Saturday, 24 November 2012

Nagkamali nga ba si Jonas?

Si Propeta Jonas matapos siyang iluwa
ng malaking isda

   UPANG mabigyan ng KATUWIRAN ng ating mga Kaibigang SAKSI NI JEHOVA, ang hindi maipagkakailang mga PAGKAKAMALI ng kanilang mga TAGAPANGARAL sa NAKARAAN na diumano’y, INAMIN at ITINUWID na daw ay gumagamit sila ng TALATA sa BIBLIA upang Palitawin na ang PANGYAYARING ito ay NANGYARI din daw sa MGA UNANG TAO ng DIYOS na binabanggit sa Biblia.

At isa sa PABORITO nilang gamiting Halimbawa ay ang Nangyari kay JONAS.

Ayon sa kanila NAGKAMALI din daw si JONAS dahil ang SINABI niya sa NINIVE ay hindi rin daw NAGKATOTOO. Matatawag daw ba siyang BULAANG PROPETA?

Ngunit bago natin puntahan ang sinasabing pangyayari ay atin munang alamin mula sa Biblia papaano ba makikilala ang mga BULAANG PROPETA?

Narito ang SAGOT ng PANGINOONG DIYOS mismo:

Ezekiel 13:6  “Sila'y nangakakita ng walang kabuluhan, at SINUNGALING NA PANGHUHULA, na nagsasabi, Sabi ng Panginoon; at HINDI SILA SINUGO NG PANGINOON; at kanilang PINAASA ANG MGA TAO NA ANG SALITA AY MAGIGING TOTOO.”

Ezekiel 13:7  “Hindi baga kayo nakakita ng walang kabuluhang pangitain, at hindi BAGA KAYO NAGSALITA NG KASINUNGALINGANG PANGHUHULA, sa inyong pagsasabi, SABI NG PANGINOON; YAMANG HINDI KO SINALITA?”

Ezekiel 13:8  “Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't kayo'y nangagsasalita ng walang kabuluhan, at nangakakita ng mga kasinungalingan, kaya't, narito, AKO'Y LABAN SA INYO, SABI NG PANGINOONG DIOS.”

Base sa TALATANG iyan narito ang “CRITERIA FOR JUDGING” para malaman kung ang isang tao ay BULAANG PROPETA:

1)     “HINDI SILA SINUGO NG PANGINOON”, - Samakatuwid hindi sila talaga inihalal ng Diyos bilang SUGO wala silang PATOTOO mula sa Biblia ng kanilang pagiging TUNAY na SUGO ng DIYOS, ito ay mga taong nag-aankin lamang.

2)     “SA INYONG PAGSASABI, SABI NG PANGINOON; YAMANG HINDI KO SINALITA?”- Ang mga taong ito ay nagsasabi ng bagay na mangyayari sa hinaharap o nanghuhula pero ang kanilang sinasabi hindi naman talaga sinabi ng Diyos, o hindi naman talaga mula sa SALITA NG DIYOS na nasa BIBLIA. Pero sinasabi nila na ito ay sinabi ng Diyos na batay daw sa BIBLIA.

3)     “PINAAASA ANG MGA TAO NA ANG SALITA AY MAGIGING TOTOO.” – Sinasabi sa mga tao na ang kanilang sinabi ay may katiyakang mangyayari o magaganap.

Kung TAGLAY ng isang TAO ang mga nasabing KATANGIAN, ay matitiyak natin na siya ay BULAANG PROPETA na KAAWAY NG DIYOS.

Gamitin natin ang CRITERIA na ito kay JONAS, at tingnan natin kung maaari nga ba natin siyang ituring na BULAANG PROPETA?

Narito ang pangyayaring ginagamit ng mga SAKSI bilang batayan na diumano’y pagkakamali ni JONAS:

Nagsalita ang PANGINOONG DIYOS kay JONAS, at Siya’y ISINUGO sa NINIVE:

Jonas 1:1-2  “ANG SALITA NGA NG PANGINOON AY DUMATING KAY JONAS na anak ni Amittai, na nagsasabi, BUMANGON KA, PUMAROON KA SA NINIVE, sa malaking bayang yaon, at HUMIYAW KA LABAN DOON; sapagka't ANG KANILANG KASAMAAN AY UMABOT SA HARAP KO.

