Wednesday, 24 August 2011

Sagot kay Flewen Part 3: Vicarius Filii Dei - Hindi nga ba Titulo ng Papa?




Akin pong ise-share sa inyo ang aming naging usapan ni FLEWEN tungkol sa isyu ng ‘666’ ganito po ang kaniyang paratang sa INC:

“kung wala kang karapatang maghusga,bakit pinipilit ninyo sa inyong mga pasugo na ang Iglesiya katolika diumano ang 666...ngayon,.sino ba ang mahilig manghusga...kayo kayo lang...



Kita niyo sabi ng magiting na Catholic Defender na ito? 

“BAKIT PINIPILIT NINYO SA INYONG MGA PASUGO NA ANG IGLESIYA KATOLIKA DIUMANO ANG 666…”

Nanghuhusga daw po ang INC, at ipinipilit daw ng PASUGO na ang IGLESIA KATOLIKA ang 666?  

Wala po kailan man na ARAL ang IGLESIA NI CRISTO na ang IGLESIA KATOLIKA ang 666, kaya po maliwanag na maliwanag na ang magiting na si FLEWEN ay hindi alam ang kaniyang sinasabi o maaaring nawawala siya sa kaniyang sarili.

Kaya hinamon natin siya ng ganito:

FLEWEN, puwede ba KNOW YOUR FACTS bago ka magsalita? Sige MAKISIPI o MAKI-QUOTE mo nga RITO ANG PASUGO NA NAGSASABI NA ANG “IGLESIA KATOLIKA” ANG “666”? Pakita mo FLEWEN, at nang makita ng mga nandidito kung sino ang NANGHUHUSGA AT NAGPAPARATANG ng HINDI NAMAN SINABI NG PASUGO. KAPAG WALA KANG NAIPAKITA, LALABAS NIYAN SINUNGALING KA, HALA KA…

Hindi po ba mga kapatid na maliwanag natin siyang hinihingan ng EBIDENSIYA sa sinabi niya na sabi raw ng PASUGO ang IGLESIA KATOLIKA ang 666?

At nang siya ay sumagot, tingnan po ninyo ang isinagot niya:

“sagot: anong know my facts eh ALAM NA NG LAHAT THAT INC ADHERED TO THE NOTION THAT THE POPE OF THE CATHOLIC CHURCH IS THE 666? sige, pagbibigyan kita ha…basahin mo, pati front cover nito, talks about the Pope of the Catholic Church is wearing the tiara of whom your publishers adhered to the notion of the Seventh Day Adventists that the papal tiara has an inscription of VICARIUS FILII DEI.

Source:

Kita ninyo at kinontra na ang kaniyang sarili, ipinagpipilitan na ang sinabi raw ng PASUGO ang IGLESIA KATOLIKA raw ang 666, pero ang kaniyang isinagot ngayon ay ang PAPA na ang 666 na sinasabi raw ng INC.

At dahil sa pinuna ng isa nating kapatid sa kaniyang COMMENTS section, na NAGKAKONTRAHAN ang kaniyang mga SINABI ay ganito ang kaniyang naging PALUSOT:

“oopss, there’s a mistake to my statement before, the one I am referring is the pope. THAT’S WHY I AM SPEAKING ALL THE TIME IN HERE ABOUT THE INCS CLAIM OF 666 AS THE TITLE OF THE POPE, NOT OF THE CHURCH. SO SORRY FOR THE TYPO ERROR HUH?”

Isa raw TYPO ERROR ang kaniyang nasabi, hehehehe.  Lumipas pa ang ilang sagutan namin at kung hindi pa may nag COMMENT na Kapatid, ay hindi pa niya mapapansin ang kaniyang pagkakamali, kahit na makikita ninyo sa kaniyang BLOG ay sinipi pa niya ang kaniyang SINABI na sinabi daw ng PASUGO NA ANG IGLESIA KATOLIKA ANG DIUMANO’Y ANG 666…kaya maliwanag na NAGPAPALUSOT para MAKAIWAS sa KAHIHIYAN ang magiting na CATHOLIC DEFENDER….

