Atin pong basahin ang kanilang
pinagbabatayang talata:
Hebreo
1:8 “Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, ANG
IYONG LUKLUKAN, OH DIOS, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay
siyang setro ng iyong kaharian.”
Ginagamit ng mga tagapagtaguyod ng
paniniwalang si CRISTO ay DIYOS ang talatang ito upang patunayan na tinawag daw
ng DIYOS AMA si CRISTO na DIYOS. Kung ating tatanggapin na talagang tinawag ng
Diyos ang kaniyang ANAK na “OH DIOS” sa
HEBREO 1:8,
Lalabas na KINONTRA ng Diyos ang kaniyang sarili! Sapagkat sinabi niya sa ISAIAS 46:9
na: “sapagka't ako'y
Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko;” Sa kabilang
dako, ay mayroong
pang ibang pagkakasalin ng talatang ito na pilit ikinukubli ng mga
naniniwalang Diyos si Cristo na gumagamit ng talatang ito na inaakala nilang
patunay sa kanilang paniniwala.
Subalit may mga
iba na nagpapakita ng katapatan gaya ng ipinakita sa footnote ng Revised Standard Version na nagsasaad
na “GOD IS YOUR THRONE” o “ANG DIYOS ANG IYONG LUKLUKAN” bilang
katibayan na mayroon pang ibang pagkakasalin ng nasabing talata.
Ang salitang
ginamit sa Bibliang Griego ay “O’
THEOS”…
Ang Hebreo 1:8,
sa katunayan ay isang sipi mula sa aklat ng Mga Awit 45:6 na sa orihinal ay
nasulat sa wikang Hebreo.
Ang salitang O’
THEOS ay hindi matatagpuan sa Bibliang Hebreo na tinatawag na Texto Masoretiko (Masoretic Text). Ang O’
THEOS ay hinango sa SEPTUAGINTA
[LXX], isang salin ng Lumang Tipan sa wikang Griego noong ikalawang siglo –
2nd Century (hindi ito ang
orihinal na wika ng Lumang Tipan). Subalit dito man ay inaamin ng isang Bible
Scholar, na si B.F. Wescott na ang Greek
word na O’ THEOS ay may dalawang
pagkakasalin:
"The LXX admits of two renderings: ho theos can be taken as a vocative in
both cases (_Thy throne, O God,... therefore, O God, Thy God..._) or it can be taken as the subject
(or the predicate) in the first case (_God is Thy throne,_ or _Thy throne is God..._), or in apposition to ho theos sou
in the second case (_Therefore God, even Thy God..._)..." (The Epistle to the Hebrews," London, 1892, pp. 25)
Sabi
sa aklat: ang LXX o ang Septuaginta ay inaamin na may
dalawang pagkakasalin: ang HO THEOS ay maaaring kapuwa ituring na VOCATIVE
CASE kaya maisasalin na “ANG IYONG LUKLUKAN, OH DIYOS”,…
samakatuwid, “OH DIYOS, IYONG DIYOS…”, o
maaaring ituring bilang SUBJECT o SIMUNO (o PREDICATE
(PANAGURI)) na nasa first case: “ANG DIYOS ANG IYONG LUKLUKAN”, o “ANG IYONG LUKLUKAN AY ANG DIYOS”, o isang apposition sa HO THEOS SOU sa second case “SAMAKATUWID ANG
DIYOS”, “MAGING ANG IYONG DIYOS”
Sa Bibliang Hebreo, ang nakalagay ay
ang DIYOS ay ang LUKLUKAN ng ANAK na
ito ay isang metaphor (ito ay isang figure of speech na naghahambing o
nagtutulad) na nagpapakita na ang DIYOS ang pinanggalingan ng Luklukan o
kapangyarihan ng Anak o ni Cristo.
Pinatutunayan ito ni Jesus sa Mateo 28:18 nang sabihin niyang: “Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay
naibigay na sa akin.” At sa Mateo
11:27 ay sinabi din niyang: “Ang
lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama” . Maliwanag kung
gayon na ang pinanggalingan ng kaniyang kapangyarihan at karapat ay ang Diyos
na pagdating ng ARAW NG PAGHUHUKOM ay paiilalim siya sa kapangyarihan ng
nagiisang Diyos ang Ama:
1 Corinto 15:27 -28 “Ganito ang sinasabi
ng kasulatan, “Ang lahat ng bagay ay lubusang ipinailalim ng Diyos sa kaniyang
kapangyarihan.” Ngunit sa salitang “lahat
ng bagay” maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat
ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo.