Klaro sa TALATA, Dumating ang SALITA NG DIYOS kay JONAS, at klaro din na ISINUGO siya ng DIYOS papuntang NINIVE. Kaya maliwanag na si JONAS ay TUNAY NA SUGO ng DIYOS, isa sa paraan ng Diyos ng PAGSUSUGO ay iyong DIREKTANG PAGSUSUGO, dahil kinakausap po noon ng Diyos ng tuwiran ang mga Lingkod niya.

Ngunit si Jonas imbes na sumunod ay tumakas papuntang Tarsis, subalit habang nasa paglalakbay ay inabot sila ng unos sa dagat, at naalala ni Jonas ang kaniyang tinakasang tungkulin, kaya sinabi niyang siya’y ihagis sa dagat, at siya’y nilinok ng isang malaking Isda. Nagsisi si Jonas habang nasa loob ng isda at dininig ng Diyos ang kaniyang pagtawag at siya’y iniluwa ng malaking isda sa tuyong lupa.

Pagkatapos ano ang sumunod na nangyari?

Jonas 3:1-4  “At ang SALITA NG PANGINOON AY DUMATING KAY JONAS NA IKALAWA, na nagsasabi, BUMANGON KA, PUMAROON KA SA NINIVE, sa MALAKING BAYANG YAON, AT IPANGARAL MO ANG PANGARAL NA AKING INIUTOS SA IYO. Sa gayo'y bumangon si Jonas, at naparoon sa Ninive, ayon sa salita ng Panginoon. Ang Ninive nga ay totoong malaking bayan, na tatlong araw na lakarin. At pumasok si Jonas sa bayan na may isang araw na gumagala, at SIYA'Y SUMIGAW, AT NAGSASABI, APAT NA PUNG ARAW PA AT ANG NINIVE AY MAWAWASAK.”

Sinabi ni JONAS ang IPINAGUUTOS sa kaniya ng DIYOS. Na sa loob ng APAT NA PUNG ARAW ay MAWAWASAK ANG NINIVE.

Subalit ng marinig ito ng BAYAN NG NINIVE ano ang kanilang naging reaksiyon?

Jonas 3:5  “AT ANG BAYAN NG NINIVE AY SUMAMPALATAYA SA DIOS; at sila'y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila.”

Natakot ang mga mamamayan ng NINIVE at nagsipagsisi at SUMAMPALATAYA sa Diyos, kaya ang naging pasiya ng Diyos ay:

Jonas 3:10  “AT NAKITA NG DIOS ANG KANILANG MGA GAWA, NA SILA'Y NAGSIHIWALAY SA KANILANG MASAMANG LAKAD; AT NAGSISI ANG DIOS SA KASAMAAN, NA KANIYANG SINABING KANIYANG GAGAWIN SA KANILA; AT HINDI NIYA GINAWA.”

Binawi ng Diyos ang kaniyang ipinasiya na makita niya na ang mamamayan ng Ninive ay nagsipagsisi.

Hindi po kailan man makikita sa mga TALATANG iyan na NAGKAMALI si JONAS ng PANGUNAWA tungkol sa sinabi ng DIYOS.

Hindi siya nagpapanggap lamang na SUGO, dahil talagang isinugo siya, at ang sinabi niya sa NINIVE ay talagang ipinagutos ng Diyos na sabihin niya.

Hindi tinupad ng Diyos ang kaniyang sinabing gagawin nang makita niya na ang mga taong kaniyang parurusahan ay nagsipagsisi. At hindi masisisi si JONAS diyan ng sinoman.

WALANG GINAWANG PAGKAKAMALI SI JONAS DIYAN, kundi naipakita pa nga diyan ang kaniyang ginawang pagsunod sa kung ano lamang ang sinasabi sa kaniya ng Diyos.

Kung meron man po siyang NAGAWANG PAGKAKAMALI, ito ay ang kaniyang ginawang pagtakas niya papuntang TARSIS, tinakbuhan niya ang tungkulin na iniatang sa kaniya ng Diyos. Ngunit ito naman po ay kaniyang pinagsisihan.

