Sunday 21 August 2011

Sagot Kay Flewen Part 1: Hindi Iglesia Katolika ang Itinatag ni Cristo




I have been very busy lately mga kapatid, kaya kung inyong mapapansin ay medyo dumalang ang post ko sa aking blog. Masyado akong naging abala sa aking trabaho kaya hindi ko na masyadong nabubuksan ang internet para mabisita ang aking blog, at ang blog ni Brod. Readme.

Isang Catholic Defender na nagngangalang FLEWEN na may-ari ng Blog na:



Ang aking nakadiskusiyon sa README BLOG, na nandidito ang LINK, upang makita ninyo ang aming buong napag-usapan:



Hindi na niya sinagot sa blog ni Brod. Readme ang aking mga ipinost na comments, sa halip ay doon niya sa sariling Blog niya sinagot ang mga ito.  Well anyway, kung saan ba siya Masaya eh.  Tutal ipinauso niya  ang ANSWER IN YOUR OWN BLOG SCHEME na ito, kaya dito ko na rin sa BLOG ko sasagutin ang kaniyang mga argumento.


Naghahambog si FLEWEN na diumano ay tinalo daw niya ang isang DIAKONO ng INC, ganito ang kaniyang sinabi:


“…..wala naman akong sinabi na natalo ang INC sa debate namin eh, NATALO ANG DEAKONO NINYO laban sa akin, gets?"

At nang ating tanungin kung papaano niya natalo ang DIAKONO at kung anong paksa ang kanilang pinag-usapan? Ganito ang kaniyang naging sagot:


“aba aba,hindi ka pa rin naniniwala?sige,sampolan kita ng isa sa apat na aming pinag-diskusiyunan...ang patungkol sa encyclopedia...ang claim ng deakono ninyo, kayo nga raw ang tunay na Iglesia...humugot siya ng bersikulo...may nakatala nga raw na "terminong""Iglesia ni Kristo"...NGUNIT, nang nag-back-up ako ng tanong..."bakit sa encyclopedia na gawa ng mga hindi katoliko ay nagsasabing ang Iglesia Katolika ang sinasabing Iglesiyang tatag ni Kristo sa taong 33 AD habang ang naka-indicate sa inyo eh 1914, si Manalo ang may tatag sa sinasabi ninyong Iglesiya ni Kristo? sige nga, paki-explain nga?”

Ang diumano’y ISSUE na kanilang pinaglabanan ay kung ano ang Iglesiang itinatag ng Panginoong Jesus.  Natural ang ating KAPATID na Diakono ay sa Biblia kukuha ng ipangpapatunay, dahil talaga namang dapat sa Biblia ka kukuha ng ipansasagot kapag RELIHIYON at PANANAMPALATAYA ang pag-uusapan, hindi po ba?

 At talaga namang mababasa sa Biblia na ang Iglesia na itinatag ni Cristo ay ang IGLESIA NI CRISTO noong Unang Siglo sa Jerusalem.

Kaya natalo niya diumano ang Diakono, na hindi naman tagapangaral ng evanghelio sa INC, sa pamamagitan ng kaniyang ebidensiya na makapagpapatunay na ang Iglesia Katolika ang iglesiang itinatag ni Cristo, sa pamamagitan ng ENCYCLOPEDIA.

Kaya natalo ang DIAKONO at napatunayan ng magiting na CATHOLIC DEFENDER na ang IGLESIA KATOLIKA ang TUNAY NA IGLESIA sa tulong ng ENCYCLOPEDIA.

Hindi po ba nakakatawa ito?  Para mapatunayan nila na sila ang tunay ay hindi Biblia ang kanilang binubuklat kundi aklat na gawa ng mga taong hindi naman kinasihan ng Panginoong Diyos. May alam kaya ang Diakonong iyon sa ENCYCLOPEDIANG sinasabi niya? Hmmm...

Ang ebidensiya ba ng pagiging totoo, ay sa Encyclopedia ka kukuha ng sagot, batay sa opiniyon nung nagsulat?

