Monday, 16 April 2012

144,000 na Tao nga lang ba ang Makapupunta sa Langit? (Part 2)

Ang "LUBHANG KARAMIHAN" mga taong hindi aakyat sa Langit,
kundi mananatili lamang sa Lupa ayon sa mga SAKSI ni JEHOVA

       IPAGPAPATULOY po natin ang pagsagot tungkol sa isyung ito na nirequest ng isang ANONYMOUS sa ating Blog. Atin pong nasagot sa nakaraang post ang tungkol sa tamang kahulugan ng Lucas 12:32, na ang MUNTING KAWAN na tinutukoy sa talata na pagkakalooban ng AMA ng KAHARIAN na ang tinutukoy ay KAHARIAN NG LANGIT ay mga KAANIB ng IGLESIA NI CRISTO noong FIRST CENTURY, sapagkat ang KAWAN ay siya rin iyong IGLESIA na ipinakikilala ng Biblia. Wala pong mababasa sa Biblia na mga SAKSI NI JEHOVA ang mga iyon. Maliwanag po sa Biblia na sila ang mga kaanib ng UNANG IGLESIA na itinatag ni Cristo sa Jerusalem noong Unang Siglo [33A.D.].

Atin din pong napatunayan na hindi lamang sila ang may pangako na makakapasok sa KAHARIAN ng LANGIT dahil niliwanag ni Cristo na ang sinomang tao na gaganap sa kalooban ng AMA na nasa langit ay makapapasok rin sa kaharian ng Langit [Mateo 7:21]. Kaya po napakaliwanag na hindi lamang sa MUNTING KAWAN ibibigay ang KAHARIAN, kundi sa lahat ng tao na papayag na ganapin ang kalooban ng Diyos na matipon ang lahat kay Cristo na ito nga po ay sa pamamagitan ng PAGSANGKAP o PAGANIB sa kaniyang KATAWAN o IGLESIA, na ito nga po ay ang IGLESIA NI CRISTO na ipinakikilala ng Biblia.


Mga Saksi ni Jehova ba ang 144,000?

Ngayon atin naman pong puntahan ang kasunod na talata na kaniyang ibinigay ang Apocalypsis 14:1 at 3, basahin po natin:

Apocalypsis 14:1  “At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya'y ISANG DAAN AT APAT NA PU'T APAT NA LIBONG may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo.”

 Apocalypsis 14:3  “At sila'y nangagaawitan na wari'y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang ISANG DAAN AT APAT NA PU'T APAT NA LIBO LAMANG, SA MAKATUWID AY SIYANG MGA BINILI MULA SA LUPA.”

Dito may binabanggit na bilang ng mga tao na ISANG DAAN AT APAT NA PU’T APAT NA LIBO o 144,000 na mga tao na nagtataglay ng PANGALAN ni Cristo at PANGALAN ng AMA, at kitang-kita po sa mga TALATANG iyan na wala naman pong mababasa na sila lang ang makapapasok sa Langit, hindi po ba?

Ngunit ang maliwanag na sinasabi sa talata na sila iyong mga tao na BINILI MULA SA LUPA. Samakatuwid sila ay mga taong BINILI o TINUBOS ng DUGO ni Cristo.

Apocalypsis 5:9  “At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't IKAW AY PINATAY, at BINILI MO SA DIOS NG IYONG DUGO ANG MGA TAO sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa.”

At nabasa na natin sa nakaraan na ang BINILI o TINUBOS ng DUGO ni CRISTO ay ang mga KAANIB sa kaniyang IGLESIA o IGLESIA NI CRISTO [Gawa 20:28, Lamsa Version]. Kaya muli na naman po nating napatunayan sa pamamagitan ng Biblia, at hindi sa pamamagitan ng kuro-kuro o pala-palagay, na ang 144,000 ay mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO at hindi miyembro ng mga SAKSI NI JEHOVA. Dahil nagkaroon lamang po ng pangalang “SAKSI NI JEHOVA” noong 1931, hindi po iyan ang pangalan ng kanilang samahan noong magsimula ito sa America noong 1870, sila po ay kilala lamang sa pangalang BIBLE STUDENTS noon sa pangunguna ng kanilang founder na si CHARLES TAZE RUSSELL, na isang dating Adventist.

Bukod pa doon ang mga KAANIB ng IGLESIA NI CRISTO ang talagang nagtataglay ng PANGALAN ni Cristo at ng PANGALAN ng AMA eh. Basahin natin ang sinabi ni Cristo:

John 17:11  “And now I am coming to you; I am no longer in the world, but they are in the world. Holy Father! KEEP THEM SAFE BY THE POWER OF YOUR NAME, THE NAME YOU GAVE ME, so that they may be one just as you and I are one.” [Good News Bible]

Sa Filipino:

Juan 17:11  “At ngayon ako’y papunta na sa iyo; Wala na ako sa sanglibutan, ngunit nasa sanglibutan pa sila.  Amang Banal! INGATAN MO SILA SA KAPANGYARIHAN NG IYONG PANGALAN, ANG PANGALANG IBINIGAY MO SA AKIN, upang sila’y maging isa na gaya natin na iisa.”

Napakaliwanag po na ang PANGALAN na ibinigay ng Diyos kay JESUS ay PANGALAN ng Diyos, hindi pansariling PANGALAN ng Diyos, kundi PANGALANG PAGAARI ng Diyos.  Alin po ang PANGALANG iyon?

Gawa 4:12  “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't WALANG IBANG PANGALAN sa silong ng langit, NA IBINIGAY SA MGA TAO, na sukat nating ikaligtas.”

Gawa 2:36  “Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na GINAWA NG DIOS NA PANGINOON AT ‘CRISTO’ ITONG SI JESUS na inyong ipinako sa krus.”

Ang pangalang CRISTO ang pangalan na pag-aari ng Diyos na ibinigay kay JESUS na ibinigay naman sa mga tao, at ang nagtataglay ng Pangalang CRISTO ay nagtataglay ng pangalang ikaliligtas. Ito lamang ang pangalang ibinigay ng Diyos na dapat taglayin ng tao.

Kaya nga napakaliwanag eh, kaya nga IGLESIA NI CRISTO ang tawag dala-dala nila o taglay nila ang pangalan ng Cordero na pangalang pag-aari ng Diyos, ang pangalang CRISTO, at hindi po JEHOVA ang sinabi ng Biblia.

Ang maliwanag pong mababasa sa Biblia ay ang PANGALANG “IGLESIA NI CRISTO” sapagkat ito po ay pangalang umiral na noon pang nandirito si Cristo sa lupa at nabubuhay pa ang mga Apostol. At pinatutunayan iyan maging ng isang PARI ng Iglesia Katolika, na nagsuri ng kasaysayan.

“Did Jesus Christ establish a Church? Yes, from all history, both secular and profane, as well as from the Bible considered as a human document, WE LEARN THAT JESUS CHRIST ESTABLISHED A CHURCH, WHICH FROM THE EARLIEST TIMES HAS BEEN CALLED AFTER HIM the Christian Church or THE CHURCH OF CHRIST… this church, founded and organized by Jesus Christ and preached by the apostles, is THE CHURCH OF CHRIST,… IT IS THE ONLY TRUE CHURCH AND THE ONE WHICH GOD ORDERS ALL MEN TO JOIN.” [Religion: Doctrine and Practice, by Rev. Francis Cassily, pages. 442-443 and page 444]

Salin sa Filipino:

“Si Jesu Cristo ba ay nagtatag ng isang Iglesia? Oo, mula sa lahat ng kasaysayan, kapuwa pangsanglibutan at hindi pangkabanalan, lalo na mula sa Biblia na itinuturing na isang dokumentong makatao, ATING NATUTUNAN NA SI JESU CRISTO AY NAGTATAG NG ISANG IGLESIA, NA MULA SA MGA UNANG PANAHON AY TINAWAG NG SUNOD SA KANIYA ang Iglesia Cristiana o ang IGLESIA NI CRISTO…ang Iglesiang ito, itinatag at binalangkas ni Jesu Cristo at ipinangaral ng mga apostol, ay ang IGLESIA NI CRISTO,…ITO LAMANG ANG TUNAY NA IGLESIA NA PINAGUTOS NG DIYOS NA ANIBAN NG LAHAT NG TAO.”

Maliwanag na pinatutunayan maging ng Paring ito ng Iglesia Katolika na si Cristo batay sa lahat ng kasaysayan lalo na batay sa Biblia, ay nagtayo ng isang IGLESIA na tinawag ng sunod sa kaniya ang IGLESIA NI CRISTO.

Wala po tayong mapagbabatayang Biblia, o kahit na ano pa mang aklat ng History na magpapatunay na ang samahan na itinatag ni Cristo ni ang mga UNANG CRISTIANO ay tinawag sa pangalang  “MGA SAKSI NI JEHOVA”, Dahil una wala naman pong salitang JEHOVA sa alin mang sinauang manuskrito ng Biblia na nasa wikang Hebreo, Aramaiko, at Griego. Ang Pangalang JEHOVA ay pangalang ginawa o galing lamang sa SIMBAHANG KATOLIKO.


Para sa karagdagang kaalaman magpunta po kayo sa LINK na ito:



At alam niyo po ba ang isa pa sa kakaibang paniniwala nila tungkol sa 144,000?  Naniniwala po sila na hanggang sa kasalukuyang panahon ay may nabubuhay pa sa kanila. At sila iyong tinatawag nilang mga REMNANTS o MGA NALABI, at sila lamang ang may karapatang tumanggap o bumahagi sa TINAPAY at KATAS ng UBAS sa panahon ng kanilang tinatawag na MEMORIAL na sa INC naman ay tinatawag na BANAL NA HAPUNAN. Kaya nung minsan akong naimbitahan sa kanilang memorial ay ni isa sa kanila ay walang kumuha ng tinapay o uminom sa kopita na may katas ng ubas, ang umiinom lang daw doon ay ang mga REMNANT na kabilang sa 144,000, narito ang paliwanag nila:

"144,000 ANOINTED. HOW MANY ARE THERE LEFT THAT IS STILL ALIVE TODAY?"


8,570 partook of the bread and wine in 2004 

"WHEN DID THE 144,000 ANOINTED COMPLETED AND FULLFILLED THE NUMBER OF 144,000?"

EVIDENTLY, THE GATHERING OF THESE WAS VIRTUALLY COMPLETE BY 1935. Then “a great crowd, which no man was able to number, out of all nations and tribes and peoples and tongues, standing before the throne and before the Lamb.” (Revelation 7:9-17) began to be collected in.

Increasing numbers (at that time) of those who heeded the message and who showed zeal in the witness work came to profess an interest in living forever on the Paradise earth. THEY HAD NO DESIRE TO GO TO HEAVEN. That was not their calling. They were no part of the little flock but rather of the other sheep. (Luke 12:32; John 10:16) Their being identified in 1935 as the great crowd of other sheep was an indication that the choosing of the 144,000 was then about complete.



Lumalabas sa kanilang paliwanag na nakumpleto ang pagtatatak sa 144,000 noong 1935, pagkatapos ng taong iyon ang sumunod naman na mga pinili ay ang LUBHANG KARAMIHAN na ayon sa kanila ay hindi naghahangad na manirahan sa LANGIT.

Kitang-kita din po sa kanilang paliwanag na noong 2004 ay mayroong 8,570 na mga tao ang bumahagi o tumanggap sa kanilang MEMORIAL, maliwanag kung gayon na mayroon pang 8,570 na kabilang sa 144,000 umano ang nabubuhay pa sa panahon natin.

Kaya lumalabas sa kanilang paliwanag:

Mula 1870 hanggang 1935 Pagtatatak at pagpili sa 144,000 na maninirahan sa LANGIT.

Mula 1935 hanggang sa panahon natin ngayon ay ang pagpili naman sa LUBHANG KARAMIHAN na maninirahan sa LUPA.

Eh kung ikaw ay isang kapapanganak pa lang na sanggol noong 1935 at isa ka sa REMNANT. lumalabas na ang edad mo noong tumanggap ka sa MEMORIAL noong 2004 ay 69 years old. Eh paano iyong ang edad ay 30 anyos na noong 1935, lalabas kung gayon na ikaw ay 99 years old na nang bumahagi ka sa MEMORIAL noong taon na iyon.

Klaro ang kanilang pagkakaunawa na hanggang ngayon ay may nabubuhay pa sa mga taong kabilang sa 144,000 na tinutukoy sa Banal na Kasulatan. Totoo kaya ito?


144,000 na ipinakikilala ng Biblia posible bang nabubuhay pa sa panahon natin?

Sino ba talaga iyong mga taong ito na kabilang sa 144,000, posible po ba na sila ay buhay pa sa panahon natin ngayon?

Basahin po natin ang pagpapakilala sa kanila ng Biblia:

Apocalypsis 14:3  “At sila'y nangagaawitan na wari'y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang ISANG DAAN AT APAT NA PU'T APAT NA LIBO lamang, sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa.”

Apocalypsis 14:4  “Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga malilinis. At ANG MGA ITO'Y ANG NAGSISISUNOD SA CORDERO SAAN MAN SIYA PUMAROON. ANG MGA ITO'Y ANG BINILI SA GITNA NG MGA TAO, na naging mga PANGUNAHING BUNGA sa Dios at sa Cordero.”

Ang 144,000 po na mga taong ito ay imposible po na buhay pa sa panahon natin dahil sila po ang mga PANGUNAHING BUNGA sa DIYOS at sa CORDERO, sila po iyong personal na nakasama ng Panginoon at sumunod sa kaniya saan man po siya pumaroon noong nandirito pa siya sa lupa. Sila po ang PANGUNAHING BUNGA ng gawain ng Panginoong Jesus sa bansang ISRAEL.

Sa madaling salita gaya po ng ating napag-aralan sa nakaraan, sila ang mga unang naging mga CRISTIANO o unang mga naging kaanib sa UNANG IGLESIA.

At dahil po sa ang gawain ni Cristo ay Unang lumaganap sa dako ng mga JUDIO kaya ang 144,000 na binabanggit ay mga LAHING JUDIO o LAHING ISRAELITA po lamang, gaya ng ating mababasa sa talatang ito:

Apocalypsis 7:4  “At narinig ko ang bilang ng mga natatakan, na ISANG DAAN AT APAT NA PU'T APAT NA LIBO, na NATATAKAN, SA BAWA'T ANGKAN NG MGA ANAK NI ISRAEL:”

Klarong-klaro po iyan mga kaibigan, na ang 144,000 ay MGA LAHING ISRAELITA.  Na mula sa labingdalawang angkan ng mga anak ni Jacob o ni Israel, gaya ng ating mababasa sa susunod:

Apoc 7:5  “Sa angkan ni JUDA ay LABINGDALAWANG LIBO ang tinatakan; Sa angkan ni RUBEN ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni GAD ay LABINGDALAWANG LIBO;”

Apoc 7:6  “Sa angkan ni ASER ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni NEFTALI ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni MANASES ay LABINGDALAWANG LIBO;”

Apoc 7:7  “Sa angkan ni SIMEON ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni LEVI ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni ISACAR ay LABINGDALAWANG LIBO;”

Apoc 7:8  “Sa angkan ni ZABULON ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni JOSE ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni BENJAMIN ay LABINGDALAWANG LIBO ang tinatakan.”

