Wednesday 15 June 2011

Ang Mga Talatang Nagpapatunay na Diyos Daw si Cristo - Part 2




Sa ating pagpapatuloy, ay atin pang tatalakayin ang ilan pa sa mga verse na kanilang ginagamit na nagpapatunay daw na totoo ang kanilang aral na si Cristo ay tunay na Diyos.  Ituloy na natin.


JUAN 14:7-9

Narito pa ang isa sa kanilang ginagamit, basahin po natin:

Juan  14:7  “Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon siya'y inyong mangakikilala, at siya'y inyong nakita.”

Juan 14:8  “Sinabi sa kaniya ni Felipe, Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin.”

Juan 14:9  “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama?”

Maliwanag daw na sinabi ni Jesus sa verse na ito na:  ANG NAKAKITA SA AKIN AY NAKAKITA SA AMA”, at dahil daw sa ang Ama ay Diyos, at ang Nakakita kay Cristo ay nakakita sa Ama, samakatuwid si Cristo ay Diyos.

Kapansin-pansin na kapag sila ay gumagamit ng mga talata, palaging yung salitang “si Cristo ay Diyos” ay hindi mo naman mababasa sa verse na ibinibigay nila.  At kadalasan, ito ay ang kanila lamang pakahulugan, interpretasyon o pagkaunawa sa talata.  Mahilig lang po talagang magbigay ng sarili nilang kahulugan ang mga naniniwalang si Cristo ay Diyos.  Ganito po sila kung gumamit ng Biblia. 

Tama po bang gawin ng isang tao ang pagbibigay ng maling kahulugan sa mga verse sa Biblia? Basahin po natin ang paliwanag ni Apostol Pedro:

2 Pedro 3:16 “Sa lahat ng sulat niya tungkol sa paksang ito, ganito ang lagi niyang paalala. Kaya lang, ang ilang bahagi sa kanyang mga sulat ay mahirap unawain, at BINIBIGYAN NG MALING KAHULUGAN ng mga mangmang at magugulo ang pag-iisip. Ganyan din ang kanilang ginagawa sa ibang mga Kasulatan, kaya nga't ipinapahamak nila ang kanilang sarili.”  [Magandang Balita, Biblia]

Kapahamakan po ang idudulot sa tao ng kapangahasan na kaniyang ginagawa sa Biblia, sa pamamagitan ng pagbibigay ng Maling Kahulugan sa mga talata o verse. Kaya ang ganitong gawain ay dapat iwasan ng sinoman.

Paano natin natitiyak na mali ang kanilang pakahulugan?  Mga kaibigan, sa Biblia po ay walang kontradiksiyon o salungatan.  Kung ating tatanggapin na Diyos si Cristo sa Juan 14:7-9, kokontrahin po niyan ang napakaraming talata sa Biblia. Sinabi po ni Jesus na ang Ama ang nag-iisang Diyos na tunay sa Juan 17:1,3Maliwanag na nilinaw ni Jesus sa atin na IISA LAMANG ANG TUNAY NA DIYOS at walang iba kundi ang AMA.  Kaya imposible na lumabas na Diyos si Cristo sa talatang iyan, dahil nabanggit na natin sa nakaraan, si Cristo ay ANAK at hindi siya ang AMA.  At niliwanag ni Cristo na ang AMA ang ating Diyos, gaya ng mababasa sa Juan 20:17, basahin natin:

Juan 20:17  “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS.”

Napakaliwanag na sinabi ni Jesus na ang ating Diyos ay ang kaniyang AMA na dapat ay AMA din natin.  Kung tutuusin, sa mga salita pa lamang na ito, ay dapat wala na tayong pagtatalo, dahil hindi naman sinabi ni Jesus dito na:  “AAKYAT NA ANG INYONG DIYOS” kundi: “AAKYAT AKO SA AKING AMA AT INYONG AMA, AT AKING DIYOS AT INYONG DIYOS”, kaya napakaliwanag na hindi siya ang Diyos kundi ang Ama.

