Tuesday, 20 November 2012

Diyos ng mga Saksi ni Jehova Nakatira sa Bituin?

Click niyo ang picture at nang mabasa ninyo ng malinaw


Saan kaya nilang Biblia kinuha ang paniniwala nilang ito?

"THE CONSTELLATION OF THE SEVEN STARS FORMING THE PLEIADES appears to be the crowning center around which the known systems of the planets revolve even as our sun's planets obey the sun and travel in their respective orbits. IT HAS BEEN SUGGESTED, AND WITH MUCH WEIGHT, THAT ONE OF THE STARS OF THAT GROUP IS THE DWELLING-PLACE OF JEHOVAH AND THE PLACE OF THE HIGHEST HEAVENS."


"The constellation of the Pleiades is a small one compared with others which scientific instruments disclose to the wondering eyes of man. But the greatness in size of other stars or planets is small when compared with the Pleiades in importance, because THE PLEIADES IS THE PLACE OF THE ETERNAL THRONE OF GOD" (Reconciliation, p. 14).


Maliwanag na ang aral nilang ito ay IMBENTO lang nila, dahil kahit pagbaliligtarin nila Biblia hindi nila mababasa iyan.


Ano ba ipinagbabawal ng mga APOSTOL na gawin?


1 Cor 4:6 “Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na HUWAG MAGSIHIGIT SA MGA BAGAY NA NANGASUSULAT; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.” 


Hindi po tayo dapat humigit sa mga bagay na nakasulat sa mga BANAL NA KASULATAN.

Maliwanag na nilalabag nila ang talatang iyan, dahil ang paniniwala nilang ang DIYOS ay nakatira sa Bituin, ay HIGIT o LAGPAS sa nakasulat, dahil wala ito sa Biblia.

79 comments:

  1. Dapat dito sumagot yung mga JW lalo na si Denton Lincuna -BD

    ReplyDelete
  2. Napakatuso naman ang pagkakaharap sa nilalaman ng aklat ng Mga Saksi. Ganito ba talaga ang mga Iglesia ni Cristo ni Felix Manalo? Nakakaawa naman ang blogger na ito. May maipost lang kahit ano gagawin sukat mang mangchop chop ng laman ng aklat. Kawawa talaga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kesa magalburuto ka,bakit hindi mo na lang sagutin iyong isyu. Totoo ba na ang paniniwala ninyo ang DIYOS NAKATIRA SA ISA SA MGA BITUIN SA KONSTELASYON NG PLEIADES?

      Kung totoo saan sa BIBLIA mababasa?

      Kung hindi naman ito totoo, bakit pinayagan ninyo na mailathala iyan sa inyong aklat?

      Gusto ko malaman ang Totoo. Pakisagot na lang

      Delete
    2. kaya pala si eli soriono ma hi high blood sa inyo kasi magaling kayong magputolputol ng aklat.hindi turo sa mga jw na ang DIOS AY NAKATIRA SA BITUIN.PROPAGANDA NYO MALING MALI.

      Delete
    3. @akiya here

      Nagbbsa po ako ng post ng mga inc and jehovas witnesses . Im catholic madami katutuhan . At bawat post nyo po ay binbasa ko at nagoopen ako ng bible , actually my bible kmi dito at inoopen ko tlga lahat para mas maintndhan ko ang pagkakaiba iba , pero may napnsin po ako , parang d na po mkatotohanan ang pnopost nyo sa mga jehovas witnesses . Kc lhat po ng pnopost nila nkikita ko sa bible na hawak ko , and meron ako d maunawaan sa mga post nyo mga tga INC kc bat mas sinasamba nyo ang tao kaysa sa diyos ang may likha nkta ko dto sa bible yaweh , at ang bugtong nyang anak si jesus . Pero im still trying to know about Felix manalo , d ako aware sa kanya at wala sya sa bible ,

      Guys before you posted here much better to open ur bible . And kindly search . 2months nko nagbbsa niting site , nauunawaan ko na unti unti dhil sa bible Ko nagtitiwala.

      Delete
    4. Kaya nga akiyahere, pagsabihan mo ang mga Saksi na sa Bible lang sila dapat magtiwala, kasi wala naman talagang mababasa sa Biblia na ang Diyos nakatira sa Bituin.

      Kung talagang sa Biblia lang sila nagbabatay, saan nila kinuhang VERSE sa Bible ang paniniwala nilang iyan?

      Delete
  3. KA AERIALS.. SANA GUMAWA NAMAN KAYO NG TOPIC TUNGKOL SA KAAYUSAN NG PANANAMIT...

    ReplyDelete
  4. Nasagot na po ang patungkol sa paksa sa aklat na ito. Dito po ito tinalakay ng masinsinan:

    https://www.facebook.com/photo.php?fbid=566890683336372&set=o.179348648780295&type=1&relevant_count=1&ref=nf

    ReplyDelete
  5. SINAGOT NA NG MGA SAKSI NI JEHOVAH SA KANILANG FB FORUM NA 'KAUNAWAAN ANG MALING INTINDI SA PAKSANG NG INYONG BROTHER NA SI AERIAL CAVALLERO.


    Geovani Buenafe Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ang sinipi ni Mr. Cavalry ay nasa page 14. Aatras lang po tayo ng ilang mga pahina at kunin ang ilang mahahalagang punto bago natin dakuan ang pahina na sinipi niya.

    Sa page 10 par. 2 and 3 ay may mababasang ganito:

    "The Bible is God's sacred Word of truth... No man can have a proper appreciation of the history of the race, of his obligation to the Creator, and of the prospect set before him if he ignores or turns aside from the sacred truths contained in the Scriptures."

    Dito palang ay maliwanag na ang PATIUNANG PANININDIGAN ng manunulat ang KAHALAGAHAN NG SALITA ng Diyos ang Bibliya at hindi ang kung ano pa mang reperensiya. Ibinuod niya ito sa mga pananalitang:

    "The Bible is the fountain of truth." - [Reconciliation p. 10. par. 3]

    Nanatili ba sa ganitong paninindigan ang manunulat ng aklat? Tunghayan natin ang mga susunod na patotoo ng mga pahina ng aklat.

    Sa pahina 13 parapo 3 ay ganito ang mababasa:

    "The Bible is the only credible guide either as to the real relationship between man and the earth and the great Creator of both or concerning the purpose of the creation of both."

    Maliwanag, bago ang pahina 14 ay TINITIYAK na ng manunulat na ang SACRED TRUTHS, FOUNTAIN OF TRUTH at CREDIBLE GUIDE ay ang Bibliya LAMANG!