At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ANG
ANAK NAMAN ANG PAPAILALIM SA KAPANGYARIHAN NG DIYOS NA NAGLAGAY NG LAHAT NG
BAGAY SA ILALIM NG KAPANGYARIHAN NIYA.
Sa gayon lubusang maghahari ang Diyos sa lahat.” [Magandang
Balita, Biblia]
Kaya
nga maitatanong natin, bakit papailalim ang Anak sa Diyos kung PANTAY sila ng
KAPANGYARIHAN ng Ama? Ito ay isang tanong na nakatatawag pansin at hindi
maipaliwanag ng mga nagtataguyod ng aral na TRINIDAD, na ang laging palusot ng mga ito ay: “Ang Santisima Trinidad ay isang misteryo”.
“Ang Diyos Ay Iyong Luklukan”
Ang
mga sumusunod ay ang mga iba pang pagkakasalin ng nasabing talata:
Hebrews
1:8 "But
of the Son he says, `GOD IS YOUR THRONE forever and ever! And
a righteous sceptre is the sceptre of his kingdom!`" (Goodspeed)
Hebrews 1:8 "He says of the Son, `GOD IS THY THRONE for ever
and ever, thy royal sceptre is the sceptre of equity`." (Moffat Translation)
Maliwanag ang banggit sa mga verse na ito: “GOD IS YOUR THRONE” o “GOD IS THY
THRONE” na sa
tagalog ay “ANG
DIYOS AY IYONG LUKLUKAN”
Sa mga saling ito ng Biblia na Goodspeed at Moffat, makikita na hindi tinawag ng Ama na
Diyos ang kaniyang Anak, kundi ang sinasabi ng Diyos Ama sa Anak (si Cristo) na
Siya (Ang Ama) ay ang kaniyang (Ang Anak) luklukan o trono.
Samakatuwid ang dalawang pagkakasaling ito ng Hebreo 1:8 ay hindi kumokontra o sumasalungat sa iba pang mga pahayag sa
Biblia kaya ating natitiyak na ang pagkakasaling ito ang tumpak at tama. Dahil kung ating tatanggapin na kinikilala ng
Ama ang Anak na isa pang Diyos maliban sa kaniya, ay kokontrahin ng Diyos mismo
ang kaniyang pahayag:
Isaias
45:21 “Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo,
magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang
panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? AT WALANG
DIOS LIBAN SA AKIN: ISANG GANAP NA DIOS AT TAGAPAGLIGTAS; WALANG IBA LIBAN SA
AKIN.”
Ang
Diyos mismo ang nagsabi at nagturo sa mga tao na walang ibang Diyos maliban sa
Kaniya, at ang NAGIISANG DIYOS na ito ay ang AMA na lumikha ng lahat ng mga
bagay:
Malakias 2:10 “Hindi ba IISA ang ating AMA? Hindi
ba IISANG DIYOS ang lumalang sa atin? [MBB]
Hindi lamang sa
hindi kumikilala ang Diyos sa iba pang Diyos kundi ipinakilala pa niya ang
kaniyang pagkakaiba sa pagsasabing wala siyang katulad o kagaya:
Isaias 46:9
“Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: SAPAGKA'T AKO'Y DIOS, AT
WALANG IBA LIBAN SA AKIN; AKO'Y DIOS, AT WALANG GAYA KO;”
Kung atin ngang
babalikan ang Hebreo 1:8 at itutuloy ang pagbasa sa verse 9, ay mapapansin natin na ang Anak ang may kinikilalang Diyos:
Hebreo
1:9 “Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo
ang kasamaan; KAYA'T ANG DIOS, ANG DIOS MO, ay nagbuhos sa iyo, Ng langis ng
kasayahang higit sa iyong mga kasamahan”.
Pansinin ang
banggit na: “ANG
DIOS MO” .
Kung si Cristo na Anak ay ang Diyos, lalabas ngayon na ang Diyos ay may
kinikilalang isa pang Diyos maliban sa kaniya, magkakaroon na ngayon ng DALAWANG DIYOS na ito ay aral na labag
sa Biblia.
Maliwanag na
katotohanan na kung ang Diyos, ang Ama ay walang kinikilalang iba pang Diyos,
si Cristo sa kabilang dako ay kinikilala ang Ama bilang kaniyang Diyos:
Juan
20:17 “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong
hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking
mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA at INYONG AMA, at
AKING DIOS at INYONG DIOS.”
