Saturday, 8 October 2011

Lahat nga ba ng Tao ay Natubos ng Dugo ni Cristo?




Tanong sa atin ng isang Anonymous:

Maganda po itong blog niyo marami kaming natututunan...

Ako po'y dating sakristan, at kasalukuyang Catholic. Tama po ba ang pagkakaalam ko na LAHAT ng TAO ay maliligtas sa judgment day? 

Laganap po kasi yung phrase na "Jesus died for the sins of the world", puede niyo bang liwanagin ito?


Source:


------------------------------------------------

     ISANG malaganap na paniniwala ng di mabilang na mga tao sa daigdig na ang kamatayan ni Cristo raw ay para sa lahat ng tao at hindi maaaring angkinin ng sinomang grupo o pangkatin ng pananampalataya lamang. Madalas na madinig natin sa kanila ang mga salitang ito:

“JESUS DIED FOR THE SINS OF THE WORLD"

Kaya nga kapag daw may isang pangkatin ng relihiyon na magtuturo na sila lang ang maliligtas o sila lang ang tinubos ni Cristo ito raw ay bulaang mangangaral. Dahil sa katotohanan nga raw ay namatay si Cristo sa Krus upang tubusin ang lahat ng kasalanan ng tao sa daigdig.

At may ginagamit pa silang talata:

1 Timoteo 2:6  “NA IBINIGAY ANG KANIYANG SARILI NA PANGTUBOS SA LAHAT; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan;”

Ginagamit nila ang verse na ito bilang kanilang batayan na ang lahat ng tao sa daigdig ay nasasakop ng ginawang pagtubos at ng pagkamatay ni Cristo. Tama kaya ang pagkaunawa nila sa talatang ito? Ang salita kayang LAHAT na binabanggit diyan ay kumakatawan sa LAHAT NG TAO sa mundo?

Hindi ba lalabas niyan na kung lahat ng tao sa mundo ay NATUBOS ng dugo ni Cristo, samakatuwid ay wala nang mapapahamak, wala nang mapaparusahan pagdating ng ARAW NG PAGHUHUKOM, kasi nga maliligtas na ang lahat eh, hindi po ba? Ganun ba sabi ng Biblia?

Juan 5:28-29  “Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig, At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ANG MGA NAGSIGAWA NG MASAMA, AY SA PAGKABUHAY NA MAGULI SA PAGHATOL.”

Dito pa lamang sa sinabing ito ng TAGAPAGLIGTAS ay napakaliwanag na HINDI LAHAT ng TAO ay MALILIGTAS, kasi nga sa Araw ng Paghuhukom ay may mga tao na bubuhaying maguli para sa PAGHATOL.

Eh gaano ba kadaming tao ang mapaparusahan sa Araw ng Paghuhukom?

Apocalypsis 20:7-10  “At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan,  At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin sila sa pagbabaka: na ANG BILANG NILA AY GAYA NG BUHANGIN SA DAGAT. At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila'y nasupok. At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at SILA'Y PAHIHIRAPAN ARAW AT GABI MAGPAKAILAN KAILAN MAN.”

Maliwanag ang pahayag ng Biblia, kung gaano kadaming tao ang mapaparusahan sa Araw ng Pahuhukom, sabi ng talata, singdami ng Buhangin sa Dagat. Kaya maliwanag na maliwanag na ang HINDI TOTOO NA LAHAT NG TAO AY MALILIGTAS at LAHAT NG TAO AY NATUBOS NG DUGO NI CRISTO.

Gaano ba kahalaga ang matubos tayo ng Dugo ni Cristo:

Efeso 1:7  “Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating KATUBUSAN SA PAMAMAGITAN NG KANIYANG DUGO, na KAPATAWARAN NG ATING MGA KASALANAN, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,”

Kapag tayo ay natubos ng dugo ni Jesus, maliwanag na tayo ay mapapatawad na sa ating mga kasalanan, dahil kung hindi tayo mapapatawad sa ating mga pagkakasala, maliwanag ang pahayag ng Biblia na tayo ay mamamatay o mapaparusahan sa ikawalang kamatayan sa dagat-dagatang apoy.

Roma 6:23  “Sapagka't ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.”

Apoc 20:14  “At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. ITO ANG IKALAWANG KAMATAYAN, SA MAKATUWID AY ANG DAGATDAGATANG APOY.”

