Tuesday 31 May 2011

Ang Pagluhod ba sa Isang Imahen o Larawan ay ang Marapat na Pagsamba sa Diyos?


Ang Pagsamba sa larawan na isinasagawa ng relihiyong Hinduismo



Pangkaraniwan na nating napupuna ang paggamit ng mga larawan o mga imahen ng mga relihiyong hindi Cristiano sa kanilang mga pagsamba, gaya halimbawa ng Hinduismo at Budismo. At ang isang Cristiano na nakababasa ng Biblia ay batid na ang gawaing pagsamba sa mga rebulto at mga larawan ay isang napakasamang gawain sa harapan ng Diyos dahil maliwanag itong mababasa sa Biblia:

Exodo 20:3-5  “Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.  Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:  Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;”


Subalit ang nakapagtataka, kapag ang nasabing talata ay ating binasa sa isang Katoliko at aming sinabi sa kanila na sila man ay nagsasagawa ng ganitong gawain, ang agad nilang sinasabi ay ganito:
 

“Hindi naman namin sinasamba ang mga imahen o rebulto na nasa aming mga simbahan, ang mga iyon ay amin lamang iginagalang. Ang turo sa amin ng mga Pari ay ang Diyos ang aming dapat na sambahin.  May mga larawan kami sa aming mga simbahan ng mga Santo at Apostoles hindi upang  sambahin kundi sila ay amin lamang ginugunita sa pamamagitan ng mga larawang iyon.”


Ang mga larawan at mga imahen, na niluluhuran at pinaglilingkuran sa Iglesia Katolika

At dahil ganito ang kanilang nasa isipan, kung kaya madalas ay nagdaramdam sila at nagagalit  sila sa mga ministro at  maging sa mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo kapag sila ay napupuna.  May nagsasabing bakit daw hindi na lang ang ituro ng mga ministro namin ay ang aming sariling aral, matuto raw kaming gumalang sa pinaniniwalaan ng iba.

Subalit ang sinusunod namin ay ang sinasabi ng Biblia.  Dapat bang isawalang-kibo ng isang tao kung may nakikita siyang maling ginagawa ng kaniyang kapuwa na ikapapahamak niya? Wala ba siyang gagawin kung alam niya naman ang tama at hindi niya ipagmamalasakit ang kaniyang kapuwa? Ganito ang sabi ng Biblia:

Judas 1:23  “At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy; at ang iba'y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman.”

Ang isang tao na nasa katotohanan ay may pananagutan na dapat gawin, kailangan niyang iligtas ang kaniyang kapuwa at agawin sa apoy, ang apoy na tinutukoy ay ang kaparusahang walang hanggan na ito ay ang dagatdagatang apoy na siyang ikalawang kamatayan:

Apocalypsis 20:14  “At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.”

Dahil ang gawang pagluhod at pagsamba sa isang larawan ay isang gawaing magdadala sa tao sa kapahamakang walang hanggan:

Apocalypsis 21:8  “Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.”

Ang tinatawag na “diosdiosan” ay yung mga larawan na sinasamba na tulad sa Diyos, kaya tinawag na “diosdiosan” ay sapagkat hindi ito tunay na Diyos. Tulad ng salitang “kotse-kotsehan” hindi tunay na kotse, “bahay-bahayan” hindi tunay na bahay.  Maliwanag na sinabi sa atin ng Biblia na ang mga gumagawa ng pagsamba, pagluhod, at paglilingkod sa mga larawan, imahen, o mga rebulto ay isang gawaing kasuklamsuklam sa paningin ng Diyos at ito ay kanilang ikapapahamak sa dagatdagatang apoy na kilala sa tawag na impierno.

Subalit, sinasabi nga ng mga Katoliko na hindi sila sumasamba sa larawan, ang kanilang ginagagawa bagamat nakaharap sa isang rebulto o imahen ay patungkol daw sa Diyos.  Kaya hindi daw maaari na mapahamak sila, dahil ang paparusahan daw sa Biblia ay iyong mga sumasamba sa mga larawan, at hindi naman daw ganun ang kanilang ginagawa kaya huwag daw silang paratangan ng hindi nila gawain.

Totoo nga kaya ang kanilang pangangatwirang ito? Hindi nga kaya talaga sila sumasamba sa mga larawan o imahen, at mga rebulto?  Atin tunghayan ang pag-amin ng kanilang mga Pari.


Ang Pag-amin ng Simbahang Katoliko

Ang mga awtoridad Katoliko, mga Pari, ay karaniwan ng gumagawa at naglalathala ng mga Aklat na siyang ginagamit nila sa kanilang pagtuturo.  Marahil ay ikagugulat ng isang Katoliko na nagsasabi na siya’y hindi sumasamba sa larawan kung kaniyang makikita at mababasa na ang kanilang mga aklat mismo na sinulat ng kanilang mga Pari ay umaaamin na sila nga ay sumasamba sa larawan.

Narito ang katibayan, sa isang aklat Katoliko na may pamagat na “Siya ang Inyong Pakinggan:  Ang Aral na Katoliko, na sinulat ng isang pari na si Enrique Demond, ay ganito ang ating mababasa:

“Kung ating sinasamba ang larawan ni Kristong napapako sa Krus, dinadasal natin: ‘Sinasamba kita at pinupuri, Panginoon kong JesuCristo,…”    [Siya ang Inyong Pakinggan: Ang Aral na Katoliko, sinulat ni Padre Enrique Demond, inilathala ng Catholic Trade School, may imprimatur ni Jose Bustamante, pahina 12 ]

Kitang-kita sa aklat na ito ang pag-amin ng Pari na ang mga Katoliko’y sumasamba sa larawan, sa pagsasabing sinasamba nila ang larawan ni Cristo.  Pero kahit na sabihin pa nila na ang sinasamba nila ay ang larawan ni Cristo, ay wala naman po tayong mababasa kailan man sa mga pahina ng Biblia na ipinag-utos na sambahin ang larawan ni Cristo, kaya maliwanag kung gayon na talagang sumasamba sila sa larawan.

