Sunday 26 June 2011

Ang Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw - Part 3



Ang Anghel na Tinutukoy sa Apocalypsis 7:2-3

Ang isa pa sa mga hula ng Diyos na nagpapatotoo sa pagiging Sugo ng Kapatid na Felix Y. Manalo ay ang nasa aklat ng Apocalypsis na ganito ang sinasabi:

Apocalypsis 7:2-3 “At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat, Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.”

Sinasabi sa talatang ito na may ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw na taglay ang tatak ng Diyos na buhay, samakatuwid ang anghel na ito’y magmumula sa silanganan sapagkat ito’y ang dakong sinisikatan ng araw, na nilinaw sa Bibliang Ingles sa gayon ding talata:

“And I saw another angel ascending from the EAST, having the seal of the living God: and he cried with a loud voice to the four angels, to whom it was given to hurt the earth and the sea, Saying, Hurt not the earth, neither the sea, nor the trees, till we have sealed the servants of our God in their foreheads.”   (Revelation 7:2-3, King James Version)

Maliwanag kung gayon ang panggagalingan ay ang silanganan. Saan sa silangan ito magmumula, sapagkat ang silangan ay binubuo ng tatlong bahagi, (near east, middle east, far east), maliwanag ang pahayag sa Bibliang tagalog na ito’y sa sikatan ng araw - Far East o malayong silangan, dahil ang araw ay unang nasisilayan ang kaniyang pagsikat sa malayong silangan. Na ang kinatuparan nga nito ay ang bansang Pilipinas na atin ng tinalakay sa nakaraan. Subalit si Kapatid na Felix Y. Manalo ay isang tao, samantalang ang hinuhulaan sa Apocalypsis ay isang anghel.

Kaya ang nagiging tanong ng iba:

“Bakit niyo sinasabing si Felix Manalo ang anghel na tinutukoy diyan sa Apocalypsis 7:2-3, samantalang siya ay tao at hindi naman anghel? Hindi ba ang liwa-liwanag na ang tinutukoy diyan ay anghel at hindi naman tao?”

Nasasabi nila ang ganito dahil sa kanilang kakulangan ng kaalaman at pagkaunawa sa kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng salitang “anghel”. Ang unang pumapasok sa kanilang isipan kapag naririnig o nababasa nila ang salitang ito ay ganito: ang mga anghel ay may mga pakpak, mga nakasuot ng nagliliwanag na kasuotan, nagniningning ang mukha, at ang mga anghel ay mga nilalang na espiritu ang kalikasan at nakatira sa langit.  Inakala nila na kapag sinabing anghel ay tumutukoy sa kanilang kalikasan, at hindi kailanman maaaring ipantawag o tawaging anghel ang isang tao.  Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang “anghel” ating tunghayan sa isang Encyclopedia ang kasagutan:

“Angel:  The English word originated from Latin, angelus, which is itself derived from the Greek αγγελοσ, ángelos, meaning "messenger" [From Wikipedia Encyclopedia]

Sa Filipino:

“Anghel:  Ang salitang Ingles na nagmula sa Latin, angelus, na hinango naman sa Griego, αγγελοσ, ángelos, na nangangahulugang “sugo”

Maliwanag ang ipinakitang sagot sa atin ng Encyclopedia na ang ibig sabihin o kahulugan ng salitang “anghel” ay “messenger” sa Ingles o “sugo” sa tagalog. Eh maaari bang itawag sa isang tao ang salitang “anghel” , ayon naman sa kilalang Bible Dictionary?

“Angel a word signifying, both in the Hebrew and Greek, a "messenger," and hence employed to denote any agent God sends forth to execute his purposes. It is used of an ordinary messenger (Job 1:14: 1 Sam. 11:3; Luke 7:24; 9:52), of prophets (Isa. 42:19; Hag. 1:13), of priests (Mal. 2:7), and ministers of the New Testament (Rev. 1:20)… The name does not denote their nature but their office as messengers.” (Meaning of Angel from Easton’s Bible Dictionary)

Sa Filipino,

Anghel isang salitang nangangahulugan, pareho sa Hebreo at sa Griego, na isang “sugo”, na ito’y ginamit upang tukuyin ang sinomang kinatawan na sinusugo ng Diyos upang isagawa ang kaniyang mga layunin. Ito ay ginamit sa isang pangkaraniwang sugo (Job 1:14; 1 Samuel 11:3 ; Lucas 7:24; 9:52), ng mga propeta (Isaias 42:19; Hagai 1:13), ng mga saserdote (Malakias 2:7), at ng mga ministro ng Bagong Tipan (Apocalypsis 1:20)... Ang pangalan ay hindi tumutikoy sa kanilang kalagayan kundi sa kanilang tungkulin bilang mga sugo.”

Ayon naman sa Easton’s Bible Dictionary, ang salitang anghel ay ginamit upang tukuyin ang sinomang kinatawan na sinusugo ng Diyos upang isagawa ang kaniyang layunin. Hindi ito tumutukoy sa kaniyang kalagayan o kalikasan (nature - kung tao ba siya o espiritu) kundi sa kanilang tungkuling ginagampanan. Maliwanag kung gayon na ang katagang ito ay maaaring itawag sa sinoman kahit na siya’y isang tao na may tungkulin bilang sugo – gaya nga ng sinabi ng Diksiyonaryo, maaari itong itawag sa mga ministro ng Bagong Tipan. Alam na alam natin na ang mga ministro na binabanggit sa Biblia ay mga tao.  Mayroon bang Biblia na tuwirang ginamit ang salitang messenger o sugo sa halip na angel o anghel sa Apocalypsis 7:2-3?

Mayroon, ito ay ang salin ng Young’s Literal Translation:

And I saw another messenger going up from the rising of the sun, having a seal of the living God, and he did cry with a great voice to the four messengers, to whom it was given to injure the land and the sea, saying, Do not injure the land, nor the sea, nor the trees, till we may seal the servants of our God upon their foreheads”. (Revelations 7:2-3, Young’s Literal Translation)

Sa Filipino:

 “At nakita ko ang ibang sugo na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na sugo na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat, Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.”