At para makabawi kumuno ay gumawa ng bagong POST na may pamagat na:

Na nagsasaad ng ganito:

VICARIUS FILII DEI (Latin: Vicar or Representative of the Son of God) is a phrase used in the forged mediaeval Donation of Constantine to refer to Saint Peter. Some Protestant groups claim that it is a title of the Roman Catholic pope, and that the letters add up to 666, the “number of the beast” in the Book of Revelation. The Catholic Church dismisses the claim as an “anti-Catholic myth” and states that popes have never possessed such a title. The story seems to owe its modern origins to a written answer to a question published in an American Roman Catholic magazine, Our Sunday Visitor of 15 November 1914, in which a contributor, a priest, referred to the supposed title. The author who repeated the claim later in April 1915 then withdrew it. Among the errors he said he made was to mix up tiaras (about which the question was concerned) and mitres (the word he used in the answer). Though the magazine itself discussed the topic again in September 1917 and August 1941, it never denied the claim of the 1915 article that the title had appeared on the miter.

Ang kaniyang source ay ang WIKIPEDIA, isang ONLINE ENCYCLOPEDIA na maaaring MA-EDIT ng sinoman…hehehehe…POOR.

Sinasabi ng kaniyang source na:

1.      Hindi daw TITULO ng PAPA ang VICARIVS FILII DEI, ito raw ay isang uri ng ANTI CATHOLIC MYTH, o imbento lang ng mga kumakalaban sa IGLESIA KATOLIKA.

2.      Binawi raw ng PARI na sumulat nung ARTIKULONG iyon sa SUNDAY VISITOR ang kaniyang sinabi tungkol sa TITULONG ito.

3.      Bagamat tinalakay na muli noong September 1917 at August 1941, ay hindi pinabulaanan nito ang sinabi ng Artikulo noong 1915 na ang titulo ay lumitaw sa mitra ng PAPA.


Kaya suriin natin ang sinabing ito ng KANIYANG SOURCE:

Ano ba ang sinabi ng SUNDAY VISITOR:

Ang pahina ng SUNDAY VISITOR na inilathala noong April 18, 1915
“What are the letters supposed to be in the Pope’s crown, and what do they signify, if anything?  The letters inscribed in the pope’s mitre are these:  VICARIUS FILII DEI, which is the Latin for Vicar of the Son of God…”[Our Sunday Visitor, Bureau of Information section, page 3, April 18, 1915 Issue]

Sa Filipino:

“Ano ang isinisimbulo ng mga letra na nasa korona ng Papa, kung mayroon man?  Ang mga letrang nakasulat sa mitra ng Papa ay ang mga ito: VICARIUS FILII DEI, na Latin ng Kahalili ng Anak ng Diyos.”


Maliwanag na sinabi ng DOKUMENTONG KATOLIKONG ito na ang mga katagang VICARIUS FILII DEI ay nakasulat sa KORONA ng PAPA.

Nang maglathalang muli ang SUNDAY VISITOR, ano naman ang sinabi tungkol sa ISYU?

“…if present-day writers are so anxious to see the fulfillment in the person of the Pope, why not be consistent? Such interpreters have never shown that the title "VICARIUS FILII DEI" is really inscribed upon the Pope's tiara. MOREOVER, THE PASSAGE STATES THAT THE NUMBER REFERS TO A MAN, IN OTHER WORDS THE NUMERALS REPRESENTED BY THE LETTERS IN HIS NAME, WHICH TOTAL THE SUM 666. THE WORDS VICARIUS FILII DEI ARE NOT THE NAME OF THE POPE, THEY DO NOT EVEN CONSTITUTE HIS OFFICIAL TITLE.  [Our Sunday Visitor, Bureau of Information, September 16, 1917 Edition]

Kita ninyo kung papaano kinontra ng Artikulong ito ang nauna nitong PAHAYAG, hindi RAW MAPATUNAYAN NA ANG TITULONG “VICARIUS FILII DEI” ay talagang nakasulat sa KORONA ng PAPA, eh ang DIYARYO rin namang ito ang may sabi nito noong 1915 na nakasulat diumano ito sa KORONA ng PAPA.

PINATUTUNAYAN NG PAHAYAGANG ITO NA KASINUNGALINGAN ANG UNA NITONG INILATHALA, In other words, NAGSINUNGALING SILA NOONG APRIL 18, 1915 ISSUE.

Bakit?  Kasi nga alam na nila na ang KATUMBAS ng “VICARIUS FILII DEI” ay ang numerong 666. Kaya kailangan na nila itong PABULAANAN sa pagsasabi ng ganito:

“THE WORDS VICARIUS FILII DEI ARE NOT THE NAME OF THE POPE, THEY DO NOT EVEN CONSTITUTE HIS OFFICIAL TITLE.”