Kaya dito pa lamang ay atin nang natitiyak na hindi totoo ang paniniwala ng maraming tao sa daigdig na ang LAHAT NG TAO AY NATUBOS NG DUGO o NASASAKOP ng KAMATAYAN ni Cristo.  Dahil sinasabi ng Biblia na napakaraming tao – sindami ng buhangin sa dagat ang mapaparusahan pagdating ng Araw ng Paghuhukom.

Eh bakit sabi doon sa talatang binasa natin kanina eh lahat ay natubos ng dugo ni Cristo, hindi ba lalabas niyan na sa Biblia ay may KONTRADIKSIYON?

Kaya balikan natin ang talata:

1 Timoteo 2:6  “NA IBINIGAY ANG KANIYANG SARILI NA PANGTUBOS SA LAHAT; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan;”

Nais kong ipapansin sa iyo Mr. Anonymous na ang mga gumagamit ng talatang ito ay mayroong iniiwasang basahin at partikular na binabasa lamang ang VERSE na ito.  Kaya ating ipakita ang mga VERSE na hindi nila binabasa na sinusundan ng talatang iyan, upang ating mapatunayan na nagkakamali lamang sila ng pagkaunawa na ang tinutukoy diyan na natubos ay ang lahat ng tao sa mundo:

1 Timoteo 2:3  “Ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas;”

1 Timoteo 2:4  “NA SIYANG MAY IBIG NA ANG LAHAT NG MGA TAO'Y MANGALIGTAS, AT MANGAKAALAM NG KATOTOHANAN.”

1  Timoteo 2:5  “Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,”

1 Timoteo 2:6  “NA IBINIGAY ANG KANIYANG SARILI NA PANGTUBOS SA LAHAT; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan;”

Kapag binasa ng kumpleto ang nasabing talata mula versikulo 3 hanggang 6, ay mayroon kang mapapansin. Maliwanag na pinatutunayan ng Biblia na ang salitang LAHAT ay hindi tumutukoy sa LAHAT NG TAO SA MUNDO, kundo doon lamang sa MGA TAO NA MAKAKAALAM NG KATOTOHANAN.

Samakatuwid may REQUIREMENT para ang tao ay MALIGTAS, kailangang malaman niya ang KATOTOHANAN, dahil kung nasa KASINUNGALINGAN siya , eh papaano siya maliligtas.

Kasi nga kung hindi tatanggapin ng tao KATOTOHANAN ay hindi siya maliligtas, ganito sinasabi pa ng Biblia:

2 Tesalonica 2:9-12 “Lilitaw ang Suwail na taglay ang kapangyarihan ni Satanas.  Gagawa siya ng lahat ng uri ng himala at nakalilinlang na tanda at kababalaghan.  At gagamit siya ng lahat ng uri ng pandaraya sa mga mapapahamak – MGA TAONG MALILIGTAS SANA KUNG KANILANG TINANGGAP AT INIBIG ANG KATOTOHANAN,  SAPAGKAT HINDI NILA TINANGGAP ANG KATOTOHANAN, IPINAUBAYA NG DIYOS NA SILA’Y MALINLANG NG ESPIRITU NG KAMALIAN AT PAPANIWALAIN SA KASINUNGALINGAN, UPANG MAPARUSAHAN ANG LAHAT NG PIMILI SA KASAMAAN SA HALIP NA TUMANGGAP SA KATOTOHANAN.” [Magandang Balita, Biblia]

Maliwanag na ang mga hindi umibig sa katotohanan ay parurusahan sa dagat-dagatang apoy, samakatuwid ay hindi sila maliligtas sa Araw ng Paghuhukom.

Kaya isa sa napakahalagang gampanin ng sinoman na nais maligtas ang pagtiyak kung talaga bang nalalaman niya ang KATOTOHANAN? Dahil kung hindi natin malalaman ang KATOTOHANAN ay mawawalan tayo ng napakahalagang pagkakataon sa kaligtasan.

Ano ba ang isa sa KATOTOHANANG dapat tanggapin ng tao?

Juan 10:7  “Muli ngang sinabi sa kanila ni Jesus, KATOTOHANAN, KATOTOHANANG SINASABI KO SA INYO, AKO ANG PINTUAN NG MGA TUPA.”

