Ang Anghel na Tinutukoy sa Apocalypsis 7:2-3
Ang isa pa sa mga hula ng Diyos na nagpapatotoo sa pagiging Sugo ng Kapatid na Felix Y. Manalo ay ang nasa aklat ng Apocalypsis na ganito ang sinasabi:
Apocalypsis 7:2-3 “At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat, Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.”
Sinasabi sa talatang ito na may ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw na taglay ang tatak ng Diyos na buhay, samakatuwid ang anghel na ito’y magmumula sa silanganan sapagkat ito’y ang dakong sinisikatan ng araw, na nilinaw sa Bibliang Ingles sa gayon ding talata:
“And I saw another angel ascending from the EAST, having the seal of the living God: and he cried with a loud voice to the four angels, to whom it was given to hurt the earth and the sea, Saying, Hurt not the earth, neither the sea, nor the trees, till we have sealed the servants of our God in their foreheads.” (Revelation 7:2-3, King James Version)
Maliwanag kung gayon ang panggagalingan ay ang silanganan. Saan sa silangan ito magmumula, sapagkat ang silangan ay binubuo ng tatlong bahagi, (near east, middle east, far east), maliwanag ang pahayag sa Bibliang tagalog na ito’y sa sikatan ng araw - Far East o malayong silangan, dahil ang araw ay unang nasisilayan ang kaniyang pagsikat sa malayong silangan. Na ang kinatuparan nga nito ay ang bansang Pilipinas na atin ng tinalakay sa nakaraan. Subalit si Kapatid na Felix Y. Manalo ay isang tao, samantalang ang hinuhulaan sa Apocalypsis ay isang anghel.
Kaya ang nagiging tanong ng iba:
“Bakit niyo sinasabing si Felix Manalo ang anghel na tinutukoy diyan sa Apocalypsis 7:2-3, samantalang siya ay tao at hindi naman anghel? Hindi ba ang liwa-liwanag na ang tinutukoy diyan ay anghel at hindi naman tao?”
Nasasabi nila ang ganito dahil sa kanilang kakulangan ng kaalaman at pagkaunawa sa kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng salitang “anghel”. Ang unang pumapasok sa kanilang isipan kapag naririnig o nababasa nila ang salitang ito ay ganito: ang mga anghel ay may mga pakpak, mga nakasuot ng nagliliwanag na kasuotan, nagniningning ang mukha, at ang mga anghel ay mga nilalang na espiritu ang kalikasan at nakatira sa langit. Inakala nila na kapag sinabing anghel ay tumutukoy sa kanilang kalikasan, at hindi kailanman maaaring ipantawag o tawaging anghel ang isang tao. Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang “anghel” ating tunghayan sa isang Encyclopedia ang kasagutan:
“Angel: The English word originated from Latin, angelus, which is itself derived from the Greek αγγελοσ, ángelos, meaning "messenger" [From Wikipedia Encyclopedia]
Sa Filipino:
“Anghel: Ang salitang Ingles na nagmula sa Latin, angelus, na hinango naman sa Griego, αγγελοσ, ángelos, na nangangahulugang “sugo”
Maliwanag ang ipinakitang sagot sa atin ng Encyclopedia na ang ibig sabihin o kahulugan ng salitang “anghel” ay “messenger” sa Ingles o “sugo” sa tagalog. Eh maaari bang itawag sa isang tao ang salitang “anghel” , ayon naman sa kilalang Bible Dictionary?