Atin pong i-summarize:

JUDA          =      12,000
RUBEN      =      12,000
GAD            =     12,000
ASER          =     12,000
NEFTALI   =      12,000
MANASES =       12,000
SIMEON     =      12,000
LEVI            =     12,000
ISACAR       =      12,000
ZABULON  =       12,000
JOSE            =      12,000
BENJAMIN =      12,000
_____________________________
                           144,000

Sila po ang mga NATATAKAN na mga LAHING ISRAELITA. Kaya po maliwanag na hindi maaaring buhay pa sa panahon natin ang mga taong ito dahil sila po ay ang mga UNANG naging KAANIB sa IGLESIA noong UNANG SIGLO na NATATAKAN ng ESPIRITU SANTO matapos na sila ay makapakinig at sumampalataya sa aral ng EVANGELIO o ng mga salita ng Diyos:

Efeso 1:13  “Na sa kaniya'y kayo rin naman, PAGKARINIG NG ARAL NG KATOTOHANAN, NG EVANGELIO NG INYONG KALIGTASAN, na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay KAYO'Y TINATAKAN NG ESPIRITU SANTO, NA IPINANGAKO,”

Ang pagtatatak ay ang PANGANGARAL ng EVANGELIO o SALITA ng DIYOS, at kapag ikaw ay SUMAMPALATAYA tatanggapin mo ang kaloob na TATAK na siyang ESPRITU SANTO.

Isa pong napakaimposibleng aral, ang doktrina ng mga Saksi ni Jehova tungkol sa 144,000.

Maliwanag po sa Biblia na ang 144,000 po ay ang mga PANGUNAHING BUNGA ng gawain ni Cristo nang siya ay mangaral noon sa ISRAEL, sila ang mga UNANG naging kaanib ng IGLESIA NI CRISTO noong FIRST CENTURY na may pangakong magmamana ng KAHARIAN ng LANGIT at siyempre kasama rin ng iba pang gumanap ng kalooban ng AMA na nasa LANGIT, na pumayag na maging bahagi o sangkap ng KATAWAN ni CRISTO na siya niyang IGLESIA [Colosas 1:18].

Itutuloy pa po natin ang pagtalakay…

116 comments:

  1. Eh anung sagot mo dito? konektado yan sa 144,000

    http://www.getphpbb.com/phpbb/viewtopic.php?t=343&mforum=jw

    ReplyDelete
    Replies
    1. sir aerials explaination mo maling mali,,ang binanggit mo na sila juda,rubin,gad,aser neptali, manases simeon,levi ,isacar, zabulon, jose ,benjamin nabuhay ba sila sa unang siglo na si jesus nag iibanghelyo?tanong kailan po nagsimula ang pagpipili para patungong langit?sagotin nyo ho. ito ba silay leteral na israel na 12 ka angkan na anak ni israel?

      Delete
    2. sa pinopost nyo sang ayon kayo na ang 144000 binigyan ng ama ng kaharian,tanong: yon po bang lucas 12:32 sa first c 33 c.e kasali ba ang mga anak ni israel ang 12 ka angkan na nasusulat sa revelation 7:4-8? ito po bay leteral na israel o natural na israel?ngayon anong purpose sa 144000? mababasa sa rev 5:9-10.sa ibabaw pinutol nyo ang texto hindi nyo binasa ang rev 5:10 at silay iyong kaharian at mga saserdote sa aming DIOS; AT SILAY NANGAGHAHARI sa ibabaw ng lupa. ngayon ang tanong :kung ang lahat patungong laNGIT ANG MALILIGAS ITONG 144000 NA INANGKIN NYO. SINO SINO PO ANG KANILANG HAHARIAN SA LUPA?MGA TANGA YONG MAGHAHARI SA WALA.SABI NI SIR AERIAL:bukod pa doon ang mga kaanib ng iglsia ni kristo natatakan sila sa pangalan ni cristo at pangalan ng ama...teka paano kayo matatakan sa pangalang ng ama eh binabatikos nyo ang pangalan ng DIOS AMA?CORRECTION PO ang cristo ay isang titulo hindi pangalan.ang kahulogan po anoited one messiah from hebrew word and christ from a greek word.correction po si russel hindi advestist kasi hindi naman sya binawtismahan sa relihiyon na yon sya ay nakikinig sa turo nila para ma compare nya.ang totoo c felix ang galing advitist at humiwalay para magtatag sa sariling relihiyon.

      Delete
    3. mateo 7:21 hindi ang bawat nagsasabi sa akin,panginoon,panginoon,ay papassok sa langit kundi ang gumanap ng kalooban ng aking ama na nasa langit...diba kabilang kayo sa pag tawag na panginoon.panginoon?pro si jesus prangkang nagsasabi hindi lahat ang makapasok sa kaharian sa langit.yong ibang maliligtas ay sa lupa sila kaya ang mateo 6:9-10 dumating nawa ang kaharian mo,,,keyword kung paano sa langit,gayon din sa lupa.illustration:sa pamahalaang pilipinas hindi lahat ng tao maka pasok sa malacanyang o mabibigyan ng posisyon gaya ng president,v-pres,sinator,gob at iba pang posisyon kasi ibinubuto sila.ngayon divert tayo sa kaharian ng DIOS,HINDI RIN lahat makapasok sa kaharian ng DIOS. DAHIL ang DIOS PO ANG PUMILI.kung SINO SINO YONG MABIBIGYAN NG POSISYON SA KAHARIAN. PRO LAHAT NA MALILIGTAS AY MARAMING MGA PANALANGIN,GRACE,BINIFITS GAYA NG BUHAY NA WALANG hanggan at marami pang iba.sa langit man o sa lupa.

      Delete
    4. Paano mo nasabi na makapapasok ka sa KAHARIAN ng LANGIT, bakit nagawa mo na ba ang KALOOBAN ng AMA na sinasabi ni Cristo sa Mateo 7:21?

      Delete
    5. para po matigil na ang debate eto po ang basahin nyo ang buong katotohanan.....

      http://www.thename.ph/

      Delete
    6. to: christian

      bakit sir ikaw nagawa mo na ba 100 percent ang mateo 7:21?

      wag masyadong kampante ,baka ikaw ang hindi makapasok...hehehe...basahin mo mo ang mateo 24:13...

      Delete
    7. Binanggit lo ninyo yung Juan 17:11 na nananalangin sk Panginoong Jesus na ingatan sa pangalan ng ama sino? Ang sagot ay yaong ibinigay sa kanya nv kanyang ama kaya yapng mga alagad mga nauna sa 144000 ay iniingatan za pangalan ng kanyang ama na K Jehova ang tanong ko po sabi nyo ay sa pangalan ni Cristo. Ang CRISTO BA AY Isa sa pangalan nv kanyang ama. Maliwanag hindi pangalan yaong ibinigay kundi yaong mga alagad ni Jesus ay yaong iibinigay ng diyos at sarling pangalan ng diyoa aila iinvatan aa ibang qoka mababasa natin your own name. Kaya mali ang paliaanag nyo sinabi na ingatan sa pangalan ng ama pagkatapos criato mali po kundi sa pangalan ni Jehova kaya tama yung Saksi ni Jehovah. Kayo na rin nagsabi na bago lang ang tawag sa mga sakI ni jehovah ay ay nakahula sa Malalias 3:16 ang sabi

      Nang panahong iyon, nag-usap-usap ang mga NATATAKOT KAY JEHOVA, kausap ng bawat isa ang kasama niya, at pinakinggan silang mabuti ni Jehova. At ISANG AKLAT NG ALA ALA ang isinulat sa harap niya para sa mga natatakot kay Jehova at para sa mga nagbubulay-bulay sa PANGALAN NIYA.

      kaya yung natatakot sa diyos
      nagbulay bulay sa pangalan niya at isang aklat ng ala ala ang pinasulat ibig sabihin ililigtas sila walang ibang rlihiyon ngayon ang gumunita at nag bulaybulay sa pangalan ng diyoz tangi lamangga saksi ni Jehova

      Delete
  2. wala...ito na kasi yong malinaw na paliwanag buhat sa banal na kasulatan kung meron man iyon at iyon din ang mga talata maaring mas malinaw nga lang ang pagkakapaliwanag upang higit mo pang maunawa

    ReplyDelete
    Replies
    1. yung kaharian ng langit na tinukoy jan sa mateo 5:11 lugar ba yan o ano?

      Delete
    2. Bakit sa palagay mo ba hindi iyan lugar? Sige nga ikaw nga magpaliwanag?

      Delete
    3. basahin mo yung link na binigay ko, mauunawaan mo kung ano yan

      Delete
    4. Ikaw ang gusto kong sumagot, ang gusto kong basahin ay ang sagot mo.

      Delete
    5. nandun na yung sagot ayaw mo lng tanggapin, anung lugar yang kaharian ng langit na sinasabi jan ha? san ba yan? kung my mabasa ako my tinutukoy na kaharian ng langit sa lupa anong gagawin mo?

      Delete
    6. So sa paniniwala mo pala ang 144,000 ay magmamana ng KAHARIAN ng LANGIT sa LUPA? Ganun ba ang ibig mong sabihin?

      Delete
    7. Sabi nga pala ni Cristo:


      Lucas 21:33 “ANG LANGIT AT ANG LUPA AY LILIPAS: datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.”

      Kawawa naman ang magmamana ng KAHARIAN ng LANGIT sa LUPA, kasi ang KAHARIAN nila ay LILIPAS sabi ni JESUS. hEHEHEHE

      Delete
    8. Gawa 2:34 “SAPAGKA'T HINDI UMAKYAT SI DAVID SA MGA LANGIT; datapuwa't siya rin ang nagsabi, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon; Maupo ka sa kanan ko,”

      Saan yung tagpong sinabi jan na maupo ka sa kanan ko? nasa langit o nsa lupa? SAGOT?

      Delete
    9. Ang Sagot ko Sa LANGIT, ang LANGIT na HINDI LILIPAS, Kaya nga ang banggit ay MGA LANGIT, ibig sabihin hindi lang IISA ang LANGIT.

      Sapagkat ang LANGIT na LILIPAS ay ang LANGIT na ating NATATANAW na nilalang ng Diyos –ang KALAWAKAN na TINAWAG niyang LANGIT.

      Genesis 1:8 “AT TINAWAG NG DIOS ANG KALAWAKAN NA LANGIT. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalawang araw.”

      Iyan ang LANGIT na LILIPAS, dahil niliwanag ng Biblia ang mangyayari sa LANGIT na iyan na kung tawagin ay KALAWAKAN.

      2 Pedro 3:10 “Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ANG SANGKALANGITAN SA ARAW NA IYAN AY MAPAPARAM na kasabay ng malaking ugong, at ANG MGA BAGAY SA LANGIT AY MAPUPUGNAW SA MATINDING INIT, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.”

      MASUSUNOG na lahat ang gawa ng Diyos na nasa LANGIT o KALAWAKAN, mawawala ang ARAW, BITUIN, ang BUWAN, ang LAHAT ng BAGAY sa LANGIT na ating natatanaw, dahil pupugnawin ng Diyos.

      Kaya sa BAGONG LANGIT, maliwanag na sinasabi ng Biblia na HINDI NA MASISIKATAN ng ARAW ang mga MALILIGTAS:

      Apocalypsis 7:16 “Sila'y hindi na magugutom pa, ni mauuhaw pa man; ni HINDI NA SILA TATAMAAN NG ARAW, O NG ANOMANG INIT:”

      Apocalypsis 21:23 “AT ANG BAYAN AY HINDI NANGANGAILANGAN NG ARAW, O NG BUWAN MAN, upang lumiwanag sa kaniya: sapagka't nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Dios, at ang ilaw doon ay ang Cordero.”

      Lahat ng BAGAY sa LANGIT o KALAWAKAN sa panahon ng MULING PAGPARITO ni CRISTO ay mawawala na, hindi na tayo maiinitan ng ARAW, dahil wala nang ARAW, wala na ring BUWAN.

      Ang magiging LIWANAG doon ay ang KALUWALHATIAN ng DIYOS at ng CORDERO o ni CRISTO.

      Pero saan ba ipaghahanda ng MATATAHANAN ang mga MALILIGTAS sa ARAW ng PAGHUHUKOM? Sa Langit ba o sa Lupa?

      Juan 14:1-3 “Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin. SA BAHAY NG AKING AMA AY MARAMING TAHANAN; KUNG DI GAYON, AY SINABI KO SANA SA INYO; SAPAGKA'T AKO'Y PAROROON UPANG IPAGHANDA KO KAYO NG DAKONG KALALAGYAN. At KUNG AKO'Y PUMAROON AT KAYO'Y MAIPAGHANDA NG KALALAGYAN, AY MULING PARIRITO AKO, AT KAYO'Y TATANGGAPIN KO SA AKING SARILI; UPANG KUNG SAAN AKO NAROROON, KAYO NAMAN AY DUMOON.”

      Maliwanag ang pahayag ni Cristo, kaya siya pumaroon sa LANGIT upang IPAGHANDA ang mga MALILIGTAS ng DAKONG KALALAGYAN, samakatuwid doon niya ihahanda at hindi dito. Kapag naihanda na ni Cristo ang dakong tatahanan nila na kung tawagin niya'y "BAHAY NG AKING AMA". Siya ay muling paririto at gaya nga ng sabi niya:

      "UPANG KUNG SAAN AKO NAROROON, KAYO NAMAN AY DUMOON.”

      Maliwanag ang sinabi ni Cristo, kung saan siya naroroon doon din tayo paroroon…iyon eh kung MALILIGTAS ka kaibigan.

      Eh nasan ba si Cristo ngayon? Nasa Langit ba o nasa Lupa?

      Delete
    10. ang sabi sa talata, hindi umakyat ng langit si David, maliwanag yan, tapos sasabihin mo sa langit yan? ang labo mo naman? o sinu ba yung pinaupo sa kanan na tinutukoy jan??

      Delete
    11. Eh mukhang ikaw yata ang nalalabuan eh? Iyong sinabi ni David na:

      "Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon; Maupo ka sa kanan ko,”

      Sa Langit iyan magaganap, pero hindi nangangahulugan na nasa Langit si David niyan. Dahil nasa Lupa si David ng sabihin niya iyan, naisulat nga sa aklat ng mga Awit eh:

      Awit 110:1 "Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway."

      At nang sabihin iyan ni David noon, wala pang nakaupo sa Kanan ng Dios noon, that my friend is a clear indication na iyan ay isang VISION ni King David.

      At niliwanag ni David kung sino ang tinutukoy niya diyan:

      Awit 80:17 "Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan. Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili."

      Eh sino ba iyong TAO o "ANAK NG TAO" na NAKAUPO sa KANAN ng Diyos?

      Colosas 3:1 “Kung kayo nga'y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay HANAPIN NINYO ANG MGA BAGAY NA NANGASA ITAAS, NA KINAROROONAN NI CRISTO, NA NAKAUPO SA KANAN NG DIOS.”

      Si Cristo ang tinutukoy ng Biblia na tao na nakaupo sa kanan ng Dios.


      At niliwanag iyan ni Cristo na siya ang tinutukoy diyan:

      Mateo 22:42 “Na sinasabi, ANO ANG AKALA NINYO TUNGKOL KAY CRISTO? KANINO BAGANG ANAK SIYA? SINABI NILA SA KANIYA, KAY DAVID.”

