Sunday, 13 September 2015

Bakit Tungkulin Ng Iglesia Ni Cristo Na Ipakilala Kung Sino Ang Tunay Na Diyos?



      MAY mga nagtatanong sa amin kung bakit daw kailangan pa namin silang hikayatin na mag-Iglesia Ni Cristo samantalang sumasamba naman daw sila sa Diyos.  Ang sabi naman ng iba ay iisa lang naman ang Diyos na sinasamba ng lahat ng relihiyon kaya pare-pareho na ring tinatanggap ng Diyos.  Totoo ba ang paniniwalang ito?


SUMASAMBA KA BA SA TUNAY NA DIYOS?

Kung ikaw ay isang relihiyosong tao, malamang na sasagot ka ng Oo bilang pagsang-ayon sa tanong ito sapagkat maaaring naniniwala ka na ang sinasamba mo ay ang tunay na Diyos. Subalit kung ang sinasamba mong Diyos ay isang Diyos na binubuo ng tatlong persona na ang tawag sa ganitong Diyos ay Trinidad, paano mo natiyak na ito nga ay tunay na Diyos?

Kung ang Diyos na kinikilala mo ay iba sa Trinidad dahil naniniwala ka na ang Ama, ang Anak at ang Espiritu Santo ay kahayagan ng iisang tunay na Diyos gaya ng paniniwala ng mga nagpapakilang “Oneness Pentecostals,” paano mo natiyak na tunay na Diyos ang sinasamba mo?

Kung ikaw naman ay isang “polytheist” at sumasamba ka sa maraming mga dios, gaya ng paniniwala ng mga tao noon sa Egypt, Mesopotamia, Greece, Rome, at sa marami pang dako, paano mo natiyak na ang sinasamba mo ay ang tunay na Diyos?

Kailangang tiyakin natin na tunay na Diyos ang ating sinasamba dahil sa masasayang lang ang ginagawa nating pagsamba kung hindi naman pala tunay na Diyos ang ating sinasamba.

Kabilang ka rin ba sa mga naniniwalang katutubong sagutin nating mga tao ang maglingkod sa Diyos? Kung ganoon, sino ang Diyos na dapat nating sambahin? Sangguniin natin ang Banal na Kasulatan ukol dito.


ANG IISANG TUNAY NA DIYOS

Sa Deuteronomio 6:4, ay sinabi ni Mosies sa mga Israelita na:

“Dinggin mo, O Israel: Ang PANGINOON nating Dios ay iisang PANGINOON!” (NPV).

Mula pa sa panahon ni Moises, ang mga Israelita ay nanindigan sa paniniwalang iisa lang ang tunay na Diyos. Dahil dito, sila mismo ang tumanggi na sumamba sa mga larawan dahil ibinilin sa kanila ng Diyos sa pamamagitan ni Moses na huwag silang sumamba sa mga diyus-diyosan (Exodus 20:3-5). Ang totoo, ang Diyos mismo ang may nais na Siya lamang ang kilalanin nilang tunay na Diyos ayon sa Deuteronomo 4:35:

“Nais ng Panginoon na kilalanin ninyo siya na iisang tunay na Diyos, at nais Niyang sundin ninyo siya” (CEV).

Ang tunay na Diyos mismo ang nagpahayag sa mga Israelita na walang ibang Diyos maliban sa Kaniya sa pamamagitan ng propetang si Isaias. Ang sabi Niya ay:

“Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako’y Dios, at walang gaya ko;” (Isaias 46:9).

“Ako ang Panginoon, at walang iba; liban sa akin ay walang Dios . . . Upang kanilang maalaman mula sa sikatan ng araw, at mula sa kalunuran, na walang iba liban sa akin: ako ang Panginoon, at walang iba” (Isaias 45:5-6)

Kapag ang Diyos ang nagsasalita, nag-iisa lamang Siya. Hindi Siya nagsasalita bilang isang Diyos na tatluhan. Ang mga sumasamba sa isang Diyos na may tatlong persona o Trinidad ay hindi sumasamba sa tunay na Diyos.


ANG TUNAY NA DIYOS AY NASA LAHAT NG DAKO

Nais ng Diyos na Siya ay Diyos ng lahat ng tao. Hindi rin Siya Diyos na nasa isang dako lamang kungdi sa lahat ng dako gaya nang sinabi ni Moises:

“Talastasin mo nga sa araw na ito at isapuso mo, na ang Panginoon ay siyang Dios sa itaas sa langit at sa ibaba sa lupa; wala nang iba pa” (Deuteronomio 4:39).

Ipinahayag din ni Propeta Jeremias na ang tunay na Diyos ay hindi lamang iisa kungdi Siya ay magpakailanman. Ito ang Kaniyang pahayag mula sa Jeremias 10:10:

“Nguni't ang Panginoon ay tunay na Dios; siya ang buhay na Dios, at walang hanggang Hari!”

Maging sa pagtatapos ng Lumang Tipan, ang propetang si Malaquias ay nagpahayag na iisa lamang ang tunay na Diyos at Siya ang Ama:

“Hindi ba iisa ang ating Ama at ito'y ang iisang Diyos na lumalang sa atin?” (Malaquias 2:10 MB).