Maliwanag kung gayon na ang ibang anghel na nakitang umaakyat sa mula sa sikatan ng araw ay isang sugo ng Diyos na magmumula sa malayong silangan na ito’y ang bansang Pilipinas – at ito nga’y ang Kapatid na Felix Y. Manalo…


Halimbawa ng isang tao ngunit tinawag na Anghel

Para sa kapakinabangan ng mga nagsusuri at tumututolsa isyung ito, nais naming patunayan pa na talagang ang salitang “anghel” ay hindi lamang puwedeng itawag sa mga nilalang na nasa langit na may kalikasang espiritu, kundi maging sa isang tao na sinugo ng Diyos.  Ang pinakamatibay na ebidensiya na ating maipapakita bilang halimbawa ay ang nakasulat sa Biblia, ating basahin ito:

Mark 1:2-3  “As it is written in Isaias the prophet: Behold I send my angel before thy face, who shall prepare the way before thee.  A voice of one crying in the desert: Prepare ye the way of the Lord; make straight his paths.” [Douay Rheims Version – Catholic Bible ]

Sa Filipino:

Marcos 1:2-3  “Ayon sa pagkasulat kay Isaias na propeta, Narito, sinusugo ko ang aking anghel sa unahan ng iyong mukha, Na maghahanda ng iyong daan; Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas;”

Ang sabi ng Diyos sa talata: sinusugo ko ang aking anghel sa unahan ng iyong mukha na ano raw ang tungkulin o trabaho ng anghel na ito?  Na maghahanda ng iyong daan; Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas;”  Eh kangino ba tumutukoy ito? Sino ba ang tinatawag na anghel dito? Ang binasa natin ay Marcos 1:2-3, ituloy lang natin ang pagbasa sa talatang 4:

Marcos 1:4  Dumating si Juan, na nagbabautismo sa ilang at ipinangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.”

Ang sinasabi sa mga talatang 2 hanggang 3, na anghel na sinugo ng Diyos ay si Juan Bautista dahil sa siya ang kinatuparan ng hula sa Isaias na: “Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang”… (Isaias 40:3) na maghahanda ng daan ng Panginoon, at ito ay tahasang inamin ni Juan Bautista:

Juan 1:23  Sinabi niya, Ako ang tinig ng isang humihiyaw sa ilang, Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon, gaya ng sinabi ng propeta Isaias.”

Kaya kitang-kita ang malinaw na ebidensiya na nagkamali ng pagkaunawa ang iba na hindi  daw maaaring matupad ang hula kay Ka Felix na nakasulat sa Apocalypsis 7:2-3 na tumutukoy sa isang anghel, dahil sa hindi naman daw anghel ang Ka Felix kundi tao.  Maliwanag na maliwanag sa Biblia na ang mga sugo ng Diyos ay tinatawag ding “anghel”, at ang isa nga sa halimbawa na tinawag na anghel na bagamat isang tao ay si Juan Bautista sapagkat siya’y sugo ng Diyos.

Kaya kung ipipilit ng iba na sabihing mali na tawaging anghel ang isang tao, lalabas kung gayon na nagkamali ang Diyos sa pagtawag niya ng anghel kay Juan Bautista.  At malabo naman sigurong magkaganun, hindi po ba?



Ang tungkuling gagampanan ng Anghel o Sugo na magmumula sa Sikatan ng Araw o Malayong Silangan

Ano ang tungkuling gagampanan ng sugong ito kaya siya isinugo? Ating balikan at basahing muli ang hula:

Apocalypsis 7:2-3At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat, Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.”

Ang sabi ng Biblia taglay ng sugong ito ang tatak ng Diyos na buhay , at ang kaniyang tungkulin ay ang pagtatatak sa mga tao. Ano ba ang ibig sabihin ng tatak at ng gawaing pagtatatak ? Sa aklat ng Efeso ay ganito naman ang ating mababasa:

Efeso 1:13 “Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan, na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako,”

Ang pagtatatak ay ang pangangaral ng evangelio at kapag ang evangelio ay sinampalatayanan ay tatanggapin ng tao ang tatak samakatwid bagay ang Espiritu Santo kapag siya’y nabautismuhan sa tunay na Iglesia.

Gawa 2:38  “At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo”

Samakatwid ang tungkulin ng sugong ito na mula sa malayong silangan ay bilang isang mangangaral o tagapagturo ng mga salita ng Diyos, na kapag ang tao’y sumampalataya at mabautismuhan ay tatanggapin nila ang tatak o ang Espiritu Santo, at silay tatawaging mga alipin ng Diyos. At ang hulang ito’y natupad kay Kapatid na Felix Manalo na siya rin ang nagpaliwanag ng kahulugan na isang katangian ng tunay na sugo.


Ang apat na anghel na pipigil sa hangin

Paano pa natin matitiyak na si Kapatid na Felix Manalo nga ang kinatuparan ng hula sa Apocalypsis 7:2-3 at hindi nagkataon lamang. Sa Apocalypsis 7:1 ay may una munang nakita bago ang pagkakakita sa ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, ating tunghayan.  Basahin natin sa talatang 1 tapos ituloy natin sa verse 2:

Apocalypsis 7:1  “At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy.”

Apocalypsis 7:2At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat,”

Bago ang pagkakita sa ibang anghel na umaakyat sa sikatan ng araw, sa talatang 2, ay may una munang nakita si Apostol Juan (ang sumulat ng aklat ng Apocalypsis) sa kaniyang pangitain, ito’y ang apat na anghel na mula sa apat na sulok ng lupa (na tumutukoy sa apat na direksiyon, hilaga, timog, silangan, kanluran) na may tungkuling pumigil ng hangin, na ang tinutukoy din ay mga sugo o messenger na mababasa natin sa Young’s Literal Translation.

Revelations 7:1 “And after these things I saw four messengers, standing upon the four corners of the land, holding the four winds of the land, that the wind may not blow upon the land, nor upon the sea, nor upon any tree;” [Young’s Literal Translation]

Samakatwid gaya ng ating napatunayan, na kung paanong tao ang hinuhulaan na sugo mula sa malayong silangan, ay mga tao rin ang kalagayan ng apat na sugo na binabanggit sa talatang ito.