“Ang Iyong Luklukan, binigay ng Diyos”
Sinasabi
ng mga naniniwalang Diyos si Cristo na mali daw na paniwalaan na ang Diyos ay
isang Trono o Luklukan, kasi daw ay pinababa namin ang kalagayan ng Diyos na
itinuturing lang daw na upuan. Kaya kanilang tinatanong: “Paano magiging tama ang pagkaunawa na ang Diyos ay Trono o Luklukan ni
Jesus?”
Marapat
ba kasing unawain ito ng literal?
Dapat
nating malaman na ang sinasabi sa Hebreo 1:8 ay isang propesiya o hula tungkol sa
pagdating ng Mesias na mababasa sa Lumang Tipan na sinipi mula sa Mga
Awit 45:7 na nagsasabi ng ganito:
Ating pong basahin ang nasabing talata sa Bibliang isinalin ng mga Judio sa
panahon natin ngayon:
Psalms
45:7 "THY THRONE, GIVEN OF GOD, endureth for ever
and ever; the sceptre of thy kingdom." (Jewish Publications
Society of America Translation)
Maliwanag na sinasabi sa talatang iyan na isinalin ng mga Judio na: “THY THRONE, GIVEN OF
GOD” o sa Filipino ay “ANG IYONG
LUKLUKAN, BIGAY NG DIYOS”
Samakatuwid
ang kahulugan nung salitang “GOD IS YOUR THRONE” (ANG DIYOS AY IYONG LUKLUKAN) ay “THY THRONE, GIVEN
OF GOD” (ANG IYONG LUKLUKAN, BINIGAY
NG DIYOS)
At
ang katibayang iyan ay binigyang linaw sa unahan ng kapitulo na ang Diyos ay
magbibigay ng kaniyang kaharian sa isang HARI:
Psalms
45: 1- 3 "Beautiful
words fill my mind, as I compose this song for the king. Like the pen of a good
writer my tongue is ready with a poem. You are the most handsome of men; you
are an eloquent speaker. GOD HAS ALWAYS BLESSED YOU.
BUCKLE ON YOUR SWORD, MIGHTY KING; YOU ARE GLORIOUS AND MAJESTIC." (Today’s English
Version)
Sa
Filipino:
Awit 45:1-3 “Mga magagandang salita ang pumupuno sa aking isipan, habang
aking isinusulat ang awit para sa Hari. Katulad ng panulat ng isang magaling na
manunulat ang aking dila ay nahahanda sa isang tula. Ikaw ang painakamakisig sa
lahat ng mga tao; ikaw ay mahusay magsalita. ANG DIYOS AY PINAGPAPALA KANG
PALAGI. ISUKBIT MO ANG IYONG TABAK, DAKILANG HARI; IKAW AY MALUWALHATI AT
MARILAG.”
At ang kinatuparan
ng propesiyang ito ay si Jesus na pinagbigyan ng Diyos ng Trono o Luklukan ni
David:
Lucas 1:31-33 “At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak
ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS. SIYA'Y MAGIGING DAKILA, AT TATAWAGING ANAK NG
KATAASTAASAN: AT SA KANIYA'Y IBIBIGAY NG PANGINOONG DIOS ANG LUKLUKAN NI DAVID na
kaniyang ama: At siya'y maghahari sa
angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian.”
Kaya maliwanag
na ang kapangyarihan ni Jesus at ang kaniyang karapatang tinataglay ay hindi
lihitimo sa kaniya kundi ito ay ibinigay lamang sa kaniya. At ito ay kaniyang
ipinahayag sa kaniyang mga alagad:
Mateo
28:18 “At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y
kaniyang kinausap, na sinasabi, ANG LAHAT NG KAPAMAHALAAN SA LANGIT AT SA
IBABAW NG LUPA AY NAIBIGAY NA SA AKIN.”
At ang nagbigay
sa kaniya ng lahat ng ito ay ang Ama, narito ang kaniyang pagtatapat:
Mateo
11:27 “ANG LAHAT NG MGA
BAGAY AY IBINIGAY SA AKIN NG AKING AMA: at sinoma'y hindi nakakakilala sa Anak
kundi ang Ama; at sinoma'y hindi nakakakilala sa Ama, kundi ang Anak, at yaong
ibiging pagpahayagan ng Anak.”