Si JONAS po ay TUNAY na PROPETA ng Diyos. Dahil siya ay talagang ISINUGO ng DIYOS at ang kaniyang SINABI sa mga TAO ay TALAGANG SINABI ng Diyos. At ang sinabi pong ito ng Diyos ay hindi isang PROPESIYA o HULA na mangyayari sa malayong hinaharap na sinabi sa paraang MATALINGHAGA kundi isang TUWIRANG BABALA para sa mga mamamayan ng Ninive.


Ngayon ating gamitin ang ating CRITERIA FOR JUDGING sa TAGAPANGARAL at naging IKALAWANG PANGULO ng mga SAKSI ni JEHOVA na si FRANKLIN RUTHERFORD.

Si JOSEPH FRANKLIN RUTHERFORD ang
2nd President ng WATCHTOWER SOCIETY
Ano ba ang kaniyang sinabi na mangyayari?

"Therefore WE MAY CONFIDENTLY EXPECT THAT 1925 WILL MARK THE RETURN OF ABRAHAM, ISAAC, JACOB AND THE FAITHFUL PROPHETS OF OLD, particularly those named by the Apostle in Hebrews chapter eleven, to the condition of human perfection" (Millions Now Living Will Never Die, pp. 89-90).

Sabi ni RUTHERFORD na sa taong 1925, ay MAGBABALIK o MULING MABUBUHAY sina ABRAHAM, ISAAC, JACOB at ang mga matatapat na PROPETA sa Biblia sa kundisyon ng PERPEKTONG PAGKATAO. At ito raw po ay ang mga binanggit ng mga APOSTOL sa sulat sa mga taga HEBREO Kapitulo 11.

Saan daw po galing ang  petsang 1925?

"THE DATE 1925 IS EVEN MORE DISTINCTLY INDICATED BY SCRIPTURE because IT IS FIXED BY THE LAW GOD GAVE TO ISRAEL" (Watch Tower, 1 September 1922, p. 262).

Batay daw po sa kasulatan na itiunakdaw raw sa KAUTUSANG ibinigay ng Diyos sa ISRAEL.

Samakatuwid: SA DIYOS GALING ANG PETSANG 1925.

Kahit po ating basahin ng paulit-ulit ang Hebreo 11, wala po tayong mababasa doon na muli silang mabubuhay bago ang itinakdang pagkabuhay na maguli ng mga patay na binabanggit sa aklat ni JOB:

Job 14:12  “GAYON ANG TAO AY NABUBUWAL AT HINDI NA BUMABANGON: HANGGANG SA ANG LANGIT AY MAWALA, SILA'Y HINDI MAGSISIBANGON, NI MANGAGIGISING MAN SA KANILANG PAGKAKATULOG.”

Wala po ni isa man sa mga namatay kabilang ang mga PROPETA at mga PATRIARKA ng Biblia ang muling babangon bago ang itinakdang MULING PAGKABUHAY na MAGULI sa mga PATAY, at ito ay sa panahong sinsabi sa Biblia na:

“HANGGANG SA ANG LANGIT AY MAWALA”

Diyan pa lamang muling babangon ang mga namatay sa panahong ANG LANGIT AY MAWAWALA o LILIPAS sabi nga sa ibang salin ng Biblia.

Paano ba lilipas ang LANGIT at kailan ito?

2 Pedro 3:10  “Datapuwa't darating ang ARAW NG PANGINOON na gaya ng magnanakaw; na ANG SANGKALANGITAN SA ARAW NA IYAN AY MAPAPARAM na kasabay ng malaking ugong, at ANG MGA BAGAY SA LANGIT AY MAPUPUGNAW SA MATINDING INIT, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.”

2 Pedro 3:7  “Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa ARAW NG PAGHUHUKOM AT NG PAGLIPOL SA MGA TAONG MASAMA.”

Sa ARAW pa ng PANGINOON o ARAW NG PAGHUHUKOM magaganap ang MULING PAGBANGON ng mga NAMATAY. Malinaw na naipakita iyan sa Biblia.

Kaya maliwanag na ang INIHULANG ito ni RUTHERFORD ay isang KASINUNGALINGANG PANGHUHULA. Dahil alam na alam naman ng mga SAKSI ni JEHOVA na hindi ito NAGKATOTOO, dahil kung nagkatotoo ito nasaan sila ABRAHAM, ISAAC, etc? Puwede ba natin silang makita?