Anong uring hangin ba ang pipigilin ng apat na anghel o apat na sugong ito? Ito ba’y pangkaraniwang hangin? Ating basahin ang pahayag ni Propeta Jeremias sa kaniyang aklat:

Jeremias 4:11  “Sa panahong yaon ay sasabihin sa bayang ito at sa Jerusalem, Isang mainit na hangin na mula sa mga luwal na kaitaasan sa ilang ay dumating sa anak ng aking bayan, hindi upang sumimoy, o maglinis man:”

Niliwanag ng Biblia na ang hangin na ito ay hindi literal na hangin.   Sa pagsasabi na ang mainit na hanging ito ay: hindi upang sumimoy, o maglinis man” ay nililinaw sa atin ng hula na ito’y hindi talagang hangin na umiihip sa lupa at nakakalinis ng paligid, kundi ang hanging tinutukoy ay symbolical o may pinatutungkulan. Ano ang hangin na ito? Basahin natin:

Jeremias 4:12  “Isang malakas na hangin na mula sa mga ito ay darating sa akin: ngayo'y magsasalita naman ako ng mga kahatulan laban sa kanila.”

Jeremias 4:13  “Narito, siya'y sasagupang parang mga ulap, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo ang kaniyang mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila. Sa aba natin! sapagka't tayo'y nangapahamak.”

Jeremias 4:19  “Ang hirap ko, ang hirap ko! Ako'y nagdaramdam sa aking puso; ang dibdib ko ay kakabakaba, hindi ako matahimik; sapagka't iyong narinig, Oh kaluluwa ko, ang tunog ng pakakak, ang hudyat ng pakikipagdigma.”

Sinasabi sa aklat ni Propeta Jeremias na ito’y isang hula na may isang malakas na hangin na darating na ito’y sasagupang parang mga ulap. Na ito’y gagamitan ng mga karo na parang ipo-ipo, at mga kabayong mas matulin pa kay sa mga aguila. Na ang mga tao sa panahong ito kakabahan at matatakot pag narinig ang tunog ng pakakak o trumpeta, na ito’y hudyat ng pakikipagdigma.  Samakatwid ang hangin na pipigilin ng apat na anghel o sugo na binabanggit sa Apocalypsis ay isang uri ng digmaan na makabago, na ito’y hindi sa panahon ni propeta Jeremias magaganap kundi sa hinaharap sapagkat gagamitan ng mga makabagong kasangkapang pangdigma. Na ating tatalakayin, na ito’y ang karo na parang ipo-ipo at ang mga kabayo na mabilis pa kay sa mga aguila.


Ang karo na parang ipo-ipo

Ano ba ang ibig sabihin ng karo? Basahin natin sa Ingles:

“Behold, he shall come up as clouds, and his chariots shall be as a whirlwind: his horses are swifter than eagles. Woe unto us! for we are spoiled.” (Jeremiah 4:13, King James Version).

Ang karo ay tinatawag sa ingles na chariot o karwahe sa ibang salita sa tagalog. Wala po tayong mahahagilap sa mga aklat ng kasaysayan na nagkaroon ng kasangkapang pangdigma na karo o karwahe na parang ipo sa noong unang panahon, kaya ating natitiyak na ang binabanggit ng talata ay sa future pa mangyayari, at hindi sa panahon ni Propeta Jeremias.

Ano bang makabagong kasangkapang pangdigma ang hinango ang konsepto sa isang karwahe o karo at maihahambing sa isang ipo-ipo?

Tank, heavily armored track-laying, or treaded, military vehicle, with cross-country mobility and road speeds up to 97 km/h (60 mph). Tanks are classified as light, medium, and heavy. They range in weight from approximately 14 to 69 metric tons, have at least 15 cm (6 in) of armor plate, and mount cannons ranging from 75 mm to 122 mm in the tank's turret. The turret is a structure on top of the tank that can rotate 360 degrees, enabling the tank to fire in any direction.”

“The concept of armor protection dates from antiquity. By the 5th century BC Greek warriors, and sometimes their horses, wore armor. Florentine artist and scientist Leonardo da Vinci designed a crank-operated covered chariot in 1482.”  [ tank” Encarta Encyclopedia, © 1993-2003 Microsoft Corporation. All rights reserved.]

Ang Tankeng Pangdigma na unang ginamit noong First World War (1914-1918)
 
Maliwanag kung gayon na ang tinutukoy na karo na parang ipo-ipo ng Biblia ay ang isang tangkeng pangdigma, na ayon sa encyclopedia ang pinaghanguan ng konsepto ng disenyo nito ay ang isang chariot o karwahe. At maihahalintulad sa isang ipo-ipo ang isang tangke sapagkat ito’y may kakayahang umikot ng 360 degrees na siya ring katangian ng isang ipo-ipo, mapapansin din na ang tangke ay kayang dumaan sa kahit na anong uri ng terrain o anyo ng lupa, at nagigiba ang dinadaanan nito na para bang dinaanan ng isang ipo-ipo.



Ang mga Kabayong matulin pa sa mga Aguila

Sa ano naman kaya tumutukoy ang sinabi ng Biblia na: “mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila”. Mayroon bang kabayo na lalong matulin o mas mabilis pa sa aguila?  Kaya dito pa lang atin nang natitiyak na hindi literal o tunay na kabayo ang tinutukoy ng hula.  Sapagkat ang bilis ng pinakamatuling kabayo ay 40 miles per hour lamang samantalang ang lipad ng isang Aguila ay may bilis na mahigit 200 miles per hour ayon sa Encarta Encyclopedia.  Kaya napaka-imposible na mayroong kabayo na mabilis pa sa aguila maski na sa panahon natin ngayon.  Maliwanag kung gayon na hindi literal na kabayo ang tinutukoy.  Eh sa ano kaya ito tumutukoy?  Ano bang makabagong kasangkapang pandigma na mabilis pa aguila na itinuturing na kabayo?  Basahin natin:

“…the first war in which cities were bombed from the air and winged warriors fought among the clouds. Of course the airplanes of 1914 were not so fast, so formidable, nor so numerous as those of today. They were really more important as scouts (a kind of aerial ‘cavalry’), photographing enemy movements from above.” [World History, by Boak , Slosson, and Anderson, pages 478-479]

Sa Filipino:

“…ang unang digmaan na ang mga lungsod ay binomba mula sa itaas at ang mga mandirigmang may pakpak ay nakipaglaban sa mga alapaap.  Mangyari pa na ang mga eroplano noong 1914 ay hindi gaanong mabibilis, hindi gaanong matitibay, at di gaanong marami kumpara sa ngayon.  Sila ay tunay na naging mahahalagang tagapagmanman ( isang uri ng ‘kabayuhang’ panghihimpapawid), na kumukuha ng larawan ng mga kilos ng kalaban mula sa itaas.”


