Thursday, 29 November 2012

Ano Ba Ang Ipinagutos Ni Cristo Na Itawag Sa Diyos Na Nasa Langit?


       
Isang Paglalarawan sa buhay ni Jesus habang tinuturuan niya ang
mga alagadKung papaano manalangin at kasabay niya ring itinuro
kung ano ang  itatawag sa Diyos.
      
           ANG mga tao sa daigdig ngayon ay may iba’t-ibang katawagan sa Diyos, at maging sa mga relihiyong nagpapakilalang Cristiano ay hindi rin mabilang ang pangalan na itinatawag nila sa Diyos. Kaya hindi po natin maiiwasan na itanong:

Ano nga ba ang tawag ng tunay na mga Cristiano sa Diyos na itinuro ni Cristo?

Ang sandaigdigan po ay binubuo ng TATLONG DAKILANG HATI ng PANAHON, gaya ng mababasa sa aklat ng HEBREO:

Hebreo 1:1-2  “Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating MGA MAGULANG sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng MGA PROPETA, Ay nagsalita sa atin sa MGA HULING ARAW na ito SA PAMAMAGITAN, NG KANIYANG ANAK, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan;”

Maliwanag po sa Biblia ang TATLONG DAKILANG HATI


1) PANAHON NG MGA MAGULANG o PATRIARKA (Mula sa panahon ni Eva’t Adan hanggang sa panahon ni Moises)


2) PANAHON NG MGA PROPETA o PANAHON NG BAYANG ISRAEL (Mula sa panahon ni Moises hanggang sa paglitaw ni Juan Bautista)

3) PANAHON NI CRISTO o PANAHONG CRISTIANO (Mula sa paglitaw ni Juan Bautista hanggang sa Muling Pagparito ni Cristo sa Araw ng Paghuhukom)

Luke 16:16  "The Law of Moses and the writings of the prophets were in effect up to the time of John the Baptist; since then the Good News about the Kingdom of God is being told, and everyone forces their way in.” [Good News Version]

Tapos na po ang DALAWANG YUGTO ng PANAHON at tayo po ngayon ay nasa PANAHONG CRISTIANO na:

Sa PANAHONG CRISTIANO kangino po ba tayo dapat makinig? Sasagutin tayo ng Panginoong Diyos mismo:

Mateo 17:5  “Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, ITO ANG SINISINTA KONG ANAK, na siya kong kinalulugdan; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.”

Maliwanag po kung gayon na ang dapat na pakinggan natin sa PANAHONG ito, ay walang iba kundi ang ANAK ng Diyos, na walang iba kundi ang PANGINOONG JESUS.

Sapat na po ba na makikinig lang tayo sa kaniya?

Lucas 6:46  “At bakit tinatawag ninyo ako, Panginoon, Panginoon, at DI NINYO GINAGAWA ANG MGA BAGAY NA AKING SINASABI?”

Samakatuwid kailangan na si CRISTO ay ating PAKINGGAN at ating SUNDIN dahil ito ang ipinagutos ng Diyos na dapat gawin sa panahong ito na kung tawagin nga ay PANAHONG CRISTIANO.

At natural lang naman na kung nagpapakilala kang “CRISTIANO” dapat lang naman na ang sundin mo ay si CRISTO, dahil ang ibig sabihin ng salitang “CRISTIANO” – TAGASUNOD NI CRISTO.


Ano ba ang iniutos ni CRISTO na itawag sa Diyos kapag tayo ay mananalangin?

Mateo 6:6  “Datapuwa't ikaw, PAGKA IKAW AY MANANALANGIN, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay MANALANGIN KA SA IYONG AMA na nasa lihim, at ang IYONG AMA na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.”

Napakaliwanag po na sinabi ni Jesus pagka tayo mananalangin ay AMA ang ating ipantatawag sa Diyos. Sapagkat ang AMA ay ang DIYOS ni CRISTO na dapat DIYOS din natin:

Juan 20:17  “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS.”

Kaya po kami sa IGLESIA NI CRISTO sinusunod po namin ang turo at kautusan ni Cristo, tungkol sa kung ano ba talaga ang dapat itawag sa Diyos lalo na sa panahon ng aming pananalangin. Tinatawag po namin siyang AMA bilang pagsunod kay Cristo na ipinagutos ng Diyos.


Pero ang mga kaibigan naming SAKSI NI JEHOVA ay naniniwala na dapat ang itawag sa Diyos ay JEHOVA, ito kaya ay posibleng ituro ni Cristo? Ipagpapatuloy po natin.