      Mateo 22:43 “Sinabi niya sa kanila, KUNG GAYO'Y BAKIT TINATAWAG SIYA NI DAVID NA PANGINOON, SA ESPIRITU, NA NAGSASABI,”

      Mateo 22:44 “Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa?”

      Mateo 22:45 “KUNG TINATAWAG NGA SIYA NI DAVID NA PANGINOON, PAANONG SIYA'Y KANIYANG ANAK?”

      Iyan ang maliwanag na sagot mula sa Biblia, iyan bang PAGKAUNAWA mo mula sa Biblia? I'm sure sarili mo lang iyang kaunawaan.

      Delete
    12. mr.christian

      (sabi mo: si cristo ang tinutukoy ng Biblia na tao na nakaupo sa kanan ng Diyos.)

      para sa inyo si cristo tao parin na nakaupo sa kanan ng Diyos...dahil nakabasa kalang sa talata...anak ng tao...tingnan natin kung ang pang unawa mo makapasa ba sa biblia...

      basa

      1 pedro 3:18

      dahil si kristo ay namatay nang minsanan para sa mga kasalanan,isang taong matuwid para sa mga di-matuwid,para maakay kayo sa Diyos,pinatay siya na laman pero binuhay bilang espiritu.

      1 cor 15:44,50

      pisikal na katawan ito nang ihasik pero espiritung katawan kapag ibinangon.kung may pisikal na katawan,mayroon ding espiritung katawan.

      50 ang laman at dugo ay hindi pewedeng magmana ng kaharian ng Diyos.

      Delete
  3. napakalinaw sa mga talata na nakasulat mula sa biblia na mababasa sa unang bahagi ng paksang ito na ang Iglesia Ni Cristo lamang ang nakasulat sa biblia na tunay na Iglesia at siyang tunay na maliligtas at wala ng iba kaya paanong makakapangaral ang iba o paanong may katutuhanan sa kanilang ipinangangaral kung ang Iglesia na kanilang kinaaaniban ay di tunay tulad ng JW at iba pa na wala naman sa bilia, kaya kahit anong paliwanag nila ay di katanggap tanggap kasi nga hindi sila tunay imbento lang ng tao palapalagay at hakahaka ang mga aral nila

    ReplyDelete
  4. "imbento lang ng tao" now you're talking, what makes the INC any different?, imbento ni Manalo (ring a bell? ding dong..),having the Iglesio Ni Cristo written in the bible is one thing BUT CLAIMING it's the church of 1914 (your church) is ibang usapan na yan.. wala kayo'ng pinagkaiba sa mga JW, you twist the bible to suit your SALVATION agenda to proselytize those who opposes your views...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Malinaw sa paliwanag na ang tinutukoy ng mga talata ay ang FIRST CENTURY CHURCH OF CHRIST ang IGLESIA NI CRISTO na itinatag noong UNANG SIGLO ni CRISTO sa JERUSALEM, Mukhang ikaw yata ang hindi nagbabasa ng post hehehehe.

      Delete
    2. Peter of Las Pinas16 April 2012 at 19:42

      Ganiyan talaga ang Bitterness ng mga taong hindi nababasa sa Biblia pangalan ng kanilang RELIGION. hehehehe

      Delete
    3. to: anonymous at christian(di bagay sa pangalan)

      kilan man hindi inimbento ni ka Manalo ang Iglesia Ni Cristo bagkus io ang ipinag utos ni Cristo na aniban ng tao upang maligtas ibig sabihin christian na noong unang siglo palang sa e totoong ang INC ay nakatatag na natalikod nga lang at ngayong nagsugo ulit ang Diyos sa katauhan ni ka manalo kung kayat anonymous sa tulong patnubay at pangako ng Diyos ito na ngayon ang INC nakakalat na sa buong mundo, matatanaw mo jan sa bayan mga bagong kapilya bka panga katabi na ng bahay niyo,maraming aral ng INC sa blog na to magsuri lang ba...

      Delete
    4. to anonymous:
      kung ganun relihiyon mo ang naiiba, malinaw na naniniwala ka na kapag ang pangalan ng relihiyon na nakasulat sa biblia ay siya ang tunay, ngayon ang tanong magpakita ka nga ng talata sa biblia na nakasulat ang pangalan ng iyong relihiyon? bka mapaanib mo pa ang JW, 1001% walang kang maipapakita kasi nga napakalinaw na INC lang ang nakasulat sa biblia na relihiyon noong unang siglo pa at hanggang ngayon, natalikod ang INC noong unang siglo pagkamatay ng mga apostol dahil naglutangan ang mga katoliko sa pangunguna ng mga pari mo...anonymous at christian mababasa mga to sa blog archive hanapin lang

      Delete
    5. ACTUALLY, MERONG DING "IGLESIA NG DIOS" sa Bibliya. Kung ganiyang ang pangangatuwiran mo, nangangahulugang tunay ang relihiyon na ipinangangaral ni Eli Soriano.

      Delete
    6. para po matigil na ang debate eto po ang basahin nyo ang buong katotohanan.....

      http://www.thename.ph/

      Delete
  5. Matanong ko lng mga INC, si David ba ay umakyat sa langit? eh banal yun diba? kung di sya umakyat,eh san sya naroon?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Masyadong mong ipinahahalata na wala ka ni katiting na alam sa aral ng INC.

      Bakit sa palagay mo ba ang mga INC ay naniniwala na ang KALULUWA ng isang tao kapag namatay na siya ay humihiwalay sa kaniyang KATAWAN at kaagad na aakyat sa LANGIT kung nakagawa ng KABUTIHAN at kung naging masama siya ay kaagad namang pupunta sa Impiyerno?

      Ano palagay mo sa amin CATHOLIC?

      Wala kaming paniniwalang ganiyan.

      Kami kung ano sinasabi sa Biblia dun kami:

      Gawa 2:29 “Mga kapatid, malayang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriarkang SI DAVID, NA SIYA'Y NAMATAY AT INILIBING, at NASA ATIN ANG KANIYANG LIBINGAN HANGGANG SA ARAW NA ITO.”

      Gawa 2:34 “SAPAGKA'T HINDI UMAKYAT SI DAVID SA MGA LANGIT; datapuwa't siya rin ang nagsabi, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon; Maupo ka sa kanan ko,”


      Kapag ang tao ay namatay mabuti man o masama ay mananatili siya sa LIBINGAN.

      Job 14:12 “GAYON ANG TAO AY NABUBUWAL AT HINDI NA BUMABANGON: HANGGANG SA ANG LANGIT AY MAWALA, sila'y hindi magsisibangon, ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog.”

      Ang mga taong namatay ay hindi babangong muli hanggang sa ang LANGIT ay MAWALA. Maliwanag iyan sa Biblia.

      Eh kailan magaganap ang pagkawala ng LANGIT?

      Lucas 21:33 “ANG LANGIT AT ANG LUPA AY LILIPAS: datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.”

      Mawawala o lilipas ang LANGIT kasabay ng paglipas ng LUPA. Kailan iyon?

      2 Pedro 3:7 “NGUNI'T ANG SANGKALANGITAN NGAYON, AT ANG LUPA, SA PAMAMAGITAN NG GAYON DING SALITA AY ININGATANG TALAGA SA APOY, na itinataan sa ARAW NG PAGHUHUKOM at ng PAGLIPOL SA MGA TAONG MASAMA.”

      2 Pedro 3:10 “Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ANG SANGKALANGITAN SA ARAW NA IYAN AY MAPAPARAM na kasabay ng malaking ugong, AT ANG MGA BAGAY SA LANGIT AY MAPUPUGNAW SA MATINDING INIT, AT ANG LUPA AT ANG MGA GAWANG NASA LUPA AY PAWANG MASUSUNOG.”


      Sa ARAW ng PAGHUHUKOM gugunawin ng Diyos ang LANGIT at LUPA na ating NATATANAW, kasabay ng PAGLIPOL sa mga TAONG MASAMA, na siya ring PAGBANGON ng mga PATAY mula sa LIBINGAN.

      Delete
    2. nakakatawa naman itong blogger na ito, napakadesperado ng banat.. brad, mag aral ka na mabuti at yung katotohanan lang, wag ka mamimilipit ng talata. at kung tatalakayin mo man ang aral ng mga Saksi ni Jehova, iharap mo ng patas ang stand nila. wag kang mamumutol o kukuha lang ng ilang punto at doon ka mangangatuwiran. pangit sa imahen ninyo yan na nag-aangking nasa tunay na iglesia.. inaaralan ako ng mga saksi at kasabay nito ay nagpapadoktrina din ako sa inyo para maikumpara ang aral, pero nang mabasa ko ito, sa palagay ko ay hindi na ako pupunta sa kapilya nyo sa guadalupe. napatunayan ko na ang pagiging tuso ninyo. ang iniharap mong datos dito ay putol at kulang, nakakapangilabot.

      Delete
    3. Kunsabagay kaibigan, sa mga Saksi kasi ni Jehovah mas mahaba ang kuwento, at paligoy-ligoy ang kanilang mga pagtalakay, at may mga aral silang hindi mo makikita o mababasa sa Biblia. Dagdag pa doon ang salungatan nilang mga aral.

      Matanong nga kita kaibigan, ang pinaniniwalaan ba ng mga SAKSI na TAPAT at MATALINONG ALIPIN na binabanggit sa MATEO 24:45 noon ay siya pa ring pinaniniwalaan nila ngayon?

      Sana ipakita mo dito iyong sinasabi mong pinutol ng INC at ng magkaroon naman ng pruweba iyang sinasabi mo.

      We don't need your opinion, we need facts...

      Delete
    4. @akiyahere

      D po ako INC AT d rin ako jw pero lubos kong nauunawaan ang paliwanag ng mga saksi , dahil panong paligoy ligoy sila eh bawat post nila salig sa bibliya mga cnsb nla , dhil nagoopen ako dito sa bhay , ganun din sa inyo INC bgamat nagbbanggit kayo ng teksto sa bibliya , puro paghahamon at pagmamapuri sa sarili pinopost nyo , Actually mas nauunawaan ko pa paliwanag nla kesa sa inyo , Prang ngng interesado tuloy ako sa mga saksi , at pano pa ko dapat maniwala sa inyo eh mas pnphalagahan nyo pa FELIX MANALO eh tao lang din sya gaya ntn , ang mahalaga dito ay ang pagkilala ng DIYOS yahweh nklgay dto pero naiintdhan ko kung bkt dhil JEHOVA pla sa tagalog kung san ko mauunwaan . At c jesus ang knyang bugtong na anak , pls magbasa din kayo ng bible , ng maunawaan nio , wag yung basa lang ng basa pki intindi ndn

      Delete
    5. @akiyahere

      D po ako INC AT d rin ako jw pero lubos kong nauunawaan ang paliwanag ng mga saksi , dahil panong paligoy ligoy sila eh bawat post nila salig sa bibliya mga cnsb nla , dhil nagoopen ako dito sa bhay , ganun din sa inyo INC bgamat nagbbanggit kayo ng teksto sa bibliya , puro paghahamon at pagmamapuri sa sarili pinopost nyo , Actually mas nauunawaan ko pa paliwanag nla kesa sa inyo , Prang ngng interesado tuloy ako sa mga saksi , at pano pa ko dapat maniwala sa inyo eh mas pnphalagahan nyo pa FELIX MANALO eh tao lang din sya gaya ntn , ang mahalaga dito ay ang pagkilala ng DIYOS yahweh nklgay dto pero naiintdhan ko kung bkt dhil JEHOVA pla sa tagalog kung san ko mauunwaan . At c jesus ang knyang bugtong na anak , pls magbasa din kayo ng bible , ng maunawaan nio , wag yung basa lang ng basa pki intindi ndn

      Delete
    6. para po matigil na ang debate eto po ang basahin nyo ang buong katotohanan.....

      http://www.thename.ph/

      Delete
  6. kung sa mga paliwanag ng ka aerial na yan di ka pa matauhan iwan ko nalang, saan pa kayo mga kaibigan hindi naman namin itinatago at inaangkin lang ang mga tunay na aral ng Diyos sa loob ng INC bakit hirap na hirap kayong magsuri, sabagay yang pagtatanong ay isang kahayagan na ng pagsusuri, samantalang yon namang nanunuligsa kahayagan naman ng pagsang ayon, kasi nga kunwari against siya sa INC pero sa loob loob naman niya sang ayon siya sa mga aral ng INC na napaloob lahat sa biblia, totoo yan palibhasa karanasan ko yan noong nasa katoliko, ADD, burn again, babtist at JW ako

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakakatawa naman itong blogger na ito, napakadesperado ng banat.. brad, mag aral ka na mabuti at yung katotohanan lang, wag ka mamimilipit ng talata. at kung tatalakayin mo man ang aral ng mga Saksi ni Jehova, iharap mo ng patas ang stand nila. wag kang mamumutol o kukuha lang ng ilang punto at doon ka mangangatuwiran. pangit sa imahen ninyo yan na nag-aangking nasa tunay na iglesia.. inaaralan ako ng mga saksi at kasabay nito ay nagpapadoktrina din ako sa inyo para maikumpara ang aral, pero nang mabasa ko ito, sa palagay ko ay hindi na ako pupunta sa kapilya nyo sa guadalupe. napatunayan ko na ang pagiging tuso ninyo. ang iniharap mong datos dito ay putol at kulang, nakakapangilabot.

      Delete
  7. Tanong para kay anonymous: ilang kaharian ang pinaniniwalaan ng INC??

    ReplyDelete
  8. galing talaga pag INC ang sumagot sa tanong, talagang gumagamit ng biblia para sagutin ang mga tanong, di tulad ng iba jan, COMMON SENSE (lang nila) at BIBLE PRINCIPLE (kono nila) ang pinaiiral, ahehehe...

    ka aerial sana gumawa din kayo ng paksa tungkol kay Jesus na si Michael Archangel .. salamat...

    ReplyDelete
  9. para kay anonymous na nagtatanong sa kaharian, ang magandang itanong mo ay yong may kaugnayan sa iyong ikaliligtas at paraan kung paano ka maligtas, alam din naman namin ang sagot jan pero mas mainam na ministro namin o ang ka aerial ang sasagot jan upang malinaw sayo ang lahat

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kita mo, miyembro ka ng tulis tulis na kapilayang kinaaaniban mo, ero umaasa ka pa sa kapatid mo ng paliwanag. kasi wala kang alam. ministro nyo lang may bibliya, miyembro wala. kasi bawal. bawal malaman ng miyembro ang totoo. kawawa.

      Delete
    2. Paano mo naman nasabi na MINISTRO lang ang may Biblia? Eh ako nga ang dami kong Biblia sa bahay ko, kung minsan nga nahihiraman pa ako ng Biblia nung MANGGAGAWA (ESTUDYANTENG MINISTRO) namin eh. Kalokohan iyang pinagsasabi mo.

      Ordinary member lang ako, pero nagbabasa ako ng Biblia, at may Biblia akong sarili. Kaya bago magcomment, tiyakin na hindi ka lalabas na SINUNGALING.