Ang Mga Eroplano noong 1914

 Ang mga “eroplanong pangdigma” noong 1914 ay tinawag na “aerial cavalry” na sa tagalog ay “kabayuhang panghihimpapawid”.  Samakatuwid ang mga eroplanong ito ay itinuring na mga kabayo at ang mga piloto ay tinawag na mga kaballero o mangangabayo, na noon ngang panahon na iyon ang lakas ng kaniyang makina ay tinatawag na “horse power” o “lakas ng kabayo”.  At totoo namang ang eroplanong pangdigma ay higit na mabilis sa lipad ng isang aguila. Dahil ang mga eroplanong ito ay may kakayahang lumipad ng higit sa 300 miles per hour. Ito ang kinatuparan ng Hula.

Eh kalian ba unang ginamit ang dalawang kasangkapang pangdigmang ito? Ating tunghayan ang patotoo ng kasaysayan:

“During World War I (1914-1918) the British developed and used the first armored tracklaying vehicles. To maintain secrecy, the vehicles were shipped to the battle zone in crates marked “tanks,” hence the origin of the name.”…“Airplanes were first used in large numbers for military purposes during World War I.  [First World War”, Encarta Encyclopedia]”

Ginamit sa kauna-unahang pagkakataon ang eroplano at tangke, noong First World War o Unang Digmaang Pangdaigdig na naganap noong 1914 hanggang 1918. Ito ang hangin, samakatwid bagay ang Unang Digmaan Pangdaigdig ang pipigilin ng apat na anghel o sugo, na ito’y sugo ng apat na bansa na ating tatalakayin.


Ang Apat na Anghel na tinatawag na “Big Four” ng kasaysayan na siyang pumigil sa hangin o sa Unang Digmaang Pandaigdig

Tunay nga bang may apat na sugo na isinugo ng apat na bansa upang pigilin ang digmaan? Narito ang patotoo ng kasaysayan:

“The Paris Peace Conference of 1919 was an international conference, organized by the victors of the World War I for negotiating the peace treaties between the Allied and Associated Powers and the defeated Central Powers.

The 'Big Four': David Lloyd George, Prime Minister of Great Britain, Georges Clemenceau, Premier of France, Woodrow Wilson, President of the United States of America, and Vittorio Orlando, Prime Minister of Italy, were the predominant diplomatic figures at the conference. The conclusions of their talks were imposed to the loser countries.”  [Microsoft ® Encarta ® Reference Library 2004]


At the end of WWI, many of world's leaders converged on the Palace of Versailles outside of Paris, for it was there that the major players - David Lloyd George of England, Georges Clemenceau of France, Vittorio Orlando of Italy, and Woodrow Wilson of the United States

Ang Big Four o ang mga ipinadala o mga sugo ng kanilang mga bansa ay sina:

1. David Lloyd George na Prime Minister ng Great Britain
2. Georges Clemenceau na Primier ng France
3. Vittorio Orlando na Prime Minister ng Italy
4. Woodrow Wilson na President ng America

Ang mga taong ito ay nagkaisa upang patigilin ang Unang Digmaang Pandaigdig ng matalo nila ang Germany noong 1918, at nagbuo sila ng tinatawag na Paris Peace Treaty na tinawag na Treaty of Versailles na ginanap noong taong 1919 sa Paris, France. Marahil magtataka ang iba, ang mga tungkulin ng mga taong ito ay walang kinalaman sa relihiyon at sa pananampalataya sa Diyos paanong nangyari na sila ang kinatuparan ng hulang ito gayong ang banggit ay “apat na anghel”? Samakatuwid ang mga ito’y sugo din ng Diyos.


Maaari ding isugo ng Diyos ang Pinuno ng Pamahalaan

Sa Biblia ba ay hindi maaaring suguin ng Diyos ang mga taong namumuno sa pamahalaan?

2 Pedro 2:13 “Kayo'y pasakop sa bawa't palatuntunan ng tao alangalang sa Panginoon: maging sa hari, na kataastaasan; O sa mga gobernador, na sinugo niya sa panghihiganti sa nagsisigawa ng masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti.”

Tunay na ang kinatuparan ng apat na anghel na pumigil sa hangin, ay ang Big Four nang pigilin nila ang pagpapatuloy ng Unang Digmaang Pandaigdig, sapagkat ang mga Hari o mga Gobernador ay tinawag din ng Biblia na mga sugo ng Diyos na bagamat ang gawain ay walang kinalaman sa relihiyon.

Sa panahong pinipigil ang hangin o digmaang pangdaigidg nakita ang pag-akyat ng ibang anghel mula sa sikatan ng araw. Samakatwid ang gawain ng sugo ng Diyos mula sa Pilipinas ay umaakyat na at hindi aakyat pa lamang, sapagkat noong taon na patigilin ang Digmaan noong 1918, ay patuloy na sa palaganap ang Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas na nagsimula noong 1914, na ito’y sa pangangasiwa ni Kapatid na Felix Manalo na siyang Sugo ng Diyos sa Huling Araw.

Kayo ang magpasya.

41 comments:

  1. Tunay po na sa kapatid na Felix manalo natupad ang hula..Kung atin Lang po na sasampalatayanan ang katotohanan na Ito ng biblia Ito po ang magdadala sa atin sa kaligtasan...kya po inaanyayahan po namin kau Mga ka ibayo nmin sa pananampalataya maging sa Mga umuusig at nanglilibak sa Amin na magsuri kayo hndi po masasayang ang pagod at hirap nyo sa paghahanap ng kaligtasan dahil ang kapalit nito ay buhay na walang hanggan...nawa gabayan kau ng dios sa pagsasaliksik nyo ng katotohanan...

    ReplyDelete
  2. Nice article... thank God I was able to study with INC. I was a former believer of the same faith.