Kaya maliwanag ngayon na hindi maaaring ang maging kahulugan ng Juan 14:7-9 ay Diyos si Cristo.  Ating balikan at unawaain ng tama.  Bakit ba sinabi ni Jesus na: “ANG NAKAKITA SA AKIN AY NAKAKITA SA AMA”, dapat kasi hindi tayo ang nagbibigay ng kahulugan eh, dahil hindi naman tayo ang nagsasalita diyan kundi si Cristo.  Ating tunghayan ang tunay na kahulugan ng talata, si Cristo mismo ang magpapaliwanag sa atin, ituloy lang natin ang pagbasa sa mga kasunod na verse:

Juan 14:9  “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ANG NAKAKITA SA AKIN AY NAKAKITA SA AMA; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama?”

Juan 14:10  “Hindi ka baga nananampalataya na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? Ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.”

Juan 14:11  “Magsisampalataya kayo sa akin na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya'y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga GAWA rin.”

Kadalasan ang mga gumagamit ng talatang ito ay hindi binabasa ang mga kasunod na talata, kasi nga mabubuko sila na mali ang kanilang pagkaunawa dito, maliwanag at napakasimple lamang ng kahulugan nung sinabi ni Jesus na: “ANG NAKAKITA SA AKIN AY NAKAKITA SA AMA” na ang ibig sabihin lamang ay:  ANG AMA NA TUMATAHAN SA AKIN AY GUMAGAWA NG KANIYANG MGA GAWA”.  Ang mga GAWA ng AMA ang nakikita nating ginagawa ni Cristo, kaya katumbas nun NAKIKITA natin ang AMA sa pamamagitan niya.  Ganun lamang po kasimple iyon.

Sa isang simpleng Halimbawa:  Pag sinabi ba ng Nanay mo:  “NAKIKITA KO ANG TATAY MO SA IYO”, ibig bang sabihin nun, IKAW NA RIN YUNG TATAY MO? De lalabas niyan kung uunawain natin ang pakahulugan nila:  asawa ka rin ng Nanay mo?  Napakahalay ng kalalabasan hindi po ba?  Hindi ba ang ibig sabihin lamang niyan ay:  “MAY TAGLAY KA NG KATANGIAN NG TULAD SA IYONG TATAY” kaya maaaring makita ang Tatay mo sa iyo. Ganun din ang AMA kay Cristo, dahil ang mga ginagawa ni Cristo ay Gawa ng AMA, kaya makikita ang AMA kay Cristo, simpleng kahulugan, ngunit iminali ng mga taong kulang sa kaalaman sa katotohanan.

Kaya kitang-kita na mali na naman sila ng pagkaunawa sa talatang ito…



JUAN 1:18

Juan 1:18  Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.”

Dito naman sa talatang ito, ganito ang kanilang sinasabi: 

“Kita mo brod ang sabi, WALANG TAONG NAKAKITA KAILANMAN SA DIYOS, si Cristo ang nagpakilala sa kaniya.  Eh maipapakilala ba niya ang Ama kung hindi niya nakita? At kung nakita niya ang Diyos, de hindi siya tao, kaya maliwanag na si Cristo ay Diyos.”

Mayroon po kaming nais ipapansin sa inyo, dito po ba sa talatang ito ay mababasa natin na nakita ni Cristo ang Diyos? Wala po tayong mababasang ganun, hindi po ba?  Maaari din po natin silang hamunin na magpakita ng ibang talata na mababasa natin na nakita ni Cristo ang Diyos, at natitiyak namin na wala silang maipapakita sa inyo. Dahil kahit sa buong Biblia wala tayong mababasa na nakita ni Jesus ang Diyos. Bakit?

Colosas 1:15  “Na siya ang larawan ng DIOS NA DI NAKIKITA, ang panganay ng lahat ng mga nilalang;”

Ang Diyos po ay hindi nakikita, kaya imposible na makita siya kahit ni Cristo. Kasama siya sa mga taong hindi nakakita sa Diyos. Eh ang tanong nga eh, Paano niya naipakilala eh hindi naman pala niya nakita? 