POSIBLE BA NA IPAGUTOS NA TAWAGIN NI CRISTO ANG DIYOS NA “JEHOVA”?

Wala po sa kahit na sa pinakamatatandang manuskritong GRIEGO ang salitang “JEHOVA” na eksistido ngayon dahil sa ang salitang “JEHOVA” ay lumitaw lamang noong 1270 A.D. [13th CENTURY] ayon na rin sa pagpapatunay ng aklat ng mga SAKSI na may pamagat na AID TO BIBLE UNDERSTANDING:

“By combining the vowel signs of 'Adho.nay and 'Elo.him' with the four consonants of the Tetragrammaton the pronunciations Yeho.wah' and Yehowih' were formed. The first of these provided the basis for THE LATINIZED FORM "JEHOVA(H)." The FIRST RECORDED USE OF THIS FORM dates from the THIRTEENTH CENTURY C.E. RAYMUNDUS MARTINI, a SPANISH MONK OF THE DOMINICAN ORDER, used it in his book Pugeo Fidei of the year 1270.” [AID TO BIBLE UNDERSTANDING, Watchtower Bible And Tract Society, 1971, pp. 884, 885.]


Sa Filipino:

“Sa pamamagitan ng pagsasanib ng mga patinig ng ‘Adho-nay at ‘Elo-him sa apat na katinig ng Tetragramaton ang mga pagbigkas na Yeho-wah at Yehowih ay nabuo. Ang una sa mga ito ang nagbigay ng basehan para sa ISINA-LATING ANYO na JEHOVA(H). Ang KAUNAUNAHANG TALA NG PAGGAMIT SA ANYONG ITO ay mauugat mula noong IKA-13 SIGLO (C.E.)- Panahong Cristiano, Si RAYMUNDUS MARTINI, isang KASTILANG MONGHE ng DOMINICAN ORDER, ay ginamit sa kaniyang aklat na Puego Fidei noong taong 1270.”

Klaro sa paliwanag, ang salitang “JEHOVA” po ay galing sa LATIN, hindi po ito galing sa HEBREO o GRIEGO, kaya po wala ito sa mga manuskrito na pinagbatayan ng pagsasalin ng ating Biblia.  Ang UNANG GUMAMIT ng salitang JEHOVA ay si RAYMUNDUS MARTINI na mula sa DOMINICAN ORDER – isang sangay ng mga PARI sa IGLESIA KATOLIKA noon lamang taong 1270 o IKA-13 SIGLO.

Ang bahagi ng pahina ng "Puego Fidei" na sinulat ng isang
Monghe ng Iglesia Katolika noong 1270 na kinabasahan ng
salitang JEHOVA sa kauna-unahang pagkakataon

Maliwanag na ang salitang “JEHOVA” na salitang LATIN ay nanggaling sa IGLESIA KATOLIKA APOSTOLIKA ROMANA.

Matagal na pong tapos ang Biblia noon pang FIRST CENTURY, matagal nang umakyat sa Langit si Cristo, at patay nang lahat ang mga Apostol. Wala po sila ni katiting na kinalaman sa paglitaw sa mundo ng pangalang iyan na itinatawag nila sa Diyos. Kaya napaka-imposible po na ipagutos ni Cristo na tawaging JEHOVA ang Diyos.



ITO PO ANG MAS NAKATATAWAG NG PANSIN:

Naniniwala ba ang WATCHTOWER SOCIETY  na ang salitang JEHOVA ang tamang paraan ng pagbigkas ng pangalan ng Diyos? Magugulat kayo sa kanilang sagot:

While inclining to view the pronunciation "Yah.weh" as THE MORE CORRECT WAY, we have retained the form "JEHOVAH" BECAUSE OF PEOPLE'S FAMILIARITY WITH IT SINCE THE 14TH CENTURY.[ The Kingdom Interlinear Translation of the Greek Scriptures, 1969, p. 23.]

Sa Filipino:

“Bagamat kinikilingan ang pananaw sa pagbigkas ng “Yah-weh” bilang MAS TAMANG PARAAN, aming pinanatili ang anyong ‘’JEHOVA”dahil sa PAMILYAR DITO ANG MGA TAO MULA NOONG IKA-14 NA SIGLO.”

Alam ng WATCHTOWER na ang PANGALANG “JEHOVA” ay hindi ang PINAKAWASTONG PARAAN ng pagbigkas ng pangalan ng Diyos, subalit mas pinili nila ito dahil sa ito raw ang pamilyar sa tao noong 14th Century.

Maliwanag kung gayon na ang pinaboran nila ay hindi ang MAS TAMA, kundi kung ano ang gusto ng mga tao. 