    Looking through the pages, it is as if the Bible itself was not complete. Remember that prophesies were named pointing Paul and John the Baptist before the Revelation of John was ever written closing it with a warning (Rev 22:18-19).

    Now, how about those disciples that continue the work of the Apostles? is there a need for prophesy? Does the Word of God failed to reached the uttermost part of the earth (Acts 1:8)?

    To whom did the Lord Jesus say where the salvation from(John 4:22)? To whom did God commit the promised New covenant(Heb 8:6-10)? Is it Jews? That's why God called Paul(Jew) to be an Apostle for us Gentiles!

    The True Church that was established by Christ received the New Birth experience.. Have you received the Holy Ghost since you believed(Acts 19:2-6)? Ask yourself? (John 3:5)

    Ang Sugo ay nagpapahayag ng mga bagay upang malinawan ang lumang kasuguan, nagpapahayag ng saloobin ng Dyos na di pa hayag sa tao, puspus sa banal na Espiritu, hindi nagtuturo ng kanyang sarili o umaangkin ng kanyang kasuguan, at nagpapahayag ng pawang katotohanan.

    Bro. Manalo for me is a great minister of the Bible, that's all.
    (Re-post from other blog of this site) .. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bakit ka umalis sa INC? Anong aral ang tinanggap mo sa relihiyong kinaaaniban mo ngayon na nakapagpabali ng paniniwala mo ukol sa:

      1. Ang INC lamang ang may tunay na kaugnayan sa dating iglesia ng Panginoong Jesucristo,

      2. Ang kapatid na Felix Manalo ang isinugo ng Dios sa huling araw


      3. Na makilala ang Ama na iisang Dios at si Cristo ay isinugo lamang ng Ama.

      Please nakikiusap ako sayo Sir, gusto kong maligtas...

      Delete
    2. kapatid,itong mga miyembro ng Iglesia ni Cristo,ay magaling magpaikot ng biblia. San mo mababasa sa Biblia ang "BANAL NA HAPUNANG MAY ABULUYAN" Isa pa maraming itinatago ang inyong mga ministro,tandaan mo na si Jesus ay hidi nagsasalita mula sa kaniang sarili,sinusunod nia lang ang sinabi ng AMA,pano mo masasabi na Iglesia ni Cristo itinatag iya. Isa pa kapatid,basahin mo nga kung saan kaanib sina Pablo,Timoteo at mga apostol,sa IGLESIA NG DIOS sila kaanib,basahin mo ung I Corinto 1:1 at Gawa 20:28. MARAMING baho yang mga yan.

      Delete
  3. Ang galing talaga ninyong mambola!!!f.manalo ang sugo? Oo ng Diyablo at hindi ng Diyos! magising nga kayo ng maliwanagan kayo! mhuwag niyong baguhin ang turo ng Bibliya... manahimik kayo sa kahibangan niyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaibigang anonymous anong turo ba sa biblia ang alam natin e mula ng ipinanganak ka hanggang sa tanda mong yan di naman tayo tinuruan ng pari magbasa ng biblia kaya mangmang ka pagka sa ganitong usapan malinaw naman ang paliwanag ng INC a at lahat kamo mula sa talata ng bilia e tayo may alam ba tayong talata sa biblia?....palawakin mo nalang unawa mo kaibigan tingnan mo marami pa tayong mapupulot na aral sa iglesia ni cristo....unawa ba...tnx

      Delete
  4. Ang galing talaga ninyong mambola!!!f.manalo ang sugo? Oo ng Diyablo at hindi ng Diyos! magising nga kayo ng maliwanagan kayo! mhuwag niyong baguhin ang turo ng Bibliya... manahimik kayo sa kahibangan niyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Janetski - Proud to be INC9 October 2012 at 07:36

      kaibigan, d po kami nagsasalita ng sa sarili namin...nabasa mo naman db?? napaka daming talata sa Bibliya bilang katunayan. Bibliya n po ang nagsabi...ikaw po ang hibang at kaawa-awa sapagkat malapit n ang pagdating ni Cristo, ang hukom pero d mo p alam...

      Delete
    2. @Anonymous: Hindi namin binabago... paki-pin point mo kung ano yung binago namin... Dali.... maghihintay kami.

      Ngayon kung wala kang makita dahil wala naman talagang binago, eh sampalatayanan mo na lang ito kasi yan din naman ang nakasulat sa Biblia MO (kung may Biblia ka).

      I'm not sure kung Catholic. Kung naniniwala ka sa Biblia, paki explain na lang ito:

      Isaias 44:9-11 MB
      "Walang kuwentang tao ang mga gumagawa ng rebulto; at walang kabuluhan ang mga diyus-diyusang kanilang pinahahalagahan. Mga bulag at hangal ang sumasamba sa mga ito, kaya sila'y mapapahiya. Walang idudulot na mabuti ang paggawa ng mga rebulto para sambahin. Tandaan ninyo, ang sumasamba sa mga ito ay mapapahiya lamang, Ang gumagawa nito'y tao lamang, kaya, magsama-sama man sila at ako'y harapin ay matatakot din at mapapahiya"

      "Sto. Niño" ano yun? bakit may rebulto kayo nun?

      Eto pa:

      Holy water, Rosaryo, Ash wednesday, Sign of the Cross --- ano ba namang kalokohan yang mga yan, saang lupalop ng lupa niyo ba pinulot yan?.

      Delete
    3. Ako po ay isang katoliko pero alam ko po na sa lahat ng religion nagpapakita po na isa ito sa sumasalungat sa nilalaman ng Bibliya kaya ang ginagawa ko po ngayon ay sinusuri ko pong mabuti ang isang relihiyon bago ako umanib dahil ayaw ko na pong magkamali sa pagpili sabagay hindi ko naman pinili ang katoliko dahil ipinanganak na akong katoliko. Tanong ko po sa mga taga INC kung nakalagay sa Bibliya ang pangalan ng Diyos na YHWH eh ano po ang tawag nyo sa Diyos? kasi may naririnig pa nga po ako na pati si Manalo ay niluluhuran daw ng mga INC?

      Delete
  5. Peter of Las Pinas6 March 2012 at 14:56

    Aber sige nga Anonymous? Pasiklaban mo kami, kung hindi si Kapatid na Felix Manalo ang tinutukoy sa Apocalypsis 7:2-3 Sino?

