Wednesday, 24 August 2011

Sagot sa Baluktot na Pagtutol ni Flewen sa isyu ng 666 - Part 1


Makikita ninyo ngayon ang MGA BALUKTOT NA PAGTUTOL NI FLEWEN isang CATHOLIC DEFENDER sa kaniyang BLOG sa aking ipinost na PAKSA na may pamagat na:


Sabi ng nagmamagaling na CATHOLIC DEFENDER na si FLEWEN:

“makikita mo dito ang mga tiara at ang magiging kahiya-hiyang reaksiyon ni Aerial patungkol dito.

Makikita natin ang kawalang muwang ni aerial patungkol sa mga sinabi ko noong una at sa kung papaano ko ito sinabing typo error lamang ito at ang pinipertain ko ang santo papa at hindi ang Iglesiya Katolika. Ipagpaumanhin ninyo mga kapatid kung nagkamali ako sa pag-type ng aking punto.

Ang nakakatawa lamang nito, hindi nagbabasa si aerial sa comment ko ditto sa blog nang sinabi kong:

“….oopss, there’s a mistake to my statement before, the one I am referring is the pope. that’s why I am speaking all the time in here about the INCs claim of 666 as the title of the pope, not of the church. so sorry for the typo error huh? ”


Kitang-kita sa sinabi niyang ito na siya ang WALANG KAMUWANG-MUWANG at hindi nagbabasa ng aking IPINOST SA AKING BLOG…

Dahil ang sinasabi niyang ito ay QUOTED pa nga sa aking POST na may PAMAGAT NA:


Narito ang sinabi ko sa aking POST:

“Kaya nga ang sabi ko pa nga ng aking sinipi ito ay: At dahil sa pinuna ng isa nating kapatid sa kaniyang COMMENTS section, na NAGKAKONTRAHAN ang kaniyang mga SINABI ay ganito ang kaniyang naging PALUSOT:

“oopss, there’s a mistake to my statement before, the one I am referring is the pope. THAT’S WHY I AM SPEAKING ALL THE TIME IN HERE ABOUT THE INCS CLAIM OF 666 AS THE TITLE OF THE POPE, NOT OF THE CHURCH. SO SORRY FOR THE TYPO ERROR HUH?”

Isa raw TYPO ERROR ang kaniyang nasabi, hehehehe.  Lumipas pa ang ilang sagutan namin at kung hindi pa may nag COMMENT na Kapatid, ay hindi pa niya mapapansin ang kaniyang pagkakamali, kahit na makikita ninyo sa kaniyang BLOG ay sinipi pa niya ang kaniyang SINABI na sinabi daw ng PASUGO NA ANG IGLESIA KATOLIKA ANG DIUMANO’Y ANG 666…kaya maliwanag na NAGPAPALUSOT para MAKAIWAS sa KAHIHIYAN ang magiting na CATHOLIC DEFENDER….”

E mukhang ikaw ang walang kamuwang-muwang na nabasa ko sa BLOG mo ang PAGPAPALUSOT mong iyan.

KITANG-KITA EBIDENSIYA NA IKAW ANG HINDI NAGBABASA NG MGA POST KO, HEHEHEHE

Hindi naman kataka-taka iyan sa ‘yo, kasi hindi naman isang beses mo lang idinisplay ang KAPALPAKAN mo FLEWEN…

MAGBASA KA KASI NG POST KO, dahil kahit walang KAKUWENTA-KUWENTA ang mga PINAGSASABI mo sa BLOG mo, BINABASA KO…maging patas ka naman…


UMPISAHAN NA NATIN ANG PAGSAGOT SA KANIYANG MGA PAGTUTOL SA ATING POST

Pinatutunayan ng Biblia na ang taong may numerong 666 ay nagtataglay ng TATLONG KATANGIAN:

Apocalypsis 13:11At nakita ko ang ibang hayop na umaahon sa lupa; at may dalawang sungay na katulad ng sa isang kordero, at siya’y nagsasalitanggayang dragon.”