“Angel a word signifying, both in the Hebrew and Greek, a "messenger," and hence employed to denote any agent God sends forth to execute his purposes. It is used of an ordinary messenger (Job 1:14: 1 Sam. 11:3; Luke 7:24; 9:52), of prophets (Isa. 42:19; Hag. 1:13), of priests (Mal. 2:7), and ministers of the New Testament (Rev. 1:20)… The name does not denote their nature but their office as messengers.” (Meaning of Angel from Easton’s Bible Dictionary)
Sa Filipino,
“Anghel isang salitang nangangahulugan, pareho sa Hebreo at sa Griego, na isang “sugo”, na ito’y ginamit upang tukuyin ang sinomang kinatawan na sinusugo ng Diyos upang isagawa ang kaniyang mga layunin. Ito ay ginamit sa isang pangkaraniwang sugo (Job 1:14; 1 Samuel 11:3 ; Lucas 7:24; 9:52), ng mga propeta (Isaias 42:19; Hagai 1:13), ng mga saserdote (Malakias 2:7), at ng mga ministro ng Bagong Tipan (Apocalypsis 1:20)... Ang pangalan ay hindi tumutikoy sa kanilang kalagayan kundi sa kanilang tungkulin bilang mga sugo.”
Ayon naman sa Easton’s Bible Dictionary, ang salitang anghel ay ginamit upang tukuyin ang sinomang kinatawan na sinusugo ng Diyos upang isagawa ang kaniyang layunin. Hindi ito tumutukoy sa kaniyang kalagayan o kalikasan (nature - kung tao ba siya o espiritu) kundi sa kanilang tungkuling ginagampanan. Maliwanag kung gayon na ang katagang ito ay maaaring itawag sa sinoman kahit na siya’y isang tao na may tungkulin bilang sugo – gaya nga ng sinabi ng Diksiyonaryo, maaari itong itawag sa mga ministro ng Bagong Tipan. Alam na alam natin na ang mga ministro na binabanggit sa Biblia ay mga tao. Mayroon bang Biblia na tuwirang ginamit ang salitang messenger o sugo sa halip na angel o anghel sa Apocalypsis 7:2-3?
Mayroon, ito ay ang salin ng Young’s Literal Translation:
“And I saw another messenger going up from the rising of the sun, having a seal of the living God, and he did cry with a great voice to the four messengers, to whom it was given to injure the land and the sea, saying, Do not injure the land, nor the sea, nor the trees, till we may seal the servants of our God upon their foreheads”. (Revelations 7:2-3, Young’s Literal Translation)
Sa Filipino:
“At nakita ko ang ibang sugo na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na sugo na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat, Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.”
Maliwanag kung gayon na ang ibang anghel na nakitang umaakyat sa mula sa sikatan ng araw ay isang sugo ng Diyos na magmumula sa malayong silangan na ito’y ang bansang Pilipinas – at ito nga’y ang Kapatid na Felix Y. Manalo…
Halimbawa ng isang tao ngunit tinawag na Anghel
Para sa kapakinabangan ng mga nagsusuri at tumututolsa isyung ito, nais naming patunayan pa na talagang ang salitang “anghel” ay hindi lamang puwedeng itawag sa mga nilalang na nasa langit na may kalikasang espiritu, kundi maging sa isang tao na sinugo ng Diyos. Ang pinakamatibay na ebidensiya na ating maipapakita bilang halimbawa ay ang nakasulat sa Biblia, ating basahin ito:
Mark 1:2-3 “As it is written in Isaias the prophet: Behold I send my angel before thy face, who shall prepare the way before thee. A voice of one crying in the desert: Prepare ye the way of the Lord; make straight his paths.” [Douay Rheims Version – Catholic Bible ]
Sa Filipino:
Marcos 1:2-3 “Ayon sa pagkasulat kay Isaias na propeta, Narito, sinusugo ko ang aking anghel sa unahan ng iyong mukha, Na maghahanda ng iyong daan; Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas;”
Ang sabi ng Diyos sa talata: “sinusugo ko ang aking anghel sa unahan ng iyong mukha” na ano raw ang tungkulin o trabaho ng anghel na ito? “Na maghahanda ng iyong daan; Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas;” Eh kangino ba tumutukoy ito? Sino ba ang tinatawag na anghel dito? Ang binasa natin ay Marcos 1:2-3, ituloy lang natin ang pagbasa sa talatang 4:
Marcos 1:4 “Dumating si Juan, na nagbabautismo sa ilang at ipinangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.”