Hindi lamang iyon, narito pa ang isa, Isang munting aklat Katoliko na may pamagat na “Catesismo”  na tinagalog ng Pari na si Luis de Amezquita , ganito naman ang ating mababasa:

“ Pagbangon mo sa banig ay agad kang manikluhod sa harap ng isang Krus o isang mahal na larawan. Kung maninikluhod ka sa tapat ng Altar magwika ka ng ganito:  Sinasamba kita,”  [Catesismo, ni Padre Luis de Amezquita, pahina 79 at 82].

Dito naman sa aklat na ito ay maliwanag na inuutusan ang isang Katoliko na agad na manikluhod o lumuhod pagkagising sa harap ng isang Krus o isang mahal na larawan, at pagkatapos ay sasabihin sa harapan nito ang mga katagang: “Sinasamba Kita”.  Hindi ba iyan maliwanag na pag-uutos sa isang Katoliko na lumuhod at sumamba sa isang Larawan?
Kaya nga sabihin man nila na hindi sila sumasamba kung ang nakikita naman natin ay ang kanilang ginagawa: sila ay lulumuluhod at nananalangin sa harapan ng mga larawan ng mga tinatawag nilang mga Santo, hindi ba iyon ang nagpapatunay na sila ay sumasamba dito?  Dahil sa Biblia ang katumbas ng gawang pagyukod o pagluhod ay pagsamba, basahin natin:

Awit 95:6  “Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.”

At maliwanag namang sinabi ng Diyos na ang pagyukod o pagluhod sa mga ito ang kaniyang ipinagbabawal hindi po ba? Balikan po natin ang sinasabi ng Diyos sa aklat ng Exodo:

Exodo 20:3-5  “Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.  Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:  Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;”

Kaya ang mismong pagluhod na ginagawa ng mga tao sa mga larawang ito, ay ang mismong ipinagbabawal ng Panginoong Diyos.  Aminin man nila o hindi, ang ginagawa nilang ito ay maliwanag na pagsamba at pagluhod sa mga larawan na kasuklam-suklam sa Panginoong Diyos. Binanggit din ng Diyos na hindi natin dapat paglingkuran ang mga larawang ito.  Hindi ba’t nakikita nating kanilang pinapasan, binibihisan, sinasabitan ng mga bulaklak, ipinagpuprusisyon, pinapahiran ng panyo, ipinagpipiyesta at kung anu-ano pa na ito’y maliwanag na pagsisilbi o paglilingkod sa larawan na hindi rin po dapat na gawin.

Kumuha pa tayo ng dagdag na katibiyan ng kanilang pag-amin sa gawaing ito, sa isa pang aklat Katoliko:

“13. Ang pagsamba ba sa mga santo ay ukol lamang sa kanilang katauhan?
             
Hindi, sumasaklaw din ito sa kanilang mga relikya at mga larawan.”

“14. Ano ang tinatawag nating mga relikya?

       Tinatawag nating mga Relikya:
1.            Ang mga labi ng katawan ng isang santo na pinapaging-binal o inihanda sa pagiging banal ng Iglesia [Katolika];”

2.                Ang mga bagay na naging pag-aari ng mga santo, o yaong napadaiti sa kanilang mga katawan: tulad ng kanilang kasuotan, mga ataol, at iba pa

“15. Dapat ba nating sambahin ang mga banal na larawan?
        
            Dapat tayong magkaroon lalo na sa ating mga simbahan, ang mga larawan ng ating Panginoong, tulad ng sa pinagpalang Birhen at mga santo, at dapat natin silang bigyan ng kaukulang paggalang at pagsamba”.  [Salin sa Filipino mula sa Cathecism of Christian Doctrine, inilathala ng De La Salle College, pahina 95]

Maliwanag na ipinakita sa atin ng aklat Katolikong ito na ang sinasamba nila sa isang kinikilala nilang santo ay ang kaniyang katauhan, larawan, at relikya. Hindi po ba ang mga santo ay mga tao lamang? Sinasabi po ng aklat na ito na ang mga larawan ng mga santo ay dapat nating sambahin. Dapat po ba tayong lumuhod sa harapan ng mga tinatawag na santo o iyong mga taong banal?

Si Apostol Pedro ay kinikilalang santo sa Iglesia Katolika na tinatawag nilang San Pedro  na nakikita rin natin na kanilang niluluhuran.  Pumapayag ba si Apostol Pedro na siya ay luhuran?  Basahin natin?

Mga Gawa 10:25-26  “At nangyari, na pagpasok ni Pedro, ay sinalubong siya ni Cornelio, at nagpatirapa sa kaniyang paanan, at siya'y sinamba. Datapuwa't itinindig siya ni Pedro, na sinasabi, Magtindig ka; ako man ay tao rin.”

Kita ninyo nang magpatirapa o lumuhod si Cornelio sa harap ni Apostol Pedro ay hindi siya pumayag sa ginawa niyang ito?  Kung mismo noon ay hindi pumapayag ang mga Apostol na sila yukuran at sambahin, sa palagay po ba natin ay papayag sila na sambahin at luhuran ang kanilang mga larawan?

