MAY mga nagtatanong sa amin kung bakit daw kailangan pa namin
silang hikayatin na mag-Iglesia Ni Cristo samantalang sumasamba naman daw sila
sa Diyos. Ang sabi naman ng iba ay iisa
lang naman ang Diyos na sinasamba ng lahat ng relihiyon kaya pare-pareho na
ring tinatanggap ng Diyos. Totoo ba ang
paniniwalang ito?
SUMASAMBA KA BA SA TUNAY NA DIYOS?
Kung ikaw ay isang relihiyosong tao, malamang na sasagot ka ng
Oo bilang pagsang-ayon sa tanong ito sapagkat maaaring naniniwala ka na ang
sinasamba mo ay ang tunay na Diyos. Subalit kung ang sinasamba mong Diyos ay
isang Diyos na binubuo ng tatlong persona na ang tawag sa ganitong Diyos ay
Trinidad, paano mo natiyak na ito nga ay tunay na Diyos?
Kung ang Diyos na kinikilala mo ay iba sa Trinidad dahil naniniwala ka na ang Ama, ang Anak at ang Espiritu
Santo ay kahayagan ng iisang tunay na Diyos gaya ng paniniwala ng mga
nagpapakilang “Oneness Pentecostals,”
paano mo natiyak na tunay na Diyos ang sinasamba mo?
Kung ikaw naman ay isang “polytheist”
at sumasamba ka sa maraming mga dios, gaya ng paniniwala ng mga tao noon sa
Egypt, Mesopotamia, Greece, Rome, at sa marami pang dako, paano mo natiyak na
ang sinasamba mo ay ang tunay na Diyos?
Kailangang tiyakin natin na tunay na Diyos ang ating sinasamba
dahil sa masasayang lang ang ginagawa nating pagsamba kung hindi naman pala
tunay na Diyos ang ating sinasamba.
Kabilang ka rin ba sa mga naniniwalang katutubong sagutin nating
mga tao ang maglingkod sa Diyos? Kung ganoon, sino ang Diyos na dapat nating
sambahin? Sangguniin natin ang Banal na Kasulatan ukol dito.
ANG IISANG TUNAY NA DIYOS
Sa Deuteronomio 6:4, ay sinabi ni Mosies
sa mga Israelita na:
“Dinggin mo, O Israel: Ang PANGINOON nating Dios ay
iisang PANGINOON!” (NPV).
Mula pa sa panahon ni Moises, ang mga Israelita ay nanindigan sa
paniniwalang iisa lang ang tunay na Diyos. Dahil dito, sila mismo ang tumanggi
na sumamba sa mga larawan dahil ibinilin sa kanila ng Diyos sa pamamagitan ni
Moses na huwag silang sumamba sa mga diyus-diyosan (Exodus 20:3-5). Ang totoo, ang
Diyos mismo ang may nais na Siya lamang ang kilalanin nilang tunay na Diyos
ayon sa Deuteronomo
4:35:
“Nais ng Panginoon na kilalanin ninyo siya na iisang
tunay na Diyos, at nais Niyang sundin ninyo siya” (CEV).
Ang tunay na Diyos mismo ang nagpahayag sa mga Israelita na
walang ibang Diyos maliban sa Kaniya sa pamamagitan ng propetang si Isaias. Ang
sabi Niya ay:
“Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una:
sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako’y Dios, at walang gaya
ko;” (Isaias
46:9).
“Ako ang Panginoon, at walang iba; liban sa akin ay
walang Dios . . . Upang kanilang maalaman mula sa sikatan ng araw, at mula sa
kalunuran, na walang iba liban sa akin: ako ang Panginoon, at walang iba” (Isaias 45:5-6)
Kapag ang Diyos ang nagsasalita, nag-iisa lamang Siya. Hindi
Siya nagsasalita bilang isang Diyos na tatluhan. Ang mga sumasamba sa isang
Diyos na may tatlong persona o Trinidad ay hindi sumasamba sa tunay na Diyos.
ANG TUNAY NA DIYOS AY NASA LAHAT NG DAKO
Nais ng Diyos na Siya ay Diyos ng lahat ng tao. Hindi rin Siya
Diyos na nasa isang dako lamang kungdi sa lahat ng dako gaya nang sinabi ni
Moises:
“Talastasin mo nga sa araw na ito at isapuso mo, na
ang Panginoon ay siyang Dios sa itaas sa langit at sa ibaba sa lupa; wala nang
iba pa” (Deuteronomio 4:39).
Ipinahayag din ni Propeta Jeremias na ang tunay na Diyos ay
hindi lamang iisa kungdi Siya ay magpakailanman. Ito ang Kaniyang pahayag mula
sa Jeremias 10:10:
“Nguni't ang Panginoon ay tunay na Dios; siya ang
buhay na Dios, at walang hanggang Hari!”
Maging sa pagtatapos ng Lumang Tipan, ang propetang si Malaquias
ay nagpahayag na iisa lamang ang tunay na Diyos at Siya ang Ama:
“Hindi ba iisa ang ating Ama at ito'y ang iisang Diyos
na lumalang sa atin?” (Malaquias 2:10 MB).
Ganito rin ang itinuro ni Propeta Isaias nang kaniyang
ipinahayag ang katangian ng tunay na Diyos:
“Nguni't ngayon, Oh Panginoon, ikaw ay aming Ama; kami
ang malagkit na putik, at ikaw ay magpapalyok sa amin; at kaming lahat ay gawa
ng iyong kamay.” (Isaias 64:8).
Kaya ang mga Israelita ay kumikilala na ang Ama ang iisang tunay
na Diyos. Walang banggit sa Matandang Tipan ukol sa tatluhang Diyos – Ama, Anak
at Espiritu Santo. Isang malaking kabulaanan ang sinasabi ng ibang mga
tagapangaral na ang mga Israelita noon ay naniwala na may ibang Diyos maliban
sa Ama.
