Saturday 6 August 2011

Paano Maliligtas ang Mga Taong Nabuhay Bago ang taong 1914?


Nais kong i-share sa inyo ang aking naging sagot sa TANONG ng ISANG “ANONYMOUS”:

Ang kauna-unahang Lokal ng INC sa Punta, Santa Ana, Manila

Tanong ng isang Anonymous:

“tanong lang po, kung ang mga INC members ang maliligtas sa judgment day, how about those people na hindi narating ng pangangaral ng INC, yung mga tribes sa africa, mga bansang walang INC at mga taong nabuhay before 1914? hindi ba ligtas ang gayon karaming tao? pls. enlighten us. tnx po...”


Isa sa tungkuling ipinagkaloob ng Diyos sa IGLESIA NI CRISTO sa Huling Araw na ito ang maipangaral ang salita ng Diyos sa lahat ng mga bansa:

Mateo 24:14At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.” 

At kapag naisagawa na ng IGLESIA na makapangaral sa lahat ng kinapal, maliwanag ang sabi NI CRISTO: “KUNG MAGKAGAYO’Y DARATING NA ANG WAKAS”.


Kaya hindi pa nagwawakas kasi nga hindi pa NAAABOT ng INC ang lahat ng kasulok-sulukan ng Daigdig. Maghintay ka lang at maaabot din sila ng pangangaral ng tunay na IGLESIA.

Ngayon dun sa pangalawang tanong mo na, papaano iyong mga taong nabuhay before 1914, so maliwanag na sa panahong iyan ay WALANG UMIIRAL NA TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO, paano sila ngayon maliligtas?

Eto ang PARAAN ng Diyos para sa kanila:

Roma 2:12 “Sapagka't ANG LAHAT NG NANGAGKASALA NG WALANG KAUTUSAN AY MANGAPAPAHAMAK DIN NAMAN NG WALANG KAUTUSAN: at ANG LAHAT NA NANGAGKASALA SA ILALIM NG KAUTUSAN AY SA KAUTUSAN DIN SILA HAHATULAN;” 

May paraan ang Diyos sa mga taong nabuhay sa panahon nang walang kautusan [110A.D. To 1914A.D.], o hindi umiiral ang tunay na aral ng Diyos, hindi nakaabot sa tao ang kaniyang mga salita dahil walang tunay na sugo at walang tunay na IGLESIA, kung nagkasala sila ng walang kautusan, ay hahatulan din sila ng walang kautusan. At dahil sa panahon noon ng unang IGLESIA NI CRISTO noong first century [33A.D. To 110A.D.] At noong 1914 pababa ay meron ng kautusan at tunay na aral na umiiral dahil sa pagsusugo ng Diyos, ay sa tunay na kautusang ito na umiiral hahatulan ang mga tao.


Papaano hahatulan iyong mga tao na nabuhay sa panahon na walang kautusan o walang tunay na aral?

Roma 2:14 “(Sapagka't kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo, ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan, ay siyang kautusan sa kanilang sarili;” 


Roma 2:15NA NANGAGTATANYAG NG GAWA NG KAUTUSANG NASUSULAT SA KANILANG PUSO, NA PINATOTOHANAN ITO PATI NG KANILANG BUDHI, at ang kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa't isa);” 

Hahatulan ng Diyos ang tao ayon sa KAUTUSAN NA NAKASULAT SA KANIYANG PUSO, NA PINATUTUNAYAN NG KANIYANG BUDHI O KONSENSIYA, Ito ang gagamiting batayan ng Diyos sa paghatol sa mga taong nabuhay sa panahong WALANG TUNAY NA KAUTUSAN, O TUNAY NA ARAL, AT WALANG TUNAY NA IGLESIA. 

