Showing posts with label larawan. Show all posts
Showing posts with label larawan. Show all posts

Monday, 22 August 2011

Sagot kay Flewen Part 2: Katoliko Inutusang Lumuhod sa mga Larawan

  
Ipagpapatuloy natin ang ating pagsagot sa ipinost ni FLEWEN sa Kaniyang Blog na may pamagat na:

Narito ang aking sinabi na may kalakip na tanong:

“At kung talagang ang relihiyong itinatag ni Cristo noon ay kauri ng Iglesia Katolikang kinaaaniban mo ngayon. Di ibig sabihin parehong-pareho sila sa aral at paniniwala, Kay Cristo lahat galing ang lahat ng aral na inyong sinusunod. Itatanong ko lang sa iyo FLEWEN, nung panahong nandito pa sa lupa si Cristo, at buhay pa ang mga Apostol, at ang mga Unang Cristiano, KANGINONG MGA LARAWAN ANG NASA KANILANG TEMPLO, NA KANILANG NILULUHURAN AT DINADALANGINAN? Pakisagot mo ito FLEWEN.”

Narito naman ang kaniyang naging sagot:

“Sagot: Simple lang ang sagot diyan, remember mo sa mga catacombs at sa mga gawa ni San Lukas na kung saan iginuhit, ipininta at gumawa sila ng larawan na kawangis o representasiyon ni Hesus. Ang ibinibintang mong niluluhuran na mga larawan ay sadyang imbento ng malikot mong pag-iisip, walang itinuturo ang Iglesiya na luhuran ang mga imahe na bagay parang mga diyos diyosan, bagkus binibigyang pugay lamang nito ang mga banal na nirerepresenta ng mga imahe. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?”

Napakaliwanag ng ating tanong sa kaniya, uulitin natin:

“KANGINONG MGA LARAWAN ANG NASA KANILANG TEMPLO, NA KANILANG NILULUHURAN AT DINADALANGINAN?”

Ang kaniyang NAPAKALAYONG SAGOT:

“REMEMBER MO SA MGA CATACOMBS AT SA MGA GAWA NI SAN LUKAS NA KUNG SAAN IGINUHIT, IPININTA AT GUMAWA SILA NG LARAWAN NA KAWANGIS O REPRESENTASIYON NI HESUS.”

Kitang-kita kung gaano kagaling sa pagsagot ng SABLAY itong MAGITING NA CATHOLIC DEFENDER na si FLEWEN. Ang itinatanong natin sa kaniya ay KANGINONG LARAWAN ANG NASA TEMPLO NA NILULUHURAN NG MGA UNANG CRISTIANO. “MGA LARAWAN SA TEMPLO” ang ating itinatanong sa kaniya. Ang kaniyang isinagot “LARAWAN SA ATAOL” O “CATACOMBS” na diumano’y KAWANGIS o REPRESENTASYON ni JESUS, samakatuwid HINDI TALAGANG SI JESUS.

Dinala tayo ng magiting na Catholic Faith Defender na ito sa ATAOL at hindi sa TEMPLO, kasi nga wala tayong mababasa sa Biblia, na nagkaroon kahit man ng LARAWAN na NILULUHURAN ang mga CRISTIANO o mga KAANIB ng UNANG IGLESIA noong FIRST CENTURY sa KANILANG TEMPLO. Dahil niliwanag ng Biblia iyan:

2 Corinto 6:16  “AT ANONG PAKIKIPAGKAISA MAYROON ANG TEMPLO NG DIOS SA MGA DIOSDIOSAN? sapagka't tayo'y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan.”

Kaya ang kaniyang NAPAKADALING SAGOT, ay hinango niya sa kaniyang PALAGAY at PAGKUKUWENTO, ni hindi man lang nakuhang SUMIPI ng kahit AKLAT ng KATOLIKO o AKLAT ng KASAYSAYAN para hindi naman LUMABAS na TSISMIS ang kaniyang ISINAGOT sa ATIN.

Hindi KAILAN MAN TAYO MASASAGOT NI FLEWEN na nagkaroon ng MGA LARAWAN o IMAHEN NA NILULUHURAN at DINADALANGINAN sa TEMPLO noong UNANG SIGLO, dahil tandaan natin na ang TEMPLONG GINAGAMIT nila noon ay ang TEMPLO ni SOLOMON, na siya ring GINAGAMIT ng RELIHIYONG JUDAISMO na mahigpit ding NAGBABAWAL ng PAGKAKAROON NG MGA LARAWANG NILULUHURAN na BAHAGI ng KAUTUSAN NI MOISES [Exodo 20: 3-5]. Kaya hindi kailan man makikita na may mga LARAWAN sa kanilang TEMPLO na gaya ng MGA LARAWAN na nakikita nating NILULUHURAN at PINAGLILINGKURAN sa kanilang mga SIMBAHAN.