ANG TUNAY NA DIYOS SA PANAHONG CRISTIANO
May ilang mga teologo na nagsasabing sa panahong Cristiano ay
hindi lamang daw ang Ama ang tunay na Diyos kungdi pati na raw ang Anak at ang
Espiritu Santo. Nang dumating daw si Jesus ay itinuro niya na may tatlong
persona sa iisang Diyos ayon kay Wayne Grudem sa
kaniyang aklat na Systematic Theology, pahina 230:
“When the New Testament
opens, we enter into the history of the coming of the Son of God on earth. It
is to be expected that this great event would be accompanied by more explicit
teaching about the trinitarian nature of God, and that is in fact what we
find.”
Kung totoo ang pahayag na ito na nang dumating si Cristo ay may
maliwanag na pagtuturo siya ukol sa Trinidad, dapat ay may talata sa Biblia na
nagpapatunay nito. Subalit ang may-akda ay nagtapat at inamin niya sa
pagsisimula ng kaniyang pagtalakay ukol sa Trinidad na ang sabi niya ay:
“The word trinity is never
found in the Bible” (p. 226, Ibid.)
Sa halip, ano ang nakikita natin sa Bagong Tipan? Mga aral na
kasang-ayon ng nabasa natin sa Matandang Tipan na ang Ama lamang ang iisang
tunay na Diyos. Sino ang nagturo na ang Ama lamang ang iisang tunay na Diyos?
Tunghayan natin ang Juan 17:1, 3 na
ganito ang nakasaad:
“Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, siya'y
tumingala sa langit at ang wika, "Ama, dumating na ang oras: parangalan mo
ang iyong Anak upang maparangalan ka naman niya . . . Ito ang buhay na walang
hanggan: ang kilalanin ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo
na iyong sinugo” (MB).
Ang tunay na aral ukol sa Diyos ay itinuro mismo ng ating
Panginoong JesuCristo nang siya ay nanalangin sa Ama. Ang sabi niya ay “kilalanin ka
nila, ang iisa at tunay na Diyos.” Hindi niya sinabing “ang kilalanin ka, saka ako, tayong tatlo ng Espiritu
Santo, tayo ang iisang tunay na Diyos.” Si Cristo ay hindi
Trinitarian!
Kaya ang nagtuturong hindi lamang ang Ama kungdi maging si
Cristo at ang Espiritu Santo ang iisang tunay na Diyos ay kalaban o kasalungat
nang itinuro ni Cristo. Kalaban din sila ni Apostol Pablo na, nang magturo sa
mga Cristiano ay ganito ang kaniyang isinulat sa kanila:
“Sa ganang atin ay iisa lamang ang Diyos, ang Ama na
lumikha ng lahat ng bagay, at tayo'y nabubuhay para sa kanya.” (1 Corinto 8:6
MB).
Kaya, ang mga tunay na Cristiano, na natuto sa itinuro ng ating
Panginoong JesuCristo, ay sumasampalataya na ang Ama lamang na nasa langit ang
iisang tunay na Diyos. Hindi tunay na Cristiano ang mga taong ang Diyos na
kinikilala at sinasamba ay hindi ang tunay na Diyos.
Ayon din sa Biblia, may mga tao na bagamat kumikilala sa Diyos
ay kinilala at sinamba ang mga larawan. Ang pahayag ni Apostol Pablo ay
maliwanag:
“Sapagka't ang poot ng Dios ay nahahayag mula sa
langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang
katotohanan ng kalikuan; . . . Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y
hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang
kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay
pinapagdilim. Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang, At pinalitan
nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan
ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga
nagsisigapang. Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng
kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa
Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa” (Roma 1:18,
21-23, 25).
Kaya ang mga taong sumasamba sa larawan ay hindi rin nakikilala
ang tunay na Diyos. Ang isa sa dahilan kaya naparito ang ating Panginoong
JesuCristo ay para ipakilala sa atin kung sino ang tunay na Diyos ayon kay
Apostol Juan:
“At nalalaman nating naparito ang Anak ng Diyos at
binigyan niya tayo ng pang-unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos, at
tayo'y nasa tunay na Diyos, sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Ito ang tunay na
Diyos at buhay na walang hanggan” (1 Juan 5:20 MB).
Gaya nang tinalakay sa unahan, nang narito pa sa lupa ang ating
Panginoong Jesucristo ay itinuro niya na ang Ama na nasa langit ang kaisa-isang
tunay na Diyos (Juan 17:3 SNB).
KANINO IBINIGAY ANG TUNGKULING IPAKILALA ANG TUNAY NA DIYOS?
Ganito ang panalangin ng ating Panginoong JesuCristo sa Juan 17:25-26:
“Makatarungang Ama, hindi ka nakikilala ng sanlibutan,
ngunit nakikilala kita; at nalalaman ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang
nagsugo sa akin. Ipinakilala kita sa kanila, at ipakikilala pa, upang ang
pag-ibig mo sa akin ay sumapuso nila at ako nama'y sumakanila." (MB).
Maliwanag ang sinabi ni Cristo nang siya ay nananalangin sa Ama.
Ang sabi niya ay “hindi ka nakikilala ng sanlibutan, ngunit nakikilala kita; at
nalalaman ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinakilala
kita sa kanila, at ipakikilala pa." Samakatuwid, ang mga taong ibinigay ng
Diyos kay Cristo ang nakakilala kung sino ang tunay na Diyos sapagkat si Cristo
mismo ang nagpakilala sa kanila. Sino ang tunay na Diyos na ipinakilala niya?
Walang iba kungdi ang Ama na nasa langit.