Ang sinasabi sa mga talatang 2 hanggang 3, na anghel na sinugo ng Diyos ay si Juan Bautista dahil sa siya ang kinatuparan ng hula sa Isaias na: “Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang”… (Isaias 40:3) na maghahanda ng daan ng Panginoon, at ito ay tahasang inamin ni Juan Bautista:
Juan 1:23 “Sinabi niya, Ako ang tinig ng isang humihiyaw sa ilang, Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon, gaya ng sinabi ng propeta Isaias.”
Kaya kitang-kita ang malinaw na ebidensiya na nagkamali ng pagkaunawa ang iba na hindi daw maaaring matupad ang hula kay Ka Felix na nakasulat sa Apocalypsis 7:2-3 na tumutukoy sa isang anghel, dahil sa hindi naman daw anghel ang Ka Felix kundi tao. Maliwanag na maliwanag sa Biblia na ang mga sugo ng Diyos ay tinatawag ding “anghel”, at ang isa nga sa halimbawa na tinawag na anghel na bagamat isang tao ay si Juan Bautista sapagkat siya’y sugo ng Diyos.
Kaya kung ipipilit ng iba na sabihing mali na tawaging anghel ang isang tao, lalabas kung gayon na nagkamali ang Diyos sa pagtawag niya ng anghel kay Juan Bautista. At malabo naman sigurong magkaganun, hindi po ba?
Ang tungkuling gagampanan ng Anghel o Sugo na magmumula sa Sikatan ng Araw o Malayong Silangan
Ano ang tungkuling gagampanan ng sugong ito kaya siya isinugo? Ating balikan at basahing muli ang hula:
Apocalypsis 7:2-3 “At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat, Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.”
Ang sabi ng Biblia taglay ng sugong ito ang tatak ng Diyos na buhay , at ang kaniyang tungkulin ay ang pagtatatak sa mga tao. Ano ba ang ibig sabihin ng tatak at ng gawaing pagtatatak ? Sa aklat ng Efeso ay ganito naman ang ating mababasa:
Efeso 1:13 “Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan, na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako,”
Ang pagtatatak ay ang pangangaral ng evangelio at kapag ang evangelio ay sinampalatayanan ay tatanggapin ng tao ang tatak samakatwid bagay ang Espiritu Santo kapag siya’y nabautismuhan sa tunay na Iglesia.
Gawa 2:38 “At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo”
Samakatwid ang tungkulin ng sugong ito na mula sa malayong silangan ay bilang isang mangangaral o tagapagturo ng mga salita ng Diyos, na kapag ang tao’y sumampalataya at mabautismuhan ay tatanggapin nila ang tatak o ang Espiritu Santo, at silay tatawaging mga alipin ng Diyos. At ang hulang ito’y natupad kay Kapatid na Felix Manalo na siya rin ang nagpaliwanag ng kahulugan na isang katangian ng tunay na sugo.
Ang apat na anghel na pipigil sa hangin
Paano pa natin matitiyak na si Kapatid na Felix Manalo nga ang kinatuparan ng hula sa Apocalypsis 7:2-3 at hindi nagkataon lamang. Sa Apocalypsis 7:1 ay may una munang nakita bago ang pagkakakita sa ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, ating tunghayan. Basahin natin sa talatang 1 tapos ituloy natin sa verse 2:
Apocalypsis 7:1 “At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy.”
Apocalypsis 7:2 “At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat,”
Bago ang pagkakita sa ibang anghel na umaakyat sa sikatan ng araw, sa talatang 2, ay may una munang nakita si Apostol Juan (ang sumulat ng aklat ng Apocalypsis) sa kaniyang pangitain, ito’y ang apat na anghel na mula sa apat na sulok ng lupa (na tumutukoy sa apat na direksiyon, hilaga, timog, silangan, kanluran) na may tungkuling pumigil ng hangin, na ang tinutukoy din ay mga sugo o messenger na mababasa natin sa Young’s Literal Translation.
