Sa nakaraan [See PART 2] ay muli na naman nating nasagot at naipakita na talagang ang magiting na CATHOLIC DEFENDER, ay nagiging bisyo na ang KONTRAHIN ang kaniyang sarili. Dahil siya pala ang hindi nakakaunawa ng ibig sabihin ng salitang REPRESENTATIVE, na ang sabi nga ni WEBSTER ay EXHIBITING A SIMILITUDE – NAGPAPAKITA NG PAGKAKATULAD o PAGKAKAHAWIG. Kaya nga sa pagsasabi ni FLEWEN na ang PAPA ay ang REPRESENTATIVE ni CRISTO, ay maliwanag na hindi niya tinutulan, at wala siyang kamalay-malay na kaniya pa ngang sinang-ayunan na talaga ngang GINAYA ng PAPA si CRISTO, na ito nga ang IKALAWANG KATANGIAN – Katulad ng isang Kordero, na binabanggit sa Apocalypsis 13:11.
Ipagpatuloy po natin ang kaniyang naging pagtutol sa IKALAWANG KATANGIAN – “Katulad ng isang Kordero”:
“Sabi ng Pari ang Papa daw ay ang Nakikitang Ulo ng Iglesia dito sa lupa, si Cristo naman daw ang hindi nakikitang Ulo, samakatuwid para sa kanila ang Papa ang Ulo ng Iglesia sa Lupa, si Cristo naman ang Ulo ng Iglesia sa langit. May mababasa ba tayo sa Biblia na dalawa ang ulo ng Iglesia? Hindi lang iyon, hindi ba nasasakop ni Cristo ang lupa? Ang kaniya bang pamamahala ay sa langit lang?”
PAGTUTOL NI FLEWEN No.3
“Sagot: IISA LANG ANG ULO NG IGLESIYA, si Krsto Hesus lamang, ngunit ang Santo papa ang kanyang representative sa lupa kaya he is the visible head. It is stated in the key that was entrusted by Jesus to St. Peter to tend His sheep and feed His lambs, papaanong hindi ito mababasa sa Bibliya eh kitang kita ang sinabi :
John 21:15-17 [DRV]
15 When therefore they had dined, Jesus says to Simon Peter: Simon, son of John, do you love me more than these? He said to him: Yea, Lord, you know that I love you. He said to him: Feed my lambs. 16 He says to him again: Simon, son of John, do you love me? He said to him: yea, Lord, you know that I love you. He said to him: Feed my lambs. 17 He said to him the third time: Simon, son of John, do you love me? Peter was grieved because he had said to him the third time: Do you love me? And he said to him: Lord, you know all things: you know that I love you. He said to him: Feed my sheep.
At iyan ang ibig sabihin kung bakit naging visible head ang santo papa, dahil gaya ni San Pedro, binigyan sila ng authority to care to His flock dahil this is the time when Jesus is implicitely handing over the authority to St.peter and His apostles.”
Kapansin-pansin na LUMIKHA sa PAGKAKATAONG ito ng mas lalong MALALANG SALUNGATAN ang kaibigan nating CATHOLIC DEFENDER, sa pagsasabi niya ng Ganito:
“IISA LANG ANG ULO NG IGLESIYA, si Krsto Hesus lamang, ngunit ang Santo papa ang kanyang representative sa lupa kaya he is the visible head.”
Maliwanag niyang sinabi na:
“IISA LANG ANG ULO NG IGLESIYA, SI KRISTO HESUS LAMANG”
Ito ang TAMA at ang KATOTOHANANG nakasulat sa Biblia. Pero sabi ko nga sa inyo, hindi makakatiis na HINDI KONTRAHIN ni FLEWEN ang kaniyang SARILI, dahil palagay ko may sakit siya na kung tawagin ay ELISEO SORIANO SYNDROME, hehehehe
Kaya kinontra niya ito sa pagsasabi niya ng:
“ANG SANTO PAPA ANG KANYANG REPRESENTATIVE SA LUPA KAYA HE IS THE VISIBLE HEAD.”
KAPAG BA SINABING “VISIBLE HEAD” HINDI BA “ULO” IYON?
Kita ninyo…KUNG IISA LAMANG ANG ULO NG IGLESIA, Samakatuwid WALA NA ITONG IBANG ULO MALIBAN KAY CRISTO…Sa Pagsasabi ni FLEWEN na ang PAPA ay ang VISIBLE HEAD o NAKIKITANG ULO ng IGLESIA, lumalabas ngayon na HINDI NGA IISA ANG ULO NG IGLESIA, dahil mayroon pa siyang ipinakikilalang ibang ULO maliban kay Cristo eh.