Maliwanag na ang nasunod ay ang tao.  Payag ba ang mga Apostol sa ginawa nilang ito? Biblia po ang sasagot sa atin:

Gawa 5:29  “Datapuwa't nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, DAPAT MUNA KAMING MAGSITALIMA SA DIOS BAGO SA MGA TAO.”

Hindi po pumapayag ang mga Apostol na ang ating sinusunod ay ang gusto ng tao. Kaya kahit na pamilyar sa tao ang “JEHOVA” ay hindi ito dapat ang kanilang mas pinili, sa kabila ng katotohanang alam naman nila na hindi ito ang PINAKAWASTONG PAGBIGKAS ayon sa kanila.


ANG LALONG NAKAKATAKOT AY ITO:

Sa kabila ng KATOTOHANAN na alam nila na hindi ito ang PINAKAWASTONG PAGBIGKAS, ganito po ang nakakatakot na sabi ng kanilang publikasyon

“Have you been taught to use GOD'S NAME, JEHOVAH? IF NOT, YOUR SALVATION IS IN JEOPARDY, for "EVERYONE WHO CALLS ON THE NAME OF JEHOVAH WILL BE SAVED"! -- Acts 2:21; compare Joel 2:32.” [THE WATCHTOWER, August 15, 1997, p. 6]

Sa Filipino:

“Ikaw ba ay naturuan na gamitin ang PANGALAN ng DIYOS na JEHOVA? KUNG HINDI, ANG IYONG KALIGTASAN AY NASA DELIKADONG KALAGAYAN, dahil sa “ANG SINOMANG TUMATAWAG SA PANGALAN NI JEHOVA AY MALILIGTAS”! Gawa 2:21; ihambing ang Joel 2:32.”

Hindi po ba nakakatakot iyan? Dahil lumalabas sa kanilang paniniwala na ang KALIGTASAN ay nakabatay sa isang PANGALAN na hindi ang PINAKAWASTONG PAGBIGKAS. Hindi ipinagutos ni Cristo ni ng mga Apostol.

At ang lalong kahindik-hindik ay galing pa ito sa IGLESIA KATOLIKA na siyang NAGTALIKOD sa UNANG IGLESIA na itinatag ni CRISTO sa JERUSALEM noong Unang Siglo at nagpapatay ng napakaraming tao noong panahon ng INQUISITION, na pinamumunuan ng mga BULAANG PROPETA at mga taong kaaway ng DIYOS na pinatutunayan ng Biblia at ng mga nasulat na Kasaysayan.

KAYA PAPAANO TAYO MALILIGTAS SA PAGTAWAG NG PANGALANG “JEHOVA”?

Pasensiya na po kayo mga kaibigang SAKSI NI JEHOVA dahil hindi po namin matatawag ang Diyos sa PANGALANG iyan na ginawa at binuo lamang ng tao.

Ang tawag namin sa kaniya ay “AMA” gaya ng ipinag-utos ni Cristo na siyang dapat itawag sa kaniya, dahil hindi namin kayang suwayin si Cristo na nagmamay-ari sa amin, kaya nga ang tawag sa amin ay IGLESIA NI CRISTO.

Saturday, 24 November 2012

Nagkamali nga ba si Jonas?

Si Propeta Jonas matapos siyang iluwa
ng malaking isda

   UPANG mabigyan ng KATUWIRAN ng ating mga Kaibigang SAKSI NI JEHOVA, ang hindi maipagkakailang mga PAGKAKAMALI ng kanilang mga TAGAPANGARAL sa NAKARAAN na diumano’y, INAMIN at ITINUWID na daw ay gumagamit sila ng TALATA sa BIBLIA upang Palitawin na ang PANGYAYARING ito ay NANGYARI din daw sa MGA UNANG TAO ng DIYOS na binabanggit sa Biblia.

At isa sa PABORITO nilang gamiting Halimbawa ay ang Nangyari kay JONAS.

Ayon sa kanila NAGKAMALI din daw si JONAS dahil ang SINABI niya sa NINIVE ay hindi rin daw NAGKATOTOO. Matatawag daw ba siyang BULAANG PROPETA?

Ngunit bago natin puntahan ang sinasabing pangyayari ay atin munang alamin mula sa Biblia papaano ba makikilala ang mga BULAANG PROPETA?