Revelations 7:1 “And after these things I saw four messengers, standing upon the four corners of the land, holding the four winds of the land, that the wind may not blow upon the land, nor upon the sea, nor upon any tree;” [Young’s Literal Translation]
Samakatwid gaya ng ating napatunayan, na kung paanong tao ang hinuhulaan na sugo mula sa malayong silangan, ay mga tao rin ang kalagayan ng apat na sugo na binabanggit sa talatang ito.
Anong uring hangin ba ang pipigilin ng apat na anghel o apat na sugong ito? Ito ba’y pangkaraniwang hangin? Ating basahin ang pahayag ni Propeta Jeremias sa kaniyang aklat:
Jeremias 4:11 “Sa panahong yaon ay sasabihin sa bayang ito at sa Jerusalem, Isang mainit na hangin na mula sa mga luwal na kaitaasan sa ilang ay dumating sa anak ng aking bayan, hindi upang sumimoy, o maglinis man:”
Niliwanag ng Biblia na ang hangin na ito ay hindi literal na hangin. Sa pagsasabi na ang mainit na hanging ito ay: “hindi upang sumimoy, o maglinis man” ay nililinaw sa atin ng hula na ito’y hindi talagang hangin na umiihip sa lupa at nakakalinis ng paligid, kundi ang hanging tinutukoy ay symbolical o may pinatutungkulan. Ano ang hangin na ito? Basahin natin:
Jeremias 4:12 “Isang malakas na hangin na mula sa mga ito ay darating sa akin: ngayo'y magsasalita naman ako ng mga kahatulan laban sa kanila.”
Jeremias 4:13 “Narito, siya'y sasagupang parang mga ulap, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo ang kaniyang mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila. Sa aba natin! sapagka't tayo'y nangapahamak.”
Jeremias 4:19 “Ang hirap ko, ang hirap ko! Ako'y nagdaramdam sa aking puso; ang dibdib ko ay kakabakaba, hindi ako matahimik; sapagka't iyong narinig, Oh kaluluwa ko, ang tunog ng pakakak, ang hudyat ng pakikipagdigma.”
Sinasabi sa aklat ni Propeta Jeremias na ito’y isang hula na may isang malakas na hangin na darating na ito’y sasagupang parang mga ulap. Na ito’y gagamitan ng mga karo na parang ipo-ipo, at mga kabayong mas matulin pa kay sa mga aguila. Na ang mga tao sa panahong ito kakabahan at matatakot pag narinig ang tunog ng pakakak o trumpeta, na ito’y hudyat ng pakikipagdigma. Samakatwid ang hangin na pipigilin ng apat na anghel o sugo na binabanggit sa Apocalypsis ay isang uri ng digmaan na makabago, na ito’y hindi sa panahon ni propeta Jeremias magaganap kundi sa hinaharap sapagkat gagamitan ng mga makabagong kasangkapang pangdigma. Na ating tatalakayin, na ito’y ang karo na parang ipo-ipo at ang mga kabayo na mabilis pa kay sa mga aguila.
Ang karo na parang ipo-ipo
Ano ba ang ibig sabihin ng karo? Basahin natin sa Ingles:
“Behold, he shall come up as clouds, and his chariots shall be as a whirlwind: his horses are swifter than eagles. Woe unto us! for we are spoiled.” (Jeremiah 4:13, King James Version).
Ang karo ay tinatawag sa ingles na chariot o karwahe sa ibang salita sa tagalog. Wala po tayong mahahagilap sa mga aklat ng kasaysayan na nagkaroon ng kasangkapang pangdigma na karo o karwahe na parang ipo sa noong unang panahon, kaya ating natitiyak na ang binabanggit ng talata ay sa future pa mangyayari, at hindi sa panahon ni Propeta Jeremias.
Ano bang makabagong kasangkapang pangdigma ang hinango ang konsepto sa isang karwahe o karo at maihahambing sa isang ipo-ipo?