    Nanatili ba rito ang manunulat? Oo naman po. Papaano nangyari iyon? HINDI po kasi naHIGHLIGHT ang mga talata na binanggit, alalaong baga'y:

    2 Cronica 6:21; Job 38:31 AT MERON pa nasa pahina 15 ay ganito ang sinabi:

    "Concerning this relationship the prophet of God wrote: "The heavens is my throne, and the earth is my footstool." (Isa. 66:1)

    Kaya maliwanag, HINDI po NAGDEVIATE sa Bible ang manunulat! Ano po ang sinipi ng manunulat? THE HEAVENS IS MY THRONE! Nasa Bibliya po - Isaias 66:1 po.
    November 23 at 8:30pm ·



    ReplyDelete
  6. Waring kakaiba sa pandinig ng mga INC ang naging pahayag na ito ng mga "Saksi" mula sa kanilang Aklat...na isa sa mga bituin ay tinatahanan ng Diyos Ama....

    IT HAS BEEN SUGGESTED, AND WITH MUCH WEIGHT, THAT ONE OF THE STARS OF THAT GROUP IS THE DWELLING-PLACE OF JEHOVAH AND THE PLACE OF THE HIGHEST HEAVENS."[Reconciliation]

    Nakapagtataka ba ito? Hindi po dahil ang talagang lokasyon ng mga bituin na ito ay nasa LANGIT mismo...

    Maging si Apostol Pablo ay nagturo noon sa mga Kristiyano na waring kakaiba.Ano ito? Ang Diyos Ama ay nakatira sa "LIWANAG" Ohr)na di malalapitan.

    1 Timothy 6:15-18
    Contemporary English Version (CEV
    16 Only God lives forever!
    And he lives in "light"that no one can come near.

    1 Timothy 6:15-18
    21st Century King James Version (KJ21)
    16 who only hath immortality, dwelling in the light which no man can approach unto, whom no man hath seen nor can see, to whom be honor and power everlasting. Amen.

    Hindi sapat na sabihin na nagtuturo ng MALI at Kakaiba ang mga " Saksi" kung Paano di rin natin na nagturo ng Mali at kakaiba si Apostol Pablo.

    Ito ang kakaiba na ang "Iglesia ni Cristo" ay nagturo na nasa DILIMAN Quezon City ang "BAHAY" ng Diyos-eto ang ebidensya...https://www.facebook.com/photo.php?fbid=473055332741209&set=o.179348648780295&type=3&theater

    Letter to the Editor:
    PASUGO, December 2001, p.2
    IT IS CLEARLY stated in the Bible that "God does not dwell in temples made with hands" (Acts 17:24). So, why do you call your temple or chapel as "house of God" when, obviously, your chapels and temples were made with man's hands? This is certainly a doctrinal error on your part.
    Jeremy Sedenio
    Mabalacat, Pampanga, Philippines

    Kaya Malaking kalokohan SABIHIN na sa "KAPILYA " ng INC nakatira ang Diyos.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anonymous,

      Where exactly did you get the idea that God literally lives in the temples made with hands as far as INC is concerned? SAAN? Walang ganung paniniwala ang INC.

      Secondly, if indeed you believe that the Bible is the only sole basis of your faith, why is it that in so many times JW changed their teachings? Why is it that in so many times JW declared false prophecies?

      Apostle Paul HAS NOTHING TO DO with your man-made teachings. Spare him.

      --Bee

      Delete
    2. Kitang-kita dun sa sinipi sa PASUGO, ang nagsasalita ay si JEREMY SEDENIO na taga MABALACAT, PAMPANGA, hindi INC member na nagtatanong sa INC. Iyon kasi ang pananaw ng mga hindi INC kapag sinasabi namin na ang TEMPLO ay BAHAY SAMBAHAN ay "BAHAY NG DIYOS", ang akala nila naniniwala kami na LITERAL na nakatira ang Diyos sa TEMPLO o gawa ng Tao.

      Bagamat tinawag ni Jesus ang TEMPLO na "BAHAY ng AKING AMA":

      Juan 2:16 “At sa nangagbibili ng mga kalapati ay sinabi niya, Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito; huwag ninyong gawin ang BAHAY NG AKING AMA na bahay-kalakal.”

      Ay hindi ito nangangahulugan na ang TEMPLO o BAHAY ng DIYOS ang mismong DWELLING PLACE o tahanang dako niya. Kundi kaya tinawag na BAHAY NG DIYOS ay sapagkat BAHAY NA KANIYANG PAG-AARI na ang layunin ay:

      Isaias 56:7 “Sila ay dadalhin ko sa aking banal na bundok, at papagkakatuwain ko sila sa aking BAHAY NA DALANGINAN: ang kanilang mga handog na susunugin at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa aking dambana; sapagka't ang AKING BAHAY AY TATAWAGING BAHAY NA PANALANGINAN para sa lahat ng mga bayan.”

      At ang naroroon sa BAHAY ng DIYOS ay hindi ang MISMONG DIYOS kundi:

      2 Cronica 7:16 “Sapagka't ngayon ay aking pinili at itinalaga ang bahay na ito, UPANG ANG AKING PANGALAN AY DUMOON MAGPAKAILAN MAN; AT ANG AKING MGA MATA AT ANG AKING PUSO AY DOROONG PALAGI.”

      Klaro po iyan sa Biblia mga kapatid na ang NANAHAN o NANDOROON sa BAHAY o TEMPLO ng DIYOS ay ang kaniyang PANGALAN, ang kaniyang mga MATA, at ang kaniyang PUSO.

      Hindi po namin paniniwala na ang TEMPLO o BAHAY DALINGINAN o BAHAY NG DIYOS ay ang mismong TINATAHANANG DAKO o DWELLING PLACE ng DIYOS.

      Iyan po ay paratang lamang ng mga Hindi INC na hindi nakakaalam ng aming aral.

      Delete
  7. Jehovah Witness Defense13 December 2012 at 15:12

    Saan Nakatira ang Diyos?

    Ang sagot ng Bibliya
    Sa langit nakatira ang Diyos. Tingnan ang sinasabi ng Bibliya:

    Nanalangin si Haring Solomon: “Makinig ka nawa mula sa langit, sa iyong tatag na dakong tinatahanan.”—1 Hari 8:43.

    Itinuro ni Jesu-Kristo sa kaniyang mga alagad na manalangin sa kanilang ‘Ama sa langit.’—Mateo 6:9.

    Nang buhaying muli si Jesus, pumasok siya “sa langit mismo, upang ngayon ay humarap sa mismong persona ng Diyos.”—Hebreo 9:24.

    Malinaw na ipinakikita ng mga talatang ito na ang Diyos na Jehova ay isang tunay na persona at hindi siya nakatira sa lahat ng dako. Sa langit siya nakatira.


    For more information please visit our Website: http://www.jw.org/tl/

    ReplyDelete
    Replies
    1. Alam naman pala nila na sa langit nakatira ang Diyos, so maliwanag SINUNGALING iyong aklat ng mga SAKSI na nagsabi na sa BITUIN nakatira. Hmmmm. Paano kaya iyong napaniwala ng aklat na iyan na namatay na hindi naitama ang kanilang paniniwala. Maliligtas kaya sila?

      Delete
    2. magaling kayo mag chopchop ng aklat wala kayong magawa.palibhasay walang alam sa katotohanan .bakit hindi nyo ilantad ang buong salita ng lebro.para maintindihan sa bumabasa.