Ibinigay sa atin ang TATLONG KATANGIAN:

1.      “may dalawang sungay” – Nagtataglay siya ng dalawang sungay:

2.      “katulad ng sa isang kordero” – gagayahin ang kordero

3.      “nagsasalitang gaya ng dragon.” – ang kaniyang sasabihin ay salita o aral ng dragon


May dalawang sungay

Atin nang tinalakay sa nakaraan na ang ibig sabihin ng DALAWANG SUNGAY ay KALAKASAN o STRENGTH na kasingkahulugan ayon sa Dictionary na ating sinipi na POWER at FORCE, samakatuwid ang DALAWANG SUNGAY ay tumutukoy sa DALAWANG KAPANGYARIHAN, na pinatutunayan nga ng aklat na ating sinipi na taglay ng PAPA ng IGLESIA KATOLIKA:

 “The Popes were not only devoted SPIRITUAL FATHERS, but firm and valiant CIVIL GOVERNORS…” [Faith of Our Fathers, by James Cardinal Gibbons, p. 113]

Sa Filipino:

“Ang mga Papa ay hindi lamang matatapat na AMA SA ESPIRITU, kundi matitibay at magigiting na mga GOBERNADOR SIBIL.”

Pinatutunayan ng Cardinal ng Iglesia Katolika na ang Papa ay nagtataglay ng dalawang uri ng Kapangyarihan: KAPANGYARIHANG SPIRITUAL at KAPANGYARIHANG PAMPULITIKA, kapuwa saklaw ng Papa ang pamamahala sa Relihiyon at sa Gobiyerno. Pasok ang Papa sa unang katangian.

Narito ang kaniyang PAGTUTOL:

“Sagot: ang kapangyarihang ibig mong sabihin ay hindi kailanman para sa Iglesiya katolika, ang binabase mong gawa ni Fr. Gibbons ay binaluktot mo lamang para sabihing may dalawang kapangyarihang tinataglay ang santo papa. Ang ibig pahiwatig lamang ni Gibbons nito ay ang coverage ng kanyang awtoridad habang ang buong europa noong panahon ay nagbibigay pugay ng lubos sa santo papa, kaya sablay ang argumento mo.”

Halatang-halata na hindi mo binabasang maigi FLEWEN ang aking POST, kung binabasa mo man baka nakasara ang iyong MATA o kaya ay ILONG ang iyong ginagamit sa PAGBABASA. Hehehehe.

Nakakatawa ang sinabi mong ito…baka sabihin mo na naman  na TYPO ERROR ito, umiba ka naman ng estilo, dahil gasgas na ang palusot na iyan.

Sabi mo FLEWEN na halatang wala ka na naman sa sarili mo: 

“ang kapangyarihang ibig mong sabihin ay hindi kailanman para sa Iglesiya katolika,”

Oh sino naman ang may sabi sa iyo na ang KAPANGYARIHANG ipinaliwanag ko ay PARA SA IGLESIA KATOLIKA?

May sinabi ba ako sa aking POST na ang IGLESIA KATOLIKA ang nagtataglay ng DALAWANG URI NG KAPANGYARIHAN?

Naku FLEWEN, mukhang NAGKAKALAT ka na talaga, dahil sa hindi mo malaman kung saan ka PUPULOT ng IKAKATUWIRAN ay HILONG-HILO ka na sa mga pinagsasabi mo.

Hindi ang IGLESIA KATOLIKA topic natin FLEWEN, ang PAPA, OK?

Balik tayo sa PAPA…Huwag mong paganahin ang ALZHEIMERS mo…hehehehehe….

Ito ang nakakatawa, parang itong style BIGAY-BAWI, pero sa kasong ito, BAWI muna tapos BIGAY:

Tingnan mo sabi mo:

“ang binabase mong gawa ni Fr. Gibbons ay binaluktot mo lamang para sabihing may dalawang kapangyarihang tinataglay ang santo papa. Ang ibig pahiwatig lamang ni Gibbons nito ay ang coverage ng kanyang awtoridad habang ang buong europa…”

Binaluktot ko lang daw ang sinabi ni Cardinal Gibbons para daw lumitaw na may dalawang kapangyarihang tinataglay ang PAPA.  Nasan ang binaluktot ko? Oh ang isip mo ang baluktot?


Oh bakit doon ba sa sinabi ng Pari PINATUTUNAYAN ba doon na WALA SIYANG DALAWANG KAPANGYARIHAN?

Kaliwanag ng sinabi ni Gibbons na  ang PAPA ay:

1.      SPIRITUAL FATHER

2.      CIVIL GOVERNOR

Flewen kitang-kita na iyan ay DALAWANG URI NG KAPANGYARIHAN: KAPANGYARIHANG ESPIRITUAL AT KAPANGYARIHANG SIBIL, wala akong binabaluktot diyan, ikaw ang hindi makakita ng katotohanang pinatutunayan ng inyong Cardinal.