Ang pagpasok sa tunay na IGLESIA ay requirement sa mga taong dinatnan ng tunay na aral kaya nasa ilalim sila ng kautusan, kaya hahatulan sila ayon sa kautusang nasusulat na umiiral. Hindi nirerequire sa mga taong nabuhay sa panahong walang kautusan ang pag-anib sa isang IGLESIA, dahil wala naman silang Iglesiang papasukan, dahil hindi pa ito umiiral. Kaya ang gagamitin ng Diyos na basehan sa paghatol sa kanila ay ang kanilang budhi, ito ang magdidikta sa kanila kung tama o mali ba ang kanilang nagawa.

May halimbawa ba sa Biblia na taong HINATULAN NG DIYOS NG WALANG KAUTUSAN?

Nun’ bang patayin ni Cain si Abel ay mayroon nang batas noon na bawal ang pumatay? Wala pa, hindi ba? Kasi sa panahon lamang ni Moises ibinigay ang batas ng Diyos na ito at libong taon pa ang pagitan ni Moises mula kay Cain. Hindi mo naman kayang sabihin na hindi nakonsiyensiya o hindi inusig ng kaniyang budhi si Cain, kaya nga ng hinahanap ng Diyos kung nasan si Abel, ay hindi niya masabi-sabi sa Diyos na pinatay niya ito, kundi sabi niya “Aywan ko, ako ba'y tagapagbantay sa aking kapatid?” [Genesis 4:9] at sa pamamagitan nito ay nahatulan ng Diyos si Cain kahit walang batas o kautusang nakasulat na umiiral.

MULI NA NAMAN TAYONG SINAGOT NG MALINAW NG BIBLIA…

36 comments:

  1. ministro ka ba brod?

    ReplyDelete
  2. sorry! kapatid ka pala sa Iglesia ni Cristo!
    hindi pala brod!
    GOD BLESS YOU KAPATID!

    ReplyDelete
  3. Hi po sayo Mr. Aerial,

    Malaking kasalanan po ba ang pagpalya po ng pagsamba? May exemption po ba ito?

    Paano po kung ang lugar na kinalalagyan ng isang tao ay wala pong pagsamba?

    ReplyDelete
  4. Sa tanong mong iyan ay hayaan natin ang Biblia ang sumagot:

    Hebreo 10:25-27 “NA HUWAG NATING PABAYAAN ANG ATING PAGKAKATIPON, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw. SAPAGKA'T KUNG ATING SINASADYA ANG PAGKAKASALA PAGKATAPOS NA ATING MATANGGAP ANG PAGKAKILALA SA KATOTOHANAN, AY WALA NANG HAING NATITIRA PA TUNGKOL SA MGA KASALANAN, KUNDI ISANG KAKILAKILABOT NA PAGHIHINTAY SA PAGHUHUKOM, AT ISANG KABANGISAN NG APOY NA LALAMON SA MGA KAAWAY.”

    Ang pagpapabaya sa PAGSAMBA ay ipinagbabawal ng Biblia, sabi nga ng Ka Erdy noong nabubuhay pa:

    ”Paano ka pagpapalain kung hindi ka sumasamba…”


    Napakahalaga ng pagdalo sa Pagsamba kapatid, dahil sa panahong ito nagpapala ang Diyos at sumasagot sa ating mga Panalangin.

    Hindi naman ITINITITIWALAG kaagad-agad ang isang kapatid na hindi nakakasamba, alam mo iyan kung ikaw ay isang INC. Sila iyong tinatawag na mga MS o MADALANG SUMAMBA, hangga’t maaari ay inuunawa sila ng PAMAMAHALA at ibinibigay sa kanila ang lahat ng pagkakataon para muling bumalik sa PAGSAMBA. Subalit kung talagang umaabot na nang taon ang kanilang hindi PAGSAMBA, ay saka lamang sila ITINITIWALAG, dahil lalabas noon na iyon ay PANANADYA NA, at ang PANANADYA o iyong KASALANANG SINASADYA ay WALANG KAPATAWARAN, gaya nga ng sinabi ng talatang binasa natin.

    Sa isang TUNAY NA KAPATID na nakaunawa ng aral, isang beses lang hindi makadalo ng PAGSAMBA ay NABABALISA na at hindi na MAPAKALI. Kasi nga unawa ang HALAGA nito.