Sana po imbes na ipagdamdam ninyo ang aming paglalahad na ito ay inyong ituring na isang pagmamalasakit sa inyo, dahil hindi po talaga pumapayag ang Panginoong Diyos sa ganitong gawain. Kami po ay nagsasabi ng katotohanang ito batay sa mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia na sana po’y siyang ating tanggapin, paniwalaan, at higit po sa lahat ay ating sundin.


Hindi Maigagawa ng Larawan ang Diyos

Marami ang nag-aakala na ang Diyos ay may larawan, na ito nga ay ang nakikita nating isang anyo ng isang magandang lalake na may mahabang buhok at may balbas.  Subalit sa katotohanan, ang Diyos po ba ay may anyo?  Atin pong basahin ang paghahayag ng Diyos mismo:

Deuteronomio 4:15  “Ingatan nga ninyong mabuti ang inyong sarili; sapagka't wala kayong nakitang anomang anyo nang araw na magsalita ang Panginoon sa inyo sa Horeb mula sa gitna ng apoy:”

Maliwanag ang pahayag ng Diyos na siya ay walang anomang anyo. Bakit? Ano ba ang kalagayan ng Diyos?

Juan 4:24  “Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.”

Maliwanag ang sagot ng Panginoong Jesus, ang Diyos ay Espiritu, ano ba ang isang espiritu?

Lucas 24:39  “Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”

Ang isang Espiritu ay walang laman at mga buto, samakatuwid ang Diyos ay walang laman at mga buto kaya wala siyang anomang anyo. Eh maigagawa ba siya ng larawan?

Isaias 46:5  “Kanino ninyo ako itutulad, at ipaparis, at iwawangis ako, upang kami ay magkagaya?”

Maliwanag ang pahayag ng Diyos, wala siyang kagaya, kawangis o kamukha, kaya imposible na maigawa ng tao ang Diyos ng larawan, dahil hindi nakikita ang Panginoong Diyos:

1 Timote 1:17  “Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.”

Kaya po kung may magsasabi sa atin na ang isang larawan ay iyon ay mukha ng Diyos, tiyak na tiyak na natin na hindi totoo ang kaniyang sinasabi, dahil hindi kailanman maaaring maigawa ng larawan ang Diyos. At kailanman ay hindi niya ibibigay ang kaniyang kaluwalhatian at kapurihan sa mga larawang inanyuan lamang ng tao:

Isaias 42:8  “Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.”


Ang Marapat na Pagsamba

Paano ba natin magagawa ang marapat na pagsamba sa Diyos? Atin na pong nalaman na hindi sa pamamagitan ng paggamit ng mga larawan. Atin pong tunghayan ang pahayag ng Panginoong Jesus:

Juan 4:23  “Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.” 

Sabi ng Panginoong Jesus ang mga tunay na mananamba sa Diyos ay sinasamba siya sa Espiritu at Katotohanan,  ito ang marapat na paraan na pagsamba sa Diyos na dapat nating gawin dahil ito ang hinahanp ng Diyos na maging mananamba sa kaniya.

Paano ang pagsamba sa Ama sa espiritu?

Mateo 6:9  “Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.”

Ang pagsamba sa Ama sa Espiritu ay ang pagsamba sa kaniyang pangalan at hindi sa kaniyang larawan?  Maliwanag po iyan.  Paano ba ang pagsamba sa pangalan ng Diyos, isusulat ba natin ang kaniyang pangalan sa isang papel pagkatapos ay ididikit sa pader at ating luluhuran? Ganun po ba?  Hindi po ganun, narito po ang sagot:

Hebreo 13:15 Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan.”

Kapag ating pinupuri at binibigkas o sinasabi ang pangalang ipinantatawag natin sa kaniya, ito ang pagsamba sa kaniya sa espiritu.  Ano ang pangalang iyon?

Juan 20:17  “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.”

“Ama” ang ating dapat itawag sa nagiisa at tunay na Diyos, na Diyos din ng Panginoong Jesus.

Paano naman ang pagsamba sa Ama sa katotohanan?

Mateo 6:10  “Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.”

Ang pagsamba sa kaniya sa katotohanan ay ang pagsunod na dapat nating gawin sa kaniyang mga kalooban o mga kautusan, dahil ito ang buong katungkulan ng tao.

Ecclesiastes 12:13  “Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.”

Ito ang marapat na pagsamba sa Diyos na dapat nating isagawa, upang tayo ay maging kalugodlugod sa kaniyang paningin…

50 comments:

  1. Ano po masasabi nyo sa isang paring pransiskano na para bagang kinokondena ang mga imahen sa loob ng katoliko?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hala kung nag pupokos lang kayo sa sinabi ni jesus nuong syay mula sa pagkamatay, na ngingin isperito.. at sabi mo hindi magawan ng imahe,dahil spirito sya? paanu nya sinabi na tingnan ninyo ang aking mga kamay at paa..at pinahawak pa sa decipolo, ibig sabihin nkita nila eh, at kung sabi mo na pano magawa ng imahe ang panginuon,dahil sya ay spirito?, hindi makikita dahil spirito!,eh.. nuong syan pinako sa cros hindi ba sya makikita? Bakit ipunako sya sa cros kung hindi nila nakikita? Maliwanag na ang imahe ng katoliko ay punako sya sa cros,hindi ung syay spirito pa. Tama ba?gamitin mo po ang logical theory nyo para mapaliwanag mo ng husto..mali po,kayo..

      Delete
  2. Kung meron kang LINK na maibibigay sa akin, magandang mai-share iyan sa iba.