At
pagkatapos nga na maibigay sa kaniya ang lahat ng bagay, ang ANAK ay papailalim
sa kapangyarihan ng Ama na nagbigay ng lahat ng bagay sa kaniya, at ito ay
magaganap sa ARAW NG PAGHUHUKOM:
1 Corinto 15:27-28 “Ganito ang sinasabi
ng kasulatan, “Ang lahat ng bagay ay lubusang ipinailalim ng Diyos sa kaniyang
kapangyarihan.” Ngunit sa salitang “lahat
ng bagay” maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat
ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo.
At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ANG
ANAK NAMAN ANG PAPAILALIM SA KAPANGYARIHAN NG DIYOS NA NAGLAGAY NG LAHAT NG
BAGAY SA ILALIM NG KAPANGYARIHAN NIYA.
Sa gayon lubusang maghahari ang Diyos sa lahat.” [MBB]
“Si Jesucristo ay Tao”
Kung si Cristo
man ay binigyan ng Trono o Luklukan ng Diyos, ito ay hindi mangangahulugan na
ang Diyos ay paiilalim kay Cristo, niliwanag na iyan sa talatang binasa natin
sa itaas. Eh ano ang puwesto ng Trono ni Cristo sa Langit? Siya ba ay nakaupo
sa Trono o Luklukan ng Diyos mismo? Basahin natin ang patotoo ng Banal
na Kasulatan mula din sa sumulat ng Hebreo 1:8:
Hebrews
8:1 "What I mean is that WE HAVE A HIGH
PRIEST WHO SITS AT THE RIGHT SIDE OF GOD'S GREAT THRONE IN HEAVEN." (CEV)
Sa Filipino:
Hebreo 8:1 “Ang ibig kong
tukuyin ay MAYROON TAYONG ISANG MATAAS NA SASERDOTE NA NAKAUPO SA KANAN NG
TRONO NG DIYOS SA LANGIT.”
Ang tinutukoy na MATAAS NA SASERDOTE ay walang iba kundi si
Cristo:
Hebrews 4:14 "That is why we have A GREAT HIGH PRIEST WHO HAS GONE TO
HEAVEN, JESUS THE SON OF GOD." (NLT)
Sa
Filipino:
Hebreo 4:14 “Kaya nga mayroon tayong ISANG
DAKILANG MATAAS NA SASERDOTE NA UMAKYAT SA LANGIT, SI JESUS ANG ANAK NG DIYOS.”
Ano ang kalagayan ng sinasabing MATAAS NA SASERDOTE na NAKAUPO
sa KANAN ng DIYOS? Sasagutin tayo ng mga talatang ito:
Hebrews
7:26 "Here is the HIGH PRIEST we
need. A MAN WHO IS HOLY, faultless,
unstained, seperate from sinners and lifted above the very Heavens." (Philips Translation)
Sa
Filipino:
Hebreo 7:26 “Narito ang MATAAS NA SASERDOTE na
ating kailangan, ISANG TAONG BANAL, malinis, walang dungis, hiwalay sa mga
makasalanan at iniakyat sa itaas sa mga langit.”
Maliwanag
ang pagkakasabi siya’y ISANG TAONG BANAL,
samakatuwid ISANG TAO, narito pa ang
isang ebidensiya:
Hebrews 7:24 "But THIS MAN, because he continueth ever, hath an
unchangeable priesthood." (KJV)
Sa Filipino:
Hebreo 7:24 “Ngunit ANG TAONG ITO, sapagkat namamalagi magpakailan man, ay
may pagkasaserdote na hindi mapapalitan.”
At dahil sa si Cristo ay TAO, maliwanag na hindi siya DIYOS,
sapagkat ang DIYOS ay HINDI TAO, ating basahin:
Oseas
11:9 “Hindi ko
isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang
Ephraim: SAPAGKA'T AKO'Y DIOS, AT HINDI TAO; ang Banal sa gitna mo; at hindi
ako paroroon na may galit.”
At
sapagkat si Cristo, ang Mataas na Saserdote na nakaupo sa kanan ng Trono o
Luklukan ng Diyos, ay isang TAO at HINDI DIYOS.
Samakatuwid ang sumulat ng Hebreo 1:8, ay hindi kailan man naniniwala o
nagturo na si Cristo ay Diyos. At atin ngayong matitiyak na MALING SALIN ang
mga talatang nagsasabi na “ANG IYONG
LUKLUKAN, OH DIYOS.”
Dahil
hindi kailan man kokontrahin ng sumulat ng aklat ng Hebreo ang kaniyang sarili…
Hanggang
sa muli...