Tuesday 23 August 2011

Banal na Hapunan sa Umaga?




Tanong ng isang nagngangalang JANUS:

“Bakit ang Banal na Hapunan ng INC ay ginagawa sa UMAGA? Hapunan ‘yon, diba?”



SAGOT: Malaki ang pagkakaiba ng BANAL NA HAPUNAN sa ORDINARYONG HAPUNAN, kaya tayo kumakain ng hapunan, ay upang tayo ay “MABUSOG”, upang maibsan ang ating gutom. Iba ang Pagbabanal na Hapunan, hindi ito isinasagawa para tayo ay mabusog.

Niliwanag iyan ni Apostol Pablo:

1 Corinto 11:20 “Kaya’t sa inyong pagtitipon, hindi BANAL NA HAPUNAN ng Panginoon ang kinakain ninyo. [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]

1 Corinto 11:21 “Sapagka't sa inyong pagkain, ang bawa't isa'y kumukuha ng kanikaniyang sariling hapunan na nagpapauna sa iba; at ang isa ay gutom, at ang iba'y lasing.”

1 Corinto 11:22ANO, WALA BAGA KAYONG MGA BAHAY NA INYONG MAKAKANAN AT MAIINUMAN? o niwawalang halaga ninyo ang iglesia ng Dios, at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman? Ano ang aking sasabihin sa inyo? Kayo baga'y aking pupurihin? Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri.” 


Inakala ng mga unang Cristiano noong una na ang BANAL NA HAPUNAN, ay katulad ng ordinaryong hapunan na KAINAN at INUMAN, kaya ang IBA AY NAGPAPAUNA SA PAGKAIN, at ang iba naman ay NALASING sa kaiinom ng katas ng UBAS. Kaya nga sabi ni PABLO ay: ” ANO, WALA BAGA KAYONG MGA BAHAY NA INYONG MAKAKANAN AT MAIINUMAN?” Kasi nga hindi naman ORDINARYONG HAPUNAN iyon eh na kaya ka nanduduon ay KAKAIN ka hanggang gusto mo para ikaw ay MABUSOG. 

Kaya nga ang TAGUBILIN ni Pablo ay:

1 Corinto 11:34KUNG MAY NAGUGUTOM, KUMAIN NA MUNA SIYA SA BAHAY upang hindi humantong sa hatol na kaparusahan ang inyong pagtitipon. Tungkol naman sa ibang mga bagay, saka ko na aayusin pagdating ko riyan.” [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]

Kaya maliwanag na hindi ORDINARYONG HAPUNAN, ang BANAL NA HAPUNAN, kasi nga kailangan kung nagugutom ka KUMAIN KA MUNA SA BAHAY, dahil hindi ka pupunta sa BANAL NA HAPUNAN para mabusog.

Kaya mali JANUS NA IHAMBING ITO SA “HAPUNAN” na ginagawa natin na PANGKARANIWAN.

Ano ba ang BANAL NA HAPUNAN, Bakit ba natin ito isinasagawa?

1 Corinto 11:24 “At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: GAWIN NINYO ITO SA PAGAALAALA SA AKIN.”

1 Corinto 11:25 “At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: GAWIN NINYO ITO SA TUWING KAYO'Y MAGSISIINOM, SA PAGAALAALA SA AKIN.”
 

Ang PAGKAIN NG TINAPAY at ang PAG-INOM SA SARO o ng KATAS NG UBAS, na bahagi ng PAGBABANAL NA HAPUNAN ay ginagawa upang ALALAHANIN ANG PANGINOONG JESUCRISTO. Hindi para MAGHAPUNAN ng LITERAL na kaya ka kakain noon ay PARA MABUSOG KA.

PAG-AALAALA iyon kay Cristo, kaya puwede nating GAWIN, kahit sa UMAGA, TANGHALI o maging sa GABI. Ang “BANAL NA HAPUNAN” ay ang PANGALAN na itinawag sa gawaing ito ng PAG-AALALA SA KANIYA.

Kaya HINDI APPLICABLE ang “ELEMENT OF TIME” sa pangalang o katawagang ito. Katulad ng mga halimbawa sa ibaba ng mga KATAWAGAN o SALITA na hindi APLIKABLE ang TINATAWAG NA “ELEMENT OF TIME”…

Katulad ng “SIMBANG GABI” na isinasagawa sa MADALING ARAW

Katulad ng salitang “MIRIENDA” na sa English ay AFTERNOON TEA, na puwede ring GAWIN SA UMAGA.

Ang salitang “NIGHT GOWN”, ay hindi nangangahulugang sa GABI MO LANG PUWEDENG ISUOT iyon. At kapag isinuot mo sa UMAGA ay hindi na siya NIGHT GOWN.

Iyong MUTA SA MATA na tinatawag sa ENGLISH na MORNING GLORY, pero hindi nangangahulugan na sa UMAGA ka lang puwedeng magkaroon nun.

Sana nakatulong sa mga nagsusuri…

11 comments:

  1. Hello po bro Aerial!! thank you po dito sa blog na to! keep doing this po, I know that who ever is reading this po will be enlightened and know God and his words! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana tinawag nyo na lang na banal na almusal may maganda pa kaysa sa banal. A hapunan pero sa umaga at may pataasan pa ng abuloyan pero ang handa ni manalo ay juice at crackers lang?

      Delete
  2. share po natin ito mga kapatid!

    ReplyDelete
  3. pwede po bang paki talakay kung sang-ayon po sa Biblia na ang maging tagapagtatag ng relihiyon ay babae...tulad ng tagapagtatag ng SEVENTH DAY ADVENTIST CHURCH na si ELLEN G.WHITE. at kung pinahihintulutan po ng Biblia na ang babae ay maaaring maging ministro tulad nmn ng mga SAKSI NI JEHOVAH na ayon po sa isa nilang magazine ay mayroon daw po clang milyong milyon na mga babaeng ministro.
    ...maraming salamat po

    ReplyDelete
  4. Walang katwirang nakapaloob, sa paliwanag ,ang babaw ng dahilan

    ReplyDelete
  5. Yan na ba ang dahilan at palusot nyo ? ahahahaha, napaka babaw naman nyan, bakit sa umaga ba hindi ka pwedeng mabusog ? ahahahaha

    ReplyDelete
  6. Pwede po bang matalakay ang mga failed prophesy ng Mrs. Ellen G. White

    ReplyDelete
  7. Nice, at wala naman talagang mababasa sa biblia na bawal ang maghapunan sa umaga,

    ReplyDelete
  8. to:aerial cavalry

    alam mo ba kung anong oras nagsimula ang banal na hapunan?

    saan mo yan napulot na info na ang banal na hapunan ay gawin sa umaga?

    ReplyDelete
  9. pwde nman pala gawin sa gabi e bakit sa umaga lagi, ginagawa ninyo tuloy katawa tawa ang inyong sarili. wala pa ko nabalita sa INc na gabi ginawa e kayo may sabi na pwde nman pala.

    ReplyDelete
  10. Hindi lang sa Umaga ginagawa Namin Ang sta Cena o banal na hapunan. Sa ibang bansa may hapon at Gabi. Walang kinalaman Dito Ang element of time. Ginawa Ang banal na hapunan bilang pagalaala sa pagkamatay ni Cristo. Tinawag lamangnitong banal na hapunan, subalit Hindi nangangahulugan na gawin lamang ito sa Gabi.

    ReplyDelete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network