    Mabuti ang kaniyang ginagawa dahil talaga namang ipinatatakuwil sa atin ng Diyos ang gawaing pagluhod at pagsamba sa mga LARAWAN eh, pero ang masasabi ko lang, kahit na magtagumpay pa siya at humantong man ito na maging DESISYON ng IGLESIA KATOLIKA halimbawa lang na alisin na ang mga LARAWAN, ay hindi pa rin mangyayari na maituring ito na tunay na RELIHIYON kapatid.

    Dahil maliwanag ang pahayag ng Biblia:

    Apoc 18:4 "At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, MANGAGSILABAS KAYO SA KANIYA, BAYAN KO, UPANG HUWAG KAYONG MANGARAMAY SA KANIYANG MGA KASALANAN, AT HUWAG KAYONG MAGSITANGGAP NG KANIYANG MGA SALOT:"

    Hindi sapat na ikondena niya lang ang mga LARAWAN. Ito ang dapat niyang gawin ang LUMABAS o IWANANAN niya ANG IGLESIA KATOLIKA dahil ito ang utos ng Diyos, at pumasok siya sa tunay na Iglesia - ANG IGLESIA NI CRISTO, gaya ng ginawa ng ibang mga Pari at mga Madre na kapatid na natin ngayon.

    ReplyDelete
  3. Yung sinasabi ko po sa inyo na pari ay si FR.ARCHIE GUIRIBA,OFM Spiritual Director/Adviser ng SHALOM MINISTRIES INTERNATIONAL isang Catholic Charistmatic Community sa isa pong interview sa kanya ng programang 700 Club Asia tungkol sa mga imahen ng iglesia katolika sabi nya yung pong mga ginagawa ng mga katoliko sa mga imahen ay talagang idolatry ang sabi pa po nya kailangan raw po na magkaroon na ng pagbabago sa loob ng katoliko halimbawa pwede naman raw siguro sa mga simbahan na walang mga imahen dun po sa sinabi nya maraming mga pari na tila nainis sa sinabi nya tungkol sa mga imahen matagal ko na po syang napapanood sa TV sa IBC at RPN at pag napapanood ko sya ay walang mga imahen na naka-display sa misa nya may iba pa po akong idadagdag link na idadagdag ko po sa kanya.

    ReplyDelete
  4. Well, gaya nga ng sinabi na natin, na kahit na alisin pa ng IGLESIA KATOLIKA ang kaniyang mga LARAWAN (Na sa katotohanan ay napakalabong Mangyari), ay hindi pa din ito maaaring ituring na TUNAY NA RELIHIYON.

    Ang mga PROTESTANTE man ay hindi sumasamba sa mga LARAWAN, pero hindi pa rin maituturing na tunay ang paniniwalang iyan, dahil may mga labag pa rin silang aral at paniniwala na hindi naman sinasang-ayunan ng Biblia.

    Ang paglayo at pag-iwas ng tao sa PAGSAMBA at PAGLUHOD sa mga LARAWAN ay isa lamang sa maraming bagay na dapat gawin ng tao, para maging katanggap-tanggap sa Diyos.

    Kailangan gawin muna ng tao na ganapin ang KALOOBAN ng Ama, para maging karapatdapat [Mateo 7:21], at ito ay ang matipon ang lahat ng mga bagay kay Cristo [Efeso 1:9-10], at ito ay magagawa lamang sa pamamagitan ng pagpasok kay CRISTO bilang pintuan na katumbas ng pagpasok sa KAWAN [Juan 10:9 REV], at ito nga ay ang IGLESIA NI CRISTO [Gawa 20:28, Lamsa]

    Mabuti ang layunin ng Paring iyan, pero hindi pa din sapat, dahil nasa mali at hindi totoong RELIHIYON pa din siya...

    God bless sa iyo kapatid...

    ReplyDelete
    Replies
    1. para po matigil na ang debate eto po ang basahin nyo ang buong katotohana.....

      http://www.thename.ph/

      Delete
    2. Magandang umaga sa ating lahat ayon sa paliwanag nyo ay hindi pa ako kombinsido ngunit ang mga talata ay tama. Kunti lang ang maibahagui ko pero ito ang katotohanan basi sa biblia. Ang tunay na Iglesia na itinatag ng aming panginoong Cristo Jesus ay ang Iglesia katolika at itoy mababasa sa talata (Matthew 16:18-19) 18 At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. 19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipinahintulot mo sa lupa ay ipapahintulot sa langit. Sa dalawang talata na iyon nagpapatunay na Ibinigay kay Apostol Pedro ang isang autoridad na pamahalaan ang Iglesia sa mga Apostolika. Ngayon lalo nating maintindihan kung basahin natin ang talata (Matthew 28:18-20) Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, "ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. 19 kaya humayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng sa Espiritu Santo. (Ayon sa pagkasabi gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Universal, universal in Greek katholikos; in Latin Catholicus;in French catholique and in tagalog version katolika. So yan po ang katunayan na ang Iglesia katolika ay itinatag ng hindi tao kundi ang aming panginoong Cristo Jesus na siyang nagpapako sa Cross upang tayoy matubos. 20 At turuang sumunod sa lahat sa lahat ng ipinag utos ko sa inyo. Tandaan ninyo: akoy laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan. (salamat po)

      Delete
    3. Tama kapatid kaya huwag kang padaya mas higit pa ba silang nakakaalam kesa sa mga aklat natin bakit ayaw nilang makinig sa paliwanag natin kung totoong matuwid ang mga iyan palibhasa mga sulpot ang mga iyan eh

      Delete
  5. Yun nga po eh lagi ko po syang ipinapanalangin eh sa ating panginoon na nawa ay makapasok sya sa na banal na iglesia upang makapagtamo rin sya ng pangakong kaligtasan pagdating ng araw ng paghuhukom GOD BLESS RIN PO SA INYO.

