Atin pong sagutin ang itinatanong sa atin ng isang ANONYMOUS na may kinalaman sa ARAL ng mga SAKSI NI JEHOVA, ganito po ang kaniyang sinabi:
“Bro Aerial maari mo po bang gawan ng Paksa ang aral ng JW ito.
Isang munting kawan lamang ng 144,000 ang aakyat sa langit at mamamahala kasama ni Kristo at paki paliwanag na din po ang mga talatang kanilang pinagbabatayan sa nasabing aral nilang ito. Luc. 12:32; Apoc. 14:1, 3; 1 Cor. 15:40-53; Apoc. 5:9, 10”
-------------------
Ang mga Saksi po ni Jehova ay may kakaibang paniniwala sa mangyayari sa panahon ng muling pagparito ng ating Panginoong Jesucristo o sa Dakilang Araw ng Kaligtasan, para po sa kanila may dalawang class o klase ng mga tao ang maliligtas, merong pupunta sa Langit at meron naman pong sa lupa maninirahan.
Ang 144,000 na tao lamang daw po o iyong tinatawag na MUNTING KAWAN ang maninirahan sa Langit, at ang sinasabi daw po ng Biblia sa Apocalypsis 7:9 na LUBHANG KARAMIHAN ang siyang magmamana naman ng lupa at mananahan dito magpakailan man.
Siyempre pa para makapanghikayat ng mga tao, gumagamit din sila ng mga talata para patunayan diumano na ang kanilang aral ay aral ng Diyos, at ibinigay po ng nagtatanong sa atin ang isa, basahin po natin ang isinasaad ng unang talata:
Lucas 12:32 “Huwag kayong mangatakot, MUNTING KAWAN; sapagka't nakalulugod na mainam sa inyong Ama ANG SA INYO'Y IBIGAY ANG KAHARIAN.”
May kinakausap po ang Panginoong Jesus sa tagpong ito na tinawag niyang MUNTING KAWAN, na ang sabi niya’y siyang pagbibigyan ng Ama ng KAHARIAN.
Alin po ba iyong KAHARIAN na tinutukoy na ibibigay sa kanila ng AMA? Hindi po tayo ang sasagot niyan, ang sasagot po sa atin siyempre ay si Cristo:
Mateo 4:17 “Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang KAHARIAN NG LANGIT.”
Maliwanag po kung gayon na ang Kaharian na ibibigay ng Dios o ng Ama sa MUNTING KAWAN ay ang KAHARIAN ng LANGIT. At dahil nga po sa alam din ng mga kaibigan nating mga Saksi ni Jehova na ang mga ito ang pinangakuan ng pangakong ito, ay nagkaroon sila ng kaisipan na ang MUNTING KAWAN lamang ang makapapasok sa Kaharian ng Langit.
Ito ngayon ang mahalagang tanong: Ang MUNTING KAWAN lamang ba ang makapapasok sa KAHARIAN NG LANGIT?
Sasagutin tayong muli ni Cristo:
Mateo 7:21 “Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, AY PAPASOK SA KAHARIAN NG LANGIT; KUNDI ANG GUMAGANAP NG KALOOBAN NG AKING AMA NA NASA LANGIT.”
Maliwanag po ang sagot sa atin ni Cristo, ANG GUMAGANAP NG KALOOBAN NG KANIYANG AMA na nasa Langit ay MAKAPAPASOK sa KAHARIAN ng LANGIT.
Kaya hindi po exclusive lamang sa MUNTING KAWAN na kinakausap niya sa tagpong iyon ang pagpasok sa KAHARIAN NG LANGIT, dahil niliwanag po ni Jesus ang requirement, kailangang ganapin ang kalooban ng AMA na nasa Langit.
Kaya dito pa lamang po ay alam na alam na natin na nagkakamali sila ng PANGUNAWA sa sinasabi sa Lucas 12:32.
Ngayon kumpletohin po natin sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na ito?
Ano ba iyong KALOOBAN ng AMA na nasa LANGIT na kailangan ganapin ng isang tao para siya makapasok sa KAHARIAN ng LANGIT?
Mali po na tayo ang sumagot niyan, kaya muli po nating pasasagutin ang Biblia:
Efeso 1:9-10 “NA IPINAKIKILALA NIYA SA ATIN ANG HIWAGA NG KANIYANG KALOOBAN, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin. Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, UPANG TIPUNIN ANG LAHAT NG MGA BAGAY KAY CRISTO, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko,”
Ano po iyong KALOOBAN ng AMA na dapat ganapin ng tao para makapasok siya sa kaharian ng Langit? Maliwanag po ang sagot:
“UPANG TIPUNIN ANG LAHAT NG MGA BAGAY KAY CRISTO”
Kailangan po na tayo ay MATIPON kay CRISTO, ito po ang KALOOBAN ng Diyos na kaniyang MINAGALING at IPINASIYA niya sa kaniya rin.
