAMBA ang may ABULOY, hindi ang BANAL NA HAPUNAN:

Hebreo 13:15-16  “Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng PAGPUPURI SA DIOS, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. Datapuwa't ang paggawa ng mabuti AT ANG PAGABULOY ay huwag ninyong kalimutan: sapagka't sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod.”

Sa panahon ng PAGPUPURI SA DIYOS, sa PANAHON ng PAGSAMBA ginagawa ang ABULUYAN, isinabay lamang ang BANAL NA HAPUNAN. Walang ABULUYAN ang BANAL NA HAPUNAN, NAGAABULOY kami sa PAGSAMBA, at hindi sa BANAL NA HAPUNAN.

Sana naging malinaw sa iyo iyan JANUS.

At ang naging reaksiyon ni JANUS sa naging tugon natin sa kaniyang mga tanong ay:

“Aerial Cavalry,

Salamat po sa inyong mga sagot. Satisfied po ako sa mga paliwanag ninyo. Sana marami pa akong matutunan. Alam n’yo, nagsusuri rin ako sa ADD. Maganda rin ang paliwanang nila. But as of now, I shall say that medyo matimbang na para sa akin ang INC kung beliefs ang pag-uusapan”.


At narito pa ang isa pa:

“salamat po sa sagot. kumbinsido po ako. salamat din maging duon sa mga nang-uupat, nang-uusig, nagagalit, namumuhi. 

i think this will be my last comment na ipopost dito. regards to all kapatiran ng iglesia ni cristo. i may be bad in using harsh words in the past, sorry po. salamat.

AERIAL CAVALRY
README
SIDEWINDER
CHRISTIAN
ANONYMOUS

at sa lahat lahat sa inyo jan sa INC. salamat po uli. sana makahanap ako ng simbahan ng iglesia dito sa santa catalina. bye...



Isa pong matibay na katunayan na kung tayo mga kapatid ay may kakayahang sumagot sa mga nagtatanong sa atin, ito ay ang pinaka-epektibong paraan ng pang-hihikayat, upang tayo po ay makatugon sa panawagan ng PAMAMAHALA, ang gawaing PAGBUBUNGA.

Napakahalaga po na hindi natin nililimot kundi ating itanim sa ating mga puso ang ating mga aral. At pag-aralan kung papaano tayo sasagot sa kanilang mga tanong.

Malugod ko pong ibinabalita sa inyo mga kapatid,

APAT NA PO ANG NABAUTISMUHAN SA AKING MGA AKAY…

Purihin ang Ama sapagkat para lamang sa kaniya ang lahat ng Kapurihan….

15 comments:

  1. sa ating Ama ang kapurihan:-)
    God bless brod. Aerial cavalry ,
    saludo ako sayu,napakahusay mong magpaliwanag:-D

    sis. from hongkong
    .

    ReplyDelete
  2. Brod. pahiram ah ibibigay ko lang sa tumutuligsa sa ganitong gawain natin.

    Keep it up. malaking tulong ito para maipaliwanag sa mga di kaanib ang doktrina ng INC na may kasama pang talata sa biblia.

    ReplyDelete
  3. kuya, bakit po ba "hapunan"?
    hehe sensya na po nalimutan ko na po kc eh..
    pero alam ko nasagot na sakin to nung dinuduktrinahan ako eh
    6 years ago..


    bumabati po sa lahat ng kapatid sa buong mundo :)
    ka eejhay Q. po:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Narito ang sagot sa LINK na ito:

      BANAL NA HAPUNAN SA UMAGA?

      Punta ka na lang diyan ng makita mo buong paliwanag ok?

      God bless sa iyo kapatid.

      Delete
    2. Ka aerial cavalry pls send me your personal name SA messenger.. I need your response.. Kasi talagang hinang Hina na ako ehh.... AYOKONONG MAHIWALAY SA IGLESIA.. I NEED PERSONAL ADVICE FROM YOU PLS PO

      Delete
  4. Catholic Thinker - binibigyan ng malalim at detalyadong pag-aalaala/pag-gunita ng mga Katoliko ang panahon ng 'Quadragesima' kabilang na ang pagbabasa ng pasyon, pagpipinitensya, pag-aayuno at ang tradisyunal na pagsali sa 'station of the cross'.

    Tanong, paano ginugunita ng INC ang ganitong mahalagang kasaysayan sa buhay ni Cristo at anu-ano ang mga banal na gawain lakip sa pag-alala sa mahahalagang araw na ito?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabi ni Anonymous:

      “Catholic Thinker - binibigyan ng malalim at detalyadong pag-aalaala/pag-gunita ng mga Katoliko ang panahon ng 'Quadragesima' kabilang na ang pagbabasa ng pasyon, pagpipinitensya, pag-aayuno at ang tradisyunal na pagsali sa 'station of the cross'.

      “Tanong, paano ginugunita ng INC ang ganitong mahalagang kasaysayan sa buhay ni Cristo at anu-ano ang mga banal na gawain lakip sa pag-alala sa mahahalagang araw na ito?”



      Nagsasagawa ang Iglesia Katolika sa panahon na kung tawagin ay LENTEN SEASON, tinatawag din na Semana Santa o Mahal na Araw, ng iba’t-ibang gawain na kanilang ginagawa bilang paggunita nila sa kamatayan ni Cristo-Gaya ng pagpapasan ng Krus, pagpipinitensiya, pagpupursisyon, pagbabasa ng pasyon, pag-aayuno, at kung ano-ano pa.

      Mga gawaing hindi ginagawa ng INC sapagkat hindi kailan man ipinag-utos na gawin ni Cristo at maging ng mga Apostol, kaya tayong mababasa sa Biblia na isinagawa ito ng mga Cristiano noong Unang Siglo.