      Delete
    3. Ano ba talaga KATOTOHANAN shyllacs jw? Nakatira ba talaga sa bituin ang Diyos o Hindi.

      Share mo naman sa amin...ang TOTOO

      Delete
    4. Ako din ang hanap ko ay KATOTOHANAN eh...

      Delete
  8. Jehova Witness Defense,

    Ang Diyos ng Iglesia, samakatuwid baga'y ang Ama, ay hindi isang persona sapagkat siya Espiritu sa kalagayan (John 4:24), kaya tiyak na tiyak na ang Diyos namin ay hindi ninyo Diyos (1 Cor. 8:6) dahil diyan pa lang salungat na kayo sa Bibliya.

    In Hebrew 9:24, what it says there is, "...in the presence of God..." (KJV Version)...not in person of God. Got the difference?

    And again, where exactly did you get the idea that God LIVES everywhere? SAAN? Kailan sinabi ng INC na ang Diyos ay NAKATIRA SA LAHAT NG DAKO? Kelan?

    Lahat ng sinitas mo na talata ay lalong nagpapatunay na ang tunay na Diyos ay ang Ama... at tinatawag Siya ng Kanyang mga tunay na alagad sa gayong pangalan.

    At tama si Ka. Christian...dapat tawagan mo ng pansin ang sumulat ng libro ninyo na nagsasabing maging sa bituin ay nakatira ang Diyos. Ang mga bulaan ninyong guro ang sumulat niyan hindi kami... dahil ang INC matagal nang naliwanagan sa pamamagitan ng huling sugo na ang Diyos ay tunay na nakatira sa langit...at HINDI SA LAHAT NG DAKO.

    --Bee

    ReplyDelete
    Replies
    1. totoo yong sinabi mo magkaiba tayo ng DIOS,KASI ANG DIOS NYO PALSO O FAKE,HA HINDI MO PALA NAINTINDIHAN ang word person?hindi nyo alam na mayrong invicible person?

      Delete
    2. alam nyo hindi kami magtataka kung bakit maraming huwad na turo ang inc.bakit ang dios nyo pala ay hindi persona kaya sigurado ako na ang sinamba ninyo sa dios ay hindi yong creator.sige nga paano mag exist ang isang persona na ginawa sa isang hindi persona?ang tao ay isang persona, ngayon sino ang naglikha sa tao?malinaw kung ang taoy persona lalo na ang DIOS persona.buti pa ang kaibiganan nating mga katoliko tatlo tatlo pa ang kanilang persona na dios pro nasusubrahan naman ata.

      Delete
    3. @akiyahere

      Hahah eh pano naman po nila mssgot ang katanungang iyan sir? Kunbaga Po sa SHOWBIZ naunahan kana ng Tsismis hahahah im just kidding ;) im not part of INC And Also JW pero yung wag ng pagpapatotoo nyo ay masydong malayo sa pinost nyo po ! At napatunayan ko yan dhil bncta ko ang site nila , maybe PRIDE lang ang umiiral sa inyo sir and behalf of INC kc ang layo ng cnsbi nyo supeeeeer po ala akong nkitang ganyan ! Akala ko pa naman ok ang INC . No offense;) thats true

      Delete
    4. Aber sige nga magpasiklab kayo sa amin, saan mababasa sa Biblia na ang Diyos ay PERSONA?

      Magpakita ng Talata at ng hindi lumabas na iyan ay hakahaka o guniguni niyo lang.

      Delete
    5. Tama si Bro. Jaime, dapat sa Biblia kinukuha sagot. Hindi iyong HAKA-HAKA at PALA-PALAGAY niyo lang ang basehan ng pinagsasabi ninyo.

      Delete
    6. Research sila ng research ng kung ano yung nakasaad sa Biblia.

      Kaso,wala talaga.

      Delete
  9. Alam nyo rin pla ang Literal at di literal eh, WALA rin naman sinabi ang aming aklat Reconciliation na literal nga na nakatira sa BITUIN ang Diyos. Gaya nga ng nasabi ko gaya lamang yan ng sinabi ko nakaraan.....

    Maging si Apostol Pablo ay nagturo noon sa mga Kristiyano na waring kakaiba.Ano ito? Ang Diyos Ama ay nakatira sa "LIWANAG"na di malalapitan.

    1 Timothy 6:15-18
    Contemporary English Version (CEV
    16 Only God lives forever!
    And he lives in "light"that no one can come near.

    Pangalawa HINDI totoo na mayroon pang TEMPLO ang Diyos hanggang ngayon dahil pinahintulutan na itong wasakin noong pang 70CE. Mula noon ay wala ng TEMPLO. Wala din utos si Jesus Kristo sa mga Kristiyano na igawa ng Templo para doon sasambahin ang kanyang Ama. Manapa maliwanag ang pahayg ni Jesus sa Samaritana na Hindi na sasambahin ang Ama sa mga Templo na nasa Bundok gaya ng Jerusalem at Gerizim.

    Juan 4:20-23
    20.Sa bundok na ito sumamba ang aming mga ninuno. Sinasabi mo na ang pook na dapat sambahan ay sa Jerusalem.
    21Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ginang, maniwala ka sa akin. Darating ang oras na sasambahin ninyo ang Ama hindi sa bundok na ito ni sa Jerusalem.
    22Hindi ninyo nakikilala ang sinasamba ninyo. Kilala namin ang aming sinasamba sapagkat ang kaligtasan ay sa mga Judio.
    23Darating ang oras at ngayon na nga, na ang mga tunay na mananamba ay sasamba sa Ama sa espiritu at sa katotohanan. Hinahanap ng Ama ang mga gayong sumasamba sa kaniya.
    http://www.speedbibleoncd.com/tagalog/B43C004.htm

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anonymous,

      Mapatunayan mo man siyang literal o hindi..may maiiba ba? WALA. Dahil ang sinasabi ng aklat ninyong iyan ay WALA SA BIBLIYA. Haka-haka lamang ninyo at ginagamit ninyo ang Bibliya para bigyang hustisya lamang ang inyong pala-palagay...gaya nga ng sinasabi sa aklat ninyong yan, "...it has been suggested...".

      And correction lang po...para sa mga tunay na mga alagad...walang itinuro ang mga apostol na "kakaiba" gaya nang nais ninyong palabasin. Pero bakit tila kakaiba para sa iba ang pananampalataya ng mga Iglesia Ni Cristo?

      Basahin nio na lang po ang 1 Cor 8:6 at tiyak ko, ibang iba siya sa pananampalataya ninyong taglay. At hindi nakapagtataka iyon..kasi saksi kayo ng bulaan.

      --Bee

      Delete
  10. Bee Weezer,
    "And again, where exactly did you get the idea that God LIVES everywhere? SAAN? Kailan sinabi ng INC na ang Diyos ay NAKATIRA SA LAHAT NG DAKO? Kelan?"

    Answer.........