Ang sinoman ang papayag na matipon kay Cristo ay makapapasok sa kaharian ng Langit?
Paano po ba tayo matitipon kay Cristo?
As usual hindi INC ang sasagot niyan, kundi si Cristo:
Juan 10:9 “AKO ANG PINTUAN; ANG SINOMANG TAONG PUMASOK SA AKIN, AY SIYA'Y MALILIGTAS,…”
Kailangan po palang PUMASOK tayo kay Cristo. Tama po hindi ba? Kasi kung ang maraming tao IISA lang ang PAPASUKAN, hindi po ba matitipon sila?
Para po tayo matipon kay Cristo, maliwanag po ang sabi niya PUMASOK tayo sa kaniya bilang PINTUAN.
Eh literal po ba yon? Paano po natin magagawa iyon, eh si Cristo ay nasa Langit na, tsaka kung sakali man na si Cristo ngayon ay nasa Lupa, ay magkakasiya po ba sa kaniya ang maraming tao?
Samakatuwid ang sinalitang ito ni Jesus ay SYMBOLICAL at hindi dapat unawaing literal.
Pero mayroon po bang mga tao ang nagawang pumasok kay Cristo noong UNANG SIGLO?
Biblia pong muli:
Roma 5:2 “Sa pamamagitan din naman niya'y NANGAGKAROON TAYO NG ATING PAGPASOK SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo; at nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios.”
Mayroon na pong mga tao noong Panahon ni Cristo na nagawa ang PAGPASOK sa kaniya bunga ng kanilang PAGSAMPALATAYA. Eh nang nakapasok na po sila kay Cristo, saan po sila napabilang?
Roma 12:4-5 “Sapagka't kung paanong SA ISANG KATAWAN AY MAYROONG TAYONG MARAMING MGA SANGKAP, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: Ay GAYON DIN TAYO, NA MARAMI, AY IISANG KATAWAN KAY CRISTO, AT MGA SANGKAP NA SAMASAMA SA ISA'T ISA.”
Ang mga nagsipasok po kay Cristo ay napabilang o naging SANGKAP ng kaniyang iisang KATAWAN,
Ang salita pong SANGKAP sa English ay MEMBER o KAANIB:
Romans 12:4-5 “For as we have MANY MEMBERS IN ONE BODY, and all members have not the same office: SO WE, BEING MANY, ARE ONE BODY IN CHRIST, and EVERY ONE MEMBERS ONE OF ANOTHER.” [KJV]
Maliwanag po ngayon na kailangan po pala na tayo ay may SANGKAPAN o ANIBAN para magawa natin ang KALOOBAN ng AMA na MATIPON kay CRISTO.
Sasangkap po tayo o aanib sa kaniyang KATAWAN, Eh alin po ang KATAWANG tinutukoy? Iyon po bang literal na KATAWAN niya na NAMATAY?
Colosas 1:18 “AT SIYA ANG ULO NG KATAWAN, SA MAKATUWID BAGA'Y NG IGLESIA; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.”
Ang tinutukoy pong KATAWAN niya ay ang IGLESIA, kaya po klaro na ngayon na ang sinoman pong nagnanais na makapasok sa KAHARIAN ng Langit ay kailangan pong ganapin ang KALOOBAN ng AMA na MATIPON kay Cristo, at ito nga po’y magagawa kung tayo ay PAPASOK, SASANGKAP, o AANIB sa KATAWAN NI CRISTO na siyang IGLESIA.
Eh alin pong Iglesia? Kahit saang Iglesia?
Roma 16:16 “Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga IGLESIA NI CRISTO.”
Ang gumanap po ng kalooban ng AMA na makapapasok sa KAHARIAN ng LANGIT kasama ng mga kabilang sa MUNTING KAWAN ay kabilang o SANGKAP ng KATAWAN NI CRISTO na siyang IGLESIA NI CRISTO.
ANG GUMANAP NG KALOOBAN NG AMA AY ANG MGA NAGING KAANIB NG IGLESIA NI CRISTO.
So hindi po pala KAANIB ng mg SAKSI NI JEHOVA ang makapapasok sa KAHARIAN ng LANGIT, dahil wala naman po tayong mababasa sa Bibliang ganiyan.
Eh paano po iyong sinasabi nila na iyong MUNTING KAWAN daw ay mga KAANIB ng SAKSI NI JEHOVA?
Dapat po kasi itanong natin sa kanila, ano ba iyong KAWAN na tinutukoy diyan? Mga SAKSI NI JEHOVA ba iyon?
Biblia po ulit ang sasagot hindi tayo:
Gawa 20:28 “Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong KAWAN, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang IGLESIA NG PANGINOON NA BINILI NIYA NG KANIYANG SARILING DUGO.”