      Delete
    3. Pero nagtataka rin ako sa mga INC bakit nga ba bawal o kung hindi man ay bakit wala silang mga bibliya sa bahay o maging sa pagpunta sa kapilya. ang ministro lamang ang mayroon?. Ito ay base sa aking nakikita dahil ang kapatid ko, pinsan at kaibigan ay mga iglesia. Non panahon na dinodoktrinahan ang kuya ko ay interesado din ako na makinig kaya sa pagdodoktrina nila sa kanya ay lagi din ako nakaharap kasama niya... Napakinggan ko din ang doktrina ng sabadista hanggang matapos ang doktrina nila at binigyan pa ako ng certificate na katunayan na natapos ko ang bible study nila, nasubukan ko din umatend sa prex at youth for christ study ng catholiko, naka-pagstudy din ako ng Jehovah's witness.. At maging aral ng muslim ay inalam ko hanggang bigyan pa nila ako ng kompletong set ng kung ano ba ang itinuturo ng islam... Napakahalaga rin ng bukas ng isip dahil mapagtatanto mo at magagamit mo ng malaya ang iyong logical na pang-unawa na mapagkumpara mo kung ano talaga ang mas may batayan ng katotohanan sa daan ng ikaliligtas... Mahirap kasi magkumento o gumawa ng mga interpretasyon na salig sa biblia kung inaakala mo na ang unang doktrina na iyong narinig ay iyon na ang tama. Bagay na lahat naman ng relihiyon ay mayroon silang pansariling pag-angkin na nasusulat daw sa bibliya na sila ang nasa tamang kongregasyon ni kristo... Kaya ang mga debate dito ay tila baga di nagtatapos dahil sa pagaangking lahat ng katwiran nila ay sila ang nasa tama... Kaya mapalad parin ang isa na nagsusuri ng katotohanan kung bukas ang puso at isipan na hindi ipinagkakait ng lider o elder ng isang kapilya, iyon bang malaya ka talagang magsuri at mayroon ka din sariling biblia at di inuudyukan lamang ng lider na "Ano man ang sabihin o paliwanag ng iba ay di katanggaptanggap para makinig o walang batayan"... Ito ay paraang parang pinagkaitan mong makinig ang iyong tenga sa bagay na mayroon ka naman palang bagong matutuklasan na mas payak at mas tama...

      Delete
  10. Pakitalakay naman po dito sa blog ninyo Ka Aerial ang tungkol sa mga Unification Church pati na rin sa lider nila na si Sun Myung Moon may mga nagsasabi na kulto raw ito at maraming maling aral Salamat po

    ReplyDelete
  11. alam naman na pala ng mga nagsasabi na kulto yan at maraming mali ang aral nila,kaya ano pa ang dahilan para alamin ang mga aral nila huwag mo ng pag aksayahan ng panahon kapatid na malaman pa kung ano ang mga mali na yan tuon mo nalang sa mga aral natin ang yong pansin at isakatuparan

    ReplyDelete
  12. Maari po bang pakitalakay po din po ang deuteronomy 6:4 ang Yahweh daw ay pangalan ng Ama Anak at Esperito santo iyon ay dahil sa ELOHIM(Gods) at ang the word ECHAD(unity)na ibig sabihin ay Gods United as one

    ReplyDelete
  13. Limang buwan na akong nagsasaliksik sa mga aral ng INC dito sa Kaharian ng Saudi Arabia.

    Nais ko sanang malaman kung ano ang stand ng INC sa BUHAY NA WALANG HANGGAN O ang paninirahan ng mga Kaluluwa sa Bayang Banal (langit) pagkatapos ng paghuhukom.

    Karagdagan tanong, ang mga kaluluwa ba kapag nakarating na sa Langit, taglay pa rin ba nila ang mga katangian sa pagiging tao (tulad ng kanilang mga pangalan, panganay na anak, Ama ng Tahanan, isang manggagawa sa Gobyerno, etc)? maliban sa pag-aawitan at pagpupuri sa Dios, anu-ano kaya ang mga pangunahing gagawin ng mga kaluluwa kapag narating na nila ang langit o Bayang Banal?

    Huling tanong, may tinukoy na po ba kung saan po naroroon sa kalawakan/mundo ang Bayang Banal? may laki at sukat ba ito? may pagkakahawig ba ito sa mundo?

    Maraming salamat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anonymous,

      Huwag niyo pong mamasamain, gusto ko lang po malaman muna kung PAANO niyo po isinasagawa ang inyong pagsasaliksik? Kung may kapatid na INC naman ang nag-aakay sa inyo, dapat po kung limang buwan na kayo nagsasaliksik, sobrang sapat na ang buwan na iyon at PUWEDENG PUWEDE NA PO KAYONG DUMALO SA MGA ISINASAGAWANG DOKTRINA SA LOOB NG INC. At doon ay maaari niyo nang itanong ng direkta sa nakatalagang ministro ang lahat ng inyong mga agam-agam. Di po ba mas maganda iyon?

      Saan po ba kayo banda rito sa KSA? Nang matulungan/magabayan ko po kayo.

      Narito po ang email add ko: beeweezer1967@yahoo.com

      Naghihintay po ng inyong sagot,

      --Bee

      Delete
  14. to anonymous: buhay kpa pero kaluluwa mo sunog na sunog na sa impierno kung wala kang hiya sa ina mo kahit kunting kunti man lang na hiya sa sarili mo please hiya man lang ba, di naman tinuro ng pari niyo yan a (ginagawa nga lang)tatay at ina mo pa kaya, tingnan mo yang sarili mo nakakahiya di ba

    ReplyDelete
  15. brod.: ask ko lang yung ipinapatanung sakin , hndi raw maaaring israelita sa laman ang 144,000 ,nasisiguu raw nila ito ..sa dahilang hndi nman nagkaoon ng angkan d2SI jose.?

    ReplyDelete
  16. bawal po ba sa Bible ang Cremation?

    ReplyDelete
  17. oh, this is a filipino church that is why you publish your blog in filipino..

    thanks

    INC member

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oh so the the Church in the Bible is a HEBREW & GREEK church, because the Bible is not also written originally in English, right Mr. Apostate?

      Delete
  18. regarding sa topic na ito, pwede po bang paki paliwanag kung yung mga kaluluwa ng mga pangunahing bunga po ba ay nasa langit n na kasama ni Cristo? gaya ng mababasa sa Apocalipsis 6:9-11

    "9At nang buksan niya ang ikalimang tatak, ay nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumakanila: 10At sila'y sumigaw ng tinig na malakas, na nagsasabi, Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, hindi mo hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo, sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa? 11At binigyan ang bawa't isa sa kanila ng isang maputing balabal; at sa kanila'y sinabi, na mangagpahinga pa ng kaunting panahon, hanggang sa maganap ang bilang ng kanilang mga kapuwa alipin at ng kanilang mga kapatid, na mga papatayin namang gaya nila."

    jan po nakaka usap nila si Cristo.

    At sa Apo 12:5

    5At siya'y nanganak ng isang anak na lalake, na maghahari na may panghampas na bakal sa lahat ng mga bansa: at ang kaniyang anak ay inagaw na dinala hanggang sa Dios, at hanggang sa kaniyang luklukan"

    pagkapanganak sa bata ay dinala hangang sa luklukan ng Dios.

    at sa bandang ibaba ng chapter ay saka palang binaka ng dragon ang mga nalalabi sa binhi ng babae.

    paki paliwanag po ang mga ito salamat po. . salamat po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tandaan po natin na ang aklat ng APOCALYPSIS na isinulat ni APOSTOL JUAN ay SIMBOLICAL, meaning may mga bahagi dito na hindi dapat unawain bilang LITERAL. At karamihan sa mga naisulat sa aklat na iyan ay mga pangyayari na magaganap pa lamang sa hinaharap o panahong matapos sulatin ang Biblia.

      Maliwanag na ang mga patay ay muli lamang babangon sa panahon na ang langit ay MAWALA, gaya ng mababasa sa aklat ni JOB na ganito:

      Job 14:12 "Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon: hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi magsisibangon, ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog."

      At ang pagkawala ng LANGIT ay magaganap sa ARAW NG PAGHUHUKOM pa:

      2 Pedro 3:10 "Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."

      Kaya maliwanag ang sagot ng Biblia, wala pang taong namatay na nasa langit ngayon na kasa-kasama na ni Cristo. Dahil lahat ng tao na NAMATAY ay MULI lamang MABUBUHAY sa PANAHON pa ng ARAW NG PAGHUHUKOM.

      Juan 5:28 "Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig",

      Juan 5:29 "At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol."

      At isa pa ang binabanggit sa APOC 6:9-11 na isang paglalarawan ay hindi naman ang mga PANGUNAHING BUNGA o kabilang sa 144,000, kundi isa itong HULA ng ISANG PANGAYAYARI na magaganap sa HINAHARAP sa panahong tapos nang sulatin ang BIBLIA.

      Ang aming mga MINISTRO ay may detalyadong paliwanag sa paksaing iyan. Kung may pagkakataon ka, subukan mong magtanong sa kanila.



      Delete
  19. Ka Aerial,
    Sa talata pong ito; Apocalypsis 21:21 “At ang labingdala-wang pintuan ay labingdalawang perlas; at bawa't pinto ay isang perlas;…” may koneksyon po ba yung labindalawang angkan sa labindalawang pintuan na mayroon sa Bayang Banal? pano po yung mga naidaragdag na maliligtas na sinabi rito; Gawa 2:47 “Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag ng Panginoon sa Iglesia araw-araw yaong mga maliligtas.”? Hinhintayin ko po ang inyong kasagutan :) Salamat po.

    -ka Andrei

    ReplyDelete
  20. May Aral po ba ang Biblia ukol po sa Cremation?

    ReplyDelete
  21. tanong ko lng po may nbasa po kc aq sa word ministry na july 28 dw po tlga nagka WW1 at hnd daw july 27 1914 na kaalin sabay ng paglitaw ng iglesia antayin ko po ang inyong sg0t salamat

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tatanungin muna kita kung alam mo ba ang pagkakaiba ng salitang "KAALINSABAY" at "MAGKASABAY"?

      Pakisagot mo muna iyan.

      Delete
    2. Ipinakita ng banal na kasulatan na sa huling mga araw ay muling ipangangaral ang balita patungkol sa kaharian sa buong lupa. Ito ay nangangahulugan na ang sangkakristiyanuhan ay muling maibabangon. Ang ilan sa relihiyon na umaangkin sa tinutukoy ng ng biblia ang INC at JW. Kung pagbabasehan ang dalawa ay parehas na pasok sa huling mga araw. Alam natin na ang world war 1 ang siyang pasimula ng mga huling araw o noong taong 1914 ng maganap ito. Ngunit tandaan natin na mula 1914 pataas ay bahagi parin ng mga huling araw iyon. Bamaman sinasabi ng ilang relihiyon na sa simula pa noon panahon ni Abrahan ay umiral na sila hanggang ngayon na walang patid o pagkaputol ay di naman nangangahulugan na sila nga ang tunay na relihiyon, dahil nga sa ulat sa bibliya na pagtalikod ng Israel ay naputol ang sangkakristiyanuhan (kung may nagaangkin man na silay nanatili ang kanilang relihiyon mula noon na walang patid ay tiyak na sila ang huwad.) Iyan namang pagsulpot ng tunay na mananamba sa panahon ng mga huling araw ang siyang basehan ng mga ibang relihiyon na "Sa mga huling araw ay susulpot ang huwad na mga relihiyon". Pero dahil sa hindi sila ang tamang daan ng kaligtasan ay di nila alam na sa mga huling araw ay susulpot o mabubuo din muli ang tunay na mga lingkod...Ang isa pa sa palatandaan ng tunay na tagasunod ni Kristo ay may katuparan na ipangangaral ang mabuting balita sa buong tinatahanang lupa... Magkakaroon ng mga kaanib sa kongregasyon sa ibat-ibang lahi ng mga bansa... Isa sa katuparan ng tunay na kogregasyon ang mga bagay na iyan na parehas na nagawa ng INC at JW mula sa pasimula ng 1914. Sa pagkakatatag o pagkakarehistro naman bilang isang ganap na pangalan ng relihiyon ayon sa teknikal na basehan sa talaan ng tao ay ang INC ay 1914 at JW 1931. Pero mga taon 1870 ay nagsisimula na mabuo ang JW sa ibang katawagan bago pa JW as official. Pero kung salita ng Diyos o pagbabatayan ang banal na kasulatan ay wala naman basehan ng technicality para dito... Basta ang malinaw ay "Ang mabuting puno ay mamumunga ng mabuting bunga" at pakakikitaan mo sila ng kaamuan at di nakikibahagi sa mga makasanlibutan". Yan ang palatandaan ng tunay na kogregasyon na magaakay sa kaligtasan. Na may basehan ang kanilang turo sa nasusulat sa bibliya ng may malinaw at payak na interpretasyon sa kabuuan...

      Delete
    3. Sa mga naghahanap ng totoong kaligtasan, Sa taong bukas ang pusot' isipan, para sa mga handang makinig at magsuri ay marapat na lumagay sa gitna at pagtimbangin ang mga aral o doktrina sa kabuuan. At malaya kang magpasya sa ganang maaabot ng sarili mong katalinuhan. At makatitiyak tayo na may mapipili ka na sa malamang ay yun ang tama... Di sapat ang makinig lamang. Mas mainam din ang pagsusuri sa napapakinggan. Dahil baka ang inaakala mong tama ay meron pa palang mas tama o pinakatama sa lahat na doktrina...

      Delete
  22. Marami pong mga Aklat pangkasaysayan ang nagtatala na July 27,1914 po ang invasion ng Austria sa Serbia,..ito po ang hudyat ng pagsisimula ng WW1.

    Maging sa internet po ay marami kayong mababasa na mga online encyclopedia na doon ay nakatala July 27,1914 ang simula ng Invasion ng Austria sa Serbia.

    ReplyDelete
  23. Sana po may makasagot,.Ipinagbabawal po ba ng Biblia ang pagpapa-Cremate ng mga labi ng namatay?

    ReplyDelete
  24. Kung ang sinasabi ng INC na 144,000 lamang ang makakaakyat sa langit paano ang mga ibang kasapi ng INC hindi sila makakaakyat sa langit?Ilan ba ang bilang ng meyembro ng INC milyon diba?Di kawawa naman iyong maiiwan na kasapi ng INC nagtitiyaga siya maiiwan din pala,kaya maliwanag na hindi maasahan ang INC kung pagkamakadiyos na ang paguusapan kung ihahambing sa pagaaral ay nasa unang baitang palang ang mga INC at wala pang malalim na pagkakaalam sa tunay wagas at makatutuhanang pagsamba sa ating Panginoon.Magagaling lamang kayong bumasa ng mga talata sa Biblia ngunit di ninyo alam ang SAGRADONG DASAL na siyang makapagliligtas sa ating lahat sa oras ng hangganan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Correction Anonymous,

      Walang aral ang INC na 144,000 lang na mga tao ang makakaakyat sa Langit.

      Iyan ay aral ng mga SAKSI NI JEHOVA na tinalakay ng aming Kapatid na Aerial.

      Basahin po muna natin at unawain ang paksa bago po sana tayo magcomment.

      Delete
  25. ENGOT MO NAMAN ANONYMOUS.. BASAHIN MO KC UNG PART 1.. UNG TOPIC NA 144,000 LAMANG ANG MALILIGTAS ARAL UN NANG SAKSI NI JEHOVA.. AT SINAGOT LNG NG INC.. DAHIL MERONG NAGTANONG... GETS???