Kaya si RUTHERFORD ay MALINAW na isang BULAANG PROPETA:

1)     Hindi po siya ISINUGO NG DIYOS bilang isang propeta, wala pong maipapakitang kahalalan at PATOTOO na mula sa BIBLIA na si RUTHERFORD ay talagang isinugo ng Diyos ang mga SAKSI ni JEHOVA.

2)     Ang kaniyang sinabing PAGBABALIK na ito nina ABRAHAM, ETC sa taong 1925 ay HINDI MABABASA saan man sa BIBLIA – kaya maliwanag na hindi ang DIYOS ang NAGSALITA nito, at isang panlilinlang sa tao na sabihing sinabi ito ng Diyos mula sa Biblia pero hindi naman talaga niya sinabi.

3)     At pinaasa ang mga tao sa pagsasabing “WE MAY CONFIDENTLY EXPECT”. At hindi naman nagkatotoo ang inihula ni RUTHERFORD.

Maliwanag kung gayon na si RUTHERFORD ay PASADO sa tatlong CRITERIA, isa po siyang BULAANG PROPETA.

At alam niyo po ba na alam ng mga SAKSI kung ano ang ikakikilala sa BULAANG PROPETA?

Basahin natin mula sa kanilang publikasyon:

"To know whether one is a true or a false prophet. If he is a true prophet, his message will come to pass exactly as prophesied. IF HE IS A FALSE PROPHET, HIS PROPHECY WILL FAIL TO COME TO PASS" (Watch Tower, 15 May 1930, p. 154).

"PREDICTED THE END OF THE WORLD EVEN ANNOUNCING A SPECIFIC DATE." They explained "THE `END' DID NOT COME. THEY WERE GUILTY OF FALSE PROPHESYING" (Awake!, October 8, 1968, p. 23)

Kapag daw ang isang tao ay nagbigay ng EKSAKTONG PETSA  na kagaganapan ng kaniyang INIHUHULA, pagkatapos ay  hindi naman nagkatotoo. Ang tao raw pong ito ay ISANG BULAANG PROPETA at NAGKAKASALA ng BULAAN o KASINUNGALINGANG PANGHUHULA.

Oh kayo na sumagot, KAAWAY ba ng DIYOS si RUTHERFORD o Hindi?

Kung KAWAY ng DIYOS, maliligtas kaya siya?

Hebreo 10:27  “KUNDI ISANG KAKILAKILABOT NA PAGHIHINTAY SA PAGHUHUKOM, AT ISANG KABANGISAN NG APOY NA LALAMON SA MGA KAAWAY.”

Klarong-klaro sa Biblia ang kasasapitan ng MGA BULAANG PROPETA na MGA KAAWAY ng DIYOS.

Kaya matatawag mo bang nasa TUNAY kang RELIHIYON kung ang NANGANGARAL sa iyo ay BULAANG PROPETA na itinuturing ng DIYOS na kaniyang kaaway?

Kayo na po ang sumagot.


14 comments:

  1. Welcome Bro Aerial! Indeed, this is another interesting and very informative topic. Ang pagkakahanay ng mga tanong, reference at talata sa bibliya na tunay na pinalutang ang mga bulaang aral ng Jehovah.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kawikaan 4:18 ngunit ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag na sumisilang ng higit at higit sa sakdal sa araw. yong mga apostol nga nagkamali sa kanilang isipan o pakahulogan gawa1:6,7 1 cor 13:9-12.daniel 12:4,8-9.si propitang daniel hindi nya alam na ibang mga bagay,kaya ang mga saksi ni jehova na nangunguna sa pag bigay na pag kain espiritual mapagkumbaba kung may kaibahan na aral na kailangan i wasto sa takdang panahon.hindi gaya ng ibang relihiyon kahit alam nila na mali hindi nila i wasto o etama gaya na turo na si kristo jesus ay tao lamang at nagtuturo na ang pag anib ng iglisya ni cristo o sila lang ang ma liligtas. eh paano yung mga tao na namamatay na wala pa si jesus pumarito sa lupa?gawa24:15 na may pag asa na mabubuhay ang ganap at di ganap.yon turo na ang lahat patungong langit?trinity?imortal na kaluluwa?imperno o dagat dagatang apoy?bakit hindi nyo i wasto ito?