Sino naman ang mga taong ibinigay ng Diyos kay Cristo? Sila ang
mga tao na tinawag ng Diyos ayon kay Apostol Pablo sa kaniyang sulat sa 1 Corinto 1:9 MB:
“Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang kayo'y
makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristong ating Panginoon.”
Saan naman naroroon ang mga taong tinawag ng Diyos upang
makipag-isa sa Kaniyang Anak? Ganito rin ang pahayag ni Apostol Pablo sa
Colosas 3:15:
“At paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang
kaloob ni Cristo, sapagkat ito ang dahilan kaya kayo tinawag upang maging
bahagi ng isang katawan. Magpasalamat kayong lagi” (MB).
Ang mga tinawag ng Diyos upang makipag-isa kay Cristo ay naging
bahagi ng isang katawan. Alin ang katawang tinutukoy? Ganito pa rin ang pahayag
ni Apostol Pablo:
Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan . . . (Colosas 1:18 MB).
Ang pangalan ng Iglesia na katawan ni Cristo ay tinawag ni
Apostol Pablo na Iglesia Ni Cristo batay sa Roma 16:16, sa saling Magandang Balita ay
ganito ang nakasulat:
“Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo.
Binabati kayo ng lahat ng mga iglesya ni Cristo.”
Samakatuwid, ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang mga taong
nakilala kung sino ang tunay na Diyos. Ano naman ang tawag ni Cristo sa mga
taong hindi nakilala kung sino ang tunay na Diyos? Ayon sa Juan 17:25, ang banggit niya ay “sanglibutan.” Kaya, ang Iglesia Ni Cristo ang siyang may tungkulin na
ipakilala sa mga taga sanglibutan kung sino ang tunay na Diyos.
BAKIT ANG IGLESIA NI CRISTO ANG MAY TUNGKULING IPAKILALA ANG
TUNAY NA DIYOS SA SANGLIBUTAN?
Ganito ang pahayag ng Diyos sa pagkakasulat ng propetang si
Isaias:
“Ang sabi ng Panginoon, Kayo'y aking mga saksi at
lingkod na aking pinili. Pinili ko kayo upang inyong malaman at
magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga ang tunay na
Diyos; walang Diyos na nauna sa akin, at wala ring Diyos pagkatapos ko” (Isaias 43:10
NCV).
Ayon sa pahayag mismo ng Diyos ay may pinili Siyang mga tao na
magiging saksi Niya. Ano ang kanilang sasaksihan? Na walang ibang tunay na
Diyos kungdi Siya lamang. Sino ang mga taong ito na siyang magiging saksi ng
Diyos at magpapakilala sa sanglibutan kung sino ang tunay na Diyos? Ang binasa
nating talata ay talatang 10, itataas lang natin ang pagbasa sa talatang 5:
“From the far east will I bring your offspring, and
from the far west I will gather you.” (James Moffatt, A New Translation of the Bible
Containing the Old and New Testaments, New York: Harper Brothers Publishers, ©
1954.)
Ang talatang binanggit sa unahan nito ay ang hula ukol sa
paglitaw ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas, na sa dakong ito ng Malayong
Silangan ay may lilitaw na mga lingkod ng Diyos na ang tungkulin ay ipakilala
kung sino ang tunay na Diyos. Kaya, ang Iglesia Ni Cristo ang siyang
nagpapakilala ngayon sa buong mundo na iisa lamang ang tunay na Diyos na dapat
kilalanin at sambahin.
Kaya, sa mga kaibigan naming hindi pa Iglesia Ni Cristo, kung
nais nating tanggapin ng Diyos ang ating pagsamba, dito natin isagawa ang tunay
na paglilingkod sa Diyos sa loob ng Iglesia Ni Cristo. Ang pagkilala natin sa
tunay na Diyos at pagsamba sa Kaniya ang ikapagtatamo natin ng buhay na walang
hanggan (Juan
17:3).
Dahil dito, malugod namin kayong inaaanyayahan na daluhan ang
isasagawa naming International
Evangelical Mission sa darating na ika-26 ng buwang kasalukuyan, na ang gawaing ito ay pangungunahan ng
Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo, ang Kapatid na Eduardo V.
Manalo. Makipag-ugnayan kayo sa mga kaibigan o mga kakilala ninyong Iglesia
Ni Cristo sa inyong dako upang sila ang magdalo sa inyo sa dako na doon ninyo
mapapakinggan ang pagtuturo ng mga dalisay na salita ng Diyos.
SOURCE: https://www.facebook.com/jventilacion/posts/10206943986254835
ReplyDeleteMaliwanag ang sinabi ni Cristo nang siya ay nananalangin sa Ama. Ang sabi niya ay “hindi ka nakikilala ng sanlibutan, ngunit nakikilala kita; at nalalaman ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinakilala kita sa kanila, at ipakikilala pa." Samakatuwid, ang mga taong ibinigay ng Diyos kay Cristo ang nakakilala kung sino ang tunay na Diyos sapagkat si Cristo mismo ang nagpakilala sa kanila. Sino ang tunay na Diyos na ipinakilala niya? Walang iba kungdi ang Ama na nasa langit.
http://www.nofilteraerials.com/
>>>>>>>>>Oneness of God?<<<<<<<<<<<<<
ReplyDeletei'd been reading the bible and there's no proof that God is just only a one individual person.
however, oneness in terms of biblical sense doesn't necessarily mean only one cited this fact in Gen 2:24 and John 10:30.
Genesis 2:24 New International Version (NIV)
24 That is why a man leaves his father and mother and is united to his wife, and they become one flesh.
Covenant made the two in one flesh. in the case of God since Adam has a Father and a Mother it would be right to say that his parents appeared to have been bound as one. therefore the God in Genesis account is composed of a Father and a Mother.
we can't discount or reject the acceptance that the man mentioned was not Adam. this is a pure ignorance on the critics part.
