Monday, 19 November 2012

Pagkain ng Dugo Puwede na nga ba?


       

    PARA mabigyang katuwiran ng mga kaibayo namin sa pananampalataya o iyong mga hindi namin karelihiyon na tumututol sa aral ng Iglesia ni Cristo na bawal ang pagkain ng dugo, ay gumagamit din sila siyempre ng Biblia upang mahikayat ang mga tao na ang aming sinusunod na kautusang ito ay hindi matuwid sapagkat ayon sa kanila, totoong bawal ang pagkain ng dugo, kaya nga raw may mababasa tayo sa Biblia, pero ito raw po ay isang kautusan na umiral lamang noong panahon ng Lumang Tipan, at sa panahon daw po ng Bagong Tipan ay maaari na raw itong makain ng tao sapagkat ito raw po ay nilinis na ng Diyos. Bawal daw noon pero hindi na bawal ngayon.


Lahat ng mabibili sa pamilihan ay puwedeng kainin?

Narito ang isa sa kanilang pinagbabatayan:

1 Corinto 10:25  “LAHAT NG IPINAGBIBILI SA PAMILIHAN AY KANIN NINYO, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi;”

Kapag daw sinabing “LAHAT” ibig sabihin LAHAT puwedeng kanin, kaya maliwanag daw na kasali ang DUGO na pupuwedeng kanin, dahil ang dugo daw ay maaaring mabili sa pamilihan lalo na sa panahon natin ngayon. Kaya entontes puwede na itong kainin.

Nakalimutan yata ng ating mga kaibigan na ang kanilang katuwirang ito na komo sinabing LAHAT ay puwede nang kainin ang LAHAT ng nabibili sa pamilihan, aba’y di ba ganito ang kakalabasan?

Puwede na rin tayong kumain ng PAKO, GUNTING, PALANGGANA, BATIYA, TIMBA, AT IBA PA… na mga nabibili rin sa pamilihan.

Hindi po ba? Ganiyan ang kakauwian niyan, kung ating sasakyan ang kanilang argumento na maaaring makain ang LAHAT na mabibili sa pamilihan?

Siyempre mangangatuwiran ang magiting na faith defender, at sasabihin na obvious naman na ang tinutukoy diyan ay PAGKAIN at hindi iyong mga hindi nakakain, kaya ibig lamang sabihin daw ng talata ay:

“lahat ng pagkain na mabibili sa pamilihan ay puwedeng kanin ng tao.”

Tama po iyan wala po tayong tutol diyan mga kaibigan, maaari po nating kainin ang lahat ng uri ng pagkain na nabibili sa palengke, supermarket, grocery store, sari-sari store, etc.

Pakatandaan PAGKAIN ang ating pag-uusapan dito. Kaya narito na ngayon ang tanong:

ANG DUGO BA AY KABILANG SA URI NG TINATAWAG NA PAGKAIN?

Naitanong na ba ninyo sa inyong sarili kung ang dugo ba ay pagkain?

Ano ba ang pagtuturing ng Diyos sa dugo?

Deut 12:23  “Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: SAPAGKA'T ANG DUGO AY SIYANG BUHAY; at HUWAG MONG KAKANIN ANG BUHAY na kasama ng laman.”

Klaro sa Biblia na ang DUGO ay siyang BUHAY, hindi ibinigay sa tao para maging pagkain niya.
Kaya hindi maaaring makain ang DUGO sapagkat hindi ito PAGKAIN. Kahit na mangatuwiran pa sila na maaari  naman itong makain. 

Bawal pong kumain ng BUHAY, ang katumbas ng pagkain ng Dugo ay pagkain ng BUHAY…

Kaya nga ang banggit ng Diyos ay:

“HUWAG MONG KAKANIN ANG BUHAY”

Iyan ang dahilan kung bakit bawal kainin ang dugo, ito ay dahil sa mataas na pagkilala at pagpapahalaga ng Diyos sa BUHAY.