      Delete
    2. baka pinag putol putol nyo ang mga publication namin gaya ng ginawa ni soriano ginamit nya reasoning namin hindi pinakita ang boung laman o article i langtad nyo ang ibedensya?buti nga hindi natuloy yong paghuhukom 1925 kung natuloy yon maraming mga iglisya na hindi maliligtas.

      Delete
    3. Janet - Proud To Be Iglesia Ni Cristo24 September 2013 at 06:57

      mali mali na nga ang aral itinatanggi pa..anu b yan?

      Delete
  2. Try http://pristinesearch.blogspot.com this is not just another INC blog. It is created to give full and correct information about INC. Let us help each other for the propagation of our faith. God bless us all! Please join this site. Your "not just another" brother in Christ, Ges Mun.

    ReplyDelete
  3. Jehovah Witness Defense14 December 2012 at 16:45

    This site (http://defendingjehovahswitnesses.blogspot.com/) refutes false charges made against Jehovah's Witnesses. (1 Pet. 3:15) Find what you are looking for by using the highlighted links below or by using specific words in the search boxes below.

    ReplyDelete
  4. Hindi ko maintindihan kung saan patungo ang usapan dito. Ang tanong lang naman: "Nagkamali nga ba si Jonas?" Pero, bakit napunta ang usapan tungkol sa mga huwad na propeta o sugo? At may gana pang ungkatin ang mga kapahayagan noon ni Joseph Rutherford. Nagkakaroon tuloy ng kalituhan kung saan nga patungkol ang mga impormasyon dito. Kung sasagutin ang mismong tanong, basahin ang sagot ng Bantayan, pangunahing magasin ng mga Saksi ni Jehova: (Ang Bantayan, Enero 1, 2009, pp. 25-29)


    BASAHIN ONLINE:
    http://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/2009009


    Ano ngayon itong sinasabi niya?

    "WALANG GINAWANG PAGKAKAMALI SI JONAS DIYAN, kundi naipakita pa nga diyan ang kaniyang ginawang pagsunod sa kung ano lamang ang sinasabi sa kaniya ng Diyos."

    "Kung meron man po siyang NAGAWANG PAGKAKAMALI, ito ay ang kaniyang ginawang pagtakas niya papuntang TARSIS, tinakbuhan niya ang tungkulin na iniatang sa kaniya ng Diyos. Ngunit ito naman po ay kaniyang pinagsisihan."

    MAY GINAWA BA TALAGANG PAGKAKAMALI SI JONAS O WALA? Maliwanag na meron dahil sinuway niya ang utos ng Diyos na pumuntan ng Nineve. Pero matapos ang kaniyang karanasan sa isang maunos na dagat, pagkahagis dito, at pananatili sa loob ng malaking isda, natuto siya ng aral ng pagkamasunurin sa utos ng Diyos. Sumunod agad si Jonas nang ulitin ng Diyos ang Kaniyang naunang utos sa magtungo sa Nineve.

    Kung susuriin, malinaw sa mga Saksi ni Jehova na NAGKAMALI NGA si Jonas. Pero hindi sinabi ng mga Saksi na BULAANG PROPETA si Jonas. Ang naging pagkakamali ni Jonas ay hindi kinuwestiyon ng mga Saksi ni Jehova. Yamang ang kaniyang kuwento ay nakasulat sa isang aklat ng Bibliya, na nagtataglay ng kaniyang pangalan, mananatili siyang isang tapat ng propeta ng tunay na Diyos at isang mahusay na halimbawa ng kapakumbabaan, pagkamasunurin, at matibay na pananampalataya.

    Sana'y itigil na ni Aerial ang pagbansag sa mga Saksi ni Jehova bilang BULAANG PROPETA, dahil hindi naman mga propeta ang mga Saksi ni Jehova. Nagsimula sila bilang mga Estudyante ng Bibliya hanggang sa maging Saksi ni Jehova nang malaman nilang kailangan nilang MAGPATOTOO o SUMAKSI sa mga katotohanan ng Bibliya kanilang pinag-aaralan. Masyado ninyong hinuhusgaan ang mga pagkakamali ng mga Saksi, kaya hindi nakikita ng mga masugid na naghahanap ng katotohanan na hangad lamang ng mga taong ito na umalinsabay na lumiliwanag na pagkaunawa sa Salita ng Diyos. Bakit mo isasambulat ang mga nakaraang pagkakamali para matambakan ang kasalakuyang katotohanan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. @akiyahere