Isang MATIBAY na KATUNAYAN na hindi ang IGLESIA KATOLIKA ang IGLESIANG itinatag ni Cristo noong Unang Siglo, dahil hindi nito sinunod ang ARAL NI CRISTO AT NG MGA APOSTOL.

At inaamin naman nila iyan, narito ang katibayan:

“We Catholics acknowledged readily, without any shame, nay with pride, THAT CATHOLICISM CANNOT BE IDENTIFIED SIMPLY AND WHOLLY WITH PRIMITIVE CHRISTIANITY, NOR EVEN WITH THE GOSPEL OF CHRIST, in the same way that the great oak cannot be identified with the tiny acorn.” [Karl Adam, The Spirit of Catholicism, page 2]

Kitang-kita na aminado sila na napakalaki ng PAGKAKAIBA NG IGLESIA KATOLIKA SA UNANG CRISTIANISMO maging sa EVANGHELIO NI JESUS, Kaya nga hindi nakapagtataka na HINDI NILA GINAGAMIT ang BIBLIA, para patunayan na sila ay TUNAY, kaya nga si FLEWEN ang kaniyang ginagamit ay ang ENCYCLOPEDIA at hindi ang BIBLIA.

Ano ba ang kanilang trato sa Biblia?

“Moreover, A WRITTEN BIBLE IS A DEAD BOOK. Nor is it an easy book, it does not explain itself.” (Catholic Belief, p. 4)

Kaya hindi nakapagtataka na hindi gamitin ng IGLESIA KATOLIKA ang BIBLIA bilang kanilang batayan ng kanilang ARAL, dahil NAPAKABABA ng kanilang PAGKAKAKILALA dito – para sa kanila ang BIBLIA ay isa lamang “PATAY NA AKLAT”, at kapag sinabing PATAY, ito’y WALANG KABULUHAN o WALANG KUWENTA.

Kung ating babalikan ang isinagot sa atin ni FLEWEN, ang talagang higit na nakakatawag ng pansin ay ang sinabi niyang ito:

“ANG IBINIBINTANG MONG NILULUHURAN NA MGA LARAWAN AY SADYANG IMBENTO NG MALIKOT MONG PAG-IISIP, WALANG ITINUTURO ANG IGLESIYA NA LUHURAN ANG MGA IMAHE NA BAGAY PARANG MGA DIYOS DIYOSAN,…”

Pinalalabas ng MAGITING NA CATHOLIC DEFENDER na IMBENTO LANG NG MALIKOT KONG PAG-IISIP ANG MGA LARAWAN NA KANILANG NILULUHURAN.  At wala raw itinuturo ang IGLESIA KATOLIKA NA LUHURAN ANG MGA IMAHE, na bagay parang mga DIYOS DIYOSAN?

Eh hindi pala kayo inuutusan na LUMUHOD sa mga LARAWANG iyan, eh bakit LUMULUHOD KAYO sa mga iyan?  KUNG HINDI KAYO INUUTUSAN NA LUMUHOD SA MGA LARAWAN NG SIMBAHAN, SINO ANG NAGSABI SA INYO NA LUMUHOD SA MGA IYAN?

 Ang ibig mo bang sabihin FLEWEN, kapag walang nag-uutos na LUMUHOD kayo diyan, ay puwede na iyang LUHURAN? KAYA LANG MASAMA NA LUMUHOD AY KUNG KAYO AY INUUTUSAN? Ganun ba iyon?

Halatang HINDI KA NAGBABASA ng BIBLIA FLEWEN, dahil ang BAWAL NA GAWIN SABI NG DIYOS, AY ANG MISMONG PAGLUHOD SA ISANG LARAWAN, KAY MAY NAG-UUTOS MAN SA IYO O WALA.

Exodo 20: 4-5  "HUWAG KANG GAGAWA NG IMAHEN NG ANUMANG NILALANG NA NASA LANGIT, NASA LUPA, O NASA TUBIG UPANG SAMBAHIN. HUWAG MO SILANG YUYUKURAN NI SASAMBAHIN sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi. [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]

Hindi na kailangan pang may mag-utos sa iyo para masabi mo na BAWAL iyan, IYANG PAGLUHOD NA GINAGAWA NINYO SA MGA LARAWAN NA MAY KALAKIP NA MGA DASAL ay ang MISMONG IPINAGBABAWAL ng PANGINOONG DIYOS.

