|
Ang "LUBHANG KARAMIHAN" mga taong hindi aakyat sa Langit,
kundi mananatili lamang sa Lupa ayon sa mga SAKSI ni JEHOVA |
IPAGPAPATULOY po natin ang pagsagot tungkol sa isyung ito na nirequest ng isang ANONYMOUS sa ating Blog. Atin pong nasagot sa nakaraang post ang tungkol sa tamang kahulugan ng Lucas 12:32, na ang MUNTING KAWAN na tinutukoy sa talata na pagkakalooban ng AMA ng KAHARIAN na ang tinutukoy ay KAHARIAN NG LANGIT ay mga KAANIB ng IGLESIA NI CRISTO noong FIRST CENTURY, sapagkat ang KAWAN ay siya rin iyong IGLESIA na ipinakikilala ng Biblia. Wala pong mababasa sa Biblia na mga SAKSI NI JEHOVA ang mga iyon. Maliwanag po sa Biblia na sila ang mga kaanib ng UNANG IGLESIA na itinatag ni Cristo sa Jerusalem noong Unang Siglo [33A.D.].
Atin din pong napatunayan na hindi lamang sila ang may pangako na makakapasok sa KAHARIAN ng LANGIT dahil niliwanag ni Cristo na ang sinomang tao na gaganap sa kalooban ng AMA na nasa langit ay makapapasok rin sa kaharian ng Langit [Mateo 7:21]. Kaya po napakaliwanag na hindi lamang sa MUNTING KAWAN ibibigay ang KAHARIAN, kundi sa lahat ng tao na papayag na ganapin ang kalooban ng Diyos na matipon ang lahat kay Cristo na ito nga po ay sa pamamagitan ng PAGSANGKAP o PAGANIB sa kaniyang KATAWAN o IGLESIA, na ito nga po ay ang IGLESIA NI CRISTO na ipinakikilala ng Biblia.
Mga Saksi ni Jehova ba ang 144,000?
Ngayon atin naman pong puntahan ang kasunod na talata na kaniyang ibinigay ang Apocalypsis 14:1 at 3, basahin po natin:
Apocalypsis 14:1 “At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya'y ISANG DAAN AT APAT NA PU'T APAT NA LIBONG may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo.”
Apocalypsis 14:3 “At sila'y nangagaawitan na wari'y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang ISANG DAAN AT APAT NA PU'T APAT NA LIBO LAMANG, SA MAKATUWID AY SIYANG MGA BINILI MULA SA LUPA.”
Dito may binabanggit na bilang ng mga tao na ISANG DAAN AT APAT NA PU’T APAT NA LIBO o 144,000 na mga tao na nagtataglay ng PANGALAN ni Cristo at PANGALAN ng AMA, at kitang-kita po sa mga TALATANG iyan na wala naman pong mababasa na sila lang ang makapapasok sa Langit, hindi po ba?
Ngunit ang maliwanag na sinasabi sa talata na sila iyong mga tao na BINILI MULA SA LUPA. Samakatuwid sila ay mga taong BINILI o TINUBOS ng DUGO ni Cristo.
Apocalypsis 5:9 “At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't IKAW AY PINATAY, at BINILI MO SA DIOS NG IYONG DUGO ANG MGA TAO sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa.”
At nabasa na natin sa nakaraan na ang BINILI o TINUBOS ng DUGO ni CRISTO ay ang mga KAANIB sa kaniyang IGLESIA o IGLESIA NI CRISTO [Gawa 20:28, Lamsa Version]. Kaya muli na naman po nating napatunayan sa pamamagitan ng Biblia, at hindi sa pamamagitan ng kuro-kuro o pala-palagay, na ang 144,000 ay mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO at hindi miyembro ng mga SAKSI NI JEHOVA. Dahil nagkaroon lamang po ng pangalang “SAKSI NI JEHOVA” noong 1931, hindi po iyan ang pangalan ng kanilang samahan noong magsimula ito sa America noong 1870, sila po ay kilala lamang sa pangalang BIBLE STUDENTS noon sa pangunguna ng kanilang founder na si CHARLES TAZE RUSSELL, na isang dating Adventist.