Ganito rin ang itinuro ni Propeta Isaias nang kaniyang ipinahayag ang katangian ng tunay na Diyos:

“Nguni't ngayon, Oh Panginoon, ikaw ay aming Ama; kami ang malagkit na putik, at ikaw ay magpapalyok sa amin; at kaming lahat ay gawa ng iyong kamay.” (Isaias 64:8).

Kaya ang mga Israelita ay kumikilala na ang Ama ang iisang tunay na Diyos. Walang banggit sa Matandang Tipan ukol sa tatluhang Diyos – Ama, Anak at Espiritu Santo. Isang malaking kabulaanan ang sinasabi ng ibang mga tagapangaral na ang mga Israelita noon ay naniwala na may ibang Diyos maliban sa Ama.


ANG TUNAY NA DIYOS SA PANAHONG CRISTIANO

May ilang mga teologo na nagsasabing sa panahong Cristiano ay hindi lamang daw ang Ama ang tunay na Diyos kungdi pati na raw ang Anak at ang Espiritu Santo. Nang dumating daw si Jesus ay itinuro niya na may tatlong persona sa iisang Diyos ayon kay Wayne Grudem sa kaniyang aklat na Systematic Theology, pahina 230:

“When the New Testament opens, we enter into the history of the coming of the Son of God on earth. It is to be expected that this great event would be accompanied by more explicit teaching about the trinitarian nature of God, and that is in fact what we find.”

Kung totoo ang pahayag na ito na nang dumating si Cristo ay may maliwanag na pagtuturo siya ukol sa Trinidad, dapat ay may talata sa Biblia na nagpapatunay nito. Subalit ang may-akda ay nagtapat at inamin niya sa pagsisimula ng kaniyang pagtalakay ukol sa Trinidad na ang sabi niya ay:

“The word trinity is never found in the Bible” (p. 226, Ibid.)

Sa halip, ano ang nakikita natin sa Bagong Tipan? Mga aral na kasang-ayon ng nabasa natin sa Matandang Tipan na ang Ama lamang ang iisang tunay na Diyos. Sino ang nagturo na ang Ama lamang ang iisang tunay na Diyos? Tunghayan natin ang Juan 17:1, 3 na ganito ang nakasaad:

“Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, siya'y tumingala sa langit at ang wika, "Ama, dumating na ang oras: parangalan mo ang iyong Anak upang maparangalan ka naman niya . . . Ito ang buhay na walang hanggan: ang kilalanin ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo na iyong sinugo” (MB).

Ang tunay na aral ukol sa Diyos ay itinuro mismo ng ating Panginoong JesuCristo nang siya ay nanalangin sa Ama. Ang sabi niya ay “kilalanin ka nila, ang iisa at tunay na Diyos.” Hindi niya sinabing “ang kilalanin ka, saka ako, tayong tatlo ng Espiritu Santo, tayo ang iisang tunay na Diyos.” Si Cristo ay hindi Trinitarian!

Kaya ang nagtuturong hindi lamang ang Ama kungdi maging si Cristo at ang Espiritu Santo ang iisang tunay na Diyos ay kalaban o kasalungat nang itinuro ni Cristo. Kalaban din sila ni Apostol Pablo na, nang magturo sa mga Cristiano ay ganito ang kaniyang isinulat sa kanila:

“Sa ganang atin ay iisa lamang ang Diyos, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo'y nabubuhay para sa kanya.” (1 Corinto 8:6 MB).

Kaya, ang mga tunay na Cristiano, na natuto sa itinuro ng ating Panginoong JesuCristo, ay sumasampalataya na ang Ama lamang na nasa langit ang iisang tunay na Diyos. Hindi tunay na Cristiano ang mga taong ang Diyos na kinikilala at sinasamba ay hindi ang tunay na Diyos.

Ayon din sa Biblia, may mga tao na bagamat kumikilala sa Diyos ay kinilala at sinamba ang mga larawan. Ang pahayag ni Apostol Pablo ay maliwanag:

“Sapagka't ang poot ng Dios ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan; . . . Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim. Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang, At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang. Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa” (Roma 1:18, 21-23, 25).

Kaya ang mga taong sumasamba sa larawan ay hindi rin nakikilala ang tunay na Diyos. Ang isa sa dahilan kaya naparito ang ating Panginoong JesuCristo ay para ipakilala sa atin kung sino ang tunay na Diyos ayon kay Apostol Juan:

“At nalalaman nating naparito ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pang-unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos, at tayo'y nasa tunay na Diyos, sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Ito ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan” (1 Juan 5:20 MB).

Gaya nang tinalakay sa unahan, nang narito pa sa lupa ang ating Panginoong Jesucristo ay itinuro niya na ang Ama na nasa langit ang kaisa-isang tunay na Diyos (Juan 17:3 SNB).


KANINO IBINIGAY ANG TUNGKULING IPAKILALA ANG TUNAY NA DIYOS?

Ganito ang panalangin ng ating Panginoong JesuCristo sa Juan 17:25-26:

“Makatarungang Ama, hindi ka nakikilala ng sanlibutan, ngunit nakikilala kita; at nalalaman ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinakilala kita sa kanila, at ipakikilala pa, upang ang pag-ibig mo sa akin ay sumapuso nila at ako nama'y sumakanila." (MB).