KUNG TALAGANG IISA LANG ANG ULO SA PANINIWALA NILA AT ITO’Y SI CRISTO LAMANG, ANO’T MAY IPAPAKILALA PA SIYANG ISA PANG ULO NA ITO NGA AY ANG PAPA. Isa na naman itong KONTRADIKSIYON.
Animo’y NAGSUSUNTUKAN at HINDI MAGKASUNDO ang kaniyang MGA PAHAYAG na ito…hehehehehe
Gaya nga ng sabi ng Paring si MARTIN J. SCOTT, ating balikan:
"The pope, therefore, as vicar of Christ, is the VISIBLE HEAD of CHRIST'S KINGDOM on earth, THE CHURCH, of which CHRIST HIMSELF IS THE INVISIBLE HEAD." [Answer Wisely, by Rev. Martin J. Scott, p. 49]
Sa Filipino:
“Ang Papa, samakatuwid, bilang kahalili ni Cristo, ay ang NAKIKITANG ULO ng KAHARIAN NI CRISTO sa lupa, ang IGLESIA, kung saan SI CRISTO MISMO ANG DI NAKIKITANG ULO NITO.”
CRISTO = INVISIBLE HEAD IN HEAVEN
SANTO PAPA= VISIBLE HEAD ON EARTH
Hindi ba kayo marunong talagang bumilang mga CATHOLIC DEFENDERS?
May ULO sa LANGIT at may ULO sa LUPA, ILAN ANG ULO? Sagot!!!
Puwede ba ninyong sagutin iyan ng ganito?
IISA LANG ANG ULO SI CRISTO LANG!
KUNG SI CRISTO LANG ANG ULO, SAMAKATUWID WALANG ULO SA LUPA, HINDI PO BA?
Eh kitang-kita at maliwanag na DALAWA ang ULO na inyong IPINAPAKILALA, tapos sasabihin ni FLEWEN IISA LANG ANG ULO NG IGLESIA AT ITO’Y SI CRISTO LAMANG…
Para maniwala kami na talagang sa IGLESIA KATOLIKA, ang NAG-IISANG ULO NITO AY SI CRISTO LAMANG…
WALA KANG GAGAWIN FLEWEN KUNDI SABIHIN SA AMIN NA HINDI ULO NG IGLESIA ANG PAPA
PERO MALABO NIYANG GAWIN ‘YON. DAHIL TALAGA NAMANG ARAL SA KANILA NA ANG PAPA AY ULO NG IGLESIA KATOLIKA EH.
Kaya maliwanag na kung ating tatanggapin ang PAGTUTOL ni FLEWEN sa isyung ito, alam niyo ba kalalabasan? ISA NA NAMANG PARI ANG MAGIGING SINUNGALING. Kaya ang nagiging bunga ng pagtutol ni FLEWEN na ito ay LUMALABAS na siya ang nagsasabi ng TOTOO at ang mga PARI nila ay mga SINUNGALING.
Eh sino ba AMA ng mga TAONG SINUNGALING?
Sasagutin tayo ng Panginoong Jesus:
Juan 8:44 “KAYO'Y SA INYONG AMANG DIABLO, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. PAGKA NAGSASALITA SIYA NG KASINUNGALINGAN, AY NAGSASALITA SIYA NG SA GANANG KANIYA: SAPAGKA'T SIYA'Y ISANG SINUNGALING, AT AMA NITO.”
Kaya lalabas na may mga PARI sa Iglesia Katolika na ang AMA ay ang Diablo. Kaya ang kaniyang mga pinagsasabi ay hindi nakakatutulong kundi nakakasama pa nga sa kanilang panig.
Pero HUMIRIT pa ang CATHOLIC DEFENDER, at gumamit pa ng TALATA, para patunayan ang dahilang kung papaanong naging VISIBLE HEAD ang PAPA, kapansin-pansin na hindi magawang tagalugin ni FLEWEN ang salitang VISIBLE HEAD, kasi nga mababanggit niya ang salitang ULO, na lalong magdudulot sa kaniya ng pagkapahiya:
Puntahan nating muli ang kaniyang sinabi:
“…ang Santo papa ang kanyang representative sa lupa kaya he is the visible head. It is stated in the key that was entrusted by Jesus to St. Peter to tend His sheep and feed His lambs, papaanong hindi ito mababasa sa Bibliya eh kitang kita ang sinabi : John 21:15-17 [DRV]
Ating sipiin sa Filipino ang nasabing talata na kaniyang ibinigay, dahil TAGALOG naman ang ating talakayan, nasa bandang itaas ang English version na kaniyang sinipi kung gusto ninyong makita:
Juan 21:15 “Kaya't nang mangakapagpawing gutom sila, ay sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, Simon, anak ni Juan, iniibig mo baga ako ng higit kay sa mga ito? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Pakanin mo ang aking mga kordero”.