Bukod pa doon ang mga KAANIB ng IGLESIA NI CRISTO ang talagang nagtataglay ng PANGALAN ni Cristo at ng PANGALAN ng AMA eh. Basahin natin ang sinabi ni Cristo:
John 17:11 “And now I am coming to you; I am no longer in the world, but they are in the world. Holy Father! KEEP THEM SAFE BY THE POWER OF YOUR NAME, THE NAME YOU GAVE ME, so that they may be one just as you and I are one.” [Good News Bible]
Sa Filipino:
Juan 17:11 “At ngayon ako’y papunta na sa iyo; Wala na ako sa sanglibutan, ngunit nasa sanglibutan pa sila. Amang Banal! INGATAN MO SILA SA KAPANGYARIHAN NG IYONG PANGALAN, ANG PANGALANG IBINIGAY MO SA AKIN, upang sila’y maging isa na gaya natin na iisa.”
Napakaliwanag po na ang PANGALAN na ibinigay ng Diyos kay JESUS ay PANGALAN ng Diyos, hindi pansariling PANGALAN ng Diyos, kundi PANGALANG PAGAARI ng Diyos. Alin po ang PANGALANG iyon?
Gawa 4:12 “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't WALANG IBANG PANGALAN sa silong ng langit, NA IBINIGAY SA MGA TAO, na sukat nating ikaligtas.”
Gawa 2:36 “Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na GINAWA NG DIOS NA PANGINOON AT ‘CRISTO’ ITONG SI JESUS na inyong ipinako sa krus.”
Ang pangalang CRISTO ang pangalan na pag-aari ng Diyos na ibinigay kay JESUS na ibinigay naman sa mga tao, at ang nagtataglay ng Pangalang CRISTO ay nagtataglay ng pangalang ikaliligtas. Ito lamang ang pangalang ibinigay ng Diyos na dapat taglayin ng tao.
Kaya nga napakaliwanag eh, kaya nga IGLESIA NI CRISTO ang tawag dala-dala nila o taglay nila ang pangalan ng Cordero na pangalang pag-aari ng Diyos, ang pangalang CRISTO, at hindi po JEHOVA ang sinabi ng Biblia.
Ang maliwanag pong mababasa sa Biblia ay ang PANGALANG “IGLESIA NI CRISTO” sapagkat ito po ay pangalang umiral na noon pang nandirito si Cristo sa lupa at nabubuhay pa ang mga Apostol. At pinatutunayan iyan maging ng isang PARI ng Iglesia Katolika, na nagsuri ng kasaysayan.
“Did Jesus Christ establish a Church? Yes, from all history, both secular and profane, as well as from the Bible considered as a human document, WE LEARN THAT JESUS CHRIST ESTABLISHED A CHURCH, WHICH FROM THE EARLIEST TIMES HAS BEEN CALLED AFTER HIM the Christian Church or THE CHURCH OF CHRIST… this church, founded and organized by Jesus Christ and preached by the apostles, is THE CHURCH OF CHRIST,… IT IS THE ONLY TRUE CHURCH AND THE ONE WHICH GOD ORDERS ALL MEN TO JOIN.” [Religion: Doctrine and Practice, by Rev. Francis Cassily, pages. 442-443 and page 444]
Salin sa Filipino:
“Si Jesu Cristo ba ay nagtatag ng isang Iglesia? Oo, mula sa lahat ng kasaysayan, kapuwa pangsanglibutan at hindi pangkabanalan, lalo na mula sa Biblia na itinuturing na isang dokumentong makatao, ATING NATUTUNAN NA SI JESU CRISTO AY NAGTATAG NG ISANG IGLESIA, NA MULA SA MGA UNANG PANAHON AY TINAWAG NG SUNOD SA KANIYA ang Iglesia Cristiana o ang IGLESIA NI CRISTO…ang Iglesiang ito, itinatag at binalangkas ni Jesu Cristo at ipinangaral ng mga apostol, ay ang IGLESIA NI CRISTO,…ITO LAMANG ANG TUNAY NA IGLESIA NA PINAGUTOS NG DIYOS NA ANIBAN NG LAHAT NG TAO.”
Maliwanag na pinatutunayan maging ng Paring ito ng Iglesia Katolika na si Cristo batay sa lahat ng kasaysayan lalo na batay sa Biblia, ay nagtayo ng isang IGLESIA na tinawag ng sunod sa kaniya ang IGLESIA NI CRISTO.
Wala po tayong mapagbabatayang Biblia, o kahit na ano pa mang aklat ng History na magpapatunay na ang samahan na itinatag ni Cristo ni ang mga UNANG CRISTIANO ay tinawag sa pangalang “MGA SAKSI NI JEHOVA”, Dahil una wala naman pong salitang JEHOVA sa alin mang sinauang manuskrito ng Biblia na nasa wikang Hebreo, Aramaiko, at Griego. Ang Pangalang JEHOVA ay pangalang ginawa o galing lamang sa SIMBAHANG KATOLIKO.