Maliwanag ang sinabi ni Cristo nang siya ay nananalangin sa Ama. Ang sabi niya ay “hindi ka nakikilala ng sanlibutan, ngunit nakikilala kita; at nalalaman ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinakilala kita sa kanila, at ipakikilala pa." Samakatuwid, ang mga taong ibinigay ng Diyos kay Cristo ang nakakilala kung sino ang tunay na Diyos sapagkat si Cristo mismo ang nagpakilala sa kanila. Sino ang tunay na Diyos na ipinakilala niya? Walang iba kungdi ang Ama na nasa langit.

Sino naman ang mga taong ibinigay ng Diyos kay Cristo? Sila ang mga tao na tinawag ng Diyos ayon kay Apostol Pablo sa kaniyang sulat sa 1 Corinto 1:9 MB:

“Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang kayo'y makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristong ating Panginoon.”

Saan naman naroroon ang mga taong tinawag ng Diyos upang makipag-isa sa Kaniyang Anak? Ganito rin ang pahayag ni Apostol Pablo sa Colosas 3:15:

“At paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat ito ang dahilan kaya kayo tinawag upang maging bahagi ng isang katawan. Magpasalamat kayong lagi” (MB).

Ang mga tinawag ng Diyos upang makipag-isa kay Cristo ay naging bahagi ng isang katawan. Alin ang katawang tinutukoy? Ganito pa rin ang pahayag ni Apostol Pablo:

Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan . . . (Colosas 1:18 MB).

Ang pangalan ng Iglesia na katawan ni Cristo ay tinawag ni Apostol Pablo na Iglesia Ni Cristo batay sa Roma 16:16, sa saling Magandang Balita ay ganito ang nakasulat:

“Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesya ni Cristo.”

Samakatuwid, ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang mga taong nakilala kung sino ang tunay na Diyos. Ano naman ang tawag ni Cristo sa mga taong hindi nakilala kung sino ang tunay na Diyos? Ayon sa Juan 17:25, ang banggit niya ay “sanglibutan.” Kaya, ang Iglesia Ni Cristo ang siyang may tungkulin na ipakilala sa mga taga sanglibutan kung sino ang tunay na Diyos.


BAKIT ANG IGLESIA NI CRISTO ANG MAY TUNGKULING IPAKILALA ANG TUNAY NA DIYOS SA SANGLIBUTAN?

Ganito ang pahayag ng Diyos sa pagkakasulat ng propetang si Isaias:

“Ang sabi ng Panginoon, Kayo'y aking mga saksi at lingkod na aking pinili. Pinili ko kayo upang inyong malaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga ang tunay na Diyos; walang Diyos na nauna sa akin, at wala ring Diyos pagkatapos ko” (Isaias 43:10 NCV).

Ayon sa pahayag mismo ng Diyos ay may pinili Siyang mga tao na magiging saksi Niya. Ano ang kanilang sasaksihan? Na walang ibang tunay na Diyos kungdi Siya lamang. Sino ang mga taong ito na siyang magiging saksi ng Diyos at magpapakilala sa sanglibutan kung sino ang tunay na Diyos? Ang binasa nating talata ay talatang 10, itataas lang natin ang pagbasa sa talatang 5:

“From the far east will I bring your offspring, and from the far west I will gather you.” (James Moffatt, A New Translation of the Bible Containing the Old and New Testaments, New York: Harper Brothers Publishers, © 1954.)

Ang talatang binanggit sa unahan nito ay ang hula ukol sa paglitaw ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas, na sa dakong ito ng Malayong Silangan ay may lilitaw na mga lingkod ng Diyos na ang tungkulin ay ipakilala kung sino ang tunay na Diyos. Kaya, ang Iglesia Ni Cristo ang siyang nagpapakilala ngayon sa buong mundo na iisa lamang ang tunay na Diyos na dapat kilalanin at sambahin.

Kaya, sa mga kaibigan naming hindi pa Iglesia Ni Cristo, kung nais nating tanggapin ng Diyos ang ating pagsamba, dito natin isagawa ang tunay na paglilingkod sa Diyos sa loob ng Iglesia Ni Cristo. Ang pagkilala natin sa tunay na Diyos at pagsamba sa Kaniya ang ikapagtatamo natin ng buhay na walang hanggan (Juan 17:3).

Dahil dito, malugod namin kayong inaaanyayahan na daluhan ang isasagawa naming International Evangelical Mission sa darating na ika-26 ng buwang kasalukuyan, na ang gawaing ito ay pangungunahan ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo. Makipag-ugnayan kayo sa mga kaibigan o mga kakilala ninyong Iglesia Ni Cristo sa inyong dako upang sila ang magdalo sa inyo sa dako na doon ninyo mapapakinggan ang pagtuturo ng mga dalisay na salita ng Diyos.

SOURCE: https://www.facebook.com/jventilacion/posts/10206943986254835


Saturday, 5 September 2015

Bakit nang Makita mo si Judas ay natisod ka kay Jesus?