Ang KAWAN na tinutukoy ay ang IGLESIA na Binili ng PANGINOON ng kaniyang sariling DUGO. Eh sino po iyong Panginoon na iyon na bumili sa IGLESIA ng kaniyang DUGO?
Hebreo 9:13-14 “Sapagka't kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka, at ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan, ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman: Gaano pa kaya ang DUGO NI CRISTO, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay?”
Si CRISTO po ang PANGINOON na bumili o tumubos sa IGLESIA na siya rin iyong KAWAN ng kaniyang sariling DUGO.
Eh aling IGLESIA po iyan?
Acts 20:28 “Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you to be overseers. To feed the CHURCH OF CHRIST which he has purchased with his blood.” [Lamsa Version]
Sa Filipino:
Gawa 20:28 “Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong KAWAN, na sa kanila'y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”
Maliwanag po kung gayon na ang tinutukoy na MUNTING KAWAN ay mga KAANIB rin ng IGLESIA NI CRISTO, na kaya po naman tinawag na MUNTI ni Cristo ay sapagkat kakaunti pa lamang noon ang mga kaanib dahil katatatag pa lamang niya nito noon sa JERUSALEM [Mateo 16:18] noong FIRST CENTURY nang sabihin niya ang sinabi niya sa Lucas 12:32.
Kaya po makapapasok ang MUNTING KAWAN sa KAHARIAN ng LANGIT ay sapagkat sila man ay gumanap ng KALOOBAN ng AMA na nasa Langit na kailangang MATIPON kay CRISTO ang tao, na ito nga po ay ang PAGPASOK, PAGSANGKAP, o PAG-ANIB sa kaniyang KATAWAN o IGLESIA na siyang IGLESIA NI CRISTO.
Itutuloy…
144,000? i will be waiting for it...
ReplyDeleteyou're having an assumption that this "CHURCH OF CHRIST" ay ang mismong simbahan na itinatag ni Felix Manalo at naka.CAPSLOCK pa talaga to highlight your church :D, hell anyone with an influence ay kayang magtatag ng simbahan and name it "CHURCH OF CHRIST" to suit its agenda na ang mga kaanib nito ang makakapasok sa KAHARIAN NG LANGIT kasi nga {INSERT_CHURCH_NAME_HERE} is in the BIBLE, magaling talaga si Felix MAnalo :cough: :cough: ,.i bet there's a church that exist by the name of "Church of Christ" sila din ba ay "munting kawan" na sinasabi mo? nakakatuwa naman isipin na ang mga kaainib ng isang simbahan ay masusunog sa impyerno ng isa pa'ng paniniwala o doktrina ng iba..sigh, religion nga naman.. this so called heaven must be a place void of empathy knowing na marami ang masusunog for all eternity inosente man o hindi just because they are not with this so called "IGLESIA", but who knows...
ReplyDeletekitang kita sayong tuligsa na malayong malayo pa sayong pang unawa ang ukol nga sa biblia kaya't mahirap pa sayo ang pagtanggap sa mga paliwanag sa talata ng biblia, malinaw naman ang mga talata at malaya ka namang buklatin ang biblia maging ang pagkakasulat malinaw din subahit mahirap para sayo ang pagtanggap sa mga ito kaya magsuri ka pa,magmasid at magtanong...
DeleteKaya nga may mga PATOTOO ang IGLESIA NI CRISTO mula sa BIBLIA na nagpapatunay na ito nga ang TUNAY.
DeleteBro. . Can u explain me the verse RoMans 14:11, it says. . "for it is written, as I live, saith the Lord, EVERY KNEE SHALL BOW TO ME, AND EVERY TONGUE SHALL CONFESS TO GOD". . Kasi bro it0ng nasaBing verse ay inuugnay nila sa Philippians 2:10-11, says. . "that at the name of Jesus EVERY KNEE SHOULD BOW, of things in heaven, and things in earth, and things under the earth; and that EVERY TONGUE SHOULD CONFESS THAT JESUS CHRIST IS LORD, to the glory of God the Father". . TinuTuro nila sa mga talatang ito na nagpapatunay na si Cristo ay Dios. . Can you explain it froM the bible? Please? Thank you. .
ReplyDeleteAnonymous,
DeleteCorrect me if I am wrong, most probably the one who believes that our Lord Jesus Christ is God thinks that since Romans 14:11 says that kneeling is an act of worship intended to God, then Christ is God because He is being worshipped as stated in Philippians 2:10-11.
First and foremost, I don't negate the verses involved in this issue. Indeed, they're written in the Holy Book. What I am negating of is the intepretation and carelessly falling into a wrong conclusion that would lead to destruction of one's soul.
Why do we worship Christ? Is it because He is God? Actually the answer is also there in the same verses mentioned. The only true God (the Father) made our Lord Jesus Christ as Lord and Christ (Acts 2:36), hence, commanded all the nations to bow their knees before Him (Philippians 2: 9-11) for His (the Father) own glory.