Para sa karagdagang kaalaman magpunta po kayo sa LINK na ito:
At alam niyo po ba ang isa pa sa kakaibang paniniwala nila tungkol sa 144,000? Naniniwala po sila na hanggang sa kasalukuyang panahon ay may nabubuhay pa sa kanila. At sila iyong tinatawag nilang mga REMNANTS o MGA NALABI, at sila lamang ang may karapatang tumanggap o bumahagi sa TINAPAY at KATAS ng UBAS sa panahon ng kanilang tinatawag na MEMORIAL na sa INC naman ay tinatawag na BANAL NA HAPUNAN. Kaya nung minsan akong naimbitahan sa kanilang memorial ay ni isa sa kanila ay walang kumuha ng tinapay o uminom sa kopita na may katas ng ubas, ang umiinom lang daw doon ay ang mga REMNANT na kabilang sa 144,000, narito ang paliwanag nila:
"144,000 ANOINTED. HOW MANY ARE THERE LEFT THAT IS STILL ALIVE TODAY?"
8,570 partook of the bread and wine in 2004
"WHEN DID THE 144,000 ANOINTED COMPLETED AND FULLFILLED THE NUMBER OF 144,000?"
EVIDENTLY, THE GATHERING OF THESE WAS VIRTUALLY COMPLETE BY 1935. Then “a great crowd, which no man was able to number, out of all nations and tribes and peoples and tongues, standing before the throne and before the Lamb.” (Revelation 7:9-17) began to be collected in.
Increasing numbers (at that time) of those who heeded the message and who showed zeal in the witness work came to profess an interest in living forever on the Paradise earth. THEY HAD NO DESIRE TO GO TO HEAVEN. That was not their calling. They were no part of the little flock but rather of the other sheep. (Luke 12:32; John 10:16) Their being identified in 1935 as the great crowd of other sheep was an indication that the choosing of the 144,000 was then about complete.
Lumalabas sa kanilang paliwanag na nakumpleto ang pagtatatak sa 144,000 noong 1935, pagkatapos ng taong iyon ang sumunod naman na mga pinili ay ang LUBHANG KARAMIHAN na ayon sa kanila ay hindi naghahangad na manirahan sa LANGIT.
Kitang-kita din po sa kanilang paliwanag na noong 2004 ay mayroong 8,570 na mga tao ang bumahagi o tumanggap sa kanilang MEMORIAL, maliwanag kung gayon na mayroon pang 8,570 na kabilang sa 144,000 umano ang nabubuhay pa sa panahon natin.
Kaya lumalabas sa kanilang paliwanag:
Mula 1870 hanggang 1935 Pagtatatak at pagpili sa 144,000 na maninirahan sa LANGIT.
Mula 1935 hanggang sa panahon natin ngayon ay ang pagpili naman sa LUBHANG KARAMIHAN na maninirahan sa LUPA.
Eh kung ikaw ay isang kapapanganak pa lang na sanggol noong 1935 at isa ka sa REMNANT. lumalabas na ang edad mo noong tumanggap ka sa MEMORIAL noong 2004 ay 69 years old. Eh paano iyong ang edad ay 30 anyos na noong 1935, lalabas kung gayon na ikaw ay 99 years old na nang bumahagi ka sa MEMORIAL noong taon na iyon.
Klaro ang kanilang pagkakaunawa na hanggang ngayon ay may nabubuhay pa sa mga taong kabilang sa 144,000 na tinutukoy sa Banal na Kasulatan. Totoo kaya ito?
144,000 na ipinakikilala ng Biblia posible bang nabubuhay pa sa panahon natin?
Sino ba talaga iyong mga taong ito na kabilang sa 144,000, posible po ba na sila ay buhay pa sa panahon natin ngayon?
Basahin po natin ang pagpapakilala sa kanila ng Biblia:
Apocalypsis 14:3 “At sila'y nangagaawitan na wari'y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang ISANG DAAN AT APAT NA PU'T APAT NA LIBO lamang, sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa.”