      true ! Sa tagal ko na nagbbsa ng Site na to , kala ko makakakuha ako ng kaalaman coz im catholic pero ma pnpgulo pa ng mga INC ang mga pnopost nila , kaya nhhrapan ako maintndhan , tumpak nyo naman yung sagot nppncn ko kc puro lang kayo patama sa ibang relihiyon . pero ang mga SAKSI NI JEHOVA ay sa bible tlga kumukuha ng mga sgot ! At yun ang tama dhil d cla umaasa sa srili lamang nila pangunawa !
      Now i know . Nauunwaan ko na tlga .d din tayo dapat sumba sa Tao lang pari felix manalo n cnsbi nyo d ko dn kilala , pano po sya ngng Sugo ? Waaaah sakdal ba sya ???? Please read the bible first

      Delete
    2. Isang magandang pagsusuri ang ginawa ni Brod. Aerial, kasi naipakita ng napakaliwanag ang PAGKAKAIBA ng PAGKAKAMALI ni JONAS at ni RUTHERFORD. Na natural hindi makikita ng mga BULAG at MAKIKITID ang pag-iisip.

      Ang kay JONAS, talagang sinalita ng Diyos ang sinabi niya sa mga tao na gugunawin ang NINIVE, at nang hindi ito matupad, ang DIYOS din ang nagsabi kung bakit.

      Si JONAS ay TUNAY NA SUGO ng DIYOS. ang tanging pagkakamali niya ay ang pagtanggi niya nung UNA na pumunta sa NINIVE.

      Kung si JONAS ay nagbigay ng MALING INTERPRETASYON sa sinabi ng DIYOS at sinabi niya na ito ay MULA sa DIYOS, at hindi ito nagkatotoo, diyan mapapatunayan na BULAANG PROPETA si JONAS.

      Maliwanag namang sinabi ng AKLAT ng mga SAKSI na:

      "To know whether one is a true or a false prophet. If he is a true prophet, his message will come to pass exactly as prophesied. IF HE IS A FALSE PROPHET, HIS PROPHECY WILL FAIL TO COME TO PASS" (Watch Tower, 15 May 1930, p. 154).

      Tinatanggap namin na TUMPAK ang pagkakasabi diyan, kasi hindi naman talaga mula sa DIYOS ang 1925 na pagbabalik nina ABRAHAM, ISAAC, etc. Ito ay bunga ng MALING INTERPRETASYON at HAKAHAKA. Kaya hindi ito nangyari ay sapagkat hindi talagang sinabi ng Diyos at hindi SUGO ng DIYOS si RUTHERFORD.

      Si JONAS at RUTHERFORD at iba pang MANGANGARAL sa SAKSI na nakagawa ng PAGKAKAMALI ay magkaibang-magkaiba. Kaya ang paggamit nila kay JONAS bilang pagtatanggol sa kanilang PAGKAKAMALI na nagdulot ng KAHIHIYAN sa kanilang samahan ay isa lamang PAGPAPALUSOT at BALUKTOT na PANGANGATUWIRAN...

      Delete
  5. Matanong ko lang ang mga Saksi ni Jehova:

    Sa Biblia ba may mababasa ka na Lingkod ng Diyos na nagbigay ng interpretasyon sa Hula na sinabi ng Diyos pagkatapos ay hindi nagkatotoo, tapos nagbigay uli ng pangalawang interpretasyon pagkatapos hindi nagkatotoo, pagkatapos iyong pumalit sa kaniya ganun din ang ginawa, humula rin ng hindi nagkatotoo?

    May Lingkod ba ang Diyos na ganiyan sa Biblia? Kung meron, iyun dapat ang inyong gawing reference kasi ganiyan ang mga Mangangaral ninyo eh. Tsaka pa lang kami makukumbinsi na talagang may katulad ang mga Mangangaral ninyo sa Biblia, lalo na si Russel at si Rutherford.

    ReplyDelete
  6. Sabi ni Saksing Anonymous:

    “Sana'y itigil na ni Aerial ang pagbansag sa mga Saksi ni Jehova bilang BULAANG PROPETA, dahil hindi naman mga propeta ang mga Saksi ni Jehova.”

    Hindi ka kailangang maging PROPETA para matawag na BULAANG PROPETA, kasi ang ibig sabihin ng salitang BULAAN ay PEKE o HINDI TOTOO.