Adam became a model for all humanities. if the passage which served as a lesson is intended for the rest of his sons after him then it would be an unfair treatment for Adam since all humanities committed the same sins that started from the first man.
Another passage debunking the one individual God can be found in John 10:30 as we read:
John 10:30 New International Version (NIV)
I and the Father are one.
the context stands alone that the two personage was in reference to the Genesis 2:24 account. Jesus was just merely speaking of his previous status as one in the Genesis times.
anyone who wish to learn more from me, my link is: Winstons James on Facebook.
Delete[Sa Deuteronomio 6:4, ay sinabi ni Mosies sa mga Israelita na:
ReplyDelete“Dinggin mo, O Israel: Ang PANGINOON nating Dios ay iisang PANGINOON!” (NPV).]
Moses never taught the people about God being a one individual God.
it will not conform to other passage that he wrote to support Manalo's theory.
Let's read this Genesis 1.26:
Genesis 1:26 New International Version (NIV)
Then God said, “Let us make mankind in our image, in our likeness,..
The Hebrew translation of god is Elohim, a collective noun for Eloah.
therefore Eloah is singular.
it's easy to understand that not all singular verbs are for singular nouns usage.
in the case of Elohim, it is a collective noun which also act like a singular noun.
now if Eloah denotes singularity that supported a one individual God then it raised a question alone, Why didn't Moses use it in Gen 1:26 for Manalo's sake?
the answer is it will not conform to the remaining elements embedded such as the use of "us" & "our" to describe the number of person speaking.
Elohim can be broken down as Eloah, Eloah,......and so on.
Our proof from my previous post that the God in Genesis was composed of a Father and a Mother can be a help in solving Gen 1:26.
Let's rewrite again Gen 1:26 with regards to Gen 2:24:
Genesis 1:26 New International Version
Then the Father said to the Mother, “Let us make mankind in our image, in our likeness,..
it's clear that the passage has finally spoken by itself that God is not a kind of individual God as Manalo wanted to believe, but a married God who stood as our first parents.
Again if God is only a one individual God then how did he accept this fact when he shared his holiness to Moses as he was about to confront Pharaoh?
Exodus 7:1
Then the LORD said to Moses, “See, I have made you like God to Pharaoh, and your brother Aaron will be your prophet.
Is God trying to make idols out of Moses?
The most common phrases in the Tanakh are vayomer Elohim and vayomer YHWH- and GOD said (hunreds of occurrences) Genesis 1;26-27 says that the Elohim were Male and Female, and humans were made in their image.
DeleteSo much for this individual God that it won't serve his purpose as the master builder of plans. this kind of belief can be attributed to the Master and slaves relationship.
ReplyDeleteNot an inch supported the Father and Sons relationship, it's actually very from from it.
if i ask these people in a straight forward question, how did God become a father?
Fathering requires begetting and this process is something they forgot to show on their doctrines. yet they keep calling him Father.
Like the rest of believers they are blind to see the truth!
pwedi linawin mo kung sino ang ama at ang anak? ano po ang connetion sa talatang ginamit mo sa gen 2:24 sa pagka DIYOS ng ama?
Deletepwedi linawin mo kung sino ang ama at ang anak? ano po ang connetion sa talatang ginamit mo sa gen 2:24 sa pagka DIYOS ng ama?
DeleteThis comment has been removed by the author.
DeleteAdam became a son of God as it was being express on this phrase " That is why a man leaves his father and mother".
Deletethe father and son relationship started right there. so what makes u think it was ?
now check again with this verse:
Luke 3:38
Which was the son of Enos, which was the son of Seth, which was the son of Adam, which was the son of God.
i can figure out of what exactly may have confuse ur mind to think further is about the mother in genesis 2:24 that Moses wrote.
Deleteanyone agrees that God doesn't marry. but the bible proved them wrong. he was called a husband in Isaiah book.
Isaiah 54:5
For thy Maker is thine husband; the Lord of hosts is his name; and thy Redeemer the Holy One of Israel; The God of the whole earth shall he be called.
there goes another clue for a married God.
so who was the mother being mentioned in genesis 2:24?
Deletei think the moment u learn the truth of this mother, it might cause a stunning revelation that will demolish the trinity foundation and the one individual concept of god of the iglesya ni manalo.
u can find my blog under this title "The Godhead" @ limjohn.blogpost.com
wala po akong totul sa isaias 54:5.tinukoy ni Jehova ang israel bilang kaniyang asawang babae dahil sa kaniyang tipan sa bansang iyon sa isaias 54:5,6. pero itoy makasagisag na diwa.
ReplyDeletetinukoy ng apostol na si pablo na si JEHOVA bilang ang ama ng mga kristiyanong inianak sa espiritu,at tinukoy niya ang " jerusalem sa itaas" bilang ang kanilang ina,anupat para bang naging asawa ito ni amang JEHOVA sa layunin magluwal ng mga kristiyanong inianak sa espiritu.
galasya 4:6,7,26-"sapagkat kayo nga ay mga anak,ipinadala ng Diyos ang espiritu ng kanyang anak sa ating mga puso,at ito ay sumisigaw abba, ama! kung gayon nga hindi kana alipin kundi isang anak at kung anak ay isang tagapagmana rin sa pamamagitan ng Diyos. 26, ngunit ang jerusalem sa itaas ay malaya,at siya ang ating ina.
pansinin mo:
ang kongregasyong kristiyano naman ay tinutukoy bilang ang kasintahang babae, o asawang babae ni jesu-kristo.
pin 19:7-" magsaya tayo at mag umapaw sa kagalakan,at ibigay natin sa kaniya ang kaluwalhatian sapagkat ang kasal ng kordero ay dumating na at ang kaniyang asawa ay naghanda na ng kaniyang sarili."
i think u miss my point.