 Juan 12:49  “Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain.”

Napakalinaw ng sagot ni Jesus, nagsasalita ang Diyos sa kaniya ng mga bagay na dapat niyang salitain, kaya sa ganitong paraan niya naipakilala ang Diyos at hindi dahil sa nakita niya kaya niya naipakilala. Maliwanag na siya’y inutusan ng Diyos na ipakilala siya:

Juan 17:25  “Oh Amang banal, hindi ka nakikilala ng sanglibutan, nguni't nakikilala kita; at nakikilala ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin;”

Juan 17:26  “At ipinakilala ko sa kanila ang iyong pangalan, at ipakikilala ko; upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako'y sa kanila.”

Kaya nga nang ipakilala ni Cristo ang Diyos, ang ipinakilala ba niya ay ang kaniyang sarili? Basahin natin:

Juan 17:1  “Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, AMA, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:”

Juan 17:3  “AT ITO ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN, NA IKAW AY MAKILALA NILA NA IISANG DIOS NA TUNAY, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.”

Ang Ama ang nag-iisang Tunay na Diyos sabi ng Panginoong Jesus, ganito niya Siya ipinakilala.  Ang pagpapakilala sa tunay na Diyos ay ang pangunahing Misyon ni Cristo sa lupa.

Kaya gaya ng ibang talata, mali na naman sila dito ng pagkaunawa, at hindi kailanman nila magagamit ang mga talatang ito para patunayan na Diyos si Cristo.


TITO 2:13

Tito 2:13  “Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo;”

Diretsahan daw na sinabi dito na Diyos si Cristo, dahil ang banggit ay “DAKILANG DIOS AT TAGAPAGLIGTAS NA SI JESUCRISTO”, kaya daw wala na daw pagtatalunan, si Cristo ay Diyos.  Sa biglang tingin, ay aakalain ng Sinoman na ganun nga ang ibig sabihin ng nasabing talata, dahil sa kanilang pagkaunawa iyong salitang “DAKILANG DIOS” at “TAGAPAGLIGTAS” ay parehong tumutukoy kay Cristo.

Gaya nga ng atin nang nasabi kanina, sa Biblia WALANG KONTRADIKSIYON o SALUNGATAN, kasi nga po ang sumulat kay Tito ay si Apostol Pablo na may sinabing ganito:

1 Corinto 8:6  “NGUNI'T SA GANANG ATIN AY MAY ISANG DIOS LAMANG, ANG AMA, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.”

Maliwanag niyang sinabi na may ISANG DIYOS LAMANG, ANG AMA. Samakatuwid, sa paniniwala ni Apostol Pablo ang Diyos ay ang AMA lamang. Kaya lalabas niyan kinontra niya ang sarili niyang sinabi kay Tito, kung ating uunawain iyon gaya ng kanilang pagkaunawa.

Bukod dun sinabi pa ni Pablo ang ganito:

1 Timoteo 2:5  “Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ANG TAONG SI CRISTO JESUS,”

Niliwanag ni Apostol Pablo na si Cristo ay TAO.  Kaya dalawa ang katotohanang kokontrahin ng kalalabasan ng kanilang pagkaunawa sa Tito 2:13, Una, mayroon lamang iisang Diyos, na walang iba kundi ang AMA, at si Cristo ay TAONG TAGAPAMAGITAN. Kaya imposible po na ituro ni Apostol Pablo na si Cristo ay Diyos sa Tito 2:13.

Kaya bumalik tayo sa Tito 2:13, ano nga ba ang tunay na kahulugan nito?  Ang ibig bang sabihin ni Apostol Pablo dito ay Diyos si Cristo? Ang mga kataga bang “DAKILANG DIOS” at “TAGAPAGLIGTAS” ay parehong kay Cristo tumutukoy? Hayaan kasi natin na si Apostol Pablo ang magpaliwanag dahil siya po ang nagsasalita sa talata, narito po ang katibayan at ating tunghayan kung kanino tumutukoy iyong sinabi niyang “DAKILANG DIOS”:

Tito 1:4  “Kay Tito na aking tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat: Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin.”