Narito ang SAGOT ng PANGINOONG DIYOS mismo:

Ezekiel 13:6  “Sila'y nangakakita ng walang kabuluhan, at SINUNGALING NA PANGHUHULA, na nagsasabi, Sabi ng Panginoon; at HINDI SILA SINUGO NG PANGINOON; at kanilang PINAASA ANG MGA TAO NA ANG SALITA AY MAGIGING TOTOO.”

Ezekiel 13:7  “Hindi baga kayo nakakita ng walang kabuluhang pangitain, at hindi BAGA KAYO NAGSALITA NG KASINUNGALINGANG PANGHUHULA, sa inyong pagsasabi, SABI NG PANGINOON; YAMANG HINDI KO SINALITA?”

Ezekiel 13:8  “Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't kayo'y nangagsasalita ng walang kabuluhan, at nangakakita ng mga kasinungalingan, kaya't, narito, AKO'Y LABAN SA INYO, SABI NG PANGINOONG DIOS.”

Base sa TALATANG iyan narito ang “CRITERIA FOR JUDGING” para malaman kung ang isang tao ay BULAANG PROPETA:

1)     “HINDI SILA SINUGO NG PANGINOON”, - Samakatuwid hindi sila talaga inihalal ng Diyos bilang SUGO wala silang PATOTOO mula sa Biblia ng kanilang pagiging TUNAY na SUGO ng DIYOS, ito ay mga taong nag-aankin lamang.

2)     “SA INYONG PAGSASABI, SABI NG PANGINOON; YAMANG HINDI KO SINALITA?”- Ang mga taong ito ay nagsasabi ng bagay na mangyayari sa hinaharap o nanghuhula pero ang kanilang sinasabi hindi naman talaga sinabi ng Diyos, o hindi naman talaga mula sa SALITA NG DIYOS na nasa BIBLIA. Pero sinasabi nila na ito ay sinabi ng Diyos na batay daw sa BIBLIA.

3)     “PINAAASA ANG MGA TAO NA ANG SALITA AY MAGIGING TOTOO.” – Sinasabi sa mga tao na ang kanilang sinabi ay may katiyakang mangyayari o magaganap.

Kung TAGLAY ng isang TAO ang mga nasabing KATANGIAN, ay matitiyak natin na siya ay BULAANG PROPETA na KAAWAY NG DIYOS.

Gamitin natin ang CRITERIA na ito kay JONAS, at tingnan natin kung maaari nga ba natin siyang ituring na BULAANG PROPETA?

Narito ang pangyayaring ginagamit ng mga SAKSI bilang batayan na diumano’y pagkakamali ni JONAS:

Nagsalita ang PANGINOONG DIYOS kay JONAS, at Siya’y ISINUGO sa NINIVE:

Jonas 1:1-2  “ANG SALITA NGA NG PANGINOON AY DUMATING KAY JONAS na anak ni Amittai, na nagsasabi, BUMANGON KA, PUMAROON KA SA NINIVE, sa malaking bayang yaon, at HUMIYAW KA LABAN DOON; sapagka't ANG KANILANG KASAMAAN AY UMABOT SA HARAP KO.

Klaro sa TALATA, Dumating ang SALITA NG DIYOS kay JONAS, at klaro din na ISINUGO siya ng DIYOS papuntang NINIVE. Kaya maliwanag na si JONAS ay TUNAY NA SUGO ng DIYOS, isa sa paraan ng Diyos ng PAGSUSUGO ay iyong DIREKTANG PAGSUSUGO, dahil kinakausap po noon ng Diyos ng tuwiran ang mga Lingkod niya.

Ngunit si Jonas imbes na sumunod ay tumakas papuntang Tarsis, subalit habang nasa paglalakbay ay inabot sila ng unos sa dagat, at naalala ni Jonas ang kaniyang tinakasang tungkulin, kaya sinabi niyang siya’y ihagis sa dagat, at siya’y nilinok ng isang malaking Isda. Nagsisi si Jonas habang nasa loob ng isda at dininig ng Diyos ang kaniyang pagtawag at siya’y iniluwa ng malaking isda sa tuyong lupa.

Pagkatapos ano ang sumunod na nangyari?

Jonas 3:1-4  “At ang SALITA NG PANGINOON AY DUMATING KAY JONAS NA IKALAWA, na nagsasabi, BUMANGON KA, PUMAROON KA SA NINIVE, sa MALAKING BAYANG YAON, AT IPANGARAL MO ANG PANGARAL NA AKING INIUTOS SA IYO. Sa gayo'y bumangon si Jonas, at naparoon sa Ninive, ayon sa salita ng Panginoon. Ang Ninive nga ay totoong malaking bayan, na tatlong araw na lakarin. At pumasok si Jonas sa bayan na may isang araw na gumagala, at SIYA'Y SUMIGAW, AT NAGSASABI, APAT NA PUNG ARAW PA AT ANG NINIVE AY MAWAWASAK.”