      Gaya halimbawa ng pagpipinitensiya, pagsusugat sa sarili, pagpapapako sa Krus, na pawing ginagawa ng tao upang pahirapan ang kaniyang sarili sa pag-aakalang kabanalan ang kaniyang nagagawa. Subalit pinapapayagan ba ito ng Biblia?

      Colosas 2:22-23 “(Ang lahat ng mga bagay na ito ay mangasisira sa paggamit), ayon sa mga utos at mga aral ng mga tao? Ang mga bagay na iya'y katotohanang mayroong anyo ng karunungan sa pagsambang kusa, at sa pagpapakababa, at sa PAGPAPAKAHIRAP SA KATAWAN; nguni't walang anomang kabuluhan laban sa ikalalayaw ng laman.”

      Pinatutunayan ng Biblia na ang mga bagay na iniutos lamang ng tao kahit lakipan pa niya ng pagsasakripisyo at pagpapakahirap sa katawan ay wala itong kabuluhan.

      At dahil sa utos lang ng tao kaya kapag ating sinunod ay mawawalan ng kabuluhan ang paglilingkod o pagsamba natin sa Diyos.

      Mateo 15:8-9 “Ang bayang ito'y iginagalang ako ng kanilang mga labi; Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin. DATAPUWA'T WALANG KABULUHAN ANG PAGSAMBA NILA SA AKIN, NA NAGTUTURO NG KANILANG PINAKAARAL ANG MGA UTOS NG MGA TAO.”

      Ngayon paano ba dapat natin gunitain si Cristo?

      Lucas 22:19 “At siya'y dumampot ng tinapay, at nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Ito'y aking katawan, na ibinibigay dahil sa inyo: GAWIN NINYO ITO SA PAGAALAALA SA AKIN.”

      Nagsasagawa ang INC ng PAGBABANAL NA HAPUNAN, ito ang paraan na itinuro ni Cristo para magunita o maalaala natin siya. Ito ang marapat at wastong paraan, na ito rin ang isinagawa ng mga Apostol at ng mga Unang Cristiano nang si Jesus ay umakyat na sa langit para magunita nila siya.

      1 Cor 11:24 “At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: GAWIN NINYO ITO SA PAGAALAALA SA AKIN.”

      1 Cor 11:25 “At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: GAWIN NINYO ITO SA TUWING KAYO'Y MAGSISIINOM, SA PAGAALAALA SA AKIN.”

      1 Cor 11:26 “SAPAGKA'T SA TUWING KANIN NINYO ANG TINAPAY NA ITO, AT INUMAN NINYO ANG SARO, AY INIHAHAYAG NINYO ANG PAGKAMATAY NG PANGINOON HANGGANG SA DUMATING SIYA.”


      Napakaliwanag ng sagot ng Biblia, ito ang tamang paraan ng paggunita sa kamatayan ng Panginoong Jesus sa Krus, ang pagsasagawa ng BANAL NA HAPUNAN, ayon sa paraang itinuro ni Cristo at nang mga Apostol.

      Nawa’y nakatulong ang sagot na ito.

      Delete
    2. Call me: GEORGE DAVINCI

      Ganda po ng PALIWANAG na yan BROD.AERIA. kung maaari po sana PWEDE ko po bang ipost ang mga artikulo ninyo sa FB ko? Xenxa na ung iba po ay naipost ko na kahit walang PAALAM..... geh po sana MADAGDAGAN pa ang biyaya sa ATIN ng DIYOS.. lalong lalo na sa ATING TAGAPAMAHALANG pangkalahatan......

      Delete
  5. Salamat sa blog na ito Brother Aerial! Dami kong namisyon thru internet sa tulong ng site na ito at pti na din sa site ni Bro Readme. More power mga kapatid!

    ReplyDelete
  6. Un ho bang tinapay na nakinakain nyo sa banal na hapunan nyo ay gawa ng Panginoon o gawa sa bakery? Ilang saro ang ginamit ng Panginoon noong nagbanal na hapunan sila at ilan ang saro sa banal na hapunan nyo? Pakatpos ho ba non may mababasa pa ho ba tayo sa bibliya na nagbanal na hapunan uli ang mga apostol? Kasi kung ililteral natin dapat parehas na parehas ang hapunan noon at ngaun.. Sa makatuwd kapag niliteral nyo ibig sabihin NAAALAALA NYO LANG PALA ANG PANGINOON KAPAG KUMAKAIN NG LITERAL NA TINAPAY AT UMIINOM SA SARO SA BANAL NA HAPUNAN.. paano pakatapos nyo kumain ng literal na tinapay at saro? Hindi nyo na maaalaala ang Panginoon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Parang tanong ko rin sa inyo yang tanong mo.

      Saan galing ang ostia o host ng bawat misa?Sa Diyos o sa mga monasterio ninyo?

      Delete
  7. Tol,you were in the wrong place.

    ReplyDelete
  8. kapatid malapit na po ang Santa Cena ,pwede po bang gawa kayo kung tungkol saan po ang santa cena ,gusto pong malaman ng kaibigan ko

    ReplyDelete
  9. kapatid malapit na po ang Santa Cena ,pwede po bang gawa kayo kung tungkol saan po ang santa cena ,gusto pong malaman ng kaibigan ko

    ReplyDelete
  10. Ang pag aabuloy ay tama lang yun pero ang ikapu ay batas pang tao yun na ipinatutupad ni Moises na ipinatutupad pa rin ngayon ng mga bansa.Tax para sa gobyerno hindi para sa simbahan e kung ipatutupad pa yun sa simbahan abay kawawa ang mga tao nito. Iba yung kautusanng pantao noon sa kautusang pananampalataya ngayon dahil hiwalay na sa gobyerno ang simbahan.ROMA 3:27-28

    ReplyDelete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network