Isang paala-ala mula kay Kapatid na JOSE VENTILACION,
Naapektuhan ba ang inyong pananampalataya o pagka-Iglesia Ni Cristo dahil sa ginawang pagtalikod ng ilang mga ministro at manggagawa?
May mga nabalitaan tayong ilang mga kapatid na naapektuhan ang kanilang pananampalataya dahil sa ginawang pagtalikod ng ilang mga ministro at manggagawa na ginamit pa ang social media upang ipakita sa madla ang kanilang pagbibitiw sa tungkulin.
Ano ang ibinunga sa ilang mga Iglesia Ni Cristo dahil sa kanilang nakitang pagtalikod ng ilang mga ministro?
Ang iba ay nanghina sa pananampalataya, ang ilan ay tumigil na sa pagsamba o kung sumasamba pa ay hindi na nag-aabuloy o naghahandog, ang iba naman ay ayaw ng tumulong sa gawaing pagpapalaganap o pagmimisyon, ang iba ay natisod at nag-alinlangan sa Pamamahala, at ang lalo pang masama, ang ilan ay humiwalay na sa Iglesia.
Hindi na tayo nagtataka na may mga tumatalikod sa Iglesia na ang idinadahilan ay dahil sa may nakita silang mga ministro o mga maytungkulin na hindi nabubuhay ng ayon sa aral na ating tinanggap. Kung tatanungin mo kung bakit hindi na sila sumasamba, kung bakit sila umurong sa tungkulin o bakit sila humiwalay, ang ikinakatuwiran ay NATISOD daw sila sa ilang mga maytungkulin o sa ilang mga kapatid na nakita nilang gumagawa ng masama lalo na at ang nakita nila ay mga ministro pa. Ang ikinatitisod ngayon ng ilan ay dahil sa mga kilala pang mga ministro ang tumalikod at ang iba ay naglingkod pa sa Tanggapan ng Iglesia.
May mga nagtatanong sa akin kung bakit daw ito nangyayari ngayon sa Iglesia. Paano raw ito dapat tingnan o unawain ng mga kapatid? Ano raw ang ipapayo nila sa mga kapatid na natitisod dahil sa pagtalikod ng ilang mga ministro?
Noong nabubuhay pa ang Sugo ng Diyos, ang Kapatid na FELIX Y. MANALO, ay mga kapatid na humiling sa kaniya na dalawin ang kanilang lokal dahil sa may mga kapatid na natitisod sa mga maytungkuling gumagawa ng masama. Ang tanong sa kanila ng Sugo ay: “BAKIT NANG MAKITA MO SI JUDAS AY NATISOD KA KAY CRISTO?”
Si Judas ay ang apostol o ministro na nagkanulo sa ating Panginoong JesuCristo. Gaya ng itinuro sa atin sa pagsamba nitong nakaraang linggo, si Judas ay magnanakaw, nagkuwaring nagmamalasakit sa mga mahihirap ngunit nagnanakaw sa supot ng abuloy (Juan 12:4-6). Sa madaling salita, si Judas ay isang masamang ministro.
Kung paanong may Judas sa panahon ni Cristo ay may Judas din sa panahon natin. Ito ay ang mga ministro at mga manggagawa na tumalikod at nagtaksil sa kanilang sinumpaang tungkulin na mamahalin at ipagmalasakit ang Iglesia. Sila ang mga lumaban at nagsalita ng kasinungalingan laban sa Pamamahala.
Sino naman ang mga kapatid na nang makita nila si Judas ay natisod sila kay Cristo? Sila ang mga:
(1) hindi na sumamba,
(2) umurong sa tungkulin
(3) naghimagsik sa Pamamahala dahil sa hindi matanggap ang naging pasiya na itiniwalag ang mga lumaban o naghimagsik
(4) kung dumadalo man sa pagsamba ay hindi na nakikinig sa pagtuturo ng nangangasiwa ng pagsamba at hindi na nag-abuloy
(5) nag-aalinlangan sa kanilang pagka-Iglesia Ni Cristo.