Sinabi ni JONAS ang IPINAGUUTOS sa kaniya ng DIYOS. Na sa loob ng APAT NA PUNG ARAW ay MAWAWASAK ANG NINIVE.

Subalit ng marinig ito ng BAYAN NG NINIVE ano ang kanilang naging reaksiyon?

Jonas 3:5  “AT ANG BAYAN NG NINIVE AY SUMAMPALATAYA SA DIOS; at sila'y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila.”

Natakot ang mga mamamayan ng NINIVE at nagsipagsisi at SUMAMPALATAYA sa Diyos, kaya ang naging pasiya ng Diyos ay:

Jonas 3:10  “AT NAKITA NG DIOS ANG KANILANG MGA GAWA, NA SILA'Y NAGSIHIWALAY SA KANILANG MASAMANG LAKAD; AT NAGSISI ANG DIOS SA KASAMAAN, NA KANIYANG SINABING KANIYANG GAGAWIN SA KANILA; AT HINDI NIYA GINAWA.”

Binawi ng Diyos ang kaniyang ipinasiya na makita niya na ang mamamayan ng Ninive ay nagsipagsisi.

Hindi po kailan man makikita sa mga TALATANG iyan na NAGKAMALI si JONAS ng PANGUNAWA tungkol sa sinabi ng DIYOS.

Hindi siya nagpapanggap lamang na SUGO, dahil talagang isinugo siya, at ang sinabi niya sa NINIVE ay talagang ipinagutos ng Diyos na sabihin niya.

Hindi tinupad ng Diyos ang kaniyang sinabing gagawin nang makita niya na ang mga taong kaniyang parurusahan ay nagsipagsisi. At hindi masisisi si JONAS diyan ng sinoman.

WALANG GINAWANG PAGKAKAMALI SI JONAS DIYAN, kundi naipakita pa nga diyan ang kaniyang ginawang pagsunod sa kung ano lamang ang sinasabi sa kaniya ng Diyos.

Kung meron man po siyang NAGAWANG PAGKAKAMALI, ito ay ang kaniyang ginawang pagtakas niya papuntang TARSIS, tinakbuhan niya ang tungkulin na iniatang sa kaniya ng Diyos. Ngunit ito naman po ay kaniyang pinagsisihan.

Si JONAS po ay TUNAY na PROPETA ng Diyos. Dahil siya ay talagang ISINUGO ng DIYOS at ang kaniyang SINABI sa mga TAO ay TALAGANG SINABI ng Diyos. At ang sinabi pong ito ng Diyos ay hindi isang PROPESIYA o HULA na mangyayari sa malayong hinaharap na sinabi sa paraang MATALINGHAGA kundi isang TUWIRANG BABALA para sa mga mamamayan ng Ninive.


Ngayon ating gamitin ang ating CRITERIA FOR JUDGING sa TAGAPANGARAL at naging IKALAWANG PANGULO ng mga SAKSI ni JEHOVA na si FRANKLIN RUTHERFORD.

Si JOSEPH FRANKLIN RUTHERFORD ang
2nd President ng WATCHTOWER SOCIETY
Ano ba ang kaniyang sinabi na mangyayari?

"Therefore WE MAY CONFIDENTLY EXPECT THAT 1925 WILL MARK THE RETURN OF ABRAHAM, ISAAC, JACOB AND THE FAITHFUL PROPHETS OF OLD, particularly those named by the Apostle in Hebrews chapter eleven, to the condition of human perfection" (Millions Now Living Will Never Die, pp. 89-90).

Sabi ni RUTHERFORD na sa taong 1925, ay MAGBABALIK o MULING MABUBUHAY sina ABRAHAM, ISAAC, JACOB at ang mga matatapat na PROPETA sa Biblia sa kundisyon ng PERPEKTONG PAGKATAO. At ito raw po ay ang mga binanggit ng mga APOSTOL sa sulat sa mga taga HEBREO Kapitulo 11.

Saan daw po galing ang  petsang 1925?

"THE DATE 1925 IS EVEN MORE DISTINCTLY INDICATED BY SCRIPTURE because IT IS FIXED BY THE LAW GOD GAVE TO ISRAEL" (Watch Tower, 1 September 1922, p. 262).

Batay daw po sa kasulatan na itiunakdaw raw sa KAUTUSANG ibinigay ng Diyos sa ISRAEL.