Ang katuwiran naman ng iba:

“Aba, eh nakakain naman ng tao ang dugo eh, kaya pagkain din iyon”

Iyon bang lupa puwedeng makain? Aba may mga tao na kumakain niyan. Iyong apoy makakain din ba? Aba siyempre po kita ninyo napapanuod natin maging sa TV na may mga tao na kumakain ng apoy. Maski bubog, espada, sinulid, bakal, papel, etc.

Nakakain ng tao iyan pero tanong:  Mga pagkain ba iyan?

Hindi po matuwid na katuwiran na komo nakakain ay nasa uring PAGKAIN na.

Ang dugo bukod sa hindi itinuturing na pagkain ng Diyos ay ipinagbawal pa niya itong kainin.

Kaya nga kahit na mabibili pa ito sa pamilihan, hindi ito kabilang sa maaaring makain ng tao.

Dahil ang dugo ay:

1.      Hindi ibinigay sa tao bilang pagkain niya. Buhay ang tawag ng Diyos diyan at hindi pagkain.

2.      Ipinagbawal ng Diyos na ito ay kainin ng tao kahit magagawa niyang kanin sa kabila nang ito ay hindi pagkain.


Ang Dugo ay nilinis na ng Diyos kaya puwede nang kanin?

May pagkakamali rin na sabihin na ang DUGO ay nilinis na ng Diyos kaya maaari na itong kanin ng tao.

Kaya itanong natin sa kanila, kailan ba itinuring ng Diyos na ang dugo ay MARUMI? May maipapakita ba silang talata sa Biblia na itinuring ng Diyos na MARUMI ang dugo at kaya maaari na nating makain ay sapagkat ito’y nilinis na Niya?

Buhay nga po ang pagtuturing ng Diyos sa dugo eh, ibig bang sabihin nagkaroon ng pagkakataon noon na ang naging pagtuturing ng Diyos sa dugo ay MARUMI?

Nasaan sa Biblia iyan?

Bakit ano ba ang gamit ng dugo?

Levitico 17:11  “Sapagka't ang buhay ng laman ay nasa dugo; at AKING IBINIGAY SA INYO SA IBABAW NG DAMBANA UPANG ITUBOS SA INYONG MGA KALULUWA: sapagka't ang dugo'y siyang tumutubos dahil sa buhay.”

Napakataas ng pagkakilala ng Diyos sa dugo, isipin ninyo ito ang iniutos niyang gamitin ng tao upang tumubos sa kaluluwa.

Kailan man ay hindi itinuring ng Diyos na MARUMI ang DUGO, kaya papaano nila sasabihin na ito ay nilinis na nang Diyos kaya maaari nang makain.

Ito maliwanag mga kaibigan at mga kapatid na panlilinlang nila sa tao.

Itutuloy…

21 comments:

  1. kung bawal kainin ang dugo, bawal din ang taba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo bawal kanin ang taba kapag may High Blood ka, hehehehe

      Delete
    2. Dugo lang po pinag uusapan hindi po ang taba.

      Delete
  2. mapupunta ka ba sa imyerno pag kumain ka ng dinugo.an?

    ReplyDelete
  3. Anonymous,

    Paki-click po ng link na nasa ibaba. Nariyan po ang detalyadong kasagutan sa inyo pong tanong.

    http://torch-of-salvation.blogspot.com/2011/06/kung-bakit-bawal-ang-pagkain-ng-dugo.html

    -Bee

    ReplyDelete
  4. it's a simple yes or no answer...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nung hindi mo pa nababasa ang sinasabi rito na BAWAL KUMAIN NG DUGO, ang lahat ng ginawa mong pagkain mo ng DUGO sa NAKARAAN puwedeng pang mapatawad ng Diyos, pero ngayong nalaman mo na bawal pala talaga, eto sabi ng Biblia:

      Hebreo 10:26-27 “SAPAGKA'T KUNG ATING SINASADYA ANG PAGKAKASALA PAGKATAPOS NA ATING MATANGGAP ANG PAGKAKILALA SA KATOTOHANAN, ay WALA NANG HAING NATITIRA PA TUNGKOL SA MGA KASALANAN, Kundi ISANG KAKILAKILABOT NA PAGHIHINTAY SA PAGHUHUKOM, at ISANG KABANGISAN NG APOY NA LALAMON SA MGA KAAWAY.”