    Letter to the Editor:
    PASUGO, June 2002, p.2

    THE TEACHING THAT God is everywhere is against the Bible. If God were everywhere, He must also be in beer houses, prostitution dens, and crack houses. In Matthew 6:9, Jesus said in His prayer that God is in heaven.

    Isn't it that God is in heaven and not in places where there is immorality?

    Jay Magunay
    Sta Rosa, Laguna, Philippines


    Editor's reply:

    The teaching that God is everywhere or that God is omnipresent is a biblical teaching. In fact, it was the Almighty God Himself who declared that He is everywhere:

    “I am God who is everywhere and not in one place only.” (Jer. 23:23, Today’s English Version)

    We do not oppose the Lord Jesus Christ’s prayer written in Matthew 6:9. What we are opposing is the erroneous conclusion about the verse. It is true that the Lord Jesus acknowledged in His prayer that the Father is in heaven. But, He did not say that the Father is in heaven only. To assume such is a violation of biblical teachings.

    We cannot confine God to any specific location. Apostle Paul, in fact, testifies that “He [God] is everywhere and in everything” (Eph. 1:4, Easy-to-Read Version).

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anonymous,

      Even you is CONFUSED of your own interpretation...

      Is God being EVERYWHERE the same with God is LIVING everywhere?

      Sa tagalog, magkapareho ba ang "NAKATIRA SA LAHAT NG DAKO" at "NASA LAHAT NG DAKO"?

      So, again...WHERE & WHEN EXACTLY INC TAUGHT THAT GOD IS "LIVING EVERYWHERE" or "NAKATIRA SA LAHAT NG DAKO" YAN ANG SAGUTIN MO....hihintayin ko.

      --BEE

      Delete
    2. This comment has been removed by the author.

      Delete
  11. Jehovah Witness Defense14 December 2012 at 16:27

    Mga Saksi ni Jehova—Sino Kami?

    Iba-iba ang aming wika at lahi, pero pinagbubuklod kami ng iisang layunin. Higit sa lahat, gusto naming maparangalan si Jehova, ang Diyos ng Bibliya at Maylalang ng lahat ng bagay. Ginagawa namin ang lahat para matularan si Jesu-Kristo at ipinagmamalaki naming kami’y mga Kristiyano. Bawat isa sa amin ay regular na nagbibigay ng panahon para matulungan ang iba na matuto tungkol sa Bibliya at sa Kaharian ng Diyos. Bilang mga Saksi ni Jehova, nagpapatotoo kami tungkol sa Diyos na Jehova at sa kaniyang Kaharian.

    Tingnan ang aming Web site http://www.jw.org/tl/ Basahin ang Bibliya online. Kilalanin kami at alamin ang aming mga paniniwala.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ANO AT SINO ANG MGA SAKSI NI JEHOVAH?

      1. Pabago-bago ang aral
      2. Pabago-bago ang pangalan ng Organisasyon
      3. Dating ginamit ang krus bilang simbolo ng Kristyano
      4. Dalawa ang diyos - Mighty (Christ) and Almighty (Jehovah)
      5. Makailang ulit hinulaan ang pagbabalik ng Panginoong Jesukristo AT LAHAT AY HINDI NAGANAP.

      Dagdagan ko pa?

      ETO PO BA ANG RELIHIYONG PINAGMAMALAKI MO?

      Madadaya niyo ang iba pero HINDI ANG TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO. IHAHAYAG AT IHAHAYAG NAMIN ANG INYONG KABULAANAN.

      At, sa iyo na po ang pangalang Jehovah na gawa lamang ng tao.

      Iisa lamang ang pangalan na kailangan namin na sukat naming ikaligtas at kailanman iyon AY HINDI JEHOVAH:

      "Alamin ninyong lahat ito at ng lahat ng mga tao sa Israel: Ang lalaking ito ay nakatayo sa inyong harapan na magaling. Siya ay gumaling sa pamamagitan ng pangalan ni Jesucristo na taga-Nazaret na inyong ipinako sa krus, na ibinangon ng Diyos mula sa mga patay. Siya ang:

      Bato na hinamak ninyo na mga tagapagtayo.
      Siya ang naging batong-panulok.

      Wala nang ibang kaligtasan sa kanino man sapagkat walang ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay sa mga tao na ikaliligtas natin." (Gawa 4:10-12 SND)

      Salamat sa Diyos at hindi ako tuluyang nalugmok sa relihiyong iyan

      --BEE

      Delete
    2. kaya pala hindi kayo maka intindi sa bibliya dahil ang DIOS NYO HINDI PERSONA..BAGAY BA ANG INYONG DIOS?WALANG DAMDAMIN?WALANG PAG IISIP?WALANG ANYO?WALANG KATAWAN? SIGE NGA KAyo muna mag paliwanag kung bakit ang inyong dios hindi persona?

      Delete
    3. @akiya here
      Gaya ng sinabi ko catholic ako , and willing ako sa mga pinopost nyo , pero ang mga saksi ni kehova ay tlga naman salig sa bibliya ang sinsgot pag tintnong nmin sila , kapag nagttnong kami ay talaga po walang pangiinsulto ang sagot nila sa amin kundi sa bible sila kumukuha ng ksagutan ,
      Npnsin ko sa mga nagpopost na tga INC puro pangiinsulto ang sgot , thas was so sad :( Respect dapat .

      Delete
    4. Sige tanong mo sa SAKSI kung saan mababasa sa BIBLIA na sa BAGONG KALAKARAN ay puwede ka pang MAKAPAG-ASAWA at MAGKAANAK?

      Tanong mo kung saang VERSE sa BIBLE mababasa iyan, ok? At bumalik ka rito.

      Delete
  12. Jehovah Witness Defense14 December 2012 at 16:47

    This site (http://defendingjehovahswitnesses.blogspot.com/) refutes false charges made against Jehovah's Witnesses. (1 Pet. 3:15) Find what you are looking for by using the highlighted links below or by using specific words in the search boxes below.

    ReplyDelete
  13. Ay bakit po ganyan ?actually madami nako na encounter religions maging sa bible , at may na kilala ako na mga saksi ni jehova , nagulat ako kc akala ko may sarili silang bible ! Ginamit nila ang bible namin instead yung gamit nila and nagulat tlga kami dahil ang mga sagit nila ay talgang nagmumula sa bibliya . Bagamat ang aming bible ay titulo ang nklagay same talaga ang nilalaman . Pero yung mga pnopost nyo po against sa kanila hindi makatwiran paninira po yan , at kung tayo ay relihyoso d natin dapat sirain ako iba . Dun palang mkikia ntin ang mga huwarang relihiyon . respect sir .

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ano paninira diyan? Iyong aklat nila ang nagsasabi na ang Diyos nila nakatira sa Bituin. Bulag ka ba?

      Delete
  14. Ay bakit po ganyan ?actually madami nako na encounter religions maging sa bible , at may na kilala ako na mga saksi ni jehova , nagulat ako kc akala ko may sarili silang bible ! Ginamit nila ang bible namin instead yung gamit nila and nagulat tlga kami dahil ang mga sagit nila ay talgang nagmumula sa bibliya . Bagamat ang aming bible ay titulo ang nklagay same talaga ang nilalaman . Pero yung mga pnopost nyo po against sa kanila hindi makatwiran paninira po yan , at kung tayo ay relihyoso d natin dapat sirain ako iba . Dun palang mkikia ntin ang mga huwarang relihiyon . respect sir .