Nang ating itanong kung saang Encyclopedia niya kinuha ang kaniyang sinabi? Ganito ang kaniyang sinabi:

“I will cite the encyclopedia I used, but I cannot give to you the page since I am not bringing an encyclopedia but using only its online counterpart. According from the source: “…The Roman Catholic Church traces its history to Jesus Christ and the Apostles.” [though the original sentences used in the hard copy of it is different but still ended with the same conclusion].
Here:   http://www.britannica.com/EBchecked/topic/507284/Roman-Catholicism”

Ating balikan ang kaniyang sinabi na atin nang sinipi sa bandang itaas, tungkol sa kung ano ang nakalagay sa encyclopedia:

..."bakit sa encyclopedia na gawa ng mga hindi katoliko ay nagsasabing ang Iglesia Katolika ang sinasabing Iglesiyang tatag ni Kristo…”

Pansinin ninyo mga kapatid ang kaniyang sinabi na sinabi daw ng ENCYCLOPEDIA:

 “…ANG IGLESIA KATOLIKA ANG SINASABING IGLESIYANG TATAG NI KRISTO…

Nang kaniyang ipakita sa atin ang kaniyang ENCYCLOPEDIA na kaniyang counterpart source diumano, ganiyan ba sinabi?

“…The Roman Catholic Church traces its history to Jesus Christ and the Apostles.”

Na kung ating tatagalogin ay ganito ang isinasaad:

“…Inuugat ng Iglesia Katolika Romana ang kaniyang kasaysayan mula kay Jesu Cristo at mga Apostol.”

Ibig sabihin ang Iglesia Katolika ang naguugat ng kaniyang history mula sa panahon ni Cristo at ng mga Apostol. May sinabi ba ang sumulat niyan na ang Iglesia Katolika ay itinatag ni Cristo noong Unang Siglo sa Jerusalem? Di ipakita niya sa atin kung may sinabing ganun, kasi iyon ang sinabi niya dun sa DIAKONO na diumano’y tinalo niya sa debate eh. Ating balikan ang kaniyang sinabi:

..."bakit sa encyclopedia na gawa ng mga hindi katoliko ay nagsasabing ang Iglesia Katolika ang sinasabing Iglesiyang tatag ni Kristo…”
 
Kaya nga maitatanong natin sa kaniya: 

ANG IGLESIA KATOLIKA BA AY NANINIWALA NA GALING ITO SA JERUSALEM?  PAKISAGOT MO ITO FLEWEN. SAAN BA TALAGA NAG-ORIGINATE ANG CATHOLIC CHURCH SA JERUSALEM BA O SA ROMA?
 
Ating kunin ng buo ang bahaging iyon na sinabi ng Encyclopedia, may mahalagang bagay tayong dapat na mapansin na pinutol ng kaibigan nating Catholic Defender:

“The Roman Catholic Church traces its history to Jesus Christ and the Apostles. Over the course of centuries it developed a highly sophisticated theology and an elaborate organizational structure HEADED BY THE PAPACY, the oldest continuing absolute monarchy in the world.


Maliwanag na sinasabi diyan na ang Iglesia Katolika ay PINANGUNGULUHAN ng KAPAPAHAN o PAPACY, ang PAPA ang kanilang kinikilalang ULO,

Kaya kailangan niyang patunayan sa atin na ang Iglesiang itinatag ni Cristo noong Unang Siglo, ay pinangunguluhan ng PAPA, o ang PAPA ang kinikilalang ULO nito. Saan sa Biblia mababasa iyan kaibigang FLEWEN? Kung mapapatunayan mo na ang PAPA nga ang kinikilalang ULO ng mga Unang Cristiano noong FIRST CENTURY, ay mapapatunayan at walang kaduda-duda na tatag nga ni Cristo ang Iglesia Katolika.

Diyan na papasok ngayon ang kanilang CLAIM na si APOSTOL PEDRO ang KAUNA-UNAHANG PAPA ng Iglesia.  Pero ang malaking tanong ay ito: 

May mababasa ba sa Biblia na si PEDRO ay kinilalang PAPA ng mga UNANG CRISTIANO at naging ULO ng IGLESIA noong PANAHON NG MGA APOSTOL?

Muugat ba sa panahon ng Bagong Tipan o panahon ng mga Apostol ang pagkakaroon ng PAPA?

Ating basahin ang pagtatapat ng isang OBISPO ng Iglesia Katolika:


"Now, having read the whole New Testament, I declare before God, with my hand raised to that great crucifix, that I HAVE FOUND NO TRACE OF THE PAPACY AS IT EXISTS AT THIS MOMENT." [Bishop Strossmayer's Speech (in the Vatican Council of 1870), p. 4]

Sa Filipino:

“Ngayon, pagkatapos na mabasa ng buo ang Bagong Tipan, Aking ipinahayag sa Diyos, na nakataas ang aking kamay sa dakilang krusipiho, na wala akong nakitang bakas ng KAPAPAHAN na ito’y umiral sa panahong ito.”