Dapat tanggapin ng tao ang KATOTOHANANG ITO, na si Cristo ay PINTUAN NG MGA TUPA. Ang tinutukoy bang TUPA rito ay literal na hayop?  Lilinawagin sa atin iyang muli ng Biblia:

Ezekiel 34:31  “At KAYONG MGA TUPA KO, NA MGA TUPA SA AKING PASTULAN AY MGA TAO, at ako'y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.”

Samakatuwid ang TUPA na tinutukoy ay MGA TAO, samakatuwid si Cristo ay PINTUAN NG MGA TAO.  Ano gagawin nung mga TUPA o mga TAO sa PINTUANG si Cristo?

Juan 10:7,9  “Kaya’t muling sinabi ni Jesus, ‘Tandaan ninyo: AKO ANG PINTUANG DINARAANAN NG MGA TUPA. … Ako ang pintuan. ANG SINUMANG PUMAPASOK SA PAMAMAGITAN KO’Y MALILIGTAS’.” [MB]

Maliwanag ang sagot ng Biblia, kinakailangan na ang mga TUPA o mga TAO ay DUMAAN at PUMASOK sa PINTUANG si Cristo, at hindi sasampalataya lang, kundi kailangan siyang may gawin. At ito ay ang GAWANG PAGDAAN at PAGPASOK kay Cristo.

Ano ba katumbas nung pagpasok kay Cristo? Paano ba natin magagawa ito sa kabila ng katotohanana na si Cristo ay nasa langit na?

John 10:9 “I am the door; ANYONE WHO COMES INTO THE ‘FOLD’ THROUGH ME SHALL BE SAFE.” [ New English Bible]

Sa Filipino:

Juan 10:9 “Ako ang pintuan; ang SINUMANG PUMASOK SA KAWAN SA PAMAMAGITAN KO AY MAGIGING LIGTAS.”

Ang dadaan at papasok kay Cristong pintuan ay mapapaloob sa KAWAN, samakatuwid ang papasukan ng tao ay ang KAWAN NI CRISTO, at kapag nakapasok na tayo sa KAWANG ito, katumbas noon nakapasok na tayo kay Criston bilang PINTUAN.

Alin iyong KAWAN na tinutukoy na kailangan nating PASUKAN?

 Acts 20:28 “Take heed therefore to yourselves and to ALL THE FLOCK over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed THE CHURCH OF CHRIST WHICH HE HAS PURCHASED WITH HIS BLOOD.” [Lamsa Translation]

Sa Filipino:

Gawa 20:28 “Ingatan ninyo kung gayon ang inyong sarili at ang BUONG KAWAN na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ANG IGLESIA NI CRISTO NA BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO.”

Ang KAWAN ay ang IGLESIA NI CRISTO na BINILI o TINUBOS niya ng kaniyang dugo, HINDI LAHAT NG TAO SA MUNDO…kaya nga ang banggit sa 1 Timoteo 3:6 na: “NA IBINIGAY ANG KANIYANG SARILI NA PANGTUBOS SA LAHAT”…ang LAHAT na tinutukoy ay ang LAHAT NG MGA KAANIB NG KANIYANG IGLESIA.

1 Corinto 12:13  “Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan TAYONG LAHAT sa isang KATAWAN, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at TAYONG LAHAT ay pinainom sa isang Espiritu.”

LAHAT ng BINAUTISMUHAN sa ISANG KATAWAN, na ang KATAWAN ay ang IGLESIA:

Colosas 1:18  “AT SIYA ANG ULO NG KATAWAN, SA MAKATUWID BAGA'Y NG IGLESIA; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.”

Kaya nga para ang tao ay mapabilang sa mga natubos ng dugo ni Cristo para siya ay maligtas hindi niya maiiwasan na dumaan at pumasok kay Cristo, na ito nga ay ang pagpasok sa kaniyang IGLESIA – ANG IGLESIA NI CRISTO.

Sabi nga ng PASYION ng mga KATOLIKO:

“Sapagkat Pastor kang tunay nitong mundong kabilugan, ANG OBEHANG SINO PA MAN, KUNDI MASOK SA BAKURAN HINDI NGA MASASAKUPAN.”  [Kasaysayan ng Pasyong Mahal ni Hesukristong Panginoon Natin, Copyright 1949 by Ignacio Luna & Sons, page 69]

Maliwanag na maging ang Iglesia Katolika ay may paniniwala din na ang sinomang tao na hindi PAPASOK sa BAKURAN ni CRISTO ay hindi MASASAKUPAN ng KANIYANG PAGTUBOS at PAGLILIGTAS.