Juan 21:16 “Sinabi niya sa kaniyang muli sa ikalawa, Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Alagaan mo ang aking mga tupa.”
Juan 21:17 “Sinabi niya sa kaniya sa ikatlo, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Nalumbay si Pedro sapagka't sa kaniya'y sinabing makaitlo, Iniibig mo baga ako? At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang aking mga tupa.”
At pagkatapos ay NAGKONKLUSIYON siya ng ganito:
“…AT IYAN ANG IBIG SABIHIN KUNG BAKIT NAGING VISIBLE HEAD ANG SANTO PAPA, dahil gaya ni San Pedro, binigyan sila ng authority to care to His flock dahil this is the time when Jesus is implicitely handing over the authority to St.peter and His apostles.”
So ang pagkakaunawa ng magiting na si FLEWEN kaya naging VISIBLE HEAD [NAKIKITANG ULO NG IGLESIA] ang PAPA, dahil ibinigay daw ni Cristo ang AUTHORITY [o KAPANGYARIHAN], para mangalaga sa kaniyang mga TUPA, so ang definition ng VISIBLE HEAD para sa kaniya ay:
VISIBLE HEAD = AUTHORITY o KAPANGYARIHAN PARA MANGALAGA NG MGA TUPA
At pinatunayan pa niya na ang PANGYAYARING iyon ay isang “TURN OVER CEREMONY”, narito ang ebidensiya, sabi niya:
“…this is the time when Jesus is implicitely handing over the authority to St.peter and His apostles.”
Sa Filipino:
“…Ito ang panahon na walang pag-aalinlangan na ipinasa ni Jesus ang Kapangyarihan kay San Pedro at sa Kaniyang mga Apostol.
Kaya kung ating susundan ang kaniyang pagkaunawa sa talata, dahil nga sa ang ibig sabihin ng VISIBLE HEAD-ito ay kapangyarihan sa pangangalaga ng mga tupa. Lumalabas ngayon na ipinasa ni Jesus kay Apostol Pedro ang pagiging VISIBLE HEAD o ang pagiging NAKIKITANG ULO ng IGLESIA.
Ito ay wala sa Biblia, at nananaginip lamang ang mga Catholic Defender na ipalagay na ganito ang kahulugan nito.
Narito ang magiging napakalaking problema na kailangan sagutin sa atin ni FLEWEN:
1. Hindi ba lalabas nito na sa pagkakataong iyon ay hindi na VISIBLE HEAD ng IGLESIA si Cristo dahil ipinasa na niya ito kay Apostol Pedro?
2. At hindi ba lalabas sa pagkakataong iyon na kahit nasa lupa pa si Cristo ay naging INVISIBLE HEAD na siya, dahil ang pagiging VISIBLE HEAD ay ipinasa na niya kay Pedro?
3. O kaya, Hindi ba lalabas na DALAWA na ang VISIBLE HEAD, kasi nga si Cristo na isang VISIBLE HEAD, ay ginawa niyang isa pang VISIBLE HEAD si Pedro, dahil sa ginawa niyang pagbibigay dito ng AUTHORITY?
4. Granting without conceding na IPINASA NGA NI CRISTO KAY PEDRO ANG PAGIGING VISIBLE HEAD, saan naman mababasa sa Biblia na IPINASA naman ITO NI PEDRO SA PAPA NG IGLESIA KATOLIKA?
Abangan natin kung masasagot sa atin iyan ng magiting na CATHOLIC DEFENDER.
ALAM NIYO BA NA MALI NA IPALAGAY NA ANG PANGYAYARING IYON AY ISANG URI NG PAGPAPASA NG KAPANGYARIHAN o sabi ko nga kanina ay “TURN OVER CEREMONY”?
Dito natin patutunayan na kapag nagbabasa ang mga CATHOLIC DEFENDER ay nakapikit ang kanilang mga mata, o kaya ILONG ang ginagamit nila kapag nagbabasa sila ng BIBLIA.