Sinabi ni Bishop Strossmayer, sa kaniyang talimpati sa harap ng maraming Obispo noong 1870 sa Vatican, na hindi siya nakakita ng bakas na nagkaroon ng KAPAPAHAN noong panahon ng Bagong Tipan. Samakatuwid walang PAPA noong panahon ng mga APOSTOL.


Dagdag pa niya:

"Finding no trace of the papacy in the days of the apostles I said to myself, I shall find what I am in search of in the annals of the church. Well, I say it frankly I HAVE SOUGHT FOR A POPE IN THE FIRST FOUR CENTURIES, AND I HAVE NOT FOUND HIM." [Bishop Strossmayer's Speech (in the Vatican Council of 1870), p. 10]

Sa Filipino:

“Dahil sa hindi ako nakakita ng bakas ng kapapahan sa mga araw ng mga apostol, sabi ko sa aking sarili, aking hahanapin sa aking paghahanap sa mga salaysay ng Simbahan.  Matapat kong sasabihin  NA AKO’Y NAGHANAP NG ISANG PAPA SA UNANG APAT NA SIGLO, PERO HINDI KO SIYA NATAGPUAN.”


Well, matututulan ba niya ang sinabing iyan ng kanilang OBISPO?  So maliwanag kung gayon na ang IGLESIANG ITINATAG NI CRISTO AY HINDI PINAMUMUNUAN O PINANGUNGULUHAN NG ISANG “PAPA” dahil walang PAPA NA UMIIRAL BAGO ANG IKAAPAT NA SIGLO. Maliwanag iyan.

KAYA HINDI NAGING PAPA KAILAN MAN SI PEDRO, NI NAGING ULO MAN SIYA NG IGLESIA…


Dahil ang kinikilalang ULO ng Iglesia ng mga Apostol ay si CRISTO:

Colosas 1:18  “AT SIYA ANG ULO NG KATAWAN, SA MAKATUWID BAGA'Y NG IGLESIA; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.”

Kaya napakalabo ng pag-aangkin nilang ang Iglesiang Itinatag ni Cristo noong Unang Siglo ay ang IGLESIA KATOLIKA.


Nang ating itinanong kay FLEWEN kung bakit hindi mabasa sa Biblia, kahit sa Bibliang Katoliko ang PANGALANG “IGLESIA KATOLIKA”, ganito ang kaniyang naging sagot:

“Now, when you asked about on why it is not written in the Bible? Again, we should not argue on word play. Technically, you used the name-call of “Iglesia ni Kristo” [Church of Christ] which is admittedly not registered to God Himself but to the state-alone, but take note that there were hundreds of churches outside the Catholic Church who also used that term. Mr. Karl Keating already emphasized it that in U.S.-alone, there were many sects who uses that name-call as to define themselves as the true church. Now, let me cite to you examples of churches who also used your argument.
The Churches of Christ. [www.church-of-christ.org]
The Church of Christ (Latter day Saints) [http://en.wikipedia.org/wiki/Church_of_Christ_(Latter_Day_Saints)]
The United Church of Christ [www.ucc.org]
Church of Christ (non-denominational) [http://www.roundlakechurchofchrist.com/]
Church of Christ [http://newtestamentchurch.org/]
Churches of Christ [http://church-of-christ.org/churches/Philippines/Philippines.htm]
Church of Christ [independent] [http://www.church-of-christ.com/good_news.htm]
These are some of the hundreds more listed who used the term church/es of Christ. So the wordplay that you wanted to deal with me is non-sense and has nothing to do with the veracity of who,what and where the true Christ’s Church is.”

Hindi kailan man itinuro ng IGLESIA NI CRISTO na kapag ang PANGALAN ng isang IGLESIA ay IGLESIA NI CRISTO [CHURCH OF CHRIST] ito ay TUNAY NANG IGLESIA. Isa lamang ang PANGALAN SA PAGKAKAKILANLAN NG PAGIGING TUNAY, AT HINDI LAMANG ITO ANG KATIBAYAN NG PAGIGING TOTOO.

Dahil alam na alam naman namin na marami ang nag-aangkin at gumamit ng PANGALANG iyan, kasi nga NASA BIBLIA iyan.