    Kung nagkataong walang PAGSAMBA sa dakong napuntahan halimbawa ay sa Abroad, ay hindi nangangahulugan na EXEMPTED na sila. Kinakailangan na kanilang maipaabot kaagad sa Iglesia ang kanilang kalagayan upang sila ay mapayuhan o matulungan kung papaano makakakita ng dako. Kung sakali man na imposible talagang makasamba, sila ay inuunawa ng PAMAMAHALA, subalit kung ikaw ay isang kapatid na may pananampalataya ay sikapin mo na umalis sa ganoong dako at humanap ng ibang lugar kung saan Malaya mong magagawa ang sumamba. Kung magtatagal ka sa ganoong kalagayan halimbawa ay aabutin ng taon na hindi ka makakasamba, ang PAMAMAHALA ay nagsasagawa ng paglilinis sa TALAAN, ay maaaring madamay ka sa mga ititiwalag o aalisin na sa TALAAN ng mga KAANIB.

    Kaya nga ipinapayo ng PAMAMAHALA sa mga nagnanais na mag-abroad na tiyakin muna na may PAGSAMBA sa lugar na pupuntahan. May nakatalagang tanggapan sa Central na magbibigay sa inyo ng mga impormasyon na inyong kailangan upang makakita ng local sa inyong pupuntahang bansa.

    HUWAG PO TAYONG MAGPAPABAYA SA ATING MGA PAGSAMBA, PARA PO MAKATIYAK TAYO NA PATULOY TAYONG MAGTATAMO NG MGA BIYAYA NG ATING AMA.

    ReplyDelete
  5. Maganda po itong blog niyo marami kaming natututunan...

    Ako po'y dating sakristan, at kasalukuyang Catholic. Tama po ba ang pagkakaalam ko na LAHAT ng TAO ay maliligtas sa judgment day?

    Laganap po kasi yung phrase na "Jesus died for the sins of the world", puede niyo bang liwanagin ito?

    ReplyDelete
  6. Sinagot ko na iyan kaibigan, ginawan ko ng BAGONG POST ang iyon NAPAKAGANDANG TANONG.

    God bless to you and your Family...

    ReplyDelete
  7. Bro, gusto ko lang sana malaman kung ano ang paliwanag sa Rome 16:16 bakit churches of Christ ito sa english at sa tagalog naman ay "lahat ng mga iglesia ni Cristo" kasi meron akong nabasa na ipinangtutuligsa na ginagamit yung roma 16:16 para malaman ang pangalan ng tunay na iglesia pero pag hango sa wikang ingles ay churches of Christ naman.

    ReplyDelete
  8. Thanks po Ginoong Aerial sa pagsagot mo sa tanong ko sa topic "Jesus died for the sins of the world"

    God bless din po sa inyo at naway patuloy pa kayong magsilbing ilaw sa lahat!

    ReplyDelete
  9. Salamat po kaibigang Anonymous,

    Pero hindi po galing sa akin ang mga isinasagot ko sa inyo, ito po ay Turo at Aral ng Iglesia ni Cristo, na siyang tunay na ILAW, na nagbibigay LIWANAG sa LAHAT ng mga taong nagnanais makasumpong ng LIWANAG.

    Sa Iglesia ipinagkaloob ng Dios at ni Cristo ang Tungkling ito:

    Efeso 3:10 “Upang ngayo'y sa pamamagitan ng IGLESIA, ay MAIPAKIKILALA sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sa sangkalangitan ANG KAPUSPUSAN NG KARUNUNGAN NG DIOS,”

    Ang Iglesia ang pinagkalooban ng tungkulin na magpakilala ng kapuspusan ng Karunungan ng Diyos sa lahat ng tao.

    Isinishare ko lamang po sa inyo ang mga kaalamang natutunan ko sa relihiyong aking kinaaniban.