Ang hindi nila napansin sa TALATA, ay TATLONG BESES tinanong ni Cristo si Pedro ng ganito:
“Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako?”
Sa palagay ninyo mga kapatid bakit tinanong ni Cristo si Pedro ng ganiyan? Ikaw kapag tinanong mo sa isang tao halimbawa sa isang mahal mo sa buhay: INIIBIG MO BA AKO? Ano ibig sabihin niyan? Hindi ba iyan isang uri ng PANINIGURO? Hindi ba iyan ay PANINIYAK? At tanda na may pagdududa iyong nagtatanong.
Maliwanag na NAGDUDUDA si Cristo sa PAGIBIG sa kaniya ni APOSTOL PEDRO, kaya niya ito tinatanong ng ganito: INIIBIG MO BAGA AKO?
Bakit ba nagduda ang Panginoong Jesus sa PAG-IBIG sa kaniya ni APOSTOL PEDRO?
Tandaan natin na ang pangyayaring iyon ay ang muling pagkabuhay ni Jesus, at bago ang eksenang nasa Juan 21:15-17 ay ganito muna ang unang nangyari:
Juan 21:2 “Samasama nga si Simon Pedro, at si Tomas na tinatawag na Didimo, at si Natanael na taga Cana ng Galilea, at ang mga anak ni Zebedeo, at dalawa pa sa kaniyang mga alagad.”
Juan 21:3 “SINABI SA KANILA NI SIMON PEDRO, MANGINGISDA AKO. SINABI NILA SA KANIYA, KAMI MAN AY MAGSISISAMA SA IYO. Sila'y nagsiyaon, at nagsilulan sa daong; at nang gabing yaon ay wala silang nahuling anoman.”
Si APOSTOL PEDRO ay nagpasiyang muling bumalik sa kaniyang dating gawain nung hindi pa siya APOSTOL, ang PANGINGISDA, at isinama pa niya ang ibang mga ALAGAD.
Matatandaan natin na sa ganitong eksena unang natagpuan ni Cristo si Apostol Pedro:
Mateo 4:18 “At sa paglalakad niya sa tabi ng dagat ng Galilea; ay nakita niya ang dalawang magkapatid, SI SIMON NA TINATAWAG NA PEDRO, at si Andres na kaniyang kapatid, na inihuhulog ang isang lambat sa dagat; sapagka't SILA'Y MGA MAMAMALAKAYA.”
At ganito ang sinabi ni Jesus kay Pedro:
Lucas 5:10 “At gayon din si Santiago at si Juan, mga anak ni Zebedeo, na mga kasama ni Simon. AT SINABI NI JESUS KAY SIMON, HUWAG KANG MATAKOT; MULA NGAYON AY MAMAMALAKAYA KA NG MGA TAO.”
Nang tinawag ni Cristo si Simon Pedro upang maging APOSTOL ay maliwanag na siya’y pinatigil na ni Cristo sa gawaing PANGINGISDA, at sinabihan nga na “MULA NGAYON AY MAMAMALAKAYA KA NG MGA TAO.”
Subalit ng MAMATAY ang Panginoong Jesus, ay BINALIKAN ni Pedro ang kaniyang dating GAWAIN, maliwanag na UMURONG SI PEDRO SA TUNGKULING IBINIGAY SA KANIYA NG PANGINOONG JESU-CRISTO, iniwan niya ang PAMAMALAKAYA ng mga TAO [PANGANGARAL NG EVANGHELIO UPANG MADALA ANG TAO SA KATOTOHANAN] at BUMALIK SA KANIYANG DATING GAWAING PANGINGISDA.
Nalulugod ba ang Diyos sa taong UMUURONG sa kaniyang TUNGKULIN?
Hebreo 10:38 “Nguni't ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya: AT KUNG SIYA AY UMURONG, AY HINDI KALULUGDAN NG AKING KALULUWA.”
Kaya tinanong siya ni Cristo Jesus ng ganito?
Juan 21:15 “Kaya't nang mangakapagpawing gutom sila, ay sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, Simon, anak ni Juan, INIIBIG MO BAGA AKO NG HIGIT KAY SA MGA ITO?...”
Kasi nga si Pedro pa ang NAGPROMOTOR NG PANG-IIWAN SA TUNGKULIN kaya siya ang hinarap ni Cristo, siya ang NAGBIGAY ng ideya sa ibang mga ALAGAD na BUMALIK sa PANGINGISDA.