    ReplyDelete
  15. Ay bakit po ganyan ?actually madami nako na encounter religions maging sa bible , at may na kilala ako na mga saksi ni jehova , nagulat ako kc akala ko may sarili silang bible ! Ginamit nila ang bible namin instead yung gamit nila and nagulat tlga kami dahil ang mga sagit nila ay talgang nagmumula sa bibliya . Bagamat ang aming bible ay titulo ang nklagay same talaga ang nilalaman . Pero yung mga pnopost nyo po against sa kanila hindi makatwiran paninira po yan , at kung tayo ay relihyoso d natin dapat sirain ako iba . Dun palang mkikia ntin ang mga huwarang relihiyon . respect sir .

    ReplyDelete
  16. Ay bakit po ganyan ?actually madami nako na encounter religions maging sa bible , at may na kilala ako na mga saksi ni jehova , nagulat ako kc akala ko may sarili silang bible ! Ginamit nila ang bible namin instead yung gamit nila and nagulat tlga kami dahil ang mga sagit nila ay talgang nagmumula sa bibliya . Bagamat ang aming bible ay titulo ang nklagay same talaga ang nilalaman . Pero yung mga pnopost nyo po against sa kanila hindi makatwiran paninira po yan , at kung tayo ay relihyoso d natin dapat sirain ako iba . Dun palang mkikia ntin ang mga huwarang relihiyon . respect sir .

    @akiya here

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa mga appreciation mo. pwedi ka pumunta sa www jw org.com

      Delete
    2. @akiyahere

      Yes po n visit ko na and lagi ko pang bbctahin para ma lumwak pa kaalaman ko po �� and i decided n mkipag study sa mga saksi .
      tsaka Share ko lang po kasi dati hindi ako interesado about religions eh at lalo po sa bible ;) parang ang hirap intindhin ,yun pala d lang tlga ko willing magbasa, pero sa panahon po kc ang dami n ngyyri na kalamidad , nagppray lang ako pero Puro Pray , heheh walang pagkilos at pagkilala sa pnpanalanginan ko , heheh kaya po eto ngng interesado ko mag view ng mga site about religions and bible po nagsuri ako , ;)

      Delete
    3. jw.org/tlg..or gusto niyo english...jw.org/eng

      Delete
  17. @akiyahere

    at feeling ko pg Marami ang ang member ng religion sila ang tumpak ang nagtuturo talaga ng tama ;) heheh
    Nbasa ko sa bible , MATEO 7:14
    KAKAUNTI ANG MGA NKASUSUMPONG SA DAANG ITO !
    Tanging ang pag sambang nksalig sa mga katotohanang nsa bibliya ang tintnggap ng Diyos.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Katoliko ka ba o ADD?

      Kasi KONTRA-KONTRA sinasabi mo eh:

      Sabi mo: "pg MARAMI ang ang member ng religion sila ang tumpak ang nagtuturo talaga ng tama;"

      Tapos bigla mong sinabi:

      "KAKAUNTI ANG MGA NKASUSUMPONG SA DAANG ITO !"

      Marami tapos KAKAUNTI, paano dadami ang member kung KAKAUNTI ang NAKAKASUMPONG?

      Ang gulo naman ng utak mo...

      Delete
    2. @akiyahere

      Ay konting intindi po hahah ! BEFORE NGA PO AKALA KO KC IBA RELIGION KO SO FEELING KO BEFORE PAG MARAMI ANG MEMBER NG RELIGION UN TUMPAK! Eh may NABASA KO SA BIBLE DI PALA GANUN !

      ICPIN MUNA KASO ANG UTAK MO PO ANG MAGULO HIHI PIKON KA ��

      Delete
    3. @akiyahere

      Ay konting intindi po hahah ! BEFORE NGA PO AKALA KO KC IBA RELIGION KO SO FEELING KO BEFORE PAG MARAMI ANG MEMBER NG RELIGION UN TUMPAK! Eh may NABASA KO SA BIBLE DI PALA GANUN !

      ICPIN MUNA KASO ANG UTAK MO PO ANG MAGULO HIHI PIKON KA ��

      Delete
    4. Hahah dapat PO ANG MAGEXPLAIN NYAN AY ANG NAGPOST NYAN, SAN NAMAN PO NILA NPULOT ANG DIYOS AY NAGMULA SA BITUIN ? eh NUNG NAGVIEW AKO ANG SITE NG MGA SAKSI EH WALA NAMN CLA NABBNGGIT N CNSBI YAN ?

      At bukod dun ang SITE NILA PURO ARAL SA BIBLIYA SALIG SA BIBLIYA. Di TULAD NG SITE N TO , PURO PANINIRA HIHIHI

      Delete
    5. Ano ba religion mo? At paapaano mo nalaman na salig sa Biblia lahat ang tinuturo sa JW?

      Gusto mo pagusapan iyan sige:

      Umpisahan mong hanapin sa Biblia...

      1. Bawal ang bumoto
      2. Bawal Magpasalin ng Dugo
      3. Bawal sumaludo sa watawat
      4. Bawal ang Birthday
      5. Lupang paraiso
      6. Makapagaasawa pa ang mga tao at magkakaanak sa BAGONG KALAKARAN

      7. Bawal magsundalo, Girl Scout at Boy Scout.

      Ipakita mo mga talata sa Biblia kung saan galing ang mga Iyan.

      Sabi mo galing sa Biblia eh, kaya basahin natin sa Biblia.

      Delete
    6. Akiyahere, tandaan mo ang kailangang ipakita VERSIKULO at hindi KUWENTO...

      Kailangan ang isasagot BABASAHIN sa BIBLIA, hindi magkukuwento, ok?

      Umpisahan mo ng magresearch sa kanilang website. hehehe

      Delete
    7. Sabi ni ANONYMOUS sa itaas:

      "Hahah dapat PO ANG MAGEXPLAIN NYAN AY ANG NAGPOST NYAN, SAN NAMAN PO NILA NPULOT ANG DIYOS AY NAGMULA SA BITUIN ?"

      Nakapikit ka ba habang nagbabasa sa Blog na ito? Hindi mo ba nakita na ipinapakita sa itaas ay ang mismong PAGE NG AKLAT ng MGA SAKSI NI JEHOVA?

      Ang nagsasabi na ang DIYOS AY NAKATIRA SA BITUIN AKLAT NG MGA SAKSI NI JEHOVAH, hindi aklat ng INC iyan.

      Imulat mo mga mata mo, dahil kay liwa-liwanag nung POST.

      ANG SAKSI ANG MAY SABI, kaya sila dapat ang MAGPALIWANAG.