Hindi daw PANGALAN ng PAPA ang VICARIUS FILII DEI at hindi daw ito bumubuo sa OPISYAL NA TITULO ng PAPA.

Kasi nga ang INTERPRETASYON nila sa APOCALYPSIS 13:18, ang sinasabing katumbas ng 666 ay ang PANGALAN nung tao na inihalintulad sa HAYOP, at hindi daw TITULO, e hindi yata alam ng mga taong ito ang IBIG SABIHIN ng salitang “TITLE” Eh? 

Ano ba ang ibig sabihin ng salitang “TITLE”?

“TI'TLE, n. -  An inscription put over any thing as a NAME by which it is known.”
[Webster’s 1828 Dictionary]

Sa Filipino:

“TITULO, n – Isang isinusulat sa anomang bagay bilang PANGALAN na ikakikilala dito.”

Kaya maliwanag na nagkakamali ang sumulat ng ARTIKULO ng PANGUNAWA eh, kasi ang TITULO ay PANGALAN din na ipinantatawag sa pinatutungkulan nito.

Ikinakaila na ng sumulat ng ARTIKULO na ang “VICARIUS FILII DEI” ay titulo ng PAPA…

Eh nung maglathala ulit, ALAM niyo ba na KINONTRA na naman nila ang kanilang sinabing HINDI TITULO NG PAPA ANG “VICARIUS FILII DEI”?

“THE POPE CLAIMS TO BE THE VICAR OF THE SON OF GOD, while the Latin words for this DESIGNATION are not inscribed, as anti-Catholics maintain, on the Pope's tiara”. [Our Sunday Visitor, 11, No. 14, July 23, 1922.]

Kita ninyo?  Inamin din na talagang ginagamit ng PAPA ang Titulong ito, at ININGLES lang nila dito pero ang maliwanag:

VICAR OF THE SON OF GOD = VICARIUS FILII DEI

Iisa lang iyan eh, kahit na INGLESIN pa nila.

At ikinaila na talaga na HINDI ITO NAKASULAT SA KORONA O TIARA NG PAPA, na nauna  nilang sinabi noong APRIL 18, 1915 issue nila ng Sunday Visitor.

Kaya hindi naman dapat sisihin ang INC rito eh, KASI ANG LUMILITAW NA NAGSINUNGALING DITO NA NAKALAGAY IYAN SA KORONA NG PAPA AY ANG PAHAYAGAN NG IGLESIA KATOLIKA RIN EH.

MALIWANAG NA PINATUTUNAYAN NILA NA SILA AY MGA SINUNGALING..

Kaya nga maitatanong natin:   SA DIYOS BA ANG TAONG SINUNGALING?

Sabi nga ng mga APOSTOL:

1 Tessalonica 2:3  “Sapagka't ang aming iniaaral ay hindi sa kamalian, ni sa karumihan, ni sa pagdaraya.”

Maliwanag ang pahayag ng mga APOSTOL na hindi makikitaan ng PAGKAKAMALI o PANDARAYA ang ARAL ng TUNAY NA MANGANGARAL NA SA DIYOS.


Kaya maliwanag na ang PAGKAKAMALI ng PARI na NAGLATHALA SA PAHAYAGANG KATOLIKO na SUNDAY VISITOR noong April 18, 1915, ay katibayan ng hindi niya pagiging sa Diyos.

Granting without conceding na hindi na nga nakasulat sa KORONA o TIARA ng PAPA, ang mga katagang VICARIUS FILII DEI, eh ibig sabihin ba nun hindi na siya iyong 666?
ALIN BA ANG MAY KATUMBAS NG NUMERONG ‘666’, iyon BANG KORONA o iyong TITULO?

Kaya nga kahit na NAKALAGAY PA SA KORONA O HINDI ANG NASABING TITULO, aba’y hindi naman iyon ang MAHALAGA EH, dahil hindi naman talaga ang KORONA ANG TINUTUKOY NG BIBLIA EH, KUNDI IYONG PANGALAN NA IKAKIKILALA SA TAONG INIHAMBING SA HAYOP. ANG VICARIUS FILII DEI, ay katagang ipinantatawag sa PAPA, at dagdag pa dito ang mga KATANGIANG IPINAKITA SA ATIN NG BIBLIA NA PAGKAKAKILANLAN SA TAONG HINUHULAAN na atin nang natalakay sa nakaraan, kaya ating natitiyak na talagang ang PAPA nga ang tinutukoy eh.