    Kaya malinaw kong pinapapatunayan na HINDI KAYO TOTOONG PROPETA = BULAANG PROPETA

    Sa pagsasabi mo na hindi naman kayo mga PROPETA, lalo lang kayo mababaon, lumalabas ngayon sa pagsasabi mong iyan, NA WALA KAYONG KARAPATANG HUMULA, eh bakit humuhula kayo? Hindi naman pala kayo PROPETA.

    Eto ngayon ang maganda, TOTOO kaya na hindi kayo nagpakilalang PROPETA?

    Tunghayan at basahin natin ang sagot sa inyong publikasyon mismo, siguro di mo ito nabasa:

    “THEY SHALL KNOW THAT A PROPHET WAS AMONG THEM" "A third way of coming to know Jehovah God is through his representatives. In ancient times he sent prophets as his special messengers. WHILE THESE MEN FORETOLD THINGS TO COME, THEY ALSO SERVED THE PEOPLE BY TELLING THEM OF GOD'S WILL FOR THEM AT THAT TIME, OFTEN ALSO WARNING THEM OF DANGERS AND CALAMITIES. People today can view the creative works. They have at hand the Bible, but it is little read or understood. so, DOES JEHOVAH HAVE A PROPHET TO HELP THEM, TO WARN THEM OF DANGERS AND TO DECLARE THINGS TO COME?”

    “However, Jehovah did not let the people of Christendom, as led by the clergy, go without being warned that the League was a counterfeit substitute for the real kingdom of God. HE HAD A 'PROPHET' TO WARN THEM. THIS 'PROPHET' WAS NOT ONE MAN, BUT WAS A BODY OF MEN AND WOMEN. IT WAS THE SMALL GROUP OF FOOTSTEP FOLLOWERS OF JESUS CHRIST, KNOWN AT THAT TIME AS INTERNATIONAL BIBLE STUDENTS. TODAY THEY ARE KNOWN AS JEHOVAH'S CHRISTIAN WITNESSES."(Watchtower April 1, 1972 p. 197)


    Pansinin ang tanong:

    “DOES JEHOVAH HAVE A PROPHET TO HELP THEM, TO WARN THEM OF DANGERS AND TO DECLARE THINGS TO COME?”

    At ang isinagot:

    “HE HAD A 'PROPHET' TO WARN THEM. THIS 'PROPHET' WAS NOT ONE MAN, BUT WAS A BODY OF MEN AND WOMEN. IT WAS THE SMALL GROUP OF FOOTSTEP FOLLOWERS OF JESUS CHRIST, KNOWN AT THAT TIME AS INTERNATIONAL BIBLE STUDENTS. TODAY THEY ARE KNOWN AS JEHOVAH'S CHRISTIAN WITNESSES."

    Mayroon daw PROPETA si JEHOVA ngayon na ang TUNGKULIN ay MAGBIGAY BABALA at MAGHAYAG ng mga BAGAY NA MANGYAYARI sa HINAHARAP, at ito raw ay hindi ISANG TAO lang kundi ang KABUOAN ng mga LALAKE at BABAE na noon ay INTERNATIONAL BIBLE STUDENTS, na ngayon ay kilala sa tawag na MGA SAKSI NI JEHOVA.

    Oh hindi ka ba natutuwa na ipinakilala ng inyong PUBLIKASYON na ang KABUOAN ng mga kaanib BABAE man o LALAKE sa SAKSI ni JEHOVA ay PROPETA?

    Kaya ikaw man ANONYMOUS ay PROPETA, Congratulations!!!…at handa rin akong suriin kung TUNAY ka o HINDI kung bibigyan mo ko ng CHANCE hehehehe.

    Bakit ko sinabing BULAANG PROPETA?

    Kasi hindi nagkatotoo ang mga inihuhula ninyo ng paulit-ulit, kaya HINDI KAYO TUNAY NA PROPETA o sa ibang salita - BULAANG PROPETA.

    Huwag kang masasaktan, ganiyan talaga kung magkaminsan, ang katotohanan ay MASAKIT TANGGAPIN.