Deletei just want to know why did God have to be called a husband to the people?
because having a husband means marriage and required a wife.
does God have a wife as it is written in Genesis 2:24?
does GOD have a wife as it is written in genesis 2:24? no
Deletedoes GOD have a wife as it is written in isaiah 54:5? yes
does GOD have a wife as it is written in genesis 2:24?
Deleteand u said no?
what kind of monkey are u and u can't even read gen 2:24 correctly?
it says there that Adam has parents and that parents is God
because nobody was there except adam & eve.
a lesson to be learned, don't mix ur human doctrine when ur reading the bible.
basahin natin ulit ang genesis 2:24
Delete"iyan ang dahilan kung bakit iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina at pipisan siya sa kaniyang asawa at sila ay nagiging isang laman".
saan sa talata na "adam has parents and that parents is GOD?
MALI PO ANG iyong pang unawa sa talata sir,
nag focus ka kasi sa "ama at ina" na nabasa mo sa talata.
ito po ang enterpretation ni jesu-kristo sa genesis 2:24.
hindi ba ninyo nabasa" ang sabi ni jesus, na siya na lumalang sa kanila mula sa pasimula ay ginawa silang lalaki at babae at nagsabi,sa dahilang ito ay iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ang kaniyang asawa at ang dalawa ay magiging isang laman?kung kaya hindi na sila dalawa kundi isang laman,kaya nga ang pinagtuwang ng Diyos ay huwag pag hiwalayin ng sinumang tao. mateo 19:4-6. sinipi ni jesus dito ang ulat ng genesis na nasa kabanata 2.
ito ay pamantayan ng DIyos para sa mag aasawa,at itinuring na sagrado ang pag aasawa.ito ang turo ni jesus.
kung tama ang pakahulugan mo sa talata dapat sinabi ni jesus sa kanyang mga kausap na si adan ay may ama at ina.
wala aq mkitang clear point s cnbi mong verse. in fact it's just to show that adam was the first man to do it. basahin mo kc maige at unawain ng husto n cla ang modelo ng iiwan ang magulang.
Deletepaglilinaw sa gen 2:24
ReplyDeleteitinatag ng Diyos ang mga institusyon ng pag aasawa at ng pamilya na siyang magiging kaayusan ng lipunan. sinasabi ng ulat ng genesis " iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ang kaniyang ina at pipisan siya sa kaniyang asawa at sila ay magiging isang laman"
"at nang pagpalain ni Jehova ang unang mag asawa at sinabihan silang magpakarami,maliwanag na nilayon niya na isilang ang bawat bata sa isang pamilyang mapag mahal na may ama at ina na mag aaruga rito.
pagkalipas ng mahigit na apat na siglo, muling pinagtibay ni jesus ang orihinal na pangmalas ng Diyos hinggil sa pag aasawa ng sipiin niya ang genesis 2:24 at pagkatapos ay nagsabi" ay huwag paghiwalayin ng sinumang tao" mateo 19:5,6
pagkalipas ng mga taon,si apostol pablo ay nagbigay ng tagubilin na "ang asawang babae ay hindi dapat humiwalay sa kaniyang asawa" at hindi dapat iwan ng asawang lalaki ang kaniyang asawa 1cor 7:10,11.
may katumpakang sinasabi ng mga kasulatang ito ang pangmalas ng Diyos sa pag aasawa.
kaya ang genesis 2:24 hindi ito tumutukoy sa oneness of GOD o mag asawang Diyos.
at lalong-lalo na hindi si jesu-kristo ang mother of genesis.
it's clearly written in Genesis 2:24 that a two person can be as one.
Deleteso ur saying Adam has parents? who were they?
"it`s clearly written in genesis 2:24 that a two person can be as one".
Deletewala po akong question jan okay ako.
so ur saying adam has parents?
ans: no human parents.
who were they?
ans: not applicable
no human parents?
Deleteare u saying that God were his parents?
so it means that God was composed of a father and a mother?
how do u accept this?
it`s clearly written in genesis 2:24 that a two person can be as one".
Deletewala po akong question jan okay ako.
what?
Adam n Eve are one, right?
But Adam has parents and parents are composed of a father and a mother.
not only the two persons became one but also his parents as well.
so it's true that Adam's parents are to be called a married God, is that it?
"are u saying that God were his parents? ans: no
Deletelucas 3:38- si adan anak ng Diyos. ibig sabihin may ama sya .ang ama na nasa langit.
pansinin mo:
matapos pag isahin sina adan at eva bilang mag asawa ,inutusan sila ng Diyos" magpalaanakin kayo at magpakarami at punuin ninyo ang lupa" mula noon ang pamilya-tatay,nanay,at mga anak -ay umiral.
so it's true that adam's parents are to be called a married GOD, is that it? ans: no
Deletesi adan po ay walang ama at ina na tao,dahil siya po ang kaunaunahang taong ginawa ng Diyos.
pro wala po akong totul na si adan ay anak ng DIYOS.
ANG tinutulan ko yong pang unawa mo sir sa gen 2:24 na married GOD.
KUNG TOTOO iyang sinabi mo,kung mag ka ganon maraming tunay na DIYOS ang ama,ina at ang anak.
sir bakit hindi mo sinali ang lola at lolo?hehehehe
pro kung basehan ang bibliya malabo ang argumento mo sir.
tanong:
pwedi linawin mo kung sino talata ang mother sa genesis 2:24? paki bigay narin ang pangalan.
"si adan po ay walang ama at ina na tao,dahil siya po ang kaunaunahang taong ginawa ng Diyos."
Deletewhere in the bible can u find this no father n no mother for adam?
come on share it here. or otherwise ur just one of the fools who are trying to mislead the people.
"pwedi linawin mo kung sino talata ang mother sa genesis 2:24? paki bigay narin ang pangalan."