Kitang-kita sa sinabi ni Apostol Pablo na hindi tumutukoy ang salitang “DAKILANG DIYOS” kay Cristo sa Tito 2:3, dahil sa Tito 1:4, ay sinabi niya na ang Diyos Ama ang tinutukoy niya, kaya napakaliwanag na DALAWA ANG TINUTUKOY niya sa Tito 2:13, at hindi parehong tumutukoy kay Cristo ang dalawang salita “DAKILANG DIOS” at “TAGAPAGLIGTAS”:

Tito 2:13  “Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating “dakilang Dios” [tumutukoy sa Dios Ama] at “Tagapagligtas” na si Jesucristo;”

Tito 1:4  “Kay Tito na aking tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat: Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin.”

Ang mga sinabi at itinuro ni Apostol Pablo kailanman ay hindi magkakakontrahan. Sila lamang ang nagpapaliwanag ng mali kaya lumilikha ng kontradiksiyon. Itutuloy…

19 comments:

  1. HEHEHE...WALANG NANGAHAS KUMONTRA...,PALIBHASA FROM THE BIBLE..

    GOOD JOB PO!

    ReplyDelete
  2. Apostle Paul said in 1Tim 6:14-16 that it is the Lord Jesus that will reveal Who is the King of kings and Lord of lords.. the ONLY Potentate (of course it is God that created the heavens and the earth)

    Now, during the last days of Apostle John, this words was revealed in his Book of Revelation. The Lord Jesus send an angel to proclaim this words to the Churches..

    Rev 22:16 I Jesus have sent mine angel to testify unto you these things in the churches. I am the root and the offspring of David, and the bright and morning star.

    But what are the things this angel proclaimed concerning the Lord Jesus Christ?... that He is the First and the Last!!!

    Rev 2:8 And unto the angel of the church in Smyrna write; These things saith the first and the last, which was dead, and is alive;

    The First and the Last is the one Who was once dead and is alive!
    And that is none other than the Lord Jesus Christ Himself.

    The God that created the heavens and the earth is the only God that claim this title:

    Isa 44:6 Thus saith the LORD the King of Israel, and his redeemer the LORD of hosts; I am the first, and I am the last; and beside me there is no God.

    What are the other things this angel told Apostle John: That Jesus is the Almighty!!!

    Rev 1:8 I am Alpha and Omega, the beginning and the ending, saith the Lord, which is, and which was, and which is to come, the Almighty.

    ... that means the God that's been with Abraham, Isaac and Jacob!

    Exo 6:3 And I appeared unto Abraham, unto Isaac, and unto Jacob, by the name of God Almighty, but by my name JEHOVAH was I not known to them.

    JEHOVAH or YHWH is the true God, but when that God manifest in the flesh(1Tim 3:16), He named Himself Jesus... which means Jehovah-Salvation or YHWH become Salvation.

    Why in that Name?? God changes the name of some people He called according to His plan. God revealed a Name which fit to His purpose.. to save people!!

    Now, I will answer the first 2 defense.. It is because God tabernacled (temple) Himself in the flesh (Joh 2:19).

    for the 3rd defense.. There is one greater than the temple (Mat 12:6-7).

    for the 4th.. well, He manifest in the flesh not to act as God but servant, teaching the disciple to be humble.

    for the last 2.. have you ever imagine Jesus not praying.. what kind of disciples would He create? He is the greatest teacher ever! Do what you preach!

    Remember this... it is the Holy THING that was born, not God.. that's why it is called Messiah or Christ which means anointed one, separated.(Luke 1:35). The Temple that was made by God Himself!!!

    Act 7:48 Howbeit the most High dwelleth not in temples made with hands; as saith the prophet,

    Having all said, Jesus only reveal His true nature at the closing of the New Covenant.