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kita mo, twisted, sabi ng JW, merong maliligtas dito sa Lupa at walang bilang, pero ang makaksama ni Jesus sa langit ay 144,000, malinaw yan ha.

      Delete
  26. sa mga kapatid: ingat lang po sa pag sagot.. kung di po kayo cgurado sa inyong isasagot, hayaan nyo na pong sumagot ang mga kapatid naten na may malawak na kaalaman sa mga pinagtatalunang mga paksa dito..

    sa mga hindi naman kapatid na parang latang walang laman na puro ingay lang ang ginagawa.. suriin nyo po muna ang relihiyon inyong kinabibilangan bago nyo pintasan ang aming kinaaaniban..


    maraming salamat po!!

    ReplyDelete
  27. bawal po ba sa Iglesia ni Cristo ang creamation?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tanong ni Anonymous:

      “bawal po ba sa Iglesia ni Cristo ang creamation?”

      Well, napakasimpleng tanong iyan, na may simpleng sagot, Hindi po kaugalian sa Cristianismo noong panahon ni Jesus ang pagsusunog sa labi ng isang namatay.

      Si Lazaro ay inilibing sa isang LIBINGAN gaya ng mababasa sa Juan 12:17, na ibinangon siya ni Jesus mula sa LIBINGAN.

      Ang Panginoong Jesus gaya ng nalalaman ng lahat ay nailibing din sa isang libingan:

      Juan 11:38 “Si Jesus nga sa muling pagkalagim sa kaniyang sarili ay naparoon sa LIBINGAN. Yaon nga'y isang yungib, at mayroong isang batong nakatakip sa ibabaw noon.”

      Si Moises ay INILIBING ng Diyos mismo, gaya ng mababasa sa

      Deut 34:5-6 “Sa gayo'y si MOISES na lingkod ng Panginoon ay NAMATAY roon sa lupain ng Moab ayon sa salita ng Panginoon. At KANIYANG INILIBING SIYA sa libis sa lupain ng Moab na nasa tapat ng Beth-peor; nguni't sinomang tao ay hindi nakaaalam ng libingan niya hanggang sa araw na ito.”

      Kita mo iyan ang Diyos nga mismo ay NAGLILIBING, kaya bakit natin SUSUNUGIN ang labi ng mga mahal natin sa buhay?

      Bakit ba kailangan na ilibing?

      Awit 44:25 “Sapagka't ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok: ANG AMING KATAWAN AY NADIDIKIT SA LUPA.”

      Ang kalooban ng Diyos na dapat mangyari sa katawan ng isang taong namatay na ay madikit sa lupa. Ano ba ibig sabihin nun?

      Awit 146:4 Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y NANUNUMBALIK SA KANIYANG PAGKALUPA; sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip.

      Ang natural decaying process na kung saan ang katawan ng tao ay nabubulok at nababalik sa pagiging lupa ay kalooban ng Diyos na dapat mangyari sa ating katawan kapag tayo ay namatay na.

      Iyan po ang aming sagot, kaya hindi po nagpapa-cremate ang mga INC.

      Delete
    2. Ipag palagay na natin na kayo poh ang maliligtas
      kayo rin po ang aakyat sa langit!

      xempre dahil nasa langit kayo, Maghahari kayu kasama ni kristo. Bilang mga Hari na kasama ni kristo
      meron kayong pamamahalaan!(Apo 5:10 11:15)

      Ang tanong ay Ano ang inyong Pamamahalaan bilang mga Hari
      na kasama si Kristo?

      Delete
  28. Aerial Cavalry gusto ko po sanang malaman ung sinasabing pitong tatak? tapus po ung ukol sa mangyayare sa araw ng pag huhukom? tapos po ung tinutukoy sa jhon 8:44? mga bulaang propeta po ba ung tinutukoy dito na talata?

    ReplyDelete
  29. rother, kung puwede bang mai-post sa blog mo ang article ko na Answering Catholic Defenders, part 1: "The Ways of the Catholic Defenders in Decieving the People: Public Beware" Nais ko lang kasi na lumaganap ito upang marami ang makabatid sa marururming taktika ng mga Catholic Faith Defenders upang hindi na sila makadaya pa. Higit na mas marami ka kasing readers. Kung puwede lang? (At kung maipa-publish ang article na ito sa iba't ibang blogsite ay isang way to to intimidate this people.

    Maraming Salamat po,

    Bro. Gesmundo del Mundo
    pristinesearch.blogspot.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sensiya na ngayon ko lang nakita, sige email mo sa akin

      Delete
  30. Akin tanong sayu:

    Bakit eksaktong 12,000 ang bawat tribo na itinakda?
    meron quota?

    ReplyDelete
  31. PARA MAGING MALINAW KUNG ANO TALAGA ANG TURO NG MGA SAKSI NI JEHOVA HINGGIL SA 144,000, merong aklat na tumatalakay tungkol diyan. Pero puwede niyo ring bisitahin ang URL na ito para makita ninyo ang pagkakaiba ng 144,000 na tinatakan at ng lubhang karamihan o malaking pulutong na hindi mabilang ng simunang tao.

    http://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/1101988019
    - tumatalakay ito sa pagkakakilanlan ng 144,000

    http://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/1101988020
    - tumatalakay naman ito sa lubhang karamihan na hindi mabilang ng simunang tao na nagmula sa lahat ng mga bansa.

    ReplyDelete
  32. At dahil po sa ang gawain ni Cristo ay Unang lumaganap sa dako ng mga JUDIO kaya ang 144,000 na binabanggit ay mga LAHING JUDIO o LAHING ISRAELITA po lamang, gaya ng ating mababasa sa talatang ito:

    Apocalypsis 7:4 “At narinig ko ang bilang ng mga natatakan, na ISANG DAAN AT APAT NA PU'T APAT NA LIBO, na NATATAKAN, SA BAWA'T ANGKAN NG MGA ANAK NI ISRAEL:”

    Klarong-klaro po iyan mga kaibigan, na ang 144,000 ay MGA LAHING ISRAELITA.
    ____________________

    Iyan ang paniniwala ng INC.

    Pero, kung ako ang tatanungin, hindi ako manghahawakan sa paniniwalang MGA LAHING ISRAELITA ang mga ito. Sinusuportahan ito ng iba pang mga aklat ng Bibliya at maging ng ulat ng kasaysayan, na nagpapakitang hindi na umiiral ang gayong paghahati-hati ng mga tribo ng Israel noong panahong Kristiyano. Puwede akong maniwala na mga Israelita nga ang mga ito kung MATA LANG ang gagamitin ko sa pagbasa. Bakit hindi, sinabi nga, "SA BAWA'T ANGKAN NG MGA ANAK NI ISRAEL." Pero, mas mahalaga ang MATA NG PANG-UNAWA. Kaya, mahalagang suriin natin kung paano ito ipinaliwanag sa isang aklat ng mga Saksi ni Jehova. Puwede ninyo itong hilingin sa kanila.


    Reference:
    KAUNAWAAN SA KASULATAN, Tomo 1, pahina 1111 - 1112


    Maaaring mabasa ito online:

    http://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/1200002229

    ReplyDelete
    Replies
    1. Matanong ko lang? Ang may Akda ba ng KAUNAWAAN SA KASULATAN ay Tunay na SUGO ng Diyos na may patotoo ng Biblia? Kung hindi siya Tunay na SUGO eh walang saysay sa amin na basahin ang mga pinagsasabi niyan.

      Dahil kaming mga INC ay sa TURO lang ng TUNAY na SUGO naniniwala:

      JUAN 6:29 “Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, ITO ANG GAWA NG DIOS, NA INYONG SAMPALATAYANAN YAONG KANIYANG SINUGO.”

      Delete
  33. @akiyahere

    Malinaw ang mga nbbanggt ng mga saksi ni jehova . kung uunaweain at willing po tayo mkinig , ng my pgpakumbaba mauunwaan ntn . Kc po nung nbsa ko yung post nyo sa taas , prang d nmn ganyn ang cnsb nila , huwag po tayo manira . Nagbbsa ko ng INC , kc willing ako makakuha ng info , inopen ko dn ang site nila tungkol jan sa mga post nyo parang naiiba pagdtng na sa siye nyo , I cant imagne n my ganyan religion tlga , ;)

    ReplyDelete
  34. TANONG:
    Ang lahat ba ng kabilang sa 144,000 ba ay bahagi ng likas na Israel?


    SAGOT:
    Hindi. Narito ang mga dahilan:

    * Naiiba ito sa karaniwang talaan ng mga tribo. Ang talaan dito ay maliwanag ng hindi nilayong ipakilala ang mga Judio sa laman ayon sa kani-kanilang tribo o angkan kundi upang ipakita na umiiral din sa espirituwal na Israel ang nakakatulad na organisasyonal na kaayusan. Mapapansin na kasama rito ang tribo o angkan ni Levi, pero hindi kasama sa tribo ng Israel ang angkan ni Levi dahil naglilingkod ito sa tabernakulo ng Patotoo. (Bilang 1:47-53) Ang angkan ni Dan ay nasa orihinal na tribo, pero wala siya sa 144,000. Maliwanag ang pagkakaiba. Hindi eksklusibo sa iisang angkan sa 144,000 ang pagkasaserdote, na siyang umiiral sa sinaunang Israel, yamang ang buong espirituwal na bansa ay "isang maharlikang pagkasaserdote."--1 Pedro 2:9.

    * Kakaunti lang sa Israel ang naging tapat na mga Kristiyano. Sa kaniyang liham sa mga taga-Roma, sinipi ni Pablo ang mga hula ng mga propetang sina Oseas at Isaias hinggil sa Israel:
    "Maging sa atin na kaniya namang tinawag, hindi lamang mula sa Judio, kundi naman mula sa mga Gentil. Gaya naman ng sinasabi niya sa aklat ni Oseas: 'Tatawagin kong aking bayan na hindi ko dating bayan; at iniibig, na hindi dating iniibig. At mangyayari, na sa dakong pinagsabihan sa kanila, Kayo'y hindi ko bayan, ay diyan sila tatawaging mga anak ng Dios na buhay.' At si Isaias ay sumisigaw tungkol sa Israel: 'Kung ang bilang man ng mga anak ni Israel ay maging tulad sa buhangin sa dagat, ang nalalabi lamang ang maliligtas.' "--Roma 9:25-27.

    * Taliwas ito sa turong Kristiyano. Inaakala ng iba na ang 144,000 ay pawang mg Kristiyanong Judio samantalang ang "lubhang karamihan" naman ay mga Kristiyanong Gentil. Kung iyan ang pagkaunawa ni Juan sa nakita niyang pangitain, magiging salungat iyan sa sinabi ni apostol Pablo na hindi mahalaga sa kongregasyong Kristiyano ang mga pagkakaiba ng laman o lahi, gaya ng mababasa sa Roma 10:12 at Galacia 3:28. Kaya mahirap isipin na, sa pangitaing ibinigay kay Juan, paghihiwalayin na naman niya ang dalawang grupo sa pamamagitan ng pagbubukod ng mga Judio sa laman mula sa mga Gentil

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa roma 2:28-29,sapagkat siyay hindi judio kung sa labas lamang;ni magiging pagtutuli yaong hayag sa laman.

      datapuwat siyay judio sa loob at ang pagtuli ay yaong sa puso,sa espiritu hindi sa titik ang kanyang kapurihan ay hindi sa mga tao kundi sa DIOS.

      SO ANG 144,OOO SA REV 20:6 sila ang mga saserdote ng DIOS at mag hari kasama ni cristo sa isang libong taon.

      kaya ang paliwanag ni anonymous na kapatid ko ay tama.

      kaya sino ang paniniwalaan ninyo ang inc o ang jw?

      Delete
  35. @akiyahere

    eh D naman po ata Binabasa at inuunawa ng mga tga INC ang POst ng MGa Saksi , kc kung ano na kingisnan nilang pniniwala yun na , kahit Ulit ulitn ko itong site n to mga info na pnopost nla , D ko maimagine, kc ang pniniwala nila ang pinagpplitang tama, like wat i said d ako part ng religion nyo , cnsb ko lang kng ano npupuna ko as viewer and Reader !

    ReplyDelete
    Replies
    1. Talagang pong mahirap makaunawa ang mga JW dahil puro imagination talaga nila ang ginagamit nila sa kanilang mga doktrina, kahit mga talatang ginagamit kapag hindi na maintindihan imaginin nyo nalang kunyari yun ang totoo. Kaya't di po ako magtataka kung bakit ikaw din po ay nahihirapang makaunawa, dahil imahinasyon din po yata kasi ang iyong pinagbabatayan.

      Delete
  36. Mga saksi ni Jehovah,

    Dahil hindi kauna-unawa ang inyong pabago-bago, paiba-iba, salu-salungat, at magulong mga aral. Isa ako sa mga mapapalad na nakalabas sa bulaang organisasyong iyan. Harap-harapan na kayong niloloko pero matitigas ang mga ulo niyo. Ngayon, sasabihin mong IGNORANTE kami kung PAANO NAG-EVOLVED ang mga aral nio?

    PUNTA KA RITO nang mahimasmasan ka at DALANGIN KO AY MATAWAG KA NA RIN SA TUNAY NA PAGLILINGKOD:

    http://converttoinciglesianicristo.blogspot.com/2013/05/pagsusuri-sa-samahang-saksi-ni-jehova.html

    --Bee

    ReplyDelete
  37. correction po bee weezer:

    hindi pabago-bago,o paiba-iba aral namin, dahil magkaiba ang pabago-bago kay sa nagbabago.

    bakit nga ba may pagbabago ang turo ng mga saksi ni jehovah hinggil sa mga propesya?


    roma 12:2-3 at huwag kayong magsi ayon sa sanglibutang ito;kundi mag iba kayo sa pmamagitan ng pagbabago ng inyong pag iisip upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaya at lubos na kalooban ng DIOS.

    3,SAPAGKAT sINABI KO,SA PAMAMAGITAN NG biyaya na sa akin ay ibinigay sa bawat tao sa inyo na huwag mag isip sa kanilng sarili ng totoong matayog kay sa nararapat niyang isipan;kundi mag isip na may kahinahunan ayon sa kasukatan ng pananampalatayA na ibinahagi ng DIOS SA BAWAT ISA.

    kaya kahit saan mo hagilapin sa mga publication ng mga saksi ni jehovah hindi mo mababasa na ang modern jehovahs witnesses ay isang inspired ng DIOS NA MAGING prophet kaya nila daniel,isaias,jeremias.

    ANG MGA SAKSI NI JEHOVA ay mapagkumbaba hinggil sa kanilang maling pang unawa.at ituwid ang kanilang kahinaan ayon sa kasulatan.

    at kahit ang mga propeta noon ay minsan hindi nila alam kung ano ang kanilang sinulat hinggil sa hula ng kawakasan katulad lamang ni propetang daniel.

    pro ang ibat ibang relihiyon ngayon nag bulagbulagan sa kanilang mga kamalian.

    bakit kaya?

    dahil po sa pera baka mawalan ng malaking donasyon at mag alisan ang mga membro.

    o kaya nahihiya sa kanilang kamalian.

    salamat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. paki re search kung ano ang kaibahan sa pabago-bago kay sa nagbabago o pagbabago.

      para malaman ang kaibahan.

      Delete
    2. Tatanungin kita,

      Sabi mo iba iyong PABAGO-BAGO sa NAGBABAGO, pero kung uusisain parang nililito mo lang kami.