    ReplyDelete
    Replies
    1. brad, kung gusto mo makapasok sa tunay na kawan sa ikapagtatamo mo ng kaligtasan sundin mo ang bible. Roma:16:16 at gawa 20:28 bibliya na mismo ang nag papatunay kaya dika dapat mag alinlangan it is the will of God, nawa ay matawag ka din nya para pumuri at sumamba sa kanya. tnx .

      Delete
    2. para po matigil na ang debate eto po ang basahin nyo ang buong katotohana.....

      http://www.thename.ph/

      Delete
    3. Ang tunay na kawan ay yung itinayo ni Kristo sa Jerusalem hindi sa Pilipinas mali mali ang turo ng oekeng kawan kunwari na yan solohin nyo lang ang parusa sa inyo wagna kayong mandamay

      Delete
  6. May halimbawa po diyan si Ka Arnel. May mag asawa, nagtatalo, Sabi ng babae, nakita kita may kaholding hands ka na ibang babae, sabi ng lalake, ay wala yun, kung magkahawak man kami ng kamay eh para sayo yun.... so ibig bang sabihin kung lumuluhod ang IKAR (Iglesia katolika Apostolika Romana)sa mga rebolto para sa Diyos yun? Malinaw naman po ang nakasaad sa Exodo 20:3-5...

    From: Locale of Salmiyah, Kuwait

    ReplyDelete
  7. Amen!!!... (I'am not a member of government-registered INC... :)

    ReplyDelete
  8. Sa aming mga katoliko, isang masbisang paraan ang pagdarasal, (devotional prayer) dahil dito namin naipapahayag ang pagpapasalamat sa Dios at paghilingi ng mga pangangailangan.

    Isa sa mga utos ng Dios ang magdasal tayo sa kanya. Bakit ang pag-rorosaryo o pagno-Novena ay hindi ginagawa ng INC?

    ReplyDelete
    Replies
    1. kung talagang marunong kang magdasal ito ang unang tanong ko sa iyo kaibigan. . sino ba ang Diyos na hinihilingan at dinadasalan mo? Sinabi ba ng Diyos na kapag mag darasal ang tao sa kaniya ay gagamit ng Rebulto o kaya ay mga rosario? hintayin ko ang reply mo gusto ko biblia gamitin mo wag sarili mo lang na kathang isip...

      Delete
    2. This comment has been removed by the author.

      Delete
    3. Simulan natin kung kanino ibinigay ng Panginoon ang kapangyarihan upang gampanan ang tungkulin ( anomang kalagan sa lupa ay kalagan sa langit anomang talian sa lupa ay talian sa langit)

      Mateo 16:19

      Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.

      Juan 20:22 -23

      At nang masabi niya ito, sila'y hiningahan niya, at sa kanila'y sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo:
      Sinomang inyong patawarin ng mga kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila; sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad.
      (Sila ang mga unang sinugo na dumako sa ibat ibang panig upang gawin ang mga utos ni Kristo at sila ang nagbasbas sa sinomang maging kahalili at tagasunod from the Apostles until this time we have our leaders which is Pope Francis the 266th mula kay Saint Peter
      It was proven in the history and book of traditions.
      (Mula noon may nakatalaga ng mga Paring Kristiyano na gumaganap ng mga tungkulin)

      https://youtu.be/xFIXMM1KWyc

      Mga Hebreo 4:14
      Yaman ngang tayo'y mayroong isang lubhang dakilang saserdote, na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Dios, ay ingatan nating matibay ang ating pagkakilala.

      https://youtu.be/305OOQGc2yY

      Delete
  9. ACTS of Laguna2 March 2012 at 12:10

    Anonymous.... that is man-made tradition, you can pray without holding anything... if you are to communicate using the same words repeatedly, the one you talked to may leave...same with prayer, you don't have to recite, you have to communicate... and whats the use of statues when your eyes closed?... for the people to recognize you praying and not sleeping?.... That's sad....

    May this blog open your eyes and be freed from tradition... :)

    ReplyDelete
  10. Hi to you Mr. ACTS of Laguna - can you quote a specific verse in which Jesus said to use your own words when praying? I do not know of one.

    In fact, when asked "how should we pray?" Jesus gave us the Lord's prayer...He didn't say make it up as you go, or just pray your feelings. He wanted us to pray and taught us specifically the words to say.

    I am not saying that it's wrong to pray your own words with all your heart, only that we were never instructed to do so...

    ReplyDelete
  11. ACTS of Laguna4 March 2012 at 01:58

    You are referring to this right?...
    Matthew 6:9 After this manner therefore pray ye: Our Father which art in heaven, Hallowed be thy name.

    But prior to that, Jesus advise them this..
    Matthew 6:7 But when ye pray, use not VAIN REPETITION, as the heathen do: for they think that they shall be heard for their much speaking.

    >>> Use NOT vain repetition... (no need to expound)

    Think about this.. when you need a specific job, would you pray the Lord's prayer (the way you practice it)?.. Jesus simply put a pattern, and that is to recognize God and His will, ask your urgent need (Give us THIS DAY), acknowledge that you are a sinner and so on...

    Jesus also said this:
    John 14:14 If ye shall ask ANY THING in my name, I will do it.

    >> Does all your urgent need written in the Lord's prayer? Think.
    >> I say that it is just the basic foundation on how to communicate with God.
    .... :)

    ReplyDelete
  12. Thank you Acts of Laguna for stressing a point...

    I would like to share my thoughts on the verse John 14:14.