MGA TANONG SA MGA NATISOD
Bakit mo tinalikuran si Cristo gayong wala naman siyang kasalanang nagawa sa iyo? Si Judas ba ang dahilan kaya ka nag-Iglesia Ni Cristo? Sino ba ang nag-utos na umanib ka sa Iglesia Ni Cristo? Di ba si Cristo ang nag-utos nito? Kung gayon, bakit siya ang kinatisuran mo? Bakit mo tatalikuran si Cristo kung may nakasama man siyang Judas? Bakit lumalabas na si Judas ang kinakampihan mo at hindi si Cristo?
Ikalawa, idinamay mo pa ang Diyos sa iyong pagkatisod kay Cristo dahil may nakita kang Judas sa Iglesia. Sino ba ang may utos na sumamba ka sa Diyos? Di ba si Cristo din ang nagsabi sa Juan 4:23 na “hinahanap ng Diyos ang mga tunay na mananamba sa Kaniya”? Bakit Siya ang sinuway mo sa hindi mo pagdalo sa pagsamba dahil lang sa may nakita kang Judas?
Sino ba ang nag-utos sa iyo na mag-abuloy? Di ba utos din ng Diyos ang pag-aabuloy ayon sa 2 Corinto 9:7-8? Bakit nang makita mo si Judas ay ayaw mo nang handugan ang Diyos ng mga bagay na sa Kaniya ay nakalulugod? May utos ba ang Diyos sa Biblia na huwag ka nang mag-abuloy kapag may nakita kang Judas sa Iglesia? Bakit ang Diyos ang tinalikuran mo nang may nakita kang tumalikod na ministro o manggagawa? Bakit nang may makita kang Judas ay nagtampo ka sa Diyos na nagbigay sa iyo ng buhay at tumawag sa iyo sa tunay na Iglesia?
Sino ba ang nag-utos na kilalanin, sundin at igalang mo ang Pamamahala? Di ba ang Diyos din ang nag-utos nito ayon sa Hebreo 13:7, 17? Bakit sinuway mo ang Diyos dahil sa may nakita kang Judas?
Dahil ba sa may Judas sa Iglesia ay hindi na ito tunay? Hindi na ba tunay na sugo ng Diyos si Cristo dahil sa may mga tumalikod sa Kaniya noong narito pa Siya sa lupa (Juan 6:61-62, 66)? Walang duda na Sugo ng Diyos si Cristo at ang Iglesia Niya ay tunay na Iglesia kahit na nagkaroon pa ng Judas sa loob nito.
Dahil ba sa may Judas din sa Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw ay hindi na ito tunay? Hindi na ba tunay na sugo ng Diyos si Kapatid na Felix Y. Manalo dahil sa may tumalikod sa Iglesia noong siya ay nabubuhay pa? Walang duda na Sugo ng Diyos si Kapatid na Felix Manalo at ang Iglesiang ipinangaral niya ay tunay na Iglesia.
Maaaring ikinakatuwiran mo na kaya ka tumigil sa iyong pagka-Iglesia Ni Cristo dahil sa tumalikod ang mga kilala mong mga ministro. Kahit na sila pa ang nagdoktrina sa iyo o nangasiwa ng iyong panunumpa nang tumanggap ka ng tungkulin ay hindi ito batayan para itakuwil mo ang iyong pagka-Iglesia Ni Cristo. Lumilitaw din na ang kanilang masamang halimbawa ang sinundan mo sa halip na ang sundin mo ay si Cristo. Bakit sa kanila ka pa rin kumampi at sumunod kahit alam mong hindi tama ang kanilang ginagawa?
Kung ang mga ministrong ito ay nagpakamatay o tumalon sa bangin, magpapakamatay ka rin ba? Tatalon ka rin ba sa bangin dahil sa nakita mong ginawa nila ito? Kung uminom sila ng lason, iinom ka rin ba? Iinom ka pa rin ba ng lason kahit na alam mong mamamatay ka? Mamamatay ka kung ang susundan mo ay ang mga tumalikod dahil sa walang kaligtasan sa labas ng tunay na Iglesia.
Kaya uulitin ko: tayo ay Iglesia Ni Cristo dahil sa Diyos at kay Cristo. Si Cristo ang sinunod natin at hindi ang sinumang tao. Sa Diyos tayo naglilingkod at hindi sa tao. Kay Cristo tayo tatanggap ng kaligtasan at hindi sa ibang tao. Sa Diyos din tayo tatanggap ng gantimpalang buhay na walang hanggan dahil sa ating pagsunod kay Cristo.
Kaya sa halip na tumalikod o matisod, bakit hindi si Cristo ang iyong sundin? Bakit hindi si Cristo ang iyong tularan at samahan? Si Cristo ay ibinigay ang sarili dahil sa Kaniyang pagmamahal sa Iglesia. Siya ang ating Ulo kaya Siya ang dapat na masunod at gawing halimbawa, hindi si Judas. Kunin mong halimbawa si Apostol Pablo na nakipagbakang mabuti ng kaniyang pananampalataya, tinapos ang kaniyang takbuhin hanggang kamatayan sapagkat alam niya na nakalaan sa kaniya ang putong ng buhay na ibibigay ng Diyos sa mga lingkod Niya na namalagi sa pagsunod hanggang sa wakas.
Kunin mong halimbawa ang Kapatid na Felix Y. Manalo na sa loob ng halos limampung taon ay nagmalasakit sa Iglesia. Tiniis niya ang maraming hirap at sakit alang-alang sa Iglesia. Naglingkod din siya sa Diyos at kay Cristo hanggang kamatayan. Minahal niya ang Iglesiang itiniwala sa kaniya ng Diyos. Tayo na mga kaanib sa Iglesia ang bunga ng kaniyang pagpapagal at nais niyang lahat tayo ay makapanatili sa Iglesia hanggang wakas. Bakit nang makita mo si Judas ay nalimutan mo na ang Iglesiang pinagpagalan ng Sugo?
Kung masama ang magpatisod, masama rin ang matisod. Ang mga natisod sa panahon ni Cristo ay umurong (Juan 6:60-61). Hindi si Judas ang kinatisuran nila kungdi ang aral ni Cristo (talatang 58). Kung sinasabi mo ngayon na natitisod ka dahil sa may nakita kang mga ministrong tumalikod, aral ba ni Cristo na kapag may mga tumatalikod ay hihiwalay ka na? Hindi ba napatutunayan lamang nito na hindi ka sumasampalataya sa aral? Ang aral ni Cristo ay malinaw: “ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas” (Mateo 24:13). Bakit mo binitiwan ang iyong katapatan dahil kay Judas?
Saan hahantong ang iyong pagiging matitisurin? Malamang na sa labas ka ng Iglesia pupulutin. Kaugnay nito, kailangan ko pa bang ulitin sa iyo na walang kaligtasan sa labas ng Iglesia? Ayon kay Apostol Pablo, ang mga hiwalay kay Cristo ay walang pag-asa at walang Diyos (Efeso 2:11-12). Kaya, bago ka tuluyang magdilim at magbitiw sa iyong sinumpaan sa Diyos nang ikaw ay mag-Iglesia Ni Cristo at nang ikaw ay humawak ng tungkulin, ay pag-isipan mong mabuti ang magiging hantungan ng iyong gagawin. Isipin mo ang pinuhunan mong mga pagsasakit at pagtitiis makapanatili ka lamang sa Iglesia. Marahil ay inusig ka noon, maaaring isa ka sa mga nanindigan sa iyong pagka-Iglesia Ni Cristo noong ang inyong pamilya ay inuusig. Maaari ding nagtiis ka ng hirap at sakit alang-alang kay Cristo. Bakit mo kalilimutan ang lahat ng ito dahil lamang sa may nakita kang Judas?
Kung ikaw ay isang magulang, kaya mo bang tiisin na mapapahamak ang iyong mga anak dahil sa iyong gagawing pagtalikod? Maaatim ba ng iyong budhi na ang tisod mo kay Judas ang magiging dahilan kaya sila hihiwalay kay Cristo? Saan kayo pupuntang mag-anak ngayong kayo ay hiwalay kay Cristo?
Sana ay mapag-isipan mong mabuti ang isinulat kong ito sa inyo. Kung maaari ay tanggapin mo na ang pagpapayong ito ay kasangkapan din ng Diyos para ka makabalik at makapanatili sa Iglesia sampu ng inyong sambahayan. Sa halip na kay Judas ay kay Cristo ka makinig. Pakinggan mo Siya dahil sa Siya ang magliligtas sa iyo. Hindi mo man Siya nakikitang personal ay may paraan Siyang itinuro para mo Siya mapakinggan. Ang sabi Niya ay “ang nakikinig sa inyo ay sa akin nakikinig” (Lukas 10:16).
Ang pakikinig mo sa Pamamahala ay katumbas ng pakikinig mo kay Cristo. Sila ang kakasangkapanin ni Cristo para ituro sa iyo ang mga dapat mong gawin para ka maligtas. Isa sa mga mahahalagang bagay na itinuro sa atin ng Kapatid na EDUARDO V. MANALO ay ang “ipakipaglabang masikap ang panananampalataya” (Tadeo 1:3).
Ang kalaban natin ay diablo at siya ay isang sinungaling at mamamatay-tao (Juan 8:44). Ang pananggalang o sandata mo laban sa diablo ay ang mga salita ng Diyos na iyong naririnig sa panahon ng pagsamba (Efeso 6:10-17).
Kaya, muli kang bumalik sa pagsamba, kasama ng iyong mga anak, at huwag kayong tumigil sa pananalangin para tanggapin ninyo ang lakas na kailangan ninyo sa pakikipagbaka laban sa mga kaaway ng ating pananampalataya (Efeso 6:18).
Isama ninyo sa inyong panalangin ang lahat ng mga kapatid (Efeso 6:18) lalong-lalo na ang PAMAMAHALA upang patuloy na maturuan tayo ng mga aral ng Diyos na kailangan natin sa ating ikasasakdal (Efeso 6:19; Colosas 1:25, 28-29).
Dalangin ko sa Ama na patuloy Niyang kandilihin at ingatan ang iyong sambahayan na lahat ay makapanatili sa Iglesia hanggang sa wakas upang tayong lahat ay maligtas.