Therefore, if INC acknowledges Jesus as Lord and the Christ, it's because God made Him so, therefore, if we worship the Christ, it's because God commanded us so for His (the Father) own glory and NOT BECAUSE CHRIST IS GOD. That is what is written in the Holy Scripture and we don't go beyond to what is written.
--BEE
magandang araw sa yo!
ReplyDeletesana gumawa din kayo ng paksa tungkol sa paniniwala ng mga saksi ni jehovah tungkol kay jesus na si michael archangel daw..
salamat...
May nakausap ako na isang Saksi sa isang mall dahil namamahagi nga sila ng mga pamphlet. Napagusapan namin mga aral nila at isa na doon ay para sa kanila dito pa rin sa lupa maninirahan ang tao dahil hindi daw gugunawin itong mundo. At isa pang aral nila...Sa isang libong taon na maninirahan ang mga hinirang sa bayang banal, para sa kanila susubukin pa rin ang mga tao sa panahon na iyon at may isa pang paghuhukom.
ReplyDeleteSayang hindi ko na nakita yung lalake, masaya pa naman makipagpalitan sa kaniya ng mga aral. Sinabi ko pang manuod siya sa Net25. =)
Dating Katoliko,(JW)
ReplyDeleteEfeso 1:9-10 UPANG TIPUNIN ANG LAHAT NG MGA BAGAY KAY CRISTO, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya,
Tanong: Kanino Aerial,tumutukoy ang 2 mga bagay na titipunin ni Jesus sa langit at lupa?Saan titipunin ang mga bagay na nasa langit? Paano makakapasok at titipunin kay Kristo ang mga bagay na nasa langit?
[Mateo 7:21 “Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, AY PAPASOK SA KAHARIAN NG LANGIT; KUNDI ANG GUMAGANAP NG KALOOBAN NG AKING AMA NA NASA LANGIT.”
ReplyDeleteMaliwanag po ang sagot sa atin ni Cristo, ANG GUMAGANAP NG KALOOBAN NG KANIYANG AMA na nasa Langit ay MAKAPAPASOK sa KAHARIAN ng LANGIT.]
Brother! kailan ka pa natutong magbasa ng biblia?
Kailan sinabing ang isang Kristiyano kapag namatay ay makakaakyat sa langit?
Mukhang nag-imbento na naman kau a. Hindi naman sinasabi sa talata na Papasok sa kaharian na nasa langit kundi papasok sa kaharian ng Langit. Nasaan ba ang kaharian mga brother?
eto basahin ninyo o kung hindi niyo matanggap mag bigti na lang kau.
Daniel 2:44
And in the days of those kings shall the God of heaven set up a kingdom which shall never be destroyed, nor shall the sovereignty thereof be left to another people; but it shall break in pieces and consume all these kingdoms, and it shall stand for ever.
Saan po itatayu ang kaharian? sa langit? o sa Lupa?
at kung hindi niyo pa matanggap yan talata MAG BIGTI NA LANG KAYU!
@akiyahere
ReplyDeleteWow ! Gets . Yan nga po ang pagkaunawa ko sa site ng JW , kaya nagttka ko sa mga post ng INC bat kako ang layo , parang naiiba ,
Kaya para po sa mga readers hay naku magsuri po kayo mllman nyo ang ksagutan ;) before kayo mag complain jan n parang nagbbasa kayo ng bible , eh d nyo nga maintndhn , hmmmmmm parang ntutuwa n tlga ko sa mga nllman ko about JW,
TAKE NOTE; wala po cla sa site nila na gaya dito sa INC ! Naninira ng RELEHIYON , wala cla namentioned ! Dun palang malalaman n ntn ang tamang bgyan ng respeto at tiwala !
JW is just an "infidel" religion.
DeleteWith inaccurate prophecies and false teachings and logics...
Wala na talaga akong makita sa kanilang maayos.
Sino ang Founder ng mga Saksi ni Jehova"יַהְוֶה "?
DeleteNagsimula ang makabagong-panahong organisasyon ng mga Saksi ni Jehova noong ika-19 na siglo. Noon, isang maliit na grupo ng mga estudyante sa Bibliya na nakatira malapit sa Pittsburgh, Pennsylvania, Estados Unidos, ang nagpasimula ng sistematikong pag-aaral ng Bibliya. Ikinumpara nila ang mga turo ng simbahan sa talagang itinuturo ng Bibliya. Inilathala nila ang kanilang natuklasan sa mga aklat, diyaryo, at sa magasin na ngayon ay tinatawag na Ang Bantayan—Naghahayag ng Kaharian ni Jehova.