Ang BAKURAN ni Cristo ay walang iba kundi ang kaniyang IGLESIA kung saan dapat tayo pumasok, gaya nga ng napatunayan na sa atin ng Biblia.

Nawa ay makatulong sa iyo ang aking naging sagot kaibigan…

25 comments:

  1. TAMANG TAMA PO YAN HUWAG PO KAYONG PAPATALO SA IBA NG RELIHIYON "LET US GO ON TOWARD PERFECTON AND SPIRITUAL MATURITY" ^_^

    ReplyDelete
  2. Gaano nga ba kahalaga ang Iglesia na tinubos ni Cristo. Bakit nga ba kailangan ng Tao ang Iglesia upang maligtas sa Araw ng Paghuhukom na totoong malapit na.

    ReplyDelete
  3. Bro Aerial,

    on Mat. 28:19, is that a correct grammar? Baptizing them in the (name or names?) of the father, son and holy spirit, if the 3 are distinct to each other?

    what do you think about this?
    thanks bro.^^

    ReplyDelete
  4. Bro. Readme,


    Wala akong nakikitang mali sa grammar ng Mateo 28:19:

    Kung iyong mapapansin sa talata gumamit ng katagang “OF” na tumutoy dun sa PANGALAN na common sa TATLO, pero hindi nangangahulugan na IISANG PANGALAN LAMANG IYON.

    Matthew 28:19 “Go ye therefore, and teach all nations, baptizing them in the name OF the Father, and OF the Son, and OF the Holy Spirit”[ASV]

    Kaya maaari rin itong unawain ng ganito:

    ” Go ye therefore, and teach all nations, baptizing them in the NAME OF the Father, and the NAME OF the Son, and the NAME OF the Holy Spirit”

    Kung ikukumpara natin halimbawa ito sa MATHEMATIC PRINCIPLE na DISTRIBUTION ay pareho lang ito, tingnan mo:

    x(a + b + c) is also equal to xa + xb +xc

    x of a, and of b, and of c = x of a, and x of b, and x of c.


    Kasi hindi naman nila itatanggi na ang “FATHER”, “SON”, at “HOLY SPIRIT”, ay mga PANGALAN eh. Dahil sa silang tatlo ay may PANGALAN, ibig sabihin nun iyon yung COMMON sa kanila, lahat sila may taglay na PANGALAN, pero hindi ibig sabihin nun ay IISA LANG ANG PANGALAN NILANG TATLO.

    Sa katotohanan nga ay ginagamit ng mga KATOLIKO iyan eh. Basahin mo ito:

    “The first sacrament is Baptism, the sacrament of water. Jesus himself was baptized by John the Baptist and was submerged into the Jordan River. It was a Trinitarian Baptism meaning IN THE NAME OF THE FATHER, IN THE NAME OF THE SON AND IN THE NAME OF THE HOLY SPIRIT.”

    Source: http://katolikindonesia.org/artikel/a-review-of-sacraments-of-the-catholic-church.html

    Oh hindi ba maliwanag diyan na HINDI IISA LANG NA PANGALAN iyan, kundi TATLONG PANGALAN?

    Pero magkagayon man, tandaan natin sa kanilang TRINITY ang paniniwala nila ay Diyos ang ANAK at ESPIRITU SANTO…Kaya maaari natin silang tanungin ngayon na:

    SAAN MABABASA SA BIBLIA ANG MGA KATAGANG ”DIOS ANAK” at “DIOS ESPIRITU SANTO”?

    ReplyDelete
  5. Thanks for posting this bro.

    ReplyDelete
  6. Bro,

    salamat po atlis medyo nalinawan na ako tungkol dito hehehe galing nyo talaga natutuwa ako sa inyo kasi pag sumasagot kayo hinihimay talaga sa kumpletong kumpleto. hindi tulad ko, tinatamad na kasi ako sumagot ng paulit ulit saka di ko rin naman kaya sagutin lahat, yung iba ko lang naman nalalalman ang sinasagot ko.

    saka yung tungkol po sa request ko: yung "Iglesia ni Cristo" (capital letter) o "iglesia ni Cristo" (small letter) yung sa sinasabi ko ho na totoo bang greek ba yun o hebrew na hindi uso ang capital letters nun? kasi ako may natuklasan na! kaso di pa rin maliwanag sakin yung tungkol dun.

    hehe maraming salamat po!
    more power!

    brother in Christ,
    readme

    ReplyDelete
  7. ISAIAH 9:6 Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, MAKAPANGYARIHANG DIOS, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.

    isa pong hula yn s ating panginoong Jesus..xa po ay tinawag n makapangyarihang Dios jn..at ito po ay ginagamit ng mga mngangaral n ngtuturong c cristo ay dios..maari ko po b itong mlinawan,,mga kapatid?