Ang nagmamahal mong kapatid kay Cristo,
JOE VENTILACION
= = = = =

Monday, 10 November 2014

Does The “I Am” Statement Of Jesus In John 8:58 Prove That He Is God?




Jesus said to them, “Most assuredly, I say to you, before Abraham was, I AM.”

“I AM WHO I AM” or “I WILL BE WHAT I WILL BE” (Exodus 3:14)

Defenders of Christ-is-God theology cite John 8:58 as one of their biblical bases in proving their belief that Jesus Christ is God. Although there is no explicit statement from Christ in this verse that He is God, His statement is being understood by those who believe in His alleged deity as an indication and affirmation of His divinity. Why did they come up with this line of reasoning – that Jesus is God – simply because Christ uttered, “I AM”?

Because God also made the same statement in Exodus 3:14:

And God said to Moses, “I AM WHO I AM.” And He said, “Thus you shall say to the children of Israel, ‘I AM has sent me to you.’ ”

God declared “I AM” when He introduced Himself to Moses. Using the concept of parallelism, Trinitarians conclude that Jesus is God simply because Christ spoke the same terms uttered by God. This type of reasoning was utilized by Josh McDowell and Bart Larson, two defenders of the alleged divinity of Christ, in their book Jesus: A Biblical Defense Of His Deity, that Christ’s use of the term is a claim to deity:

“On several occasions Jesus used the term ego eimi of Himself as it can be used only of God. The clearest example is when the Jews said to Jesus, “You are not yet fifty years old, and have You seen Abraham?” Jesus said to them, “Truly, truly, I say to you, before Abraham was born, ‘I AM’ [Greek: εγω ειμι]. Therefore they picked up stones to throw at Him (John 8:57-59). The Jews sought to kill Him for the presumption of that claim to deity” (p.22).