    Purihin ang Diyos at Ama ng Panginoong Jesucristo (2 Corinto 1:3)

    Salamat sa iyo...

    ReplyDelete
  10. maganda ito kapatid na Aerial. :)

    ReplyDelete
  11. brother, meron po bang english version nito o materyales na nasa wikang ingles(video etc)? Naitanong po kasi ng kaklase kong Korean ang bagay na ito at nasagot ko naman siya na ang mga tao nga na iyon ay hahatulan ayon sa kautusan ng kanilang puso. pero hindi niya matanggap yung ideya na bakit kelangan pa magbago ng "batayan" para maligtas (ie, ayon sa kautusan ng puso, kung wala pang kautusan.. at ayon naman sa kautusan ng Diyos kung mayroon).

    Sana po ay matulungan nio ako. Salamat po.

    ReplyDelete
  12. Sa Roma 16:16... ang terminong "... mga iglesia ni Cristo.."

    ang "mga" po ay tumutukoy sa mga kaanib at hindi po sa iglesia.

    Basahin po ang Roma 16:1-15...,mga kaanib po sa Iglesia Ni Cristo

    ang tinutukoy.

    Pero kung ang pag-uusapan ay ang Iglesia o religious

    organization..ay iisa lamang po ito.

    Tandaan po natin ang pahayag ng ating Panginoong Jesukristo sa

    Mateo 16:18.."..itatayo ko ang aking iglesia"..ang banggit po ng

    Cristo.."aking iglesia"..singular po,..sapagkat iisang iglesia

    lamang ang itinayo niya.

    Sa paglalarawan ni Apostol Pablo sa Col.1:18..ang Iglesia ay

    katawan ni Cristo.

    Iilan po ang katawan ni Cristo o Iglesia?

    Sa Efe.4:4...sabi ni Apostol Pablo.."..may isang katawan.."

    Kaya iisa lamang po ang katawan o iglesia at ito ay ang Iglesia

    Ni Cristo..

    Ang marami ay ang mga kaanib o miembro na naging sangkap ng

    katawan ni Cristo o Iglesia..basahin ang Roma 12:4-5.,

    ReplyDelete
  13. Brod may nagtanong sa akin na di INC. Paano na daw po ang mga bata na namatay gaya noong sa bagyong Sendong, wala daw tayong awa kung pati yung mga bata ay mapupunta sa apoy dahil nga ang iglesia lang ang maliligtas. Nagaalangan akong sagutin dahil tanging alam ko lang ay yung sa mga batang hindi pa dapat bautismuhan dahil wala pa silang tamang pang-unawa para magsisi sa kasalanan. Maliligtas din po ba ang maliliit na bata na wala sa iglesia?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Brod Marco,

      Napakasimple ng sagot sa tanong mo:

      Bakit ba mapupunta ang tao sa impiyerno?

      Roma 6:23 “Sapagka't ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMATAYAN; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.”

      Maliwanag ang sagot ng Biblia, ang taong nakagawa ng kasalanan na hindi natubos o hindi nabayaran ni Cristo ay mapaparusahan sa dagat-dagatang apoy o iyong tinatawag na ikalawang kamatayan [Apoc 20:14]

      Ano ba ang kahulugan ng salitang “KASALANAN”?

      Sasagutin tayong muli ng Biblia:

      1 Juan 3:4 “Ang sinomang gumagawa ng kasalanan ay sumasalangsang din naman sa kautusan: at ANG KASALANAN AY ANG PAGSALANGSANG SA KAUTUSAN.”

      Ang kasalanan ay ang pagsalangsang o paglabag sa kautusan ng Diyos, at ang taong nagkakasala ay iyong mga tao na lumabag sa kautusan niya.

      Tanong:

      Ang mga sanggol o mga bata ba ay may kakayahang lumabag sa kautusan ng Diyos?

      Sagot: Wala po, kaya maituturing natin sila na MGA WALANG KASALANAN. Kay kaanib sila o hindi kaanib sa INC.