“Tank, heavily armored track-laying, or treaded, military vehicle, with cross-country mobility and road speeds up to 97 km/h (60 mph). Tanks are classified as light, medium, and heavy. They range in weight from approximately 14 to 69 metric tons, have at least 15 cm (6 in) of armor plate, and mount cannons ranging from 75 mm to 122 mm in the tank's turret. The turret is a structure on top of the tank that can rotate 360 degrees, enabling the tank to fire in any direction.”
“The concept of armor protection dates from antiquity. By the 5th century BC Greek warriors, and sometimes their horses, wore armor. Florentine artist and scientist Leonardo da Vinci designed a crank-operated covered chariot in 1482.” [ “tank” Encarta Encyclopedia, © 1993-2003 Microsoft Corporation. All rights reserved.]
|
Ang Tankeng Pangdigma na unang ginamit noong First World War (1914-1918) |
Maliwanag kung gayon na ang tinutukoy na karo na parang ipo-ipo ng Biblia ay ang isang tangkeng pangdigma, na ayon sa encyclopedia ang pinaghanguan ng konsepto ng disenyo nito ay ang isang chariot o karwahe. At maihahalintulad sa isang ipo-ipo ang isang tangke sapagkat ito’y may kakayahang umikot ng 360 degrees na siya ring katangian ng isang ipo-ipo, mapapansin din na ang tangke ay kayang dumaan sa kahit na anong uri ng terrain o anyo ng lupa, at nagigiba ang dinadaanan nito na para bang dinaanan ng isang ipo-ipo.
Ang mga Kabayong matulin pa sa mga Aguila
Sa ano naman kaya tumutukoy ang sinabi ng Biblia na: “mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila”. Mayroon bang kabayo na lalong matulin o mas mabilis pa sa aguila? Kaya dito pa lang atin nang natitiyak na hindi literal o tunay na kabayo ang tinutukoy ng hula. Sapagkat ang bilis ng pinakamatuling kabayo ay 40 miles per hour lamang samantalang ang lipad ng isang Aguila ay may bilis na mahigit 200 miles per hour ayon sa Encarta Encyclopedia. Kaya napaka-imposible na mayroong kabayo na mabilis pa sa aguila maski na sa panahon natin ngayon. Maliwanag kung gayon na hindi literal na kabayo ang tinutukoy. Eh sa ano kaya ito tumutukoy? Ano bang makabagong kasangkapang pandigma na mabilis pa aguila na itinuturing na kabayo? Basahin natin:
“…the first war in which cities were bombed from the air and winged warriors fought among the clouds. Of course the airplanes of 1914 were not so fast, so formidable, nor so numerous as those of today. They were really more important as scouts (a kind of aerial ‘cavalry’), photographing enemy movements from above.” [World History, by Boak , Slosson, and Anderson, pages 478-479]
Sa Filipino:
“…ang unang digmaan na ang mga lungsod ay binomba mula sa itaas at ang mga mandirigmang may pakpak ay nakipaglaban sa mga alapaap. Mangyari pa na ang mga eroplano noong 1914 ay hindi gaanong mabibilis, hindi gaanong matitibay, at di gaanong marami kumpara sa ngayon. Sila ay tunay na naging mahahalagang tagapagmanman ( isang uri ng ‘kabayuhang’ panghihimpapawid), na kumukuha ng larawan ng mga kilos ng kalaban mula sa itaas.”
|
Ang Mga Eroplano noong 1914 |
Ang mga “eroplanong pangdigma” noong 1914 ay tinawag na “aerial cavalry” na sa tagalog ay “kabayuhang panghihimpapawid”. Samakatuwid ang mga eroplanong ito ay itinuring na mga kabayo at ang mga piloto ay tinawag na mga kaballero o mangangabayo, na noon ngang panahon na iyon ang lakas ng kaniyang makina ay tinatawag na “horse power” o “lakas ng kabayo”. At totoo namang ang eroplanong pangdigma ay higit na mabilis sa lipad ng isang aguila. Dahil ang mga eroplanong ito ay may kakayahang lumipad ng higit sa 300 miles per hour. Ito ang kinatuparan ng Hula.