    Puwede bang ipakilala mo sa amin? Hindi iyang puro ka lang dada!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako po ay isang katoliko at masasabi kong wala pa akong gaanong alam sa Bibliya pero sa aking opinyon walang nakakaalam kung sino yung tinutukoy sa Apocalypsis pero maraming nanghuhula na wala naman katotohanan ang kanilang hula tulad mo Peter of Las Pinas kanino mo nalaman na si Manalo nga ang tinutukoy mo dun? may nakalagay ba sa Bibliya na isang namumuno sa INC ang tinutukoy? huwag po nating pangunahan ang Diyos dahil siya po ang nakakaalam ng lahat at huwag po tayong magyabang na para bang alam na natin ang lahat dahil si Jesus nung siya ay nagtuturo napakahumble niya at kahit alam na alam Niya ang kanyang tinuturo eh hindi Siya nagyabang kanino man kahit marami rin bumabatikos sa Kanya wala Siyang pakialam basta maiparating Niya ang magandang balita ng Ama.

      Delete
  6. Mr. anonymous ipagpaumanhin mo wala kaming ibang hangarin kundi maihayag sa buong mundo na ang ka felix ang sugo sa huling araw na to, huwag mo ring ipagdamdam kung masakit man sayo ang katutuhanan bagkos ipagpatuloy mo lang ang pagsusuri, tulad din naman kami sayo dati tubong katoliko o ano pang relihiyon kinaaaniban mo, sigi lang kaibigan magsuri ka lang sa INC marami kang matututunan at ang katutuhanang yan ang magdadala sayo sa tunay na iglesia ni cristo na ang sugo nga ay ang ka felix manalo, ulit ulitin mong basahin ang mga topic sa blog na ito malinaw ang pahayag ng biblia sa pagkasangkapan sa mga kapatid na magpaliwanag sa blog na to ang katutuhan ukol sa mga aral sa iglesia ni cristo at ang isa nga ay ang ukol sa sugo....gbu

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello kuya mdami po ako kilala inc , kaya lang po sa tingin dpat tlga sa bible tayo sumalig , hindi sa tao langdin , before kc d ako willing tlga sa mga relihiyon , lalo naman ang magbasa ng bible , pero maniwla kayo ng dahil sa bible nabago lahat ng paniniwala ko at nanalangin ako upang mas lalo ko ito maunawaan ,
      Kayo po cguro nagbabasa at naguunawa din ng bible diba po ?

      Delete
    2. http://theiglesianicristo.blogspot.com/2013/12/the-bible-open-book.html?m=1

      Delete
  7. FAR EAST ? PILIPINAS KAGAD? DI BA PWEDENG FAR EASTERN UNIVERSITY MUNA? :)

    ReplyDelete
  8. Pls anyone answer my question:))
    Anu po ang ibig sabihin ng"siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel"Literal meaning po ba un?thanks bro:))

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
  9. ayon din naman sa mga catholics ang anghel ay pwedeng HUMAN MESSENGER at hindi lang spirit

    http://www.catholic.org/saints/angels/
    http://www.newadvent.org/cathen/01476d.htm
    http://www.vatican.va/archive/ENG0015/_P1A.HTM

    ReplyDelete
  10. gustong gusto ko talaga ung texto about sa sugo... may batayan talaga... my kakaiba rin ako nararamdaman...i feel so good

    ReplyDelete
  11. Magandang Araw po. Question lang po.

    Dun po sa Mateo 24:33
    Alam po natin na ang tinutukoy dun ay mga palatandaan na malapit na ang Paghuhukom. Ang ilan sa mga yun ay mga Digmaan (1st & 2nd World War)

    Pero may binanggit po sa Mateo 24:34 na magaganap ang mga iyon bago mamatay ang mga taong nabubuhay sa panahon nila. Gusto ko lang po sana kung ano pong ibig sabihin nun kasi naganap lang po ang 1st world war noong 1914 na at matagal nang patay ang mga tao na nabuhay sa panahon nila.

    Alam ko pong kaya niyo po itong ipaliwanag, salamat po ng marami!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anonymous,

      Sa Mateo 24:33, may binabaggit po ba riyan na mangyayari ang hula BAGO MAMATAY ANG MGA TAONG NABUBUHAY SA PANAHON NILA? Paano po kayo nahulog sa ganong konklusyon?

      --Bee

      Delete
    2. Ang tinutukoy ko po ay Mateo 24:34 yung kasunod ng 33
      pakibasa po.

      Wala po akong sinasabing ganun ang naging konklusyon ko, dahil napakalinaw naman na 1914 naganap ang digmaan na tinutukoy doon at hindi sa first century. Paano naman po kayo nagkaroon ng konklusyon na yun ang naging pakahulugan ko? Kung yun nga ang naging konklusyon ko, edi sana naniwala akong first century naganap yung world war. Eh hindi naman eh... Napakaliwanag na 1914 naganap yun at wala namang tututol diyan.

      Sumasampalataya ako aral ng INC dahil member ako dito (and in fact, MT po ako, okay?). Kaya po ako nagtanong ng ganito ay hindi para magduda, nagtanong ako para maliwanagan dahil gaya nga po ng sinabi ko. Sa panahon natin naganap ang tinutukoy na digmaan.

      Hindi ako nanghihingi ng komento, nanghihingi ako ng kasagutan para alam ko ang isasagot kokung sakaling tanungin ako ng mga minimisyon ko. Ganun po yun... Pasensya na sa pagiging defensive ko.

      Delete
    3. Anonymous,

      Kung gayon po, mas marapat na ang katanungang eto ay itanong niyo po sa naka-destinong ministro sa lokal niyo. Higit kaninuman ay siya ang sinugo ng tagapamahala sa inyong lokal na makakasagot sa katanungan ninyo tulad po nito lalo na nga't MT pa po kayo.

      Kung magtatanong ang inyo pong inaakay, di po ba't ang laging pinaabot (hangga't maaari) ay sa doktrina magtanong? Mas maganda nga roon dahil pareho nating alam na open forum iyon. LIVE ang tanong...impronto ang sagot...Bibliya sa Bibliya. Doon po ay lalo at lubos po kayong maliliwanagan.