Pero kung ang PAG-UUSAPAN NATIN ay ang CLAIM niya na ang IGLESIA KATOLIKA ang itinayo ni CRISTO noong panahong nandito pa siya sa lupa, at buhay pa ang mga Apostol, ganito ang PATOTOO ng isang PARI ng IGLESIA KATOLIKA, tungkol sa kung ano ba talaga ang PANGALAN ng Iglesiang itinatag ng Panginoong Jesus:

“Did Jesus Christ establish a Church? Yes, from all history, both secular and profane, as well as from the Bible considered as a human document, WE LEARN THAT JESUS CHRIST ESTABLISHED A CHURCH, WHICH FROM THE EARLIEST TIMES HAS BEEN CALLED AFTER HIM THE CHRISTIAN CHURCH OR THE CHURCH OF CHRIST… this church, founded and organized by Jesus Christ and preached by the apostles, is THE CHURCH OF CHRIST, it is the only true church and the one which God orders all men to join.” [Religion: Doctrine and Practice, by Rev. Francis Cassily, pages. 442-443 and page 444]

Salin sa Filipino:

“Si Jesu Cristo ba ay nagtatag ng Iglesia? Oo, mula sa lahat ng kasaysayan, kapuwa pangsanglibutan at hindi pangkabanalan, lalo na mula sa Biblia na itinuturing na isang dokumentong makatao, ATING NATUTUNAN NA SI JESU CRISTO AY NAGTATAG NG IGLESIA, NA MULA SA MGA UNANG PANAHON AY TINAWAG NG SUNOD SA KANIYA ANG IGLESIA CRISTIANA O ANG IGLESIA NI CRISTO…ang Iglesiang ito, itinatag at binalangkas ni Jesu Cristo at ipinangaral ng mga apostol, ay ang Iglesia ni Cristo, ito lamang ang tunay na iglesia na pinagutos ng Diyos na aniban ng lahat ng tao.”

Tinatanggap namin ang sinabing iyan ng PARI dahil maliwanag niyang sinabi na:

“Oo, mula sa lahat ng kasaysayan, kapuwa pangsanglibutan at hindi pangkabanalan, LALO NA MULA SA BIBLIA na itinuturing na isang dokumentong makatao”

Mula sa lahat ng kasaysayan, lalo na mula sa BIBLIA, kaya malinaw na HINDI OPINYON o PALAGAY lamang iyan ng PARI. Ang sinabi niyang ANG IGLESIA NA ITINATAG NI CRISTO AY TINAWAG NG SUNOD SA KANIYA AY ANG IGLESIA NI CRISTO, ay suportado ng BIBLIA at ng KASAYSAYAN.

Hindi kagaya ng mga CATHOLIC DEFENDER na KAILANGAN PANG MAGRETOKE NG BIBLIA, para lang may mabasa na salitang “IGLESIA KATOLIKA” sa Biblia. Kasi nga wala ito sa Biblia:

Panoorin ninyo ang bahagi ng debate nina Wendell Talibong at Bro. Ramil Parba sa Bohol:





TIME:   3:32 - Niretoke ang MATTHEW 16:18 ng CONFRATERNITY VERSION na ang nakalagay na ay:


Matthew 16:18  "...upon this rock, I WILL BUILD MY HOLY CATHOLIC APOSTOLIC ROMAN CHURCH..."


Ganiyan nila ipagtanggol ang kanilang pananampalataya, may kahalong PANDARAYA....


Ngayon papaano makikilala ang TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO sa mga nagpapakilalang IGLESIA NI CRISTO o CHURCH OF CHRIST sa ngayon?

Efeso 4:4-6  “MAY ISANG KATAWAN, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo;  Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo, ISANG DIOS AT AMA NG LAHAT, NA SIYANG SUMASA IBABAW SA LAHAT, AT SUMASA LAHAT, AT NASA LAHAT.

Ang TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO, na KATAWAN niya ay nagtataglay ng IISANG PANINIWALA na MAY ISANG DIYOS AT AMA NG LAHAT, NA SIYANG SUMASA IBABAW NG LAHAT, AT SUMASA LAHAT, AT NASA LAHAT… 

Samakatuwid ang PANINIWALA ng TUNAY NA IGLESIA AY IISA LANG ANG DIYOS, WALANG IBA KUNDI ANG AMA.

Diyan natin sukatin ang mga IGLESIA ngayon na nagpapakilalang IGLESIA RIN NI CRISTO.

Tiyak na tiyak na hindi na makakasama ang IGLESIA KATOLIKA diyan na RELIHIYON ni FLEWEN, kasi UNA, hindi NAMAN SILA IGLESIA NI CRISTO, ikalawa, HINDI NAMAN SILA NANINIWALA NA ANG AMA LANG ANG NAG-IISANG DIYOS NA TUNAY….