Deletenow ur asking me about it.
but no problem to me. i can explain to u with all my heart. just listen to this.
Adam was the first man and he was mentioned in Gensis 2:24.
now if the man in marriage served as a lesson for the future generation, then Adam must be the role model to follow. right?
Moses used the phrase "a man" in reference to Adam.
Articles specify grammatical definiteness of the noun
so it's pointed to a particular noun.
it's definitely in reference to only one man.
therefore the one who is mentioned in gen 2:24 is none other than Adam himself alone.
if Adam was the subject, who were his parents then?
unless u accept this fact then there's no way i cud explain to u this mother in genesis 2:24.
tell ur pastor about this thing or let him come to me and ask about it.
i asked if God was his parents and u answer me no
ReplyDeletebut then u bring up luke 3:38 and explain that adam has a father which is in heaven?
what kind of idiot are you?
Is father a parent? yes or no?
" i asked if GOD was parents and u answer me no but then u bring up luke 3:38 and explain that adam has a father which is in heaven?"
Deleteno ang sagot ko kasi ang explaination mo sa taas ay ganito" so it means that God was composed of a father and mother"
sa luke 3:38 ibig mo bang sabihin may mother jan si adan?
kailangan kung e ibahih ang tanong mo:
Deleteis GOD A FATHER? YES OR NO? ANS:YES BASE po sa meteo 6:9
"sa luke 3:38 ibig mo bang sabihin may mother jan si adan?"
Deleteu called God a Father, how did he beget a son without a mother? How sister?
"kailangan kung e ibahih ang tanong mo:"
Deletewhy do u have to? is it because u don't have an answer?
the question remained the same.
who was the mother of adam in gensis 2:24?
"where in the bible can u find this no father n no mother for adam?"
ReplyDeleteikaw narin ang sumagot " adam was the first man"
kaya sabi ng bibliya: 1cor 15:45 "ang unang taong si adan ay naging kaluluwang buhay"
"sapagkat si adan ang unang inanyuan pagkatapos ay si eva"
laliman mo pang unawa sa talata sir ha! wag yong word 4 word.
paanong may taong father n mother si adan,kung siya naman PALAY pinaka unang taong ginawa ng DIYOS? hehehehe
paano ba sir hindi mo pa sinagot ang tanong ko,uulitin ko sir:
pwedi linawin mo kung sino sa talata ang mother sa genesis 2:24? paki bigay narin ang pangalan.
"paanong may taong father n mother si adan,kung siya naman PALAY pinaka unang taong ginawa ng DIYOS?"
Deletei sense nutty comment here.
the word father or mother does not always refer to human beings. this is one of ur mistakes and having a difficult time to comprehend any spiritual matter with regards to Godly thing. sorry miss u failed me with ur shallow reasoning.
if i say God is the father, how did he become a father without a mother?
pls connect ur tongue to ur brain sometime.
halimbawa:
ReplyDeleteginamit ng bibliya si jesus bilang halimbawa sa mga asawang lalaki,pero hindi ito tumutukoy sa paraan ng pakikitungo nya sa isang literal na asawang babae.sa halip sinabi nito,
"mga asawang lalaki patuloy na ibigin ang inyu-inyong asawang babae kung paanong inibig din ng kristo ang kongregasyon at ibinigay ang kaniyang sarili ukol dito"efeso 5:25.
kung talagang nag asawa si jesus hindi ba dapat na ang sakdal na halimbawa nya bilang literal na asawang lalaki ang ginamit sa talatang iyan?
sa katulad na paraan ang DIYOS din ay makasagisag na asawang lalaki,pro hindi ito tumotukoy na may literal siyang asawang babae kahit sa langit. dahil ang Diyos AY ISANG ESPIRITU hindi tao.
"ginamit ng bibliya si jesus bilang halimbawa sa mga asawang lalaki,pero hindi ito tumutukoy sa paraan ng pakikitungo nya sa isang literal na asawang babae.sa halip sinabi nito,"
Deleteso it answer my question that Jesus can be a mother too in the time of creation. right?
"the word father or mother does not always refer to human beings" wala po akong tutol dito, pro wag mong ikapit na may mother si adan sa genesis 2:24.
ReplyDeletedahil yong sinipi mo ang isaias walang kinalaman si adan sa mother na sinasabi mo.
paglilinaw:
ang babae- ang organisasyon ni jehova sa langit,inihula ni isaias na ang babae ay magsisilang ng isang espirituwal na bansa. pansinin mo si adan ay hindi kabilang na kanyang binhi.
isaias 54:1" humiyaw ka nang may kagalakan ikaw na babaing baog na hindi nanganak magsaya kang may hiyaw ng kagalakan at sumigaw ka nang malakas ikaw na hindi nagkakaroon ng mga kirot ng panganganak sapagkat ang mga anak niyaong pinabayaan ay mas marami kay sa mga anak ng babaing may asawang nagmamay ari ang sabi ni jehova."
isaias 54:4" sapagkat ang iyong dakilang maylikha ay iyong asawang nagmamay ari, jehova ng mga hukbo ang kaniyang pangalan" i kompara sa galasya 4:26,27
malinaw na ang pang unawa mo malayo sa kasulatan.
paliwanag sa" babae?"
genesis 3:15-" mag lalagay ako ng alitan sa pagitan mo at ng babae at pagitan ng iyong binhi at ng kanyang binhi"
kanino tumutukoy ang babae?
ang babae ay makalangit na bahagi ng organisasyon ni jehova na sinipi ni apostol pablo sa gal 4:26,27.
ang tekstong ito tinukoy ng apostol ang malayang asawa ni abraham at ang kaniyang babae na si hagar at sinabing si hagar ay katumbas ng literal na lungsod ng jerusalem, sa ilalim ng tipang kautusan ,na ang mga anak ay ang mga mamamayan ng bansang judio.