Kasama sa grupong iyon si Charles Taze Russell. Kahit siya ang nanguna noon sa gawaing pagtuturo ng Bibliya at unang editor ng Bantayan, hindi siya naging founder ng isang bagong relihiyon. Gusto lang niya at ng iba pang Estudyante sa Bibliya, ang tawag noon sa kanilang grupo, na itaguyod ang turo ni Jesu-Kristo at tularan ang mga Kristiyano noong unang siglo. Dahil SI JESUS ang Tagapagtatag ng Kristiyanismo, siya ang itinuturing naming FOUNDER ng aming organisasyon. —Colosas 1:18-20.
Iyan ang paliwanag ng mga saksi ni Jehovah na hindi namin kinikilala bilang founder si Bro. Charles Taze Russell gaya ng inyong pagkaunawa o interpretasyon, kundi ang aming ulo o founder ay si "Jesukristo" (Efeso 5:23). Kaya kung may pagkakamali si Bro. Charles Taze Russell sa calculation kung kailan magaganap ang armagedon ay 'SARILING PAG-ASAM' lang niya iyon at malinaw na nagkamali siya sa kaniyang sariling inakala dahil na rin sa hindi niya pagiging perpekto. Ang pagkakamali ni Bro. Russell ay hindi pagkakamali na hindi lumilipas. Malinaw naman ang sabi ng bibliya na walang nakakaalam ni mga anghel man sa muling pagbabalik ni Kristo gaya ng isang magnanakaw. Ang mahalaga ay mayroon kaming pagtanggap sa kamalian na iyon at itinutuwid sa kung ano ang nararapat at tama na kasuwato ng kalooban ng Diyos at ng mga hula na batay sa banal na kasulatan... Tandaan natin na 'MAGING ANG ILANG MGA TAUHAN SA BIBLIYA' na kinasihan ng Diyos ay NAGKAROON DIN SA KANILA NG PAGKAKAMALI'. Ilan sa kanila ay si Moises, David, Salomon, Pedro at iba pa. Ayon sa kasulatan ay nanatili parin sila na sa Diyos...
https://www.jw.org/tl/saksi-ni-jehova/faq/founder/
salamat sa blog nato
ReplyDelete1. MATALINGHAGA, KAILANGAN NG LOHIKAL AT TAMANG INTERPRETASYON. Walang ibang lubos na makakaunawa sa mga pakahulugan o interpretasyon kundi ang mga nasa tunay na kogregasyon na kay Kristo. At maging ng taimtim na tumatanggap at naghahanap ng katotohanan.
ReplyDeletePALIWANAG:
Una, gaya ng mga naunang nabanggit na, na ang bilang na 144,000 na munting kawan na siyang aakyat sa langit ay nakabilang diyan ang ilan sa mga "Apostol" na siyang kausap ng panginoon sa
-JUAN 14:2-3.
Pangalawa, patungkol sa binanggit na "Silid" o "Dako" na inihanda para sa kanila ay wala naman tutol diyan oo mayroon, ngunit kailangan natin ng tamang interpretasyon dahil maging ang Diyos sa langit ay may sariling dako "Nakaluklok sa kanyang trono". Nagtalaga parin ang panginoon ng dako o silid para sa kanila KAHIT NA SILA AY MGA ESPIRITU NA NILALANG na hindi nangangailangan na kumain, uminom, umihi, dumumi, mapagod at matulog (bagay na para sa tao lamang na may katawang laman).
(AWIT 115: 16)
Sabi ng panginoon na "Ako ay babalik/darating,upang kayo'y makapiling kung saan ako naroroon". Bagaman mga apostol ang kausap niya ay tumutukoy din ito sa kabuuan ng munting kawan na 144,000. Dahil ang ilan sa kanila ay may nabubuhay pa sa lupa hanggang sa pagbabalik ng Panginoon, at sa mga natitirang buhay na bahagi ng 144,000 ay "aagawin sa alapaap" at sila ay di na kailangang dumanas pa ng kamatayan. (1 TESALONICA 4: 17). Dahil sa matalinghaga na mga pananalita ng panginoon at maging ng karamihan sa mga talata sa banal na kasulatan, nangangahulugan ito ng "Inilaan niyang dako para sa kanilang lahat na bahagi ng munting kawan". Dahil sila ay mga saserdote ng Diyos at mamamahala sila bilang mga hari sa ibabaw ng lupa. (APOCALIPSIS 5: 9 at 10) (APOCALIPSIS 11:15). Kapag ganap ng kompleto ang kabuuan ng 144,000 ay makakasama na nila si Kristo na maghahari sa langit at sa ibabaw ng lupa, ito ang tamang interpretasyon sa "BAGONG LANGIT". sa malaking pulutong ng kawan na kailangan din dalhin (dalhin sa kaligtasan) ay nauukol naman sila sa makalupang pag-asa na mabuhay magpakailanman. At kung ito ay maganap na, ito ang "BAGONG LUPA". dahil ang dating langit at dating lupa at mga dating bagay ay lumipas na. Ito ay katuparan ng panalangin sa -MATEO 6: 9 at 10⤵
"9) Manalangin kayo, kung gayon, sa ganitong paraan:“ ‘Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan ("יַהְוֶה ").