    Sometimes, in our ignorance, we can pray for specific things that are not really the best for that situation, acknowledges that we don't always know what we should pray for in a given circumstance. There are times when God's love and wisdom withholds the answer we sought. What we can be sure about is that He will withhold no good thing from those who love Him.

    this is well defined in Romans 8:26...good day!

    ReplyDelete
  13. ACTS of Laguna8 March 2012 at 12:51

    Amen to that!!!

    Would like to share also... A prayer that moved God...

    Acts 16:25-33 "And at midnight Paul and Silas prayed, and sang praises unto God: and the prisoners heard them."

    Coupled your prayer with much praises, and sing it with your heart. God knows what we crave for even before we pray, but praises move the heart of God.. Just like King David always do.

    Paul and Silas is at their worse but they forget not to praise God. Why? Because they knew their God.. there is no need to panic.

    As the Bible says:
    Psalms 46:10 "Be still, and know that I am God"

    Their praises shook the place, but it doesn't stop there.. salvation also comes in... (Acts 16:30)

    So, know your God.. praise Him... who knows, message of salvation may come. God knows we need it more than anything else.

    Be blessed.... :)

    ReplyDelete
  14. Maraming maraming sa lamat sa iglesia ni cristo sa pamamagian ng blog na to marami pa ang mas matatanglawan ng katutuhan ang pag iisip ng maraming katoliko

    more power AERIAL CAVALRY... sa lahat ng mga blog na napuntahan ko ito ang pinakamaayos, malinaw at napaka madaling sundan dahil bawat sagot sa mga tuligsa at mga katanungan ukol sa aral ng iglesia ito lang ang nabubukod tanging may kalakip na malinaw na sagot mula sa mga talata sa biblia....MABUHAY PO KAYO

    ReplyDelete
    Replies
    1. Simulan natin kung kanino ibinigay ng Panginoon ang kapangyarihan upang gampanan ang tungkulin ( anomang kalagan sa lupa ay kalagan sa langit anomang talian sa lupa ay talian sa langit)

      Mateo 16:19

      Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.

      Juan 20:22 -23

      At nang masabi niya ito, sila'y hiningahan niya, at sa kanila'y sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo:
      Sinomang inyong patawarin ng mga kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila; sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad.
      (Sila ang mga unang sinugo na dumako sa ibat ibang panig upang gawin ang mga utos ni Kristo at sila ang nagbasbas sa sinomang maging kahalili at tagasunod from the Apostles until this time we have our leaders which is Pope Francis the 266th mula kay Saint Peter
      It was proven in the history and book of traditions.
      (Mula noon may nakatalaga ng mga Paring Kristiyano na gumaganap ng mga tungkulin)

      https://youtu.be/xFIXMM1KWyc

      Mga Hebreo 4:14
      Yaman ngang tayo'y mayroong isang lubhang dakilang saserdote, na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Dios, ay ingatan nating matibay ang ating pagkakilala.

      https://youtu.be/305OOQGc2yY

      Delete
  15. ano reaction ng INC sa aral na sinasabi sa link na ito:

    http://www.youtube.com/watch?v=p5InYDbknfU&feature=related

    ReplyDelete
  16. i dont understand why this site is nagging against catholicism. didnt god taught us to love one another not bashing each others mistake.

    ReplyDelete
  17. kami pong INC, isang kaibigang anonymous, ay sumusunod sa utos ng Diyos..



    Judas 1:23 “At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy; at ang iba'y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman.”

    Ang isang tao na nasa katotohanan ay may pananagutan na dapat gawin, kailangan niyang iligtas ang kaniyang kapuwa at agawin sa apoy, ang apoy na tinutukoy ay ang kaparusahang walang hanggan na ito ay ang dagatdagatang apoy na siyang ikalawang kamatayan:

    Apocalypsis 20:14 “At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.”

    ReplyDelete
  18. ka aerial, pwede ka po b mag post regarding sabbath day and anu ang araw ng pagsamba n itinakda? salamt po!

    ReplyDelete
  19. Self righteous!!! You don't need comparing faith from one to another, for God knows every heart of anyone. Everybody knows Jesus, do not argue nor destuct anyone who raises and lifted the Name of the Lord in any othe way. If other people who who boast his own self thus we cannot stop-then how are we to destroy the tiniest that can prase His holy Nam??? INC's why do we need o GLORIYFY AND MAGNIFY HIS NAME though God himself says, " do not worship other" I know you all do not belive in Jesus' divinity. Although the bible itself say so.

    ReplyDelete
  20. Anonymous,

    Define first what self-righteous is before you write something about it. You might have misunderstood the term as far as knowing the truth is concerned.

    In fact you set a good example yourself of what I am saying. You said that we do not believe in Jesus' divinity though you believe the Bible itself says so. Hence, if we negate your statement and prove to you that such belief is ALIEN to the Bible..then we are self-righteous? So what do you want us to do? JUST TO IGNORE FALSE BELIEFS SUCH AS CHRIST'S DIVINITY and LET ITS FOLLOWERS TO FALL INTO CONDEMNATION? Is this what you mean of being SELF-RIGHTEOUS?

    Hear this:

    "I have not kept the news of salvation to myself; I have always spoken of your faithfulness and help. In the assembly of all your people I have not been silent about your loyalty and constant love." [Psalms 40:10 Good News Bible]

    Was King David in singing this...self-righteous?

    Awaiting your reply,

    --BEE

    ReplyDelete
    Replies
    1. may kanya kanya po tayong paniniwala maaaring tama and inc maari ring tama katoliko,diyos lamang po ang makakapagsasabi kung ano ba tlga ang katotohan,dahil wala pa kayo sa panahong nakasulat sa biblia,dahil jan kau bumabase di po ba?ok
      wag kaung magdebatihan iisa lang ang diyos un ay nasa puso natin.manalangin ka lang sa kanya at magtiwala.