Josh McDowell and Bart Larson also proposed a concept that Jesus is the Almighty God. They claimed that:

“He took to himself the Old Testament names and titles for God and also allowed others to call Him by the same names and titles . . .  this Galilean teacher was claiming to be Almighty God” (ibid., p. 21).

Moreover, they maintained that,

“Jesus claimed for Himself the name of God which was most revered by the Jews, a name considered so sacred that the Jews would not even utter it: YHWH”  (ibid., p.22).

McDowell and Larson postulated a concept that Jesus is the Almighty God of the Old Testament. The same idea is shared by some Christian apologists who even went further in saying that Jesus was the Jehovah or the God who spoke to Moses in Exodus 3:14. Typical of these is Geisler’s reasoning in his book Christian Apologetics, wherein he alleges that:

“Perhaps the strongest and most direct claim of Jesus to be Jehovah occurs in John 8:58 where he said to the Jews, “Truly, truly, I say to you, before Abraham was, I am”. The Jews’ reaction left no doubt as to how they understood his claim. They knew he had claimed not only pre-existence before Abraham but also equality with God . . .  Jesus had clearly claimed to be the “I AM” of Exodus 3:14 that refers to Jehovah alone” (p. 331).

Is Jesus the God who said “I AM” in Exodus 3:14? The answer is NO! And when Jesus said “I AM” (Greek, εγω ειμι) in John 8:58, was He indicating His alleged divinity? Definitely not! What was He affirming in this verse? That He was before Abraham. How is He before Abraham when He was born later? It must be remembered that Abraham is His ancestor and therefore came into existence before He (Christ) was born. However, He is before Abraham because He was foreordained by God even before the foundation of the world (1 Pet 1:20). It is in this sense that He was before Abraham.

In the context of John 8 it should be noted that Jesus and the Jews were having an argument about Abraham and Jesus’ authority. There is nothing we can glean from the chapter that Jesus was claiming to be God. Rather, He told the Jews that He is “a man” telling them the truth which He heard from God (John 8:40). Jesus was not telling the Jews that His name is “I AM”. Likewise, He never told them, “I am God.” If Jesus were God, He would have plainly told them so. On the contrary, Jesus clarified to them that He came from and was sent by God (John 8:42).

It is true that Christ uttered the statement egō eimi, and God also spoke the equivalent of those words in Hebrew in Exodus 3:14. But does it prove that He is the same God who spoke in the Old Testament? No. Christ was not the only one who uttered these words. The truth is, both in the Old Testament and in the New Testament, there were others who used the same words. In fact, in Judges 13:11 of The Septuagint with Apocrypha: Greek and English by Sir Lancelot Brenton, it is stated:

“And Manoa arose and followed his wife, and came to the man, and said to him, Art thou the man that spoke to the woman? And the angel said, I am.”

The angel said to Manoa, “I am”. Now, would our Trinitarian friends accept that the angel is also the true God for the reason that he uttered the same statement? Aside from that angel, who else uttered the same terms? In John chapter 9 verse 9, the formerly blind man emphatically stated, egō eimi! Does that make him or qualify him also as the God of the Old Testament because he uttered what God declared in Exodus 3:14? Let our Trinitarian friends answer that question.

One could not notice immediately that Jesus and the formerly blind man had uttered the same statement egō eimi because most English translations rendered John 9:9 differently. Below are a few of the English translations of the Greek term egō eimi, spoken by the formerly blind man: 

·         “I am he” (King James Version)
·         “I am he” (New King James Version)
·         “I am the one” (New American Standard Bible)
·         “I am the man” (New International Version)
·         “I am the man” (New Revised Standard Version)
·         “I am the man” (Today’s English Version)
·         “I am the same one!” (New Living Translation)

The addition of the words “he” or “the man” in these translations somehow conceal the fact that Jesus and the formerly blind man spoke the same words in the Greek New Testament.

Is it true, as Geisler alleges, that Jesus is the Jehovah who spoke in Exodus 3:14? It must be noted that the term Jehovah is how others translate the Tetragrammaton – YHWH, one of God’s names in the Old Testament. If this allegation that Jesus were the same God who uttered the statement “I AM” in Exodus 3:14 were true, then our Trinitarian friends would have to accept that aside from having a Jesus who is Jehovah, there is another Jesus, the servant of Jehovah. Why? Going back to Exodus, chapter 3, Jehovah or YHWH, in English, Lord, introduced Himself as the God of Abraham, Isaac and Jacob in verse 15. However, in the New Testament, the same God or Jehovah, was introduced by Peter as the One who glorified Jesus, His servant. This is his testimony as it is written in Acts 3:13:

“The God of Abraham, Isaac, and Jacob, the God of our fathers, glorified His Servant Jesus, whom you delivered up and denied in the presence of Pilate, when he was determined to let Him go.”