      Maliwanag na sa dalawang salita na PABAGO-BAGO at NAGBABAGO ay may COMMON DENOMINATOR, dahil ang RESULTA ng DALAWA ay "PAGIIBA" o may NAIBA.

      Kasi kung aral ang PAGUUSAPAN hindi dapat NAIIBA o NABABAGO ang TURO. Natural ang PAGIISIP ng tao ay maaaring MAGBAGO, pero ang ARAL na itinuturo ay maaari bang maiba?

      Basahin natin:

      GALACIA 1:8 "Datapuwa't KAHIMA'T KAMI, o isang anghel na mula sa langit, ANG MANGARAL SA INYO NG ANOMANG EVANGELIO NA IBA SA AMING IPINANGANGARAL SA INYO, AY MATAKUWIL."

      Sabi ng mga APOSTOL kahit na raw sila ang MAGTURO ng EVANGHELIO o ARAL na IBA SA nauna na nilang naituro ito ay DAPAT ITALKUWIL. Ibig sabihin kung ang mga APOSTOL ay masusumpungan natin na nagturo ng ARAL na NAIIBA sa ARAL nila na itinuro noong UNA, ay dapat itakuwil ang kanilang ARAL.

      Kung may mga nangangaral ngayon na nagtuturo ng ARAL na iba sa itinuro ng mga APOSTOL ay dapat din nating ITAKUWIL ang kanilang ARAL na itinuturo.

      Oh hindi ba nung una naniniwala kayo sa KRUS nung nabubuhay pa si CHARLES TAZE RUSSEL? Pero nung mamatay na siya at ang pumalit ay si FRANKLIN RUTHERFORD sinabi niya na ang KRUS ay maka-BABILONIA at ito ay MASAMAM, Kaya inalis ninyo sa inyong SAMAHAN ang PAGGAMIT ng KRUS bilang simbolo at ang ipinalit ninyo ay Tulos.

      http://torch-of-salvation.blogspot.com/2011/06/krus-ba-talaga-o-pahirapang-tulos-ang.html

      At hindi lamang iyan ang mga ARAL ninyo na NABAGO sa PAGLIPAS ng PANAHON, na sinasabi nga ninyong ITINAMA ng mga MATATAPAT at MATATALINONG ALIPIN.

      Sinasabi sa Biblia para ang tao ay MALIGTAS kinakailangan na malaman ng tao ang KATOTOHANAN, dahil kung nasa KASINUNGALINGAN siya hindi siya maliligtas.

      2 TESALONICA 2:10 -12 “At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; SAPAGKA'T HINDI NILA TINANGGAP ANG PAGIBIG SA KATOTOHANAN, UPANG SILA'Y MANGALIGTAS. At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, UPANG MAGSIPANIWALA SILA SA KASINUNGALINGAN: UPANG MANGAHATULAN SILANG LAHAT NA HINDI NAGSISAMPALATAYA SA KATOTOHANAN, KUNDI NANGALUGOD SA KALIKUAN.”

      Kaya kapag MALI o HINDI TOTOO ang ARAL na natanggap, maliwanag na ito ay KASINUNGALINGAN.

      Kaya nga maitatanong ko sa iyo. Papaano ang mga NAPANGARALAN ni RUSSEL mula 1870 hanggang 1916 na mga NAMATAY na at hindi na inabutan ang pangangaral ni RUTHERFORD. Maliligtas ba sila? Sa kabila ng KATOTOHANANG ang ARAL na kanilang tinanggap ay HINDI TOTOO o HINDI TAMA? Dahil kung TAMA iyun hindi sana BINAGO ni RUTHERFORD.

      Pakisagot gamit ang BIBLIA…

      Delete
    3. para po matigil na ang debate eto po ang basahin nyo ang buong katotohanan.....

      http://www.thename.ph/

      Delete
    4. to shyla:

      Naawa po ako sa inyo shyla sa patuloy mong pagmamatuwid, lalo po ninyong pinatunayan na wala kayong karapatang magturo ng bibliya sapagkat di mo lubos na nauunawaan ang nilalaman nito. Ang ginamit mo pong talata na ROMA 12:2-3 ay siyang dapat na ginagawa nyo ngayon. Ang magbago ng isip o pananampalataya. Bakit ko po nasabi na dapat ay magbago na kayo? Sapagkat ang sinusundan mo pong aral ay wala na pong matibay na saligan, dahil sa pabago-bago nitong doktrina. Ang tunay na doktrinang aral ng Dios ay hindi kailanman nagbabago o nagsasalungatan. Kung anong nakasulat ay siya lamang po dapat ang ating sundin, WALANG DAGDAG, WALANG BAWAS, WALANG SARILING PALAGAY O IMBENTO AT WALANG PAGBABAGO.

      Delete
    5. TO: mr.nice guy

      ang iglesia ni cristo ba hindi pabago- bago?

      ang iglesia ni kristo pinalitan ang k sa c? hindi ba yan pabago bago?

      nag christmas ba kayo o nag birthday? hindi mo ba sinuri kung ano ang aral nyo ukol dito buhat ng una?

      im shyllacsjw

      Delete
  38. kung ang kautusan nga may pagbabago kahit hindi ito mali, ang mali pa kaya na pag iisip ni brother russel ang hindi babaguhin kung alam naman ng DIOS ITOY MALI?

    kung ang moral standard ng teaching ng biblia ang pag uusapan ay hindi namn ito dapat baguhin
    ALAM po naman namin si brother russel po tao lamang nagkakamali rin. ang tanong mo maliligtas ba sila?

    hindi po ako ang my awtoridad na mag sasabi sa kanilang kaligtasan.kundi ang Dios po.

    ang mga sinugo ba minsan nagkakamali ng pang unawa hinggil sa turo? oo

    katunayan maliit lang ang alam mo sa pagbabago ng mga saksi ni jehova.
    katunayan ang katotohanan ay hindi magic ,kundi na ayon sa kawikaan 4:18. at sa roma 12:1-2 pls read.


    ReplyDelete
  39. Shyllacjw,

    Walang aral na binago ang Diyos, ang nagbabago ay ang panahon kung kailan niya ipinatutupad ang kaniyang utos. Sa bawat panahon kasi ay may partikular na kautusan ang Diyos o tuntunin. Hindi ang ARAL ang nagbabago, kundi ang ipinapatupad na tuntunin ay tumitigil sa pagpapatupad.

    Maliwanag na sinabi ni Cristo sa Biblia na ang kautusan ni Moises ay umiral lamang hanggang sa panahon ni JUAN BAUTISTA:

    Luke 16:16 "THE LAW OF MOSES AND THE WRITINGS OF THE PROPHETS WERE IN EFFECT UP TO THE TIME OF JOHN THE BAPTIST; since then the Good News about the Kingdom of God is being told, and everyone.” [Good News Bible]

    Ang kautusan ni Moises gaya ng pangingilin ng SABBATH, pagbibigay ng IKAPU, pagbabawal ng pagkain ng BABOY at mga LAMAN DAGAT NA WALANG KALISKIS o PALIKPIK, etc. ay ipinagutos lamang ng Diyos na tuparin noong panahon bago ang paglitaw ni JUAN BAUTISTA at ang kautusang ito ay para lamang sa mga LAHING JUDIO o ISRAELITA, kaya sa panahong CRISTIANO kung saan tayo ay nasasakupan ay hindi na ito sinusunod, dahil hindi tayo nasasakop ng batas ni Moises.

    Hindi nagbago ang anomang ARAL, ang kautusan o tuntunin ang natapos ng pagpapatupad sa kapasyahan din ng Diyos.

    Ang sinusunod na na natin sa panahon nga iyon ay ang EVANGHELIO o MGA SALITA NG DIYOS na siyang tinatawag na MABUTING BALITA.

    1 Timothy 1:11 “That teaching is found in the GOSPEL that was entrusted to me to announce, the GOOD NEWS from the glorious and blessed God.” [GNB]

    At kung ang EVANGELIO na naituro na noon ng mga APOSTOL ay may magtuturo ng IBA sa kanilang ipinangaral, ay ano ang dapat gawin:

    Galacia 1:8-9 “Datapuwa't kahima't kami, o isang anghel na mula sa langit, ANG MANGARAL SA INYO NG ANOMANG EVANGELIO NA IBA SA AMING IPINANGANGARAL SA INYO, AY MATAKUWIL. Ayon sa aming sinabi nang una, ay muling gayon ang aking sinasabi ngayon, KUNG ANG SINOMAN AY MANGARAL SA INYO NG ANOMANG EVANGELIO NA IBA KAY SA INYONG TINANGGAP NA, AY MATAKUWIL.

    Maliwanag ang sinabi ng mga APOSTOL:

    “KUNG ANG SINOMAN AY MANGARAL SA INYO NG ANOMANG EVANGELIO NA IBA KAY SA INYONG TINANGGAP NA, AY MATAKUWIL.”

    Isang matibay na ebidensiya na HINDI PUWEDE ang PAIBA-IBA ng aral, kailangan ang aral na iyong pinapaniwalaan ay hindi MAIIBA o IBA sa aral ng mga APOSTOL.

    Kaya wala kang gagawin kundi ukumpara ang aral ng JW sa ARAL ng mg APOSTOL…

    Halimbawa:

    1. Ipinagbawal ba ng mga Apostol nung panahon nila ang PAGSASALIN ng DUGO?

    2. Ipinagbawal ba ng mga APOSTOL ang PAGBOTO?

    3. Ipinagbawal ba ng mga APOSTOL ang PAGSALUDO sa WATAWAT?

    4. Ipinagbawal ba ng mga APOSTOL ang BOY SCOUT at GIRLS SCOUT…

    5. Ipinagbawal ba ng mga APOSTOL ang PAGSUSUNDALO?


    Iyan lamang ay ilan sa kailangan mong matiyak kung IPINAGBAWAL ba ng mga APOSTOL iyan nung nangangaral pa sila dito sa lupa noon,

    Kung IPINAGBAWAL, dapat natin iyang sundin, kung hindi IPINAGBAWAL, ibig sabihin iba iyan sa ARAL ng mga APOSTOL, dapat iyang ITAKUWIL…

    Ngayon kung ang ARAL na iyong sinusunod ay ang mga ARAL na IBA sa ipinangaral ng mga APOSTOL, sa palagay mo MALILIGTAS ka kaya?

    ReplyDelete
  40. to:ginoong aerial cavalry

    1.ipinagbawal ba ng mga apostol nung panahon nila ang pagsasalin ng DUGO?
    SAGOT NG APOSTOL-GAWA 15:29" NA kayoy magsiilag sa mga bagay na inihain ng diosdiosan,binigti at sa at sa,pakikiapid,

    pansinin ang word"magsiilag" kainin man ang dugo o ipasok sa ugat kailangan magsiilag.

    2.ipinagbawal ba ng mga apostol ang pagboto?

    sagot ng kanyang alagad na si santiago.
    santiago 2:1- mga kapatid ko,yayamang mayroon kayong pananampalataya ng ating panginoon jesucristo ng kaluwalhatian ay huwag magtatangi sa mga tao.

    3.ipinagbawal ba ng mga apostol ang pagsaludo sa walawat?

    sagot ng apostol

    juan 17:16 hindi sila taga sanlibutan na gaya ko naman na hindi taga sanlibutan.

    si jesus ba nag saludo sa watawat?at kahit ang mga apostol?

    4,5 ipinag bawal ba ng mga apstol ang boy scout at girls scout at ang pag susundalo?

    sagot ng apostol-
    efeso 6:12- sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo kundi laban sa mga pamunuan laban sa mga kapangyarihan,laban sa mga namamahala ng kadiliman ito sa sanlibutan laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.

    ang pag pakikibaka ng mga apostol ay pakikibaka ng espirituwal"katotohanan"

    mateo 26 :51-52- at narito ang isa sa mga kasama ni jesus[ pedro] ay iniunat ang kanyang kamay at binunot ang kanyang tabak at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote at tinagpos ang kanyang tainga
    52,nang magkagayoy sinabi sa kanya ni jesus isauli mo ang iyong tabak sa kanyang lalagyan sapagkat ang lahat ng nangagtatangan ng tabak ay sa tabak mangamamatay.
    kung ang tabak bawal para pumatay ng tao ang baril pa kaya?

    ngayon nakompara natin ang turo ng jw at ng mga apostol at nakita natin ni silay magkapariho.

    sino ba ang dapat itakwil na turo?

    tanong: may pagkakamali ba ang mga apostol sa pang unawa hinggil sa pagtuturo? paki sagot ho.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang aral ang mga APOSTOL na ipinagbawal nila ang mga sinasabi mong iyan...

      Iyan ay BUNGA lamang ng MALING INTERPRETASYON ninyo sa talata...ipapakita ko sa iyo ang PATOTOO ng History, kung kailan lang lumitaw ang PAGSASALIN NG DUGO.

      Maging ang PAGBABAWAL ng PAGSUSUNDALO ay hindi aral ng mga APOSTOL. Antayin mo ang sagot ko riyan.

      Delete
  41. sori may nakaligtaan akong nasulat sa gawa 15:29-uulitin ko po "na kayoy magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa mga binigti at sa pakikiapid"

    keyword sa talata magsiilag sa dugo"

    salamat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tanong: Noon bang FIRST CENTURY habang sinasalita iyan ng mga APOSTOL sa mga GENTIL. Paano ba ang paraan ng PAG-ILAG na itinuro nila sa mga GENTIL. Paano ba sila umilag sa mga bagay na inihain sa DIOSDIOSAN at sa DUGO.

      Tandaan mo ang tanong ay FIRST CENTURY, unang siglo, kaya sabihin mo sa amin ano ang pamamaraan ng pag-ilag ang ginawa nila nang panahon na iyan?

      Delete
  42. ito ang sagot ko:

    paki basa po ulit sa talata na ginamit ko."mag siilag ng DUGO"
    kung ano ang paraan ngayon ng mga saksi ni jehovah hinggil sa pag ilag ng dugo ganon din ang unang siglo noon.

    dahil ang modern jehovahs witnesses ay naka dugtong sa mga apostol noon.

    kung hinahanap mo ako ng word 4 word na pamamaraan sa pag salin ng dugo wala po akong maipakita sayo.

    pro kung gamitin mo ang iyong pag iisip sa gawa 15:29 malalaman mo ang sagot sa tanong mo.

    ReplyDelete
  43. ako naman ang mag tanong:

    sa utos na mag siilag ng dugo,kung ang isang tao nagpapasalin ng dugo siya bay nakailag sa dugo?

    kung ang pag kain ng dugo bawal ang pagsasalin pa kaya dugo?

    ReplyDelete
  44. Sabi mo Shylla:

    “kung hinahanap mo ako ng word 4 word na pamamaraan sa pag salin ng dugo wala po akong maipakita sayo.”

    “pro kung gamitin mo ang iyong pag iisip sa gawa 15:29 malalaman mo ang sagot sa tanong mo.”

    Tama ka, WALA KA NGANG MAIPAPAKITA, dahil talaga namang walang mababasa sa BIBLIA na ipinagbawal ng mga APOSTOL ang PAGSASALIN ng DUGO.

    Gaano ba kahalaga na dapat ay may mabasa tayo?