10) Dumating nawa ang iyong KAHARIAN. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa LANGIT, gayundin sa LUPA".
2. MATALINGHAGA, KAILANGAN NG LOHIKAL AT TAMANG INTERPRETASYON. Walang ibang lubos na makakaunawa sa mga pakahulugan o interpretasyon kundi ang mga nasa tunay na kogregasyon na kay Kristo. At maging ng taimtim na tumatanggap at naghahanap ng katotohanan.
ReplyDeleteAPOCALIPSIS 21:1 “At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang 'DAGAT' ay wala na.”
PALIWANAG:
Inihalintulad ni Isaias ang balakyot na mga tao sa lupa, ang mga karamihan na hiwalay sa Diyos, sa “DAGAT" na umaalimbukay, kapag hindi ito humuhupa, na ang tubig nito ay patuloy na nag-aalimbukay ng damong-dagat at lusak.” (ISAIAS 57:20) Sa Apocalipsis 17:1, 15, ang “mga tubig” na “kinauupuan” ng Babilonyang Dakila ay sinasabing nangangahulugan ng “mga bayan at mga pulutong at mga bansa at mga wika.” Humula pa si Isaias ukol sa Sion na “babae” ng Diyos: “Sapagkat sa iyo ay pupunta ang kayamanan ng DAGAT; ang mismong yaman ng mga bansa ay paroroon sa iyo.” (ISAIAS 59:20; 60:1, 5) Waring nangangahulugan ito ng pagbaling ng maraming tao mula sa mga karamihan sa lupa tungo sa makasagisag na “babae” ng Diyos.
Inilarawan ni Daniel ang apat na “hayop” na umahon “mula sa DAGAT” at isiniwalat niya na ang mga ito ay sumasagisag sa pulitikal na mga hari o mga kaharian. (DANIEL 7:2, 3, 17, 23) Sa katulad na paraan, tinukoy ni Juan ang isang “mabangis na hayop na umaahon mula sa DAGAT,” samakatuwid nga, mula sa napakalaking bahaging iyon ng sangkatauhan na hiwalay sa Diyos; at dahil bumanggit siya, sa makasagisag na pananalita, ng mga diadema at ng isang trono, muling naiugnay sa hayop na ito na nagmula sa “DAGAT” ang ideya ng isang pulitikal na organisasyon. (APOCALIPSIS 13:1, 2) Nakita rin niya sa pangitain ang panahon kung kailan magkakaroon ng “isang bagong langit at isang bagong lupa” at kapag “ANG DAGAT,” samakatuwid nga, ang maliligalig na karamihan ng mga tao na hiwalay sa Diyos, ay "WALA NA".
—APOCALIPSIS 21:1.
3. Ang mga pananalita sa bibliya ay matalinghaga at madalas symbolical. Kaya ang salitang pagtupok o paglipol sa apoy ay katumbas ng lubos na pagkapuksa o di na muling pag-iral... Katulad ng pananalita sa bibliya na: Sa panahon ng pag-ani ay ihihiwalay ang trigo sa damo at ang damo ay susunugin (MATEO 13:30)... Ibig sabihin ng trigo ay ang mabubuting tao o lingkod ng Diyos samantalang ang damo ay mga masasama o balakyot at ang apoy ay kumakatawan sa pagkapuksa (MATEO 13:36-40) ... Sa pamamagitan ng apoy ang katumbas ng paglipol/pagtapos/pagbaon sa limot sa isang masamang tao, bagay, lugar o ng isang grupo o organisasyon ang pagkapuksa o di na muling pag-iral pa... Na binabanggit sa mga talata ng bibliya ay "Lilipulin sa Apoy"... Kahit gaano pa ito kainit halimbawa, kung tungkol sa literal na sakit, hapdi o kirot na dadanasin sa apoy ay wala ng mararamdaman pa ang makasalanang namatay na (ECLESIASTES 9:5; AWIT 146:4; EFESO 5:14).... Kundi, wala ng ikikirot pa sa hindi na mabibigyan ng pagkakataon para umiral muli o mabuhay pa. Samakatuwid baga'y ang parusa ng isang masama sa pamamagitan ng apoy ay ang "IKALAWANG KAMATAYAN" sa dagat-dagatang apoy ang pagkapuksa o hindi na muling pag-iral pa. Ang hapdi o kirot ay ginagamit din bilang sagisag. Kasuwato ito ng mga konteksto sa (MATEO 13: 24-30) (MATEO 13: 36-40) (GAWA 2:24) (AWIT 97:4) (AWIT 77:16) (AWIT 114:7)
ReplyDeletePALIWANAG: Ang salitang Hebreo na ginamit sa Kasulatan na [chai·yimʹ], at ang salitang Griego ay [zo·eʹ]. Ang salitang Hebreo na [neʹphesh] at ang salitang Griego na [psy·kheʹ], kapuwa nangangahulugang “KALULUWA,” ay ginagamit din upang tumukoy sa "BUHAY", hindi sa diwang abstrakto, kundi sa buhay bilang isang persona o hayop.