      --Bee

      Delete
  12. sorry sa missing word

    "Gusto ko lang po sana [malaman] kung ano pong ibig sabihin nun"

    ReplyDelete
  13. PAG-ISIPAN ITO:
    SINO ANG ANGHEL NA MABABASA SA Apocalipsis 7:2-3?

    Maliwanag sa turo ng Iglesia na ang ANGHEL ay walang iba kundi si Felix Manalo. Ikinatuwiran din nila na ang anghel bilang mensahero ay maaaring tumukoy rin sa tao. Makatuwiran kung titingnan pero, pag-isipan ito:

    1) Kung Felix Manalo nga ang "anghel" na ito, angkop lang na malaman natin kung sinong mga tao ang "apat na anghel" na sa kanila'y sumigaw ang "anghel" mula sa silanganan. Ano ba ang paliwanag ng INC dito?

    Maliwanag sa teksto na ang "anghel" na ito ay may awtoridad sa mga anghel kaya siya "sumigaw siya sa malakas na tinig." Dapat maging malinaw kung sino ang "apat na anghel" na ito, kung iaayon sa paniniwala ng INC. Pero sa higit na pagsusuri, hindi kaya mga espiritung nilalang ang mga ito, at hindi naman mga tao. Bakit natin nasabi? Dahil ang mg anghel na ito ay nakatakdang puminsala sa lupa, patunay na nagtakda ang Diyos ng isang araw para wakasan ang kabalakyutan sa lupa. (Apocalipsi 16:13-16) At dahil sa may mga tatatakan, pinigilan nila ang "apat na hangin ng lupa" upang pansamantalang maantala ang pagpuksa. Magagawa kaya ito ng tao?

    2) May karapatan ba ang isang tao na tumangan ng "tatak ng Diyos na buhay" gayong ito ang gagamitin upang matatakan ang mga alipin ng Diyos?

    Maliwanag sa konteksto na ang mga tatakanan ay yaong 144,000 na magiging bahagi ng Israel ng Diyos na mamamahala bilang mga hari at saserdote kaisa ni Kristo. (Apocalipsis 5:9, 10) Ang mga tatatakang ito ay magiging bahagi ng "unang pagkabuhay-muli" oo, sila yaong "mga unang bungay sa Diyos at sa Kordero." (Apocalipsis 20:6; 14:4) Makatuwiran bang sabihin na ang magkakaroon ng "tatak ng Diyos" ay isang tao gayong merong isang espiritu, at hindi tao, ang kuwalipikadong humawak sa tatak na ito? Sino ba ang pumili na mapabilang sa mga tatatakan? Ang isang tao ba sa lupa, o ang isa na makalangit?

    Ang dalawang tanong na ito ay sa layuning pag-isipin ang sinuman, at walang intensiyon ng pagtuligsa sa paniniwala ng INC. Mahalagang malaman ang katotohanan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
  14. Sino itong "apat ng anghel"?

    Nakapagtataka ang sagot ng isang kaanib ng INC sa tanong na ito. Ang "apat na anghel" daw ay ang "Big Four", tinatawag ding "Council of Four", na naging prominenteng magkakaalyadong pinuno ng apat ng bansa na dumalo sa Paris Peace Conference. Ang komperensiyang ito ay nagsimula noong Enero 18, 1919, mahigit 2 buwan matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig na nagwakas noong Nobyembre 11, 1918. Ang tanong: Ano ang kinalaman nila sa "apat na anghel"?

    Totoong ang Paris Peace Conference ay ginanap sa layong pagkaisahin ang mga naglabanang bansa na sumabak sa nakaraang Malaking Digmaan. Pero ano nga ba ang nagawa ng komperensiyang ito?

    MAGANDANG ANG NAWAGA NGUNIT MASAKLAP ANG BUNGA
    1. Opisyal na pagwawakas ng Unang Digmaang Pandaigdig (Sinasabing ito ang Digmaan na magwawakas sa lahat ng digmaan. Pero sila ay nabigo dahil sumunod pa ang maraming digmaan; ang isa'y mas mapangwakas pa nga)
    2. Napalaya ang karamihan ng mga bilanggo na nakulong noong digmaan
    3. Nabuo ang maraming bansa anupat nagdeklara ng kanilang kasarinlan. May mga imperyo na nabuwag, pero umusbong ang bansang maliliit at hindi handang alagaan ang sarili.
    4. Nagwakas ang komunismo sa Kanlurang Europa, pero ang Germany ay naging sosyalistang bansa, lalong lumakas at naging mapanlupig. Dahil hindi kasali ang Unyong Sobyet sa usaping pangkapayapaan, naghihinanakit sila anupat namayani naman ang komunismo sa Silangang Europa.
    5. Naitatag ang League of Nations (Nilayon itong pairalin ang kapayapaan sa daigdig, pero bigung-bigo sila. Nabuwag ito at agad pinalitan ng United Nations. Maaaring tapos na ang dalawang malalaking digmaan, pero laganap pa rin ang kawalang-katarungan at karahasan sa iba't ibang dako ng mundo.)

    Source: http://www.beaconlearningcenter.com/documents/1565_01.pdf

    Makikita rito ang nagawa ng Paris Peace Conference, patunay na bigo ang anumang nagagawa ng tao para pairalin ang tunay na kapayapaan. Malayong magawa ito ng "apat na anghel" na pumigil sa apat na hangin, anupat natigil ang pagpuksa sa lupa. Kung iisipin, sila ay inutusan ng isang "anghel" mula sa sikatan ng araw upang gawin ang pagpigil. Kung kumakatawan ang anghel kay Felix Manalo, ano ba ang nagawa niyang pakikipag-ugnayan sa "Big Four" kung mayron man? Sinasabi kasi na ang "anghel" na ito ay sumigaw sa "apat na anghel", isang pahiwatig ng malaking awtoridad ng anghel na ito mula sa silangan. Kung ang "apat na anghel" ay ang "Big Four", bakit hindi ipinakita ng ulat ng kasaysayan ang kaugnayan nila kay Felix Manalo?

    Gayunpaman, kung babalikan natin ang Paris Peace Conference, ano ba ang komento ng Big Four tungkol sa nagawa nila. Sabi ni Lloyd George, "Panandaliang kapayapaan." Sabi naman ni Georges Clemenceau, "Okay lang." Komento naman ni Colonel House, tagapayo ni Woodrow Wilson, "Ibang kapayapaan na lang sana ang pinili ko."