Samakatuwid: SA DIYOS GALING ANG PETSANG 1925.

Kahit po ating basahin ng paulit-ulit ang Hebreo 11, wala po tayong mababasa doon na muli silang mabubuhay bago ang itinakdang pagkabuhay na maguli ng mga patay na binabanggit sa aklat ni JOB:

Job 14:12  “GAYON ANG TAO AY NABUBUWAL AT HINDI NA BUMABANGON: HANGGANG SA ANG LANGIT AY MAWALA, SILA'Y HINDI MAGSISIBANGON, NI MANGAGIGISING MAN SA KANILANG PAGKAKATULOG.”

Wala po ni isa man sa mga namatay kabilang ang mga PROPETA at mga PATRIARKA ng Biblia ang muling babangon bago ang itinakdang MULING PAGKABUHAY na MAGULI sa mga PATAY, at ito ay sa panahong sinsabi sa Biblia na:

“HANGGANG SA ANG LANGIT AY MAWALA”

Diyan pa lamang muling babangon ang mga namatay sa panahong ANG LANGIT AY MAWAWALA o LILIPAS sabi nga sa ibang salin ng Biblia.

Paano ba lilipas ang LANGIT at kailan ito?

2 Pedro 3:10  “Datapuwa't darating ang ARAW NG PANGINOON na gaya ng magnanakaw; na ANG SANGKALANGITAN SA ARAW NA IYAN AY MAPAPARAM na kasabay ng malaking ugong, at ANG MGA BAGAY SA LANGIT AY MAPUPUGNAW SA MATINDING INIT, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.”

2 Pedro 3:7  “Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa ARAW NG PAGHUHUKOM AT NG PAGLIPOL SA MGA TAONG MASAMA.”

Sa ARAW pa ng PANGINOON o ARAW NG PAGHUHUKOM magaganap ang MULING PAGBANGON ng mga NAMATAY. Malinaw na naipakita iyan sa Biblia.

Kaya maliwanag na ang INIHULANG ito ni RUTHERFORD ay isang KASINUNGALINGANG PANGHUHULA. Dahil alam na alam naman ng mga SAKSI ni JEHOVA na hindi ito NAGKATOTOO, dahil kung nagkatotoo ito nasaan sila ABRAHAM, ISAAC, etc? Puwede ba natin silang makita?

Kaya si RUTHERFORD ay MALINAW na isang BULAANG PROPETA:

1)     Hindi po siya ISINUGO NG DIYOS bilang isang propeta, wala pong maipapakitang kahalalan at PATOTOO na mula sa BIBLIA na si RUTHERFORD ay talagang isinugo ng Diyos ang mga SAKSI ni JEHOVA.

2)     Ang kaniyang sinabing PAGBABALIK na ito nina ABRAHAM, ETC sa taong 1925 ay HINDI MABABASA saan man sa BIBLIA – kaya maliwanag na hindi ang DIYOS ang NAGSALITA nito, at isang panlilinlang sa tao na sabihing sinabi ito ng Diyos mula sa Biblia pero hindi naman talaga niya sinabi.

3)     At pinaasa ang mga tao sa pagsasabing “WE MAY CONFIDENTLY EXPECT”. At hindi naman nagkatotoo ang inihula ni RUTHERFORD.

Maliwanag kung gayon na si RUTHERFORD ay PASADO sa tatlong CRITERIA, isa po siyang BULAANG PROPETA.

At alam niyo po ba na alam ng mga SAKSI kung ano ang ikakikilala sa BULAANG PROPETA?

Basahin natin mula sa kanilang publikasyon:

"To know whether one is a true or a false prophet. If he is a true prophet, his message will come to pass exactly as prophesied. IF HE IS A FALSE PROPHET, HIS PROPHECY WILL FAIL TO COME TO PASS" (Watch Tower, 15 May 1930, p. 154).

"PREDICTED THE END OF THE WORLD EVEN ANNOUNCING A SPECIFIC DATE." They explained "THE `END' DID NOT COME. THEY WERE GUILTY OF FALSE PROPHESYING" (Awake!, October 8, 1968, p. 23)

Kapag daw ang isang tao ay nagbigay ng EKSAKTONG PETSA  na kagaganapan ng kaniyang INIHUHULA, pagkatapos ay  hindi naman nagkatotoo. Ang tao raw pong ito ay ISANG BULAANG PROPETA at NAGKAKASALA ng BULAAN o KASINUNGALINGANG PANGHUHULA.

Oh kayo na sumagot, KAAWAY ba ng DIYOS si RUTHERFORD o Hindi?