ANG MAHALAGA INAAMIN NILA NA TALAGANG TITULO ITO NG PAPA, NA IPINANTATAWAG SA KANIYA….

Kumuha pa tayo ng PRUWEBA mula sa mga DOKUMENTONG KATOLIKO:

 “Et quantum ad primum, CUM PAPA SIT VICARIUS FILII DEI, sicut quod Deus fecit mediantibus creaturis tanquam mediantibus causis secundis, totus potus facere immediate per seipsum, ita papa saltem quantum ad potestatem jurisdictionis. Sicut omnes fideles regit mediantibus ecclesiae ministris, ita potest immediate per seipsum regere.”

English Translation:

“And as much as to the first, since THE POPE IS VICAR OF THE SON OF GOD, as that God made the creatures as if by means of the mediation of secondary causes, the whole he could do directly by himself, so the pope has at least as much power of jurisdiction. Similarly, he can govern directly all the faithful, or by means of the ministers of the Church.”

[Volume 3 of SUMMA THEOLOGICAE by the Archbishop of Florence, Saint Anthony (1389 - 1459), was published in Venice.  Title 22, chapter 5, section 16]


Eto pa ang isa pa:

“Et post Deum Imperator Apostolicus hoc approbat, (ut in ca. venerabilem. de electione. et ibi docto.) Ex quibus apparet, quòd Imperator Romanorum est dominus seu protector universàlis Christianorum. (et vide Abba. in c. novit de judi.* qui dicit communem esse opinionem), quòd Imperium à Deo sit; ET À PAPA IMMEDIATE, QUI EST VICARIUS FILII DEI.”

English Translation:

“After God's Chief Apostle has given his approbation, ... with which it is evident the Roman Emperor is lord or universal protector of Christians, etc., ... supreme power is from God, AND NEXT THE POPE, WHO IS THE VICAR OF THE SON OF GOD.”

[Thesaurus Christianae Religiones, Alphonsus Alvarez Guerrero, 1559, chapter LV (55), De Imperatore et eius authoritate, pg. 305, line 30, a second copy pg. 305, line 30:]


Ewan ko lang kung kaya mong tutulan ito FLEWEN? Maliwanag na ang mga dokumentong ito ay nagpapatunay na ang katagang VICARIUS FILII DEI ay talagang IPINANTATAWAG SA PAPA,

KAYA NGA MASASABI NATIN NGAYON NA:

HINDI MAHALAGA KUNG NAKASULAT MAN O HINDI SA KORONA NG PAPA ANG MGA KATAGANG “VICARIUS FILII DEI”, DAHIL ANG IMPORTANTE AY IPINAKIKILALA ANG PAPA NG IGLESIA KATOLIKA SA PAMAMAGITAN NITO, NA BILANG KATIBAYAN NA ITO AY KANIYANG TITULO, NA ISA SA EBIDENSIYA NA PINATUTUNAYAN NG BIBLIA NA PAGKAKAKILANLAN SA TAONG INIHALINTULAD SA HAYOP NA ANG KANIYANG PANGALAN o TITULO AY MAY KATUMBAS NA BILANG NA 666.

Buksan niyo sana ang mga pag-iisip niyo mga CATHOLIC DEFENDERS…at maging ang mga kaibigan at mga kakilala naming kaanib sa IGLESIA KATOLIKA…



2 comments:

  1. purihin ang Ama...

    Salamat at may pagkakataon pang binigay ang Dios sa akin, para makaunawa at matawag sa INC.
    Salamat po sa iyo aming Ama, ang Diyos ng ating Panginoong Jesus, sa paghirang mo sa akin.

    Salamat po sa iyo aming panginoong Jesus sa dugong nabuhos sa bundok ng kalbaryo sa kapatawaran ng aking mga kasalanan.

    Ang buong kapurihan ay para sa ating Ama, ang Diyos ng ating Panginoong JesuCristo.

    Brother in Christ,
    Khafji

    ReplyDelete
  2. Salamat po kapatid for sharing this....Kudos to you for posting these facts so everyone can atleast understand that pope and priest of the religion mention is not what they think they are.

    Sis in Christ,
    Chie

    ReplyDelete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network