Monday, 16 September 2013

Tinawag nga ba ng Ama na Diyos si Cristo sa Hebreo 1:8?

Ito ay pagtugon sa mga nagrerequest sa atin na isalin sa TAGALOG ang artikulong GOD THE FATHER CALLED JESUS CHRIST GOD:
  


Atin pong basahin ang kanilang pinagbabatayang talata:

Hebreo 1:8  Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, ANG IYONG LUKLUKAN, OH DIOS, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.”

Ginagamit ng mga tagapagtaguyod ng paniniwalang si CRISTO ay DIYOS ang talatang ito upang patunayan na tinawag daw ng DIYOS AMA si CRISTO na DIYOS. Kung ating tatanggapin na talagang tinawag ng Diyos ang kaniyang ANAK na “OH DIOS” sa HEBREO 1:8, Lalabas na KINONTRA ng Diyos ang kaniyang sarili! Sapagkat sinabi niya sa ISAIAS 46:9 na: “sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko;” Sa kabilang dako, ay mayroong pang ibang pagkakasalin ng talatang ito na pilit ikinukubli ng mga naniniwalang Diyos si Cristo na gumagamit ng talatang ito na inaakala nilang patunay sa kanilang paniniwala.

Subalit may mga iba na nagpapakita ng katapatan gaya ng ipinakita sa footnote ng Revised Standard Version na nagsasaad na “GOD IS YOUR THRONE” o “ANG DIYOS ANG IYONG LUKLUKAN” bilang katibayan na mayroon pang ibang pagkakasalin ng nasabing talata.

Ang salitang ginamit sa Bibliang Griego ay “O’ THEOS”…

Ang Hebreo 1:8, sa katunayan ay isang sipi mula sa aklat ng Mga Awit 45:6 na sa orihinal ay nasulat sa wikang Hebreo.

Ang salitang  O’ THEOS ay hindi matatagpuan sa Bibliang Hebreo na tinatawag na Texto Masoretiko (Masoretic Text). Ang O’ THEOS ay hinango sa SEPTUAGINTA [LXX], isang salin ng Lumang Tipan sa wikang Griego noong ikalawang siglo – 2nd Century (hindi ito ang orihinal na wika ng Lumang Tipan). Subalit dito man ay inaamin ng isang Bible Scholar, na si B.F. Wescott na ang Greek word na O’ THEOS ay may dalawang pagkakasalin:

"The LXX admits of two renderings: ho theos can be taken as a vocative in both cases (_Thy throne, O God,... therefore, O God, Thy God..._) or it can be taken as the subject (or the predicate) in the first case (_God is Thy throne,_ or _Thy throne is God..._), or in apposition to ho theos sou in the second case (_Therefore God, even Thy God..._)..." (The Epistle to the Hebrews," London, 1892, pp. 25)

Sabi sa aklat: ang LXX o ang Septuaginta ay inaamin na may dalawang pagkakasalin: ang HO THEOS ay maaaring kapuwa ituring na VOCATIVE CASE kaya maisasalin na “ANG IYONG LUKLUKAN, OH DIYOS”,… samakatuwid, “OH DIYOS, IYONG DIYOS…”, o maaaring ituring bilang SUBJECT o SIMUNO (o PREDICATE (PANAGURI)) na nasa first case: “ANG DIYOS ANG IYONG LUKLUKAN”, o “ANG IYONG LUKLUKAN AY ANG DIYOS”, o isang apposition sa HO THEOS SOU sa second case “SAMAKATUWID ANG DIYOS”, “MAGING ANG IYONG DIYOS”

Sa Bibliang Hebreo, ang nakalagay ay ang DIYOS ay ang LUKLUKAN ng ANAK na ito ay isang metaphor (ito ay isang figure of speech na naghahambing o nagtutulad) na nagpapakita na ang DIYOS ang pinanggalingan ng Luklukan o kapangyarihan ng Anak o ni Cristo.  Pinatutunayan ito ni Jesus sa Mateo 28:18 nang sabihin niyang:  Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.” At sa Mateo 11:27 ay sinabi din niyang: Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama” Maliwanag kung gayon na ang pinanggalingan ng kaniyang kapangyarihan at karapat ay ang Diyos na pagdating ng ARAW NG PAGHUHUKOM ay paiilalim siya sa kapangyarihan ng nagiisang Diyos ang Ama:

1 Corinto 15:27 -28 “Ganito ang sinasabi ng kasulatan, “Ang lahat ng bagay ay lubusang ipinailalim ng Diyos sa kaniyang kapangyarihan.”  Ngunit sa salitang “lahat ng bagay” maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo.  At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ANG ANAK NAMAN ANG PAPAILALIM SA KAPANGYARIHAN NG DIYOS NA NAGLAGAY NG LAHAT NG BAGAY SA ILALIM NG KAPANGYARIHAN NIYA.  Sa gayon lubusang maghahari ang Diyos sa lahat.” [Magandang Balita, Biblia]

Kaya nga maitatanong natin, bakit papailalim ang Anak sa Diyos kung PANTAY sila ng KAPANGYARIHAN ng Ama? Ito ay isang tanong na nakatatawag pansin at hindi maipaliwanag ng mga nagtataguyod ng aral na TRINIDAD, na ang laging palusot ng mga ito ay: “Ang Santisima Trinidad ay isang misteryo”.


“Ang Diyos Ay Iyong Luklukan”

Ang mga sumusunod ay ang mga iba pang pagkakasalin ng nasabing talata:

Hebrews 1:8 "But of the Son he says, `GOD IS YOUR THRONE forever and ever! And a righteous sceptre is the sceptre of his kingdom!`" (Goodspeed)

Hebrews 1:8 "He says of the Son, `GOD IS THY THRONE for ever and ever, thy royal sceptre is the sceptre of equity`." (Moffat Translation)

Maliwanag ang banggit sa mga verse na ito: “GOD IS YOUR THRONE” o  “GOD IS THY THRONE” na sa tagalog ay “ANG DIYOS AY IYONG LUKLUKAN”

Sa mga saling ito ng Biblia na Goodspeed at Moffat, makikita na hindi tinawag ng Ama na Diyos ang kaniyang Anak, kundi ang sinasabi ng Diyos Ama sa Anak (si Cristo) na Siya (Ang Ama) ay ang kaniyang (Ang Anak) luklukan o trono.

Samakatuwid ang dalawang pagkakasaling ito ng Hebreo 1:8 ay hindi kumokontra o sumasalungat sa iba pang mga pahayag sa Biblia kaya ating natitiyak na ang pagkakasaling ito ang tumpak at tama.  Dahil kung ating tatanggapin na kinikilala ng Ama ang Anak na isa pang Diyos maliban sa kaniya, ay kokontrahin ng Diyos mismo ang kaniyang pahayag:

Isaias 45:21  “Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? AT WALANG DIOS LIBAN SA AKIN: ISANG GANAP NA DIOS AT TAGAPAGLIGTAS; WALANG IBA LIBAN SA AKIN.”

Ang Diyos mismo ang nagsabi at nagturo sa mga tao na walang ibang Diyos maliban sa Kaniya, at ang NAGIISANG DIYOS na ito ay ang AMA na lumikha ng lahat ng mga bagay:

Malakias 2:10 “Hindi ba IISA ang ating AMA? Hindi ba IISANG DIYOS ang lumalang sa atin? [MBB]

Hindi lamang sa hindi kumikilala ang Diyos sa iba pang Diyos kundi ipinakilala pa niya ang kaniyang pagkakaiba sa pagsasabing wala siyang katulad o kagaya:

Isaias 46:9  “Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: SAPAGKA'T AKO'Y DIOS, AT WALANG IBA LIBAN SA AKIN; AKO'Y DIOS, AT WALANG GAYA KO;”

Kung atin ngang babalikan ang Hebreo 1:8 at itutuloy ang pagbasa sa verse 9, ay mapapansin natin na ang Anak ang may kinikilalang Diyos:

Hebreo 1:9  “Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; KAYA'T ANG DIOS, ANG DIOS MO, ay nagbuhos sa iyo, Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan”.