      Kaya mula ngayong NALAMAN mo na TOTOO na BAWAL palanng kumain niyan, HINDI KA NA ULIT PUWEDENG KUMAIN ng DUGO, dahil maliwanag sa Biblia kasasapitan mo. Kapag SINSADYA mo pa ulit na kumain sa kabila ng nalaman mo ang KATOTOHANAN na mahigpit na ipinagbabawal iyan ng DIYOS.

      Kaya it’s a matter of choice na on your part, and I’m sure this will help at least alam mo na kung saan ka mapupunta.

      God bless everyone.

      Delete
  5. Anonymous,

    Dahil nasagot na po ng ILANG ULIT ang tanong ninyo. Kaya kung nagbabasa kayo ng maige na may interes...kayo mismo po ay alam nio na ang sagot diyan.

    Dahil po sa makulit kayo..OPO. Tiyak na tiyak po.

    --Bee

    ReplyDelete
  6. strange I've never seen God frown in displease as I eat my dinugo.an for lunch..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Whose God that you can see are you talking about? The one in your altar who's made of stone? Of course he will remain smiling at you for it is a statue, hehehehe

      Delete
    2. I'm sure the TRUE GOD in Heaven is looking at you with anger, Because whose God will be happy that His commandment is being disobeyed by the people He only created with the purpose of obeying Him:

      Ecclesiastes 12:13 “After all this, there is only one thing to say: HAVE REVERENCE FOR GOD, AND OBEY HIS COMMANDS, BECAUSE THIS IS ALL THAT WE WERE CREATED FOR.”[Good News Bible]

      Since you are not fulfilling the very purpose of your creation because you’re disobeying his commandment on this one. I’m pretty sure that the Lord God in Heaven will not only FROWN on you, but look at you with His fierceful Eyes, and He will definitely condemn you:

      Leviticus 17:10 "IF ISRAELITES OR FOREIGNERS EAT ANY BLOOD, I WILL CONDEMN THEM and exclude them from the people,” [God’s Words Version]

      I know the truth hurts….

      Delete
  7. @Christian nope I don't look up to stone statues, kung ganon rin lang naman why not speak to God through a hair dryer It's no different..

    @Arial yeah right, did you see GOd frown in displease at me? or you just want to believe that Sir! kung ganon walang basehan yan pinag.sasabi mo... I WILL CONDEM THEM how sweet, you guys seem to be worshipping a Tyrannical maniac....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Well at least we have a basis on what we're saying, as you can see the Bible says it all.

      And the Bible said what kind of God we're worshiping:

      2 Peter 2:9 "This shows that the Lord knows how to rescue godly people from their sufferings and to punish evil people while they wait for the day of judgment." [CEV]

      That is our God, he saves the people worthy of salvation, of course those who are obeying His commandments, and punish those who does not.

      If the God you're worshiping allows His commandments to be disobeyed and still saves you on JUDGMENT DAY?

      You're right, we are worshiping a different God, for our God is the God described in the Bible, and definitely different from your God.

      Delete
  8. Magandang araw kapatid!

    May nakita lang po ako na tanong sa fb, eto po yung link nya. Tungkol din po sa pagkain ng dugo. Si Hesus daw po mismo ang nagsabi na hindi bawal kainin ang dugo.

    Salamat po ng marami!

    http://www.facebook.com/photo.php?fbid=312564112182225&set=a.312357608869542.63037.312355705536399&type=1&theater

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang sinasabi po nila marahil na batayan nila na ipinagutos daw diumano ni Jesus na ang tao ay uminom o kumain ng dugo ay ang sinasabi sa talatang ito:

      Juan 6:53 “Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at INUMIN ANG KANIYANG DUGO, ay wala kayong buhay sa inyong sarili.”