Eh kalian ba unang ginamit ang dalawang kasangkapang pangdigmang ito? Ating tunghayan ang patotoo ng kasaysayan:
“During World War I (1914-1918) the British developed and used the first armored tracklaying vehicles. To maintain secrecy, the vehicles were shipped to the battle zone in crates marked “tanks,” hence the origin of the name.”…“Airplanes were first used in large numbers for military purposes during World War I. [First World War”, Encarta Encyclopedia]”
Ginamit sa kauna-unahang pagkakataon ang eroplano at tangke, noong First World War o Unang Digmaang Pangdaigdig na naganap noong 1914 hanggang 1918. Ito ang hangin, samakatwid bagay ang Unang Digmaan Pangdaigdig ang pipigilin ng apat na anghel o sugo, na ito’y sugo ng apat na bansa na ating tatalakayin.
Ang Apat na Anghel na tinatawag na “Big Four” ng kasaysayan na siyang pumigil sa hangin o sa Unang Digmaang Pandaigdig
Tunay nga bang may apat na sugo na isinugo ng apat na bansa upang pigilin ang digmaan? Narito ang patotoo ng kasaysayan:
“The Paris Peace Conference of 1919 was an international conference, organized by the victors of the World War I for negotiating the peace treaties between the Allied and Associated Powers and the defeated Central Powers.
The 'Big Four': David Lloyd George, Prime Minister of Great Britain, Georges Clemenceau, Premier of France, Woodrow Wilson, President of the United States of America, and Vittorio Orlando, Prime Minister of Italy, were the predominant diplomatic figures at the conference. The conclusions of their talks were imposed to the loser countries.” [Microsoft ® Encarta ® Reference Library 2004]
Ang Big Four o ang mga ipinadala o mga sugo ng kanilang mga bansa ay sina:
1. David Lloyd George na Prime Minister ng Great Britain
2. Georges Clemenceau na Primier ng France
3. Vittorio Orlando na Prime Minister ng Italy
4. Woodrow Wilson na President ng America
Ang mga taong ito ay nagkaisa upang patigilin ang Unang Digmaang Pandaigdig ng matalo nila ang Germany noong 1918, at nagbuo sila ng tinatawag na Paris Peace Treaty na tinawag na Treaty of Versailles na ginanap noong taong 1919 sa Paris, France. Marahil magtataka ang iba, ang mga tungkulin ng mga taong ito ay walang kinalaman sa relihiyon at sa pananampalataya sa Diyos paanong nangyari na sila ang kinatuparan ng hulang ito gayong ang banggit ay “apat na anghel”? Samakatuwid ang mga ito’y sugo din ng Diyos.
Maaari ding isugo ng Diyos ang Pinuno ng Pamahalaan
Sa Biblia ba ay hindi maaaring suguin ng Diyos ang mga taong namumuno sa pamahalaan?
2 Pedro 2:13 “Kayo'y pasakop sa bawa't palatuntunan ng tao alangalang sa Panginoon: maging sa hari, na kataastaasan; O sa mga gobernador, na sinugo niya sa panghihiganti sa nagsisigawa ng masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti.”
Tunay na ang kinatuparan ng apat na anghel na pumigil sa hangin, ay ang Big Four nang pigilin nila ang pagpapatuloy ng Unang Digmaang Pandaigdig, sapagkat ang mga Hari o mga Gobernador ay tinawag din ng Biblia na mga sugo ng Diyos na bagamat ang gawain ay walang kinalaman sa relihiyon.
Sa panahong pinipigil ang hangin o digmaang pangdaigidg nakita ang pag-akyat ng ibang anghel mula sa sikatan ng araw. Samakatwid ang gawain ng sugo ng Diyos mula sa Pilipinas ay umaakyat na at hindi aakyat pa lamang, sapagkat noong taon na patigilin ang Digmaan noong 1918, ay patuloy na sa palaganap ang Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas na nagsimula noong 1914, na ito’y sa pangangasiwa ni Kapatid na Felix Manalo na siyang Sugo ng Diyos sa Huling Araw.
Kayo ang magpasya.