    Ganito ang sabi ni Apostol Pablo:

    1 Corinto 4:6 “Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na HUWAG MAGSIHIGIT SA MGA BAGAY NA NANGASUSULAT; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.”

    Kaya dahil sa sabi mo nga WALA KANG MAIPAPAKITA at WALA NAMAN TALAGA TAYONG MABABASA…kaya MALIWANAG NA HINDI IPINAGBAWAL iyan ng mga APOSTOL.

    Ano pa ang katunayanang hindi ipagbabawal ng mga APOSTOL ang PAGSASALIN NG DUGO?

    Kailan ba lamang lumitaw sa daigdig ang PROSESO ng PAGBABAWAL ng PAGSASALIN ng DUGO?

    Kailan ba unang natuklasan ng tao at isinagawa ang proseso ng BLOOD TRANSFUSION?

    “1628 - BRITISH PHYSICIAN WILLIAM HARVEY DISCOVERS THE CIRCULATION OF BLOOD. THE FIRST KNOWN BLOOD TRANSFUSION IS ATTEMPTED SOON AFTERWARD.”
    [http://www.redcrossblood.org/learn-about-blood/history-blood-transfusion]


    Naisagawa ang Blood Transfusion sa kauna-unahang pagkakataon noon lamang 1628 o 17th Century nang matuklasan ang sirkulasyon ng dugo sa katawan, kasunod noon ay sinubukan ang sa kauna-unahang pagkakataon ang tinatawag na PAGSASALIN NG DUGO.

    Anong taon isinagawa ang PAGSASALIN ng DUGO sa tao?

    “1818 – “BRITISH OBSTETRICIAN JAMES BLUNDELL PERFORMS THE FIRST SUCCESSFUL TRANSFUSION OF HUMAN BLOOD TO A PATIENT FOR THE TREATMENT OF POSTPARTUM HEMORRHAGE.” [http://www.redcrossblood.org/learn-about-blood/history-blood-transfusion]

    Maliwanag na noon lamang 1818 o 19th Century naisakatuparan sa kauna-unahang pagkakataon ang matagumpay na pagsasalin ng Dugo sa tao para magamot ang sakit na POSTPARTUM HEMORRHAGE.

    Kailan nagsalita ang mga APOSTOL noon sa JERUSALEM? Tinataya na ito ay naganap noong taong 50 A.D. Kailan natuklasan na possible ang BLOOD TRANSFUSION 1628 A.D. kailan matagumpay na naisagawa ang pagsasalin 1818 A.D.

    Kaya sa tanong natin kung IPINAGBAWAL BA NG MGA APOSTOL ang PAGSASALIN ng DUGO?

    ANG MAY KATAPATANG SAGOT: HINDI!

    Bakit? Dahil sa wala silang kamalay-malay na nagkaroon ng pagsasalin ng dugo sa mundo noong panahon nila, dahil hindi pa naman eksistido ang prosesong ito nung panahon nila.

    Kaya IMPOSIBLE na IPAGBAWAL nila iyan. At dahil sa hindi nila iyan ipinagbawal, ibig sabihin hindi iyan aral ng mga APOSTOL, ganun lang kasimple iyon.

    Sino NAGBAWAL?

    MGA SAKSI NI JEHOVA lang ang nagbawal batay sa MALING INTERPRETASYON ng GAWA 15:29.

    ReplyDelete
  45. Tanong mo Shylla,

    “sa utos na mag siilag ng dugo,kung ang isang tao nagpapasalin ng dugo siya bay nakailag sa dugo?

    kung ang pag kain ng dugo bawal ang pagsasalin pa kaya dugo?”


    Maliwanag namang mababasa sa BIBLIA na ANG DUGO AY HINDI DAPAT KANIN, kasi nga batay sa mga nakasulat sa OLD TESTAMENT [Genesis 9:4,Deut 12:22-23, Leviticus 17:10-12], ang mga APOSTOL ay hindi umimbento ng BAGONG ARAL, kundi ipinagpatuloy lamang ang PAGBABAWAL na ito ng Diyos, kaya nga may mga BIBLIA na isinalin ang GAWA 15:29 ng ganito:

    Acts 15:29 “Eat no food that has been offered to idols; EAT NO BLOOD; eat no animal that has been strangled; and keep yourselves from sexual immorality. You will do well if you take care not to do these things. With our best wishes." [Good News Bible]

    Maliwanag na ang ibig sabihin lamang ng salitang “MAGSIILAG SA DUGO” ay “HUWAG KUMAIN NG DUGO” dahil wala ka namang mababasa sa BIBLIA na may iba pang ipinagbawal na gawin sa DUGO maliban sa PAGKAIN dito.

    Ngayon, dahil sa ikaw ang naniniwala na ang

    PAGSASALIN NG DUGO = PAGKAIN NG DUGO

    Kaya patunayan mo sa akin na kapag sinasalinan ng dugo ang isang tao katumbas noon ay pinapakain siya ng dugo.

    Kung nakakadama ng PAGKABUSOG ang TAO kapag siya’y kumain ng DUGO na pinadaan sa kaniyang BIBIG ay nakakadama din siya ng PAGKABUSOG kapag ang DUGO ay pinadaan sa kaniyang UGAT.

    Ihambing mo ang PROSESO ng PAGKAIN, at patunayan na ang PAGSASALIN NG DUGO ay MAITUTULAD sa PAGKAIN nito.

    ReplyDelete
  46. to:cristian

    ang mga sinipi mo na source gaya ng 1628-british physician william harvery discovers the circulation of blood.the first known blood transfusion is attempted soon afterward.

    1818 british obstetrician james blundell performs the first succesful tranfusion of human blood to a patient for the treatment of postpartum hemorrhage.

    ----hindi nga nakapagtataka na ang pagsasalin ng dugo sa inyoy batay sa makataong pagtuturo.

    sino ba ang imprematur sa[ Good news bible] ?gumamit ka na salin na ito para masuportahan ang pagsasalin ng dugo?

    luma na ang style nyo para ikapit ang inyong likong turo.

    kung ang proseso ang pag uusapan hinggil sa pag kain ng dugo at pagsasalin ng dugo hindi namn po kami ignoranti sa mga bagay na iyan. may kaibahan nga`

    pro ang punto na lilinawin dito"kung ang isang tao bay nagpasalin ng dugo nakailag ba sya sa utos na ito sa gawa 15:29?

    balikbaliktarin mo man ang iyong argumento, ang dugo ay ipinasok parin sa katawan ng tao.at itoy labag sa utos.

    ReplyDelete
  47. to: cristian

    para malinawan ka basahin po ang mga post namin sa blog ninyo sa pagsasalin ng DUGO, O MAS mabuti kung sa jw org.com ,ka mag suri hinggil kung bakit ang mga saksi ni jehova hindi nagpapasalin ng dugo.

    ReplyDelete
  48. Alam mo Shylla, ang problema sa inyo, nagbibigay kayo ng kahulugan ng talata gamit ang SARILI ninyong KAUNAWAAN, kaya sumasablay kayo:

    Sabi mo:

    "pro ang punto na lilinawin dito"kung ang isang tao bay nagpasalin ng dugo nakailag ba sya sa utos na ito sa gawa 15:29?"

    Kasi isang nagdudumilat na KATOTOHANAN na hindi intensiyon ng mga APOSTOL sa pagsasalita nila sa GAWA 15:29 na pagbawalan ang mga UNANG CRISTIANO na MAGPASALIN ng DUGO dahil WALA PANG GANIYANG PROCEDURE sa PANGGAGAMOT nung PANAHON nila. Noon lamang taong 1628 – 17th CENTURY lumitaw iyan.

    Kaya kung SASABIHIN mo na iyan ay IPINAGBAWAL mga APOSTOL…

    ISA ITONG NAPAKALAKING KASINUNGALINGAN…LABAG SA BIBLIA at LABAG sa KASAYSAYAN.

    Bukod pa riyan ano ba ang nakapaloob sa pasiya ng mga APOSTOL?

    Ganito ang ating mababasa, basahin natin ang VERSE 28 tapos ituloy natin sa VERSE 29, na bahaging hindi ninyo binabasa, NILALAKTAWAN ninyo ang VERSE 28…

    Gawa 15:28 “SAPAGKA'T MINAGALING NG ESPIRITU SANTO, AT NAMIN, NA HUWAG KAYONG ATANGAN NG LALONG MABIGAT NA PASANIN maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan:”

    Gawa 15:29 “NA KAYO'Y MAGSIILAG SA MGA BAGAY NA INIHAIN SA MGA DIOSDIOSAN, AT SA DUGO, AT SA MGA BINIGTI, AT SA PAKIKIAPID; kung kayo'y mangilag sa mga bagay na ito, ay ikabubuti ninyo. Paalam na sa inyo.”

    Ang sabi ni Apostol Santiago sa mga Gentil na nais maging mga Cristiano ay:

    “SAPAGKA'T MINAGALING NG ESPIRITU SANTO, AT NAMIN, NA HUWAG KAYONG ATANGAN NG LALONG MABIGAT NA PASANIN.”

    Napakaliwanag na ang ipinasiya nila na dapat gawin at sundin ng mga GENTIL ay KAUTUSANG itinuturing na “HINDI LALONG MABIGAT NA PASANIN”, Ibig sabihin HINDI NAPAKABIGAT NA UTOS, kundi MAGAAN.

    Ang PAGBABAWAL ba ng PAGSASALIN ng DUGO na inyong IPINATUTUPAD sa INYONG mga Miyembro ay MAGAANG UTOS? Kung sasabihin mong MAGAAN eh maliwanag NAGSISINUNGALING KA.

    Kapag ang isang MAGULANG na nasa OSPITAL ang ANAK na nabiktima ng SAKIT NA DENGUE, na ang tangi lang makapagliligtas sa BUHAY ng BATA batay sa pasiya ng DOKTOR ay MASALINAN ito ng DUGO, pagkatapos ay INYONG PINAGBAWALAN ang MAGULANG na maisagawa ito, ano sa palagay ninyo ano ang kaniyang magiging damdamin, MATUTUWA at MAAALIW kaya siya gaya ng naging damdamin ng mga GENTIL noon?

    Basahin natin:

    Gawa 15:30-31 “Kaya nga, nang sila'y mapayaon na, ay nagsilusong sa Antioquia; AT NANG MATIPON NA NILA ANG KARAMIHAN, AY KANILANG IBINIGAY ANG SULAT. AT NANG ITO'Y KANILANG MABASA NA, AY NANGAGALAK DAHIL SA PAGKAALIW.”

    NATUWA ang mga GENTIL nang kanilang mabasa ang SULAT ng mg APOSTOL na naglalaman noong sinabi sa GAWA 15:29…NAALIW at NATUWA sila.

    Sa palagay mo makikita mo kaya sa MUKHAN ng MAGULANG na iyon ang PAGKAALIW at PAGKATUWA habang nasa bingit ng KAMATAYAN ang kaniyang ANAK at pinagbabawalan siya ng kaniyang RELIHIYON na MASALINAN ng DUGO ang BATA na makapagliligtas sa BUHAY nito?

    Kaya MALING-MALI ang inyong INTERPRETASYON sa GAWA 15:29, ang idinulot sa mga Unang CRISTIANO ay TUWA at KAALIWAN dahil MAGAAN lamang ang UTOS at HINDI MABIGAT…

    Pero kayo PINABIGAT niyo, INATANGAN ninyo ng LALONG MABIGAT NA PASANIN ng INYONG MGA KAANIB…

    Iyan ang inyong ginawa…NAPAKALAKING KASALANAN sa DIYOS niyan.


    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga naman masasabi mo bang Relihiyong sa Diyos, ang isang Relihiyon na naguutos ng isang utos na ang ibubunga ay MAMATAY ang mga KAANIB? Sa Diyos ba ang ganun?

      Kahit ibuwis ko ang BUHAY ko maduktungan ko lang ang BUHAY ng mga ANAK ko ay gagawin ko, pero sa kanila pala, handa silang mamatayan ng anak dahil sa UTOS ng kanilang RELIHIYON...isang napakalaking KALOKOHAN at PANDARAYA niyan sa TAO.

      Delete
  49. Ka Aerial good pm, san na po kasunod nito? May minimisyon po kasi ako. Naliliwanagan p sya, pero sya po ay Born Again. Minimisyon din po kasi sya ng isang jw.

    ReplyDelete
  50. Nagtapos ba noong 1935 ang pagpili sa magiging miyembro ng 144,000 tao na aakyat sa langit?

    Ang sagot ay hindi. Ang siniping website na pinagkuhanan ng impormasyon tungkol sa kung ilan na lang bang mga pinahiran ang natitira sa lupa na kabilang 144,000 ay hindi nagpapahiwatig na nagtapos ang pagpili noong 1935.

    May binanggit doon na "batay sa katibayan, ang pagtitipon ng mga pinahiran ay kumpletong natapos noong 1935," pero sa mas masusing pag-unawa sa mga sagot ni Brenda Martin, hindi naman tinutukoy na natapos noong 1935 ang pangkalahatang pagpili. Ang maliwanag ay naging makasaysayan ang 1935 dahil ito ang naghudyat sa paghahanap ng ibang mga tupa ni Kristo na hindi mapapabilang sa 144,000, bagkus ay magiging bahagi sila ng "malaking pulutong" o "lubhang karamihan" na may pag-asang buhay na walang hanggan sa lupa. Ito ang mga lingkod ng Diyos na hindi nakadarama na sila ay tinawag upang mapabilang sa mga pinahiran, yaong mga magiging 'mga saserdote at mga hari' ng Diyos upang mamahala sa ibabaw ng lupa. (Apocalipsis 5:9, 10)

    Sabihin pa, anuman ang paliwanag niya ay hindi malinaw na nagpapaunawa sa atin kung ano talaga ang itinuturo ng Bibliya. Ang pagpili sa magiging miyembro ng 144,000 ay hindi isang simpleng bagay. Wala itong "membership purposes" na para maging miyembro ka ay dapat kang mag-aplay. Hindi ako, ikaw, o sino pa man ang magpapasiya; tanging ang Diyos lamang, katulong ang ating Panginoong Jesus. Ang Apocalipsis kabanata 7 ay naglalahad ng dalawang grupo ng mga lingkod ng Diyos: ang una ay ang mga tinatakan, na kabilang sa mga "angkan ni Israel," (unawaing mabuti) na ang bilang ay 144,000, ang ikalawa ay ang "lubhang karamihan" na walang takdang bilang na nagmula sa iba't ibang mga bansa. Ang dalawang grupo ng mga lingkod na ito ng Diyos ay nangangailangan ng pagbabata at katapatan upang makaligtas na dumarating na Araw ng Paghuhukom.

    Kaya naman, ang taong 1935 ay hindi ang pagtatapos ng pagpili sa mga pinahiran, kundi pasimula na paghahanap o pag-anyaya sa mga lingkod ng Diyos, na hindi mga pinahiran. Ang mga pinahiran ay hinihimok pang maging tapat hanggang kamatayan upang hindi mawala sa kanila ang banal na pagtawag. Kaya, sa tanong na ilan na lang ba ang mga pinahiran na natitira sa lupa, ang sagot ay hindi ko alam, at hindi rin naman talaga dapat malaman, basta ang mahalaga, makokompleto ng Diyos sa hinaharap ang bilang na 144,000.