sinabi ni pablo na ang asawa ni abraham na si sara ay katumbas naman ng "jerusalem sa itaas" ang espirituwal na ina ni pablo at ng kaniyang mga kasamahang inianak sa espiritu" ang makalangit na ina" na ito rin ang ina ni kristo, na pawang nagmula sa DIYOS bilang kanilang ama.
makatuwiran lamang at kaayon ng kasulatan na ang babae sa gen 3:15 ay isang espirituwal na babae at kung paanong ang "kasintahang babae o asawa ni kristo ay hindi isang indibiduwal na babae,kundi isang kalipunan na binubuo ng maraming espirituwal na miyembro. apo 21:9.
ang "babae" na nagluluwal ng espirituwal na mga anak ng DIYOS, ang asawa ng Diyos{ na inihula sa nabanggit sa mga salita nina isaias at jeremias} ay binubuo ng maraming espirituwal na mga persona,iyon ang isang kalipunan ng mga persona isang makalangit na Organisasyon.
"ang "babae" na nagluluwal ng espirituwal na mga anak ng DIYOS, ang asawa ng Diyos{ na inihula sa nabanggit sa mga salita nina isaias at jeremias} ay binubuo ng maraming espirituwal na mga persona,iyon ang isang kalipunan ng mga persona isang makalangit na Organisasyon."
Deletesp who was the mother of adma in gen 2:24?
"ang babae- ang organisasyon ni jehova sa langit,inihula ni isaias na ang babae ay magsisilang ng isang espirituwal na bansa. pansinin mo si adan ay hindi kabilang na kanyang binhi."
Deletethe child's mother was not in heaven. this is your first mistake in assuming everything as true.
"But the earth helped the woman by opening its mouth and swallowing the river that the dragon had spewed out of his mouth." - Rev 12:16
ReplyDeleteFATHER: JEHOVA
MOTHER:JERUSALEM SA ITAAS,ang makalangit na bahagi ng organisasyon ni jehova.
anak: panganay si jesu- kristo, at ang mga inaanak sa espiritu.
hindi po kabilang si adan dito,at hindi nya ina ang nasa gen 3:15 na "babae" o ang jerusalem sa itaas.
"hindi po kabilang si adan dito,at hindi nya ina ang nasa gen 3:15 na "babae" o ang jerusalem sa itaas."
Deletedid i mention gen 3:15?
our topic remained in gen 2:24. who was the mother of adam?
everyone is convinced that God created all things. but seldom they do accept that it was Jesus who created everything. he was not yet a son of God while in heaven during the creation times. he was the mother of adam in gen 2:24. of course, the title mother is feminine. but it won't necessary mean it is for female that require a female role to accomplish a female job. we see sometime witnessed a man doing the mother job while the mother is away.
ReplyDeletewhen a man-father impregnated his wife-mother, the child is formed inside the mother's womb. in the same way God created man through Jesus christ. it was him who is responsible for his creation.
although adam's creation was a unique class of human birth designed by Jesus who stood as his mother. when the designed was completed the God-Father gave life to Jesus' design and became a living soul.
Out of this two involvement in the creation we can conclude that God is reproducing himself through man and that man is God but only in the human flesh.
so it's understood that the phrase
"and God said "Let us make man according to our likeness"
should be rephrase as
"and the Father said to the Mother, let us make man.."
see the comparison of the two sentences?
it implied a romantic request from the father to the mother.
because the two personage of the Godhead are joined together in marriage and therefore a married God.
there is not trinity or a one individual God whatsoever.
God is our first parents.
Let me clarify your reason....
DeleteMagbasa ka ng Biblia o magbanggit ka ng kahit isang verse na trinitarian,papalakpak ako sa reason mo.
This comment has been removed by the author.
DeleteDidn't i debunk in my post the existence of this trinitarian gods or one individual god as one of the fallacies being preached by the churches?
Deletepls read my post correctly!
Adam was created by God,not born by God.God only gave him breath of life,not begot him.
ReplyDeleteKung ganyan ang logic mo,di sinabi mo na kapantay natin si Cristo?
not born by God? how did God call Adam his son if the creation does not point to birth?
ReplyDeleteLuke 3:38
the son of Enosh, the son of Seth, the son of Adam, the son of God.
adam called seth his son by birth, so if all the sons are produced by birth, how did God beget his son through his creation ?
silly you!
Another example of biblical birth:
ReplyDeleteColossians 1:15
The Son is the image of the invisible God, the firstborn over all creation.
Creation is also an act of giving birth
INC po ako, pwede po bang gawan mo po ng article about Celebrating the New Year , pa sent po sa Email ko ^_^ thank you po
ReplyDeleteNapakaliteral namang mag isip ng mga kasapi ng INC. Mas mainam kung hindi lang tayo babase sa mga pinuno natin kundi matuto rin tayong magbasa ng Biblia on our own with guidance of the Holy Spirit.
ReplyDeleteNakita ko ang maraming maling aral ng grupong ito.
Una, ang pagiging sugo ni Ginoong Felix Manalo. Bakit ko po nasabi? Ginamit nilang konteksto sa Biblia ay ang nakasulat sa Isaias 41 and 46. Kung pagaaralan at susuriin without biased kind of thinking, makikita natin na ang mga hulang nakapaloob sa mga sulat ni Isaias ay patungkol sa Panginoong Jesus, Juan Bautista at Pablo.
Ang nakakalungkot, ang hula para aa Panginoong Jesus ay kinuha para ikabit kay Ginoong Manalo.