Patuloy kong sasagutin sa aking BLOG ang iba pa niyang mga POST….abangan po ninyo….



3 comments:

  1. bro. my gusto po ako malaman...my tinanong po ako isang katoliko eto po tanung ko

    "my tanung pala ako..dba sa jerusalem natayo ang iglesia...noong unang sglo...edi dapat doon ang sentro ng katolik...ask ko ung fren ko ...sabi nia sa rome daw..."

    eto po mga tugon nia..

    1.kung di umalis ang iglesia sa Jerusalem, eh di sn ksma ang iglesia na nawasak. Alalahanin mo ns kasaysayan ay nawasak ang Jerusalem nung 70AD nung gibain ng sundalong Romano. Ky kinakailangan na lumipat ang iglesia.

    2.nkhula na di mwwsak ng kamatayan o hades ang iglesia (Mt. 16:18 at patuloy). At nangako rin ang Panginoon na di sya hihiwalay o iiwanan ang iglesia hanggang sa wakas (Mt. 28:18-20). Yan din ang dahilan ky di tlga mttalikod ang iglesia.

    3.nkhula rin na malilipat ang iglesia sa bansang magkakabunga (Mt. 21:43). At sa kasaysayan ay ang yung iglesia lamang sa Roma ang tlgang namayagpag at kumalat sa buong mundo ky nga tinawag na katoliko o universal. Maski nga si Apostol Pablo ay nagpahayag na ang pananampalataya ng iglesiang ns Roma ay bantog sa buong sanlibutan (Roma 1:8).

    4.buti inamin mo na nung natayo ang iglesia ay di pa buo ang buong New Testament. At ilang dekada rin na nag exist ang Iglesia na di pa kumpleto ang buong Bible. Pero magtataka ka, pano nagkaganun kung Bible lamang ang dapat saligan ng katotohanan? Yang ang magandang pag aralan mo pr makita na di totoo na basta may Bible lng ang saligan okay na.

    5.bigyan kita ng background kung pano natipon ang Canon of Scriptures: ang Catholic Church ang nag declare kung anong books ang inspired at dapat mapapunta sa New Testament. Marami kc fake at di totoo eh. Ky nung Council of Hippo (393AD) at Council of Carthage (397AD) ay sinabi ng Catholic Church kung ano2x ang dapat mpbilang sa New Testament. Ky kung tutuusin ang Catholic Church ang matatawag na orig Bible Christian Church. Yung ibang sekta ksma na ang INC ay nanghihiram lng sa Catholic hehehe.

    6.ky tama ang sinabi ni Sis Agnes, maganda nga na open ka sa katotohanan. At ang katotohanan ay andun sa orig na iglesia. Yung ibang sekta, may portion of truth, naniniwala ako dun. Pero sa Catholic Church lng andun yung fullness of revelation. Di ba nga ang utos sa mga apostoles ay ituro ang buong katotohanan (Mt. 28:18-20) at di portion lang?

    7.lastly pakitanong mo sa pastor nyo kung pano umubra na nag exist yung Iglesia maski mamatay ang mga apostol at pano nagpatuloy na nagturo ang mga kahalili nila gayong di pa nabubuo at natitipon sa isang aklat ang buong Bible hanggang 393AD? Anung basis nila magturo eh di p nga kompleto ang Bible? Kung kompleto man ay hiwahiwalay. Paki post dito sa FB yung sagot ng pastor nyo o ky e PM mo ko pr alam ko na sumagot ka. Tnx.

    yan po..nais ko lng malamn cnu mga kahalili ng mga apostol sa pag tuturo..anung gmit nila sa pag tuturo kung hiwahiwalay pa ang bible...chka gumamit sya ng talata na d daw natalikod ang glesia..sana po ay my sagot po ukol sa bagay na to...salamat

    ReplyDelete
  2. Ang diumano’y ISSUE na kanilang pinaglabanan ay kung ano ang Iglesiang itinatag ng Panginoong Jesus.

    ano po ang ibig sabihin niyo dito sa "panginoon jesus" db ang paniniwala niyo eh tao siya. why do you need to add the "panginoon" if isa lng God niyo, or maybe 2?

    ReplyDelete
  3. magandang araw po kuya aerial pwede po bang humingi ng favor gumawa po kayo ng blog about totoong nangyari sa borongan samar debate between inc vs add medyo doubt kasi ako kung totoo ministro ng inc yung nakipagdebate... salamat po

    ReplyDelete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network