Pansinin ang banggit na: “ANG DIOS MO” . Kung si Cristo na Anak ay ang Diyos, lalabas ngayon na ang Diyos ay may kinikilalang isa pang Diyos maliban sa kaniya, magkakaroon na ngayon ng DALAWANG DIYOS na ito ay aral na labag sa Biblia.

Maliwanag na katotohanan na kung ang Diyos, ang Ama ay walang kinikilalang iba pang Diyos, si Cristo sa kabilang dako ay kinikilala ang Ama bilang kaniyang Diyos:

Juan 20:17  “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS.”




“Ang Iyong Luklukan, binigay ng Diyos”

Sinasabi ng mga naniniwalang Diyos si Cristo na mali daw na paniwalaan na ang Diyos ay isang Trono o Luklukan, kasi daw ay pinababa namin ang kalagayan ng Diyos na itinuturing lang daw na upuan. Kaya kanilang tinatanong: “Paano magiging tama ang pagkaunawa na ang Diyos ay Trono o Luklukan ni Jesus?”

Marapat ba kasing unawain ito ng literal?

Dapat nating malaman na ang sinasabi sa Hebreo 1:8 ay isang propesiya o hula tungkol sa pagdating ng Mesias na mababasa sa Lumang Tipan na sinipi mula sa Mga Awit 45:7 na nagsasabi ng ganito: Ating pong basahin ang nasabing talata sa Bibliang isinalin ng mga Judio sa panahon natin ngayon:

Psalms 45:7 "THY THRONE, GIVEN OF GOD, endureth for ever and ever; the sceptre of thy kingdom." (Jewish Publications Society of America Translation

Maliwanag na sinasabi sa talatang iyan na isinalin ng mga Judio na: THY THRONE, GIVEN OF GOD” o sa Filipino ay “ANG IYONG LUKLUKAN, BIGAY NG DIYOS”

Samakatuwid ang kahulugan nung salitang “GOD IS YOUR THRONE” (ANG DIYOS AY IYONG LUKLUKAN) ay “THY THRONE, GIVEN OF GOD” (ANG IYONG LUKLUKAN, BINIGAY NG DIYOS)

At ang katibayang iyan ay binigyang linaw sa unahan ng kapitulo na ang Diyos ay magbibigay ng kaniyang kaharian sa isang HARI:

Psalms 45: 1- 3 "Beautiful words fill my mind, as I compose this song for the king. Like the pen of a good writer my tongue is ready with a poem. You are the most handsome of men; you are an eloquent speaker. GOD HAS ALWAYS BLESSED YOU. BUCKLE ON YOUR SWORD, MIGHTY KING; YOU ARE GLORIOUS AND MAJESTIC." (Today’s English Version)

Sa Filipino:

Awit 45:1-3 “Mga magagandang salita ang pumupuno sa aking isipan, habang aking isinusulat ang awit para sa Hari. Katulad ng panulat ng isang magaling na manunulat ang aking dila ay nahahanda sa isang tula. Ikaw ang painakamakisig sa lahat ng mga tao; ikaw ay mahusay magsalita. ANG DIYOS AY PINAGPAPALA KANG PALAGI. ISUKBIT MO ANG IYONG TABAK, DAKILANG HARI; IKAW AY MALUWALHATI AT MARILAG.”

At ang kinatuparan ng propesiyang ito ay si Jesus na pinagbigyan ng Diyos ng Trono o Luklukan ni David:

Lucas 1:31-33  “At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS.  SIYA'Y MAGIGING DAKILA, AT TATAWAGING ANAK NG KATAASTAASAN: AT SA KANIYA'Y IBIBIGAY NG PANGINOONG DIOS ANG LUKLUKAN NI DAVID na kaniyang ama:  At siya'y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian.”