Pero ito ang MAGANDA dahil MALALANTAD NA HINDI ALAM NI FLEWEN ANG ARAL NG RELIHIYON NA KANIYANG KINAANIBAN.

Hindi nga ba sila INUUTUSANG LUMUHOD SA MGA LARAWAN O IMAHEN?

“ PAGBANGON MO SA BANIG AY AGAD KANG MANIKLUHOD SA HARAP NG ISANG KRUS O ISANG MAHAL NA LARAWAN. Kung maninikluhod ka sa tapat ng Altar magwika ka ng ganito:  Sinasamba kita,”  [Catesismo, ni Padre Luis de Amezquita, pahina 79 at 82].

Eh paano iyan FLEWEN, kapag ba sinabihan ka ng PARI NA:

“ PAGBANGON MO SA BANIG AY AGAD KANG MANIKLUHOD SA HARAP NG ISANG KRUS O ISANG MAHAL NA LARAWAN…”

Ano iyan hindi ka ba inuutusan niyan? HINDI BA UTOS IYAN FLEWEN? Kitang-kita ebidensiya FLEWEN na kaya kayo LUMULUHOD KASI NGA INUUTUSAN KAYO NA MANIKLUHOD O LUMUHOD SA HARAP NG ISANG KRUS O ISANG MAHAL NA LARAWAN.

Klarong-klaro hindi ba?

Eh baka naman sabihin mo na WALANG MABABASA SA AKLAT KATOLIKO NA SUMASAMBA KAYO SA LARAWAN?

Eh di pakita natin ang PRUWEBA:

“KUNG ATING SINASAMBA ANG LARAWAN ni Kristong napapako sa Krus, dinadasal natin: ‘Sinasamba kita at pinupuri, Panginoon kong JesuCristo,…”    [Siya ang Inyong Pakinggan: Ang Aral na Katoliko, sinulat ni Padre Enrique Demond, inilathala ng Catholic Trade School, may imprimatur ni Jose Bustamante, pahina 12 ]

Oh hindi ba LETRA POR LETRA na MABABASA sa AKLAT NINYO NA “SUMASAMBA KAYO SA LARAWAN”? Kahit pa sabihin ninyo na LARAWAN pa ni Cristo iyan, maliwanag ang EBIDENSIYA, na ARAL NGA SA KATOLIKO ang GAWANG PAGSAMBA SA LARAWAN, na kabawal-bawalan ng DIYOS.

Sorry ka na lang FLEWEN, dahil hindi mo kayang PABULAANAN o PASINUNGALINGAN ang mga iyan, dahil KAHIT ANO PANG PAGPAPALUSOT ANG GAWIN MO, KITANG-KITA EBIDENSIYA NA SUMASAMBA KAYO SA MGA LARAWAN O MGA IMAHEN, AT MGA REBULTO.

Pero magpapalusot ka alam ko, maaaring sabihin mo:

“HINDI NAMAN NAMIN ITINUTURING NA MGA DIYOS ANG MGA LARAWAN O IMAHEN NA AMING NILULUHURAN AT DINADALANGINAN SA AMING MGA SIMBAHAN.”

Ano sa palagay mo FLEWEN, hindi alam ng BIBLIA, na may mga tao na maglilingkod sa mga LARAWAN na hindi naman talaga mga DIYOS, pero sinasambang gaya ng PAGSAMBA sa isang Diyos?

Basahin natin ang PATOTOO ng BIBLIA:

Roma 1:21  “SAPAGKA'T KAHIT KILALA NILA ANG DIOS, SIYA'Y HINDI NILUWALHATI NILANG TULAD SA DIOS, NI PINASALAMATAN; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim.”

 Roma 1:23  “At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng LARAWAN NG TAO na nasisira, at ng MGA IBON, at ng MGA HAYOP NA MAY APAT NA PAA, at ng MGA NAGSISIGAPANG.”

Kita mo sabi diyan, may mga TAO na pinalitan ang kaluwalhatian ng Dios ng LARAWAN NG TAO, alam ng Biblia na MAY MGA TAO NA MAGLILINGKOD LULUHOD AT SASAMBA sa mga LARAWAN O IMAHE NG MGA TAO, hindi ba MGA TAO NAMAN TALAGA ANG MGA KINIKILALA NINYONG MGA “SANTO”.  Kaya nga nilinaw ng BIBLIA na LARAWAN NG TAO ang kanilang gagawin, larawan ng MGA IBON, HAYOP NA MAY APAT NA PAA, at ng MGA NAGSISIGAPANG.


Sino ba ang may ganiyang mga LARAWAN?