      Delete
  18. Simple lang ang tanong na dapat patunayan ng mga SAKSI NI JEHOVAH sa paksaing ito eh:

    TOTOO BA NA NAKATIRA ANG DIYOS SA BITUIN?

    Kung HINDI TOTOO, amining SINUNGALING ang SUMULAT ng AKLAT na iyan

    Kung TOTOO, saang TALATA sa BIBLIA mababasa?

    Hindi naman siguro kailangan ng mahabang paliwanagan iyan eh.

    ReplyDelete
  19. Nag GEGERAHAN N AT NAGKKGUTOM TAMA NPO IYANG PANINIRA HIHIHI
    Ang importante Po Nagaaral tayo ng Bibliya at Patuloy ang Panalangin ;) d po yung ganito Dapat umangat kung sino magaling . Naku po ang iba pang ko ko comment malamang d naman nkkpagbasa ng bible ,uhm (alam natin yan ) hahah kaya tama n yan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sige Anonymous, umpisahan mo kaming BUKLATAN ng BIBLIA mo, hanapin mo ang sagot:

      TOTOO BA NA NAKATIRA ANG DIYOS SA BITUIN?

      Sabi mo kasi hindi kami nakakapagbasa ng Bible eh, kaya sige pinagbibigyan ka namin na basahan mo kami.

      Delete
  20. Akeeyah na PRO JW.

    Naiintindihan mo ba ang ibig sabihin ng PANINIRA? Kasi mukhang hindi mo alam eh. Ang naninira ay NAGKUKUWENTO lang ng walang ebidensiya.

    Kung ang nagsasabi na ang PANINIWALA NG MGA SAKSI ang DIYOS NAKATIRA sa bituin ay AKLAT NG INC, iyan paninira iyan. Kasi lalabas nun INC lang ang may sabi

    Pero kung ang nagsasabi na ang DIYOS NAKATIRA sa BITUIN aklat mismo nila. Paninira ba iyon?

    Sila ang dapat magpatunay kung totoo ang ARAL nilang iyan, KASI SILA ANG MAY SABI NIYAN hindi ang INC.

    Patunayan nila na nakatira ang DIYOS sa Bituin. Iyon ang issue.

    Tutal palagi mo silang ipinagtatanggol, Ikaw ang sumagot AKEEYAH;

    TOTOO BA O HINDI NAKATIRA ANG DIYOS SA BITUIN?

    Iyan ang ating pagusapan...umpisahan mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi @Catherine,

      Let me quote to you Galatians 5:22-23
      "But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, FORBEARANCE, kindness, goodness, faithfulness, GENTLENESS and SELF-CONTROL."

      These are the virtues that true followers of Christ must posses.

      And the manner you had while discussing the issue did not show any gentleness nor self control.. You've been very eager to defend your belief in the expense of showing how false other religions are. And for me, that is just wrong. People should show interest in your belief, not by judging other religions, or accusing them to be false

      Why? Can't your religion prove how true you are without stepping on others' beliefs?

      I've known (and been friends) some INCs, growing up. In fact, one of your Churches was few houses away from ours, but I was never encouraged to join them, not because I am not a believer but because they don't seem to practice what they preached. I am not generalizing every members of your faith, fyi, I am just merely stating what I've seen from some of you.

      I remember this one event during High School where one of my classmates was asked to join an activity for our school's xmas party, but he refused to, because he is a JW and they don't practice celebrating xmas. Our teacher made fun of him in front of the class and threatened him to get lower grades if he won't participate, but he stood to his faith. Meanwhile, my other INC classmates who have already agreed to participate suddenly stood up and said that it is also against their faith to join such activity, I was surprised, because I've always thought that INC celebrates XMas for they were always present on those celebrations at school. I hope you are getting my point. If it wasn't for the bravery of that JW to defend his faith, the INCs probably have continued to participate.

      This being said, have reminded me of some event stated in the bible like when Jesus was accused to be false by his own people and Egyptians and Persians were so devoted by their gods and goddesses and made fun of the Jews who were than acknowledged by God as his "people". But they remained humble and kept their faith to their one and only God, for in the end, it is Him who will save them.


      The way I see this thread, for you, it is no longer a question of belief.

      I didn't want to take sides, I was just a mere reader of this post. But the way you answer disturbed me A LOT.

      Let me quote to you, again another bible verse, Proverbs 25:11
      "A word fitly spoken is like apples of gold in settings of silver".

      "Sometimes we know exactly what needs to be said -- we have the facts down -- but we do not give enough thought to how these things are said. In regard to some issue or controversy, or when it is necessary to speak out against some sin or error, we know exactly what should be said, but we fail in HOW we say it. We PREACH THE TRUTH, but WITHOUT LOVE. We say what needs to be said, but with such an overbearing arrogance or anger, our listeners cannot hear the message; it is covered up by all the "attitude." (http://www.bible.ca/ef/expository-proverbs-25-11.htm)

      I hope you'll be careful next time.

      Delete
    2. Belle Vallangca,

      “Why? Can't your religion prove how true you are without stepping on others' beliefs?”
      If you truly love somebody, you don’t have a choice but to be truthful to that person. You treat him truthfully and you speak to him truthfully just like our Lord Jesus Christ and so the Apostles. Otherwise, there were not persecuted for telling the truth and correcting “false beliefs, customs and traditions” of those who opposed to their stand.
      If INC will prove its veracity, as an effect it could not be avoided that whatever is false will be unmasked, that is inevitable for the Bible testifies:
      “All scripture is given by inspiration of God, and is profitable for doctrine, for reproof, for correction, for instruction in righteousness.” ~ 2 Timothy 3:16.
      Back to the article, JW is teaching that God is LIVING in a star. If that is okay with you, then for us it’s NOT for it is not the truth, hence, a LIE. And, we don’t “love” our fellowmen to let them go on living believing a LIE endangering their very own souls. Therefore, following what the Bible tells us so, we had no choice but to REPROOF/CORRECT such false belief otherwise we don’t truly love our fellowmen to let them live in a LIE.