    ReplyDelete
  8. Nasagot ko na iyan kapatid:

    Narito ang LINK...

    ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG ISAIAS 9:6

    Salamat sa iyo and GOD BLESS...

    ReplyDelete
  9. Bro. Aerial,

    ayon sa pinakahuli kong research, ang new testament ay nakasulat sa koine greek, at ang original nito ay nakasulat sa capital letters lahat. tama po ba?

    salamat

    ReplyDelete
  10. Brod. Readme,

    Tama iyan kapatid, hindi naman talaga uso ang CAPTITALIZATION noon eh.

    Walang CAPITALIZED words sa HEBREW, GREEK, at maging sa ARAMAIC.

    Ang KOINE GREEK ay sinasabing PURO CAPITAL LETTERS at walang SMALL LETTERS.

    Kasi may mga WIKA talaga na hindi gumagamit ng CAPITALIZATION, alam mo ba na sa mga LETRA ng ARABIC, CHINESE, JAPANESE, etc. hanggang ngayon ay walang CAPITAL LETTER? At ang kanilang wika ay hindi gumagamit ng CAPITALIZATION sa kanilang mga PROPER NOUNS?

    Hindi USO noong PANAHON ni CRISTO ang CAPITALIZATION ng mga PROPER NOUNS kaya hindi tama na gamitin sa atin ang ISYU na iyan.

    Kaya nga ang Iglesia Ni Cristo ay katulad lang ng iglesia ni Cristo. Hindi nila kasi tayo kaya sa aral, kaya kung anu-anong paraan ng TULIGSA ang NAIIMBENTO ng mga kumakaaway sa atin.

    God bless always.

    ReplyDelete
  11. bro aerial,

    teka bro, medyo naguluhan ako dun kasi sabi nyo:

    Walang CAPITALIZED words sa HEBREW, GREEK, at maging sa ARAMAIC.

    tapos:

    Ang KOINE GREEK ay sinasabing PURO CAPITAL LETTERS at walang SMALL LETTERS.
    ______________________

    ibg nyo ho bang sabihin na wala o hindi capitalized ang mga salita sa new testament?

    ksi dun nga po sa research ko eh ang new testament kasali na yung roma 16:16 at gawa 20:28, eh nakasulat sa koine greek. sabi naman daw po eh yung original kumbaga sa bible eh capitalized letters ang nakasulat, wala pa nga daw hong spaces.

    nung bandang ngayun ngayun lang nagkaroon ng pinagsamang capital at small letters.

    kaya naniniwala po ako dun kasi kung makikita nyo sa kapilya natin nakasulat diba IGLESIA NI CRISTO, hindi iglesia ni Cristo o iglesia ni cristo, kasi ayon lang sa research ko eh puro capital letters ang new testament=koine greek.

    kung hindi lang po ako nagkakamali^^

    ReplyDelete
  12. bakit po hindi bawal ang maging sundalo at pulis sa INC? eh di po ba bawal ang pag patay? ang mga sundalo at pulis pumapatay po sila. hindi naman po sinabing pwdeng pumatay kapag masama naman ang tao. un lang po. salamat :)

    ReplyDelete
  13. siguro mas maigi kung hindi natin gagawing literal ang lahat ng mga nakasulat sa Bibliya. Totoong ibinigay na sa atin ang kaligtasan at iyon ay si Jesus. Nasa tao nalang iyon kung totoong tatanggapin niya ang Ama sa buhay niya. Malalaman mo lang naman kung tinanggap ng isang tao ang Ama kung, totoong may nagbago sa kanya ( 2Cor.5.17 at ng 1cor 13.) gaya din ng nasasabi, hindi lahat ng tumatawag ng Panginoon, Panginoon ay maliligtas. Tanging ang gumaganap lang ng kautusan ng Ama ang maliligtas (somewhere in Matthew), ibigsabihin, kailangan natin ng simbahan ni Cristo upang tayo ay lumago pero si Cristo parin ang nagpapalago ng binhi na naitanim sa atin. But still, CHRISTIANITY IS NOT A RELIGION! Hindi ibigsabihin na nakapasok na tayo sa sambahan ay maliligtas tayo, nasa atin iyon kung talagang tinanggap natin ang salita ng Panginoon at isabuhay.