      Delete
    2. Mali ka po. Kaya nga ipinasulat ng Dios sa biblia ang mga katotohanan para maging basehan ng tao kung ano ang tama at kung ano ang kautusan ng Dios na dapat sundin ng tao. Ang pagsamba sa larawan ay labag at paparusahan ng Dios na pinatunayan nman ng biblia, kung marunong kang umunawa at bukas puso at isip mo, makikita at maiintindihan mo ang kamaliang ginagawa ng mga Katoliko. Wag po opinyon mo ang iyong ipahayag, maling mali yan.

      Delete
  21. sa tingin mo po ba naparusahan na kaya ng diyos ang sumasamba sa mga larawan?naparusahan na kaya ang buong katoliko?

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa tingin ko ilan sa katoliko napaprusahan na

      halimbawa: sumama ka sa prosisyon ng nasareno o ung rebulto at may larawan ni jesus, alam namn natin na karamihan sa mga sumasamba d2 ay ung mga may karamdaman sa katawan
      paano nalang kung ung tao na may HIV e nasugatan ng babasagin o matalim na pako ng di inaasahan at nasugatan sa sobrang gitgitan ,pagkatapos na tusok ang isang 19 anyos na binata ano nalang ang mangyayari sa kanya, DIBA KABILINBILINAN SA BIBLIYA NA WAG NA WAG KANG SASAMBA SA MGA REBULTO O LARAWAN kapag di mo sinunod ung biblya malamang mapaparusahan ka ang sasabihin nalang sa iyo ng diyos ama , DIBA KABILIN BILINAN KO NA WAG KANG SASAMBA SA MGA LARAWAN AT REBULTO YAN TULOY ANG NAPALA MO.....

      Delete
    2. dapat lang na tayo ay sumunod sa aral ng diyos para makaligtas tau di naman magkakasakit ung taong yan kung makikinig lang sya sa utos ng diyos ama

      Delete
    3. its not about religion its about faith so wag kayong makialam sa paniniwala nang iba hindi dapat pag dibatihan ang bibliya sa sarili lang nating interpretasyon ang mabuti my Diyos tayo saating puso sapat na yon.

      Delete
  22. https://www.facebook.com/OpenDebateIglesiaNiCristoVsCatholic

    ReplyDelete
  23. Nagtataka lang ako sa mga Iglesya. dinidiktahan ba kau ng Iglesya Katolika ang sumamba sa dios diosan at bakit klngan png turuan sila? kakahiya lang peru cguro alam niyo ang limitasyon niyo na kung ayaaw mo pakialaman ka wag mo rin sila pakialaman din. matuto kau sa tamang landas na makatao.

    ReplyDelete
  24. http://www.ccel.org/ccel/damascus/icons.pdf

    ReplyDelete
  25. ayan nga anonymous june 8
    ang sinasabi ng biblia sa isaias 44:9
    na mismong bibliang katoliko ang gamit
    "walang kwentang tao ang gumagawa at sumasamba sa rebulto"
    sa po nakatulong ang hamon naming mga iglesia ni cristo ay hindi magdikta bagkus ilantad ang mga katotohanang hindi nilantad ng mga pari maging ng crdinal,papa sa roma....kay ang tanong ko sa mga katoliko
    maymababasa ba sa biblia na maaaring sumamba o lumuhod sa mga larawan? brad. biblia ang gusto ko ndi opinion mo'''

    ReplyDelete
    Replies
    1. para po matigil na ang debate eto po ang basahin nyo ang buong katotohana.....

      http://www.thename.ph/

      Delete
  26. Ang Paglindol ng 7.2 Manitude sa Visayas ay isang pahiwatig lang na ang DIYOS ay talagang NASUSUKLAM sa mga REBULTO bakit? Pansin nyo ba? ilang SIMABAHAN ang GUMUHO at Nasira sa VISAYAS? Hindi ba kayo nag tataka? bakit puro Simbahan at halos ay talagang IGUHO na nya ang mga iyan.. Sinyales napo iyan na ang TAO dapat ng magising sa KATOTOHANAN magsuri napo kayo kung ano ang TAMA at ITAKWIL nyo na ang MALI at BALUKTOT ninyong paniniwala at KINAGISNAN sana po ay mabuksan na inyong isipan...

    ReplyDelete
  27. "Anong meron kayong suliranin? Kayo ba'y biniyaya ng Dios? Buhay kayo, masigla kayo, payapa kayo, ligtas kayo sa lahat ng bagabag, sa lahat ng sakuna, ligtas kayo sa karamdaman, ligtas kayo sa lahat ng kapighatian, mga dalamhati at kaapihan? Kanino niyo pasasalamatan? Lalapit ba kayo sa isang Santo? Mga NILIKHA! Hindi niyo ba nalalaman na ang bumuhay sa inyo ay ang Dios? " - FYM