      Delete
    3. Now, if you read Catherine’s post again, it was INC who was being accused of labeling JW. It is their very own book which says so that God lives in a star, so PAANO MATATAWAG NA PANINIRA IYAN? So, I’m really surprised of you accusing Catherine being “NOT GENTLE”? Who used “inappropriate words” in that situation WITHOUT ANY PROOFS na NANINIRA kami? I think you missed the whole point due to either not following the thread completely or you BEING JUDGMENTAL.
      Bakit ko po nasabing judgmental ka? Your comment is more on the “attitude or behavior” (na wala naman akong nakikitang masama sa sinabi ni Catherine) rather than on the (un) truthfulness of the issue. Tinira mo po ang pagkatao ni Catherine and by setting some of our brothers/sisters in Christ as an example who you think did not stand firmly to their faith, it seems you wanted to make a point that generally we don’t stand firmly to our faith unlike the JW. Yes, some do but it does not follow that such pagan practice (Christmas) is being tolerated by the Church. Kaya nga may pagtitiwalag sa INC para sa mga matitigas ang ulo.
      We stand firmly in our faith that any pagan-originated practices should not be observed just like Christmas, and, WE STAND FIRMLY AGAINST IT FROM THE VERY START.
      How about JW, did they? What’s the use of standing firmly on something you believe in when it fact IT WAS ALLOWED in your organization BEFORE? What is that? Half-lie? Half-truth? There is no thing as such in salvation. Research for it and TELL THE TRUTH if you truly love your fellowmen no matter how “harsh” it is in their ears that they may come to know the truth and may be saved as well.
      That’s the difference between INC and JW. Yes, in INC there are few members who are really hard-headed yet a disciplinary actions are taken once they refuse to leave their wicked ways. How about JW? Before their whole congregation practiced Christmas but when Russell died, such practice had changed and is not allowed anymore hence the whole SAME congregation follow a NEW and DIFFERENT doctrine. So do you think those JW members who died believing in the celebration of Christmas WILL BE SAVED? So if we will not expose the falsity of this religion, do you call that love? For the Bible says,
      “At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan, pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga HIDWANG PANANAMPALATAYA, mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay HINDI MAGSISIPAGMANA NG KAHARIANG NG DIOS.” ~ Mga Taga-Galacia 5:19-21
      IT HURTS but THAT IS THE TRUTH and we will not keep silent about it NO MATTER HOW HARSH IT IS for you to hear for we only do our duty to God.
      --Bee

      Delete
  21. EH BAKIT HINDI PO KAYO ANG MAGSURI ?
    SEE IS TO BELIEVE NGA DIBA ?? E DI KAYO PO ANG MAG IMBISTIGA KUNG MERON KAYO GUSTO MALAMAN . DI PO YUNG UMAASA TAYO SA KUNG ANO LANG PNPOST DITO HAHAHAH ^_^ PURO HAMUNAN ,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Takot kang mahamon kasi wala kang ibubuga, hehehehe

      Delete
    2. Kapitbahay namin PIONEER ng JEHOVAH's WITNESS na nagbabahay bahay, ipinrint ko iyan at ipinakita sa kaniya. Walang kakibo-kibo. Hinihingan ko siya ng paliwanag, hindi siya makasagot sa akin.

      Tutal ang mga SAKSI nababasa naman iyang POST na iyan eh, malaya naman silang sumagot dito eh.

      Kaya sagutin nila iyan...

      Delete
    3. AY SUS SI ATE NAGSINUNGALing PA HAHAHA REALLY ?? Oh ?? HAHAHAH WAG GANUN MKAAKAY LANG C ATE WOH KAHIT MAGSINUNALING N BAD UN HIHIHI

      Delete
    4. Ako sinungaling? Paano mo nalaman na nagsisinungaling ako? May pruweba ka ba?

      Bakit hindi mo subukang itanong sa Unang-unang PIONEER na makikita mo ang paksang iyan. At malalaman mo na wala silang maisasagot diyan.

      Ikaw nga diyan eh, halata ko nagpapanggap ka lang na KATOLIKO eh.

      Tsaka hindi ako ATE, KUYA ako. HAYME ang bigkas ng pangalan ko...

      Delete
    5. Kung talagang KATOLIKO ka, sagutin mo tanong na ito:

      Sa ALTAR ng mga SIMBAHAN, ano ang nakatago sa pinakasentro nito?

      Kung TUNAY kang KATOLIKO, hindi ka mahihirapang sagutin iyan.

      Dati akong CATHOLIC, bihira ang hindi nakakalam niyan basta rin lang Palasimba.

      Dito malalaman natin na nagpapanggap ka lang...

      Delete
  22. AY SORRY PO ANG MGA INC PO PALA AY DI RELIHIYOSO SILA PO PALA AY MGA MAPANGHAMON HAHAH YUNG TERM NA "WALANG IBUBUGA" YAN BA ANG ITINURO SA INYO ANG MAGHAMON NG KAPWA? AT LAIITIN MENTRAS NA PALIWANAGAN ? HAHAHAH

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hay naku puro lang pala daldal ang isang ito, hehehehe

      Delete
    2. Oh hindi ba naninindigan ka na TOTOO ang sinasabi ng JW? Oh nasan ang pruweba mo?

      Handa kaming tanggapin basta rin lang ang ipapakita mo VERSIKULO at hindi mo lang kamu KUKUWENTUHAN, magkakasundo tayo.

      Ikaw ang may sabi ng BUKLATAN ng BIBLIA hindi ba? Kaya hala BUKLATAN mo na kami.

      Delete
    3. Palagay ko nga din Bro. Jaime nagpapanggap lang na KATOLIKO itong si AKEEYAH eh.

      Delete
  23. Umpisahan mo na nga naman AKEEYAH.

    Saan sa Biblia mababasa na ang DIYOS ay nakatira sa isa sa mga BITUIN sa KONSTELLASYON ng PLAEIDES?

    Kunin na ang Biblia, buklatin, at basahin mo sa amin ang sagot...

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
  24. PAUBOS NA ANG MGA SAKSI DAHIL UNTI UNTI NILANG NAUUNAWAAN NA ANG KATOTOHANAN AY MATATAGPUAN LAMANG SA LOOB NG INC

    ReplyDelete
  25. BAKIT GANON PAGKA NALAMAN NG MGA TAGA SAKSI NA INC KA UMIIWAS NA SILA LALO NA KUNG ANG PAGUUSAPAN TUNGKOL SA BIBLIA

    ReplyDelete
  26. MAY NAKILALA AKO ISANG MIYEMBRO NG JW MINIMISYON AKO NUNG UNA PAYAG NMAN AKO, NGUNIT NUNG SINABI KO SA KANYA NA INC AKO BIGLA SIYANG UMIWAS PARANG ITINIGIL NA NIYA ANG PAGMIMISYUN SAKIN BAKIT GANON PARANG NATATAKOT SIYA SA MGA ITATANONG KO ISA NA SANA DITO KUNG SAANG TALATA SA BIBLIA ANG RELIHIYONG SAKSI NI JEHOVA???

    ReplyDelete
  27. Nagsasara/Nagpapabili nang properties ang iba't ibang pangkatin ng relihiyon dahil pakonti nang pakonti na ang mga miembro na dumadalo sa kanilang mga pagsamba. Samantalang ang INC naman ang siyang bumibili ng mga properties nila, hindi lamang sa Pilipinas maging sa ibayong dagat. Ito ay dahil sa mabilis na lumalaking bilang ng mga mananampalataya sa loob ng INC. Para sa mga hindi INC, nakakamangha ang ganung tanawin, sa mga nanunuligsa, aminin man nila o hindi ay dala na lamang ng kanilang malaking pagkainggit sa INC.

    Pero para sa mga tunay na INC, pangkaraniwan na lamang ang ganitong paglalarawan sapagkat tinupad lamang ng Diyos ang Kaniyang pangako sa sugo sa mga huling araw na eto.