    ReplyDelete
    Replies
    1. panu ka nga po maliligtas eh nsa kasalanan ka pa?? mawawala lng ang kasalanan ng tao kung cia ay tinubos ng dugo ng Panginoong hesu Cristo...ayon sa talata cnu ba ang tinubos?? d b ang Iglesia ni Cristo...kahit na anung gawin ng tao na paglilingkod sa Diyos qng wala naman sya sa loob ng Iglesia..walang kwenta ung paglilingkod mo sa Diyos....ang gawin mo umanib ka sa kawan ni Cristo...ito ang Iglesia nya..Iglesia ni Cristo...ngaun kapag nakapasuk k n sa Iglesia..dapat magbagong buhay ka na....dahil sumasampalataya ka man ky Cristo kung d naman nya ina-ari ang paglilingkod mo..sayang lng...d k dn ,maliligtas..tsaka nsa Bibliya ang salita ng Diyos...how could you say that Jesus is the center of ur life if u doesnt follow His words...which is written in the bible..isip isip po...

      Delete
  14. Paano nga ba matutubos ang kaslanan ng mga tao kung si Kristo ay tao lang?
    Hindi kaya ang kaya lang tubusin ng isang tao ay isang tao lang din o wala pa?

    Blood is a literal mean for redeeming. Peru kung uusisain natin maige ito kht sa Genesis lumalabas ang tamang expression ay ang Buhay o Life ng tao.

    tingnan po natin ang nakasulat sa Genesis.

    Genesis 9:6
    “Whoever sheds human blood, by humans shall their blood be shed; for in the image of God has God made mankind

    sa Genesis 9:6 shedding of blood ang nakalagay peru kung titingnan mo ang sinabi ng biblia at ni Cristo.

    Leviticus 17:11
    For the life of a creature is in the blood, and I have given it to you to make atonement for yourselves on the altar; it is the blood that makes atonement for one’s life.

    John 6:54
    Whoever eats my flesh and drinks my blood has eternal life, and I will raise them up at the last day

    It is the life and blood is just a component that support it.

    Giving up life is so precious to God for his fellow sinners.
    at ito ay pinatutunayan sa mga talata.

    John 3:16
    New International Version (NIV)

    16 For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life

    giving up life for people will inherit eternal life

    kya nga sa parable ganito ang nkasulat.

    Matthew 16:25
    For whoever wants to save their life will lose it, but whoever loses their life for me will find it

    eto ang tanong, kung si Cristo ay tao gaano ka dalisay ang knyang Dugo pra matubos niya ang kasalnan ng sangkatauhan?

    Hindi kaya ang Taong galing sa Diyos ay higit sa lahat ng mga dugo ng tao?

    ReplyDelete
  15. bkit po dun s 1 Juan 2:2 nkasulat buong mundo ang tnubos? pkisagot nman po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sige nga basahin nga natin ang 1 JUAN 2:2:

      1 Juan 2:2 “AT SIYA ANG PANGPALUBAG-LOOB SA ATING MGA KASALANAN; AT HINDI LAMANG SA ATING MGA KASALANAN, KUNDI NG SA BUONG SANGLIBUTAN DIN NAMAN.”

      Iyon naman kasi talaga ang layunin ng Panginoong Jesus eh, para matubos ang lahat ng tao para maligtas ang lahat ng tao na siyang kagustuhan ng Diyos eh.

      Sabi nga:

      1 Timoteo 2:3-4 “ITO'Y MABUTI AT NAKALULUGOD SA PANINGIN NG DIOS NA ATING TAGAPAGLIGTAS; NA SIYANG MAY IBIG NA ANG LAHAT NG MGA TAO'Y MANGALIGTAS, AT MANGAKAALAM NG KATOTOHANAN.”