Kaya maliwanag na ang kapangyarihan ni Jesus at ang kaniyang karapatang tinataglay ay hindi lihitimo sa kaniya kundi ito ay ibinigay lamang sa kaniya. At ito ay kaniyang ipinahayag sa kaniyang mga alagad:

Mateo 28:18  “At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, ANG LAHAT NG KAPAMAHALAAN SA LANGIT AT SA IBABAW NG LUPA AY NAIBIGAY NA SA AKIN.”

At ang nagbigay sa kaniya ng lahat ng ito ay ang Ama, narito ang kaniyang pagtatapat:

Mateo 11:27  “ANG LAHAT NG MGA BAGAY AY IBINIGAY SA AKIN NG AKING AMA: at sinoma'y hindi nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at sinoma'y hindi nakakakilala sa Ama, kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak.”

At pagkatapos nga na maibigay sa kaniya ang lahat ng bagay, ang ANAK ay papailalim sa kapangyarihan ng Ama na nagbigay ng lahat ng bagay sa kaniya, at ito ay magaganap sa ARAW NG PAGHUHUKOM:

1 Corinto 15:27-28 “Ganito ang sinasabi ng kasulatan, “Ang lahat ng bagay ay lubusang ipinailalim ng Diyos sa kaniyang kapangyarihan.”  Ngunit sa salitang “lahat ng bagay” maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo.  At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ANG ANAK NAMAN ANG PAPAILALIM SA KAPANGYARIHAN NG DIYOS NA NAGLAGAY NG LAHAT NG BAGAY SA ILALIM NG KAPANGYARIHAN NIYA.  Sa gayon lubusang maghahari ang Diyos sa lahat.” [MBB]



“Si Jesucristo ay Tao”

Kung si Cristo man ay binigyan ng Trono o Luklukan ng Diyos, ito ay hindi mangangahulugan na ang Diyos ay paiilalim kay Cristo, niliwanag na iyan sa talatang binasa natin sa itaas. Eh ano ang puwesto ng Trono ni Cristo sa Langit? Siya ba ay nakaupo sa Trono o Luklukan ng Diyos mismo? Basahin natin ang patotoo ng Banal na Kasulatan mula din sa sumulat ng Hebreo 1:8:

Hebrews 8:1 "What I mean is that WE HAVE A HIGH PRIEST WHO SITS AT THE RIGHT SIDE OF GOD'S GREAT THRONE IN HEAVEN." (CEV)

Sa Filipino:

Hebreo 8:1 “Ang ibig kong tukuyin ay MAYROON TAYONG ISANG MATAAS NA SASERDOTE NA NAKAUPO SA KANAN NG TRONO NG DIYOS SA LANGIT.”

Ang tinutukoy na MATAAS NA SASERDOTE ay walang iba kundi si Cristo:

Hebrews 4:14 "That is why we have A GREAT HIGH PRIEST WHO HAS GONE TO HEAVEN, JESUS THE SON OF GOD." (NLT)

Sa Filipino:

Hebreo 4:14 “Kaya nga mayroon tayong ISANG DAKILANG MATAAS NA SASERDOTE NA UMAKYAT SA LANGIT, SI JESUS ANG ANAK NG DIYOS.”

Ano ang kalagayan ng sinasabing MATAAS NA SASERDOTE na NAKAUPO sa KANAN ng DIYOS? Sasagutin tayo ng mga talatang ito:

Hebrews 7:26 "Here is the HIGH PRIEST we need. A MAN WHO IS HOLY, faultless, unstained, seperate from sinners and lifted above the very Heavens." (Philips Translation)

Sa Filipino:

Hebreo 7:26 “Narito ang MATAAS NA SASERDOTE na ating kailangan, ISANG TAONG BANAL, malinis, walang dungis, hiwalay sa mga makasalanan at iniakyat sa itaas sa mga langit.”

Maliwanag ang pagkakasabi siya’y ISANG TAONG BANAL, samakatuwid ISANG TAO, narito pa ang isang ebidensiya:

Hebrews 7:24 "But THIS MAN, because he continueth ever, hath an unchangeable priesthood." (KJV)

Sa Filipino:

Hebreo 7:24 “Ngunit ANG TAONG ITO, sapagkat namamalagi magpakailan man, ay may pagkasaserdote na hindi mapapalitan.”