    Samakatuwid, masasabi mo bang mga anghel ang Big Four? Oo, gumamit nga ang Diyos ng mga tagapamahalang tao bilang kaniyang mga sugo o kinatawan, pero tiyak ang katuparan ng layunin ng Diyos sa kamay nila. Ngayon, gagamitin ba ng Diyos ang Big Four kung sila mismo ay bigo at nadismaya sa bandang huli? Malinaw na hindi nila alam kung paano pipigilan ang "hangin" ng pagkapuksa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya nakapagpatuloy ang pangangaral ng sugo dahil kahit papaano ay pansamantalang natigil ang digmaang pandaigdig,dahil kung nagpatuloy ang digmaang iyon hanggang ngayon sa palagay nyo po ba may makikita kayong mga magagara at malalaking kapilya ng INC...kitang kita naman pong natupad ang hula at pangako ng Diyos sa sugo "hindi kita pababayaan aking tutulungan aking aalalayan ng kanang kamay ng aking katuwiran" saan na po INC ngayon kitang kita ang tagumpay ng gawaing ng sugo sa Iglesia...

      Delete
    2. naiintindihan muba ang talata ?
      ang Dios ang sumigaw sa apat na anghel .
      hindi sinabing ang Ka Felix .
      may karapatan ba mag sugo ang ka Felix sa apat na anghel ? diba wala ?
      sino ba nag sugo sa apat na anghel ? diba ang Dios . napaka liwanag nyan kapatid .

      Delete
  15. Dahil, gaya ni Jesus, sila ay “hindi bahagi ng sanlibutan.” (Juan 17:14, 16) Neutral sila sa mga bagay na may kinalaman sa militar at pulitika, at sinusunod nila ang mga simulain sa Bibliya, anupat iginagalang ang kabanalan ng buhay at namumuhay ayon sa matataas na pamantayan sa moral. (Gawa 15:28, 29; 1 Corinto 6:9-11) Ang kanilang pangunahing mga tunguhin ay espirituwal, hindi materyal. Namumuhay sila sa sanlibutan, ngunit gaya ng isinulat ni Pablo, hindi nila ‘ito ginagamit nang lubusan.’ (1 Corinto 7:31)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Actually d po ako willing magbasa ng bible before pero for some reasons may narealize ako nung nagsuri po ako katulad nga po nyan hindi bahagi ng sanlibutan d nakikisali gaya ng protesta,halimbawa npo.
      Halos madami sa relehiyon ay nakikiisa sa kaguluhan lalo na sa panahon ngayon ,

      Nsa gitna lang po ako wala ako kinakampihan at itoy salig sa bibliya lamang dahil sabi nga ang BIBLIYA AY TUMPAK AT MAASAHAN

      Delete
  16. Sino po ba felix manalo ?isa po ba syang sakdal n tao ? Or dating anghel ?espiritong persona po ba ? Curious po ako , sa dami ko n na encounter n n mga relihiyon d ako naging aware sa kanya , at sa pagsusuri ko naman ng bible , nalaman ko na mas dapat natin pahalagahan at kilalanin ang kataastaasan sa lahat , ang maylikha ng langit at lupa , at ang kanyang bugtong n anak si jesus .

    ReplyDelete
  17. purihin natin ang panginoong dyos.. ang sarap magbasa ng mga ganito.

    ReplyDelete
  18. Akeeyah:
    si ka. felix Manalo ay ang sinasampalatayanan naming mga inc na sugo sa mga huling araw..

    ReplyDelete
    Replies
    1. paano po sinugo ng diyos si felix manalo? slamat po

      Delete
  19. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  20. An angel is generally a supernatural being found in various religions and mythologies.- NEVER EVER NA MAGING ANGHEL SI MANALO NA YAN. KAHIT ANONG PAIKOT-IKOT NYO AT GAWA NG PARAAN SA PAGBABAGO NG MEANING NG MGA TERMINOLOGIES EH MALIWANAG NA ANG ANGHEL AY SPIRIT.

    ReplyDelete
  21. And I saw another messenger- Revelations 7:2-3
    GINAWAAN TALAGA NG PARAAN NA ANG ANGHEL EH GINAWANG MESSENGER.

    ReplyDelete
  22. Sino ba ang anghel na God's messenger, bukod kay GABRIEL ilan sila kung meron pang iba?
    Sino sa mga Apostol at mga alagad ng Panginoong HesuKristo ang tinawag na anghel?
    Papaano siya naging sugo sa mga huling araw? Ayon sa biblia si Cristo.
    Juan 6:38 Sapagka't bumaba akong mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.
    Juan 6:39 At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na sa lahat ng ibinigay niya sa akin ay huwag kong iwala ang anoman, kundi ibangon sa huling araw.
    Juan 6:40 Sapagka't ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawa't nakakakita sa Anak, at sa kaniya'y sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay; at akin siyang ibabangon sa huling araw.
    Juan 6:44 Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin; at siya'y aking ibabangon sa huling araw.

    ReplyDelete

Any accusation attacking an individual or an organization without adequate proofs and evidences, will be DELETED, be responsible in what you are saying at all times.

ATTENTION TO THOSE WHO LEAVE COMMENTS IN THIS BLOG:

I think it’s about time to avoid confusion to anyone, that I will no longer allow anybody commenting in this blog posting as ANONYMOUS, regardless of his Religion and Affiliations. Any comments under the name of ANONYMOUS will be DELETED.

Any comments attacking a PERSON [Ad Hominem], instead of defending his Faith with honor and respect will be DELETED. Never accuse a person or an organization that we have no proper proofs or evidences to support our accusations. Hearsays and fabricated stories with a motive of hurting and dishonoring somebody [either an individual or an organization] will no longer be allowed and be tolerated in this Blog.

If anyone feels that what I have imposed is not fair? There is nobody stopping you in making your own Blog and rules that you so desire. I have all the rights to impose any rules for the sake of orderliness of this Blog as it is written in the Scriptures: “Everything must be done in a proper and orderly way.” [1 Cor 14:40, GNB].

My BLOG, My RULES…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

NET 25 - Iglesia Ni Cristo Network