Apocalypsis 14:4 “Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga malilinis. At ANG MGA ITO'Y ANG NAGSISISUNOD SA CORDERO SAAN MAN SIYA PUMAROON. ANG MGA ITO'Y ANG BINILI SA GITNA NG MGA TAO, na naging mga PANGUNAHING BUNGA sa Dios at sa Cordero.”
Ang 144,000 po na mga taong ito ay imposible po na buhay pa sa panahon natin dahil sila po ang mga PANGUNAHING BUNGA sa DIYOS at sa CORDERO, sila po iyong personal na nakasama ng Panginoon at sumunod sa kaniya saan man po siya pumaroon noong nandirito pa siya sa lupa. Sila po ang PANGUNAHING BUNGA ng gawain ng Panginoong Jesus sa bansang ISRAEL.
Sa madaling salita gaya po ng ating napag-aralan sa nakaraan, sila ang mga unang naging mga CRISTIANO o unang mga naging kaanib sa UNANG IGLESIA.
At dahil po sa ang gawain ni Cristo ay Unang lumaganap sa dako ng mga JUDIO kaya ang 144,000 na binabanggit ay mga LAHING JUDIO o LAHING ISRAELITA po lamang, gaya ng ating mababasa sa talatang ito:
Apocalypsis 7:4 “At narinig ko ang bilang ng mga natatakan, na ISANG DAAN AT APAT NA PU'T APAT NA LIBO, na NATATAKAN, SA BAWA'T ANGKAN NG MGA ANAK NI ISRAEL:”
Klarong-klaro po iyan mga kaibigan, na ang 144,000 ay MGA LAHING ISRAELITA. Na mula sa labingdalawang angkan ng mga anak ni Jacob o ni Israel, gaya ng ating mababasa sa susunod:
Apoc 7:5 “Sa angkan ni JUDA ay LABINGDALAWANG LIBO ang tinatakan; Sa angkan ni RUBEN ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni GAD ay LABINGDALAWANG LIBO;”
Apoc 7:6 “Sa angkan ni ASER ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni NEFTALI ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni MANASES ay LABINGDALAWANG LIBO;”
Apoc 7:7 “Sa angkan ni SIMEON ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni LEVI ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni ISACAR ay LABINGDALAWANG LIBO;”
Apoc 7:8 “Sa angkan ni ZABULON ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni JOSE ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni BENJAMIN ay LABINGDALAWANG LIBO ang tinatakan.”
Atin pong i-summarize:
JUDA = 12,000
RUBEN = 12,000
GAD = 12,000
ASER = 12,000
NEFTALI = 12,000
MANASES = 12,000
SIMEON = 12,000
LEVI = 12,000
ISACAR = 12,000
ZABULON = 12,000
JOSE = 12,000
BENJAMIN = 12,000
_____________________________
144,000
Sila po ang mga NATATAKAN na mga LAHING ISRAELITA. Kaya po maliwanag na hindi maaaring buhay pa sa panahon natin ang mga taong ito dahil sila po ay ang mga UNANG naging KAANIB sa IGLESIA noong UNANG SIGLO na NATATAKAN ng ESPIRITU SANTO matapos na sila ay makapakinig at sumampalataya sa aral ng EVANGELIO o ng mga salita ng Diyos:
Efeso 1:13 “Na sa kaniya'y kayo rin naman, PAGKARINIG NG ARAL NG KATOTOHANAN, NG EVANGELIO NG INYONG KALIGTASAN, na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay KAYO'Y TINATAKAN NG ESPIRITU SANTO, NA IPINANGAKO,”
Ang pagtatatak ay ang PANGANGARAL ng EVANGELIO o SALITA ng DIYOS, at kapag ikaw ay SUMAMPALATAYA tatanggapin mo ang kaloob na TATAK na siyang ESPRITU SANTO.
Isa pong napakaimposibleng aral, ang doktrina ng mga Saksi ni Jehova tungkol sa 144,000.
Maliwanag po sa Biblia na ang 144,000 po ay ang mga PANGUNAHING BUNGA ng gawain ni Cristo nang siya ay mangaral noon sa ISRAEL, sila ang mga UNANG naging kaanib ng IGLESIA NI CRISTO noong FIRST CENTURY na may pangakong magmamana ng KAHARIAN ng LANGIT at siyempre kasama rin ng iba pang gumanap ng kalooban ng AMA na nasa LANGIT, na pumayag na maging bahagi o sangkap ng KATAWAN ni CRISTO na siya niyang IGLESIA [Colosas 1:18].
Itutuloy pa po natin ang pagtalakay…