At dahil sa si Cristo ay TAO, maliwanag na hindi siya DIYOS, sapagkat ang DIYOS ay HINDI TAO, ating basahin:

Oseas 11:9  “Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: SAPAGKA'T AKO'Y DIOS, AT HINDI TAO; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.”

At sapagkat si Cristo, ang Mataas na Saserdote na nakaupo sa kanan ng Trono o Luklukan ng Diyos, ay isang TAO at HINDI DIYOS.  Samakatuwid ang sumulat ng Hebreo 1:8, ay hindi kailan man naniniwala o nagturo na si Cristo ay Diyos. At atin ngayong matitiyak na MALING SALIN ang mga talatang nagsasabi na “ANG IYONG LUKLUKAN, OH DIYOS.”

Dahil hindi kailan man kokontrahin ng sumulat ng aklat ng Hebreo ang kaniyang sarili…

Hanggang sa muli...




33 comments:

  1. para po matigil na ang debate eto po ang basahin nyo ang buong katotohanan.....

    http://www.thename.ph/

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabi nyo ay iisa lang ang Dios pero bakit sabi nyo ay pati yung trono ay Dios? Hindi ba kayo marunong mag isip ng tama ? Dahil lang aa inyong paniniwalang literal ay tumingin na kayo ng tumingin sa napakaraming salin ng mga taong ang paniniwala ay katulad nyo rin.
      Mas marami nga kayong dios e, ang Ama, ang spoken word at ang trono. Grabe!
      Pumapayag kayong ang trono ay Dios dahil kanyo ay dahil itoy luklukan ng Dios? E bakit ang Espiritu Santo na espiritu ng Dios ay ayaw nyong paniwalang Dios? Kung talagang galing sa karunungan ng Dios ang inyong mga pinagsasasabi e bakit kailangan nyo pang kumopya ng ibat ibang salin na galing lang din sa pagkakaintindi ng mga nagsaling katulad ni moffats? Anong credibility ba ng mga yan upang inyong panghawakan. Porke ba parwho kayo ng paniniwala ay iyon na rin ang inyong pagbabasehan? Paano kung pareho kayong mali?
      Tip ko po sa inyo mga kababayan ko,
      1+1+1=3 yan po ay literal

      sa Biblia po ay 1+1=1
      Bakit ko po nasabi?
      Ayon sa Mateo 19:5-6
      "At sinabi, Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kanyang ama at ina, at makikisama sa kanyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman? Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman..."

      Ao napakaliwanag po na hindi po literal ang tinutukoy. Dalawang persona ang lalake at babae subalit iisa sa pamantayan ng Dios ganoon din ang pagiging iiaa ni Cristo at ng Ama.

      Delete
    2. So pkiexplain nga po mga taga INC itong verse na to, at pakiexplain kung hindi kayo tinutukoy dito? 1Mga minamahal, huwag ninyong paniniwalaan kaagad ang bawat nagsasabing nasa kanila ang Espiritu. Sa halip, subukin muna ninyo sila upang malaman kung talagang mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila, sapagkat marami nang huwad na propeta sa mundong ito. 2Ito ang palatandaan na ang Espiritu ng Diyos nga ang nasa kanila: kung ipinapahayag nila na si Jesu-Cristo ay naging tao. 3Kung hindi gayon ang kanilang ipinapahayag tungkol kay Jesus, hindi mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila. Ang espiritu ng anti-Cristo ang nasa kanila. Nasabi na sa inyong ito'y darating at ngayon nga'y nasa daigdig na. 1JOHN 4:1-3

      Delete
    3. 1 John 4:1-3
      King James Version
      4 Beloved, believe not every spirit, but try the spirits whether they are of God: because many false prophets are gone out into the world.

      2 Hereby know ye the Spirit of God: Every spirit that confesseth that Jesus Christ is COME IN THIS FLESH is of God:

      3 And every spirit that confesseth not that Jesus Christ is come in the flesh is not of God: and this is that spirit of antichrist, whereof ye have heard that it should come; and even now already is it in the world.