      Gusto talaga ng Diyos ang lahat ay matubos, kaya lang may kundisyon kailangan malaman ng tao ang katotohanan, at nandun din iyan sa sulat ni Juan, itutuloy mo lang ang basa:

      1 Juan 2:2 “AT SIYA ANG PANGPALUBAG-LOOB SA ATING MGA KASALANAN; AT HINDI LAMANG SA ATING MGA KASALANAN, KUNDI NG SA BUONG SANGLIBUTAN DIN NAMAN.”

      1 Juan 2:3 “AT SA GANITO'Y NALALAMAN NATIN NA SIYA'Y ATING NAKIKILALA, KUNG TINUTUPAD NATIN ANG KANIYANG MGA UTOS.”

      1 Juan 2:4 “ANG NAGSASABING, NAKIKILALA KO SIYA, AT HINDI TUMUTUPAD NG KANIYANG MGA UTOS, AY SINUNGALING, AT ANG KATOTOHANAN AY WALA SA KANIYA;”

      Kung hindi naman tinutupad ang utos ni Cristo, kahit sinasabing nakikilala siya eh SINUNGALING iyon at wala sa KATOTOHANAN.

      Eh paano makakasama sa mga tutubusin ang isang tao kung hindi wala siya sa KATOTOHANAN, kasi hindi naman sinunod ang UTOS ni CRISTO…

      Talagang gustong-gusto ng DIYOS na maligtas ang lahat ng tao, at iyon ay mangyayari lamang kung ang lahat ay NASA KATOTOHANAN.

      Delete
    2. maraming salamat po.

      Delete
  16. kung ang 1 juan 2:2 naiintindaihan nyo?

    hindi sana kayo mag hatol sa kapwa nyo tao na sentensiyado na sa apoy ang nasa labas ng iglesia ni cristo na ang namamahala si felix manalo.

    sa palagay mo kaya ?katotohanan ba na si cristo hanggan ngayon na naka lukluk sa langit tao parin?

    ito ba ang katotohanan na pinag mamalaki nyo?tao palagi si cristo?oohhhsss

    ReplyDelete
  17. magandang hapon po,, sabi po kasi nila bakit daw po yung magnanakaw na nakasama ni jesus nuong sya ay ipinako sa krus ay isinama nya sa langit kahit hindi naman daw sya kaanib sa loob ng iglesia? sumampalataya lang daw po sya kay kristo ay isinama na sya sa langit ano po kayang magandang tugon para dito? salamat po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Any panginoong jesucristo mismo na ginawang Tagapagligtas Ng Tunay na Dios ang nagpasiya ukol Sa kaniya. Wala tayo sigurong karapatan na salungatin ang desisyon mismo Ng panginoong Jesucristo.

      Delete
    2. binigyan si Jesu Cristo ng kapangyarihan juan 17:2

      Delete
  18. Hindi alam ng mga MALING relihiyon ang katwiran sa pagliligtas 2 Corinto 5:21 na nilikha ni Cristo ang TAONG BAGO Ephesians 2:15. Ito ang IGLESIA NI CRISTO ANG AULO NG IGLESIA AY SI CRISTO Colossians 1:18

    ReplyDelete
  19. yung gawa 20:28 bakit yung ibang bible iba yung nakalagay hindi iglesia ni cristo

    ReplyDelete
  20. Atupagin niyo na lng yung mga salita ng Panginoon sa banal na kasulatan na may kinalaman sa kaligtasan. John 3:16, Gawa 2:38, John 1:12, 2Cor.5:17. Kayong lahat ay nagsasabing ang inyong Relihiyon ang tama at kapag Hindi niyo kasapi Hindi maliligtas, Hoy mga kababayan hindi masama ang relihiyon pero hindi ka niyan ililigtas. Tumabi kayong lahat ' ito ang sabi ni Jesus" John 14:6 ako ang daan ang katotohanan at ang buhay na walang hanggan walang makaparoroon sa Ama kundi sa pamamagitan ko. Iyan ang sabi ni Jesus. At pinatunayan pa ni Apostol Pablo sa Gawa 4:12 kay Hesukristo lamang matatagpuan ang kaligtasan sapagkat sa silong ng langit ang kanyang pangalan lamang ang ibinigay ng DIOS sa mga tao upang tayo ay maligtas. Napakalinaw po si Kristo lamang ang daan ng kaligtasa kaya itatag natin ang ating relasyon at ugnayan sa kanya at hindi sa relihiyon.

    ReplyDelete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network