Kung KAWAY ng DIYOS, maliligtas kaya siya?

Hebreo 10:27  “KUNDI ISANG KAKILAKILABOT NA PAGHIHINTAY SA PAGHUHUKOM, AT ISANG KABANGISAN NG APOY NA LALAMON SA MGA KAAWAY.”

Klarong-klaro sa Biblia ang kasasapitan ng MGA BULAANG PROPETA na MGA KAAWAY ng DIYOS.

Kaya matatawag mo bang nasa TUNAY kang RELIHIYON kung ang NANGANGARAL sa iyo ay BULAANG PROPETA na itinuturing ng DIYOS na kaniyang kaaway?

Kayo na po ang sumagot.


Tuesday, 20 November 2012

Diyos ng mga Saksi ni Jehova Nakatira sa Bituin?

Click niyo ang picture at nang mabasa ninyo ng malinaw


Saan kaya nilang Biblia kinuha ang paniniwala nilang ito?

"THE CONSTELLATION OF THE SEVEN STARS FORMING THE PLEIADES appears to be the crowning center around which the known systems of the planets revolve even as our sun's planets obey the sun and travel in their respective orbits. IT HAS BEEN SUGGESTED, AND WITH MUCH WEIGHT, THAT ONE OF THE STARS OF THAT GROUP IS THE DWELLING-PLACE OF JEHOVAH AND THE PLACE OF THE HIGHEST HEAVENS."


"The constellation of the Pleiades is a small one compared with others which scientific instruments disclose to the wondering eyes of man. But the greatness in size of other stars or planets is small when compared with the Pleiades in importance, because THE PLEIADES IS THE PLACE OF THE ETERNAL THRONE OF GOD" (Reconciliation, p. 14).


Maliwanag na ang aral nilang ito ay IMBENTO lang nila, dahil kahit pagbaliligtarin nila Biblia hindi nila mababasa iyan.


Ano ba ipinagbabawal ng mga APOSTOL na gawin?


1 Cor 4:6 “Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na HUWAG MAGSIHIGIT SA MGA BAGAY NA NANGASUSULAT; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.” 


Hindi po tayo dapat humigit sa mga bagay na nakasulat sa mga BANAL NA KASULATAN.

Maliwanag na nilalabag nila ang talatang iyan, dahil ang paniniwala nilang ang DIYOS ay nakatira sa Bituin, ay HIGIT o LAGPAS sa nakasulat, dahil wala ito sa Biblia.

Monday, 19 November 2012

Pagkain ng Dugo Puwede na nga ba?


       

    PARA mabigyang katuwiran ng mga kaibayo namin sa pananampalataya o iyong mga hindi namin karelihiyon na tumututol sa aral ng Iglesia ni Cristo na bawal ang pagkain ng dugo, ay gumagamit din sila siyempre ng Biblia upang mahikayat ang mga tao na ang aming sinusunod na kautusang ito ay hindi matuwid sapagkat ayon sa kanila, totoong bawal ang pagkain ng dugo, kaya nga raw may mababasa tayo sa Biblia, pero ito raw po ay isang kautusan na umiral lamang noong panahon ng Lumang Tipan, at sa panahon daw po ng Bagong Tipan ay maaari na raw itong makain ng tao sapagkat ito raw po ay nilinis na ng Diyos. Bawal daw noon pero hindi na bawal ngayon.


Lahat ng mabibili sa pamilihan ay puwedeng kainin?

Narito ang isa sa kanilang pinagbabatayan:

1 Corinto 10:25  “LAHAT NG IPINAGBIBILI SA PAMILIHAN AY KANIN NINYO, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi;”

Kapag daw sinabing “LAHAT” ibig sabihin LAHAT puwedeng kanin, kaya maliwanag daw na kasali ang DUGO na pupuwedeng kanin, dahil ang dugo daw ay maaaring mabili sa pamilihan lalo na sa panahon natin ngayon. Kaya entontes puwede na itong kainin.

Nakalimutan yata ng ating mga kaibigan na ang kanilang katuwirang ito na komo sinabing LAHAT ay puwede nang kainin ang LAHAT ng nabibili sa pamilihan, aba’y di ba ganito ang kakalabasan?

Puwede na rin tayong kumain ng PAKO, GUNTING, PALANGGANA, BATIYA, TIMBA, AT IBA PA… na mga nabibili rin sa pamilihan.

Hindi po ba? Ganiyan ang kakauwian niyan, kung ating sasakyan ang kanilang argumento na maaaring makain ang LAHAT na mabibili sa pamilihan?