    ReplyDelete
  51. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  52. 1. MATALINGHAGA, KAILANGAN NG LOHIKAL AT TAMANG INTERPRETASYON. Walang ibang lubos na makakaunawa sa mga pakahulugan o interpretasyon kundi ang mga nasa tunay na kogregasyon na kay Kristo. At maging ng taimtim na tumatanggap at naghahanap ng katotohanan.

    PALIWANAG:

    Una, gaya ng mga naunang nabanggit na, na ang bilang na 144,000 na munting kawan na siyang aakyat sa langit ay nakabilang diyan ang ilan sa mga "Apostol" na siyang kausap ng panginoon sa
    -JUAN 14:2-3.

    Pangalawa, patungkol sa binanggit na "Silid" o "Dako" na inihanda para sa kanila ay wala naman tutol diyan oo mayroon, ngunit kailangan natin ng tamang interpretasyon dahil maging ang Diyos sa langit ay may sariling dako "Nakaluklok sa kanyang trono". Nagtalaga parin ang panginoon ng dako o silid para sa kanila KAHIT NA SILA AY MGA ESPIRITU NA NILALANG na hindi nangangailangan na kumain, uminom, umihi, dumumi, mapagod at matulog (bagay na para sa tao lamang na may katawang laman).
    (AWIT 115: 16)

    Sabi ng panginoon na "Ako ay babalik/darating,upang kayo'y makapiling kung saan ako naroroon". Bagaman mga apostol ang kausap niya ay tumutukoy din ito sa kabuuan ng munting kawan na 144,000. Dahil ang ilan sa kanila ay may nabubuhay pa sa lupa hanggang sa pagbabalik ng Panginoon, at sa mga natitirang buhay na bahagi ng 144,000 ay "aagawin sa alapaap" at sila ay di na kailangang dumanas pa ng kamatayan. (1 TESALONICA 4: 17). Dahil sa matalinghaga na mga pananalita ng panginoon at maging ng karamihan sa mga talata sa banal na kasulatan, nangangahulugan ito ng "Inilaan niyang dako para sa kanilang lahat na bahagi ng munting kawan". Dahil sila ay mga saserdote ng Diyos at mamamahala sila bilang mga hari sa ibabaw ng lupa. (APOCALIPSIS 5: 9 at 10) (APOCALIPSIS 11:15). Kapag ganap ng kompleto ang kabuuan ng 144,000 ay makakasama na nila si Kristo na maghahari sa langit at sa ibabaw ng lupa, ito ang tamang interpretasyon sa "BAGONG LANGIT". sa malaking pulutong ng kawan na kailangan din dalhin (dalhin sa kaligtasan) ay nauukol naman sila sa makalupang pag-asa na mabuhay magpakailanman. At kung ito ay maganap na, ito ang "BAGONG LUPA". dahil ang dating langit at dating lupa at mga dating bagay ay lumipas na. Ito ay katuparan ng panalangin sa -MATEO 6: 9 at 10⤵

    "9) Manalangin kayo, kung gayon, sa ganitong paraan:“ ‘Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan ("יַהְוֶה ").

    10) Dumating nawa ang iyong KAHARIAN. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa LANGIT, gayundin sa LUPA".

    ReplyDelete
  53. 2. MATALINGHAGA, KAILANGAN NG LOHIKAL AT TAMANG INTERPRETASYON. Walang ibang lubos na makakaunawa sa mga pakahulugan o interpretasyon kundi ang mga nasa tunay na kogregasyon na kay Kristo. At maging ng taimtim na tumatanggap at naghahanap ng katotohanan.

    APOCALIPSIS 21:1 “At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang 'DAGAT' ay wala na.”

    PALIWANAG:

    Inihalintulad ni Isaias ang balakyot na mga tao sa lupa, ang mga karamihan na hiwalay sa Diyos, sa “DAGAT" na umaalimbukay, kapag hindi ito humuhupa, na ang tubig nito ay patuloy na nag-aalimbukay ng damong-dagat at lusak.” (ISAIAS 57:20) Sa Apocalipsis 17:1, 15, ang “mga tubig” na “kinauupuan” ng Babilonyang Dakila ay sinasabing nangangahulugan ng “mga bayan at mga pulutong at mga bansa at mga wika.” Humula pa si Isaias ukol sa Sion na “babae” ng Diyos: “Sapagkat sa iyo ay pupunta ang kayamanan ng DAGAT; ang mismong yaman ng mga bansa ay paroroon sa iyo.” (ISAIAS 59:20; 60:1, 5) Waring nangangahulugan ito ng pagbaling ng maraming tao mula sa mga karamihan sa lupa tungo sa makasagisag na “babae” ng Diyos.

    Inilarawan ni Daniel ang apat na “hayop” na umahon “mula sa DAGAT” at isiniwalat niya na ang mga ito ay sumasagisag sa pulitikal na mga hari o mga kaharian. (DANIEL 7:2, 3, 17, 23) Sa katulad na paraan, tinukoy ni Juan ang isang “mabangis na hayop na umaahon mula sa DAGAT,” samakatuwid nga, mula sa napakalaking bahaging iyon ng sangkatauhan na hiwalay sa Diyos; at dahil bumanggit siya, sa makasagisag na pananalita, ng mga diadema at ng isang trono, muling naiugnay sa hayop na ito na nagmula sa “DAGAT” ang ideya ng isang pulitikal na organisasyon. (APOCALIPSIS 13:1, 2) Nakita rin niya sa pangitain ang panahon kung kailan magkakaroon ng “isang bagong langit at isang bagong lupa” at kapag “ANG DAGAT,” samakatuwid nga, ang maliligalig na karamihan ng mga tao na hiwalay sa Diyos, ay "WALA NA".​
    —APOCALIPSIS 21:1.

    ReplyDelete
  54. Ang mga pananalita sa bibliya ay matalinghaga at madalas symbolical. Kaya ang salitang pagtupok o paglipol sa apoy ay katumbas ng lubos na pagkapuksa o di na muling pag-iral... Katulad ng pananalita sa bibliya na: Sa panahon ng pag-ani ay ihihiwalay ang trigo sa damo at ang damo ay susunugin (MATEO 13:30)... Ibig sabihin ng trigo ay ang mabubuting tao o lingkod ng Diyos samantalang ang damo ay mga masasama o balakyot at ang apoy ay kumakatawan sa pagkapuksa (MATEO 13:36-40) ... Sa pamamagitan ng apoy ang katumbas ng paglipol/pagtapos/pagbaon sa limot sa isang masamang tao, bagay, lugar o ng isang grupo o organisasyon ang pagkapuksa o di na muling pag-iral pa... Na binabanggit sa mga talata ng bibliya ay "Lilipulin sa Apoy"... Kahit gaano pa ito kainit halimbawa, kung tungkol sa literal na sakit, hapdi o kirot na dadanasin sa apoy ay wala ng mararamdaman pa ang makasalanang namatay na (ECLESIASTES 9:5; AWIT 146:4; EFESO 5:14).... Kundi, wala ng ikikirot pa sa hindi na mabibigyan ng pagkakataon para umiral muli o mabuhay pa. Samakatuwid baga'y ang parusa ng isang masama sa pamamagitan ng apoy ay ang "IKALAWANG KAMATAYAN" sa dagat-dagatang apoy ang pagkapuksa o hindi na muling pag-iral pa. Ang hapdi o kirot ay ginagamit din bilang sagisag. Kasuwato ito ng mga konteksto sa (MATEO 13: 24-30) (MATEO 13: 36-40) (GAWA 2:24) (AWIT 97:4) (AWIT 77:16) (AWIT 114:7)

    PALIWANAG: Ang salitang Hebreo na ginamit sa Kasulatan na [chai·yimʹ], at ang salitang Griego ay [zo·eʹ]. Ang salitang Hebreo na [neʹphesh] at ang salitang Griego na [psy·kheʹ], kapuwa nangangahulugang “KALULUWA,” ay ginagamit din upang tumukoy sa "BUHAY", hindi sa diwang abstrakto, kundi sa buhay bilang isang persona o hayop.

    Nagkakatalo lang sa interpretasyon ang ibang relihiyon na ang lahat ng tao kapag namatay daw ay may "ESPIRITU [greek: pneuʹma] [hebrew: ruʹach] daw na hihiwalay sa katawan ng tao... Ang sabi sa talata sa bible na ang taong namatay ay walang alam o sa ibang talata ay natutulog (ECLESIASTES 9:5; AWIT 146:4; EFESO 5:14). Kasuwato lang na ang hihiwalay sa katawan ng isang tao na namayapa na ay ang kanyang mismong "BUHAY". Kung may mga taong hihiwalay ang espiritu pagkatapos mamatay ay sila yun mga makakasama ni Kristo sa langit at sila ay binili at may takdang bilang na 144,000 ang munting kawan (APOCALIPSIS 7: 4) (APOCALIPSIS 14: 3).

    Samantalang ang malaking kawan o malaking pulutong ay kailangan ding iligtas o isama sa kaharian at sila naman ang magmamana sa lupa -APOCALIPSIS 7: 9... Ang tinutukoy sa bibliya na "Ang malaking pulutong o kawan" na sinabi ni Kristo na kailangan din niyang dalhin sa kanyang kaharian ay kailangan natin dito ng logical na interpretasyon... Hindi ba't ang kaharian ng Diyos ay binanggit sa panalangin na gawin ang kanyang kalooban kung paano sa LANGIT, gayon din naman sa LUPA (MATEO 6: 10)... At magkakagayon nga na darating ang araw na iyon na ang lahat ng kalooban ng Diyos ay mangyayari sa LANGIT at maging sa LUPA... Patungkol naman sa "BAGONG LANGIT" at sa "BAGONG LUPA" ay hindi literal na panibagong paglalang na naman ng Diyos na parang sa una na naganap sa genesis o noong bago niya lalangin sa pasimula ang langit at lupa, kailangan dito ng lohikal at tamang interpretasyon... Na ang ibig sabihin lamang ng makasimbulong pananalitang iyan sa apocalipsis ay:
    BAGONG LANGIT = Bagong kaayusan na magaganap sa langit...Bakit? Dahil kapag ganap ng buo ang bilang ng mga binili na 144,000 mga makakasama ni Kristo sa kaharian sa langit bilang mga saserdote ng Diyos (1 TESALONICA 4:17). Bakit sila lang ang binili at hindi lahat ng mabubuti?... Dahil may takdang bilang ang binili na mga magiging saserdote ng Diyos. Kahit naman noon nasa lupa si Kristo ay 13 lang ang apostol at iyon ay ayon sa napili niya...

    ReplyDelete
  55. BAGONG LUPA = Bagong kaayusan sa lupa. Ito ay bagong gobyerno at bagong pamamahala na pinaghaharian ni Kristo at ng munting kawan. Sa panahong darating na maghahari na sa lupa si Kristo kasama ng mga saserdote ng Diyos "Ang Munting Kawan" (APOCALIPSIS 11:15). Dahil sa langit pa lamang naghahari si Jesus simula noong 1914 ayon na rin sa katuparan ng mga hula ng banal na kasulatan (MATEO 24:3,7,8) (LUCAS 21:11)... Kapag dumating ang panahon na kumpleto na ang bilang ng binili (Fast tence kasi yun binanggit na talata sa APOCALIPSIS 5: 9-10 at sa APOCALIPSIS 7:4 na "BINILI" at "NATATAKAN" pero ito ay isang pangitain kaya madami pang hindi nagaganap doon o mangyayari pa lamang sa hinaharap, sinabi na "BINILI" at "NATATAKAN"dahil naihula na ng propeta sa pasimula). Bakit di pa kumpleto? DAHIL SA PAGTALIKOD NG ISRAEL SA DIYOS at di pa ganap na natatapos ang pagpili o sa pagbili sa mga kabilang sa 144,000 (DANIEL 9:11)(DANIEL 4: 23-26)(ISAIAS 10:21, 22) ROMA 9:27) Bagaman sinabi ng bibliya na bibilhin ang 144,000 sa tribu ni Abraham ay di ibig sabihin natapos na iyon noong panahong iyon... Maagang tumalikod ang Israel at may yugto ng panahon na walang tunay na kristiyano o tunay na lingkod ang Diyos... Ngunit ang tribu ni Abraham ay nagpatuloy ng lahi (kasama tayo)... Kaya ang pagbili sa bahagi ng 144,000 mula sa Israel sa tribu ni Abraham ay nagpapatuloy hanggang sa ngayon dahil ito ay para sa Diyos mula sa bawat tribo at wika at bayan at bansa (APOCALIPSIS 5: 9 at 10). Kaya ang pagbili ay hindi nagtatapos sa bansang Israel lamang... Opo, dahil ang tunay na sangkakristiyanuhan ay muling nabuhay sa panahon ng tinatawag na "Mga Huling Araw" na nagsimula noong taong 1914 (MATEO 24: 3,7,8) (LUCAS 21:11. Kaya ang anak ni Israel ay makasagisag, maituturing na nagpapatuloy hanggang sa ngayon.
    May natitira pa na buhay sa bilang ng kabuuan ng 144,000 hanggang sa pagsapit ng tinatawag sa bibliya na "Armagedon" (APOCALIPSIS 16:16)... Pagsapit ng armagedon ang mga nalalabing buhay na bahagi ng 144,000 ay aagawin sa alapaap (1 TESALONICA 4:17)... Ang pagiging hindi pa ganap na kompleto ng 144,000 ay kasuwato ng konteksto sa 2 PEDRO 3: 13-- "Ngunit may MGA BAGONG LANGIT at ISANG BAGONG LUPA na ating HINIHINTAY ayon sa kaniyang PANGAKO, at sa mga ito ay tatahan ang katuwiran". Ang "MGA BAGONG LANGIT" ay maaring tumukoy din mismo sa "MUNTING KAWAN" at gayundin naman sa "MALAKING PULUTONG" ay maaring tumukoy sa "BAGONG LUPA".

    Dapat lubos na malaman ng iba na ang kaharian ng Diyos ay pambuong sansinukob, na nakapaloob dito ang "Langit" at ang "Lupa" kaya samakatuwid baga'y iyan ang kaharian na tinutukoy sa panalangin sa "MATEO 6: 9 at 10".⤵

    "9. Manalangin kayo, kung gayon, sa ganitong paraan:“ ‘Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan ("יַהְוֶה ").


    10. Dumating nawa ang iyong KAHARIAN. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa LANGIT, gayundin sa LUPA".

    ReplyDelete
  56. ...........................

    Learn more about GOD !

    GOD's name in hebrew "יַהְוֶה "
    what is this in english?

    Learn more here⤵

    Paki-pindot po ang https sa ibaba⤵

    https://www.facebook.com/Psalm.83.18

    COPY/PASTE to your browser⤵

    https://www.facebook.com/Psalm.83.18

    ...........................

    ReplyDelete
  57. sabi ni sir aerial hindi daw magbabago ang aral, ehh ang utos sir hindi ba yan nabibilang sa aral?

    kaya nga my law subject ehhh sa college.

    ReplyDelete
  58. akala ko Iglesia ng Dios at hindi iglesia ni Kristo, kanino bang Iglesia ang tinubos ng sariling dugo ni Kristo? sa ibang salin ng Biblia ang Gawa20:28? Paano yung mga propeta at mga tao ng dios na nabuhay bago nagkatawang tao si Kristo? saan sila kabilang na Iglesia?

    ReplyDelete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network