      Unang una po, wala naman sinabi diyan na lahat ng uri ng dugo, pati na dugo ng hayop ay ipinaiinom ni Cristo diyan, ang tinutukoy na DUGO riyan na dapat inumin ay ang DUGO ng ANAK ng TAO o ni Jesus, at hindi kung anu-anong dugo lang.

      At alam naman natin na iyan ay hindi literal na pangungusap dahil wala naman pong mababasa sa Biblia na ang mga alagad ay aktual na uminom ng Tunay na dugo ni Jesus.

      Ang tanging mababasa natin ay ang pagkain ng tinapay at paginom sa saro na ito nga ay ang BANAL NA HAPUNAN.

      Sa paniniwala kasi ng mga kaibigan nating KATOLIKO matapos daw basbasan ang tinapay at alak, ito raw ay nagiging tunay na KATAWAN at DUGO ni Cristo, iyan ay sabi nila.

      Pero totoo ba iyon? Nun bang matapos basbasan ni Jesus iyong saro, naging tunay na dugo nga ba niya? Basahin natin:

      Marcos 14:23-25 “At siya'y dumampot ng ISANG SARO, at NANG SIYA'Y MAKAPAGPASALAMAT, ay ibinigay niya sa kanila: at doo'y nagsiinom silang lahat. At sinabi niya sa kanila, Ito'y ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na hindi na ako iinom ng BUNGA NG UBAS, hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago sa kaharian ng Dios.

      Kita ninyo maliwanag na nung matapos basbasan o ipagpasalamat ni Jesus ang saro, ano nangyari? Naging tunay bang dugo? Ano sabi niya:

      “hindi na ako iinom ng BUNGA NG UBAS.”

      Samakatuwid ang tinutukoy niyang dugo na iinumin ay hindi tunay niyang dugo kundi BUNGA NG UBAS o KATAS NG UBAS na iyan nga ay iniinom sa panahon ng BANAL NA HAPUNAN, hindi po iyan nagiging tunay na dugo matapos basbasan, nagkakamali po sila ng pangunawa diyan.

      Nagkakamali sila ng pangunawa dahil kailanman hindi iuutos ni Cristo na kainin ang dugo na mahigpit na ipinagbabawal ng Diyos.

      Iyan lamang po…Magandang Araw sa iyo.

      Delete
  9. Magandang Arak kapatid..
    WALA NAMANG SINABI ANG PANGINOONG JESU-CRISTO NA PWEDENG KAININ ANG DUGO SA MGA TALATANG PINAG BASEHAN NILA..DAHIL ALAM MISMO NG PANGINOONG JESUS NA HINDI IPINAG UTOS NG DIOS NA DAPAT KANIN ANG DUGO.. AT HINDI NYA KAILANMAN SUSUWAYIN ANG DIOS..

    Maski ng mangaral ang mga Apostol PATULOY ANG KANILANG PAG BABAWAL NA DAPAT KANIN ANG DUGO..

    Acts 15:28-29 “The Holy Spirit and we have agreed not to put any other burden on you besides these necessary rules: Eat no food that has been offered to idols; EAT NO BLOOD; eat no animal that has been strangled; and keep yourselves from sexual immorality. You will do well if you take care not to do these things. With our best wishes." [Good News Bible]

    kya kung ang UNAWA NILA SA MGA TALTANG IYON EH IPINAGUUTOS NG PANGINOONG JESUS NA PWEDENG KANIN ANG DUGO...MAG KAKAROON NG KONTRAHAN SA ARAL NI CRISTO AT NG MGA APOSTOL..

    kung may mahihiraman ko o may kopya ka ng PASUGO ISSUE LAST SEPTEMBER 2012..mayroong topic dun tungkol jan sa mailbox.. salamat..

    ReplyDelete
  10. galing ng fan page na to sana pasa sa lahat ng miymbro at di pa kaanib sa inc para po maliwanagan dn sila... tnx and god bless to all...^_^

    ReplyDelete
  11. mabuhay inc^_^

    ReplyDelete
  12. Ask ko lang po un po bang dugo literal na marumi?

    ReplyDelete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network