      Kaya hindi sila nangangailangan ng pagtubos ni Cristo, dahil sigurado ang kaligtasan nila dahil WALA SILANG KASALANAN na kailangang tubusin o bilhin ng kaniyang dugo na hindi gaya natin.

      Kaya nga sabi ni Cristo ganito pansinin ninyo:

      Mateo 18:2-3 “At pinalapit niya sa kaniya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila, At sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, MALIBANG KAYO'Y MAGSIPANUMBALIK, AT MAGING TULAD SA MALILIIT NA BATA, SA ANOMANG PARAAN AY HINDI KAYO MAGSISIPASOK SA KAHARIAN NG LANGIT.

      Para tayo maligtas kailangan nating maging katulad ng maliliit na bata, banal,malinis, walang kasalanan.

      Kaya maliwanag po ang sagot: Maliligtas ang maliliit na bata o mga sanggol kahit di kaanib sa INC, dahil sila po ay mga banal at walang dungis sa paningin ng Diyos.

      Sana po ay nakatulong ang sagot na ito.

      Delete
  14. ANG MGA MINISTRO PO SA IGLESIA NI CRISTO ANG HIGIT NA MAKAKASAGOT

    SA INYONG MGA KATANUNGAN,..DALHIN PO NINYO YONG NAGTANONG SA MGA

    PAMAMAHAYAG AT MAGING SA DOKTRINA PARA MAKAPAG TANONG SA MINISTRO.

    ReplyDelete
  15. @marco hindi na natin obligasyon natin yung mga namatay ang obligasyon natin paano natin masunod ang kanyang kaotosan..ikaw bay nagawa mo ba yan...

    ReplyDelete
    Replies
    1. very offensive ba dating ng tanong ko kaya tinanong mo ako kung nagawa ko na ang kaotosan ng Diyos?

      Masama bang magtanong ha... Gusto ko lang malaman kung pati mga bata sa labas ng iglesia ay maliligtas. Ikaw ba alam mo rin sagot? =D

      Delete
  16. Maganda ngang may mga nakakausap ka rin na mga mang-uusig dahil may mga tanong na bago sa pandinig mo. Gaya ng 'Si Cristo ba ay Anghel o hindi?' Dahil nga di ba sa atin ang Anghel ay 'messenger' o 'sugo,' at si Cristo ay sinugo ng Diyos. Parang ang dating sa kanila tao na si Jesus anghel pa.

    Siyempre sinabi ko sa nagtanong sasamahan ko siya sa kapilya para magtanong sa ministro hehehehehe...

    Pero may nabasa ako na si Jesus ay ang tinutukoy sa Rev.3:7 na 'anghel ng Filadelfia na may hawak ng susi ni David,' katuparan ng nakasulat sa Isaias 22:22.

    ReplyDelete
  17. ang terminong "mga iglesia ni cristo" ay HINDI tumutukoy sa mga miyembro. ito ay tumutukoy sa organisasyon o samahan. Kung babasahin ang Bibliang ingles, ang sabi duon ay "Churches of Christ". Hindi MEMBERS of the church. Hindi talaga kayo nakauunawa.

    ReplyDelete
  18. Tama ang sinabi mo kaibigan mga INC kuno lamang daw ang maliligtas sa araw ng panghuhukom.Kabaliwan iyang na sinasabi ng INC kung hindi ka kaanib sa relihiyong INC hindi kana maliligtas?Mga palpak ang itinuturo ninyong pagsamba sa tunay na landas ng pagkamakadiyos.Wala kayong sapat na katibayan na kayo na nga ang tunay at wagas na makadiyos na pagsamba.Kung kayo na nga bakit hindi ninyo mahikayat ang mga mamayang pilipino sa buong Pilipinas kung kayo lang na INC ang makaliligtas sa araw ng panghuhukom?Sa makatuwid kilalang tanyag lamang ang INC at walang sapat na pagbabatayan sa tunay at wagas sa makatutuong pagsamba sa ating mahal na Panginoon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. mr.anonymous nasusulat din po sa apocalypsis na sindami ng buhangin sa dagat ang hindi maliligtas,dumakot ka lang ng buhangin hindi muna po ito mabibilang eh. at tsaka nung panahon po ni noe ay walo katao lng ang naligtas nung bumaha ng tubig sa buong sanlibutan:)mag suri pa po kayo sa INC, dahil maraming katulad nyu po ang umuusig sa aral at doktrina sa INC at ang iba ay naging myembro na ng INC:) Godbless po..