Siyempre mangangatuwiran ang magiting na faith defender, at sasabihin na obvious naman na ang tinutukoy diyan ay PAGKAIN at hindi iyong mga hindi nakakain, kaya ibig lamang sabihin daw ng talata ay:

“lahat ng pagkain na mabibili sa pamilihan ay puwedeng kanin ng tao.”

Tama po iyan wala po tayong tutol diyan mga kaibigan, maaari po nating kainin ang lahat ng uri ng pagkain na nabibili sa palengke, supermarket, grocery store, sari-sari store, etc.

Pakatandaan PAGKAIN ang ating pag-uusapan dito. Kaya narito na ngayon ang tanong:

ANG DUGO BA AY KABILANG SA URI NG TINATAWAG NA PAGKAIN?

Naitanong na ba ninyo sa inyong sarili kung ang dugo ba ay pagkain?

Ano ba ang pagtuturing ng Diyos sa dugo?

Deut 12:23  “Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: SAPAGKA'T ANG DUGO AY SIYANG BUHAY; at HUWAG MONG KAKANIN ANG BUHAY na kasama ng laman.”

Klaro sa Biblia na ang DUGO ay siyang BUHAY, hindi ibinigay sa tao para maging pagkain niya.
Kaya hindi maaaring makain ang DUGO sapagkat hindi ito PAGKAIN. Kahit na mangatuwiran pa sila na maaari  naman itong makain. 

Bawal pong kumain ng BUHAY, ang katumbas ng pagkain ng Dugo ay pagkain ng BUHAY…

Kaya nga ang banggit ng Diyos ay:

“HUWAG MONG KAKANIN ANG BUHAY”

Iyan ang dahilan kung bakit bawal kainin ang dugo, ito ay dahil sa mataas na pagkilala at pagpapahalaga ng Diyos sa BUHAY.

Ang katuwiran naman ng iba:

“Aba, eh nakakain naman ng tao ang dugo eh, kaya pagkain din iyon”

Iyon bang lupa puwedeng makain? Aba may mga tao na kumakain niyan. Iyong apoy makakain din ba? Aba siyempre po kita ninyo napapanuod natin maging sa TV na may mga tao na kumakain ng apoy. Maski bubog, espada, sinulid, bakal, papel, etc.

Nakakain ng tao iyan pero tanong:  Mga pagkain ba iyan?

Hindi po matuwid na katuwiran na komo nakakain ay nasa uring PAGKAIN na.

Ang dugo bukod sa hindi itinuturing na pagkain ng Diyos ay ipinagbawal pa niya itong kainin.

Kaya nga kahit na mabibili pa ito sa pamilihan, hindi ito kabilang sa maaaring makain ng tao.

Dahil ang dugo ay:

1.      Hindi ibinigay sa tao bilang pagkain niya. Buhay ang tawag ng Diyos diyan at hindi pagkain.

2.      Ipinagbawal ng Diyos na ito ay kainin ng tao kahit magagawa niyang kanin sa kabila nang ito ay hindi pagkain.


Ang Dugo ay nilinis na ng Diyos kaya puwede nang kanin?

May pagkakamali rin na sabihin na ang DUGO ay nilinis na ng Diyos kaya maaari na itong kanin ng tao.

Kaya itanong natin sa kanila, kailan ba itinuring ng Diyos na ang dugo ay MARUMI? May maipapakita ba silang talata sa Biblia na itinuring ng Diyos na MARUMI ang dugo at kaya maaari na nating makain ay sapagkat ito’y nilinis na Niya?

Buhay nga po ang pagtuturing ng Diyos sa dugo eh, ibig bang sabihin nagkaroon ng pagkakataon noon na ang naging pagtuturing ng Diyos sa dugo ay MARUMI?

Nasaan sa Biblia iyan?

Bakit ano ba ang gamit ng dugo?

Levitico 17:11  “Sapagka't ang buhay ng laman ay nasa dugo; at AKING IBINIGAY SA INYO SA IBABAW NG DAMBANA UPANG ITUBOS SA INYONG MGA KALULUWA: sapagka't ang dugo'y siyang tumutubos dahil sa buhay.”

Napakataas ng pagkakilala ng Diyos sa dugo, isipin ninyo ito ang iniutos niyang gamitin ng tao upang tumubos sa kaluluwa.

Kailan man ay hindi itinuring ng Diyos na MARUMI ang DUGO, kaya papaano nila sasabihin na ito ay nilinis na nang Diyos kaya maaari nang makain.

Ito maliwanag mga kaibigan at mga kapatid na panlilinlang nila sa tao.

Itutuloy…

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network