      Delete
  2. ka aerial ang galing mung magpaliwanag,,,sa diyos po ang kapurihan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po kapatid, pero iyan po ay ORIGINAL na ENGLISH na galing sa PASUGO, tinagalog ko lang po. Well anyway salamat po sa DIYOS, dahil sa kaniya lamang po ang kapurihan at kaluwalhatian

      Delete
  3. tanung ko lng po, msama po bng maniwala s mga pamahiin?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Masama po iyon, kasi wala pong sinasabi sa Biblia na dapat tayong maniwala sa PAMAHIIN, at wala po itong BATAYAN sa BIBLIA, kaya hindi po dapat natin dapat na paniwalaan.

      Delete
  4. Ano po ba ang naunang naisulat,bibliang greek o bibliang hebrew?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang OLD TESTAMENT po ay nasa wikang HEBREW at ang new TESTAMENT ay nasa WIKANG GREEK, at mayroon din pong NEW TESTAMENT sa WIKANG ARAMAIKO, ang NATIVE LANGUAGE ng PANGINOONG JESUS.

      Ang HEBREW OLD TESTAMENT ang pinakaunang naisulat. Kaya UNA ang BIBLIA sa WIKANG HEBREO, bago ang BIBLIANG GRIEGO.

      Delete
  5. Maraming salamat po kaya po pala kpg may maling salin s ibang mga talata s new testament ay lgng greek bible ang pinagbbtyan

    ReplyDelete
  6. Kapatid sana po ay magpost kyo ng texto tungkol sa mga kabataan kung papaano lalaeig ang kanilang buhay dito sa lupa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dito po meron: http://www.jw.org/en/publications/books/?contentLanguageFilter=tl&pubFilter=yi&sortBy=1

      -MCCXXI™

      Delete
  7. Bro pwd q poh ba I share ito sa facebook

    ReplyDelete
  8. "Hebrews 1:8 "But of the Son he says, `GOD IS YOUR THRONE forever and ever! And a righteous sceptre is the sceptre of his kingdom!`"

    "God is your throne" and u said it's metaphor?

    how cud u explain this metaphor in actual illustration then?

    you can not because there is no biblical support for this.
    the bible has a lot of verses that employed God's throne in some cases.

    let's bring it on:

    Matthew 5:34
    But I say unto you, Swear not at all; neither by heaven; for it is God's throne

    God's throne or Throne of God or Throne owned by God.

    this think is more plainer than to say God is your throne.
    there is no verse that supported this piece of crap.

    let's take an example of this:

    Psalm 47:8
    God reigneth over the heathen: God sitteth upon the throne of his holiness.

    if we rephrase it base on ur conclusion this wud be the outcome of ur doctrinal teachings.

    Psalm 47:8
    God reigneth over the heathen: God sitteth upon the [God] of his holiness.

    or

    Acts 2:30

    Therefore being a prophet, and knowing that God had sworn with an oath to him, that of the fruit of his loins, according to the flesh, he would raise up Christ to sit on his [God]

    it's careless! it's too awful to hear such that false argument about jesus.

    ReplyDelete
    Replies
    1. FYI. there is no “HE SAYS” on Greek interlinear of Heb. 1:8 and 10.
      See here  http://biblehub.com/interlinear/hebrews/1.htm
      http://biblehub.com/interlinear/hebrews/1-8.htm
      http://biblehub.com/interlinear/hebrews/1-10.htm

      The Greek text literally reads, "the throne of you the god to the age of the age."