      Delete
  19. Anonymouses,

    Na-tackle na po rito ang mga tuligsa niyo pong iyan. Narito po ang link ang maaari po kayong mag-post doon.

    http://torch-of-salvation.blogspot.com/search/label/Church%20of%20Christ

    http://torch-of-salvation.blogspot.com/2011/10/bakit-nga-ba-churches-of-christ-ang.html

    Sana po ay maliwanagan po kayo. Wala pong masama magtanong sapagkat sa INC, laging ang Bibliya ang sasagot at hindi sariling kuro-kuro o haka-haka lamang.

    Bee


    ReplyDelete
  20. Sa aking ubserbasyon ay taliwas sa turo ng INC kung talagang pagkamakadiyos ang paguusapan at sila'y nagkakasala at lumalabag sila sa kautusan ng ating mahal na Panginoon.Marami akung kilalalang INC na kaibigan at sila'y hindi naghihirap sa buhay kung baga mayroong kaunting kabuhayan.Noong hindi pa sila INC ay medyo maaliwalas pa ang kanilang kabuhayan ngunit noong naging INC na sila unti unti na nilang naibinta ang kanilang lupain dahilan lamang sa pasiklaban at hindi pahuhuli kung magbigay ng donasyon at hindi na nakapagaral ang kanyang mga anak sa koleheyo dahil inuuna niya ang INC kaysa pagaaral ng mga anak niya.Iyan ang malaking kasalanan sa ating Panginoon dahil kinukutahan ng INC ang mga membro niya at iisa ang nakikinabang at yumayaman diba?Magisipisip kayong mga INC malaking kasalanan iyang mga gawain ninyo at taliwas iyan sa SAMPUNG KAUTUSAN ng ating mahal na Panginoon.Kung naisin niyong makadiyos na tatahaking landas ay baguhin ninyo ang sistima at pamamalakad sa INC kung kayo'y nararapat at karapatdapat sa kaharian ng ating mahal na Panginoon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Obserbasyon mo lng brod. Ang buhay ay sadyang up and down, parang gulong di ba? Kung ganun ang naging takbo ng buhay nung kapatid eh wag mo nang hilahin yng kanyang pagkaINC, normal sa buhay yan. Yng mga dahilan na sinabi mo gaya ng pasiklaban at hindi pahuhuli sa pagbibigay ng donasyon ay walang katotohanan yan brod, hindi ganyan ang pag-aabuloy sa INC, yun ay kusang loob at walang takda. Isipin mo rin sanang mabuti kung ang pag-aabuloy ba nya eh sapat na rason na pra di na nakapag-aral ang mga anak nya. Hindi nman kapanipaniwala yng dahilan mong hindi makapag-aral anak nya dahil nag-aabuloy! At laking pagkakamali mo na sabihing kinukutahan ang mga myembro, brod may alam akong samahang panrelihyon na ganyan pero never sa INC ang kukutahan ang myembro! May mga taong sinasadyang ikinakalat na may ikapu, kukutahan, pag di nakasamba eh sisingilin sa abuloy at kung anu ano pang paninira sa INC, sinasabi ang mga yan para lng takutin at iwasan o ayawan ng mga tao ang pag-anib sa INC. Walang taliwas na sistema, lahat ng tuntunin, aral at doktrina sa INC ay batay lang sa bibliya