    ReplyDelete
  28. Sa totoo lang kahit catholic ang buong angkan namin, de tlga ako sumasamba sa mga rebolto at kong ano ano pang mga dios diosan, dati nong maliit pa ako lage ako sumasama sa mga prosisyon, at yong denadasalan ang birhen sa bahay bahay, kc wala pa akong ka muwang muwang noon, pero nong ng aral na ako sa elementary , marunong na ako mg basa,libangan ko ang bibliya kapag walang pasok,may bibliya sa bahay premyo daw un ng papa ko sa team nila sila kc nanalo sa basketball sa fiesta,pero cya humawak wala din kc hilig sa bibliya mga team nya. Kya yon lage ko libangan nalilibang ako kapag binabasa ko mga story doon. Wala pa kc uso tv dati. Basta knyax2 nalang mg laro mga kabataan, e ako de ako mahilig sa pakikipag laro, kya nasa bahay lang ako, dati kc sabi ng mga katikista. Kaya daw ibax2 ang paniniwala sa mga relihiyon, dahil ibax2 daw ang bibliya, ibax2 rin daw naka sulat bawat relihiyon.ilang beses kc ako nakapasok sa simbahan ng ibang relihiyon nong maliit pa ako. Nakikinig ako sa mga senasabi ng pastor nila. Sabi huwag na huwag daw sasamba sa mga dios diosan o ano mang imahe .kaya ng tataka ako, e kong ganun pala bakit ang simbahang katoliko eh baliktad gngwa nila hinahalikan, luluhuran nila may umiiyak pa.kaya ng kataon my kamag anak ako na katikista tinanong ko talaga syempre bata pa ako noon kya wala sa isip ko ssabihin ng aunte ko. Un nga sabi dahil daw ibax2 ang bibliya, kya iba rin naka sulat.. Kya wala na sa isip ko un. Un na rin pinaniwalaan ko. Na un talaga dahil nga mg ka iba ng relihiyon. Kya iba ang aklat o bibliya. Kya cguro sinasamba nila kc un din naka lagay sa bibliya ng katolika.pero nagulat nalang ako. Sa patuloy kong pag babasa ng bibliya ni papa. Nandoon nakalagay bawal sambahin ang mga dios diosan. Eh syempre dahil deko tlga ano iisipin ko noon meron nman pala naka lagay na bawal sambahin ang mga dios diosan.e bakit iba gngwa ng katolika. Kya tinatanong ko si papa,.sabi ko pa, ito bang bibliya nyo sa team ng basketball na premyo nyo dati. Eh hindi katoliko na bibliya. Kaya ng tataka si papa bakit daw. Sabi nya syempre katoliko sponsor daw un sa pari. Premyo sa mananalo sa baskwtball sa fiesta. Kya doon ko kinukulit si papa tungkol sa dios diosan. Nagulat din si papa kc de rin cya ng babasa ng bibliya, nag sisimba naman kami lage dati nong maliit pa ako pero wala kami narinig na binasa sa simbahan namin na bawal mg samba ng dios diosan. Kya simula noon ng umpisa na si papa mg basa ng bibliya dena rin cya masyado ummaatend sa mga activities sa simbahan.hanggang naisipan nyang manghiram ng bibliya sa ibang relihiyon. Doon nya nabasa lahat pati ako.na bawal talaga ang pagsamba sa mga dios diosan nasa bibliya yan ng katoliko. Pero bakit de maturo ng mga pari na bagohin ang mga naka sanayan, nila, na sana kahit ng kamali eh itama ung mga pag kakamali na paniniwala.at humingi ng tawad sa dios. Kami ng kamag anak ko. Dena kami ng sismba. Dena man kami ng palit ng relihiyon, basta alam namin ng dadasal kami sa bahay lang walang rebolto o ano paman.. Arawx2 bago matulog at pag gising sa umaga walang kataposang pag hingi ng tawad sa dios sa mga naging pag kakamali at sa mga mali pang maggwa. Sana naman maging malawak ang pang unawa ng ibang mga katoliko na, tigilan na rin nila ang pag samba ng mga rebolto na yan at dios diosan. Pwede naman hindi mg palit ng relihiyon. O de kya ung tao nalang kusa kikilos at mg pa tunay na hndi na cya mg samba sa mga dios diosan.cguro naman kong wala ng tumangkilik sa mga rebolto at birhen na yan. Titigil na yang mga pari sa mga hindi naayon. Hirap kc parang ginwa na rin nilang negosyo. Patwarin sana ng dios. Naway maging maliwanagan ang lahat ng katolika. Amen..god blesss sa lahat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama po yan laking pasasalamat ko sa mga kapwa nagbabahagi na bawal humawak ng rebulto, bawal sambahin at bawal yukuran,dahil sa pagbahagi nila ng mensahe na yun ay nagising ako na bawal yun dati humahalik kami at yumuyukod sa rebulto

      Higit na nakakatakot ay pati anak at apo ay parurusahan ng Dios ang humawak, humalik,sumamba sa rebulto o dios diosan.

      Dahil doon nagising ako dahil ayaw kong pati anak ko ay mahulog sa dagat dagatang apoy pag ipinagpatuloy ko ang pagsamba sa imahen at rebulto

      Delete
  29. Tungkol sa Sabath o pagpupuri o pagsamba sa Diyos AMA sa araw ng sabado. bakit may ibang araw na nakatalaga sa pagsamba sa panahon ngayon?

    ReplyDelete
  30. Dati ang araw ng banal na pamahinga ay sa araw ng sabado sa old testament na Ibinigay ni yaweh kay moises pero naea ang bisa noon ng natupad ang prophecy ng mga Propita na ang isang dalaga ay isilang ang anak ng Diyos sa pamagitan ng spiritu Santo. Na kung saan ang sangqgol na iyon ay tatawaging Emmnuel ay magbata at ipako sa krus at mamatay at loob ng tatlong araw at tatlong gabi siya ay Mabuhay na mag uli sa ng linggo. Ang pagkabuhay na mag uli ay mabisa kisa Sabbath day, sa kadahilan napagtagumpayan ni Cristo jesus ang pinaka sentro ng kanyang pagparito sa san libutan, sa pamagitan ng kamatayan nagapi ang Espiritu ng kadiliman at tayong nanampalataya kay Cristo Jesus ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.

    ReplyDelete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network