Baka sabihin mo na naman na PALPAK si CARDINAL GIBBONS sa sinabi niyang iyan…sus ka naman pag nagkataon wala ng PARI NA NAGSABI SA INYO NG TOTOO.

Pero ito ang nakakatawa, kaya nga ang sabi ko BAWI tapos BIGAY:

Sabi mo, binaluktot ko lang daw ang sinabi ni Gibbons para lumitaw na may dalawang kapangyarihan ang PAPA, so maliwanag kang tumututol na may DALAWANG KAPANGYARIHAN ang PAPA.

Ito ang pambawi, sabi mo:

 “Ang ibig pahiwatig lamang ni Gibbons nito ay ang coverage ng kanyang awtoridad…”


Pansinin ninyo mga kapatid sa INC ang sabi ni FLEWEN:  “COVERAGE NG KANYANG AWTORIDAD”

Hindi ba ang ENGLISH ng “AWTORIDAD” ay “AUTHORITY”  samakatuwid ang pinahihiwatig [wala namang nakalagay na pahiwatig lamang iyon ni Gibbons eh, guni-guni mo lang iyon, direct statement iyan ni Gibbons hindi pahiwatig lang] ayon sa iyo FLEWEN  ay ang nasasakop ng PAPA bilang kaniyang AWTORIDAD na sa English nga ay “AUTHORITY”…

Ano ba meaning ng salitang “AUTHORITY”?

“AUTHOR'ITY, n. [L. auctoritas.] - LEGAL POWER, or a right to command or to act; as the authority of a prince over subjects, and of parents over children. POWER; rule; sway.” [Webster’s 1828 Dictionary]

Ang sinabi mong salitang “AWTORIDAD” o AUTHORITY ay kasing kahulugan ng salitang “POWER” o KAPANGYARIHAN.

Since ang salitang AWTORIDAD = KAPANGYARIHAN

Kaya ang talagang meaning ng sinabi mo FLEWEN ay:

Ang ibig pahiwatig lamang ni Gibbons nito ay ang coverage ng kanyang KAPANGYARIHAN…”

Tama ka, dalawa nga ang COVERAGE ng KAPANGYARIHAN ng PAPA:  KAPANGYARIHANG ESPIRITUAL at KAPANGYARIHANG SIBIL

Hilong-hilo ka FLEWEN, para kang nakasakay sa TSUBIBO,  hindi ko malaman kung ano ba talaga ang STAND mo, TUTOL ka ba o PAYAG ka na ang PAPA ay may taglay na DALAWANG KAPANGYARIHAN…

Para kang si SORIANO, kaya lang ang kaibahan niyo lang…SI SORIANO LUMILIPAS PA ANG ILANG PANAHON BAGO NIYA KONTRAHIN ANG SINABI NIYA…

IKAW NAMAN SA ISANG PANAHON LANG AT PAGKAKATAON, DAHIL SENTENCES LANG ANG PAGITAN  NAGKAKAKONTRAHAN NA KAGAD ANG MGA SINASABI MO…HEHEHEHEH

Kumuha pa tayo ng dagdag na REFERENCIA na nagsasabi na ang PAPA ay nagtataglay ng DALAWANG URI NG KAPANGYARIHAN:

“The history of PAPAL AUTHORITY in one of increasing claims to power, and the acceptance of that power by other Christians. The climax of this history was reached in 1302 C.E. when Pope Boniface VIII issued a decree, Unam Sanctam , that both SPIRITUAL AND POLITICAL AUTHORITY were vested by God in the church, THUS MAKING THE POPE, NOT ONLY THE SUPREME HEAD OF THE CHURCH IN ECCLESIASTICAL AFFAIRS, BUT THE SUPREME POLITICAL POWER IN THE WORLD AS WELL.”[http://www.godweb.org/papacy.htm]

Hindi kayang tutulan ni FLEWEN ang katotohanang ito, kahit na magpaikot-ikot pa siya sa kaniyang paliwanag…at NALALANTAD NAMAN TALAGA NA LITONG-LITO SIYA SA ISYUNG ITO…

Sasagutin pa natin ang iba sa susunod…

No comments:

Post a Comment

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network