Nagkakatalo lang sa interpretasyon ang ibang relihiyon na ang lahat ng tao kapag namatay daw ay may "ESPIRITU [greek: pneuʹma] [hebrew: ruʹach] daw na hihiwalay sa katawan ng tao... Ang sabi sa talata sa bible na ang taong namatay ay walang alam o sa ibang talata ay natutulog (ECLESIASTES 9:5; AWIT 146:4; EFESO 5:14). Kasuwato lang na ang hihiwalay sa katawan ng isang tao na namayapa na ay ang kanyang mismong "BUHAY". Kung may mga taong hihiwalay ang espiritu pagkatapos mamatay ay sila yun mga makakasama ni Kristo sa langit at sila ay binili at may takdang bilang na 144,000 ang munting kawan (APOCALIPSIS 7: 4) (APOCALIPSIS 14: 3).
Samantalang ang malaking kawan o malaking pulutong ay kailangan ding iligtas o isama sa kaharian at sila naman ang magmamana sa lupa -APOCALIPSIS 7: 9... Ang tinutukoy sa bibliya na "Ang malaking pulutong o kawan" na sinabi ni Kristo na kailangan din niyang dalhin sa kanyang kaharian ay kailangan natin dito ng logical na interpretasyon... Hindi ba't ang kaharian ng Diyos ay binanggit sa panalangin na gawin ang kanyang kalooban kung paano sa LANGIT, gayon din naman sa LUPA (MATEO 6: 10)... At magkakagayon nga na darating ang araw na iyon na ang lahat ng kalooban ng Diyos ay mangyayari sa LANGIT at maging sa LUPA... Patungkol naman sa "BAGONG LANGIT" at sa "BAGONG LUPA" ay hindi literal na panibagong paglalang na naman ng Diyos na parang sa una na naganap sa genesis o nang noong lalangin sa pasimula ang langit at lupa, kailangan dito ng lohikal at tamang interpretasyon... Na ang ibig sabihin lamang ng makasimbulong pananalitang iyan sa apocalipsis ay:
BAGONG LANGIT = Bagong kaayusan na magaganap sa langit...Bakit? Dahil kapag ganap ng buo ang bilang ng mga binili na 144,000 mga makakasama ni Kristo sa kaharian sa langit bilang mga saserdote ng Diyos (1 TESALONICA 4:17). Bakit sila lang ang binili at hindi lahat ng mabubuti?... Dahil may takdang bilang ang binili na mga magiging saserdote ng Diyos. Kahit naman noon nasa lupa si Kristo ay 13 lang ang apostol at iyon ay ayon sa napili niya...
BAGONG LUPA = Bagong kaayusan sa lupa. Ito ay bagong gobyerno at bagong pamamahala na paghaharian ni Kristo at ng munting kawan. Sa panahong darating na maghahari na sa lupa si Kristo kasama ang mga saserdote ng Diyos "Ang Munting Kawan" (APOCALIPSIS 11:15). Dahil sa langit pa lamang naghahari si Jesus simula noong 1914 ayon na rin sa katuparan ng mga hula ng banal na kasulatan (MATEO 24:3,7,8) (LUCAS 21:11)... Kapag dumating ang panahon na kumpleto na ang bilang ng binili (Fast Tence kasi yun binanggit na talata sa APOCALIPSIS 5: 9-10 at sa APOCALIPSIS 7:4 na "BINILI" at "NATATAKAN" pero ito ay isang pangitain kaya madami pang hindi nagaganap doon o mangyayari pa lamang sa hinaharap, sinabi na "BINILI" at "NATATAKAN"dahil naihula na ng propeta sa pasimula). Bakit di pa kumpleto? DAHIL SA PAGTALIKOD NG ISRAEL SA DIYOS at di pa ganap na natatapos ang pagpili o sa pagbili sa mga kabilang sa 144,000 (DANIEL 9:11)(DANIEL 4: 23-26)(ISAIAS 10:21, 22) (ROMA 9:27) Bagaman sinabi ng bibliya na bibilhin ang 144,000 sa tribu ni Abraham ay di ibig sabihin natapos na iyon noong panahong iyon... Maagang tumalikod ang Israel at may yugto ng panahon na walang tunay na kristiyano o tunay na lingkod ang Diyos... Ngunit ang tribu ni Abraham ay nagpatuloy ng lahi (kasama tayo)... Kaya ang pagbili sa bahagi ng 144,000 mula sa Israel sa tribu ni Abraham ay nagpapatuloy hanggang sa ngayon dahil ito ay para sa Diyos mula sa bawat tribo at wika at bayan at bansa (APOCALIPSIS 5: 9 at 10). Kaya ang pagbili ay hindi nagtatapos sa bansang Israel lamang... Opo, dahil ang tunay na sangkakristiyanuhan ay muling nabuhay sa panahon ng tinatawag na "Mga Huling Araw" na nagsimula noong taong 1914 (MATEO 24: 3,7,8) (LUCAS 21:11. Kaya ang anak ni Israel ay makasagisag, maituturing na nagpapatuloy hanggang sa ngayon.