      Delete
    2. MBBTAG Isaias 46:9
      Alalahanin ninyo ang mga nakaraang pangyayari.
      👉Inyong kilalaning ako lamang ang Diyos, at maliban sa akin ay wala nang iba.👈

      👆
      iyang sinabi ng Diyos ay hindi niya maaring kontrahin, dahil ang Diyos po ay hindi po Diyos ng kaguluhan, kundi ng kapayaan, Kaya nga yang sinasabi ng Diyos sa kanyang sarili ay buong katotohanan iyan, Kaya yang heb 1:8 na tinawag ng Dios ama na Diyos ang kanyang anak ay mali na salin, mali dahil una; ay hindi maaaring kontrahin ng Diyos ang kanyang sarili na siya lamang Ang Diyos at wala ng iba, ikalawa mayroon pong salin ng heb 1:8 na si Cristo ay Hindi po Diyos sa heb 1:8.
      Samakatuwid ang tamang salin ng heb 1:8 ay ang Salin nito na si Cristo ay hindi po Diyos, kasi nga po kung ating tatanggapin na ang wasto na salin ng Heb 1:8 ay Diyos si Cristo ay malalabag nga po ang sinasabi ng Dios na ganito "...inyong kilalaning ako lamang ang Diyos at wala ng iba..."

      Delete
  9. God is your throne? duh!

    Sa tagalog

    1. ang iyong trono ay Diyos;

    2. ang iyong upuan ay Diyos;

    3. ang iyong silya ay Diyos;

    4. ang iyong kubeta ay Diyos;

    5. ang iyong tuntungan ng paa ay Diyos;

    6. ang iyong higaan ay Diyos.

    Masagwa po d ba? kht bali baligtarin pa natin ganito tlga ang kalalabasan ng maruming aral ng mga Iglesya.

    Hnid pwd sbhn God's throne sa God is your throne, mali po yun!

    God's throne means Throne of God or Throne owned by God

    kpg cnabing
    God is your throne,

    Throne is God
    Throne is God
    Throne is God
    Throne is God
    Throne is God
    Throne is God
    Throne is God
    Throne is God
    Throne is God

    Masagwang pakinggan at isang uri ng mockery sa trono ng Diyos.



    ReplyDelete
    Replies
    1. mag comedy na lng kaya tayu, ha mga Iglesya?
      ang kaya ninyong lokohin ay un mga taong me mababaw na pagiisip.

      Delete
    2. Nge, pati na "God is your throne" hindi nila alam ang ibig sabihin.

      Mangmang na sa Biblia, mangmang pa sa gramatika.

      Ang GOD IS YOUR THRONE ay "Ang Diyos ang iyong trono/luklukan".

      Ang sinasabi mong "Ang iyong trono ay Diyos" eh ganito.
      THRONE IS YOUR GOD.

      Aral aral din pag may time poh

      Delete
    3. Nge, pati na "God is your throne" hindi nila alam ang ibig sabihin.

      Mangmang na sa Biblia, mangmang pa sa gramatika.

      Ang GOD IS YOUR THRONE ay "Ang Diyos ang iyong trono/luklukan".

      Ang sinasabi mong "Ang iyong trono ay Diyos" eh ganito.
      THRONE IS YOUR GOD.

      Aral aral din pag may time poh

      Delete
  10. so it's totally a false conception to have God's throne translated
    as Throne is God.

    there is no metaphorical sense in there. it's more of an awful mixed from having too much of hallucination.

    sitting on the throne which is God is more of a pornographic sense than spiritual upliftment.

    how dare you iglesya ?

    ReplyDelete
  11. sitting on the throne which is God is more of a pornographic sense than spiritual upliftment.

    seeing their Jesus sitting on top of [God] is not acceptable. hahaha....

    instead of appreciation i can recommend that all of you shud visit mental institution for your brain check up.

    your mental disease is malignant.

    ReplyDelete
  12. Hebrews 1:8 "But of the Son he says, `GOD IS YOUR THRONE forever and ever! And a righteous sceptre is the sceptre of his kingdom!`"

    what kind of metaphorical sense is this? i can not believe it. how cud the iglesya accept it as truth? if i layout them to illustrate, what wud be the image like?

    Diyos ko! Seeing their Jesus sitting on God's lap? this is a careless assumption by Dr Moffatt and the iglesya love to employ his him.

    Moffatt, Lamsa and anybody who worked for the destruction of God's word are consider heroes by the Iglesya ni Manalo.

    should i say Egglesya instead of Iglesya to describe weak brain?