    Bahag ang mga buntot ng JW pag INC na ang kanilang kaharap sapagkat tiyak na mahuhubaran sila ng katotohanan. Kaya nga, hindi na allowed sa kanila ang public debate dahil sa mga kahihiyang kanilang natamo mula sa INC during public debates sa mga nakaraang panahon. Kung napatunayan silang bulaan noong nagsisimula pa lang ang INC sa pag-akyat nito mula sa sikatan ng araw, ngayon pa kaya? Minsan ko nang pinag-aralan ang aral nila at salamat na lamang sa Diyos at nakinig rin ako sa mga aral ng INC at napaghambing ko. Kung hindi, disin sana'y wala ako ngayon sa tunay na paglilingkod.

    Ang pakiramdam nila ay "inuusig" sila ng INC, kabaliktaran sa tunay nating damdamin na naaawa sa kanila. Makailang ulit na ba silang niloko ng mga nangunguna sa kanila? Pero hayan, patuloy pa rin silang nagbubulag-bulagan. Dinedepensahan nila ang mga aral na makailang ulit ng binago o pabago-bago at makailang ulit na ring pinagtatanggol ang mga "kapalpakan" nila sa panghuhula. Ang nakakatayo pa ng balahibo, sinasangkalan pa ang mga salita ng Diyos para patotohanan lang kuno ang kanilang mga kasinungalingan. Kaya sa araw ng paghuhukom, wala ni patak ng pagtataka magkakaroon ako na ganito ang kanilang kahihinatnan:

    "Ang bulaang saksi ay tiyak na mapaparusahan,
    at ang sinungaling ay wala ring tatakbuhan." ~ Kawikaan 19:5

    "But the cowardly, the unbelieving, the vile, the murderers, the sexually immoral, those who practice magic arts, the idolaters and all LIARS—they will be consigned to the fiery lake of burning sulfur. This is the second death.” - Revelation 21:8.

    --Bee



    ReplyDelete
  28. Ang sarap Nila basagin sa debate promise pag nalaman nyo teaching nila

    ReplyDelete
  29. Paano ba iintindihin ang lahat ng ito, lalo na't hindi ko pa nabasa kailanman ang librong ito? Gayunpaman, magpopokus na lang ako sa mga impormasyon dito.

    Sinasabi daw sa aklat na isa sa mga bituin ang tahanang-dako ni Jehova. Kaya sa literal na kahulugan, sa bituin nga nakatira ang Diyos na sinasamba ng mga Saksi ni Jehova. Ganiyan ang agad na konklusyon ng blogger na ito. Pero, pakaisipin ang mga ito:

    Bakit sasabihin ng mga Saksi na sa bituin nakatira si Jehova, gayong sa langit naman talaga siya nakatira? (2 Cronica 6:21)

    Paano siya titira sa bituin kung sa langit ng mga langit, gaya na binabanggit sa 2 Cronica 6:18, ay hindi siya magkasya?

    Nang pagpalain ng mga Levita ang bayang Israel matapos silang maghandog ng mga abuloy para sa pagtatayo ng templo sa Jerusalem, sinasabing 'ang panalangin nila ay nakarating sa banal na tahanan' ng Diyos, ang langit. (2 Cronica 30:27)

    Nakalimutan nga ba ng mga Saksi ni Jehova ang mga tekstong ito sa Bibliya? Kung ang blogger na ito ay naghanap pa sana ng mga matatandang malamang na nakausap ng mga Saksi ni Jehova noong taon kung kailan inilimbag ang librong RECONCILIATION, puwedeng niyang itanong sa kanila kung sinabi ba ng mga Saksi sa kaniya na sa bituin nga nakatira ang tunay na Diyos.

    Sa diwa, naunawaan kong makasagisag ang paglalahad ng aklat sa pagsasabing tahanang-dako ni Jehova ang mga bituin. Posibleng itinatawid nito ang mensahe ng Bibliya na 'inihahayag ng langit ang kaluwalhatian ng Diyos. Inihahayag ng kalawakan ang gawa ng mga kamay niya.' (Awit 19:1) Pinatutunayan naman ng mga siyentipiko na ang mga bituin ay isang kamangha-manghang likha ng ating Maylalang. Sang-ayon sila na ang mga bituin ay umiral dahil nilikha ito ng Diyos taglay ang kaniyang napakalakas na kapangyarihan. (Isaias 40:36) Kung ituring man niya itong tahanan niya, hindi ibig sabihin na doon siya nakatira. Sa tekstong ito ng Isaias, parang itinuturing niyang mga persona ang mga bituin dahil pinangalanan pa man din niya ang mga ito at sisiguraduhing niyang wala isa sa kanila ang mawawala. (Ihambing sa Awit 147:4, 5)

    Sa ganda ng paglalarawan ng Bibliya sa mga bituin, hindi nakapagtatakang mahal na mahal ng Diyos ang mga likha niyang ito. Sumasagisag ang mga ito sa mga pagpapala ng Diyos at sa kahanga-hanga niyang kaayusan sa pagsamba. (Genesis 22:17, 18; Apocalipsis 1:16, 20) Kaysarap ngang makapiling ang mga nilikhang ito; parang laging "tahanan" ang pakiramdam mo kasama ang mga ito.

    ReplyDelete
  30. Hindi naman maituturing na pag-uusig ang ginagawa ng INC na pamumuna sa sinasabi nilang maling turo di-umano ng mga Saksi ni Jehova. Para sa mga Saksi, ang pag-uusig ay nagsasangkot ng pagsikil sa kanilang kalayaang sumamba, kasama na ang walang-basehang paninira sa reputasyon nila anupat nanganganib na pati ang personal nilang buhay. Kung marami mang bumabatikos sa paniniwala ng mga Saksi, pagsubok lang ito at hindi pag-uusig. Kaya, kung susuriin, ang INC, na masyadong kampanteng walang pagkakamali sa kanilang itinuturo, ay di-nakapagtatakang gayon na lang ang pagbatikos nila sa paniniwala ng ibang relihiyon. Dumadating sa punto na sinasabayan na nila ang Diyos sa paghatol sa mga taong wala sa tunay na pagsamba. Dapat tandaan na ang tao ay tumitingin lang sa mata, pero ang Diyos ay tumitingin sa puso. Siya lang ang tunay na Hukom ng buong uniberso.

    ReplyDelete
  31. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  32. ang paratang ng inc,na sinabi daw sa aklat namin na,ang Diyos nakatira sa bituin ay malaking kasinungalingan...

    chop chop style ginawa niyo...

    basahin natin ang bibliya kung saan nakatira ang Diyos?

    basa

    john 14:2

    "in my father's house are many mansions if it were not so,I would have told you,for I go to prepare a place for you...

    halimbawa

    ang literal na hari nakatira sa palasyo...ngayon,
    masasabi mo ba,na ang hari nakatira siya sa cabinet?sa comport room?sa silya?sa ilalim ng lamisa?o sa kesame?o sa ilalim ng sofa?

    kaya kami hindi naniniwala na ang Diyos ay omnipresent...lalong-lalo na sa mga bagay na ginawa lang niya...

    ReplyDelete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network