Isang halimbawa ang UOD NG JACOB. Ang sabi ay si Ka Felix daw yun, subalit pag binasa mo ang nakalagay sa mga Aklat ng Awit 22, napakalinaw na ito ay ang Panginoon. Bakit kaya? Ang sagot: pansinin nyo ang galaw ng Panginoon habang siya ay hinahagupit, pwede po nating ihalintulad ito sa pelikulang PASSION OF THE CHRIST. Makikita po natin ito na kumikislot habang tumatama ang latigo sa kanyang katawan.
Ang AWIT 22 po ay patungkol sa pagpapahirap sa kanya.
Kaya po ang Uod ng Jacob ay malinaw na hindi si ginoong manalo gaya ng kanilang inaankin. Hindi Blasphemy ang tawag dun?
Punta naman po tayo sa Fil. 2:5-8.
(Pakibasa nyo na lang sa Biblia)
Ang sabi po duon, ipinakita niya ang kanyang kapakumbabaan sa pamamagitan ng mula sa pagiging NASA ANYONG DIOS ay hindi niya inaring bagay ang pagkapantay niya sa Dios. Makikita po natin na siya bago masumpungan sa ANYONG TAO ay Nasa ANYONG DIOS.
Ang paliwanag ng INC ay ang anyo daw ay kalarawan ng Dios sa kabanalan base sa napakahaba nilang paliwanag. At iyon din daw ang ibig sabihin ng pagiging pantay ni Cristo at ng Dios.
Ngunit hindi ata binasa ng buo ang konteksto. Bakit ko nasabi? Hindi napansin na ang tinutukoy na BAGAY ay kanyang hinubad. Ang tanong: Hinubad po ba niya ay KABANALAN? Aba'y sila rin po ang nagpapatunay na ang Panginoon ay kailanman ay hindi nagkasala.
Kung gayon, ang kanyang pagiging nasa anyong Dios na tinutukoy ay hidi kabanalan ang ibig sabihin kundi ang mismong kanyang pagka Dios. Kaya naman mula sa pagiging ay hinubad niya ito at siya ay nasumpungan at nakitulad sa mga tao. Mula sa kalagayang walang komposisyong materyal tungo sa pagkakaroon ng laman at buto. Kaya hindi marapat sabihin na siya ay hindi Dios dahil may laman at buto. Hinubad niya ang pagiging Dios na walang laman at buto tungo sa pagiging may lamam at buto. Kaya hindi kwestiyon bakit siya ay namatay. Ang sabi nila kung si Kristo ay Dios bakit siya namatay? Take note po, ang namatay ay ang pagiging tao ni Cristo at hindi ang pagiging Dios.
Kung meron pa po kayong agam agam , dont worry po napakarami pa po ng pwede ko pang maipakita sa inyo.
Ang anyo po ay kasing kahulugan ng larawan sabi nila, Ok po payag na ako pero ang sabihing ang anyo at kaanyo o kaya naman ay larawan at kalarawan ay magkapareho, isa pong malaking HINDI.
ReplyDeletePansinin po na ang nakasulat sa talata ay anyong Dios at hindi kaanyo ng Dios. Anong ibig sabihin? wala pong comparison sa unang salita. Pag sinabing anyo ito ay nangangahulugan ng kalikasan nito.
Halimbawa: timba at katulad ng timba
Hindi ba may pagkakaiba sila?
ang timba ay sadyang timba samamtalang ang pagiging katulad ng timba ay hindi masasabing katulad kung hindi siya ihahalintulad sa likas o tunay na timba. mukhang timba pero hindi . hindi bat ganun?
So, ang anyo ay iba sa kaanyo o kalarawan.
Ako po' y nananawagan inyo. wag nyong sbihing jindi daw Kristiano amg sumasamba sa hindi tunay na Dios.
Bakit? hindi ba sumasamba rin kayo kay Cristo na sabi nyo ay hindi tunay na Diyos. Ang sagot naman nila, e kase iniutos! Ang tanong , alin ang nauna, ang utos o ang pagsamba base sa New Testament? Take note po: wala pang utos pero sinamba na siya ng mga wise men. Anong ibig sabihin.?
Ito po ang nais kong pag aralan nyo mga kababayan ko:
Itinuturing ko at sinasamba si Cristo bilang Dios,
kung si Kristo para sa inyo ay hindi tunay na Dios , kung ganoon , sumasamba ako sa isang diyos-diyosan.
Linawan ko pa:
Ang baril pag hindi tunay anong tawag?
BARIL-BARILAN
ano naman ang tawag sa hindi tunay na tao?
TAU-TAUHAN
Ano naman ang tawag sa hindi tunay na Dios?
DIYOS-DIYOSAN!
kakalungkot...
Magandang hapin anu po ang stand nyo dun sa tinutukoy na bato na sinabi ni cristo na itatayo nya ang kanyang iglesia...sinu po angbtinutukoy na bato si pedro po ba o si cristo
ReplyDeleteang bato ay c cristo, ang nagsalita ay yun spiritu.
ReplyDeleteBasahin po natin maige,
[And I tell you that you are Peter, and on this rock I will build my church, and the gates of Hades will not overcome it.]
sino ang nagsabi? c cristo ba? hindi po. basahin natin muli un talata.
[ 17 Jesus replied, “Blessed are you, Simon son of Jonah, for this was not revealed to you by flesh and blood, but by my Father in heaven.]
c Cristo ang tga pagsalita ng ama at ang pagsambit na bato ay mismo ang ama ang nagsabi kay cristo at sinalasay lng niya ito sa knyang mga alagad. ang bato na tinutukoy ay mismong c cristo kht nung wala pa ang knyang mga alagad.
pakibasa lng po ito;
[ and drank the same spiritual drink; for they drank from the spiritual rock that accompanied them, and that rock was Christ.- 1 cor 10:4 ]
Need help.!
ReplyDeleteMga karagdagan po about "PAGKATAPOS NG BAHANG GUNAW" (NOAH)