Kaya tinanong siya ni Cristo Kung niibig ba siya ni Pedro ng higit kay sa mga ito? Na ang tinutukoy ni Cristo ay ang kaniyang ginawang pangingisda, na tanda ng paglimot ni Pedro sa tungkuling iniatang sa kaniya ni Cristo – ang PAMAMALAKAYA NG MGA TAO.
Kaya nga kung ating babalikan ang Juan 21:17, ay ating mababasa na NALUMBAY SI PEDRO, dahil naramdaman ni Pedro na may pagdududa si Jesus sa kaniyang Pag-ibig sa kaniya, dahil sa paulit-ulit nitong pagtatanong ng: INIIBIG MO BAGA AKO?
Juan 21:17 “Sinabi niya sa kaniya sa ikatlo, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? NALUMBAY SI PEDRO sapagka't sa kaniya'y sinabing makaitlo, Iniibig mo baga ako? At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang aking mga tupa.”
KAYA NGA MASASABI NATIN, NA MERON BANG PINAPASAHAN NG AUTHORITY o KAPANGYARIHAN NA ANG NAGING REAKSIYON AY PAGKALUMBAY o PAGKALUNGKOT? HINDI BA DAPAT NIYA ITONG IKAGALAK DAHIL ANG PAGTANGGAP NG AUTHORITY AY ISANG BAGAY NA DAPAT IKASIYA AT HINDI IKALUMBAY.
Ano ang HININGING KATIBAYAN NI CRISTO ng Pag-ibig sa kaniya ni Pedro?
“Pakanin mo ang aking mga tupa.”
Sapagkat ito ang tungkulin na talagang dapat niyang gampanan, ito ang dapat niyang gawin at hindi ang pagbalik sa dati niyang gawaing PANGINGISDA.
Ano ba ang katunayan ng Pag-ibig kay Cristo? Sasagutin tayo ni Jesus:
Juan 14:21 “ANG MAYROON NG AKING MGA UTOS, AT TINUTUPAD ANG MGA YAON, AY SIYANG UMIIBIG SA AKIN: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya'y iibigin ko, at ako'y magpapakahayag sa kaniya.”
Kaya binigyan niya si Pedro ng UTOS…at kung ito’y kaniyang gagampanan at tutuparin ay mapapatunayan niya ang kaniyang TUNAY NA PAG-IBIG sa Panginoong Jesus. Dahil ang katibayan ng PAG-IBIG kay Cristo ay ang PAGSUNOD SA KANIYANG MGA UTOS.
Hindi ito PAGPAPASA NG AUTHORITY o KAPANGYARIHAN kundi PAGBIBIGAY kay PEDRO ng UTOS na dapat niyang gawin UPANG MAPATUNAYAN NIYA NA TALAGANG INIIBIG NIYA SI CRISTO.
MALIWANAG NA SI PEDRO AY INUUTUSAN DITO NI CRISTO, AT HINDI PINAPASAHAN NG KAPANGYARIHAN…
NAPAKALABO NG KANILANG PANG-INTINDI TALAGA…HEHEHEHEH
ITO ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG NASABING MGA TALATA, na as usual ay hindi nila naunawaaan kasi nga kung magbasa sila ng Biblia, sarado ang mga MATA.
Ngayon kung ipipilit ni FLEWEN na ang kahulugan na kapag inutusan ka na “PAKANIN MO ANG MGA TUPA” ay ikaw na ang VISIBLE HEAD o ang NAKIKITANG ULO ng IGLESIA, aba’y dadami po ang ULO NG IGLESIA, bakit?
Basahin natin:
Gawa 20:28 “Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga KATIWALA, UPANG PAKANIN ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo.” [Batay sa Lamsa Version]
Dahil ang GAWAING PAGPAPAKAIN o PANGANGALAGA sa mga TUPA na ito ay ang mga kaanib sa KAWAN o IGLESIA NI CRISTO, ay tungkuling iginawad ng ESPIRITU sa sinomang itinalagang KATIWALA nito…
Kaya kung ang ibig sabihin ng PAGPAPAKAIN at PANGANGALAGA ng mga TUPA ay ikaw ay magiging VISIBLE HEAD, inakupo, kataku-takot ang magiging VISIBLE HEAD o ULO NG IGLESIA…Dahil hindi lamang si APOSTOL PEDRO ANG INUTUSAN NA GUMANAP NG GANITONG GAWAIN.
Ipagpapatuloy pa po natin ang pagsagot kay FLEWEN, abangan po ninyo….