DeleteMay natitira pa na buhay sa bilang ng kabuuan ng 144,000 hanggang sa pagsapit ng tinatawag sa bibliya na "Armagedon" (APOCALIPSIS 16:16)... Pagsapit ng armagedon ang mga nalalabing buhay na bahagi ng 144,000 ay aagawin sa alapaap (1 TESALONICA 4:17)... Ang pagiging hindi pa ganap na kompleto ng 144,000 ay kasuwato ng konteksto sa 2 PEDRO 3: 13-- "Ngunit may MGA BAGONG LANGIT at ISANG BAGONG LUPA na ating HINIHINTAY ayon sa kaniyang PANGAKO, at sa mga ito ay tatahan ang katuwiran". Ang "MGA BAGONG LANGIT" ay maaring tumukoy din mismo sa "MUNTING KAWAN" at gayundin naman sa "MALAKING PULUTONG" ay maaring tumukoy sa "BAGONG LUPA".
Dapat lubos na malaman ng iba na ang kaharian ng Diyos ay pambuong sansinukob, na nakapaloob dito ang "Langit" at ang "Lupa" kaya samakatuwid baga'y iyan ang kaharian na tinutukoy sa panalangin sa "MATEO 6: 9 at 10".⤵
"9. Manalangin kayo, kung gayon, sa ganitong paraan:“ ‘Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan ("יַהְוֶה ").
10. Dumating nawa ang iyong KAHARIAN. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa LANGIT, gayundin sa LUPA".
Ang orihinal na plano o layunin ng Diyos ay sinira ni satanas sa pamamagitan ni Adan at Eba (GENESIS 2:16,17) (GENESIS 3:6,17) (SANTIAGO 1:14,15) (ROMA 5:12... Diyos din ang nagbigay sa tao ng pagkakaton para muling mabuhay ang tao sa pagtubos ni Kristo sa kasalanan (JUAN 3:16) (MATEO 20:28) (EFESO 1:7) ... Samakatuwid baga'y, ang orihinal na plano o layunin ng Diyos ay matutupad din... Na sa pasimula ang langit ay para sa mga espiritung nilalang at ang lupa naman ay para sa nilikha niya ayon sa kaniyang wangis: Ang Tao... (AWIT 115: 16) (GENESIS 1:26,27)
ReplyDelete...................... 👇 ......................
ReplyDeleteLearn more about GOD !
GOD's name in hebrew "יַהְוֶה "
what is this in english?
Learn more here⬇
Paki-pindot po ang https sa ibaba⤵
or COPY/PASTE to your browser, go to the website⤵
https://www.facebook.com/Psalm.83.18
...................... 👆 ......................
WHO GO TO HEAVEN?
ReplyDeleteThe Bible’s answer 👇
God selects a limited number of faithful Christians who, after their death, will be resurrected to life in heaven. (1 Peter 1:3, 4) Once they have been chosen, they must continue to maintain a Christian standard of faith and conduct in order not to be disqualified from receiving their heavenly inheritance.—Ephesians 5:5; Philippians 3:12-14.
What will those who go to heaven do there?
They will serve alongside Jesus as kings and priests for 1,000 years. (Revelation 5:9, 10; 20:6) They will form the “new heavens,” or heavenly government, that will rule over the “new earth,” or earthly society. Those heavenly rulers will help restore mankind to the righteous conditions that God originally intended.—Isaiah 65:17; 2 Peter 3:13.
How many will be resurrected to heaven?
The Bible indicates that 144,000 people will be resurrected to heavenly life. (Revelation 7:4) In the vision recorded at Revelation 14:1-3, the apostle John saw “the Lamb standing on Mount Zion, and with him 144,000.” In this vision, “the Lamb” represents the resurrected Jesus. (John 1:29; 1 Peter 1:19) “Mount Zion” represents the exalted position of Jesus and the 144,000 who rule with him in the heavens.—Psalm 2:6; Hebrews 12:22.
Those “who are called and chosen” to rule with Christ in the Kingdom are referred to as a “little flock.” (Revelation 17:14; Luke 12:32) This shows that they would be relatively few in comparison with the complete number of Jesus’ sheep.—John 10:16.
.........CLICK👇 HERE.........
ReplyDeletehttps://www.facebook.com/1854804484809541/posts/2282666125356706
.........CLICK👆 HERE.........