1.      LARAWAN NG TAO NA MAY KASAMANG IBON:

a.       Si SAN PEDRO na may kasamang MANOK  na nasa uring IBON





b.       Si SAN FRANCISCO na may kasamang KALAPATI


2.      LARAWAN NG TAO NA MAY KASAMANG HAYOP NA MAY APAT NA PAA:

a.       Si SAN ROQUE na may kasamang ASO


b.       Si SAN ISIDRO LABRADOR na may kasamang BAKA o kaya ay KALABAW



3.      LARAWAN NG TAO NA MAY KASAMANG HAYOP NA GUMAGAPANG:

c.       Si LA PURISIMA CONCEPCION na may kasamang AHAS



d.       Si SANTA MARTA na may kasamang BUWAYA o DRAGON



Hindi ba nasa inyo lahat iyang mga binanggit ni APOSTOL PABLO NA MGA LARAWAN NG TAO AT IBON, AT HAYOP NA MAY APAT NA PAA, AT MGA NAGSISIGAPANG ?  Kita mo sa mga TAGA ROMA niya iyan sinabi. HINDI BA DIYAN GALING ANG IGLESIA KATOLIKA ROMANA?  MASKI KASI NOONG PANAHON PA NG MGA APOSTOL USO NA IYAN SA MGA TAGA ROMA, ANG PAGSAMBA AT PAGLUHOD SA MGA LARAWAN.

KAPAG LUMUHOD KA SA MGA IMAHEN NA IYAN, HINDI BA KASAMA MONG NALULUHURAN DIN IYONG MGA HAYOP NA KASA-KASAMA NILA? TSK. TSK. TSK.

AT ANG LALONG PINAKAMATINDI EH IYONG KAY SANTA MARTA, DAHIL ANG KASAMA NIYA AY "DRAGON" NA SIYANG LUMALARAWAN SA DIABLO AT SATANAS [Apocalypsis 20:2], na KASAMA MONG NALULUHURAN KAPAG LUMUHOD KA KAY SANTA MARTA.

Kaya nga kung babalikan natin ang sinabi ni APOSTOL PABLO:

Roma 1:21  “SAPAGKA'T KAHIT KILALA NILA ANG DIOS, SIYA'Y HINDI NILUWALHATI NILANG TULAD SA DIOS, NI PINASALAMATAN…”

Niliwanag niya na ang mga taong kaniyang sinasabi na nagsisigawa ng larawan ng mga tao at hayop na iyan ay kilala ang Diyos, pero hindi Siya PINASALAMATAN ni NILUWALHATI tulad sa DIYOS. 

Eh sino ba PINASASALAMATAN nila….

Kapag MASAGANA ang ANI, sino PINASASALAMATAN?  Hindi ba si SAN ISIDRO?

Kapag gumaling sa karamdaman, sino PINASASALAMATAN? Hindi ba si SAN ROQUE?

Kapag binigyan ng ANAK, SINO?  Hindi ba si SANTA CLARA?

May PIYESTA BA ANG “DIYOS AMA” sa IGLESIA KATOLIKA? ANONG PETSA ANG PISTA NINYO PARA SA “AMA”? 

Kita ninyo, ANG TUNAY NA DIYOS NA LUMIKHA NG LAHAT NG BAGAY, AY HINDI NAPAPASALAMATAN NG MGA KATOLIKO…KAPAG MABUTI ANG KINAHINATNAN, ANG IPINAGPIPIYESTA NILA AY ANG MGA PATRON O MGA SANTO….PERO:

Kapag NAMATAYAN NG ANAK?  Ano sinasabi?  “KALOOBAN NG DIYOS IYAN”…

Kapag BINAGYO ANG MGA PANANIM AT WALANG NATIRA? Ano sasabihin?  “WALA TAYONG MAGAGAWA, IYAN AY KAGUSTUHAN NG DIYOS.”

Kita ninyo?  Kapag mabuti ang KINAHINATNAN, SANTO ANG PINASASALAMATAN, Kapag MASAMA ang IBINUNGA, KALOOBAN DAW NG DIYOS, ANG DIYOS DAW MAY GAWA. HINDI NA KINILABUTAN ANG MGA TAONG ITO…

Nakakaawang mga tao….bumalikwas na kayo mga kaibigan naming mga katoliko, iwan na ninyo ang napakasamang gawaing iyan na kung tawagin ay “PAGLUHOD AT PAGSAMBA SA MGA LARAWAN, IMAHEN, O REBULTO…

MAGSIPAGBALIK-LOOB NA PO TAYO SA TUNAY NA DIYOS NA WALANG IBA KUNDI ANG AMA LAMANG [Juan 17: 1,3]

See Part 3>

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network