    Oh, what a loving Father Jesus is!! He suffered so that He can give an eternal hope to the sinners....
    (re-post from other blog on this site)

    God bless for those who support above position (pro) :)

    ReplyDelete
  3. @Acts of Laguna,

    TANGA kb tlga?? ung mga sinitas mong talata ang gugulo at wala nmang patungkol tlga kay Cristo na direktang ngpapatunay na cia ay Diyos! ang masakit pa dun, puros kpa konklusyon., sabi nga dun sa luke 1:35 na IKAW pa mismo ang nagsitas, ANAK ng DIYOS ang nkasulat! ang liwanag ng pgkkasulat eh., bka hindi moh lng alam basahin ung salitang "ANAK" kya Diyos ung nbnggit moh sa post moh., at hindi sinabi dun kylanman na DIYOS ang ipapanganak ni Maria! pero hindi ibig sabihin na ANAK siya ng Diyos eh Diyos na din cia., kokontrahin nun ung talata na IISA lang ang TUNAY na Diyos.,(Juan 17:3)hai... kawawa k nman.. sa Dagat Dagatang apoy ang bahagi ng mga taong ngttaglay ng hidwang pananampalataya tulad mo..XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAH. oo nga..

      Delete
    2. Tracyrn
      Sabi mp po ay Ganito:
      👉"...ang sinitas mong talata ay ang gugulo..."

      Sagot ko:
      👉wala pong talata ng Biblia na magulo. Ang hina ng isip mo.

      Delete
  4. ACTS of Laguna3 July 2012 at 10:28

    There's only one God..
    James 2:19 Thou believest that there is one God; thou doest well: the devils also believe, and tremble.

    And that God came in flesh...
    1Ti 3:16 "And without controversy great is the mystery of godliness: God was manifest in the flesh..."

    But that doesn't mean that God was born...
    Luke 1:35 "...that holy thing which shall be born of thee shall be called the Son of God."

    It was only the flesh, the earthly temple of God,
    John 2:19 "...Destroy this temple, and in three days I will raise it up."

    God is in Jesus..
    Col 2:9 For in him dwelleth all the fulness of the Godhead bodily.

    And Jesus is in God..
    John 1:18 "...the only begotten Son, which is in the bosom of the Father, he hath declared him."

    For they are One..
    John 1:1 In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God.

    As Jesus have said..
    John 10:30 I and my Father are one.

    The WORD was not created, but everything was created by the WORD..
    John 1:3 All things were made by him; and without him was not any thing made that was made.

    Jesus is the WORD of God..
    Rev 19:13 And he was clothed with a vesture dipped in blood: and his name is called The Word of God.

    And that WORD was before Abraham..
    Joh 8:58 Jesus said unto them, Verily, verily, I say unto you, Before Abraham was, I am.

    Now, is Jesus a man existed before Abraham? A man conscious enough to tell He was before Abraham?

    Regards... :)

    ReplyDelete
  5. Acts of Laguna,

    Hello there...

    >And that God came in flesh...
    1Ti 3:16 "And without controversy great is the mystery of godliness: God was manifest in the flesh..."

    Please check first the translation you used; otherwise, visit:
    http://www.angelfire.com/space/thegospeltruth/trinity/verses/1Tim3_16.html

    It is not God himself who became flesh but it is His word.

    “And the word became flesh…” – John 1:14, English Standard Version
    “And the word WAS MADE flesh…” – John 1:14, American King James Version

    God is not made of word or words but He is spirit in nature (John 4:24)
    And Christ is not made of word or words but made of flesh and bones. (Luke 24:39)

    ---------

    >But that doesn't mean that God was born...
    Luke 1:35 "...that holy thing which shall be born of thee shall be called the Son of God."

    You quoted the above passage but you failed to see the phrase which says, “Son of God”. That’s the correct one, Son of God, not God Son.

    And of course INC don’t believe at all that the true God is being conceived by His own mere creation and being brought out in this world thru a natural birth unlike our Lord Jesus Christ, hence, does not qualify Christ as God.

    ---------

    >It was only the flesh, the earthly temple of God,
    John 2:19 "...Destroy this temple, and in three days I will raise it up."