      Delete
  21. Na is kung ilahad sa inyo kung paano ginawa ng isang INC sa Bilad, Camiling,Tarlac ang nangyari sa lupain ng aking biyenan na pinalsipeka ang mga papelis diba bawal iyan sa mga alituntunin ng INC?Wala siyang karapatan na angkinin ang kanyang hindi niya pagaari diba!Ito ay INC at sa palagay ko matuwid ang mga kasapi ng INC maroon din palang mga ganid at gahaman.Hindi ko akalain na nataguriang INC manluluko din pala.Kinasabwatan pa niya ang isang meyembro ng INC na abugado at pinaperma ang tiyuhin ni misis ko na hindi naman niya naintindihan ang kanyang pinirmahan at kung hindi raw siya pipirma ay ititiwalag daw siya sa INC iyon ang nasabi ng tiyuhin ni misis ko makatwiran ba iyan sa alituntunin ng INC na kamkamin ang hindi mo pagaari?

    ReplyDelete
  22. Bakit hindi ninyo na masagot itong sinasabi ko matagal kuna itong naipost siguro ayaw na ninyong sagutin dahil ayaw nnyong lunukin ang pride ninyo.Huwag na kayong magmalinis na mga INC sumisingaw narin ang mga baho ninyo at hindi ninyo ito maikukubli lalabas at lalabas din.

    ReplyDelete
  23. Alam mo lhat tyo may kasalanan sa harap ng diyos, Hindi lhat matuwid, kahit ikaw alam mo sa srili mo na ikaw ay nagkakasala din. Kung kasalanan niya iyon Diyos na ang bhala at humatol sa kanya, at huwag mong idadamay ang lhat ng INC. Dahil wla nmang turo ang bibliya na lhat ng tao matuwid lhat nagkasala liban lang sa ating panginoong hesus.

    ReplyDelete
  24. PULOT YANG SAGOT SA ANG DATING DAAN. NAPANOOD KO

    ReplyDelete
    Replies
    1. NAPULOT SA ANG DATING DAAN? EH SI ELI NGA PUMULOT NG ARAL SA INC EH KAYA HALOS PAREHAS NG ARAL EH. ANG DI NYA LANG MATANGGAP NA ANG AMA LANG ANG TUNAY NA DIYOS.

      Delete
  25. Mr. Aerial, di po ba ang Iglesia ni Cristo ang ililigtas ni Cristo pagdating ng paghuhukom? Eh, papaano po si Moises, David at iba pa na itinuturing na mga banal sa Biblia subalit hindi naman naging kaanib ng Iglesia, maliligtas po din ba sila?

    ReplyDelete
  26. Sa bawat yugto ng panahon ay may mga hinirang ang Dios.ANG tanong ni anonymous kung maliligtas ba si moises at david hindi naman sila member ng INC.Ang sagot po ay ligtas sila,dahil sa panahon nila sila ang mga hinirang ng Dios. Sa panahon ni NOE,sila lang din ang naligtas. Sa panahong cristiano ang INC din ang tanging paraan sa kaligtasan ng tao,ang anyaya ni cristo ay pumasok,juan 10;9 sa kawan o sa INC ,GAWA 20;28 LAMSA.

    ReplyDelete
  27. Pano nyo naman na kayo ang iglesia na tinatag ng panahon ni apostol pablo eh pinangalang nyo lng naman ang church nyo na iglesia .pero alam natin na iba ang galawan ng alagad noong panahon ni pablo sa galawan ng iflesia na tinatag ni manalo .naninigarilyo kayo nag mumura gumaganit ng baril sumasawsaw sa pitika. Di ba ginamit nyo lng ang iglesiang salita at inabkin at ginawang religion sa pilipinas pero iba paggawi ng namununo hanggang sa members.kawawa nmn ang naniniwala sa inyo na ginamit nyo ang KASULATAN para ankinin na kayo ang sinaunang church na tinatag ng alagad.ayaw nyo pa gawing malaya na maunawaan ang kasulatan ng members nyo lumalabas kayo lng may karapatan hindi ganyan turo ng alagad ni kristo.

    ReplyDelete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network