Now consider these scenarios: if Jesus were the God who spoke to Moses in the burning bush, then who would be His servant by the name of Jesus in Acts 3:13? Are we prepared to accept that there are two Jesuses, one who is the God of Abraham and one who is called the servant of the God of Abraham? Is there such a thing in the Bible as “Jesus who is the servant of Jesus”? There is none! The Jesus who is the servant of God is truly different from the God of Abraham, Isaac, and Jacob. Jesus is not the Jehovah of the Old Testament as Geisler and his co-apologists avow.

Moreover, Apostle Paul teaches that Jesus is the seed of Abraham (Gal 3:16). How could Jesus be the seed of Abraham and at the same time His God (Matt 22:32)? Therefore, serious theological implications would result if we accept the Trinitarian’s view that Jesus was the YHWH or God who spoke to Abraham in Exodus 3:14.


The three-word name of God in Exodus 3:14: EHYEH-ASHER-EHYEH

Aside from the four-letter name of God, YHWH, technically called Tetragrammaton, which is commonly translated into English as “Yahweh” or “Lord” in some modern English versions and “Jehovah” in some older English versions of the Bible, the Hebrew Bible mentions of God’s various names such as “Elohim” (Gen 1:1), “El Elyon” (Gen 14:18), “El Shaddai” (Gen 17:1), and the three-word name of God “EHYEH-ASHER-EHYEH” in Exodus 3:14 is translated as “I AM WHO I AM” in most English versions of the Old Testament.

Although majority of the English versions of the Bible render the three-word name of God “EHYEH-ASHER-EHYEH” in Exodus 3:14 as “I AM WHO I AM, it must be noted also that this is how the translators perceived it as a translation of God’s name. However, is “I AM WHO I AM” the most precise English translation of the Hebrew name of God? Rabbi Joseph Telushkin answers:

“At one point, Moses says to God: “When I come to the Israelites and say to them, ‘The God of your fathers has sent me to you’, and they ask me, What is His name? what shall I say to them? God answers: ‘Ehyeh-asher-ehyeh’. Thus you shall say to the Israelites, Ehyeh sent me to you.” The three-word name God gives Himself is not easy to translate. The most precise rendering is ‘I shall be what I shall be’, although it sometimes is translated as ‘I am that I am’. The 1962 Jewish Publication Society translation of the Torah despaired of coming up with an accurate rendition, and just left the words in their Hebrew original” (Jewish Literacy, pp. 47-48).

To a Jewish scholar like Telushkin, the most precise rendering of ehyeh-asher-ehyeh is “I shall be what I shall be.” And he is not alone in this view. Wayne Grudem, a Protestant theologian, translated God’s name similar to Telushkin’s understanding. He reasons:

“God said to Moses, “I AM WHO I AM”. It is also possible to translate this statement “I WILL BE WHAT I WILL BE” (Systematic Theology, p. 161).

Furthermore, in the footnotes of several English translations of the Bible, we could find their difficulty in translating God’s name. Below are several examples: 

·         “Since it seems related to the word translated ‘I am’, it may mean ‘I am the one who is’ or ‘I will be what I will be’ or ‘I am the one who brings into being’ ” (CEV).
·         “Or I will be what I will be” (NIV).
·         “I am: or I will be what I will be” (New Revised English Bible).
·         “Or I am what I am or I will be what I will be” (NRSV).

One could notice that the translators had a difficult time getting a possible translation into English of God’s name in Exodus 3:14. Nobody for sure is certain as to how God’s three-word name should be translated into English.

In view of these things, there is no parallelism between John 8:58 and Exodus 3:14. Although Jesus uttered the Greek terms egō eimi, there is no concrete proof that He is the same God who said this term in the Hebrew Bible. We can say that there is a deception involved on the part of some Christ-is-God apologists when they tried to equate Jesus’ words in John 8:58 with God’s statements in Exodus 3:14.

In the final analysis, there is no parallelism between God’s statement in Exodus 3:14 and Jesus’ statement in John 8:58. His utterance of the Greek term egō eimi is not a proof of His alleged divinity.

References:

Brenton, Lancelot Cd., The Septuagint With Apocrypha: Greek and English. Peabody, Maryland, USA: Hendrickson Publishers, n.d.

Geisler, Norman L., Christian Apologetics. Grand Rapids, Michigan, USA: Baker Book House, 1976.

Grudem, Wayne. Systematic Theology: An Introduction to Biblical Doctrine. Leicester, England: Inter- Varsity Press; Grand Rapids, Michigan, USA: Zondervan Publishing House, 1994.

Joseph, Telushkin. Jewish Literacy: The Most Important Things to Know About the Jewish Religion, Its People, and Its History. New York, USA: Wiliam Morrow and Company, Inc., 1991.

McDowell, Josh and Bart Larson. Jesus: A Biblical Defense of His Deity. San Bernardino, California, USA: Here’s Life Publishers, Inc., 1983.

SOURCE: 
http://inc.kabayankokapatidko.org/does-the-i-am-statement-of-jesus-in-john-858-prove-that-he-is-god/


ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network