    This verse tells us about the resurrection of Christ not about Him as God.

    Christ died while the true God does not (1 Tim 1:17)
    It was the Father, the true God who resurrected Him not Christ Himself (Romans 1:4-5)

    -------

    >God is in Jesus..
    Col 2:9 For in him dwelleth all the fulness of the Godhead bodily.

    >And Jesus is in God..
    John 1:18 "...the only begotten Son, which is in the bosom of the Father, he hath declared him."

    Where exactly in these verses it says that the Christ is the true God? Don’t you think there is still a need to say “the fullness of the Godhead bodily if Christ is already the true God?

    Secondly, if I follow your analogy, then it will show in John 1:18 that there are two Gods, the only begotten Son (Christ) and the Father. Now if you will tell me that the Father is also the Christ, then who is the only begotten Son mentioned in the same verse?

    ------

    >For they are One..
    John 1:1 In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God.

    >As Jesus have said..
    John 10:30 I and my Father are one.

    Yes they are one. ONE AS WHAT? If you will say as God or one God, where exactly in this verse did it say that?

    ------

    >The WORD was not created, but everything was created by the WORD.

    John 1:3 All things were made by him; and without him was not any thing made that was made.

    Correct me if I am wrong, do you interpret this verse LITERALLY? Do you mean that it was the “Word” itself moved and created all things?

    -----

    >And that WORD was before Abraham..
    Joh 8:58 Jesus said unto them, Verily, verily, I say unto you, Before Abraham was, I am.

    >Now, is Jesus a man existed before Abraham? A man conscious enough to tell He was before Abraham?

    Do you also interpret this verse literally? That Christ was already physically present prior to the existence of Abraham?
    If you do so, then your mentality is no less than the Sadducees and Pharisees in the time of our Lord Jesus Christ. Misunderstanding what He meant would have caused you also to cast a stone against Him because one thing for sure you will ask Him also, “Thou art not yet fifty years old, and hast thou seen Abraham?”

    --Bee

    ReplyDelete
    Replies
    1. ACTS of Laguna10 July 2012 at 11:37

      Bee... good day..

      How do you explain literal reading?

      Regards...

      Delete
    2. may putol sa Colossians chapter 2
      di ba sabi nga po sa
      Colossians 2:8-10 lalo na po sa verse 8
      8 Beware lest anyone cheat you through philosophy and empty deceit, according to the tradition of men, according to the basic principles of the world, and not according to Christ. 9 For in Him dwells all the fullness of the Godhead bodily; 10 and you are complete in Him, who is the head of all principality and power
      saka sabi po sa verse 20 hanggang 23
      clossians 2:20-23
      20 Therefore, if you died with Christ from the basic principles of the world, why, as though living in the world, do you subject yourselves to regulations— 21 “Do not touch, do not taste, do not handle,” 22 which all concern things which perish with the using—according to the commandments and doctrines of men? 23 These things indeed have an appearance of wisdom in self-imposed religion, false humility, and neglect of the body, but are of no value against the indulgence of the flesh.

      maliwanag sa verse 8 at sa verse 20-23
      na di pang literal o kaisipang pang tao pairalin o pag-uanawa po sa kanya kundi panong hiwaga ginawa niya gaya ng sabi sa
      1 Timothy 3:16
      16 And without controversy great is the mystery of godliness:

      God was manifested in the flesh,
      Justified in the Spirit,
      Seen by angels,
      Preached among the Gentiles,
      Believed on in the world,
      Received up in glory

      Delete
  6. A good day to you as well.

    As usual, you don't read our posts carefully...you just mind your own posts; otherwise, you should have not used those verses to prove your belief that our Lord Jesus Christ is the true God (or another God aside from the Father?) because in so many times it has been proven in this blog that interpretations such as yours are not only contradictory but totally alien to the Bible.

    I've already explained it in my post how you interpreted literally some verses you quoted yet you are asking me this question.

    Do you want me to ask it again? Okey, here it goes:

    "Do you also interpret this verse literally? That Christ was already physically present prior to the existence of Abraham?"