    ReplyDelete
  13. when Jesus assumed the Throne he sat at the right hand of God. there is no metaphorical sense implied. he's taking over as a second in command of God.
    so it's easy to disprove ur claim that he sat at God's lap. the appropriate translation for Heb 1:8 can be found in the authorized KJV.

    " But unto the Son he saith, Thy throne, O God, is for ever and ever: a scepter of righteousness is the scepter of thy kingdom"

    "O God" is an expression of praise to God which can be found mostly in psalms.

    Psalm 4:1 Hear me when I call, O God of my righteousness
    Psalm 5:10 Destroy thou them, O God
    Psalm 7:1O Lord my God,
    Psalm 10:12 Arise, O Lord; O God, lift up thine hand
    Psalm 16:1 Preserve me, O God

    The wordings of Paul was an excerpted quotes from psalms 45:6

    "Thy throne, O God, is for ever and ever: the sceptre of thy kingdom is a right sceptre."

    ReplyDelete
  14. Inc has always a wrong interpretation like what they said when Thomas said my lord and my God ..they say that Thomas was absent that time ..whaaaaaaat an explanatiiiiiion hahahah

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
    2. Haha! That's the effect of not reading the SCRIPTURE and taking verses OUT OF CONTEXT.
      NOTE: Thomas was unbelieving of resurrection. NOT unbelieving of the deity of Jesus Christ.

      When Jesus Christ first show himself from RESURRECTION verse 17, Thomas was ABSENT(verse 24)

      Then the other disciples informed Thomas saying “We have seen the Lord"(verse 25)

      Now, the ff. statements show the UNBELIEVING Thomas;

      "But he said to them, “Unless I see the nail marks in his hands and put my finger where the nails were, and put my hand into his side, I WILL NOT BELIEVE.”

      After a WEEK. Jesus show himself again to his disciples. And this time, Thomas is PRESENT(verse 26)

      Then Jesus said to UNBLIEVNG THOMAS on verse 27
      Then he said to Thomas, “Put your finger here; see my hands. Reach out your hand and put it into my side. STOP doubting and believe.” (Remember that Thomas is unbelieving on resurrection) The expression of Thomas as follows "Thomas said to him, “My Lord and my God!”
      NOTE: Thomas was expressing his amazement through saying "MY LORD AND MY GOD" It is more likely with the expression use today as "OH MY GOD"

      If you were on Thomas side who is unbelieving of resurrection. Wouldn’t u be shocked and utter “OH MY GOD” if u see someone u knew that is already dead and raised from the dead after his/her burial? Maybe u would run and say it is a zombie.

      CONCLUSION: It should be NOTED that Thomas WAS NOT teaching by these times. Thomas is just showing his AMAZEMENT about the RESURRECTION of our Lord Jesus Christ

      Delete
    3. This comment has been removed by the author.

      Delete
  15. Inc has always a wrong interpretation like what they said when Thomas said my lord and my God ..they say that Thomas was absent that time ..whaaaaaaat an explanatiiiiiion hahahah

    ReplyDelete
  16. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  17. Masyado nang pilipit ang mga paliwanag dito, kahit mga supporting verse pilipit pa rin... eh paano yung sinasabi sa
    hebreo 1:10 na si Jesus ang lumikha ng sanlibutan at ang mga kamay nya ang lumikha ng kalangitan... at kung si Jesus ay tao lang nasaan sya nung hindi pa sya isinisilang?

    ReplyDelete
  18. Maramning nagmamagaling dito sa Heb 1:8.God is your throne. Masagwa daw sa Tagalog KC Ang Dios Ang iyong luklukan. Masagwa sa Inyo KC inuunawa nio sa literal na Ang Dios ay upuan.. lol. Ang salitang LUKLUKAN ay figurative Ang pagkagamit, sumasagisag Ito sa kapangyarihan o authority. Hindi po literal na upuan.. lol.. Sa madaling Sabi, Ang Dios Ang kapangyarihan Ni Crist0 dahil galing sa Dios Ang kapangyarihan Niya. Simple eh.. hehe.

    ReplyDelete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network