    ReplyDelete
  7. im jw shyllacsjw and maricel lacuna is same person. hello im back!!!!

    bantayan 2013/1/1 p.4-6

    Nagkamali na ba ang mga saksi ni Jehova sa pagbibigay ng mga petsa hinggil sa katapusan?

    nagkamali na ang mga saksi ni jehova sa pagkaunawa kung kailan darating ang katapusan.tulad ng mga alagad ni jesus noong unang siglo,umasa kaming matutupad sa isang partikular na panahon ang ilang hula pero hindi pala iyon ng talaorasan ng Diyos.
    lucas 19:11, gawa 1:6, 2 tesalonica 2:1,2 .sumasang -ayon kami sa sinabi ng isang matagal nang saksing si A.H.Macmillan:"natutuhan kong dapat nating aminin ang ating mga pagkakamali at patuloy na magsiyasat sa salita ng Diyos upang magkaroon ng higit na kaliwanagan"

    kung gayon,bakit patuloy pa rin kaming nangangaral na malapit na ang katapusan?dahil sineseryoso namin ang sinabi ni jesus:Manatili kayong mapagmasid,manatiling gising.kung matutulog kami, tiyak na hindi matutuwa sa amin si jesus.marcos 13:33,36 Bakit?


    isipin ito:isang lifeguard ang nakakita ng isang taong tila nalulunod sa dagat,pero nang languyin niya ito,nalaman niyang nagkamali lang pala siya ng akala.gayunman,ang pagiging alerto niya ay puwedeng makapagligtas ng buhay sa ibang pagkakataon.

    sa katulad na paraan,nagkamali kami sa ilang inaasahan namin tungkol sa katapusan.pero mas mahalaga sa amin ang pagsunod kay jesus at pagliligtas ng buhay kaysa sa pag-iwas sa mga batikos.ang utos ni jesus na lubusang magpatotoo ang nagpapakilos sa amin na babalaan ang iba tungkol sa katapusan_gawa 10:42

    sa halip na magpokus sa pag-alam kung kailan darating ang katapusan,naniniwala kaming mas mahalagang magtiwala kami na darating ito,at dapat naming ipakita ang pagtitiwalang iyon sa aming gawa.isinasapuso namin ang sinasabi sa habakuk 2:3 kung ang kataposan man ay magluwat kaysa sa inaasahan mo,patuloy mong hintayin iyon:sapagkat iyon ay walang pagsalang magkakatotoo.hindi iyon maaantala."

    ReplyDelete
  8. ehh bakit kayo hindi pa naka move on sa doktrina yong maling mali? si jesus tao sa lahat ng kalagayan?ang hindi sakop ng iglesia ni cristo ay hindi maliligtas?

    ReplyDelete
  9. sipiin natin ulit ang talata

    jonas 3:4 " pagkatapos,pumasok si jonas sa lunsod habang naglalakad sa loob ng isang araw inihahayag niya "apat napung araw na lang wawasakin na ang nineve"

    jonas 3:10 "nang makita ng tunay na Diyos ang ginawa nila, kung paano nila tinalikuran ang kanilang masasamang gawain,hindi na niya itinuloy ang parusang sinabi niya.

    ito ang tanong:matatawag ba si jonas na bulaang propeta dahil hindi nangyari ang pagwasak sa nineve sa ika 40 na araw,samantala inihayag niya na sa ika 40 na araw ang nineve ay wawasakin?

    sagot:hindi sya matatawag na bulaang propeta kahit hindi nangyari ang pagwasak ng nineve sa ika 40 na araw.

    pro bakit nga ba si jonas galit na galit na hindi tinupad ni Jehova ang pagwasak ng nineve sa ika 40 na araw?

    malamang maiisip sa taga nineve nga bulaang propeta siya dahil hindi natuloy ang pag wasak. para lang patotohanan na hindi sya bulaang propeta kailangan ba talagang mangyari ang pagwasak sa lunsod ng nineve kahit may 120,000 taong may buhay.

    sa samang paraan porket hindi natupad ang nagyari sa 1925 ehhh matatawag na siyang bulaang propeta si bro rutherford.hindi ganon.

    sa nakalipas na nga taon ang mga taga nineve ay naging masama na. kaya tinuloy talaga ni Jehovah ang pagwasak sa nineve ilalim ng kaharian ng babilonya.

    sasama ring paraan matutuloy din ang kawakasan sa mga taong masasama.kahit na udyok noong 1925 hehehehe

    ReplyDelete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network