    That is one example of interpreting a verse literally. What else explanation you need when in any circumstances giving an example is more helpful? So just answer the question, when Jesus said this, did He mean that He was already "physically present" before the time of Abraham?

    Another one:

    "Correct me if I am wrong, do you interpret this verse LITERALLY? Do you mean that it was the “Word” itself moved and created all things?"

    I asked this question because according to you:

    ">The WORD was not created, but everything was created by the WORD"

    --Bee

    ReplyDelete
  7. Replies
    1. tanong ku lang po pwd po ipaliwanag yong juan 1-1

      Delete
  8. Gusto ko i-share to. Papaano?

    ReplyDelete
  9. Ako po si Shane Madronero. 14 taong gulang na. Sabi po ng kaklase kong Iglesiya ni Cristo na si Kemllyod Chiong na bawal daw po sa akin ang pagbuklat ng bibliya .Tanong ko lng po kung bakit bawal humawak ng BIBLIYA ang ordinaryong tao tulad ko. Nakasulat po ba ito sa BIBLIYA?
    Sana po ma2lungan nyo po ako sa tulong ng Diyos.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Shane sa iyong magandang tanong, ang una mong dapat sabihin sa Kaibigan mong INC ay magreview kamo ng aral ng INC dahil mukhang nakalimutan niya na HINDI KAMI PINAGBABAWALAN na MAGBUKLAT at MAGBASA ng BIBLIA.

      Ang BAWAL sa amin ay ang magbigay ng MALING INTERPRETASYON sa mga bagay na hindi namin naiintindihan.

      Kumuha tayo ng Halimbawa sa Biblia:

      MGA GAWA 8:30-31 “Kaya patakbong lumapit si Felipe at narinig niyang BINABASA ng pinuno ang AKLAT NI PROPETA ISAIAS. Tinanong ni Felipe ang pinuno, “ NAUUNAWAAN BA NINYO ANG INYONG BINABASA?” Sagot naman nito, “PAANO KO MAUUNAWAAN ITO KUNG WALANG MAGPAPALIWANAG SA AKIN?” At si Felipe ay inanyayahan niyang sumakay sa karwahe at umupo sa kaniyang tabi [Magandang Balita Biblia]

      Hindi masamang magbuklat at magbasa ng Biblia napakaraming magagandang kuwento ang mababasa mo riyan, kung matapat ang binabasa sa mahirap unawain ang masama ay unawain ito ng mali at ituro sa iba. Kung meron kang hindi maunawaan ay kailangang magtanong sa Tagapangaral, at huwag itong bigyan ng sariling kahulugan.

      Delete
  10. Mga kapatid iwasan nmn po natin ang magsalita ng hndi angkop na salita sa ating kapwa,hanggat maaari ay magpaliwanag po tyo ng maayos at mahinahon. Ipaliwanag ntin sa maayos n paraan tayo na po mismo ang kung kusang magtiya sa pagpapalieanag sapagkat tyo po ang nkaaalam ng tama at banal na aral! Maraming salamat po s pagunawa

    ReplyDelete
  11. Pahingi po ng paliwanag sa gen. Chapter 18, ang isa daw po sa tatlong lalaki sa nasabing chapter ay ang dios daw po, at nagkatawang tao daw po ang dios at kasama siya dun sa tatlon lalaki, dahil yung sacred name ng diyos ang ipinantawag ni abraham sa Panginoon na nakasama nya, thanks!,,,

    ReplyDelete
  12. sa juan 1:1 at sa isaias 9:6

    basahin niyo mga inc kung si kristo ba jan ay tao...para marunong din kayong umunawa sa talata.

    ReplyDelete
  13. MAGANDANG ARAW PO KA AERIAL AKO PO AY KAPATID SA INC PWEDE PO BA MAGTANONG KUNG SINO ANG TINUTUKOY SA JUAN 12:41NA KUNG SINO ANG NAKITA NI ISAIAS SALAMAT PO

    ReplyDelete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network